Kristine Series 06: Kapirason...

By Imperfect_Philozoic

21.6K 614 27

Anuman ang gawin ni Aura ay hindi niya mapaglabanan ang damdamin na naramdaman kay Miguel. Unti-unting nabubu... More

Amanda - Kapirasong Papel (Kristine Series 06)
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten - Finale

Chapter Four

1.6K 52 1
By Imperfect_Philozoic


SA likod ng shop ay mayroong covered court na nalalatagan ng bermuda. Salit-salit na flat stones ang nilalakaran malapit sa fountain na estatwa ng dalawang sirena na nagbubuhos ng tubig mula sa mga banga.

"Do you believe in mermaids, Madam Zarina?" naisipang itanong ni Aura nang sandali silang huminto upang malasin ang napakagandang work of art.

"Yes and no..." Sinagot nito ang tanong niya habang nakatitig sa dalawang estatwang sirena. "Yes, dahil posibleng mayroong mga nilalang na tulad natin ang nilikha ng Diyos, at naninirahan sa ilalim ng dagat. Kaya lamang, iba ang kanilang kabuuan, 'yong aakma sa environment na kinaroroonan nila..."

"They have fish tails, dahil lumalangoy sa tubig at hindi naglalakad," sabad ni Miguel na naging interesado sa pinag-uusapan ng dalawang babae.

"Yes. And perhaps they have gills rather than lungs, because how can they breathe underwater?" si Aura.

"Precisely. Naiisip ko, sa pinakapusod ng karagatan naninirahan ang mga sirena at siyokoy. At tulad nati'y mayroong certain point na maaari silang marating. Kung tatanungin n'yo ako kung bakit hindi natin nakakahalubilo o nakikita ang mga nilalang na katulad nila, marahil, dahil ang nilikha sa tubig ay para sa tubig, at ang nilikha sa lupa ay para sa lupa."

Tumango ng pagsang-ayon si Aura. "And why no?" pagdaka'y tanong niya.

"Well, dahil wala pa akong nakikita."

Nagkatawanan sila at nagpatuloy sa paglakad.

"May mga bagay sa mundo na hindi kayang ipaliwanag ng siyensiya, at hindi kayang unawain ng isip. Ngunit may mga bagay na kailangan lamang nating tanggapin para maunawaan..." Makahulugan ang sulyap na ipinukol ni Madam Zarina kay Aura, "...at kailanman ay hindi natin matatakasan ang katotohanan."

Nakarating sila sa harap ng bahay na dalawang palapag. Binuksan ni Madam Zarina ang pinto at pinapasok sila.

Tahimik sa buong kabahayan at prominente ang ingay na nililikha ng takong ng sapatos ni Aura sa marmol na sahig.

Tumawid sila sa sala at binuksan ni Madam Zarina ang isang pinto na nakaharap sa silangan. Nagbigay-daan ito nang pumasok sila.

Iginala ni Aura ang paningin mula sa bilog na mesang nasasapinan ng pulang tela. Sa isang sulok ay mayroong altar na pinangga-galingan ng amoy ng insenso na pumupuno sa silid. Mayroong bookshelf na puno ng mga aklat, at isang kabinet na natatakpan ng salamin. Makikita ang iba't ibang uri ng di-maipaliwanag na mga bagay na nakapaloob doon.

"Have a seat," ani Madam Zarina.

Naupo sina Miguel at Aura sa magkatabing upuan. Sa kaibayo nila ang babae.

Unang tinitigan ni Madam Zarina si Miguel. "Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin naniniwala sa hula."

Natawa ang binata.

"Gayunpaman, naa-appreciate ko ang presensiya mo, Miguel, dahil nakikinig ka at hindi kumokontra sa mga sinasabi ko."

"So you're a fortune teller," ani Aura.

Nakangiting binalingan ni Madam Zarina ang dalaga. "Sometimes. But I am into palmistry. Pinayaman ko ang aking kaalaman sa palmistry nang magpunta ako sa India. Give me your hand..."

Hindi pa nararanasan ni Aura ang magpahula at nagbangon ang kaba sa dibdib niya. Paano kung mabasa ni Madam Zarina ang nakaraan at hinaharap sa mga palad niya, at mabulgar ang lihim ng kanyang pagkatao?

Natatakot siya.

"Give me your hand, Aura..." ulit ni Madam Zarina nang makalipas ang ilang sandali'y hindi iabot ng dalaga ang palad dito.

Wala sa loob na naiurong niya ang mga kamay at pinagpatong sa kandungan. Natatakot siya kay Madam Zarina at sa maaaring malaman nito

"Aura..." si Miguel, na kanina pa pinagta-takhan ang aktuwasyon ng dalaga.

"I-I don't want to... I hope you understand, Madam Zarina."

Umunat sa pagkakaupo ang babae at tumitig sa mukha ni Aura. Mayamaya'y pumikit ito — na parang may inaalala — napakunot ang noo at magkakahalong emosyon ang mababakas sa mukha nito. Makalipas ang ilang sandali'y muling nagmulat ng mga mata.

"You don't have to give me your hand, Aura. Iginagalang ko ang kagustuhan mo. Pero makabubuting kalimutan mo na ang hinanakit at galit na nararamdaman mo. Walang buting idudulot ito sa iyo. At tandaan mo, hindi makatatagpo ng kaligayahan ang isang tao habang namamahay sa kanyang puso ang hatred... and anger.

"Ipasa-Diyos mo na lamang ang lahat at tanggapin mo ang katotohanan. Kung anuman ang nangyari, it's their common decision. Kailangan nilang gawin iyon, dahil iyon ang nakatakda."

Pumagitan ang mahabang katahimikan. Namalayan na lamang ni Aura na nag-uunahang pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

Ikinubli niya iyon sa pamamagitan ng pagyuyuko ng ulo ngunit nakita pa rin ni Miguel. Napakunot ang noo ng binata.

Upang bigyan ng pagkakataong magbalik sa normal ang pakiramdam ng dalaga'y inagaw nito ang atensyon ni Madam Zarina.

"Ako naman ang hulaan mo, Madam Zarina," anito na parang walang nangyayari.

Ngumiti ang babae at inabot ang kaliwang palad ni Miguel. "Hmn... natatandaan mo ba ang sinabi ko sa iyo two years ago?"

"Marami kang sinabi sa akin, Madam, hindi ko alam kung alin sa mga iyon ang tinutukoy mo."

"Makakatagpo mo ang babaeng magpa-pasunod sa iyo. At mahihirapan ka sapagka't kahit ano pa ang mamagitan sa inyo, lalayo at lalayo sa iyo ang babaeng ito..."

"Imposible, Madam Zarina. Wala pang babaeng tumanggi kay Miguel Redoblado," may pagmamalaking turan nito. Nagbibiro.

"Kapag nagkataon ay ang isang ito pa lamang, Miguel."

"For what reason?"

"Wala sa iyo ang magiging diperensiya... nasa kanya, sapagka't kung buo mo siyang nakikita'y hindi ganoon ang kalooban niya."

Hindi nakapagsalita si Miguel. Naging interesado sa sinasabi ni Madam Zarina.

"Gusto kong tandaan mo, Miguel, na walang imposible sa pag-ibig."

Sinulyapan ng binata si Aura na noo'y nahamig na ang sarili. Matamang nakinig ang dalaga kay Madam Zarina.

"Kailangan ka niya, Miguel..." seryosong tumitig sa mukha ng binata si Madam Zarina. "Hindi mo na kailangang maghintay. Natag-puan mo na siya, at alam kong alam mo iyon, hindi ba?"

Ngumiti si Miguel, at tinanguan ang sinabi ni Madam Zarina.

ISANG antique na Spanish fan na nabuburdahan ng maliliit na bulaklak ang napili ni Miguel na iregalo kay Guada. Ayon kay Madam Zarina ay pag-aari ito ng anak ng isang mestisong heneral noon pang panahon ng mga kastila.

Si Aura ay hindi na namili pa. Naalala niya ang crystals na nabili sa Australia nang minsang magbakasyon doon. Hindi biro ang halaga niyon at ayon sa binilhan niya'y nagbibigay daw ng positive energy sa tao.

Ipadadala na lamang niya iyon bilang regalo kay Guada.

Bago umuwi ay dumaan muna sila sa flower shop. May sariling kotse si Laura kaya hindi na nila ito hinintay pa.

Tumatakbo na ang LandCruiser nang punahin ni Miguel ang kawalang kibo ni Aura.

"What's wrong?"

"Nothing," anang dalaga na sinundan ng isang malalim na buntong-hininga. Nakatingin siya sa mga tanawing nadaraanan ngunit tila hindi nakikita.

"Why don't you tell me. Maybe I could help you."

"It's nothing, Miguel. May naaalala lang ako..."

"Iniisip mo ba ang mga sinabi ni Madam Zarina?"

Umiling ang dalaga at nakapikit na humilig sa upuan.

Mabagal ang pagpapatakbo ni Miguel. Malayang napagmasdan ang magandang mukha ni Aura.

Noong una niyang makita ang dalaga'y agad niyang napansin ang lungkot sa mga mata nito. For whatever reason ay gusto niya itong yakapin at protektahan.

At kanina, nang makita niya ang luhang namalisbis sa pisngi nito'y may kung anong kirot siyang nadama sa dibdib.

Tama si Madam Zarina. Natagpuan na niya ang babaeng mamahalin at pakakasalan niya.

INAALALAYAN ni Miguel si Aura pababa ng Land Cruiser nang bumungad sa pinto ng malaking bahay ang isang magandang babaeng kasingtaas ng huli. Nakasuot ito ng sleeveless na bestidang humahapit sa magandang hubog ng katawan.

"Miguel!" Maluwang ang pagkakangiti nito nang sila ay salubungin at walang pakialam na ipulupot ang mga braso sa leeg ng binata. "Kung hindi pa kay Tiya Guada ay hindi ko malalamang nandito ka."

Kung naasiwa si Miguel sa ginawa ng babae ay hindi nagpahalata. Maginoo pa ring kinalas ang pagkakayakap ng huli saka binalingan si Aura.

"Aura, this is Vivian Luz. Vivian, this is Aura Fortalejo."

Nakataas ang kilay na sinulyapan nito si Aura. "Fortalejo... so siya ang sinasabi ni Tiya Guada na kapatid ng iyong sister-in-law."

Hindi nagustuhan ni Aura ang paraan ng pagkakatitig nito sa kanya, pero hindi siya mai-intimidate ng babaeng ito. Marami na siyang nakilalang katulad ni Vivian.

"Hello, Miss Luz."

"Hello..."

Ngumiti siya at binalingan si Miguel. "I'll go ahead," aniya.

Tumango ito.

Papasok na siya sa pinto nang marinig ang naglalambing na tinig ni Vivian.

"I miss you..."

Hindi maunawaan ni Aura kung bakit mabigat ang dugo niya sa babae gayong wala namang ginagawang masama sa kanya. At naiinis siya nang yakapin nito si Miguel na para bang wala siya sa harap ng mga ito.

"Hija," ani Guada na naabutan niyang nakaupo sa rocking chair na nasa isang panig ng sala. Nagbabasa ito ng bibliya.

Lumapit siya sa kinaroroonan nito.

"Nagkakilala na ba kayo ni Vivian?"

"Yes, awhile ago."

Sinenyasan siya nitong maupo sa katapat na single sofa. "Inaanak ko sa binyag si Vivian. Nasa pulitika ang kanilang pamilya. Matalik na kaibigan siya ni Laura."

"At mukhang malapit siya kay Miguel," komento niya.

"Noon pa. Pero alam kong kapatid lamang ang turing ni Miguel sa kanya."

Napataas ang isang kilay ni Aura.

"Oh, bakit ko ba sinasabi sa iyo ito. Baka isipin mong idinedepensa ko si Miguel..."

"Tiya Guada," napapangiting tumayo sa kinauupuan si Aura. Ayaw niyang isiping pinagma-match sila ni Miguel. "I'm tired. I want to rest for awhile."

"Sige, hija. Ikaw na sana ang bahalang magpasensiya..."

"Don't worry, it's nothing. And you don't owe me an apology."

Tumango si Guada, at makahulugan ang ngiting sinundan ng tingin ang tumalikod na dalaga.


                                                          **********

Continue Reading

You'll Also Like

326K 7.5K 24
Sabi nila kapag tahimik ang bagyo mas nakakatakot, mas mabagsik at mas nakakapaminsala. Then what if a man who has a traits like that fall in love. W...
980K 21.5K 34
STATUS: ON-HOLD A Mafia Story with HEA (of course) "Marriage is the only thing I don't want to happen in my life, but I guess I can't keep running aw...
25.7K 729 13
Si Isabella ang pumalit sa puwesto ng ama nang magkasakit ito. Ginawa niya ang lahat ng paraan upang hindi makatanggi si Ismael Fortalejo. Intrigued...