I don't want to do it but I can't say no, because i know that it's for our company and one more thing, I don't want to embarrass Kendric in front of other investors because they might think that a perfect man like Kendric can be left out and abandoned by someone like me.
"Goodmorning po, Manang Geraldine" bati ko agad kay Manang Geraldine pag baba ko
"Goodmorning din sayo iha.." nakangiti nya ring bati saakin
"Alam nyo po ba kung nasaan si mom and dad?" Hindi ko kasi sila nakita, pagkagising ko. ni anino nila hindi ko naramdaman, well normally kasi umaakyat si ate cam or mommy sa room ko para ayaain ako na mag breakfast.
"Maaga umalis ang mommy mo iha, makikipag kita raw yata kay madam reese. Ang daddy mo naman may meeting daw sa kompanya." Sagot naman ni Manang Geraldine
"Ah ganon po ba.." tamango ako
"Kumain kana iha, pinapasabi nga pala ni ma'am carmilla na puntahan mo raw ang asawa mo at dapat daw 9:30 nandon kana dahil 11:00 daw magsisimula ang meeting." Sabi ni manang
Pagkatapos kong kumain umakyat na ako kaagad sa kwarto ko para magbihis dahil tapos naman na akong maligo.
Nagsuot ako ng, black formal dress na may konting touch of white, na lampas tuhod ko.
Day off ni manong noel ngayon, kaya walang ibang driver na maghahatid saakin. Takot akong mag drive kapag ako lang mag-isa. Kaya nag book nalang ako ng grab, dahil hassle if mag co-commute pa ako.
Sa Eagle Stone Capital Building ang venue ng meeting nila.
Pagpasok ko sa Eagle Stone Capital Building, nakita ko na agad si kendric na nakatayo at mukhang busy sa phone nya. Lumapit ako sakanya.
"Uhh.. The meeting will start around 11:30, right?" Mahinahon at medyo nahihiyang tanong ko sakanya, pag lapit ko
Bumaling ang tingin nya saakin bago sya nagsalita "Yes. Are you ready?" Walang emosyong tanong nya
"Yes" I smiled softly at him
Luminga-linga ako sa paligid namin at nakita kong may coffee shop sa labas ng building, medyo nagugutom na rin kasi ako.
"Lalabas lang ako saglit, maaga pa naman. Don't worry babalik din ako kaagad and i won't be late." Hinintay ko ang sagot nya bago ako tuluyang lumabas
"Where are you going?" Tanong nya
"dyan lang sa coffee shop, ahm may ipapasabay ka ba?" Sabi ko sakanya
"I'll go with you." Biglang sabi nya
"H-huh? Pero hindi naman ako tatakas, i swear sa coffee shop lang ako" sabi ko pa sakanya, e ba't naman kasi sasama pa sya e dyan lang naman ako, sus akala yata nito tatakasan ko sya.
"Let's go." he said, before holding my hands
Nagulat ako sa ginawa nya pero hindi na ako nag pumiglas dahil kahit anong gawin ko ay walang wala ang lakas ko kumpara sakanya. kayang kaya nya nga 'atang durugin ang braso ko gamit lang ang isa nyang kamay e.
"Hello, i would like to order one iced latte. grande. to go. And please add some pastries, uhm any of your best sellers" Saad ko at ngumiti ako sa girl na baristang kausap ko.
"Noted ma'am. But may I know your name, please?" She politely asked
"Oh, Avionna." i told her my name and smiled
After a few minutes, I got what I ordered and we returned to the eagles stone capital building because it was almost 11:30.
Tumawag kami sa secretary ni
Mr. Sandoval at sabi nya naman ay hindi panaman raw nagsisimula ang meeting.
By the way Mr. Sandoval is the CEO of eagles stone capital.
"Hindi ka ba nagugutom?" I asked Kendric
Tinanong ko sya kanina kung may gusto ba syang order-in, sabi nya naman wala daw. Ano 'yon sinamahan nya lang ako, ganon?
"No. I ate breakfast, earlier." He answered me
"Pero kanina pa kasi 'yon-" hindi ko na lang itinuloy ang sasabihin ko dahil naisip kong hindi naman tama na pakialaman ko pa sya
"I'm sorry.." i apologize
"Sorry? For what?" Nagtataka sya
"Mali kasi na pina-pakialaman kita." sabi ko naman
"You don't have to say sorry because i know that you're just concerned to me." Sabi nya saakin
Maya-maya ay nagsimula na din ang meeting, pinapanood ko lang ang mga investors na nag uusap-usap tungkol sa presentation at business proposals.
Hindi ko akalaing sa panahon ngayon ang ba-bata pa ng mga CEO's, Managing directors and other business holders. Napapansin ko na mga nasa 20's and mid 30's ang mga age nila. Nakakapanibago lang kasi ang aga pinagkatiwala sakanila ang mga family business nila at mga investment firms na pagmamayari nila.
"What do you think about this project, Mr. Cabrera?" Mr. Suarez asked
Hindi kami nakarinig ng sagot mula kay Kendric. Kaya bahagya akong napalingon sakanya, since magkatabi lang naman kami.
Nakatitig sya sakin, hindi ko alam kung naririnig nya ba kaming mga nasa paligid nya at napaisip din ako kung ano bang tumatakbo sa isip nya?
"Ken.." bulong ko sakanya
"Masyado ka yatang distracted sa asawa mo, Mr. Cabrera?" hirit pa ni Dave
"Shut up, david." Matalim syang tumitig kay dave
"Ken.. they're asking what are your thoughts about these projects.." bulong ko ulit sakanya
Nakakahiya na talaga sa ibang mga investors, kasama nga din pala nila yung mga asawa nila. Tsk mukhang kinikilig sila saamin ni kendric. dyan naman sila nagkakamali dahil hindi naman dapat kakiligan ang relasyon namin.
"Sorry, but I'll be honest with you
Ms. Dizon, I'm not convinced to invest in your project." Diretsahang pag-amin ni kendric
Hindi talaga sya marunong mag sugar coat manlang, para saakin maganda yung project ni Ms. Dizon, kung ako man ang tatanungin, I'm willing to invest in her project. Wala man akong gaanong alam sa mga business and investment pero sobrang nagustuhan ko ang project nya na tinatawag nilang "Mobi", ito ay mga new and high tech gym or workout equipments, sobrang convenient nito dahil may mga tao na gustong mag workout pero nag-aalangan silang mag enroll sa mga gym or wala silang gaanong time para pumunta pa sa mga gym.
Nakita ko sa mga mata ni Ms. Dizon ang lungkot at alam kong medyo na-disappoint sya.. i know that she did her very best for this..
"Sorry hindi rin kami mag iinvest, Ms. Dizon." Sabi pa ng ibang mga investors
Doon ko naisip na ganito pala ka ma-impluwensiya si kendric sakanila. Ang desisyon ni kendric ay parang desisyon na rin nila.
"Meeting dismissed." Mr. Sandoval said
Isa-isa nang nag-alisan ang mga investors. Lumabas na din kami ni kendric.
"Let's go?" He asked me
Nakita ko si Ms. Dizon na papasok sa restroom, gusto ko sana syang makausap.
"Can you please wait for me here? I'll be right back, I'll just go to the restroom for a minute, is it okay?" Tinanong ko sya
"Okay." He nodded
Dali-dali akong pumunta ng restroom.
Nakita ko si Ms. Dizon na umiiyak sa harap ng salamin. Sobra akong naawa sakanya.. inabutan ko sya ng panyo. Nagtaas ang tingin nya saakin.
"K-kayo po p-pala ma'am" dali-dali nyang pinunasan ang luha sa pisngi nya at medyo nanginginig pa ang boses nya
"Sorry for what happened earlier.. uhh sa meeting" i apologize
"Nako ma'am, ayos lang po 'yon" pinipilit nyang ngumiti "Normal naman po 'yon at tsaka wala naman po kayong kasalanan eh lalo na po si Mr. Cabrera, nagbigay lang naman po sya ng opinyon at pasya nya.." paliwanag nya saakin
"Ms. Dizon-" natigilan ako dahil nagsalita sya
"Nako, Aira nalang po ang itawag nyo saakin ma'am" ngumiti sya
"Aw aira, i want to tell you na I'm willing to invest sa mobi project nyo, oh actually hindi naman talaga ako dahil hindi naman ako investor" ngumiti ako sakanya "Don't worry pakikiusapan ko si dad, alam kong papayag sya na mag invest sa project mo" ngumiti ako ulit sakanya
"Ma'am hindi naman po kailangan-" Pinigil ko sya
Hinawakan ko ang kamay nya.
"Hindi ko 'to ginagawa dahil naaawa ako sayo, ginagawa ko 'to dahil nakita ko na may potential ang mobi and para sakin sobrang convenient nito, nagustuhan ko talaga." Sabi ko sakanya habang nakangiti
"Totoo nga po ang usap-usapan tungkol sainyo ma'am, napaka down to earth nyo po pala talaga at sobrang humble" nakita kong may namumuong luha sa mga mata nya
"Ay nako ikaw ah mahilig ka rin palang mambola ha, but thank you" pabiro kong ani at tumawa ako
"Maraming salamat po ma'am, hindi ko po sasayangin ang tiwala ninyo" ramdam ko naman na mapagkakatiwalaan talaga sya dahil alam ko sa sarili ko na matalino at competent sya.
"Please call me, yeonah" ngumiti ako
"Ma'am yoenah nalang po" tumawa sya
"Oo na, sabi mo eh" biro ko
"Ay teka, pwede ko bang makuha 'yong contact number mo?" Sabi ko
"Opo naman, teka ito po oh" inabot nya sakin ang calling card na galing sa bag nya
"I'll call you ha, oh pano mauna na 'ko, take care aira, see you!" Ngumiti ako bago umalis
"Salamat po, ingat ma'am yoenah!" Sabi nya pa
Sabay kaway namin sa isa't-isa.
Nakita ko si kendric na naghihintay na saakin sa labas.