On the Seventh Day of May [Se...

By Red_Raselom

103K 1.8K 91

[Perfectly Seven Series #2: Ruby and Kenneth's story] Kenneth has been secretly in-love with Ruby for quite... More

On the Seventh Day of May
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Epilogue
Make Her Fall in Seven Weeks

Chapter Twelve

1.8K 52 0
By Red_Raselom

LINGGO ng hapon. Pumasok si Ruby sa kwarto nila sa dorm at nadatnan niyang nagsasalamin si Josel. Titig na titig ito sa sarili at mababakas sa mukha nito ang disgusto. Tila ba nandidiri ito sa sarili.

Bumuntong hininga siya saka ito nilapitan. "Josel?"

Napasinghap ito saka humarap sa kanya. "Oy, Ruby, nand'yan ka na pala?" Her voice sounded weak, hindi tulad ng dati na buhay na buhay.

She frowned. In-examine niya ang mukha nito, pagkatapos. Namumutla ito!

Muli siyang bumuntong hininga. "Josel, kumain ka ba kanina?"

Josel flinched. "Ah? Eh? Oo naman! Nag-Jolibee ako kanina! Ang dami ko ngang nakain, eh," sagot naman nito. Her tone was quite defensive.

Her eyes squinted. "Kung nag-Jolibee ka, ano'ng binili mo? At magkano? At nasaan ang resibo?"

Napamaang ito, marahil ay dahil hindi nito inaasahan ang pagiging persistent niya.

Niyaya niya itong umupo sa isang monoblock chair. "Josel." Tinapik niya ang balikat nito. "May problema ka ba?"

Napaiwas lang ito nang tingin. Nakakagat labi pa nga ito at nang tingnan pa niya ang kamay nito, nakita niyang may mga random gesture itong ginagawa. Nanginginig din. Doon pa lang, alam niyang may tinatago nga talaga ang kaibigan pero hindi pa ito handang magsalita.

Bumuntong hininga siya saka kinuha ang isa pang upuan at pinuwesto sa harapan ni Josel bago umupo roon. Tuloy, para silang nagka-counselling.

"Josel," hinawakan niya ang mga kamay nito, "hindi pa ako ganap na Psychologist pero I know na matutulungan kita sa kung anuman ang problema mo. We are friends, right? Matagal na tayong magkasama at magkakilala kaya bakit hindi mo ikwento sa akin kung anuman ang bumabagabag sa iyo."

Josel was once again reluctant. Her lips remained sealed while she was looking down on the floor. However, Ruby could feel Josel's melancholy. Any moment, Josel would burst out crying, she predicted.

Pinisil niya ang kamay nito. "We are friends, right? Come on, Josel, spill it out," malumanay na aniya, sounding like how a mother console her problematic child.

So, her gut-feeling was rather prophetic. Bigla na lamang humagulhol ng iyak si Josel.

"Ruby, bakit ganoon?" saad na lamang nito. "Bakit ang pangit ko?"

Natigilan na lamang siya saka napakunot ng noo. "Ano?" Since kailan naging ganito kung magsalita si Josel?

"Ang pangit-pangit ko," palahaw ng kaibigan niya. "Kahit ano'ng pilit ko, hindi ko magawang maging maganda kahit wala akong make up. Ang dami kong pimples. Ang itim ko. May mga barya pa ako sa binti. 'Buti na lang, sabi nila, sexy raw ako but still, bakit hindi ako katulad ninyo ni Michelle na effortless ang ganda?"

Napamaang siya. Iniisip niya iyon? "Kailan ka pa naging ganyan, Josel?" hindi niya namalayang nasabi niya nang malakas. "I mean, dati ka pa nai-insecure sa amin ni Michelle?"

Tumango ito.

Napalunok siya. "S-Since when?" sabi niya ulit.

"M-Matagal na rin. H-Hindi ko na matandaan."

Bumuntong hininga siya saka hinawakan ang balikat nito. "Josel, dinadamdam mo ba 'yung pang-aasar namin sa iyo ng hipon?" She crossed her fingers. Please, don't tell me, 'yung pang-aasar namin sa kanya na hipon siya saka negra, dinidibdib niya iyon?

Totoong maitim si Josel at natural nito iyong kulay. Pagdating naman sa itsura, hindi naman talaga pangit ang dalaga. Maganda naman ito. Ang ganda nga ng ilong nito. Ganoon din ang mata. Katunayan, isa si Josel sa mga kilala niyang gumanda lalo dahil sa eyebags. Marami lang talaga itong pimples at hindi maganda ang buhok.

Actually, kaya nila tinatawag na hipon ang kaibigan ay hindi dahil sa tapon ulo ang itsura nito kung hindi dahil sa parang allergy ang mga tigyawat nito sa mukha. Of course, hipon ang isa sa mga pinakasikat na pagkain na mataas ang allergen kaya iyon ang tawag nila.

Umiling ito at nakahinga naman siya nang maluwag. "Hindi. Hindi iyon dahil doon," sabi nito. "I-It's just... g-gusto kong maging perfect, like you and Michelle."

Napamaang siya. "Wow? Kailan ako naging perfect?" Honestly, hindi niya alam kung tama pa ba ang sinasabi niya. Sadyang nadadala lang siya ng emosyon niya. Nakakagulat naman kasi ang rebelasyon nito.

"Bakit? Hindi ba? P-Pareho kayong maraming admirers."

"Sino'ng nagsabi?"

"Maraming nagsasabi sa akin. Mga kakilala ko sa school. Sinasabi nila, nagagandahan sila sa dalawang babaeng lagi kong kasama, which is obvious na kayong dalawa."

Napakamot siya ng ulo. "Josel naman," sabi niya. "I didn't mean to humiliate you pero hindi naman nasusukat sa dami ng admirers ang pagiging perfect, e. In fact, perfection itself doesn't exist, or at least has no exact basis. Bawat tao, may kanya-kanyang taste. Maaaring para sa akin, the best ito pero sa iba ay sub-standard pala.

"Now, balik tayo sa sinabi mo. You said, I'm perfect dahil maraming nagkakagusto sa akin? How come? I'm beautiful, I know that pero maraming mas maganda sa akin, inaamin ko iyon. Kung perfect na ako, ano pa sila? Impossible figure?"

Biglang natawa si Josel sa sinabi niya. "Anubey, Ruby! Hanggang dito ba naman dadalin mo 'yung geometry? Huwag na, uy."

Napangiti naman siya. "Sorry ka, meron din ganyan sa Perceptual Psychology! Mga optical illusions, ganern," sabi naman niya.

"'Di wow!" inirapan siya nito. "Basta, no-no muna tayo sa Math. Alam mo namang hate ko ang subject na iyan."

Pero kumuha ng Engineering. 'Yeng tetee? She mentally shook her head bago muling nagsalita. "Basta, Josel, huwag kakalimutan 'yung sinabi ko, 'kay? Hindi nasusukat ang pagiging perfect sa dami ng admirers. Well, not unless famewhore ka. Hindi ka naman siguro gano'n, ano?"

"Hoy, grabe! Hindi ako ganoon!" defensive nitong tugon.

"Iyon naman pala, eh. Saka bakit ka nga pala kasi nagwi-wish na magkaroon ng bonggang admirer like Mich and I?"

Natigilan ito. "A-Actually, hindi naman iyon ang gusto kong mangyari. It's just..." Natahimik ito saka napatingin sa sahig.

Bumuntong hininga siya. Here we go again. "Josel, spill it out. Huwag kang mahiya sa akin."

Josel sighed. "Ruby, huwag ka sanang magugulat sa sasabihin ko, ha?" She sounded so serious.

"S-Sure," medyo tensyonadong aniya.

Josel gulped first before she spilled it. "R-Ruby, m-may nagugustuhan akong tao."

Nanlaki ang mga mata niya. "What? Hindi nga?" excited na aniya. First time niyang makarinig nang ganoon sa kaibigan. May pagka-alembong din si Josel, sa totoo lang, pero mostly sa mga celebrity lang. Ni hindi nga niya alam kung mayroon itong crush sa school nila at kung sino.

"Noong debut ko last year. Doon ko na-realize iyon. Bale, noong sumasayaw kami. Last dance ko."

Immediately, inalala niya kung ano ang nangyari noong araw na iyon. Ang tinutukoy nitong mahal nito ay ang 18th rose nito... ang lalaking iyon ang hinihintay nito kaya minabuti nitong i-postpone ang debut nang ilang araw.

Tumangu-tango siya. "Pero ano namang kinalaman niya sa pagkakaroon mo ng anorexia?"

"Anorexic ba talaga ako?" tila hindi makapaniwalang sabi nito.

"Sort off. Early signs pa lang naman pero dapat ay mabahala ka na. Mind you, maraming namamatay dahil sa anorexia, Josel," may halong pananakot na sabi niya. "Kaya mainam na ngayon pa lang ay tigilan mo na itong ginagawa mo. I love you, bakla, alam mo iyan. Kahit sino sa mga amin ng mga tukmol, ganyan din ang sasabihin sa iyo, so please huwag mong isakripisyo ang health mo just to be perfect. Again, perfection doesn't exist!"

Josel looked down once again. "Pero bakit...?"

"Bakit ano?"

Umiling ito. "W-Wala iyon. Mga pessimism ko lang."

Bumuntong hininga siya. "Basta, Josel, if you need help, huwag kang mahiyang kausapin ako... kami ni Mich, ha? Nandito kami. Para saan pa ang pagiging magkakaibigan natin saka magkaka-room kung hindi naman tayo nagdadamayan, okay?"

Tumangu-tango ito.

Tumayo siya saka niyakap ito. "Love you, friend! Ikaw pa rin ang tustado kong kaibigan."

Josel didn't respond, bagaman tinugunan naman nito ang yakap niya.

Habang magkayakap sila, iniisip niya kung may naitulong siya sa kaibigan. Hopefully, she did. Pagkatapos kasi nito, alam niyang may susunod kay Josel at ang taong iyon ay importante sa kanya.

It was Kenneth.

Earlier...

BAGO magtungo sa dorm si Ruby, dumaan muna siya sa Robinsons Supermarket sa Balanga City para mamili stock ng pagkain. Nakasalubong niya ang mama ni Kenneth.

"Kaibigan ka ni Kenneth, 'di ba?" sabi nito sa kanya. "Ano na ngang pangalan mo? Ruby ba?"

Napangiti siya. For whatever reason, she was flattered that Kenneth's mother had recognized her.

Nagkamustahan silang dalawa. In fairness naman, magaling maki-get-along ang mama niya kahit sa mga baget na tulad niya.

"Kumusta naman itong si Kenneth, hija? Hindi ba nagpapasaway iyan sa dorm?" tanong pa nito. Nakapila na sila noon sa counter.

"Ay, hindi naman po, Tita. Medyo masipag din naman pong mag-review si Kenneth saka medyo mature naman siya kumilos kumpara po sa amin," pag-amin naman niya. "Although, recently, ang lakas niyang mang-asar. Ewan ko ba do'n." Alam naman niya ang rason pero hindi lang niya sinabi dahil nahihiya siya. Hello, mama kaya nito ang kausap niya.

"E, may nililigawan ba siya, hija? Bakit sabi ng kapatid niya, meron daw? Sino naman iyon?"

Natigilan siya. She felt uneasy. "A-Ah, oo nga po. Si Rhian po."

"Maganda ba?"

"O-Opo, Tita, M-Mas maganda po siya sa akin, actually." Weird. Kailan pa siya umastang parang may inferiority complex?

"Wow naman. E, maganda ka rin. Artistahin ba?" Tila ba giliw na giliw si Mrs. Cristobal habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa girlfriend ni Kenneth.

"Opo, Tita. Siya po 'yung Miss Letran namin last year."

"Naks naman!" tuwang-tuwang sabi nito. "Iba talaga ang karisma ng anak ko. Kahit hindi ko iyan biological child, no doubt, namana niya sa amin ng daddy niya ang pagiging pogi."

Muli, natigilan siya saka napatingin dito. "Po? Hindi biological child?"

Natigilan si Mrs. Cristobal. "Ha? W-Wala, hija."

Tumango na lang siya bagaman medyo na-bother siya sa sinabi ni Mrs. Cristobal. Hindi biological child si Kenneth? Does it mean ba na ampon siya?

She doubted that, and it was simply because Kenneth never told them about it. But then, she realized na hindi nga pala kamukha ni Kenneth ang mga kapatid nito or even his mother. Hindi nga lang siya sigurado sa papa nito dahil hindi pa niya nakikita nang personal.

Hindi naman siguro. Malay mo naman, sa mga grandparents niya 'yung nakuha.

Sa wakas ay natapos nang i-punch ang mga napamili ni Mrs. Cristobal. Nang makapagbayad ito, nagpaalam na ito kay Ruby.

"Sige po, Tita!" sabi pa ng dalaga bago sila naghiwalay nito. Tapos, sinimulan na niyang ilagay ang mga napamili niyang grocery.

"Kilala n'yo pala si Mrs. Cristobal, Miss?" maya-maya'y sabi na lang ng kaherang nasa early 20s habang pinu-punch ang mga item niya. "Ang bait ka'mo nu'n, 'no? Ninong po sa kasal ng parents ko 'yung asawa nu'n. Ang pogi-pogi nga, e."

"Oo nga, e. Mabait talaga iyon!" Awkward na tumawa si Ruby. Medyo nagulat kasi siya sa biglang pagkausap nito sa kanya.

"Kilala mo rin ba 'yung panganay nu'n? Ang pogi din 'no?" kinikilig na dugtong ng kahera. "Crush na crush ko kaya iyon kahit ba mas bata sa akin ng ilang taon. Ang cute-cute kasi."

Bigla namang namula ang mukha niya. Totoo naman kasi ang sinasabi nito.

But then, bigla na lamang siyang natigilan at napakunot ng noo nang sabihin nitong, "Kaya nakakagulat talagang malaman na ampon 'yun. Nasa genes kasi nila 'yung pagiging pogi."

"Ampon lang si Kenneth?" tanong ni Ruby. Halatang hindi siya makapaniwala.

Dahil wala itong kasamang bagger, ang kahera na ang nag-pack ng items niya. "Siya ba 'yung panganay? Oo, ampon lang daw. Balita ko nga raw, galing pa sa eskwater 'yung Kenneth tapos anak daw yata ng drug pusher ba 'yun? 'Tsaka prostitute yata? Ewan."

Napaka-taklesa mo naman! Gusto sanang sabihin ni Ruby. Tama ba naman kasing i-chismis sa isang hindi man lang nito kakilala ang mga bagay na tulad niyon?

But then, hindi niya nasabi. Paano'y natigilan na naman siya nang maalala ang nakitang picture sa album ng mama niya. "Shocks. Kung ganoon pala, siya talaga 'yung batang nakita ko sa picture. Akala ko kamukha lang niya."

"Aling picture?" tanong ulit ng kahera. Kakayari lang nitong i-plastic ang items niya.

Umiling siya. "Wala po." Tapos, naglabas siya ng pera para magbayad saka umalis.

Habang naglalakad siya palabas ng mall, malalim ang iniisip niya. Naiintindihan na niya kung ano ang sinasabi ni Kenneth na ayaw nitong maranasan ng ibang bata ang naranasan nito. Kung totoong anak ito ng drug pusher at galing sa eskwater area, mukhang battered child ito. Tapos, nakagawa ito ng paraan para makaalis sa bahay nito. Maaaring naglayas o kaya ay kinuha ng DSWD.

Her heart suddenly went wild. This might be selfish pero naisip niyang mabuti na lamang at nangyari iyon kay Kenneth dahil nagkita sila. He was one in a million kaya. Para kang naghahanap ng buhangin sa isang three-in-one na kape at kapag nakuha mo iyon, jackpot!

But then, she wondered kung bakit hindi nito sinasabi sa kanilang ampon ito. Feeling niya kasi, mayroong malalim na dahilan...

 

Ruby wasn't sure kung sinisikreto man ni Kenneth ang pagiging ampon nito o baka naman hindi lang nito sinasabi dahil hindi lang nito nasisingit at wala rin namang nagtatanong. Pero kung sakaling sinisikreto, she would definitely talk to him heart to heart. He was still stranded in the midst of his turbulent past, and he needed someone to emancipate him from misery.

Obviously, she could be that someone.

Continue Reading

You'll Also Like

374K 25.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
1.1M 25.5K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...