Kristine Series 06: Kapirason...

By Imperfect_Philozoic

26.2K 689 30

Anuman ang gawin ni Aura ay hindi niya mapaglabanan ang damdamin na naramdaman kay Miguel. Unti-unting nabubu... More

Amanda - Kapirasong Papel (Kristine Series 06)
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten - Finale

Chapter Five

2K 62 1
By Imperfect_Philozoic


MALIWANAG ang pool side at mayroong mahabang lamesang puno ng masasarap na pagkain sa isang tabi habang nakakalat ang mga mesang inookupa ng mga panauhin. Mayroong unoccupied space para sa mga nais magsayaw.

Pumapailanlang ang isang waltz na sinasaliwan ng halakhak ng mga nagka-kasayahang bisita.

Pawang malalapit na kamag-anak at kaibigan ng pamilyang Redoblado ang naroroon nang gabing iyon.

Alas-siyete ng gabi nang magsimula ang kasayahan. Paroo't parito ang mga tagasilbi ng pagkain at inumin.

Magkakasama sa isang mesa sina Aura at Laura, gayundin si Gabriel na nakaalalay sa asawang si Krizelda.

Si Miguel ay nasa mesa ng pamilya ni Vivian sapagka't halos ayaw nang pakawalan ng babae.

"Hindi ko alam kung ano pa ang inaayaw ni Miguel kay Vivian. Bagay na bagay naman sila, hindi ba, Gabriel?" ani Laura na nangingiti habang tinitingnan ang nakatatandang kapatid.

"Alam mong ayaw ni Miguel sa babaeng siyang humahabol-habol."

"C'mon, Gabriel, alam mong ganyan lang talaga si Vivian. But deep inside, she's a very conservative person. I know her values and stand about morality," pagtatanggol ni Laura sa kaibigan.

Lihim na napangiti sa narinig si Aura. Hindi siya makapaniwalang may pagka-conservative si Vivian, na parang sawang nakapulupot ang mga braso sa baywang ni Miguel.

"You're trying to say na baligtad na ngayon ang mundo, Laura. Na ang mga tulad ni Vivian ang conservative at ang mga katulad mo ang hindi, ganoon ba?" panunudyo ni Gabriel sa dalagang pinamulahan ng pisngi.

"You're a brute! Hindi ko nga malaman hanggang ngayon kung bakit napaniwala mo si Krizelda," ganti ni Laura.

"Ang brutong 'yan ang minahal ko, Laura, at kasama na ang kanyang pagiging bruto," si Krizelda, na lagi na'y nakahawak sa impis pa namang tiyan.

Naputol ang pag-aargumento ng magkapatid na Laura at Gabriel nang lumapit sa mesa nila ang mag-asawang Guada at Rodrigo.

Nagniningning sa kaligayahan ang mga mata ng matandang babae at magandang-maganda ito sa suot na bestidang kulay asul, maria clara-style ang manggas at halos sumayad na sa lupa ang haba.

Si Rodrigo, na bagaman mayroon nang mga uban ay makisig na makisig sa suot na amerikanang kulay asul. Mababakas ang labis na pagmamahal sa mga mata nito sa tuwing tititigan ang esposa.

Nakikita ni Aura kay Rodrigo ang kaanyuan ni Miguel kapag tumuntong na sa ganoong edad.

"You look fabulous, Ma," ani Gabriel na tumayo upang halikan ang ina. "And you're very gallant, Sir," anito sa ama.

"Oh, thank you, hijo. You're a flatterer," si Guada.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, hija?"

baling ni Rodrigo kay Krizelda.

"I'm okey now. Hindi pa nga lang puwedeng sumayaw ng cha-cha," pabirong sagot nito.

"Are you enjoying yourself, Aura?" tanong ni Guada sa dalaga.

"Yes, of course."

"Nasaan nga pala si Miguel?"

"Hayun at hindi na naalis sa tabi ni Vivian, Mama," ani Laura. "He's coming," dugtong pa nang makitang nagpaalam ang kapatid sa mga kasama sa mesa upang lumapit sa kanila.

Naiwang nakasimangot si Vivian.

"You're marvelous, Ma. You're the most beautiful mother in the world," si Miguel na humalik sa pisngi ni Guada.

"Oh, talagang ang mga batang ito..." Naluluha sa kaligayahan si Guada.

"I think we have to move on, sweetheart. Kumakaway sa atin si Cong. Generosa," ani Rodrigo sa esposa.

Nagpaalam sa kanila ang mag-asawa. Naupo si Miguel sa tabi niya.

"Bakit hindi mo isinama rito si Vivian," ani Laura na nanunudyo. "Hindi mo pa ba siya ipakikilala sa amin bilang fiancée?"

"Don't spoil the evening, Laura. Bakit hindi ikaw ang nagdala ng fiancée para nakita mo kung ano ang magiging reaksyon ng mama at papa?" ganti nito.

Muli na namang pinamulahan ng pisngi ang dalaga. "Oh, you...!"

Nagkatawanan sila.

Napalitan ng instrumental na love song ang waltz na pumapailanlang mula pa kanina.

Agad na binalingan ni Miguel si Aura.

"Care to dance?" nag-aanyayang sabi sa dalaga.

Napasulyap si Aura kay Krizelda at nakita niyang lihim na kinikilig ang kapatid. Nag-init ang mukha niya.

"C'mon, Aura, hihiyain mo pa ba ako?"

Napangiti siya nang makita ang pagsusumamo sa mga mata ni Miguel. Iniabot niya rito ang kamay niya.

Pumagitna sila sa matatandang nagsa-sayaw.

Bumilis ang tahip ng dibdib ni Aura nang hapitin ni Miguel ang kanyang baywang.

"Hindi kaya magalit si Vivian? Ako ang isinasayaw mo gayong dapat sana'y siya?"

"Ako ang magdedesisyon kung sino ang gusto kong isayaw."

"I don't want to create a scene, Miguel..."

"Hindi eskandalosa si Vivian..."

"That's not what I mean."

"Then... what?"

Umiling siyang hindi malaman ang sasabihin. Ano nga ba ang kinatatakutan niyang mangyari gayong nagsasayaw lang naman sila?

"Marami akong gustong sabihin sa iyo, Aura... at sana, paniwalaan mo."

Nag-angat ng mukha si Aura. Nahigit niya ang paghinga nang maramdaman ang mainit na hininga nitong dumadampi sa kanyang pisngi.

Para siyang malulunod nang mga oras na iyon. Hindi niya namalayang napahigpit ang kapit niya sa balikat ni Miguel.

"You know the title of the song?" tanong ng binata na ang tinutukoy ay ang isinasayaw nila.

Tumango si Aura. "Speak softly love..."

bulong niya.

"I think I'm in love with you..." mahinang-mahina, halos bulong iyong malinaw na narinig ng dalaga.

Saglit na hindi nakahuma si Aura. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito. Nang makabawi ay kumalas siya sa pagkakayakap nito ngunit nahawakan ni Miguel ang kanyang braso.

"Eso es mentira!"

"Pangalawang beses kong narinig sa iyo ang salitang iyan. At uulitin ko, hindi ako nagsisinungaling."

"You don't know what you're talking about, Miguel. Let me go, bago pa tayo makalikha ng eksena."

Nang makitang nagsisimula na silang mapansin ng mga tao ay binitiwan nito ang kamay ng dalaga.

Mabilis na lumayo si Aura. Sinundan na lamang ito ng tingin ni Miguel.

Nilapitan ng dalaga ang mag-asawang Redoblado at nagpaalam na magpapahinga na. Idinahilan niyang sumasakit ang kanyang ulo. Nakaunawa naman ang mga ito at nagpakita ng pag-aalala.

Nang makapasok sa kabahayan ay hinigit niya ang paghinga. Dibdib niya ang sumasakit at hindi ang ulo. Problema ang hatid sa kanya ng kaalamang may pagtingin sa kanya si Miguel. At kaya nagkaganoon ay dahil nararamdaman niyang sa loob ng maikling panahon ay nagkaroon ito ng puwang sa puso niya.

If it's love at the wrong place at the wrong time...? Hindi niya sigurado.

Animo binibilang ang mga hakbang na pumanhik siya sa kuwartong inookupa. Hinubad lamang niya ang sapatos at hindi nagpapalit ng damit na nahiga sa kama.

Sa kaiisip sa mga planong hindi pa niya naisasakatuparan, at sa dagdag na problemang dala ni Miguel ay nakatulog siya.

Naalimpungatan si Aura nang maram-daman ang marahang haplos sa kanyang pisngi. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at awtomatikong napabalikwas nang makita si Miguel na nakatunghay sa kanya.

"What are you doing...?" tanong niyang nagpa-panic.

"Masakit daw ang ulo mo, sabi ng Mama. I wanna know if you're okey now."

Nang muling hahaplusin ni Miguel ang mukha niya'y mabilis niyang iniiwas. "I-I'm okey. You can leave... Baka may makaalam na nandito ka sa kuwarto ko at kung ano ang isipin."

"Nobody knows I'm here."

"Hahanapin ka nila at—"

"Wala akong pakialam."

"Miguel..."

Ikinulong ng binata ang mukha ni Aura sa mga palad nito. Hindi nagawang tumutol ng huli nang dampian ni Miguel ng halik ang tungki ng ilong niya.

"Miguel, no..." Nararamdaman ni Aura na nanghihina ang kanyang depensa. Tinangka niyang bumangon, at sa ginawa'y nagkadikit ang kanilang mga dibdib. Nanuyo ang kanyang lalamunan.

"You are so beautiful. Let me kiss you."

Bago pa nakatugon ay nasa mga labi na niya ang mga labi ni Miguel.

"Open your mouth, honey. I want to taste it," nag-uutos na sabi nito sa pagitan ng mga halik, habang ibinababa ng isang kamay ang zipper ng bestida ni Aura.

Nang maramdaman iyon ng dalaga'y mabilis na nahiga. Nadaganan niya ang isang kamay ni Miguel. Ngunit sa huli'y nagsisi siya pagka't lalo lamang nagkadikit ang kanilang mga katawan.

Pinilit niyang hanggang sa huling sandali'y mapanghawakan ang self-control. Inipon niya ang natitirang lakas at itinulak ito.

Nawalan ng balanse si Miguel at nahulog sa kama.

Habol ang paghingang nanatiling nakahiga si Aura. Hinihintay niyang tumayo si Miguel ngunit nakalipas na ang isang minuto'y hindi pa rin ito bumabangon. Tahimik na tahimik at maririnig niya ang sariling hingal.

Lumipas pa ang ilang minuto at kinabahan na siya. Baka napasama ang bagsak ni Miguel sa semento!

Kinakabahang bumangon siya at tinunghayan ang binatang walang kagalaw-galaw sa pagkakahiga sa sahig.

"Miguel..." Walang tugon sa pagtawag niya. "Miguel, are you alright?"

Nang hindi pa rin kumikilos ay bumaba siya sa kama at naupo sa tabi nito. Akmang dadamahin niya ang tapat ng puso nito nang magmulat ng mga mata ang binata at hawakan ang kanyang kamay.

"Did I frightened you?" nakakalokong tanong nito.

"Cielos! Tinakot mo ako!" Napahawak sa dibdib ang malayang kamay ni Aura.

Nagtawa si Miguel sa nakitang pag-aalala sa mukha ng dalaga. Bumangon ito at inalalayang makatayo si Aura. Hindi inaasahan ang pagsayad ng manipis na palad ng huli sa pisngi nito.

"Damn you!" sa nanginginig na tinig ay bulalas ni Aura. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. "Damn you for making me feel so frightened!"

"I'm sorry... it was a joke."

Nanlulumong napaupo sa gilid ng kama ang dalaga. Pinahid ang luhang namalisbis sa pisngi niya.

"Leave me alone, please," pakiusap niya.

Humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Miguel at tumalima.

"NATUTUWA ako sa nakikita kong pagbabago, Aura," ani Krizelda habang nakaupo sila at nag-uusap sa sala.

Nasa Kristine Hotel si Gabriel kasama sina Guada at Rodrigo. Si Miguel ay naglibot sa taniman ng niyog sakay ng kabayo.

"May kinalaman ba si Miguel sa mga pagbabagong nakikita ko?"

Hindi sumagot si Aura.

"Hindi ako tutol kung siya ang makakatuluyan mo..."

"Will you shut up, Krizelda! Huwag mo akong i-match sa lalaking iyon dahil wala akong gusto sa kanya! At naparito ako para magbakasyon, hindi para maghanap ng asawa!"

"No es necesario que hables tan alto, te oigo muy bien," ani Krizelda na ang ibig sabihi'y hindi na kailangang maglakas ng boses ni Aura sapagka't malinaw nitong narinig ang dalaga.

"Lo siento mucho, Krizelda," pagpa-paumanhin niya nang maalala ang maselang kalagayan ng kapatid.

Nakauunawang ngumiti si Krizelda.

Marami pang napagkuwentuhan ang magkapatid ngunit hindi na nabanggit pa ang pangalan ni Miguel.

Naglalaro sila ng chess nang dumating si Miguel kasama si Vivian. Nakasuot ng pantalon at boots ang babae kaya nahulaan ni Aura na kasama itong namasyal ng binata.

May kirot siyang naramdaman sa dibdib sa isiping kagabi lamang ay ibinubulong sa kanya ni Miguel ang mga kataga ng pag-ibig pero heto ngayon at ibang babae ang kasama.

Matapos batiin ng mga ito si Krizelda ay basta na lamang tumalikod na animo hindi siya nakita. Tuloy-tuloy na pumanhik sa hagdanan patungo sa kuwarto ni Miguel.

Nag-iinit ang mukhang itinuon niya ang konsentrasyon sa laro. At humanga sa kanya ang kapatid nang agad ay talunin niya ito.

"You're jealous," nangingiting tudyo ni Krizelda nang mapansin ang pagpupuyos ni Aura.

"No, I'm not!" tanggi ng dalaga.

Nagkibit ito ng balikat at tumayo. "Tanghali na pala. Ipahahanda ko na ang mesa kay Marita."

Nagpasalamat si Aura at hindi na nasundan pa ang panunudyo ni Krizelda.

Matapos ang paghahain ay kasabay nilang dumulog sa hapag sina Miguel at Vivian na ipinatawag ni Krizelda. Ibig mawalan ng gana ni Aura dahil sa nakikitang sweetness ng dalawa.

"Ito lang namang si Miguel ang hinihintay ko, e. Huwag na huwag siyang magkakamaling yayain akong pakasal, mapapasubo siya," may ikinukuwento si Vivian kay Krizelda.

Bored ang reaction ni Aura sa mga sinasabi ng dalaga. Lingid sa kaalaman niyang pinagmamasdan siya ni Miguel. At napapangiti ito sa nakikitang reaction niya.

"Well, palagay ko'y dapat na nga ring mag-asawa ni Miguel," ayon ni Krizelda.

"Huwag kayong mainip. Nakita ko na ang babaeng pakakasalan ko, one of these days, makikilala n'yo siya," anang binatang nakatutok ang mga mata kay Aura.

Pinamulahan ng pisngi ang dalaga. Tuluyan na siyang nawalan ng ganang kumain. "Excuse me," paalam niyang sa kapatid nakatuon ang mga mata.

"Are you finish, Aura? Hindi mo man lang nagalaw ang pagkain sa plato mo," takang tanong ni Krizelda.

"Wala akong gana."

"Maybe, she didn't like the food," ani Vivian na sinulyapan si Aura, with superficial sympathy.

Hindi niya ikinatuwa ang sinabi ng dalaga. Lumalabas sa pandinig niya na ito'y nang-iinsulto.

"No, I like the food. Kaya lang, nawawalan ako ng gana, everytime there's a loud talker."

Tila napapahiyang napa-'oh' si Vivian.

Walang nasabi si Krizelda at napailing na lamang si Miguel.

Tahimik ang tatlo nang iwan ni Aura.


                                                    **********

Continue Reading

You'll Also Like

25K 672 12
They were virtually strangers. Subalit dahil ang flower shop ni Mackenzie ang maglalagay ng mga bulaklak sa kasal ni James Moraga, he invited her to...
885K 40.1K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
7.1K 123 11
"Immuned ka na ba sa mga lalaki?" ani Jolo. Pumihit ito paharap kay Aileen. At nang tila mainip sa sagot nya ay walang paalam na hinaplos nito ang ka...