Meant To Be

By TwinkleBubblegum

1.7K 179 44

Mahirap mahalin ang isang tao lalo na kung sa umpisa pa lang alam mo nang ibinigay na niya nang buong-buo ang... More

Meant To Be
Chapter 1 - The Voice
Chapter 2 - Neighbors
Chapter 4 - Friends
Chapter 5 - Cheating
Chapter 6 - Drunk
Chapter 7 - First Kiss
Chapter 8 - New Neighbor
Chapter 9 - Missed Call
Chapter 10 - Text
Chapter 11- Rebound
Chapter 12 - Truth or Drink
Chapter 13 - Closer
Chapter 14- Request
Chapter 15- Jealous
Chapter 16- Admirer
Chapter 17 - Like
Chapter 18 - Help
Chapter 19 - Home
Chapter 20 - Confusion
Chapter 21 - Confession
Chapter 22 - Can't Help Falling
Chapter 23 - Lovapalooza

Chapter 3 - Crush

57 11 3
By TwinkleBubblegum

Mag-a-alas sais na yata ng umaga ako nakatulog. Pagkatapos kasi ng maaksyong ganap na iyon sa pagitan nina Kieran at Kylie, mga ilang minuto lang yata ang pinahinga nila at nag-another round na sila ulit.

Wala pa akong karanasan sa mga gano'ng bagay pero hindi naman ako gano'n kainosente. Pero jusko naman! Unang araw ko ngayon sa trabaho at pagod ako! Magpatulog naman sila!

Bandang alas onse ng umaga ng ako'y magising. Naramdaman ko kasi 'yong pagkalam ng sikmura ko. Kumain muna ako ng Skyflakes at tubig, pagkaraan ay nag-shower na. Ayon kay Hannah ay alas diyes daw nagbubukas 'yong karinderya na malapit dito. Nagsuot na lang ako ng simpleng maong shorts at asul na t-shirt bago lumabas.

Pagkalabas ko ng unit ko ay naabutan ko si Kylie na naninigarilyo sa labas ng unit niya. Nakasuot pa siya ng kulay violet na nighties. Nakakailang hakbang pa lang ako nang marinig ko ang pagtawag niya.

"Miss, bagong boarder ka d'yan?" kuryoso niyang tanong. She crinkled her forehead.

Napahinto ako sa paglalakad at marahan siyang nilingon. Payak na ngiti ang iginanti ko sa kanya bago ko siya tugunin.

"Oo, kakalipat ko lang kahapon," sagot ko.

Pagkabuga niya ng usok ay ibinaba niya muna saglit iyong hawak niyang sigarilyo sa barandilya.

"Talaga? May tao na pala d'yan kahapon?" tila takang-taka niyang tanong. Lumapit ako nang bahagya sa kinatatayuan niya. Mas naaninag ko tuloy 'yong makinis at maputi niyang kutis. Mamula-mula pa nga ito pag natatamaan ng sikat ng araw.

"Akala ko wala pang boarder d'yan," dugtong pa niya pagkaraan ay nagpakawala ng isang pilyang ngisi. Mas naging prominente 'yong malalim na dimples niya sa kaliwang pisngi. Napalunok ako.

"Maingay ba kami kagabi?" Napahalakhak pa si Kylie dahil sa sinabi. Napaawang ang bibig ko. Tantya ko rin ay pinamulahan ako ng magkabilang pinsgi. Nag-init kasi bigla ang aking pakiramdam. Parang ako pa 'yong nahihiya ngayon sa kanya.

"Pasensya ka na. Akala ko kasi wala pang tao d'yan. Nag-sleep over kasi kagabi 'yong boyfriend ko. Ako nga pala si Kylie," pagpapakilala niya. Inabot niya ang kanang kamay niya sa akin.

I immediately responded to her gesture. Tinanggap ko 'yong kamay niya at nagpakilala rin.

"I'm Scarlet. Actually, kaka-start ko lang kagabi sa Club DC."

"May regular gig ang banda namin doon. Laking pasalamat ko nga din kay Sir Christopher kasi pinayagan niya rin akong tumira rito sa staff house."

"Napanood ko nga ang gig n'yo noong isang araw," tipid kong sabi.

Nawala kami sa usapan nang biglang lumabas ng unit niya si Kieran. Wala siyang suot na damit pang-itaas. Nakasuot lang siya ng itim na jersey shorts. Mapungay ang mga mata niya at magulo 'yong buhok. Halatang kakagising lang.

Bigla tuloy akong napatitig sa maskuladong abs niya. Grabe! Naalala ko tuloy 'yong mga nababasa ko noon sa mga pocketbooks. Ganito pala ang itsura ng burning abs sa malapitan! Mabilis kong iniwas ang mga mata ko sa katawan niya dahil nasa tabi lang namin ang girlfriend niya.

"Baby, scrambled eggs, bacon and fried rice?" masuyong tanong ni Kieran sa katabi ko. Medyo may pagka-husky 'yong boses niya. Isang matamis na ngiti ang kaagad na iginawad sa kanya ni Kylie.

"Yes, Baby!" mabilis niyang saad.

Pumasok na si Kieran sa loob ng unit ni Kylie.

"Mauna na ako Kylie. Nice meeting you!" pamamalam ko sa katabi. Naramdaman ko na naman kasi 'yong pagkalam ng sikmura ko.

"Nice meeting you rin Scarlet!" tugon niya.

***

Miyerkules ngayon, nakapaskil sa labas ng Club DC na 'yong The Velvet ang banda ang naka-schedule na mag-perform ngayong gabi. Sa pagkakaalam ko ito 'yong pangalan ng banda nina Kieran at Kylie. Alas siyete pa lang ay halos mapuno na 'yong ibabang bahagi ng Club DC.

Sobrang busy namin ngayon. Kaliwa't kanan 'yong order na nire-receive ni Glaiza. Iyong ibang order na para sa kanya ay ako na 'yong naglilista. Kahit pangalawang araw ko pa lang sa pagtatrabaho ay madali ko naman agad nakukuha 'yong mga itinuro sa akin ni Glaiza kagabi.

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang malamig at husky na boses na umagaw rin ng pansin ng lahat.

The strands in your eyes that color them wonderful

Stop me and steal my breath

Habang dala ko 'yong notepad na listahan ng mga order ay marahan kong nilingon ang gawi ng stage. Hindi nga ako nagkamali, boses iyon ni Kieran!

And emeralds from mountains thrust towards the sky

Never revealing their depth.

His voice is like an oasis in a desert. It is your refuge from the drought. Iyong kahit anong panget ng araw mo kapag maririnig mo 'yong boses niya parang masasabi mo na ang sarap mabuhay. Sobrang sarap sa pakiramdam.

And I'll be your cryin' shoulder

I'll be love's suicide

And I'll be better when I'm older

I'll be the greatest fan of your life

I used to write fiction stories during my free time at kung magiging character siguro si Kieran sa istoryang sinusulat ko. Siya iyong lead vocalist ng isang banda na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Sobrang sikat siyang singer at kilala sa buong bansa.

I tried to focus on my work, dahil hindi talaga biro ang dami ng tao ngayong gabi. Hanggang sa mag-alas dose na ay jump pack pa rin ang restobar sa dami ng tao.

Alas dos nang makapagpalit ako ng uniform at maghanda ng umuwi. Naabutan ko sa locker area na busy na nag-uusap sina Stella, Harvey, Kenneth at kasama rin nila ang ka-work mate namin na si Janice.

"Nag-aaway nga!" bulong ni Harvey kay Stella. Pero naging sapat ang lakas ng boses niya para marinig ko iyong sinabi niya.

"Hay! Knowing Kylie Duh! Basta mayaman bibigay 'yan!" si Janice naman sa mataas na tono ng boses.

"Sssh! Hinaan mo nga 'yong boses mo!" pamimigil sa kanya ni Stella. Napansin ko na napalingon silang apat sa akin. Nagkibit-balikat lang ako at abalang binuksan 'yong locker ko.

"Binigay nga raw ni Kylie 'yong number niya roon sa businessman!" si Harvey ulit. Kahit tuloy ayokong makinig sa tsismisan nilang apat ay naging interesante na rin ako sa pinag-uusapan nila. Kung hindi ako nagkakamali ay si Kylie at Kieran 'yong topic nila.

"Alam mo 'yang si Kylie, mataas ang pangarap niyan! Okay nga si Kieran, mabait at sobrang gwapo. Pero may makita lang 'yan na mayaman na kaya siyang iahon sa kahirapan, pustahan tayo! Sa isang pitik lang ng daliri iiwanan niya si Kieran!" utas ni Janice.

"Weh? Baka naman hindi totally iwanan! Pwedeng Spongkey niya lang 'yong businessman, pero kay Kieran pa rin siya uuwi!" si Stella.

"Ayaw n'yo maniwala! Ilang beses na rin siya nahuli ni Kieran noon 'di ba? Sorry na lang talaga si Kieran dahil mahirap lang siya! Mataas ang ambisyon ng girlfriend niya!"

Ilang beses na nag-replay sa utak ko ang sinabing iyon ni Janice. Hindi kasi ako makapaniwala na nagawa na palang lokohin ni Kylie si Kieran noon. Sa tuwing nagpe-perform kasi sila on stage ay mararamdaman mo talaga 'yong kakaibang chemical reaction sa pagitan nilang dalawa. At sa ingay nilang dalawa kagabi sa loob ng unit ni Kylie, for sure na nasa-satisfy nila ang isa't isa sa aspetong pisikal.

Magkasabay kami ni Glaiza na maglakad sa sakayan ng tricycle. Hindi kasi siya sa staff house nakatira. Malapit lang daw rito sa Club DC 'yong bahay ng byenan niya kung saan sila nakatira ng asawa niya. Doon siya sa waiting shed malapit sa terminal sinusundo ng motor ng asawa niya.

Sa di kalayuan ay napansin ko na mag-isang naglalakad si Kieran papuntang sakayan ng tricycle. Nakapagpalit na rin siya ng damit. Nakasuot na siya ngayon ng isang itim na tshirt at dark blue na pantalon. Sumakay siya sa pang-unang tricycle na nakaparada.

"Ingat ka sa pag-uwi, Scarlet!" pagpapaalam sa akin ni Glaiza. Naglakad na siya patungo sa direksyon ng waiting shed.

"Ingat din kayo sa byahe!" tugon ko naman. Dumiretso na ako ng lakad papuntang terminal. Napalingon pa ako sa likuran ko upang makita kung may iba akong makakasabay na pasahero. Biglang lumakas ang pagtambol ng dibdib ko nang makita kong ako lang ang pwedeng sumakay roon sa tricycle kung saan nakaupo si Kieran.

Tig-dalawang tao kasi ang sakay ng tricycle bago ito ipaandar ng driver. Nakaramdam ako ng panlalamig ng katawan nang ma-realize ko na makakasabay ko nga roon sa tricycle si Kieran.

Ilang segundo rin akong nakatayo, nakabalik lang ako sa ulirat ko nang marinig ko ang pagtawag ng driver.

"Hija, sa staff house ka rin ba?" marahang tanong ni Manong. Kaagad akong tumango at kibit-balikat na naupo sa tabi ni Kieran.

Butterflies in my stomach! Nangangatog din ang aking katawan. Jusko ano ba 'tong nararamdaman ko? Makakatabi ko lang naman siya sa loob ng tricycle! Ibig sabihin ba no'n ay crush ko na rin si Kieran?

Continue Reading

You'll Also Like

72.5K 2K 40
Everyone thinks that they are such a perfect couple. But what if they come to a point that love is all they have? Will they fight for each other or l...
2.7K 65 26
Love can never go wrong. It is a right feeling- giving you both happiness and agony, laughter and tears. You just happen to love the wrong person. - ...
120K 3.5K 39
I had the right love... the right guy... But not the right time... We tried to work it out, but I guess when destiny says it's over, it's really over...
77.5K 2.3K 17
He was there when I was broken. He was the one who picked me up. He was the one who made me smile in spite of the pain I am carrying within me. He wa...