HATBABE?! Season1

By hunnydew

885K 20.3K 4.2K

*NO SOFT COPIES © hunnydew 2013 All Rights Reserved No part of this story (except for brief quotations) may... More

One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Forty-Six
Forty-Seven
Forty-Eight
Forty-Nine
Fifty
END...
Published by Life Is Beautiful (LIB)

Eight

20.7K 496 119
By hunnydew

Grade Five ako nang maging regular player ako ng Softball Team sa school namin.

Mas gusto ko sana ng basketball dahil ‘yon madalas ang nilalaro namin ng mga kuya ko. Sa kasamaang-palad, hindi raw larong pambabae ‘yon. Ang pagpipilian lang na sport sa school namin, volleyball o kaya softball.

Huli na kasi no’ng magta-try outs sana ako sa softball no’ng Grade Four ako. Nakumpleto na kasi yung line-up nila. Kaya napasali ako sa volleyball nang hindi oras kahit hindi ko trip. Mas gusto ko kasing gumalaw-galaw at hindi ‘yong nakatengga lang. Nagkakasakit ako kapag wala akong ginagawa.

 

Nayamot ako sa volleyball dahil walang interaction yung parehas na kupunan. ‘Yong magkakakampi lang ang nag-uusap. Hindi tulad sa basketball, pwedeng makipag-trash talk sa bantay. Ang saya kaya no’n basta walang pikon.

Turo sa’kin ng mga Kuya ko, ang pikon, laging talo. Laro lang naman eh. Nasa’yo kung magpapaapekto ka o hindi. Kailangan mo lang talagang ipakita ang galing mo. Kapag nanalo, edi masaya. Paghahandaan ng kalaban ang muling pagtutuos niyo dahil nalaman na nila ang kakayahan mo. Kapag natalo, edi natalo. Alam mo na kung saan ka nagkulang nang ma-improve ang sarili.

Ang totoo niyan, sinubukan kong makipag-trash talk sa volleyball. Nag-spike ako no’n, di nasangga nung blocker ng kalaban. Inangasan ko.

“Ano ha? Wala ka pala eh,” malakas na pagmamayabang ko.

Biglang pumito ‘yong PE teacher namin. “Number five! You’re out!”

 

Hindi ko naman kasi alam na bawal pala ‘yon. Ang KJ ni Ma’am. Nagalit tuloy ang team mates ko sa’kin dahil Championship ‘yon nung Intrams no’ng Grade Four ako. Talo tuloy kami dahil nawalan sila ng spiker. Boo.

Kaya nang gumradweyt ‘yong isang softball player sa main line-up, nagpakitang-gilas na talaga ako. Naging best batter pa tuloy ako, hehehe.

Pinag-aagawan talaga ako ng mga teams dahil tiyak, mananalo ang kupunan ko. Sa lakas kasi ng mga bisig ko, dala na rin ng pakikipag-wrestling at pakikipagsuntukan kila Kuya, walang palya ang homerun kapag ako ang may hawak ng bat. Kaya lagi rin akong fourth batter para laging tambak ang kalaban.

Sa kamalas-malasan lang talaga, hindi ako nakalaro sa inter-school softball competition.

 

Sumakit kasi ang tiyan ko nung mismong araw ng palaro. Kaya dismayadong-dismayado ang buong pamilya ko nang iuwi nila ako dahil namumutla na ako.

“Ano  na naman ba kasi ang nakain mo?” tanong ni Mama nang makauwi kami at inihiga ako nila Kuya  Chuck sa kama. “Uminom ka na naman ng Chocolate pagkatapos mong kumain ng mangga ‘no?” pag-uusisa niya. Alam kong nag-aalala siya sa’kin, pero parang may halong inis. Nagpagawa na kasi sila ng tarpaulin at isinabit na yo’n sa labas ng gate namin. Kampanteng-kampante na sila na kami ang magwawagi. Pero dahil nga ‘di naman ako nakalaro, binaba na nila ulit ‘yon.

“Hindi ko nga po alam eh,” ungol ko naman habang nakabaluktot.

“Baka naman tae lang ‘yan na hindi mo mailabas,” sagot naman ni Kuya Chino. “Tumae ka muna kaya?”

Sinunod ko na rin ‘yong mungkahi ni Kuya. Humihilab na kasi ‘yong tiyan ko.

Pagkaupo ko sa trono, agad kong napansin yung kulay brown sa underwear ko. Patay! Natae nga yata ako! Nakakahiya! Grade Five na tapos natae pa?! Pa’no na ‘to? Masama na nga ang pakiramdam ko, pagagalitan pa ako ni Mama.

Hinubad ko na ‘yong salawal ko. Lalabhan ko na lang kesa bulyawan pa ako ni Mama.

Pero pagkatayo ko papunta sana sa lababo, nagulantang ako dahil may dugo na sa inodoro. Sa’n nanggaling yo’n?!

Hawak-hawak ko na ‘yong salawal at underwear ko nang may naramdaman akong tumulo sa hita ko.

Pagyuko ko.. DUGO NGA!

NAGTATAE AKO NG DUGO!

“Mama!!! MAMAAAAA!!!” palahaw ko at pinasok nila akong lahat sa banyo.

“Anong nangyari sa’yo?!” bungad ni Mama.

“NAGTATAE AKO NG DUGO!!!” umiiyak kong sagot.

Pero tinawanan lang talaga ako ng mga Kuya ko saka sila tumalikod. Si Mama naman, humagikgik din. Saka niya ipinaliwanag sa’kin kung ano ang nangyayari.

Malay ko bang ‘yon na pala ang simula ng buwanang dalaw ko. Kulay brown ba talaga sa una ‘yon?!


 

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 484 90
❝ pwede ba ako maging ama ng mga anak mo at maging asawa mo? ❞ ━ in which a guy fills up the form to be the husband of the founder in a fam...
Bawat Piyesa By Hope

Teen Fiction

468 120 29
Asiel Hirata, a psychology student, faces the challenge of looking after hidden mother, who battles mental illness. Despite his expertise, he struggl...
1.4K 109 43
"I guess LANY is right. Good guys never win." ~~***~~ Jazmine Neriah Wong loves to date bad boys. There's just something in them that attracts her. B...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.