More Than Words

By AtashiaBliss

1.6K 162 2

Everyone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chao... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue

Chapter 17

38 4 0
By AtashiaBliss

Clarizette Marie's

"Hindi mo ba pupuntahan si Isla?" napaangat ang tingin ko nang pumasok si Trevor sa opisina ko. Nandito ako ngayon sa studio ko dahil katatapos lang ng session namin para sa acting workshop ng mga estudyante ko.

Ibinaba ni Trevor sa lamesa ang mga pagkaing dala niya kaya bahagyang napangiti ako. Mukhang mas kina-career niya ang pagiging sugar daddy ngayon.

Nagkibit balikat ako at saka muling ibinalik ang atensyon sa cellphone ko. Naglalaro kasi ako ng isang online game na talagang naging libangan ko pag wala akong ginagawa. "Nasa Tagaytay sila ngayon"

"Pero dalawang linggo mo nang hindi nakikita yung bata" paalala niya kaya napabuntong hininga na lamang ako. Anong magagawa ko? E kung kailan lang naman ako ipasundo ni Hans ay saka ko lang pwedeng puntahan si Isla.

Akala ko ay okay na kami noong nagbakasyon kami nung holy week. Kaya lang, mukhang panaginip lang ang nangyari dahil paggising ko ay may iba na siyang kausap sa cellphone at tinatawag pa niya itong baby. Hindi na ako nakapag-usisa noon kung sinong kausap niya dahil bukod sa ayaw ko nang masaktan ay nagmamadali ako dahil kailangan kong puntahan si Trevor. Aalis kasi siya noong araw na iyon at babalik ng London dahil may aasikasuhin. May ipapadala kasi ako sa kanya para ipabigay kay Mr. Evans. Simple token of appreciation lang naman. Hindi kasi ako formal na nakapagpaalam sa boss ko bago ako bumalik ng Pilipinas. Ayokong isipin niya na wala akong utang na loob.

Pagkatapos noong araw na yun, lalo lang naging malamig ang pakikitungo sa'kin ni Hans. Bago pa kami maghiwalay ay binantaan niya pa akong magpafile siya ng Restraining Order pag lumapit ako kay Isla nang hindi niya alam. And that was three months ago! Sa tatlong buwan na iyon ay dalawang beses ko pa lang nakikita ang anak ko.

Napabuntong hininga ako at itinigil ang paglalaro. Inilapag ko ang phone sa lamesa at saka kinalkal ang mga dalang pagkain ni Trev. Nanubig ang bagang ko nang makakita ako ng milk tea doon. Kinuha ko iyon at mabilis na ininom. "Alam mong hindi ako pwedeng magpumilit. Baka lalong sapian si Hans at pati ang chikahan namin ni Isla every night thru video call ay hadlangan niya"

Napabuntong hininga siya ngunit hindi na nagsalita dahil alam niyang mababadtrip na naman ako sa kanya at magsisimula na naman akong ngumawa dahil sa kasaklapang nangyari sa'min ng anak ko. Kahit naman anong pagpupumilit namin ay wala talaga akong laban kay Hans. Ang magagawa ko na lang ay magdasal gabi-gabi na sana ay mawala na ang sapi niya.

Kinuha ko ang sandwich na dala din ni Trevor dahil gutom na gutom na talaga ako. Napangiwi ako nang may malasahan akong cheese. "Gago, bat may cheese?"

Napataas naman ang kilay ni Trev. "Problema mo sa cheese?"

Napasimangot ako at ibinigay sa kaniya ang sandwich. "Maalat. Ikaw na lang ang kumain"

"Ayaw ng cheese pero ang gustong flavor ng milk tea ay yung may cream cheese" Palatak niya pero tinanggap din naman ang sandwich at saka kinain.

Inirapan ko na lang siya. Nang muling bumukas ang pinto ng studio ay nasamid ako nang makita ko si Hans na as usual ay seryoso na naman ang mukha. Hindi nagtagal ay pumasok na rin si Isla at nagtatakbo palapit sa'kin at lumambitin sa leeg ko. "Mama, namiss kita!"

Nagkanda ubo-ubo ako dahil sa sobrang gulat. Dagdag pang bumara sa lalamunan ko ang pearl mula sa ininom kong milk tea. Bakit nandito ang lalaking 'to? Samantalang kagabi ay ibinalita sa'kin ni Isla na pupunta silang Tagaytay ngayon.

"Luh? Mama sick ka?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Isla sabay salat ng noo ko. Napapalatak naman si Trevor at inabutan ako ng tubig. Kaagad ko naman iyong ininom at pinakalma ang sarili. Nang maayos na ang pakiramdam ko ay nakangiting binalingan ko si Isla at saka niyakap siya nang mahigpit. Hindi ako nagko-complain na narito siya. Pero yung tatay niya kasi, literal na tinik sa lalamunan ko.

Hinaplos ko ang pisngi ng anak ko at hinalikan siya sa tungki ng ilong. "Hindi po. I just missed you, anak"

Muli ay lumambitin si Isla sa leeg ko at hinalikan ako sa pisngi. "Mama sabi ni Papa, sama ka daw sa'min sa Tagaytay!"

Napatingin ako kay Hans. Tinaasan lang naman niya ako ng kilay na parang sinasabi na utos iyon at wala akong karapatang tumanggi. Muli ay binalingan ko si Isla at nginitian. "Okay. Aayusin ko lang ang mga gamit ko. Gusto mong sumama sa bahay? Miss ka na ni Lola"

Nagningning naman ang mga mata niya. "Opo! Tara po, Mama. Miss ko na din po si Dada Clinton at Tita Ganda!"

Nang muli kong sulyapan si Hans ay nagkibit balikat lang ito at saka lumabas na ng opisina. Nangingiting tumayo ako sa swivel chair ko at saka inakay si Isla. Mukhang nabudol na naman kasi niya ang Papa niya kaya napilit niya itong isama ako sa gala nila.

Tumayo na rin si Trev mula sa kinauupuan niya at nag-inat-inat. "I have to go. Wala pa akong masyadong pahinga e" kakauwi niya lang kasi noong isang araw galing London.

Inismiran ko siya. "Mukha ka na namang panda. Sa bahay ka na magpahinga. Bukas ka na umuwi ng Batangas"

Tumango-tango naman siya. Sanay na din naman kasi yan sa bahay namin dahil close na sila ng mga kapatid ko. Sabi nga ni Nanay ay ampon na daw niya si Trev kaya napapadalas ang pagdalaw ng walanghiya sa amin. Namimihasa na.

Sa sasakyan ni Hans sumakay si Isla samantalang ako ay kay Trevor sumabay. Pagkadating sa bahay ay kaagad na dumeretso si Trevor sa kwarto ni Clarence para matulog habang ako naman ay nag-impake sa kwarto ko. Si Hans naman ay naghihintay sa living room habang si Isla ay gumagala sa buong compound dahil namiss daw niya ang mga pinsan niya.

"Ate, wala na ba talaga kayo ni Kuya Hans?" tanong sa'kin ni Caren habang tinutulungan akong mag-impake ng mga gamit na dadalhin ko. Hindi ko alam kung ilang araw kami doon pero magaling na yung sigurado.

"Wala naman talagang kami simula't sapol" sagot ko na lang dahil iyon naman ang totoo.

"Ano yun, nakabuo kayo ng bata nang trip trip lang?!" bulalas niya kaya binato ko siya ng binilot na tuwalya at pinandilatan ng mata.

"Bunganga mo! Marinig ka ni Isla!"

"Oh, e ano palang tawag sa inyong dalawa? Strangers with memories?" pang-aasar pa niya kaya inirapan ko na lang siya. Wala na akong balak magpaliwanag dahil nagsasabi naman ako ng totoo. Kailaman ay hindi naging kami ni Hans.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay bumaba na rin ako. Naabutan ko si Hans sa living room na ngiting-ngiti habang may kausap sa phone. Napaiwas na lang ako ng tingin at lumabas na ng bahay para tawagin si Isla.

"Isla, halika na. Takbo ka nang takbo, masyado nang mainit" tawag ko sa anak ko dahil nakakahilo na ang init. Nang lumapit nga ito sa'kin ay basang-basa na ito ng pawis kaya ipinasok kong muli ito sa bahay at binihisan.

Nang maayos na kaming mag-ina ay pinatawag ko na si Hans kay Isla. Walang imik ang lalaking lumabas ng bahay namin habang akay ang anak. Napairap na lang ako at sumunod sa kanila.

Tatabi sana ako kay Isla sa backseat ng sasakyan nang samaan ako ng tingin ni Hans kaya napakamot na lang ako sa ulo ko at tumabi sa kaniya. Himala at wala siyang bodyguard ngayon. Simula kasi noong ipinakilala sa publiko si Isla ay palagi na silang may kabuntot na mga bodyguards.

Tahimik lang ang byahe. Si Isla ay nakatulog na sa likod. Hindi naman ako nag-aalala masyado dahil mukhang komportable naman siya. Ako naman ay nakakaramdam na muli ng hilo dahil siguro sa tirik na tirik na sikat ng araw. Kung bakit ba kasi katanghalian pa naisipang bumyahe ng lalaking 'to?

Kinalkal ko sa bag ko ang white flower at pagkatapos ay naglagay ako sa sintido ko. Hindi naman iyon nakatulong dahil nag-init naman ang mga mata ko dahilan para mapaluha ako. Nanubig pa ang bibig ko senyales na nasusuka na ako.

Binalingan ko si Hans at kahit nahihiya ako ay kinapalan ko na lang ang mukha ko. "A-ahm, p-pwede bang pahinto muna sa tabi? N-nasusuka ako"

Napataas naman ang kilay niya at saglit na tumingin lang sa'kin bago ibinalik ang tingin sa daan. Mukhang walang pakialam kahit na mamatay na ako dito sa kinauupuan ko. Napasandal na lang ako sa sandalan at mariing napapikit. Bakit ko ba naisip na makakaramdam man lang siya ng awa sa'kin?

Sininghot-singhot ko na lang ang white flower para kahit papaano ay mapigilan ko ang pagsuka. Baka lalo niya akong isumpa pag nasukahan ko ang sasakyan niya.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong huminto ang sasakyan. Hindi ko na nagawang magmulat ng mata dahil pakiramdam ko ay umiikot ang paligid. Mukhang kulang na ako sa dugo dahil ilang gabi na rin akong puyat. Lately kasi ay bumalik ang insomnia ko kaya nahihirapan akong matulog.

Naramdaman kong bumukas ang pinto sa side ko. Ilang sandali pa ay naramdaman kong may dahan-dahang bumuhat sa'kin. Unti-unti akong nagmulat ng mata para makita kung anong nangyayari.

Napakunot ang noo ko nang makita ko ang seryosong mukha ni Hans. Siya ang may buhat sa'kin. Sinikap kong magpumiglas pero lambot na lambot talaga ang katawan ko kaya sumiksik na lang ako sa dibdib niya dahil ang bango niya masyado.

"Papa? What happened?" narinig ko ang boses ni Isla. Mukhang nagising na rin ang bata.

"Mama needs to rest. Dito muna tayo magstay habang nagpapahinga siya. Pag okay na siya, saka tayo tutuloy ng Tagaytay" paliwanag naman ni Hans sa bata.

Ilang sandali pa ay narinig kong kay kausap si Hans. Mukhang nasa isang hotel kami at nagcheck in siya. Hindi naman nagtagal at naramdaman ko ang malambot na kama sa likod ko.

"Mama? Are you okay?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Isla habang hinahaplos-haplos ang pisngi ko ngunit tanging ungol na lang ang naitugon ko dahil tuluyang nilamon ako ng antok.

Nagising akong katabi sa higaan si Isla. Napangiti ako at hinalikan siya sa noo. Namiss kong katabi siyang matulog.

Medyo maayos na ang pakiramdam ko dahil siguro nakapagpahinga na. Dahan-dahang bumangon ako sa kama dahil nakakaramdam na ako ng gutom.

Wait, nasaan nga ba kami?

Napakurap-kurap ako nang makita ko si Hans na nakaupo sa isang couch habang nakahalukipkip at nakapikit.

Halos mabuwal ako sa pwesto ko nang unti-unti itong nag-angat ng mukha at sinalubong ang tingin ko. Nang makita niya ako ay tinaasan niya ako ng kilay. "Okay ka na?"

Tumikhim ako at umiwas ng tingin. "Y-yeah. Pagod lang siguro ako"

Tumayo siya sa couch at saka nag-inat-inat. "May pagkain sa table. After mong kumain ay aalis na rin tayo"

Tumango na lang ako. Lumapit naman siya sa kama at saka ginising si Isla. Kiniliti niya ang bata kaya ilang sandali pa ay namayani sa buong lugar ang mga hagikhik ng bata. Kusang kumawala ang mga ngiti sa labi ko dahil doon.

Pumunta ako sa lamesa kung saan naroon ang pagkain na sinasabi ni Hans. Kaagad na nanubig ang bagang ko nang makita ko ang tatak ng paborito kong fast food chain. Dahil sa gutom ay walang patumpik-tumpik na binuksan ko ang supot na pinaglalagyan ng pagkain.

Napangiwi ako nang maamoy ko ang pagkain. Bakit parang iba ang amoy? Di kaya sira na 'to?

"Wow! chicken!" tili ni Isla nang makita ang pagkain. Inagaw nito sa'kin ang supot at mabilis na kumuha ng manok.

Mabilis na inagaw ko naman kay Isla ang manok. "No, anak. Panis na ata 'to. Di na maganda ang amoy. Baka sumakit ang tiyan mo"

Napakunot ang noo ni Isla at tumingin sa Papa niya. "Papa, bakit bumili ka ng panis na chicken?"

Napakunot din ang noo ni Hans at lumapit sa'min. "Panis? Kakabili ko lang nito kanina eh" Inagaw niya sa'kin ang manok at kinagatan. "Hindi naman panis, love"

Napakamot si Isla sa ulo niya at muling kumuha ng manok. "Sabi po ni Mama e"

Tumingin sa'kin si Hans at muli ay tinaasan ako ng kilay. Napaiwas na lang ako ng tingin. Bakit ba? E hindi nga maganda sa pang-amoy ko e. Baka nahihilo pa rin ako.

Naupo na lang ako sa tabi ni Isla at yung spaghetti na lang ang kinain dahil iyon lang ang tinatanggap ng pang-amoy ko.

Pagkatapos naming kumain ay nagcheck out na rin kami sa hotel. 6 pm na at hindi na din mainit. Baka naman kakayanin ko nang bumyahe.

Makalipas ng ilang oras ay nakarating din kami ng Tagaytay. According kay Hans ay resort daw ito nina Eunice at nandito din daw ang barkada. Kaya pala nagpumilit siyang makapunta dito kahit gabi na ay dahil may reunion na naman sila.

Dahil tulog na si Isla ay binuhat na ni Hans ang anak namin. Kukunin ko sana ang mga bag namin ngunit naunahan na rin niya ako kaya ang iPad na lang ni Isla ang bitbit ko.

"Teacher Hans!" napahinto si Hans nang may sumalubong sa kaniyang batang lalaki. Narinig ko namang natawa si Hans at ginulo ang buhok ng bata.

"I'm glad you're here, Rebel" masayang sabi ni Hans sa bata sabay pisil sa pisngi nito. Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang babaeng nasa hindi kalayuan habang nakatingin kay Hans. Mapait na napangiti ako. So, anong role ko dito ngayon? Talaga bang wala nang ibang gagawin si Hans kundi ang saktan na lang ako?

"Teacher, sino siya?" inosenteng tanong ng bata habang nakaturo sa natutulog na si Isla na nakayukyok sa leeg ng ama.

"She's my daughter. Her name is Isla. Magplay kayo bukas pag gising niya" proud na sagot ni Hans sa bata. Buti naman at proud siya na anak niya si Isla. Kung hindi ay ilulublob ko talaga siya sa pool. Ikahiya na niya ako, wag lang ang anak ko.

Atubiling lumapit ako sa kanila at tinangkang kunin si Isla pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Masama ang pakiramdam mo di'ba? Baka maibagsak mo pa yung bata"

Napayuko na lang ako. Nagpaalam na siya kay Rebel at nauna nang maglakad sa akin. Patakbong sumunod naman ako sa kanila dahil ang bilis niyang maglakad.

Pagkarating sa kwarto ay dahan-dahang ihiniga niya ang bata sa kama. Siya na rin ang nagtanggal ng sapatos nito at nagkalas ng ponytail para mas maginhawa ang tulog ng bata. Matapos niyang gawin iyon ay binalingan niya ako. "Ikaw na ang magbihis sa kaniya"

Tumango na lang ako kaya lumabas na siya ng kwarto. Napabuntong hininga na lang ako at saka pinunasan si Isla ng basang bimpo bago binihisan.

10 pm na bumalik ng kwarto si Hans. May dala itong pagkain at ibinigay sa'kin. Hindi na kasi ako lumabas ng kwarto pagkarating namin dito. Bukod sa binabantayan ko si Isla ay ayaw kong masaktan sa kung anong maaari kong makita sa labas.

Habang kumakain ako ay nakamasid lang sa'kin ang lalaki kaya medyo nailang ako. Napapalaki ata ang subo ko dahil ang sarap ng ulam. Hindi ko alam kung anong tawag dito dahil ngayon lang ako nakakain ng ganito.

Tumikhim ako. "H-hindi ka ba kakain?"

Nagkibit balikat siya. "I'm full. Ikaw ang kumain. Ang payat payat mo na naman"

Napaiwas na lang ako ng tingin. Paanong hindi ako papayat ay wala akong ganang kumain? Actually ay itong ibinigay niya lang na pagkain ang naubos ko.

Pagkatapos kong kumain ay kinuha niya ang pinagkainan ko at lumabas na siya ng kwarto. Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang binantayan lang niya talaga kung kakain ba ako o hindi.

Dahil bored na ako ay nagpunta ako sa may balcony ng kwarto namin para magpahangin. Hindi pa rin kasi ako nakakaramdam ng antok. Naitulog ko na kasi kanina.

Napangiti ako nang hampasin ng malamig na hangin ang mukha ko. Nasa third floor kami kaya talagang malamig at napayakap pa ako sa sarili ko. Ngunit kahit malamig ay masarap sa pakiramdam. Ang kalangitan ay punong-puno ng mga bituwin kaya parang ang liwanag pa rin ng paligid kahit malalim na ang gabi.

Nang ibaba ko ang aking paningin ay bumungad sa'kin ang nagkakasiyahang barkadahan nina Hans. Nasa may pool area ang mga ito habang nagkakantahan, nagtatawanan, nag-aasaran at nag-iinuman. Nag-eenjoy lang sila doon na parang walang mga iniisip. Para tuloy silang high school version ng mga sarili nila na palaging kinukwento ni Hans sa'kin noon. Sabi ni Hans ay isa daw iyon sa pinakamasayang parte ng buhay niya.

Ilang sandali pa ay unti-unti na silang sinundo ng mga asawa nila. Nag-aasaran pa sila bago magkanya-kanyang pasok ng sariling kwarto. Natawa pa nga ako nang makitang piningot ni Andrea si Lynard dahil ayaw nitong magpaawat sa pagkanta sa videoke. Mukhang lasing na ang gago at kanina pa kanta nang kanta. Nagulat pa nga ako dahil ang ganda ng boses niya.

Natuon ang tingin ko kay Hans na nasa gilid ng pool habang nakatubog ang mga paa sa tubig. Katabi nito si Jarred habang umiinom sila ng alak. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila pero paminsan-minsan ay nagtatawanan sila.

Ilang sandali pa ay dumating ang asawa ni Jarred para sunduin na rin ito. Naiwan si Hans doon mag-isa pero parang wala pa rin siyang planong umalis. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Sunduin ko na ba siya?

Akmang aalis ako sa pwesto ko para puntahan siya nang may mauna na sa'kin. Ito ang pumalit sa pwesto ni Jarred kanina. Naupo ito sa tabi ni Hans at saka nagsimula ang kwentuhan nila habang nagtatawanan.

Napahawak ako sa dibdib ko nang may gumuhit doong sakit. Alam ko sa sarili kong may galit pa rin ako kay Hans dahil sa mga pinaggagagawa niya pero hindi pa rin maikakailang mahal ko pa rin siya.

Nang hindi ko na nakayanan ay tumalikod na ako at muling pumasok ng kwarto. Nahiga ako sa tabi ni Isla at masuyong niyakap ang anak ko. Hinalikan ko siya sa noo at hinaplos ang pisngi niya. Napaluha ako nang marealize ko na, hinding-hindi ko pala kayang ibigay sa kaniya ang isang buo at masayang pamilya.

I'm sorry, anak.

HINDI na muli pang bumalik si Hans ng kwarto. Natulog kaming wala siya doon at nagising kaming wala pa rin siya. Ayoko ng isipin kung saan siya nagpalipas ng gabi dahil masisira lang ang araw ko. Ayaw kong makita ni Isla na nalulungkot ako.

Pagkagising ni Isla ay pinaliguan ko na kaagad siya at binihisan. Pagkatapos ko siyang ayusan ay ako naman ang naligo. Pagkalabas ng cr ay nakita kong nandoon na si Hans at kausap na anak namin. Naupo ito sa couch habang kandong si Isla at nagbobolahan silang mag-ama.

Nang makita ako ni Hans ay napakunot ang noo niya. Dahan-dahang ibinaba niya si Isla at tumayo. Bahagyang napaatras pa ako nang lumapit ito sa'kin at sinalat ang noo ko. "Bakit ka naligo nang masama ang pakiramdam mo? Ang putla mo"

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Nahihilo na naman kasi ako. Hindi kaya naha-highblood na ako sa kaniya?

"O-okay lang ako" sagot ko na lang nang hindi makatingin sa kaniya. Napapalatak naman siya at saka binalingan si Isla.

"Love, baba ka muna doon kina Tito Miguel. Nakaready na ang breakfast. Mamamasyal daw mamaya after kumain" utos niya sa anak namin kaya nagningning ang mga mata nito at mabilis pa sa alas kwatro na lumabas ng kwarto. Napakagala talaga!

Muli ay binalingan ako ni Hans. "Magpahinga ka muna dito. Ikukuha kita ng pagkain. Anong gusto mo?"

"A-ahm, pwede bang yung kagaya noong kahapon? Saan ba nakaka-order nun? Ako ang magbabayad"

Napakunot ang noo niya. "Alin? Yung niluto kong Beef Mechado?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Ikaw ang nagluto nun?"

Nagkibit balikat siya. "Yeah. Ako ang assigned kagabi sa pagluluto. Iyon ba ang gusto mo?"

"M-may tira pa ba?"

"Naubos na"

Bumagsak ang balikat ko at mapanguso ako. "K-kahit itlog na lang"

"Okay. Dito ka muna. Magpahinga ka muna tapos ikukuha kita ng pagkain" sabi niya bago lumabas ng kwarto. Mukhang maganda ang gising niya dahil malumanay ang boses nya ngayon habang kausap ako.

Makalipas ng isang oras ay bumalik si Hans na may dalang pagkain. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang Beef Mechado ulit ang ulam ko. Halatang bagong luto dahil umuusok-usok pa. "Kasama nina Miguel si Isla. Namamasyal sila"

Napatingin ako sa kaniya. "Hindi ka sumama?"

Umiling siya. "Inaantok ako. Kailangan kong matulog"

Hindi na ako nagtanong pa dahil ayokong malaman kung anong pinagkapuyatan niya kagabi.

Tahimik na kumain na lang ako. Siya ay nakamasid pa rin sa'kin hanggang sa matapos ako. Nang matapos ako ay inilabas niya ang pinagkainan ko at ilang sandali lang ay bumalik na rin siya ng kwarto.

Nakaupo ako sa kama habang naglalaro ng online game para magpalipas ng oras. Siya naman ay dahan-dahang nahiga sa tabi ko at saka ipinikit ang mga mata. Napasulyap ako sa kaniya. Dito siya matutulog?

Nang ipatong niya ang kaliwang kamay sa may noo niya ay napaiwas ako ng tingin at binalik na lang ang atensyon sa phone ko.

"Ay gagi! Mali yung piece na nagalaw ko!" bulalas ko nang maubusan ako ng moves dahil mali yung pyesang nagalaw ko sa nilalaro ko.

Napasinghap ako nang may brasong pumalibot sa bewang ko. Nang lingunin ko si Hans ay nakadilat na ang namumungay niyang mga mata. "Nahihilo ka na nga, nagcecellphone ka pa"

Hindi na ako nakapalag nang agawin niya sa'kin ang phone ko dahil kasabay noon ay ang marahan niyang paghila para napahiga ako sa tabi niya.

"Magpahinga na tayo, Clariz" bulong niya sabay siksik ng mukha sa leeg ko at mas hinigpitan ang yakap sa'kin.

Unti-unting kumawala ang ngiti sa mga labi ko.

Right, kailangan ko siya. Kailangan ko ang pahinga ko.

--

Hannah Claudette's

"Mommy, where's Teacher Hans?" nakangusong tanong sa'kin ni Rebel kaya napabuntong hininga na lang ako. Halos iyong lalaking iyon na lang kasi palagi ang hinahanap niya.

"He's with his friends" tipid na sagot ko habang inaayos ang kama na tutulugan namin. Narito kami ngayon sa Tagaytay.. Resort nina Eunice to be specific. Anniversary daw nina Jarred at Eunice kaya nagyaya sila ng get together. Nandito kaming girl friends ni Eunice at syempre ay narito din ang mga barkada ni Jarred.

"Mommy, can you please tell him to come over? May sasabihin po ako sa kaniya" pakiusap sa'kin ng bata kaya nagkibit balikat ako at saka kinuha ang phone ko. Nagsend lang ako ng message sa kanya at saka pinahiga na si Rebel.

Gabing-gabi na ay hindi pa rin natutulog si Rebel dahil hinihintay nito si Hans kaya wala akong nagawa kundi ang bumangon at puntahan ito ng personal. Ayokong maistress ang anak ko.

Naabutan ko si Hans na nakaupo sa gilid ng pool habang nakatubog ang mga paa sa tubig. Huminga ako ng malalim at saka lumapit sa kaniya. Nang makita naman niya ako ay nginitian lang niya ako at saka pinaupo sa tabi niya.

"Problema mo?" takang tanong ko pero tinawanan lang niya ako at saka inabutan ng alak.

"Wala. Basta umupo ka lang diyan" malokong sabi niya sabay inom ng alak kaya napatitig ako sa kaniya.

Habang nakatingin ako sa maamo niyang mukha ay hindi mapigilan ng puso kong kumabog. Nakagat ko ang ibabang labi ko at napaiwas ng tingin. Aware ako sa nararamdaman ko sa lalaking ito dahil hindi siya mahirap magustuhan. Or more on, hindi siya mahirap mahalin.

Mukha lang siyang gago pero ang totoo ay napakabait niya. Lalong lalo na kay Rebel. Yung kahit hindi naman niya responsibilidad ang anak ko ay naglalaan talaga siya ng atensyon at oras para sa bata. Doon unti-unting nahulog ang loob ko sa kaniya.

Ininom ko ang alak na inabot niya sa'kin. Bigla ko kasing naalala ang anak niya. Kasing edad lang ito ni Rebel at para silang pinagbiyak na bunga kaya hindi kaduda-dudang kaniya talaga ito. Ang ina naman ng bata ay isang sikat na theater performer sa ibang bansa. Maganda ito, maamo ang mukha at maganda ang hubog ng katawan. Mukhang ganito talaga ang tipo ni Hans dahil sabi ni Eunice ay naging crush din nito ang asawa ni Miguel na isang beauty queen. Pati nga rin ang kaibigan naming si Cala na pinakamahinhin sa barkadahan namin ay naging crush daw ni Hans.. So therefore, I conclude na hindi niya tipo yung matataray gaya ko.

"Gabi na ah. Bakit ka nga pala nandito" napakurap-kurap ako nang marinig ko siyang magsalita. Wala na ang naglalarong ekspresyon sa mukha niya kanina.

"A-ahm, hinahanap ka ni Rebel. May sasabihin daw sayo" hindi makatinging sabi ko. Bigla kasing nag-init ang magkabilang pisngi ko. Ang tanga naman, para akong high school!

Natawa siya. "Mukhang malakas ang tama ni Rebel sa dalaga ko ah. Kanina pa ako kinukulit. Gusto daw niyang makalaro si Isla"

"Ha? E kanina lang sila nagkita ah. Tulog pa nga yung a-anak mo nung nakita ni Rebel"

Ngumisi siya. "Aba, mana sa'kin yun. Kahit tulog, nakakaattract" mayabang na sabi niya kaya natatawang napailing na lang ako.

"Aba, hindi umangal ah. Naniniwala ka sa'kin?" muling tanong niya kaya natatawang tinapik ko ang balikat niya.

"Buhay mo naman yan. Alangang maging kontrabida pa ako?"

Napakurap-kurap siya. "Hala, hindi na ikaw ang Hannah na kilala ko! Hindi ka na mataray!" OA na sabi niya kaya natawa na lang ako.

Kasalanan mo yun, gago!

Tumayo na siya at inilahad ang kamay para alalayan akong tumayo. Inirapan ko muna siya bago ko tanggapin ang kamay niya pero nginisihan lang niya ako. Bakit ba lagi na lang nakangisi ang lalaking 'to? Parang puro kalokohan lang ang nasa isip.

Nagtungo kami sa kwartong tinutuluyan namin ni Rebel. Gising pa ang bata nang abutan namin kaya nakipag-usap pa si Hans sa kaniya. Siya na rin ang nagpatulog sa bata kaya muli ay natunaw ang puso ko.

"Babalik na ako sa kwarto" napakurap-kurap ako nang magsalita si Hans. Nang lingunin ko si Rebel ay mahimbing na ang tulog nito. Mukhang sanay na sanay na talaga siya sa mga bata. Ang swerte swerte ng anak niya.

"H-ha? Ah sige s-salamat" hindi makatinging sabi ko dahil nakaramdam ako ng hiya. Nakita niya atang nakatitig ako sa kaniya.

Natawa lang siya at saka ginulo ang buhok ko. "Good night, Hannah" huling sinabi niya bago lumabas ng kwarto.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa nilabasan niyang pinto. Bigla ay nasaktan ako sa thought na babalik siya sa mag-ina niya.

KINABUKASAN, maaga akong nagising or mas tamang sabihin na hindi talaga ako nakatulog. Masyadong busy ang utak ko sa pag-iisip kaya hindi talaga nagawang makatulog ng diwa at kaluluwa ko.

Lumabas ako ng kwarto namin ni Rebel para maglakad lakad. Wala pang gising sa mga kasama namin dahil maaga pa nga.

Nagpunta ako sa dining hall. Napataas ang kilay ko nang makita ko doon si Hans. Busy siya sa laptop niya. Hindi ko na sana siya istorbohin ngunit lumingon siya sa gawi ko at nginitian ako.

"Aga mo ah" bati niya kaya napakamot na lang ako sa ulo ko at lumapit sa kaniya. Naupo ako sa upuang katapat niya.

"Di ako makatulog" sagot ko naman kaya natawa siya.

"Ako inaantok na pero may trabaho pa ako kaya walang magagawa kundi ang magpuyat" natatawang sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Di ka pa natutulog?"

"Nah. Urgent kasi itong report na kailangan sa company. Baka isumpa ako ni Daddy pag nabawasan ang kayamanan niya nang dahil sa akin" malokong sabi niya kaya napailing na lang ako. As if naman, malulugi ang negosyo nila. Ang galing niya kaya sa lahat ng bagay.

Hindi ko na siya inistorbo dahil mukhang busy talaga siya. Nakakapagtakang nakatingin lang ako sa kanya pero napayapa kaagad ang isip ko at dinalaw agad ako ng antok.

Napatuwid ako ng upo nang isara niya ang laptop at nag-unat unat. Nang mapatingin siya sa akin ay muli siyang ngumiti. "Bumalik ka na sa kwarto mo at matulog. Babalik na din ako sa kwarto namin dahil siguradong gising na ang prinsesa ko. Tinotopak yun pag di ako nasisilayan sa umaga"

Napatango na lang ako. Mabilis na tumayo na siya at binitbit ang laptop niya. Muli ay napatitig na naman ako sa papalayo niyang bulto.

Hindi na ako umalis ng dining hall dahil tinatamad pa akong bumalik sa kwarto. Tamang-tama at nandito na rin naman sina Jerick at Lynard dahil sila daw ang in charge ngayon para magluto ng agahan. Nakakatuwa talaga ang mga lalaking 'to. Sila ang gagawa ng mga bagay-bagay para hindi na mahirapan ang mga asawa nila.

Tumulong na lang ako sa kanila dahil nahihiya akong nakatangla lang ako. Naghihiwa ako ng sibuyas nang makita ko si Hans na pumasok sa kusina kung saan kami nagluluto.

"May beef pa diga?" kaagad na tanong niya sa mga kaibigan niya kaya tumago si Lynard.

"May kaunti pa sa ref. Aanhin mo?"

"Gusto daw ni Clariz ng Mechado" simpleng sagot niya at saka nagsuot ng apron. Pasipol sipol siya habang naghahanda ng mga rekado. Parang ang taas pa rin ng energy niya kahit wala pa siyang tulog.

"Akala ko, di kayo bati?" natatawang tanong ni Lynard kay Hans.

"Hindi nga" kibit balikat na sabi naman ni Hans kaya nakagat ko ang ibabang labi ko. Iyon din kasi ang sabi sa'kin ni Eunice. Wala na daw relasyon sina Hans at ang mommy ng anak niya. Hindi rin daw magkasundo ang dalawa at galit pa ang mga ito sa isa't-isa. Mukhang mabait lang si Hans sa babae dahil ito ang nanay ng anak niya. "Pero matitiis ko ba naman yun?"

"Aww!" napadaing ako nang dumaplis ang kutsilyo kong hawak dahilan para masugatan ang daliri ko. Unti-unti kasing nablanko ang isip ko nang dugtungan pa ni Hans ang sinabi niya.

"Hala! Bakit binigyan mo ng flavor yung sibuyas?" parang tangang sabi ni Hans habang nakatingin sa daliri ko ng dumudugo. Mabilis na nakalapit ito sa'kin at hinawakan ako sa pulso para hilahin sa sink. Binuksan niya ang gripo at itinutok doon ang daliri ko. "Bakit ka ba kasi nasugatan?"

Napayuko na lang ako habang ginagamot niya ang sugat ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Nasasaktan na rin ako ngayon. Ganun na ba katindi ang tama ko sa lalaking ito?

Si Raiver pa lang ang lalaking minahal ko. Pagkatapos ng relasyon namin ni Raiver ay may mga nakilala ako pero hindi sila nagtagal sa buhay ko hanggang sa nagsawa na ako at nagfocus na lang kay Rebel. Then, dumating bigla ang lalaking 'to. Ipinaranas niya ulit sa'kin yung pakiramdam ng may nag-aalala, may dumadamay, may napagsasabihan ng problema at may nagpapangiti. Bukod pa roon ay kitang-kita ko rin na mahal niya ang anak ko. Ano pa bang mahihiling ko sa kaniya? Nalampasan pa niya yung standard na sinet ko para sa susunod na taong mamahalin ko pero bakit parang ang hirap niyang abutin?

Matapos niyang malinisan ang sugat ko ay dahan-dahan niyang tinuyo ang kamay ko. Siya na rin ang naglagay ng bandaid na binigay ni Jerick sa sugat ko. Nang matapos siya ay tumingin siya sa'kin at nginitian ako. "Masakit ba?"

Mapait na napangiti ako at tumango. "Sobra"

...

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
3.5M 158K 64
This is a sequel from "Left in the Dark" Series #5 of the Savage beast Series Mahirap siyang abutin, masyadong malayo. Hindi siya sa akin, para abutin
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...