Kristine Series 06: Kapirason...

By Imperfect_Philozoic

21.6K 614 27

Anuman ang gawin ni Aura ay hindi niya mapaglabanan ang damdamin na naramdaman kay Miguel. Unti-unting nabubu... More

Amanda - Kapirasong Papel (Kristine Series 06)
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten - Finale

Chapter Two

1.7K 46 4
By Imperfect_Philozoic


MALALIM na ang gabi ngunit hindi pa rin makatulog si Aura. Muli na naman siyang binabagabag ng mga alalahanin, at tuwing ipipikit niya ang mga mata'y nagbabalik sa kanyang alaala ang araw na natuklasan niya ang lihim na bumabalot sa kanyang pagkatao, at ang unang paghaharap nila ni Leon Fortalejo.

Tulad ng dati'y namalayan na lamang niyang nahilam ng luha ang kanyang mga mata.

Pinahid niya iyon. Kung bakit hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha gayong isinumpa na niya sa sariling hindi na muling iiyak.

"You're very stiff, Aura. At bihira ka na kung ngumiti. Malapit ka nang magmukhang buhay na estatwa," minsa'y biro sa kanya ng may-edad na sekretaryang si Inez, na itinuturing na rin niyang kaibigan.

Nagkibit-balikat lamarig siya.

Somehow, totoo ang sinabi nito. Gusto niyang magmukhang buhay na estatwa. Hindi nasasaktan sapagka't walang damdamin.

Kahit sino'y hindi tatangging makipagpalit ng puwesto sa kanya, at pumayag na maging anak ni Don Rafael Fortalejo sapagka't walang hindi maiinggit sa kariwasaang tinatamasa niya.

Pero hindi lamang sa salapi nabubuhay ang tao. At ang kaligayahan ay hindi isang item na mabibili mo sa department store.

But love? Minsan na niyang napatunayan na nabibili ng salapi ang pag-ibig. It happened five years ago.

Clark used to be one of their executives. Guwapo, matalino, at akala niya'y totoong disente.

Nakilala niya ito nang makasama niyang dumalo sa isang business conference sa Japan. Si Clark ang ipinadala ng kompanya sapagka't ito ang pinakamasipag at pinaka-capable sa lahat ng nakababatang executives.

Naging masaya siya sa company nito, hanggang sa mamalayan niya ang sariling umiibig sa binata.

Pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon sapagka't nang matuklasan ni Rafael ang tungkol dito'y gumawa ito ng paraan upang paglayuin silang dalawa. Gusto ni Rafael na ang lalaking mapapangasawa niya'y nasa katulad na estado.

Binayaran ni Rafael si Clark. At hindi siya makapaniwalang ipinagpalit siya ng huli sa limang milyong pisong kung tutuusin ay barya lamang sa kayamanan ng mga Fortalejo.

Damn you, Clark! Ipinagpalit mo ang isang Aura Fortalejo sa limang milyong piso lamang? himutok niyang sa loob ng limang taon ay hindi nawawala.

Mula noo'y nawalan na siya ng interes sa mga lalaki. Manloloko, oportunista ang tingin niya sa lahat ng nagtangkang manligaw. Hanggang sa naging bato na yata ang puso niya.

Kung minsan ay naiinggit siya sa kapatid na si Krizelda, lalo na ngayong nakatagpo na ito ng kaligayahan sa piling ng napangasawang si Gabriel.

She may be stiff and cold-hearted sa tingin ng ibang tao, pero deep inside, gusto rin niyang makatagpo ng lalaking magmamahal sa kanya nang totoo at hindi lamang dahil sa siya'y isang Fortalejo.

Nakatulugan niya ang pag-iisip at mataas na ang sikat ng araw nang magising kinabukasan. Nag-aalmusal sa garden si Margarita nang bumaba siya.

"Come and join me, Aura," anito nang makita ang dalaga.

"Buenos dias, Margarita," bati niya nang maupo sa kaibayo ng babae.

"Buenos dias. Did you sleep well?"

Tumango siya. Nagpasalamat nang salinan ni Margarita ng kape ang kanyang tasa.

"Me parece muy bien que te tomes vacaciones," / think it's very nice that you're taking a vacation, ibig sabihin ni Margarita.

"Si. Pero hindi ako magtatagal sa Villa Kristine. Dumalaw lang ako, Margarita. Sa makalawa ay magdiriwang ng kaarawan si Guada, at kailangan kong bumalik sa bahay ng mga Redoblado."

Napatango-tango ito matapos humigop ng kape sa tasa.

"Kung gusto mong mamasyal sa hacienda ay pasasamahan kita kay Bernard."

"Kung maaari sana'y ngayon na. Malamig pa ang sikat ng araw, at masarap mangabayo sa umaga."

"Nasa kuwadra si Bernard at tinitingnan ang mga kabayo. Kung tapos ka nang mag-almusal ay tayo na."

Inilapag ni Aura ang tasa ng kape at tumayo. Sumunod si Margarita at magkaagapay silang naglakad patungo sa kinaroroonan ng kuwadra.

Nadatnan nilang kausap ni Bernard ang matandang tagapag-alaga ng mga kabayo.

"Wala naman pong problema sa mga kabayo, senyorito." Narinig nilang sabi nito.

"Mabuti naman kung ganoon, Mang Gener," ani Bernard. Sumalubong ito nang makita silang papalapit. "Hello there!"

"Hello, Bernard," si Aura.

"Gustong mamasyal ni Aura sa hacienda, Bernard, at ngayon na. Maaari mo bang samahan ang ating bisita?"

"Sure." Binalingan ng binata si Mang Gener at inutusang ilabas ang dalawang kabayo.

Ilang sandali pa at naglilibot na ang dalawa sa hacienda,

Maraming ikinukuwento si Bernard habang nanatiling tahimik na nakikinig si Aura. Maliban sa paminsan-minsang pagtango ay wala nang itinugon pa ang dalaga.

Pabalik na sila sa villa nang magyaya siyang dumaan sa mausuleo.

Nasa harap na sila niyon nang makadama ng panlalamig si Aura. Humalinghing ang kabayong sinasakyan ng dalaga nang wala sa loob na mahigit niya ang renda.

"Ho..." ani Bernard at nagpaunang bumaba sa kabayo.

Sakay pa rin ng kabayo na iginala ni Aura ang paningin sa paligid. Sa mga punong nakapalibot sa elevated na mausuleong napipinturahan ng puti, na kababakasang pinaglipasan na ng kung ilang panahon.

Nang makitang papanhik na sa baitang-baitang na semento si Bernard ay bumaba na rin siya sa kabayo. Tumutunog ang mga tuyong dahon at siit sa bawat hakbang niya.

Lubusang naghari ang katahimikan sa paligid nang makalapit siya kay Bernard. Nakatayo sila sa harap ng nakapinid na pinto ng mausuleo.

Lumangitngit iyon nang itulak ni Bernard. Nagkaingay ang nabulabog na mga ibong nananahan sa loob.

Nagpawala siya ng isang malalim na buntong-hininga at sumunod sa binatang nagpatiuna na sa pagpasok.

Isa-isa niyang tiningnan ang apat na nitsong yari sa marmol. Mula kay Don Servando Fortalejo na abuelo, kay Donya Miranda Fortalejo na abuela at panghuli ay ang sa mag-asawang Donya Kristine Esmeralda at Don Leon Fortalejo.

Huminto siya sa tapat ng nitso ng abuelo at tahimik na nagbigay-galang, habang si Bernard ay sinisiyasat ang loob ng mausuleo.

Madalas sabihin ni Rafael sa kanilang magkakapatid na mabuting tao si Don Servando, at napakabait na abuela ni Miranda. Kahit hindi niya nagisnan ang mga ito'y parang kilalang-kilala na rin niya.

Humakbang siya at huminto sa tapat ng nitso ni Donya Kristine Esmeralda. Ang tanging babaeng pinag-alayan ni Don Leon ng pangalan nito.

Nakatayo na siya sa tapat ng nitso ni Don Leon nang maramdamang nasa likod na niya si Bernard, at tulad niya'y tahimik na nakatitig sa lapidang kinauukitan ng pangalan ng don, ng araw ng kapanganakan at kamatayan nito.

Napapikit siya at tila sineng nagbalik sa alaala ang unang pagkakataong nakaharap ang don...

Kung hindi pa niya narinig na nagsalita si Bernard ay hindi pa mapuputol ang alaala.

"Nanghihinayang ako at napakaikli ng panahong ibinigay sa amin ng Diyos para magkasama. It was too late nang malaman kong si Leon ang aking ama..."

"Hindi ka ba namuhi sa kanya?" tanong niyang hindi inaalis ang mga mata sa nitso.

"Noong una, dahil inilayo niya sa akin si Jewel sa loob ng kung ilang taon. Pero nang malaman ko ang kanyang dahilan ay nawala ang lahat ng iyon. Of course, sa bandang huli'y lumabas din ang katotohanang hindi kami magkadugo ni Jewel..."

"Madali mong natanggap na isa kang Fortalejo dahil pinalaki ka sa paniniwalang isa ka sa kanila..."

"At nararamdaman ko noon pa na dugong Fortalejo ang nananalaytay sa mga ugat ko."

"At hindi birong kayamanan ang pag-aari ng mga Fortalejo—"

"Walang halaga ang kayamanan kung wala sa akin ngayon si Jewel," pagtutuwid ni Bernard sa nais ipakahulugan ng dalaga.

"Alam mo bang may isa pang anak si Leon na tinalikuran ang karangyaan at katanyagang kakabit ng pagiging isang Fortalejo, Bernard?"

"Si Zandro..."

"Yes, si Zandro. At mas matanda siya sa iyo, Bernard. Nangangahulugang kung aangkinin niya ang para sa kanya'y higit na may karapatan siya kaysa sa iyo."

"Inuulit ko, Aura, walang halaga sa akin ang kayamanan."

"Saka mo sabihin 'yan kapag nagbalik sa Hacienda Kristine si Zandro."

"May alam ka ba sa kanya? Sa kinaroroonan niya...?"

Hinarap ni Aura ang binata at napangiti nang makita ang pagkabahala sa mukha nito. "Wala, pero curious ako kung totoo ngang carbon copy siya ni Leon."

"Ang lahat ay nagsasabi, pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makita siya."

Katahimikan.

"Tell me, Bernard... how would you react, kapag nalaman mong bukod kay Zandro ay mayroon pang isang anak sa labas si Leon?"

"Hindi ako ang dapat mong tanungin, Aura, kundi si Margarita."

"At ano sa palagay mo ang magiging reaksyon niya?"

Walang maisagot na nagkibit na lamang ng balikat si Bernard, at niyaya nang lumabas ng mausuleo si Aura.

Pagkasakay sa kani-kanilang kabayo ay hinamon niya ng karera si Bernard pabalik sa villa. Natatawa na lamang itong pinatakbo ng matulin ang kabayo.

Unang nakarating sa villa si Aura. Ngunit segundo lamang ang pagitan nilang dalawa.

"Mahusay kang mangabayo. Wala pa akong nakitang babaeng kasinghusay mo!" humahangang sabi ni Bernard.

"Thank you," pinamumulahan ng mga pisnging tugon niya.

"Gusto kong mahiya para sa 'yo, Bernard," anang tinig ng lalaki na nakapagpalingon sa dalawa.

Napakunot ang noo ni Aura nang mapag-masdan ang lalaking akala mo'y prinsipeng nakatayo sa may pintuan ng villa. Sa tabi nito ay nakatayo si Margarita na nakangiti.

Pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaki. At naalala niyang nakita na niya ito sa Villa Aurora noong ikasal sina Gabriel at Krizelda. Ito ang nakatatandang kapatid ni Gabriel, na noong nasa villa'y iniwasan niya dahil sa malalagkit na titig nito.

Inalalayan siya ni Bernard nang bumaba sa kabayo at igiya palapit sa mga ito.

"Hello, Miguel, it's been a long time!" Tinapik ni Bernard sa balikat ang lalaki at ganoon din ito. "Mabuti naman at napasyal ka. Kailan ka pa dumating?"

"Kagabi lang," sagot nito na nakatuon ang paningin kay Aura.

May kung anong naramdaman si Aura sa pagkakatitig sa kanya ng lalaki. Nagbaba siya ng tingin.

"Sinusundo ni Miguel si Aura, Bernard," ani Margarita.

Nagtatanong ang mga matang napatingin ang dalaga sa lalaki. Tumango ito bilang pagkumpirma sa sinabi ni Margarita.

"Pinakiusapan ako ni Krizelda na sunduin ka."

"Sunduin ako? Why?" may pagtatakang tanong ni Aura. Sinabi niya sa kapatid na sa kaarawan ni Guada ay babalik siya. At bukas pa iyon.

"Kaninang umaga'y dinugo siya—"

"What?" Hindi niya alam na nagdadalantao na ito.

Maging si Bernard ay nagulat sa nalaman. Napatango si Margarita na nauna nang nakaalam ng pangyayari.

"She's two months pregnant at kanina lang niya nalaman nang may lumabas na dugo," paliwanag ni Miguel. "Ayon kay Dr. De Jesus ay ligtas na siya at ang kanyang dinadala. Kailangan lamang daw ng pahinga."

"Oh...!" bulalas ni Aura na nakadama ng awa sa kapatid at relief na rin nang malamang ligtas na ito at ang nasa tiyan.

"Ipinasusundo ka niya."

"Yes, I'm coming with you," aniya at bumaling kay Margarita. "Mapapadali ang pagbabakasyon ko, Margarita. Kailangan ako ni Krizelda."

"Ipahahanda ko ang mga gamit mo," anito na nakakaunawa.

"Yes, please do." Ang tanging nasa isip niya nang mga sandaling lyon ay si Krizelda. Nakalimutan niya ang dahilan ng pagbabakasyon sa Villa Kristine.

"I'll wait for you here," ani Miguel.

Tumango siya at nagpaalam kay Bernard bago sumunod kay Margarita.


                                                            **********

Continue Reading

You'll Also Like

57.1K 1.7K 23
Brianna was a victim of a failed kidnapping and attack. Iniligtas siya ng isang estrangherong may maiitim na mata na kung tumingin ay halos manuot sa...
82.2K 1.8K 23
Nakaplano ang pagpapakasal ni Nicole sa kasintahang si Rico. At kuntento siya sa relasyon niya sa kasintahan. Then out of the blue, dumating sa eksen...
70.8K 1.4K 13
Isang mapait-matamis na bahagi ng kabataan ni Emilie si Liam, her teenage crush her first kiss. Paminsan-minsan ay sumasagi ito sa isip niya. Pero ha...
2.1K 71 11
The kiss was long, slow, tender, and loving. Nanatili siyang nakapikit kahit tapos na ang halik. Gusto pa niyang namnamin ang masarap na pakiramdam n...