SWEETHEART 13: Someday My Pri...

By AgaOdilag

135K 2.5K 180

He would be hers... someday Walong taong gulang si Delaney Williams nang iuwi ng kanyang ama ang isang labimp... More

First Page
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE

PROLOGUE

10.6K 135 11
By AgaOdilag


MAY KIROT na nadarama sa dibdib si Prince habang pinapanood ang pamimitas ng ligaw na bulaklak ni Delaney sa gilid ng burol.
Akala niya'y naubos na ang mga luha niya habang patungo sila roon sa burol. Pero nagkamali siya. Muli ay nararamdaman niya ang pag-iinit ng mga mata at nagbabantang bumagsak ang kanyang mga luha. Subalit hindi niya gustong gawin iyon sa harap ng labing-isang taong gulang na batang babae.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib at tinanaw sa ibaba ng burol ang hindi kalawakang lupain at isang luma at maliit na bahay na yari sa kahoy at yero. Iyon ang kabuuan ng lupaing mula sa oras na iyon ay responsibilidad niya.

Si Delaney at ang Kaila Farm-his legacy from the two people he had begin to care about.

Dalawang malaking responsibilidad iyon sa kanyang mga balikat. Hindi maaaring mawala ang Kaila Farm kay Delaney at si Delaney sa Kaila Farm.

Ang lupaing hindi naman kalakihan at nangangailangan ang ng salapi at hirap upang hindi mauwi sa wala pinaghirapan nina Zachary at Kaila.

"Kaila..."

Tumingala siya sa langit upang ibaling ang namuong luha sa mga mata. Sa pagpapalitan ng mga kulay ng papalubog na araw ay tila humuhugis doon ang mukha ng dalawang taong sa loob lamang ng maikling panahon ay naging mahalagang bahagi ng buhay niya. At sa kabila ng malakas na ihip ng hangin ay tila naririnig niya ang tinig ni Kaila.

"Take good care of Delaney, Prince..."

Muli'y pinuno niya ng hangin ang dibdib at nilingon ang bata. Lumingon ito sa kanya. She smiled at him though there was sadness in her amethyst eyes. Nililipad ng hangin ang mahaba, nagra-riot na kulot at mamula-mulang buhok, buhok na nakuha rin nito sa ama. Nasa mga kamay nito ang mga pinitas na bulaklak-parang sa gilid ng burol.

"Look, Prince!" sigaw ng bata. "Marami akong
napitas na mga wild roses."

Wild roses. Sa kabila ng lahat ay hindi niya mapigil ang mapangiti. Mga ligaw na bulaklak pero wild roses para kay Delaney ang mga iyon. And he didn't want to spoil her fun, never dreamed of disillusioning her.

Sa halos apat na buwang pananatili nito sa farm ay sa burol pinalilipas ng bata ang lungkot at sama ng loob sa tuwing hindi nanaisin ni Kaila na makita ito ng anak.

At nakahiligan ni Delaney ang manguha ng mga bulaklak-parang sa burol. Unlike other girls her age, hindi hinanap ni Delaney ang karangyaan ng dating buhay nito sa Maynila. It seemed that the girl loved the whole place. Ipinakibagay na nito ang sarili sa buhay
sa farm. At bakit nga ba hindi? Ang farm na lang ang natitirang pamana rito mula sa mga magulang.

Humakbang palapit si Delaney at tumingala sa
kanya. "Aren't they pretty, Prince?"

"Yes, they are."

Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng bata habang nakatitig sa kanya. "Why are your eyes red?"

"Because of the sun," sagot niya sa nananakit na lalamunan.

"Oh." Banayad na tumango si Delaney, sa wari'y pilit na tinatanggap sa sarili ang dahilan niya. "They made me cry, too." Tumingala ito sa langit at sa dako pa roon. Matinding lungkot ang nagdaan sa mga mata nito na halos magpahati sa puso niya.

"But there's no sunshine anymore, Prince. It is
almost dusk," wika nito, a little frown on her forehead.

"Yes," sang-ayon niyang muli sa gumagaralgal na tinig at tumingin sa papalubog na araw. "Pero hinihilam ng hangin ang mga mata ko, Lana."

Sa sandaling iyon ay hindi itinago ni Delaney ang pagguhit ng matinding lungkot sa mga mata. It was as if she would cry anytime. Tumingala ito sa kalangitan na pinipintahan na ng araw ng malamlam na kahel at malalim na pula.

"I won't see Mommy again, Prince, will I?"

Napahugot siya ng malalim na hininga. What she said tore his heart. He opened his mouth to say something but closed it again. Hindi siya makahagilap ng sasabihin.

Paano ba sinasagot ang ganoong tanong?

Sa nakalipas na panahon, bagaman hindi niya
ipinakikita ang iritasyon at disgusto, he never did care about Delaney one way or another. The girl was a spoiled brat. Marahil dahil nag-iisa itong anak at lumaki sa layaw at luho. Pero nitong nakalipas na mga buwan, his heart
went out to her.

"Lana..."

"I know, Prince. Even before Daddy died, I know something's wrong with Mommy though they tried to hide it from me." A controlled sob came out of her throat.

"One night, I creeped into Mommy's room. She said she would go one day just like Daddy. Na hindi ako dapat umiyak... because you'll be there to take care of me. But..."

Hindi tinapos ni Delaney ang sinasabi at humakbang palayo. Prince wanted to come to her. Sa nakikita niyang banayad na pag-uga ng mga balikat nito ay alam niyang hindi gusto ni Delaney na makita niyang umiiyak ito.
His heart ached for her. Too young for such pride and dignity. Ibinaling niya ang tingin sa lumulubog na araw sa kanluran. Kung gaano katagal siyang nakatingin doon ay hindi niya alam.

Kasabay ng unti-unting paglalaho ng araw ay ang pagbabalik sa isip ng pangyayari kani-kanina lang sa bayan... kung bakit nasa burol sila ni Delaney sa ganoong oras....

"KUMUSTA na ho siya, doktor?" tanong ni Prince sa manggagamot na lumabas mula sa silid.

Isang buntong-hininga at iling ang isinagot ng
manggagamot. Napasandal sa dingding si Prince, umaamot ng lakas mula roon. Matagal na niyang inihanda ang sarili sa ganitong sandali subalit hindi pa rin niya mapigil ang tila pamamanhid ng buong katawan niya.

He felt a certain déjà vu. Nang sabihin din ng doktor na wala na si Rebecca-his mother. Though this was worse. Rebecca's death was sudden. Hindi niya alam na mamamatay ang ina sa kabila ng alam niyang may sakit ito. Samantalang alam niyang anumang oras ay
mamamatay si Kaila. That was even harder to take, knowing someone you care about would be taken away from you any day... any moment.

And this was the moment he dreaded.

"May ilang sandali na lang siyang nalalabi... gusto ka niyang makausap. Ikaw lang," patuloy ng doktor.

Hindi pa halos natatapos ng doktor ang sinasabi ay tinakbo na niya ang patungo sa silid ni Kaila.

Gusto niyang manlumo sa nabungaran. Si Kaila, humpak ang halos kulay-papel na mukha. Ang dating maganda at natural na mamula-mulang kutis ay tila wala nang dugong nananalaytay sa mga ugat.
Nagsisikip ang dibdib na banayad niyang isinara ang pinto.

Why should life be so unfair? Why must one had to die at a very young age? Kaila was only thirty-seven.

Nagmulat ng mga mata ang babae nang maramdaman ang presensiya niya. Sa lambong ng mga mata ay nakuha pa nitong ngumiti. Ang dating mapanuksong dimples sa magkabilang pisngi nito ay hindi na niya matanaw. Sumama na iyon sa humpak nitong pisngi.

"Hi..." wika nito.

Sa nagsisikip na dibdib at lalamunan ay marahan siyang lumapit sa gilid ng kama at naupo roon. Ginagap niya ang kamay nito at ikinulong sa mga palad.

"Prince."

"Sshh... huwag kang magsalita."

She shook her head weakly. "Please, listen to me... I know I'm leaving any moment..."

Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya subalit sinikap niyang huwag magpakita ng kahinaan.
"I really hate to leave you, guys. Who's... gonna
cook your meals? Who's gonna clean your rooms? The toilet?" Her voice was so worried for a while.

Subalit agad iyong naglaho at sumilay ang ngiti sa maputlang mga labi nito. Pinakawalan ang mga palad na hawak ni Prince at sa halip ay ang kamay niya ang ikinulong sa yayat nitong mga palad. Si Prince ay hindi makuhang magsalita. Nananakit ang lalamunan niya sa pagpipigil na maiyak.

"I am... really worried about those things, you
know?" patuloy ni Kaila sa tila nagdedeliryong isip. "I know you, guys, kayo ni Zach... you hate flushing the toilet and you hate cooking..." At mahinang tumawa ito.

Ang dating tawang tila musika ay garalgal na lang sa pandinig ni Prince.

Patuloy sa pagsikip ang dibdib niya. Hindi niya
kayang tagalan ang sitwasyon. Si Zachary... ang asawa ni Kaila ay wala pang isang taong namayapa subalit sa nagdedeliryong isip ni Kaila ay tila naroon pa rin ito.

"Kaila, please..."

Ngumiti si Kaila at kumislap ang mga mata sa luhang namuo roon. "Go, Prince... don't watch me die. Take Delaney out of here."

Nagmamadali ang tinig nito na nakikiusap. Hinahabol nito ang paghinga. "Take my daughter to the hills... please. She loves it there... just like Zach when he first bought that property."

"Kaila... gusto kong narito-"

"Please."

Hindi niya ito gustong iwan subalit nasa mukha nito ang pagpipilit. Napilitan siyang tumayo.

"Kaila... I want you to know that I care..."

"I know," mabilis nitong sagot at muling sumilay ang isang ngiti sa tuyot na mga labi. Then she was gasping softly. "Hurry, Prince... I'll watch you from the hills... kami ni Zach..."

Atubiling tinungo niya ang pinto upang sundin ang sinasabi nito. Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay nilingon niya si Kaila na muling nagsalita.

"Alam ko, namin ni Zach na hindi mo pababayaan si Delaney, Prince. Take good care of her..."

Pinuno niya ng hangin ang dibdib. Isang marahang tango ang ginawa niya at sa tinig na halos hindi maglandas sa lalamunan niya ay: "Ipinapangako ko."

SA LOBBY ng maliit na pribadong ospital sa bayang iyon ay naroon si Delaney at tahimik na nakaupo sa tabi ni Nana Mameng. Poised and contained. Too ladylike for an eleven-year old. Agad itong tumayo mula sa pagkakaupo nang makita siyang lumabas ng silid.

"Kayo na ang bahala rito, Nana Mameng," ani Prince sa matandang babae.

"Prince?" Nagtatanong ang mga mata ni Nana
Mameng na unti-unting pinamumukalan ng mga luha.

Subalit hindi kumibo si Prince, iniwas ang mga mata. Niyuko ang bata. "Tayo nang umuwi, Lana." He reached for her hand at sa nagmamadaling mga hakbang ay lumabas ng ospital.

"Where's Mommy, Prince?" tanong ng bata na
tumingala at bahagyang humingal sa mabilisang lakad. "Bakit tayo uuwi? Hindi ko ba siya maaaring makita?"

The pain was killing him. Hindi niya magawang sagutin ang tanong nito. Nagmamadaling tinungo niya ang motorsiklo na nakaparada sa ilalim ng isang puno. Binitiwan niya ang kamay ni Delaney, flipped the kickstand with his foot. Kinuha ang helmet at isinuot sa bata.

"Can you back ride, lady?" tanong niya rito.

Sandaling nahalinhan ng excitement ang lambong sa mga mata nito. "I sure can."

Sumampa siya sa motorsiklo. "Hop in." Sumunod si Delaney. Her hands tentative on his waist. "Hold tight, sweetheart." Humagibis ang motorsiklo pabalik sa bahay-farm, patungo sa burol.

...Sunshine in my eyes can make me cry
Sunshine in the water looks so lovely
Sunshine almost always make me high...
If I had a song that I could sing for you
I'd sing a song to make you feel this way...

Hindi alintana ni Prince na wala siyang helmet at malakas na hangin ang dumadapyo sa mukha niya. Sunud-sunod din ang daloy ng likido sa mga pisngi niya.

Pilit niyang isinisiksik sa puso at isip that it was the wind and sunshine that caused the tears...

Continue Reading

You'll Also Like

242K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
462K 4.5K 13
Pinilit si Celine na dumalo sa isang masquerade ball--- ang Party of Destiny. Ayon sa host na si Lolo Kupido, doon makikilala ni Celine ang lalaking...
220K 5K 11
"I have this special feeling for you, Marco. Noon pa. Probably, I have loved you from afar." Tricia had a great crush on him. High school pa lam...