Rewrite The Stars

By PlayfulEros

2.7K 1.5K 2

[SMUG Series #2] Theodore King is the only child of a multi-billionaire businessman and is expected to be the... More

Prologue
1st Star
2nd Star
3rd Star
4th Star
5th Star
6th Star
7th Star
8th Star
9th Star
10th Star
11th Star
13th Star
14th Star
15th Star

12th Star

37 17 0
By PlayfulEros

TWELFTH

Pagkarating nina Reena at Kylo sa tapat ng bahay nina Rai at Levi ay nakita nilang nakabukas ang gate nito at may sasakyang nakabukas ang makina sa labas. Napangiti si Reena nang makitang sinalubong sila ni Rai.


“Tara na!” tawag ni Reena sa kaibigan pagkabukas ng bintana ng passenger’s seat.


Uhm... slight change of plans,” saad ni Rai pagkarating sa tapat ni Reena.


Nang marinig ang sinabi ni Rai ay agad naki-usyoso sa kanila si Kylo. “Somethin’ wrong?”


“No, no, it’s just that... Levi’s coming with us,” nakangiwing saad ni Rai kaya sandaling natigilan si Reena.


Ayaw naman niyang magpakaplastik sa sarili niya, alam niyang crush niya si Levi at sino ba namang hindi?? Kaya sinubukan niyang huwag kiligin pero kinikilig talaga siya. Naiisip pa lang niya na makakasama niya si Levi sa biyahe na ‘to, kinikilig na siya, paano pa kaya kapag kasama na talaga niya ang binata?


“And we have to use his car,” dagdag pa ni Rai.


“Ayun, tipid ako sa gas,” sagot ni Kylo kaya nilingon siya ni Reena para bigyan ng masamang tingin.


“What? I’m just saying the truth,” depensa niya kaya lumabas na nga si Reena ng sasakyan para maglipat ng gamit.


Nakita ni Reena bumaba mula sa itim na sasakyan si Levi at tumulong sa kanila. Sinabi rin ni Levi kay Kylo na iparada na lang ang sasakyan nito sa parking space sa bahay nila na ginawa nga ng huli. Nang maayos na ang lahat ay sumakay na si Reena sa backseat. Sasakay dapat si Kylo sa passenger’s seat pero pinigilan siya ni Levi.


“Si Rai diyan,” saad ni Levi sa natural niyang parang walang buhay na tono kaya sasakay na dapat si Kylo sa backseat katabi ni Reena pero naunahan siya ni Rai na nagsara ng gate.


“Saan ba talaga ako uupo?” naguguluhang reklamo ni Kylo kaya natawa nang onti si Reena. Parang bata talaga.


“Bakit ka nandiyan?” tanong ni Levi, lumingon siya kay Rai na katabi ni Reena.


“Kasi dito ko gusto umupo,” sagot ni Rai na para bang common sense ito na totoo naman. Nang marinig ang sagot ni Rai ay umayos na ng upo si Levi sa driver’s seat at umupo na nga si Kylo sa passenger’s seat.


Habang nasa biyahe ay panay kuwento si Rai sa mga bagay na na-research niya tungkol sa pupuntahan nila, nanood pa nga raw siya ng ilang videos. Habang nakikinig kay Rai ay hindi nakatakas sa paningin ni Reena ang paminsan-minsang pagsulyap ni Levi kay Rai mula sa rearview mirror. Napangiti na lang si Reena.


Hindi niya alam kung ano ba talaga ang eksaktong nararamdaman ni Levi para kay Rai pero nakakatuwa lang para sa kaniya na makita ang dalawa na ganito. Naisip niya na parang ang sarap din na may tumitingin sa kaniya katulad ng pagtingin ni Levi kay Rai. Alam niyang imposibleng makahanap siya ng ganoong klaseng lalaki’t pagmamahal pero wala naman sigurong masamang mangarap, ‘di ba?



Bumaba sila sa isang gasolinahan para umihi at magpahinga sandali. Buong biyahe ay panay kain ang tatlo maliban kay Levi kaya naman minabuti na nilang tumigil muna at baka sakaling kumain na rin kahit kaunti si Levi dahil may tindahan dito.


Pagkalabas ng banyo ay nakita ni Reena si Levi na may tinititigan kaya napalingon siya sa direksyon ng tingin nito. Nakatitig ito sa isang sasakyan ‘di kalayuan kung nasaan sila, nakahinto lang ito sa isang tabi. Nang makalabas si Rai sa banyo ay napatingin din siya sa tinitingnan ng dalawa. Nagulat siya nang makita ang pamilyar na kotse. Hindi masyado kita ang nasa loob ng sasakyan dahil tinted ang mga salamin nito ngunit alam niyang ito ang kotseng nasa isip niya.


“T-Tara na?” saad ng tinig ni Rai na ‘di mawari kung nag-aaya ba o nagtatanong.


“Let’s go!” sagot naman ni Kylo na katatapos lang ubusin ang biniling sandwich. Wala siyang kamalay-malay sa sasakyang kanina pa sumusunod sa kanila.


Nagsigalawan na nga sila’t pumasok sa sasakyan. Habang nagmamaneho ay pabalik-balik ang tingin ni Levi sa daan at sa rearview mirror, si Rai naman ay patingin-tingin kay Levi dahil alam niyang nakakakutob na ito, at si Reena ay tinitingnan din ang sasakyang sumusunod sa kanila dahil ito ang kotseng tinititigan ni Levi kanina.


“We should stop over at Burnham Park! You guys up for that?” lingon ni Kylo sa mga kasama ngunit hindi kaagad nakasagot ang mga ito dahil nga abala ito sa kani-kaniyang tinitingnan.


“Y-Yeah, we should do tha—” Napasandal bigla si Rai kay Reena nang marahas na lumiko si Levi para mag-U-turn.


“Woah! Easy there. Bakit tayo babalik?” tanong ni Kylo na ang higpit na ng kapit sa handle sa may bandang ulunan niya. Buti na lang talaga’t naka-seatbelt siya kung ‘di ay tumilapon din siya kay Levi.


Hindi sumagot si Levi bagkus ay nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Binilisan pa niya ang pagpapatakbo ng sasakyan nang makitang umikot din ang sasakyang kanina pa sumusunod sa kanila.


“You should...” Hindi na tinapos ni Rai ang sinasabi, sinuot na lang niya ang seatbelt kay Reena saka niya sinuot ang sakaniya.


Uh... uhm, Levi, pabalik na tayo sa Maynila nito,” ani Kylo habang pasimpleng sinisilip kung gaano kabilis ang takbo ng sasakyan.


“Buksan mo ‘yan,” turo ni Levi sa glove compartment sa tapat ni Kylo kaya binuksan nga ito ng huli.


“Excuse,” gawi ni Levi sa puwesto ni Kylo habang tuloy sa pagmamaneho. Hinawi niya ang mga papel na nasa loob ng compartment at nang makapa na ang hinahanap ay kinuha niya ito dahilan para mapalayo nang sobra sa kaniya si Kylo dahil sa gulat at takot. Kulang na lang ay i-usog ni Kylo ang passenger’s seat para tuluyang lumayo sa kaniya.


“Holy sh—why do you—why are you—WHAT’S THE GUN FOR?!” natatarantang ani Kylo na hindi maalis ang pagkakatitig sa baril na hawak ni Levi.


“Kumapit kayo,” maigsi ngunit mariing utos ni Levi sa lahat bago siya muling lumiko nang marahas sa panibagong daan.


“W-Where are we going?? What’s happening??” muling saad ni Kylo pero walang pumansin sa kaniya.


Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ni Rai. Hindi niya alam kung anong binabalak ni Venice. Is she really going to go this far?


And Levi... why does he have a gun? Sinusubukan ni Rai itanggi sa sarili pero simula pa lang ay alam na niyang hindi malayong may matuklasan siyang ganito tungkol kay Levi. Sinabi nito sa kaniya noon na kung may tanong siya tungkol dito ay magtanong lang siya dahil wala naman itong tinatago pero ang problema ay hindi niya alam kung paano at anong itatanong.


How could you possibly ask Levi Del Fierro if he’s in some shady business? It’s like arranging your own funeral.


Kung saan-saang kanto lumiko si Levi kaya naman nang ihinto niya ang sasakyan ay dali-daling lumabas si Reena para sumuka. Ito ang unang malayuang biyahe ni Reena sa buong buhay niya at hindi naman niya inaasahang may aksyong magaganap na para bang nasa teleserye siya.


Lumabas din ng sasakyan si Rai upang puntahan si Reena habang si Kylo ay naninigas pa rin sa kinauupuan. Gumalaw lang siya nang lumapit si Levi at binalik ang baril nito sa compartment. Napalunok siya pagkasara ni Levi ng compartment at hindi talaga niya alam kung paano magre-react.


“Umihi ka na kung iihi ka. Hindi na tayo hihinto mamaya,” sambit ni Levi kaya napatitig sa kaniya si Kylo. Tinitigan siya ng binata hanggang sa makapasok siya sa banyo.


Kinuha na ni Kylo ang pagkakataon upang kausapin sina Reena at Rai nang wala si Levi kaya dali-dali siyang lumabas ng sasakyan at pumasok sa banyo ng mga babae.


“Theodore!” gulat na saad ni Rai nang makita ang binata.


Sshh! Sshh!” saway ni Kylo at ni-lock ang pinto.


“What are you doing here?” kunot-noong tanong ni Rai.


“We have to get away from that guy. I don’t know what got into him, I thought he was cool but normal people don’t just bring out their gun and drive like a freakin’ racing driver, especially in Baguio City!”


“Calm down,” saad ni Rai sa binata dahil parang sasabog na ito sa panic.


“How?? How can I calm down after that? A gun was right at my face,” sagot naman ni Kylo at tinuro pa ang mukha niya.


“Dumaan lang ‘yung baril sa harap mo kasi doon siya nakalagay, huwag ka ngang OA,” sabat ni Reena pagkatapos maglinis ng mukha.


“How can you all be relaxed after what just happened? We almost died! The guy just randomly pulled out his gun and acted like we were in some racing show or something. He’s crazy!”


“Kanina pa tayo sinusundan, hindi mo man lang napansin?”


“Sinusundan?” tanong ni Kylo.


“May itim na sasakyan na sumusunod sa atin, kanina pa, as in kaninang-kanina pa. Nung last stop over natin, tumigil din ‘yon tapos nung iniba ni Levi ‘yung daan niya, sumunod pa rin sila kaya kinuha na niya ‘yung baril,” kuwento ni Reena.


“Did it ever occur to you that maybe they were also going to Baguio?” sarkastikong sambit ni Kylo.


“Did it ever occur to you that they were still following us even when Levi changed his route?” sagot naman ni Reena sa parehong sarkasmo.


“Ikaw na nga nagsabi, ‘di ba? Pabalik na ng Maynila ‘yung daan. So, ano? Biglang babalik din sila sa Manila?” dagdag pa ni Reena.


Hindi na sumagot si Kylo. Kinabahan siya. Iba sa kabang nararamdaman kanina. Did he just put his friends’ lives in danger?


“Kung mayroon ka mang dapat sabihin kay Levi, ‘thank you’ ‘yon. Hindi ako sigurado pero sa palagay ko, ‘yung mga sumusunod sa atin kanina, malamang sa malamang ikaw ang pakay nila—Theodore King, the only child of the multi-billionaire Gilbert King.”


Napayuko si Kylo. Alam naman niyang hindi ‘yon malayong mangyari. Ilang beses na rin siyang muntikan ma-kidnap noong bata siya, hindi na siya bago sa mga ganitong sitwasyon.


“They...”


Napalingon sina Kylo at Reena kay Rai nang magsalita ito.


“They are not after you, Kylo,” ani Rai.


“What do you mean?” tanong naman ni Kylo.


“It’s a long story but just... just keep in mind that it’s not your fault, okay? And I’m sorry,” sagot ni Rai at naglakad na palabas ng banyo. Pagkalabas niya ay nagkatinginan agad sila ni Levi. Napayuko na lang siya at pumasok na sa kotse.


Nang makabalik na silang lahat sa sasakyan ay nagmaneho nang muli si Levi. Walang nagsalita buong biyahe kaya naman natulog na lang si Reena dahil hindi maganda ang pakiramdam niya buhat ng pagsuka. Nagising siya nang kalabitin siya ni Rai dahil naka-park na ang sasakyan at bumaba na raw si Levi. Sumunod silang lahat sa binata at parehong hindi makakurap sa pagkamangha sina Reena at Rai nang makitang nasa isang luxurious hotel sila.


Si Kylo naman ay hindi man gaano ka-pamilyar sa hotel na ito ay may ideya naman siya rito dahil nakapunta na siya sa parehong hotel na nasa Maynila.


“Del Fierro. Levi Del Fierro.”


Napalingon ang tatlo kung nasaan si Levi at nakitang kausap nito ang receptionist. Nakita nila kung paano nataranta ang staff nang sabihin ni Levi ang pangalan nito.


“You don’t have a reservation, s-sir?” sabi ng receptionist pagkatapos tingnan ang screen na nasa harap niya. Naguguluhan siya dahil unang beses na may pumuntang Del Fierro rito. Hindi naman sila na-orient kung may exemption sa reservation ang mga kamag-anak ng may-ari.


“You’re asking me?” tanong naman ni Levi.


“Sir, the earliest reservation I can get you is two weeks from now.”


“I’m not here to make a reservation, I’m here to check in.”


“You can’t check in without a res—”


“Anong nangyayari rito?” mahinang tanong ng isa pang receptionist na katatapos lang asikasuhin ang isa sa mga VIP guests ng hotel.


“Please give us a minute, sir,” ngiti ng mas batang receptionist kay Levi at hinila ang ka-trabaho.


“Ma’am, gusto raw po kasi mag-check in, eh wala namang reservation. Sabi Del Fierro raw siya, ini-imply yatang kamag-anak ni Sir François pero hindi ko naman sure,” kuwento ng dalaga.


Umismid si Levi kaya napalingon sa kaniya ang mga staff.


“Four rooms.” Inilapag niya ang credit card niya kasama na ang tatlong IDs.


Nanlaki ang mga mata ng mas matandang receptionist nang makita ang mga ‘Repubblica Italiana’ na nakalagay sa mga IDs na ito. Alam niyang Italyano si François Del Fierro, ang may-ari nitong Diamant Hotel at lahat ng Diamant & D’or Hotels and Resorts sa buong mundo.


Nakita ni Rai ang isa sa mga IDs at nabasa ito.



PATENTE DI GUIDA     REPUBBLICA ITALIANA

1.  DEL FIERRO
2. LEVI
3. 25/12/97     PALERMO-PA


Ang nasa 4a at 4b ay mga date na sa palagay ni Rai ay kung kailan ni-release ang ID at kung hanggang kailan ito valid. Sa 5 ay license number, wala siyang nakitang 6, sa 7 ay may pirma, at sa 8 ay may nakalagay na sa tingin niya ay address. Sa 4c at 9 naman ay may mga letra na hindi niya alam kung tungkol saan.



“I’m sorry, sir, we don’t have four rooms that are available right now but we do have an available double-double suite,” sabi ng receptionist kaya nagulat ang kasama niya. Iche-check in niya talaga ang mga taong ‘to nang walang reservation?


“You don’t have any quad room left?” tanong ni Levi at umiling-iling ang receptionist na kausap bilang sagot.


“We’re already full-booked, sir. The double-double suite I’m offering was actually booked as well but fortunately, the reservation was cancelled just a few minutes ago.”


Sandaling hindi sumagot si Levi. Mukhang nag-iisip.


“The double-double suite can accommodate four guests, sir. It has two double beds, a separate living area, and kitchenette,” paninigurado ng staff kaya naman pumayag na si Levi.



“Bakit ka pumayag, ma’am?” tanong ng mas batang receptionist.


“Kung hindi natin siya pina-check in at kamag-anak nga siya ni Sir François, lagot tayo. Pero kung pina-check in natin siya kahit na hindi naman pala siya kamag-anak ng may-ari, puwede naman nating sabihin sa security na nagpapanggap lang siya at may rason tayong paalisin siya,” sagot ng babae at inutusan na ang isa sa mga kasamahan na tingnan kung may Levi Del Fierro nga bang kamag-anak ang may-ari ng Diamant Hotel.


Napag-alaman nilang isa lang ang anak ni François Del Fierro at Sebastian ang pangalan nito pero pinsan ni François si Joaquin Del Fierro na isa lang naman sa pinakamayaman at makapangyarihang tao sa buong Asya, Estados Unidos, at Europa at ito ang tatay ni Levi Del Fierro.


Kaagad pinabalik ng staff ang isang ID ni Levi na pinaiwan niya rito para ma-check ito. Kung anu-ano na ring services ng hotel ang inalok kay Levi ng inutusan niya upang iparamdam dito ang special treatment ngunit wala namang in-avail si Levi sa mga ito. Sinabihan pa siya ng binata na huwag nang mang-istorbo.



Maaga nang nagpahinga sina Rai, Reena, at Kylo. Magkatabi sina Rai at Reena sa kama at dapat sina Levi at Kylo ang magkatabi pero nanatili si Levi sa labas ng kuwarto kung nasaan ang living area.


Gusto sana ni Reena na pag-usapan nilang lahat ang mga nangyari ngayong araw pero pagkahigang-pagkahiga ni Kylo sa kama ay tumba na ito kaya naman naisip niya na mas mabuti nga sigurong magpahinga na lang muna sila.


Sinubukan ni Rai matulog pero hindi niya magawa. Bukod sa maraming bumabagabag sa isipan niya ay hindi rin talaga siya sanay matulog nang may katabi. Halos hindi siya gumagalaw dahil natatakot siya na baka maistorbo niya si Reena at maudlot pa ang pahinga nito. Nang maramdamang hindi talaga siya dinadalaw ng antok ay minabuti na niyang bumangon.


Pagkalabas ng silid ay nakita ni Rai na napalingon sa kaniya si Levi na nakaupo sa sofa.


“K-Kukuha lang ako ng tubig...” turo pa ni Rai sa kusina pero hindi naman siya pinansin ni Levi.


Napahawak si Rai sa noo niya habang naglalakad. Bakit parang nagpapaalam siya? At bakit niya sinabing kukuha siya ng tubig kahit hindi naman talaga? Nataranta siya nang makasalubong ang mga tingin ni Levi kaya naman kung anu-anong sinabi niya.


Lumingon siya kay Levi at nakitang nanonood lang ito ng palabas sa TV. Bakit ba siya kinakabahan dito? Wala naman siyang ginagawang masama. Lumabas siya ng kuwarto dahil hindi siya makatulog at naisip niya na baka makatulong sa kaniyang makatulog kapag naglakad-lakad siya.


Biglang humarang si Rai sa TV kaya napa-angat ang tingin ni Levi sa kaniya.


“Levi,” tawag niya sa binata kahit na nakatingin naman na ito sa kaniya.


“W-Why do you... have...” Itutuloy na sana ni Rai ang nais itanong pero na-distract siya nang kunin ni Levi ang remote at patayin ang TV.


“Bakit ako may baril?” tanong ni Levi at nagde-kuwarto. Tumangu-tango naman si Rai bilang sagot. Gusto niyang malaman ang kasagutan pero kinakabahan din siya sa maaaring malaman.


Does she really know Levi? Or is everything she knows about him just a hard shell where he has been hiding his true self?


“Gusto mong umupo?” gawi ni Levi ng kamay sa upuan malapit sa sofa kung saan siya nakaupo. Imbis na umupo sa hiwalay na upuan ay tumabi sa kaniya si Rai kaya naman bahagya siyang nagulat kahit pa hindi halata sa mukha niya.


“Nasabi ko na sayo na matagal akong nagpagala-gala sa lansangan bago ako nahanap ng tatay ko, ‘di ba?” tanong ni Levi kaya tumangu-tango si Rai.


“Noong... nahanap na niya ako; pinalinisan niya ako, pinabilhan ng mga damit at gamit, at pinag-aral. Pagkatapos siguro ng halos isang taon, inuwi rin niya ako sa bahay niya kung saan ko nakilala si Lucas. Akala ko roon ako titira, sa malaking mansyon na ‘yon, kasama ang kapatid ko pero hindi. Wala pa yata akong tatlong araw sa bahay na ‘yon nang isang gabi ginising ako ng isa sa mga tauhan niya. Sumakay kami sa kotse at bumaba sa harap ng isang eroplano. Hinanap ko siya. Tinanong ko lahat ng tao roon kung nasaan ang tatay ko pero walang nagbigay sa akin ng sagot na hinahanap ko. Sinabi lang nila na kailangan ko nang sumakay sa eroplano.”


“Hindi ako pumayag. Sinubukan kong tumakas pero nahuli rin nila ako. May tinusok sila sa akin at pagkagising ko nasa ibang lugar na ako, malayung-malayo sa kung anong kinagisnan ko. Masaklap pa, hindi ko naiintindihan kung anong sinasabi ng mga tao sa paligid ko. May ilan na sinubukan akong kausapin sa English pero hindi rin ako magaling mag-English noon. Nakakaintindi pero hirap magsalita.”


“Hindi ko lubos maisip kung anong nangyari, kung bakit ako nasa lugar na ‘yon at kung nasaan ang tatay ko na kumuha sa akin sa lansangan. Akala ko kinuha niya ako para alagaan, para mahalin, at para magpaka-tatay sa akin pero hindi. Kinuha niya ako para...”


Sandaling tumigil si Levi sa pagkukuwento. Lumunok siya. Para bang may naalala siyang isang alaalang ayaw na niyang balikan pa.


“Kinuha niya ako para gawin ang mga gusto niya.”


“‘Yung mga tao sa lugar na ‘yon, hindi bago sa kanila ang pagpatay. Marami silang alam tungkol sa kung anu-anong mga bagay—armas, pulitika, pera, sugal, droga, marami pa... at tinuruan nila ako.”


Hindi na nagulat si Rai sa huling narinig. Simula pa lang ng kuwento ni Levi ay naramdaman na niyang dito papunta ang mga sinasabi nito.


“They taught me, they trained me, they... loved me.”


Napatitig si Rai kay Levi nang marinig ang huling sinabi nito.


“They’re my blood... I knew that from the start, they told me, but I didn’t acknowledge them. I kept on telling myself that I’m not like them, that I’m somewhat better but I’m not. I’m not better than them, I never was. I was just a weak boy trying to run away from his destiny, denying and prolonging the inevitable.”


“When I started to accept my fate, I thought I had nothing more to worry about because I finally accepted who I am. But I lost the first person who made me realize who I was. He’s probably the first person who made me feel loved too, after my mother. He died protecting me.”


Hindi na nakakibo si Rai. Unang beses niyang makitang maging emosyonal si Levi at nalulungkot din siya para rito. Pakiramdam niya ito ang unang beses na nagkuwento si Levi sa kahit kanino tungkol dito at tama siya. Ito ang unang beses ni Levi ilabas ang mga emosyong hindi niya nalabas noong mamatay ang matalik niyang kaibigan at kamag-anak na tinuring na niyang kapatid.


“I’m sorry...” ani Rai.


Umiling si Levi. “Tanggap ko na. Wala na rin akong magagawa para ibalik siya. Doon ko napagtanto na ayaw ko ng ganoong buhay. Ayaw ko na gabi-gabi, nangangamba ako, natatakot na may mananakit ulit sa akin, na may mawawala ulit sa akin. Ayaw ko na ng ganoon... kaya umalis ako. At doon kita nakilala.”


Napaangat ang tingin ni Rai kay Levi at nakasalubong niya ang mga mata nitong kanina pa nakatitig sa kaniya.


“Bakit ako may baril? Kasi alam kong hindi pa rin ako nakakatakas sa nakaraan ko. Alam kong anumang oras kailangan ko ulit tumakas, kailangan kong lumaban, kailangan kong protektahan ang sarili ko.”


“Nasagot ba ang tanong mo?” tanong ni Levi kaya tumangu-tango si Rai.


Ilang minuto silang tahimik. Hinintay lang ni Levi na magsalita ulit si Rai dahil mukhang may iniisip ito, posibleng inuunawa pa ang mga sinabi niya.


“Thank you for being honest with me,” ani Rai saka tumayo. Hinawakan niya ang sarili niyang kamay at humarap kay Levi pero tumalikod siya ulit.


“I-I guess it’s my turn now.” Humarap ulit si Rai kay Levi at tiningnan niya ang binata diretso sa mga mata nito, katulad kung paano nito sinagot ang tanong niya.


“About earlier...” Napayuko si Rai habang hinahanap ang mga salitang nais sabihin. Hindi niya kayang titigan sa mga mata si Levi at sabihin ang gusto niyang sabihin.


Paano niya sasabihin kay Levi na ang mga humahabol sa kanila kanina ay siya talaga ang pakay dahil gusto ng mga itong kunin siya? Na anak siya ng hari ng Espanya?


Huminga nang malalim si Rai. Alam niyang kailangan niyang sabihin ‘to kay Levi. She owes it to him. He has been nothing but honest with her since the day she met him. She ought to return his honesty.


“Those guys... they were after me bec—” Hindi natapos ni Rai ang sasabihin dahil pinutol ni Levi ang sasabihin niya sana.


“I don’t need to know,” sambit ni Levi habang nakatitig sa mga mata ni Rai na nagulat dahil sa pagputol niya sa sasabihin nito.


“B-Bakit?” tanong ni Rai.


“Do you want to go with them?” tanong ni Levi.


“No...”


“Then I won’t let them.” Diretso ang pagkakasabi ni Levi habang nakatitig pa rin sa mga mata ni Rai.


Naramdaman ni Rai ang pagbabadya ng luha sa mga mata niya. Sinubukan niya itong pigilan sa abot ng kaniyang makakaya.


Hindi niya kaanu-ano si Levi pero pinapahalagahan nito ang desisyon niya at kahit na wala naman itong mapapala sa kaniya ay pino-protektahan siya nito.


Nagulat si Levi nang bigla siyang hilahin ni Rai. Nakahinga lang siya ulit nang maramdaman ang mainit na yakap nito na tila tumutunaw sa matigas at malamig na niyang puso.


Nagdalawang-isip si Levi kung yayakap ba siya pabalik pero sa huli’y unti-unti niyang nilagay ang kamay niya sa likod ni Rai at niyakap din ito pabalik.


“Thank you, Levi... thank you for saving me.”


♤♤♤

Continue Reading

You'll Also Like

35.6M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
2.7M 89.5K 105
Highest Ranking Achieved: #1 in Action - 11/24/20. #1 in Teenfiction - 1/11/21 Book 1 and Book 2 After years of finding a decent job that meets Nass...
199K 7.7K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...