ALL-TIME FAVORITE: Sinner or...

By AgaOdilag

60.5K 1.1K 84

Pagkatapos ng dalawang disastrous relationship, ipinangako ni Lilia sa sarili na ang pakikipag-boyfriend ang... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13

CHAPTER 8

3.4K 79 3
By AgaOdilag


NAGULAT pa si Lilia nang pagpasok niya'y nakahiga pa rin sa sofa si Vince. He was tossing and turning, moaning at the same time. Nananaginip ba ito?

"V-Vince..." pukaw niya rito.

Subalit patuloy sa pag-ungol ang lalaki. Yumuko siya at hinawakan ito sa braso upang yugyugin at gisingin subalit mabilis niyang binawi ang kamay. Mainit na mainit ang braso nito.

"Vince?"

Nagmulat ng mga mata ang lalaki. At kahit iyon ay nakikita niyang hirap nitong gawin. Namumutla ito at nanginginig ang buong katawan. His mouth twisted in pain as he struggled to sit up.

"M-may sakit ka ba?" It was a stupid question.
Nanginginig ito na tila ginaw na ginaw pero basang-basa ang suot na T-shirt sa pawis.

Bigla'y bumangon ito at tumayo, his flesh rippling with fine tremors, at bago pa siya nakahuma'y nakapasok ito sa banyo sa halos pasuray na paraan. Mayamaya'y may bumagsak sa loob.

Mabilis siyang sumunod dito, itinulak pabukas ang pinto ng banyo. Sa ibaba sa tiles ay nahulog ang lagayan ng toothpaste at toothbrush, ganoon din ang baso na nabasag
at bote ng shampoo.

Nakayuko ito sa lababo at hinihilamusan ang mukha.

"Get out... iwan mo ako!" marahas nitong sabi,
nangangatog maging mga tuhod sa pagsisikap na humakbang palabas.

Kung iniisip ng lalaking ito na nag-e-enjoy siyang makita ito sa ganoong kalagayan, he was wrong. Ang kahinaan nito'y tila patalim na humihiwa sa puso niya, opening it to a wave of tenderness that was a sharp, sweet pain.

He was ill. Maghapon itong nasa ulanan kahapon. At kagabi, matapos nilang mag-away ay lumabas din ito ng bahay at sino ang nakakaalam kung anong oras na itong
nakabalik.

At namamangha siya sa sarili dahil hindi niya gustong iwan si Vince sa ganoong kalagayan. She wanted to help him. Wanted it with a magnitude that suprised her-for it brought out all that was tender and maternal in her. And
it surprised her, too.

Kinuha niya ang towel sa rack at ibinalabal iyon sa pawisang mga balikat ng lalaki. "K-kailangan mong pumanhik sa itaas."

Gumawi ang isang kamay niya sa siko
nito para alalayan ito. He was burning!
"Leave me alone, dammit!" Isinalya nito ang kamay niya at napasandal siya sa dingding ng banyo. Lumabas si Vince at tinungo ang hagdan.

She held her breath habang pinanonood ang bawat paghakbang nito papanhik. Kinakabahang anumang oras ay sumala ang paa nito at mahulog. Saka pa lamang kumilos si Lilia nang makitang tuluyan na itong nakapanhik.

Mabilis siyang nagtungo sa dirty kitchen at nagsikap sindihan ang pugon. Isinalang niya ang takuri upang magpakulo ng tubig.
Pagkatapos ay nagtimpla siya ng kape at ipinanhik sa itaas. Nakahiga sa kama si Vince at nakabalot ng kumot.

Nagmulat ito ng mga mata nang maramdaman siya.

"Hindi mo ba ako naririnig? Get out of
my sight! Kung gusto mo'y umalis ka na... This is your chance to escape, Miss Serrano!" humihingal nitong sabi, tila hirap na hirap magsalita. Ang buhok na basang-basa ng pawis ay nakaplaster sa ulo, maputlang-maputla ito.

Walang kibong ibinaba niya sa night table ang mug ng kape. "Kailangan mo ng doktor. At marunong akong mag-drive, kaya-"

"Hindi ko kailangan ng doktor!"

Napaatras siya. He still intimidated her sa kabila ng kalagayan nito. "Inumin mo ang kape habang mainit."

"Leave me alone, Miss Serrano!" Nanginginig ang tinig nito but the menace was still there. Na marahil ay nadagdagan pang lalo sa kaalamang nakita niya ito sa ganoong kalagayan.

Men!

Walang kibo siyang bumaba.

Tahimik siyang nagkape pero ang isip ay nasa itaas. Dalawang beses niyang naulinigan na nagpunta ito sa banyo. Nakadalawang tasa na siya ng kape nang muling pumanhik.

Like it or not, kailangan ni Vince na i-tolerate ang presensiya niya dahil wala siyang balak iwan ito sa ganoong kalagayan. Which was ironic. Twenty-four hours ago, it was unthinkable to worry-half out of her wits-dahil
may sakit ang abductor niya.

But the unthinkable just happened.

Kumuha siya ng pitsel ng tubig sa ref at baso at dinala sa itaas. Vince was breathing heavily. His eyes closed. Maingat niyang dinama ang noo nito.

He was running a very high temperature. He could be dehydrating that very moment. Ni hindi nito ginalaw ang kapeng iniwan niya at lumamig na lang.

Binuksan niya ang aparador at naghanap ng bimpo. Nang makakita'y dinala iyon sa banyo at binasa.
Nag-react si Vince nang lumapat sa mukha nito ang malamig na bimpo. Then moaned a soft protest nang makita siya.

"Get out of here, you b-"

"You can insult me to your heart's content
kapag nawala na ang lagnat mo," putol niya sa sinasabi nito sa determinadong tinig.

Nagsalubong ang makakapal na kilay nito at umiling. Alam ni Lilia na gusto nitong magprotesta subalit hindi magawa dahil nanghihina. Nakatitig ito sa kanya with
burning hostility, and she didn't want to meet his eyes. Mara-rattle siya kung sasalubungin niya ang galit sa mga mata nito. Determinado siyang tapatan ang animosity nito ng lakas ng loob at tigas ng ulo.

All she had to do was to let him see who the boss was.

It was easier said than done. Napasinghap siya nang iiwas nito ang mukha nang muli niyang ilagay ang basang bimpo sa noo nito. Inabot nito ang bimpo at inihagis sa sahig.

"Iwanan mo ako, damn you!"

Muttering an unladylike oath, dali-dali siyang
napatayo, tinapunan ng nakamamatay na tingin ang lalaki. Then she went downstairs worriedly. She needed someone stronger para madala sa doktor si Vince. Nang maisip ang
kubong nakita niya kanina sa talampas ay nagmamadaling lumabas ng bahay si Lilia.

Kung ilang minuto lang siyang mawawala'y wala naman sigurong mangyayari kay Vince.
Mahigit na limang minutong lakad-takbo ang
ginawa ni Lilia bago niya narating ang kubo. Sa labas ay isang lalaking nasa edad singkuwenta ang nakita niyang nakaupo sa ibaba ng hagdanang kawayan at nagpapausok ng tandang.

"Tatang..." Nagsalubong ang mga kilay ng matanda nang makita siya. Hindi marahil nito inaasahang may ibang tao roon at humihingal pa.

"S-sa may itaas ho ako galing... sa bahay ni-

"Vince? Bisita ka ba ni Vince, ineng?"

"Kilala ninyo si Vince?" She sighed with relief.

"Ako ang katiwala ng bahay sa itaas na nabili niya. Alam kong nariyan siya dahil binilinan niya ako kahapong huwag na munang magtungo roon. May kailangan ka ba, ineng?"

"M-may sakit ho si Vince... inaapoy siya ng lagnat. May... alam ba kayong doktor dito?"

Pumalatak ang matanda. "Noong makalawa pa
masama ang timpla ng batang iyon. Sinabi kong uminom ng gamot pero hindi ako pinansin..." Umiling ito. "Ku, ang mga kabataan ngayon. Hindi por que malaki ang  katawa'y hindi na magkakasakit."

Tumayo ito at ibinalik sa kulungang kawayan ang tandang. "Sa ibayo ay mayroong doktor, malapit lang. Ha'mo't pupuntahan ko ngayon at isasama ko sa itaas."

"Salamat ho, Tatang..." wika niya. "Kailangan ko hong bumalik na kaagad dahil nag-iisa lang si Vince doon..."

Tumalikod siya at nagmamadaling muling bumalik sa bahay.

Humihingal pa siya nang makapanhik sa itaas.
Nilapitan niya uli ang lalaki. Tuyong-tuyo ang mga labi nito. His breathing was uneven. Nagsalin siya ng tubig sa baso. Pagkatapos ay umupo sa gilid ng kama.

"Vince..." marahang sabi niya. Ang isang kamay ay banayad na niyuyugyog ito. "Please, kailangan mong uminom. Dehydration is dangerous. Nakailang balik ka na ba sa banyo mula kanina..."

Nagmulat ng mga mata si Vince. "Still here?" wika nito sa pagaw na tinig.

Inabot niya ang leeg nito upang tulungan itong makaangat mula sa kama upang ipainom ang tubig.

"Uminom ka muna at-"

Subalit hindi niya natapos ang sinasabi dahil tinabig nito ang kamay niya at nabitiwan niya ang baso na ang tubig ay tumapon sa T-shirt niya.

"Bastard!" she hissed. "Ikaw na ang tinutulungan-"

"Hindi ko kailangan ang tulong ng isang tulad mo. Get out of my sight!"

"Kanina ko pa nga itinatanong sa sarili ko kung bakit hindi pa ako umaalis when you're such a pig!" She glared at him. Her arms akimbo. "Siguro'y dahil hindi ako katulad mo na walang iniisip kundi ang kasamaan ng kapwa." She
saw him winced and felt better about it. "Well, sorry to disappoint you, Mr. Macho Man. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko natitiyak na magaling ka na!"

It was twenty minutes later nang makarinig si Lilia ng paghinto ng sasakyan. Nang silipin niya'y isang owner-jeep at bumababa ang matanda sa kubo at tiyak na doktor ang
kasama nito. Mabilis niyang binuksan ang pinto.

"HE MUST have caught some kind of virus, misis," wika ng doktor sa pag-aakalang asawa siya ni Vince. At hindi niya maintindihan kung bakit masarap pakinggan ang salitang "misis."

"Karaniwan na rito ang napakataas na temperatura," patuloy nito. "Anyway, tinurukan ko na siya ng pampababa ng lagnat. Bigyan ninyo siya ng paracetamol after four hours and round the clock thereafter. Kung hindi mawala
ang lagnat niya makalipas ang beinte kuwatro oras, ipainom ninyo ang antibiotics na ito." Iniabot nito ang reseta sa kanya.

"Thank you, doktor." Binayaran niya ang doktor sa halagang sinabi nito at pagkatapos ay lumabas na ito pabalik sa sasakyan nito.

"Napalitan ko na ng damit si Vince, ineng," wika naman ng matanda habang bumababa ng hagdan. "May kailangan ka pa ba?"

"Wala na po, Tatang. Salamat ho."

"Siya, tutuloy na ako. Nasa kubo lang ako kung may kailangan ka..."

SA ITAAS ay dinatnan niyang tulog si Vince. Dinama niya ang noo nito, napakainit pa rin. Pero pumanatag ang dibdib niya dahil naturukan na ito ng pampababa ng lagnat.

She sighed. At saka pa lamang napuna na basa ang blusa at jeans niya dahil sa tubig na natapon.

Niyuko niya ang maleta sa sahig at kumuha roon ng pamalit. Muling nilingon si Vince, he was sleeping peacefully.

Hinubad niya ang T-shirt. Ganoon din ang jeans. Isusuot na lang niya ang nahagilap na summer dress nang makitang tumagos hanggang sa bra niya ang basa.

Sinulyapan niyang muli si Vince bago tuluyang hinubad ang bra. Kung hindi marahil makapal ang maong niya, malamang na nabasa pati ang panties niya.

"No wonder men are drooling over you. You've got a body of a goddess..."

Malakas na napasinghap si Lilia kasabay ng marahas na pagtakip ng damit sa katawan niya. She turned slowly, hoping against hope that he was just delirious. Only to find out that he was watching her with those hooded eyes.

Kung lumindol ng intensity ten at mag-collapse ang bahay, mas mamatamisin pa niya.

"Come here, Lilia..." Vince said huskily.

Halos hindi siya magkandatama kung paano isusuot ang damit. Alam niyang namumula siya. How could she be so foolish para isiping tulog na ito? He was watching her all along. As if she was staging a striptease! She cursed herself to no end.

"Lilia-I'm sorry."

Napatitig siya rito. Unsure what to say. Ang marinig kay Vince na humihingi ito ng sorry ay isang malaking bagay. Of course, napakarami ng dapat nitong ihingi ng sorry sa kanya, Pero hindi na siya interesado kung para saan.

"It's all right," aniya. "Do you want something to eat?"

He shuddered, pero hindi binibitiwan ng mga mata nito ang mga mata niya. Wala na ang bangis sa mga mata nito. Sa unang pagkakataon ay maamo ang mga matang iyon. Something softened in her.

"Coffee is fine..."

Nagmadali siyang bumaba at nagtimpla ng panibagong kape. At ilang sandali pa'y dala na niya iyon sa itaas.

"Binantuan ko nang bahagya ang kape. Kaya mo bang mag-isa?" banayad niyang tanong.

"I could use a hand..." he said huskily, dinaan sa biro. Alam niyang parang kamatayan dito ang paghingi ng tulong sa kanya.

She swallowed hard. Umupo sa gilid ng kama at inalalayan itong makasandal sa headboard. Pagkuwa'y siya na mismo ang naglapit ng mug sa bibig nito. Napangalahati nito ang mug nang umayaw.

"Damn, I'm so cold...!" came the rasping voice.

Ibinaba niya ang mug sa night table. Pagkatapos ay tumayo at binuksan ang aparador at naghanap ng makapal na kumot pero iilang pirasong damit lang ni Vince ang naroroon. Walang ibang kumot maliban sa gamit nito.

Nang tingnan niya itong muli'y nanginginig ito sa ginaw.
"W-what can I do?" natatarantang tanong niya.

Pero hindi sumagot si Vince at iisa lang ang maaari niyang gawin. She walked towards the bed at humiga sa tabi nito at yumakap dito.

Involuntary spasm racked his hard frame. Kung hindi sinabi ng doktor na mangyayari ang ganoon ay baka nag-panic na siya. Isiniksik niya ang katawan dito. Para siyang nasa pugon sa init. Pero giniginaw ito. She rubbed his arms, wanting to create heat.

He moaned. And Lilia gasped softly nang hapitin siya ni Vince, umaamot ng init sa katawan niya, burying his face sa pagitan ng kanyang dibdib. His skin felt like burning silk. And Lilia realized that her breathing was as irregular as his. And worse than that, far worse, naroon ang isang primitive, savage need na tuluyang hubarin ang suot niya to give him access to her naked; warm flesh.

The need confused her. Parang nag-short circuit bigla ang isip niya at hindi niya malaman ang nangyayari sa kanya. She was disoriented. Alam naman niyang problema
na sa simula pa lang ang lalaking ito. Bakit ngayo'y...

"G-gagawa ako ng warm compress..."

"No! Please stay..." At muli itong sumubsob sa dibdib niya.

And Lilia held him close. She could feel the stubble growth on her skin. Ang mainit nitong paghinga'y nararamdaman niya sa dibdib niya. She closed her eyes tightly. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. At hindi niya gustong intindihin.

May ilang sandaling nanatili sila sa ganoong ayos hanggang sa maramdaman niyang pumanatag ang paghinga nito. Nabawasan na rin ang tremors ng kalamanan nito. Finally, he slept.

Subalit hindi makuhang gumalaw ni Lilia. Kung kikilos siya'y magigising si Vince. Ang ulo nito'y nasa ibaba ng mukha niya at nanatiling nakasiksik sa dibdib niya. Ang braso nito'y nakayakap sa kanya, ang binti nito'y nakadantay sa kanya. No. She didn't want to move. His sleeping body transmitted sensations entirely new to her.

Tenderly, pinaglandas niya ang mga daliri sa mukha nito. Memorizing each planes and angles. Her thumb lingered at his mouth.

At hindi niya matiyak kung bakit nag-iinit ang
sulok ng mga mata niya. Hindi niya gustong aminin ang anumang damdaming bumukal sa dibdib niya. She couldn't have possibly fallen in love with a man who despised her.

Could she?

No! mahigpit niyang kontra sa sarili. She had never done anything so stupid in her life!

Continue Reading

You'll Also Like

40.7K 910 17
It was a "forced" marriage. Nagpakasal si Marianne kay Victor dahil kailangan. Kahit ang mahal niya ay ang kapatid nitong si Rogel, tinanggap niya s...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
56.1K 1.3K 18
"Sweetheart, I'm yours. And I'll be yours hanggang sa matuyo ang dagat sa San Ignacio. In other words-until I die..." Si Miles ang first crush ni Nad...
803K 30.3K 55
Haily Constello is an orphan who lives alone and who loves to make a mess. But an unexpected accident happened that changed her life. She got reincar...