Prince of Time: Memories From...

By Hazel_KYJ

501 119 5

A Story of a Couple that is about to get married. One day, an unfortunate event put their happily ever after... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 18

6 2 0
By Hazel_KYJ

"Hindi kaya siya yung duguang babae isang taon ng nakakalipas?" tanong ng matanda kay Liam

Yaang mga salitang yan ang bumagabag sa isipan ni Liam hanggang sa --

"Apo, mabuti pa ay kumain ka muna at tanghalian na naman, saluhan mo na ako rito!" pagyaya ng matanda kay Liam

"Salamat po Lo, kayo lang po ba ang nandito?" sambit ni Liam habang sabay silang nananghalian ni Lolo Generoso sa isang simpleng kubo na parang maituturing mo na rin tahanan

"Oo apo, sinakripisyo ko ang kayamanan namin para makapag-aral sa ibang bansa ang mga anak ko" kwento ng matanda

"Kasama na po don si Lolo Leonardo?" tanong ni Liam

"Oo apo, kasama don si Leonardo sa ibang bansa kasama ang kanilang ina ang iyong lola Rosa.." si Lolo Generoso habang sila ay nakain ng pananghalian

"Bakit di po kayo sumama doon kasama nila?" tanong ni Liam

"Hindi maaari iho, tsaka sapat lang ang natitirang salapi para sila na lang mag-iina ang makipagsapalaran sa ibang bansa, nagpapadala naman sila ng liham sa akin, palagay ko ay magaganda na rin ang kanilang mga trabaho doon!" pag-ala ala ni Lolo Generoso sa kanyang asawa at mga anak

"Kaya po naisipan nyong manirahan na lang po sa simpleng kubong ito.." sambit ni Liam

"Alam mo apo, mabuti pa at tapusin mo ng kumain ng makapagpahinga ka.." sambit ni Lolo Generoso

"Ngunit Lo, kailangan ko pong malaman kung nasaan naroon si Aiyana!" si Liam na gustong gusto ng makita si Aiyana

"Aiyana? Siya ba yung babaeng tinutukoy mo na iyong mapapangasawa? Tama ba apo?" tanong ni Lolo Generoso kay Liam

"Opo Lo, siya po si Aiyana Flores, isang matapang at matalinong babae po siya, madali siyang mapikon at magalit lalo na sa akin" biglang tumulo na lang ang luha ni Liam habang sinasambit ang mga katangian ni Aiyana sa kanyang ninuno

"Bakit ka naman naluluha apo? Sa palagay ko labis na mahalaga sa iyo ang babaeng ito kaya ikaw ay nagkakaganyan, tama ako hindi ba?" si Lolo Generoso habang pinagmamasdan ang kanyang apo na nakakaramdam ng pangungulila sa babaeng kanyang pinakamamahal

"Alam nyo po kasi lo, sobra po ang pagiging suwail kong anak sa magulang ko, ni hindi po ako nasunod sa mga utos nila lagi akong napapabarkada sa maling mga kaibigan, may talino naman pong taglay ang apo nyo lo kaso nga lang tamad mag-aral, pero simula nung dumating si Aiyana sa buhay ko, parang nag-iba ang lahat, napahanga ako sa dedikasyon nyang mag-aral at pagiging mabuting anak sa kanyang ina" kwento ni Liam sa kanyang lolo Generoso na matyagang nakikinig sa kwento ni Liam na kung paano sila nag umpisa ni Aiyana

"Inaamin ko po na ako ang unang nahulog ang loob sa kanya pero nung una di nya gusto ang mga ginagawa kong pagpapakita ng motibo sa kanya na siya ay gusto ko na, naiirita siya sa tuwing sinasabayan ko syang umuwi sa kanila" natatawa na lang si Liam sa kwento nya

"Umabot pa nga po na halos magpakamatay na po ako para pumayag lang siya na ligawan ko, nakakatawa nga po yung reaksyon nyang iyon na putlang putla at taranta dahil tatalon na ako sa isang gusali sa eskwelahan namin nung kami ay kolehiyo, pareho kami nag-aaral ng nars noon, naging maganda naman po ang pakana ko pong iyon at pumayag na siya ay aking ligawan--" napatigil si Liam ng magsalita si Lolo Generoso

"Iba talaga ang nagagawa kapag ikaw umiibig na apo, lahat gagawin para sa kanya na kahit ikapahamak mo pa!" ngiting sabi ni Lolo Generoso sa apo

"Tama po kayo lo, iba nga po talaga nagagawa kapag ika'y tinamaan na ng pag-ibig, pero isa rin po sa pinakamasayang alaala ko sa kanya ay yung sinagot niya ako pagkatapos ng aming pagtatapos sa kolehiyo, isang magandang alaala po iyon lolo na sa wakas kami na ng aking prinsesa, lumipas ang pitong taon, naging matatag kami sa lahat ng pagsubok na dumaan hanggang sa eto na nga, niyaya ko na siyang magpakasal, masaya nyang tinanggap iyon at naging masaya kami sa mga oras na iyon hanggang sa dumating ang aksidenteng nagpahiwalay sa aming dalawa!" napalitan ng lungkot sa mukha ang namutawi kay Liam at hinawakan sya sa lingkod ni Lolo Generoso upang hindi gaano malungkot

"Gaya ng sinabi mo apo, pitong taon na ang lumipas sa panahon nyo at kayo ay naging matatag sa inyong relasyon sa isa't isa ngayon ka pa ba susuko apo? Walang mahina sa ating lahi apo! Tandaan mo yan, walang sukuan apo, ang layo na ng nilakbay po di lang oras kung di panahon na nilakbay mo kaya wag kang susuko.." payo sa kanya ni Lolo Generoso

"Salamat po lo sa pagbibigay ng kumpiyansa at katatagan na ipagpatuloy ko ito, nagawa ko ng suwayin ang mga magulang ko at kapatid ko para lang makarating dito para mahanap siya, di ko po ito sasayangin, ano mang pagsubok ang kaharapin ko makita ko lang siya at maibalik sa panahon namin, haharapin ko ito, para naman mapatawad ako ng kanyang ina sa nangyari kay Aiyana, di ko mapapatawad ang sarili ko kapag mabigo akong mahanap siya at maiuwi, salamat lo dahil ikaw ang una kong nakadaupang palad sa unang beses kong pagpunta sa panahon ninyo!" isang ngiti ang isinukli ni Liam kay Lolo Generoso

"Gusto mo bang bumaba sa bayan para magpahangin at mabakasakali matagpuan mo siya roon?" pagyaya ng kanyang lolo kay Liam

"Sige po lo!" akmang mauuna na si Liam ng pigilan siya ni Lolo Genroso

"Apo, hindi ka maaaring bumaba ng bayan ng ganyang ang iyong kasuotan baka ikaw ay mapahamak, halika ikaw magpalit ng kasuotan na naaayon sa aming panahon!" hinila ng matanda papasok ng bahay kubo si Liam upang magpalit ng kasuotan

Samantala...

Sa Bayan ng Santa Cecilia

Unang beses na makalabas ng bakuran ng mga Abelino si Aliya kasama si Elena upang mamili ng mga sahog sa iluluto nilang hapunan para sa senyor..

"Napakasarap palang mamasyal ng walang nakamata sa iyong asawa na daig mo pang mawawala ka kapag nalingap siya!" masayang isinambit ni Aliya habang abalang namimili si Elena na ipangsasahog sa ulam nila sa hapunan

"Tunay nga nababanaag sa iyong mestisang mukha ang kasiyahan kailanman di mo nadama sa loob ng isang taon nakakulong ka lang sa bakuran ng iyong asawa!" turan ni Elena kay Aliya

Habang naglalakad sila sa karamihan ng tao, di maiwasan mapatingin sa kanya ang mga tao sa paligid

"Tila isang mestiza galing sa ibang bansa ang binibining iyan!" sambit ng isang babae na dumaan

"Kaya nga amiga! Ngayon ko lang sya nakita dito sa ating lugar!" sambit naman ng isang babae kasama nito

"Mukhang napakagara ng kanyang kasuotan nababagay sa kanyang napakaamong mukha na tila bay isang anghel na ipinadala sa lupa ang ningning ng kanyang mukha, walang ganyang lahi sa ating bayan amiga!" sambit ng isang magtitinda ng mga gulay sa kanyang mga kapwa manininda

"Senyorita, tila ikaw ay pinag-uusapan ng mga tao rito, halina kaya bumalik sa tahanan ng senyor?" pag-yaya ni Elena kay Aliya

"Hindi Elena, hayaan mo na lang sila!" pagtanggi ni Aliya

"Pero senyorita?" sambit ni Elena

Biglang may lumapit na dalawang ginoo sa kanilang dalawa ni Elena

"Isang magandang binibini, maaari bang ika'y aking samahan mamasyal rito sa bayan?" sambit ng ginoo na kakaiba ang tingin kay Aliya

"Paumanhin ngunit meron pa kaming gagawin!" hinila bigla ni Aliya si Elena at sila ay mabilis na tumatakbo habang hinahabol ng  mga ginoo

Hindi sila tinigilan ng mga ginoong habulin hanggang sa mahuli sila ng isa sa kasama ng ginoo sa may gilid ng arko na papuntang kagubatan..

Hinawakan ng ginoo si Aliya sa kamay ganun di ang isang ginoo sa kamay ni Elena

"Bitawan nyo ang senyorita" sigaw ni Elena ngunit itinulak ng ginoo si Aliya papunta sa pader

"Bibitawan mo ako o hindi!" matalim na tingin ang iginawad ni Aliya sa si ginoong nagtatangka sa kanya

"Matapang ang binibining ito ah, ito ang mga gusto ko sa babae eh ang matapang at agresibo!" nakakatakot na ngiti ang iginawad ng ginoo kay Aliya at unti unti itong lumalapit sa mukha ni Aliya ng biglang may humila sa ginoo at --

*Blags*

"Mawalang galang sa iyo ginoo pero tila yata hindi maganda ang nais mong gawin sa binibining ito!" sambit ng lalaking sumuntok sa ginoo, nakawala na si Elena sa pagkakahawak ng isa pang ginoo at dali dali nilapitan si Aliya na tulalang pinapanood kung papaano basaging ng mestizong lalaki ang mukha ng ginoong tinangka siyang pagsamantalahan

"Sinong kang walang hiyang indiyo ka hah!!" sagot ng ginoo at isang suntok na naman ang ginawad ng lalaki sa kanya

"Hindi na kailangan malaman dahil ang pinakaayaw ko sa lahat ang may mga lalaking sinasamantala ang kahinaan ng isang babae na kailanman di ko magagawa sa babaeng pinakamamahal ko!!" talagang binunugbog ng husto ng lalaki ang ginoo

Nanatiling tulala si Aliya sa mga nangyayari, tila parang pamilyar sa kanya ang boses ng lalaki

Tuluyan ng sumuko ang ginoo at paika ikang umalis kasama nung isa pa nyamg kasama..

"Napakakisig mo palang makipagbuno apo!" lumapit ang isang matandang lalaki sa mabuting ginooz

"Salamat po lo, kakailanganin ko po ang ganong tapang para ako ay laging maging handa sa anumang pagsubok sa paghahanap ko sa kanya!" masayang turan ng mabait na ginoo

Lumapit sila Aliya at Elena sa matandang lalaki at sa mabuting ginoo, nakatalikod ang mabuting ginoo sa kanila kaya hindi pa nila nakikita ang wangis nito..

"Marami po palang salamat sa pagtulong sa aming ng senyorita mga ginoo!" pasasalamat ni Elena, humarap ang mabuting ginoo kay Aliya at Elena at laking gulat nito

"Aiyana?" sambit ng mabuting ginoo kay Aliya

===================================

Next: Chapter 19



Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 49.1K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
565 26 1
𝐀 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐨𝐟 πŸ‘ 𝐛𝐨𝐲𝐬 𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫𝐒𝐧𝐠 𝐚 𝐦𝐚𝐟𝐒𝐚 𝐬𝐜𝐑𝐨𝐨π₯. 𝐖𝐒π₯π₯ 𝐭𝐑𝐞𝐲 𝐟𝐒𝐭 𝐒𝐧 π₯𝐒𝐀𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐨𝐭𝐑𝐞𝐫𝐬 𝐨𝐫 𝐧𝐨𝐭? ...
577K 12.9K 40
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
16.5K 843 27
A place where caste system does not apply. A place where everything is about survival, love, and trust over powers everything. A place where zombies...