South Boys #4: Troublemaker

By JFstories

5.1M 323K 208K

He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
The Final Chapter
Epilogue

Chapter 53

68.1K 4.8K 3.3K
By JFstories

Hi, all! For inquiries re JF books, please directly inbox us here in or on JF's official FB page, JFstories. Reprint and new books announcement soon :) -g

------------------------------------------------



WALA SI HUGO.


Wala rin siya nang nakaraang araw dahil nasa Manila siya. Martes pa lang. Weekend lang siya umuuwi ng Tagaytay dahil iyon lang siya walang trabaho. Wala rin si Hyde, at mamaya pa uuwi. Weekdays kaya nasa school pa ngayon ang bata.


I just finished cleaning the guest room because I had no work today. Walang file dahil nataon na holiday sa Spain. Inabala ko ang sarili sa paglilinis. Nandito ako ngayon sa guestroom. Wala na pala talaga rito iyong box kung saan naroon ang mga old photos nina Hugo at Sussie. Itinago na siguro talaga ni Hugo.


Hindi ko na rin nakita kahit ang plano ng bahay na ito. Mukhang noong nakatulog ako ay kinuha na rin niya iyon. Ewan ko kung alam na ba niya na pati iyon ay nakita ko na.


It was part of the past, yet I was still hurt to know that he originally planned this house for someone else. Alam ko na mali na ako na masaktan para sa nangyari na sa nakaraan. Kaya lang, sana hindi ko na lang iyon nakita pa.


Napabuga ako ng hangin. Mas mabuti na rin pala na nakita ko iyon. At least, nagising ako sa pananaginip ko. Nalinawan ako na wala nga pala sa deal namin ni Hugo ang usaping puso.


Iwinaksi ko na ang pag-iisip. Naligo na lang ako dahil puno ako ng alikabok. Parating na mayamaya si Hyde, at ayaw ko na asikasuhin ang bata na ganito ang aking itsura.


Pagkatapos maligo at magbihis ay sakto na kinatok ako ni Ate Lina. "Jillian, nandito ka pala ulit. Kaya pala kanina pa ako kumakatok sa master bedroom, hindi ka nagbubukas. Siya nga pala, meron kang bisita sa sala. Lalaking matangkad, guwapo, at mabango."


Why in the hell I suddenly thought of Hugo? Siya lang ba ang may ganoong deskripsyon sa mundo?


"Mukhang mabait," dugtong ni Ate Lina.


Oh, okay. It was not Hugo.


"Baka kamaganak mo." Nangingiti si Ate Lina. "Ang guwapo. Pero mas guwapo pa rin ang asawa mo!"


Tumango na ako at nagsabi na hintayin ako sandali. Nauna naman nang bumaba si Ate Lina. Nag-ayos muna ako ng sarili bago sumunod dito sa sala.


Nasa hagdan pa lang ako ay tumayo na ang lalaking matangkad, guwapo, mabango, at mukhang mabait na tinutukoy ni Ate Lina. The man was wearing an immaculate white long sleeves polo, blue jeans, and he had a pair of silver rimmed spectacles.


Ang malamlam niyang mga mata sa ilalim ng salamin ay bahagyang nagkabuhay nang makita ako. "How are you, Jill?"


"Harry." Maliit na nginitian ko siya. "Okay lang ako. Ikaw, kumusta ka?"


Hindi niya sinagot ang tanong ko. "Oh, by the way, it was your brother who told me where you live. Pasensiya ka na kung ngayon lang kita nadalaw."


Ang paningin niya ay gumala sa paligid ng sala. Hindi nakaligtas sa akin ang pait na gumuhit sa mga mata niya.


"Harry, iyong ipon pala natin ay nasa akin pa. Ang balak ko ay i-withdraw iyong parte mo para ibigay sa 'yo. Puwede ko ring i-transfer na lang sa account mo kung—"


Nang bumalik ang tingin ni Harry sa akin ay bumagsak naman iyon sa singsing na nasa daliri ko. "It's okay. You can think of it as my wedding gift to you."


"Ha? Hindi naman puwede iyon. Hindi ko matatanggap iyon." Siya ang mas malaking nahuhulog sa ipon namin. Nasa eight hundred thousand pesos na iyon at wala pa yata sa two hundred thousand ang naaambag ko roon. Para sana iyon sa kasal at sa lupa na bibilhin dapat namin.


"Jill, I'm sorry I didn't attend your... wedding."


"Hindi rin naman kita inimbita..."


Napangiwi ang mapulang mga labi niya. "Yeah..."


Iminuestra ko siya na maupo ulit sa sofa. Pagkaupo niya ay doon ako naupo sa kaharap niyang ottoman chair. Hindi ko na siya inalok na magmeryenda dahil alam ko naman na hindi iyon ang sadya niya. Mahigit dalawang buwan na pero ngayon lang siya ulit nagpakita.


"Kumusta ka na, Harry?" tanong ko ulit. "Kumusta na rin si Tita Eva?"


Napayuko siya at ang huling tanong ko lang ang sinagot. "Totoo pala iyong huling atake niya. May mga komplikasyon na rin ang diabetes niya. Bumigay na ang isang kidney niya at kailangan niya na ng surgery."


Hindi iyon nabanggit ni Mommy sa akin. Malamang na ayaw akong pag-alalahanin nito dahil kakakasal ko pa lang.


"Pasensiya ka na, hindi ko madadalaw si Tita Eva. Baka kasi magalit lang siya kapag nakita ako. Baka hindi makabuti sa lagay niya."


Hindi siya kumibo. Nanatiling magkasalikop ang kanyang mga kamay habang nakayuko. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko na alam kung paano magbubukas ng paksa, ngayon na lang ako nailang nang ganito.


Nagpaalam na rin agad si Harry. Para bang ayaw niya nang magtagal dahil alam niyang ipipilit ko sa kanya ang parte niya sa ipon namin. Ang sabi niya ay napadaan lang daw talaga siya. Kailangan na rin niyang umalis dahil may importante pa siyang gagawin, pero hindi ako naniniwala.


"Hindi mo na ba hihintayin si Hyde?" Naisip ko lang naman na baka gusto niyang makita si Hyde. Nami-miss na rin kasi siya nito. Nag-deactivate si Harry sa social media at hindi na rin contacted ang number niya, nag-aalala tuloy sa kanya ang bata.


"Maybe some other time, Jill." Nakangiti siya pero ang ngiti niya ay hindi man lang umabot sa mga mata niya.


Kahit hindi sabihin ni Harry ay ramdam ko sa mga kilos at salita niya na miss na miss niya na si Hyde. Siya ang kinalakihan ng anak ko, kaya imposibleng hindi niya nami-miss ito. Siguro ay hindi niya pa lang talaga kaya na makita ulit ito.


"Ihahatid na kita sa labas, Harry." Tumayo na rin ako pagkatayo niya.


Bumalik ang lamlam sa mga mata ni Harry. "It's fine, Jill."


"I insist." Sa may tapat lang naman ng pinto nakaparada ang kotse ni Harry. Ilang hakbang lang iyon. Saka tanging ito na lang ang magagawa ko para sa kanya.


Muli siyang napayuko. "Okay, if that's what you want."


Inihatid ko si Harry. Dahil nasa labas na rin ako ay ako na rin ang nagsara ng gate para sa kanya. Isasara ko pa lang ang gate nang makarinig ako ng malakas na sunod-sunod na busina. Sa aking pagtingin ay nakita ko ang kotse ni Hugo na paparating.


Nagkasalubong ang kotse nila ni Harry. Pero kailangan ba talagang bumusina nang ganoon kalakas at sunod-sunod? Muntik nang mabasag ang eardrums ko.


At anong ginagawa ni Hugo rito? Bakit siya umuwi na naman? Martes pa lang, ah?


Binuksan ko ulit ang gate. Pagpasok ng kotse ni Hugo ay saka ko isinara ang gate. Palakad pa lang ako papunta sa bahay ay nakababa na sa kotse si Hugo. Nakasimangot siya na palapit sa akin.


"Who was that?!"


"Ha?" Ang tinutukoy niya ba ay si Harry?


"Alam mo kung sino ang tinutukoy ko. Iyong may ari ng kotse, 'di ba kotse iyon ng ex mo?!"


Natatandaan niya ang kotse ni Harry? E bakit nagtatanong pa siya? Sasayangin niya lang ang laway ko sa pagsagot sa kanya.


"I am asking you!" Sumunod siya sa akin dahil naglakad na ako pabalik sa bahay. "What, Jillian? Is it hard to answer my question?!"


Inis na nilingon ko siya. "Alam mo na iyong sagot, di ba? Bakit nagtatanong ka pa? Saka ano ngayon kung sino iyon? Masama na ba akong magkabisita?"


"What? Wala ba akong karapatan na magtanong kung sino at ano ang sadya ng bisita mo rito?!"


"Ah, right. This is your house. So, paano? Should I make a guest list for you to approve first? Or much better na sa labas ko na lang kitain iyong bisita ko at wag na rito sa pamamahay mo?!"


Ganitong mabilis akong mairita ay 'wag siyang aangas-angas diyan. Ang lagay ay siya lang ang puwedeng magkabisita? Saka wala naman akong ginagawang masama!


Napaungol naman siya sa sinabi ko. Para siyang batang nagmamaktol. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Jillian. Bakit ba ang pilosopo mo?"


"Kasi minana ko sa 'yo!" Padabog na tinalikuran ko na siya. Gigil na gigil ako kaya nang madaan ako sa kotse niya ay tinadyakan ko ang gulong nito.


"Hoy, babae!" Napasigaw siya.


Patakbo akong umakyat sa hagdan patungo sa itatas ng bahay. Isasara ko pa lang ang pinto nang guestroom nang iharang ni Hugo ang paa niya roon. Nakahabol pala siya sa akin.


"Agh, aray tangina!" Napahiyaw siya dahil naipit ko ang paa niya.


"Alisin mo kasi!" sigaw ko naman sa kanya. "Umalis ka! May work pa ako na kailangang gawin, alis!"


Wala naman talaga akong work, pero naiirita talaga ako sa kanya, sa boses niya, sa pagmumukha niya, sa lahat-lahat sa kanya. Ayaw ko siyang makita! Bakit kasi umuwi pa siya?!


Itinulak niya ang pinto, at dahil malakas siya ay nakaya niya iyong itulak. Napaatras naman ako. Madilim ang ekspresyon niya kaya nakaramdam ako ng kaba.


"W-what are you planning to do?" Napayakap ako sa aking katawan. "May balak ka, ano?! 'Wag mo nang ituloy, parating na si Hyde. Hahanapin ako niyon!"


"Agh, itigil mo nga 'yan, ang cute mo." Napasabunot siya sa kanyang buhok.


Napakurap ako. "Ha?"


"Wala akong balak sa 'yo, okay? Mamaya pa."


Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hindi pa weekend ngayon, may schedule tayo, di ba? Saka bakit ka ba nandito? Di ba dapat nasa Manila ka?"


"At kailan naman tayo nag-usap tungkol sa schedule?" Ngumisi siya. "Imbento ka."


"Basta ayoko ngayon!" Yakap ko pa rin ang sarili ko. "Lumabas ka sabi, may work pa akong gagawin!"


Naupo siya sa gilid ng kama ko. Mahinahon na ang boses niya nang muling magsalita, "Wala akong balak, okay? Kung ayaw mo, hindi naman kita pipilitin. Saka hindi naman iyon ang sadya ko rito."


Napalabi naman ako. "E ano?"


"Sorry."


Natigilan ako. "W-what?"


"Sorry, nagalit agad ako kanina dahil doon sa bisita mo," mababa ang tono na sabi niya. "Sorry, marami kasing problema sa site. Pagod pa ako sa biyahe kasi nagbalikan ako mula umaga to Manila, tapos ngayon pabalik dito sa Tagaytay."


Namalayan ko na lang ang sarili na mahinahon na ring nagpapaliwanag, "Pumunta lang si Harry dito para mangumusta. Binalita niya rin iyong tungkol sa lagay ng tita ko..."


Tumingala siya sa akin at ngumiti na. "Okay. I believe you."


Natigagal ako ng ilang segundo. Bakit parang tumalon ang puso ko dahil sa pagngiti na iyon ni Hugo?


At bakit nawala na iyong pagkairita ko bigla sa kanya? Parang gumuwapo pa siya nang slight kaysa kanina. Pero gusto pa rin siyang isubsob sa kama at daganan ng unan. Hala, bakit kaya?


Tumayo siya at hinawakan ako sa ulo. Nang yumuko siya para halikan ako sa noo ay hindi nag-iisip na napatingala ako. Ang halik niya ay sa gilid ng aking mga labi tumama. Parehong dumaan ang gulat sa aming mga mata.


"Jill..." Namungay ang mga mata niya.


Yes, I felt it too.


Nararamdaman ko ang pagragasa ng init sa aking mga ugat. Namungay ang aking mga mata na nakatingin sa kanya. Kung hihilingin niya ngayon, hindi ako tatanggi.


Parang biglang sinilaban ang katawan ko, dumaloy sa aking sistema ang katotohanan. I missed this man. I missed him, I missed Hugo... I missed my husband...


I was waiting for him to ask for it, but it didn't happen. Nabulabog kami ng dalawang beep sa kanyang phone na inihagis niya kanina sa ibabaw ng kama. Ilang segundo ay nag-ring na iyon. Someone was calling him. Sabay kaming napalingon doon.


Sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko ang photo ng caller. Isang babaeng naka-pout sa camera, chubby ang pisngi at maganda. Old photo ng babaeng kilalang-kilala ko. Her name was saved in Hugo's phone as... 'Susana'.


"Don't answer her," nabibiglang sabi ko. Maski ako ay nagulat sa nasabi.


Napatingin sa akin ang nagtatakang mga mata ni Hugo.


Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. Humawak ako sa braso niya. "Hugo, please, 'wag mong sagutin ang tawag ni Sussie..."


Kung pagbibigyan niya ako kahit sa hiling ko lang na ito, susubukan ko na kalimutan lahat ng sakit at pait. At kahit katangahan na umasa ulit ako sa kanya, aasa ako ulit. Aasa ako na baka posibleng magkaroon ng patutunguhan ang relasyon naming dalawa.


Pero bago pa mabuo ulit ang pag-asa ko ay nabasag na agad ito dahil sa paghahalo ng emosyon sa mga mata ni Hugo.


Ah, right. Bakit niya nga naman titiisin si Sussie? Muli ay sinampal ako ng katotohanan na sinubukan kong iwasan.


Kahit ibinaba ko na ang sarili at nakiusap na ako... Si Sussie pa rin talaga ang pipiliin ni Hugo at hindi ako.


jfstories

#TroublemakerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

18.6K 110 3
A Collection of One Shots #2 Romance, New Adult, Young Adult, Contemporary Literature, Romantic Comedy, Tragic, etc.
247K 10K 36
Mula sa angkan ng mayayaman, tumakas siya at tinalikuran ang pagiging chief executive officer/CEO ng sariling kompanya para takasan ang manyak na in...
15M 759K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
6.9M 166K 56
X10 Series: Alexander De Silva Kilala bilang 'nice guy' ng gang na tinatawag na X10. Mabait pero masama kung magalit. Isang gentleman kung maituturin...