Prince of Time: Memories From...

By Hazel_KYJ

501 119 5

A Story of a Couple that is about to get married. One day, an unfortunate event put their happily ever after... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 9

8 2 0
By Hazel_KYJ

Matapos ang pag-eemo ni Aiyana at Liam, napagdesisyunan na nilang umuwi dahil nagtext na ang mama ni Aiyana..

Habang nasa biyahe pauwi..

"Its been a while since itinakas mo ako sa amin ng walang paalam" sambit ni Aiyana while Liam is busy driving the car

"Kaya nga, ngayon mag-iisang taon na tayo together and we have been through ups and down but we are still holding on!" napangiti na lang si Liam habang nagrereminisce

"At kahit kailan di mo ako sinukuan kahit na alam mong ugali ko na parang tigre kung magalit at sobrang taray kapag naiinis.." napatawa na lang si Aiyana habang binabanggit ang mga katangian nyan na buong akala nya ay ikakaturn off ng isang boy

"Well, ganun talaga kita kamahal kaya never kong susukuan ang pagkatigre, mataray at pagkabugnutin mong babae" sambit ni Liam

"Kaya siguro natutunan na rin kitang mahalin nung nanliligaw ka pa lang eh, takutin ba na naman akong magpapakamatay sya kapag di ako pumayag magpaligaw!" natatawang sambit ni Aiyana

"You are really a unique girl Aiyana.." Liam simply said

Nakarating na sila sa tapat ng bahay nila Aiyana at nandun na nga nakaatayo sa may pintuan ang mama ni Aiyana..

Bumaba na ang dalawa sa sasakyan at tahimik na naglakad papunta kung saan nakatayo ang mama ni Aiyana..

"Good evening po ulit tita, let me explain po--" di na pinatapos ni Lea si Liam sa pagsasalita

"Anong oras na?" tanong ni Lea sa dalawa, kinakabahan na si Aiyana at Liam

"11pm na po tita.." nakayukong sambit ni Liam

"Liam, iho! Alam kong girlfriend mo ang anak ko at nagwoworry ka sa kinikilos nya kanina pero sana naman nagpaalam ka na ng maayos kung saan mo dadalhin ang anak ko, alam kong nasa edad na kayo para gawin ang gusto nyo pero sana naman magpaalam ka naman sa akin kung aalis ka kasama ang anak ko, pwede ba yun iho? Pang ilan beses na ba ito--" bago pa matapos ni Lea ang sermon nya kay Liam ay bigla na lang

Bumuhos ang napakalakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat..

"Ma! Sa loob mo na kami sermunan ang lakas na ng ulan oh, sumasabay sa sermon nyo" pamimilosopo ni Aiyana

Pumasok na ang dalawa sa loob ng bahay ni Aiyana..

"Bigla naman bumuhos ang napakalakas na ulan, kaganda ganda ng liwanag ng bituin at buwan kanina, biglaan naman!" sambit ni Lea ng makapasok sila sa loob ng bahay, humarap muli siya kila Liam at Aiyana na nabasa ng ulan

"Ma, ako ng mag-eexplain okay? Niyaya lang naman ako ni Liam magpahangin sa labas and we didn't do anything okay! Nag-usap lang kami yun lang after that nung nagtext ka uuwi na rin kami nung mga oras na yun kaya please ma wag mong sermonan si Liam, ginusto ko po naman sumama sa kanya para ipagpag ang stress at mga isipin ko sa trabaho, Im sorry po ma kung tumakas na naman ako kasama ai Liam kaya please po ma, don't blame him for this!" si Aiyana naman ngayon ang todo hingi ng pasensya sa mama nya

"Hay Aiyana Flores, bukas na lang tayo mag-usap bata ka.." sumuko na si Lea sa kakasermon sa dalawa at umakyat na sa taas, bago pa sya tuluyang umakyat, humarap siya kay Liam

"Liam Oliver Dela Cruz, dito ka magpa-umaga delikadong magmaneho ng ganyang panahon.." sambit ni Lea at umakyat na ito sa taas

Lumabas si Lola Alicia mula sa kwarto nya, may sariling kwarto ang lola ni Aiyana sa baba...

Lumapit si Liam para mag mano

"Mano po Lola Alicia, gabi na po at di pa po kayo natutulog?" takang tanong ni Liam sa matanda

"Narinig ko kasing sinesermunan na naman kayo ni Lea ano?" tanong ni Lola Alicia sa dalawa at tumango na lang ang mga ito

"As usual lola, tumakas na naman po kasi ako kanina kaya eto ang napapala ko, pasensya na po lola kung kailan nagkatrabaho na po ako saka ako naging pasaway.." paghingi ng paumanhin ni Aiyana sa kanyang lola

"Apo, halika nga dito at maupo!" niyaya ni Lola Alicia si Aiyana umupo sa sofa

"Ikaw rin Liam, apo na rin kita kaya halika rito umupo ka rin dito" sumunod naman si Aiyana at Liam kay Lola Alicia

"Alam nyo mga apo, labis lang na nag-aalala si Lea sa inyo lalo na sayo, Yana, dahil babae ka, kahit na nasa edad ka na, matuto ka pa rin sumunod sa mama mo, hindi ko kayo sinesermunan mga apo ah, payo lang to ni lola sa inyo bilang nag-uumpisa palang kayong dalawa sa tunay na mundo, Yana apo, intindihin mo na lang ang mama mo, mahirap para sa kanya kung may mangyari sa iyong masama, maaga kang nangulila sa daddy mo kaya sana naman apo, wag ka nang aalis ng walang paalam okay?" payo ni Lola Alicia kay Aiyana

"Pasensya na po lola, di na po talaga mauulit po, naintindihan ko naman po si mama kung bakit sya ganon, dahil pinoprotektahan nya ako, dahil ako na lang ang meron sya.." sambit ni Aiyana sa kanyang lola, ngitian naman ito ng matanda

Humarap si Lola Alicia kay Liam...

"Liam apo, alam kong labis ang pag-aalala mo kay Yana at alam ko rin na labis mong mahal ang aking apo, pero sana apo, maintindihan mo rin ang ina ng minamahal mo at sana kung aalis kayo ng apo ko, ipagpaalam mo sya pwede ba apo?" tanong ni Lola Alicia kay Liam

"Sorry po lola, para po kay Aiyana at sa protection nya po, di na po mauulit, pangako po!" taas ni Liam ng kanan kamay

"Mabuti kung ganoon apo, so papaano? Dumito ka na muna Liam apo magpalipas ng gabi, masamang bumiyahe ng ganyang kalakas ang ulan baka mapano ka pa sa daan.." sambit ni Lola Alicia kay Liam

"Okay lang po ba lola na dumito po ako? nakakahiya naman po"  nahihiyang sabi ni Liam

"Apo, dumito ka muna hanggang sa mag-umaga na, mahirap na apo ang ganyang sitwasyon sa labas.." payo muli ni Lola Alicia, wala ng nagawa si Liam kung di ang magpalipas ng gabi sa bahay ng kanyang nobya

Pumasok na muli si Lola Alicia sa kanyang kwarto para magpahinga, naiwan sa sala sila Aiyana at Liam..

"Paano, samahan kita sa guest room" yaya ni Aiyana kay Liam at sabay na silang umakyat sa taas patungo sa guest room sa tabi ng kwarto ng dalaga

Binuksan ni Aiyana ang pinto ng guest room..

"Dito ka na muna magpahinga, tsaka magpalit ka na rin ng damit, nabasa kasi tayo ng ulan, gamitin mo muna ang damit ni daddy, mukhang kasya naman sayo eh" sabay kuha ni Aiyana ng damit ng daddy nya sa closet ng guest room

"Mukhang mas malaki pa itong kwartong to sa ordinaryong kwarto no?" usisa ni Liam sa guest room ng bahay nila Aiyana

"Actually eto yung dating master's bedroom, dito ang kwarto dati nila mama at daddy, pero simula nung namatay si daddy, lumipat na si mama sa kabilang kwarto at ginawa na lang itong guest room" kwento ni Aiyana kay Liam

"Ano bang nangyari sa daddy mo?" takang tanong ni Liam, umupo si Aiyana sa kama, tumabi naman sa kanya si Liam

"Namatay si Daddy sa isang car accident two years ago, napakasakit ng taon na yun para sa amin lalo na kay mama, hirap na hirap syang tanggapin na wala na si daddy sa amin, kaya ipinangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari nandito lang ako para sa kanya dahil ako na lang ang meron sya, I won't let my mom experience another heartbreak, alam mo Liam ganon talaga si mama, minsan okay lang sa kanya na lumabas tayo, minsan naman hindi kagaya kanina, but I know she has a point naman, gusto nya lang akong protektahan, naintindihan ko naman yun and alam kong gets mo rin yun" sabay punas ng luha ni Aiyana, dahil di nya namalayan na umiiyak na pala sya habang kinukwento ang nangyari sa daddy niya

"Gets ko din naman si tita, kaya I fully understand the situation kaya wag kang mag-alala, I'll make sure na ipapaalam kita palagi kay tita kapag lalabas tayo, kaya tama ng iyak sabi kanina ka pa, nakakapangit yan!"  sabay punas ni Liam ng natitirang luha sa may gilid ng pisngi ni Aiyana, nginitian na lang ni Aiyana si Liam

"Magbihis ka nga at magpahinga, itetext ko na lang si Tita Lanie na nandito ka muna magpalipas ng gabi dahil malakas ang ulan, delikado sa daan ang magmanaho ng ganyan!" tumayo na si Aiyana, tumayo rin si Liam

Ngumiti ng nakakaloko si Liam..

"Ano na naman yang nginingiti mo dyan Liam Oliver?" urirat ni Aiyana sa itsura ng nobyo

Imbis na magsalita si Liam ay hinila na lang  nya si Aiyana upang bigyan ng isang mahigpit na yakap..

"Napakaswerte ko talaga sa girlfriend ko!!" paglalambing ni Liam habang yakap yakap si Aiyana ng mahigpit

"Bola ka uy!!" natatawang sabi ni Aiyana as she also hugs back to her boyfriend

Kumalas na sa yakapan ang dalawa at tumingin sa kanilang mga mata at ngumiti..

"Mahal na mahal kita Prinsesa ko!" sabay halik ni Liam sa noo ng dalaga

"Mahal na mahal din kita Prinsipe ko!" hinalikan naman ni Aiyana sa pisngi si Liam

===================================

Next: Chapter 10

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
563K 12.5K 39
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
560 26 1
𝐀 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝟑 𝐛𝐨𝐲𝐬 𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐚 𝐦𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥. 𝐖𝐢𝐥𝐥 𝐭𝐡𝐞𝐲 𝐟𝐢𝐭 𝐢𝐧 𝐥𝐢𝐤𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫𝐬 𝐨𝐫 𝐧𝐨𝐭? ...
307K 6.8K 35
"That better not be a sticky fingers poster." "And if it is ." "I think I'm the luckiest bloke at Hartley." Heartbreak High season 1-2 Spider x oc