REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

Από spirit_blossom

124K 7.6K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... Περισσότερα

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 59

Kabanata 58

2.5K 125 58
Από spirit_blossom

Mabilis akong pumiglas sa pagkakayakap ko kay Joaquin. Namumula ang mukha ng tito niya sa matinding galit. Nang makita ko ang tito niya parang gusto ko nang umalis. Pero dahil hawak pa rin ako ni Joaquin, na nagulat rin sa pag-singhal ng tito niya, kaya bigo akong makaalis doon. Dumikit na lang ako sa kaniya at nagtago sa likuran nang makitang papalapit na si Tito Johan samin.

"Tito." Bati ni Joaquin.

Huminto ang mabibigat na hakbang nang makalapit samin pero imbis na boses ng tito niya ang narinig ko, isang malutong na sampal ang bumulabog sa dome. I gasped.

Tumingala ako at nakita ko ang pag-baling ng ulo ni Joaquin sa kanan nang sampalin nga siya ni Tito Johan. The sight of it made me froze. Oh, my.

"Such a disgrace that you are, Joaquin! Anong katarantaduhan iyon, ha? Tell me!" Tito Johan roared.

"Tito –" Joaquin tried to reason but his uncle immediately stopped him. Dumagundong ulit ang galit na boses ni Tito Johan sa paligid.

"Gumastos ng malaki ang mga Garcia para rito tapos ganoon ang gagawin mo! Mag-aanunsyo ka sa harap ng mga kakilala nila na hindi na matutuloy ang kasal niyo ni Lana? What has gotten into your senses, huh? YOU EMBARASSED THE WOMAN AND HER FAMILY!"

Hindi man ako ang binubulyawan ni Tito Johan pero napapapitlag ako sa lakas ng boses nito. Hindi masukat ang kalabog ng puso ko sa matinding takot. Luminga ako sa likuran namin at napansin ko sa hindi kalayuan ang ilang mga staff nitong country club na nakamasid samin. Nagbubulungan sila at kahit hindi ko man marinig kung ano iyon, nababatid kong kami ang pinag-uusapan nila.

Tito Johan is creating a scene! The mayor of this city is getting reprimanded and I don't even know if that isn't shameful enough. Hindi ko alam kung paano ko patitigilin ang tito niya dahil natatakot ako. Sa lahat ba naman ng pupuwedeng lugar!

Nahagip ko sa sulok ng paningin ang pagkislap ng isang bagay. Gumawi ako roon at nakita ko ang isa sa mga press na kinuhaan kaming tatlo ng litrato. Nakayuko nitong ni-inspect ang kuha niya sa camera. Napangiti ito pagkatapos. I bit my lip. Sh¡t, Chandria.

"Please respect my decision, Tito Johan. Lalo lang mapapahiya ang pamilya ni Lana pag pumalya ang kasal namin katagalan. Hindi ko siya mahal at hindi siya ang nakikita kong mapapangasawa." Sagot ni Joaquin.

Sumilip ako at nakita kong namaang ang tito niya sa sagot ni Joaquin. Panandalian siyang natahimik bago pagak na napatawa. The echoes of his laughter implied as if Joaquin is out of his mind for choosing not to marry that woman.

"Hindi mo naman kailangang mahalin agad siya, hijo. Nalimutan mo na ba ang payo ko sayo noon? Natututunan ang pagmamahal, Joaquin. Natuturuan ang puso. Panahon ang magiging investment mo. Take me and your tita for example."

Paulit-ulit na umiling-iling si Tito Johan. Pumameywang siya pagkatapos at lalong pinukol ang atensyon kay Joaquin.

"Your tita & I got married for the sake of their businesses. One can tell it was a marriage of convenience. Her father wanted her to marry someone influential and I happened to be the suited bachelor. Hindi man ako mahal ng tita mo nung una pero tingnan mo kami ngayon, masaya naman kami. Maayos naman kaming nagsasama. Mahal namin ang isa't isa maski hindi ganoon iyon nung umpisa."

I listened carefully and tried digesting that one part but it only made my feelings turn sour. Siya pala. Si Tito Johan pala. Siya pala ang pasimuno at nag-udyok kay Joaquin na pumasok sa ganoong sitwasyon. I should've known.

Hindi naman si Papa ang magkukumbinsi kay Joaquin sa ganitong kahibangan. He is no businessman. His older brother is. Si Tito Johan lang ang nagkaroon ng hilig sa mga negosyo pagkatapos maging mayor, at normal lang sa mga kagaya niyang negosyante ang mga arranged marriage.

"I am not discrediting your views about marriage but please do understand that we have different takes regarding that matter, Tito Johan. Maaaring gumana sa inyo iyon ni tita pero sakin hindi ko iyon nakikita. Tama kayo. Nakakahiya iyong ginawa ko. Pero mas nakakahiya sa pamilya niya pag nalaman ng mga taong napilitan lamang akong pakasalan si Lana." Joaquin reasoned.

Pagak na namang napatawa si Tito Johan. Humigpit ng kaunti ang pagkakahawak ni Joaquin sakin dahil tila sarado ang isipan ng tito niya at parang hindi tumatanggap ng anumang rason.

Sumilip ulit ako sa gilid ni Joaquin at napapigil ng paghinga nang makuha ko ang atensyon ni Tito Johan. Nangunot ang noo niya nang masipat ako. Napamura siya ng mahina. Oh, no.

Namumutla kong binaba ang paningin. Nakarinig ulit ako ng mabibigat na hakbang patungo sakin. Huminto pagkatapos ang maitim at makintab na pares ng leather shoes sa harap ng paanan ko.

Napalunok ako. Huminga ako ng malalim bago lakas-loob na nagtaas ng tingin. Bumungad sa paningin ko ang hindi makapaniwalang si Tito Johan.

"How in the héll... are you still here?" He slowly cursed. Gritting his teeth like a contained dog.

Bumaling ang mga mata niya kay Joaquin. Si Joaquin ang mayor dito at kung bakit naglalagi pa rin ang isang tulad ko rito, siya lamang ang tanging makakasagot kung paano.

Tahimik kami pareho. Naglibot naman ang paningin ng tito niya at napako ang mga mata sa kamay ng pamangkin niyang nakahawak sakin. Bumilog muna ang mga mata nito bago nagsalubong ang parehong kilay. Bumalik agad ang tingin niya kay Joaquin. Sumisilab na ng paunti-unti ang mga mata sa galit.

"Siya ba ang rason sa kalokohang ito?" Timping tanong ni Tito Johan. Paulit-ulit na nagtatagis ang panga niya.

"Tito, leave her out of this. Please," Sumamo naman ni Joaquin.

Bumitaw siya sa pagkakahawak sakin para naman ipangharang ang braso niya. Umurong ako at lalong nagtago sa likuran ni Joaquin. The sight of it made his uncle dumbfound.

Segundo siyang natigilang sa kinilos namin bago siya tuluyang nahimasmasan. Paputol-putol muna ang tawa niya bago naging diretso. Umiling-iling ang nakangising si Tito Johan. He then gave us a fascinated but disgusted look as if his mind cannot digest what he is seeing right now and is also hating it.

"Good grief! Oh, now I finally get it, Joaquin. Gaano na katagal ninyong tinatago ang kalokohang ito, ha? Anu-ano ba ginawa niya sayo para hindi mo makita ang motibo niya? Did she give a good séx? Some out of this world blowjób? Or did she ride you on top like a –"

"Tito Johan, you are being nonsense." Sabat ni Joaquin.

"Nonsense? Paano? Salvador ang babaeng iyan! Tuso ang pamilya niyan! Pinapaikot ka niyan sa mga daliri niya para sirain ka. Tingnan mo ang ginagawa mo ngayon nang dahil sa kaniya." Paulit-ulit akong tinuturo ni Tito Johan.

Lumingon si Joaquin sakin. Marahan kong diniinan ang kapit ko sa braso niya para ipaalam na sinusubukan kong huwag magpaapekto sa mga sinasabi ng tito niya. Joaquin gave me an apologetic smile.

"The decision is mine alone, tito. She had nothing to do with this," Sagot ni Joaquin nang balingan niya ulit ang naghihimutok na tiyohin.

"C'mon, Joaquin! I've known her family and sure enough the apple doesn't fall far from the tree! Ganid ang mga Salvador! Tuso! Halang ang mga bituka ng mga iyan at gagawin nila ang lahat para lamang mangyari ang mga gusto nila! Plano talaga nila iyan para masira ang reputasyon mo!"

I bit my lip hard. I hate to admit but the harsh comments are starting to have an impact on me now. Maaaring ganoon nga ang pagkakakilala ng mga taga-rito sa pamilya namin. Pag naririnig nila ang pangalan namin kung anu-anong negatibo agad ang naiisip nila. Mga corrupt at mga mamamatay-tao. Totoo man iyon o paratang lang ay hindi ko na alam. Basta ang sakin ay hindi ako ganoon.

Wala akong ninakaw at wala akong pinatay pero kung pagsalitaan ako ng tito niya parang kilala niya ako. Dahil bumase siya sa pangalang dala-dala ko. Bakit ba ganiyan ang mindset ni Tito Johan sa mga Salvador? Hindi na ba talaga nawala ang galit niya samin mula noon pa?

Humarap naman siya kay Joaquin at nanginginig na tinutok sa kaniya ang daliri.

"Ikaw naman itong utong-uto sa kaniya! Baka nakakalimutan mo na, ha? Wala ka sa kinalalagyan mo ngayon kung wala ang mga Garcia! Tandaan mo sila ang tumulong sayo noong huling eleksyon. Tapos ano ngayon isusukli mo sa kanila? Pagpapahiya sa kanila? Pagsisira ng tiwala nila? Paano ka na mananalo ngayon? Baka sa susunod na takbo mo maski sinong Poncio Pilato ang makalaban mo matalo ka pa?" Humahangos ang dibdib ni Tito Johan sa matinding inis.

"Hindi ko kakalimutan ang tulong ng mga Garcia sakin pero kung ganoon ang magiging desisyon nila sa nangyari, rerespetuhin ko iyon. Gaya ng paghingi ko ng respeto nila sa desisyon ko." Sagot pa ring magalang ni Joaquin. Halata sa baritono niyang nasaktan siya sa sinabi ni Tito Johan. The latter, being his own relative and last father figure, is doubting his capabilities as a Fuego. That hurt me, too.

"Nasasabi mo lang iyan ngayon kasi wala ka pa sa oras ng pangangampanya. The woman and her family provided you more than enough funs just so you could campaign smoothly during that period. Naiisip mo ba lahat-lahat ng iyan, ha!" Timping-timpi ang panggigigil ni Tito Johan.

"The Garcias gave it to me out of willingness, tito. Hindi ko naman tatanggapin iyon kung may kaakibat na pabor. That is against my principles."

"Nonsense! Parehas nating alam na kailangan mo ng tulong nila. Hindi naman masama ang gano'n, Joaquin. Iba ngang pamilya na alam ko kaban pa ng bayan ang ginagamit tuwing nangangampanya. Sky is the limit for their shameless, thick faces." Tito Johan shot daggers towards me. Hindi man niya direktahin pero batid kong kami na naman ang tinutukoy niya. Umiwas na lamang ako ng tingin.

"I will use my savings if such circumstances require me to do so, tito. Hindi po mapipigilan ng ganoong problema ang kagustuhan kong mamuno." Sagot ni Joaquin. Pareho kaming napatingin ng tito niya sa kaniya.

I get it that this man shares the same passion like his forefathers but that statement is too much! Hindi ako maalam sa politics gaya nila pero alam kong kabaliwan ang sinabi ni Joaquin! No one in their right minds would burn a hefty amount of money for a position that isn't guaranteed in the first place! Maski ako hindi ko gagawin iyon! Grab some senses, you brute!

"Sige! Gamitin mo ang pera mo! Gamitin mo na din ang minana mo sa kapatid ko kung ganoon! Ubusin mo iyang pinagmamalaki mong pera! Tapos ano? Matatalo ka? Lalo na ngayong nasa alanganin ka na? Paano ka pagkatapos? Saan ka pupulutin niyan? Babalik ka na ulit sa iskwateran na kinalakihan mo?" Hindi nakasagot roon si Joaquin.

Napasinghap ako! Palalagpasin ko ang pangbabastos at pang-aalipusta ng tito niya sakin, pero hindi ko na kaya pag nadamay na pati ang dating buhay ni Joaquin. Dahil sa lahat ng taong kilala niya ako ang higit na nakakaintindi sa bagay na iyon. Dahil kung hindi lumaki roon si Joaquin, malaki ang tsansang hindi ko makikilala si Gino.

"Lumaki man si Joaquin sa ganoon pero Fuego pa din siya! The both of you share the very same name and you can do nothing about that bitter fact but to shove it down to your pitiful throat!" Bumaling si Tito Johan sakin at nanginginig na tinutok sa mukha ko ang hintuturo niya.

"SHUT YOUR GODDAMN MOUTH!"

Hindi na ko nakaimik sa gulat. Hindi ko sigurado kung siya pa ba ang tito na kilala ko noong nasa puder pa ko ng mga Fuego. Gusto ko sanang magpakilala sa kaniya at baka sakaling mag-iba ang pakikitungo niya sakin pag nalaman niya ang totoong buhay pa ko.

Huwag na lang siguro. Si Rhiannon man o hindi sigurado akong kamumuhian pa rin ako ni Tito Johan. He is already too blinded by hate.

Bakit ba hindi pa matapos ang alitan ng mga pamilya namin? Hanggang kailan kami madadamay ni Joaquin sa gulong ito?

"Please do not taint any remaining respect that I have for you, Tito Johan. Mataas ang paggalang ko sa inyo dahil nakatatandang kapatid kayo ni Papa. Pero huling beses ko na itong sasabihin. LEAVE HER ALONE, TITO JOHAN." Joaquin said. Hiding in his baritone is an obvious threat.

Nakita ko ang dahan-dahang paghupa ng galit ni Tito Johan. Nakasimangot pa rin siya pero pansin ang pagkailang niya habang nakaharap kay Joaquin. Talunan niyang tiningnan ang huli.

"Our family did everything, Joaquin. Ang lolo mo, kaming mga tiyuhin mo, at maging ang tatay mo. Lahat kami. Ginawa namin ang makakaya namin para lang hindi na muling makatapak ang mga iyan dito. Sasayangin mo lang pala ang pagod namin para sa isang Salvador din mismo. I hope that my late brother must be very proud of your doing." Bagsak-noo si Tito Johan na humarap sakin. Pansin kong mayroon pa siyang gustong sabihin sakin pero sinarili niya na lamang. Galit niya kaming nilayasan.

Pigil-hininga ako nang lagpasan kami ni Tito Johan. Minuto muna ang nagdaan bago ako nahimasmasan. Nang naisip kong nakaalis na nga sa dome ang tito ni Joaquin tsaka pa lamang ako nakahinga ng maayos.

"Joaquin." Tawag kong mahina nang lumipat ako sa harapan niya para tingnan siya.

Tahimik lamang siya at nakatulala sa ibaba. I called him once more before his eyes slowly found its way towards mine. Sumalubong ang malungkot na tingin ng mga mala-uling niyang mata at halos madurog ng daan-daang piraso ang puso ko. Oh, Joaquin.

Bumuga siya ng malalim at pagod akong ningitian.

"Let's go home, hm?" Tanong niyang maaligasgas. Tumango na lamang ako at hindi na sumagot pa.

Namalagi pa ko ng ilang araw sa mansion pagkatapos ng nangyaring pagtatalo namin nina Tito Johan. Pero hindi gaya noong unang beses na dinala ako dito, malaya na kong nakakaalis ng kwarto ko at nakakalibot sa kahit saang parte ng mansyon kung gugustuhin ko. Hindi na rin ako binabantayan ng mga tao niya pero bantay-sarado naman ang gate nang silipin ko kanina nung nagpapahinga ako sa garden.

Tatlo sa mga tao niya ang nandoon malapit sa headquarters na nakikipagkuwentuhan kasama ng isang nakaunipormeng guard. Pumasok para sa trabaho niya si Joaquin sa city hall at siguro iniwan itong tatlo para magbantay rito. Kung ang dahilan ng pag-iwan ng tatlo ay para bantayan lang ang mansyon o ako mismo ay hindi ko sigurado. Ayokong subukang umalis dahil obvious namang heavily guarded. Higit pa baka makarating rin kay Joaquin at magdesisyong ikulong na naman ako sa kuwarto ko. I've had enough of him chaining me to be honest.

Kung may isang bagay man na kinatutuwa ko sa ginawang pagkuha sakin ni Joaquin, iyon ay ang nagkaroon ako ng opportunity na mag-stay rito sa mansyon pagkalipas ng ilang taon. I realized this house hasn't changed that much. Some details are still from the same old big house I used to remember and lived for almost eighteen years. Kung mayroon mang nagbago siguro iyong puwesto ng mga antique vases at mamahaling paintings, pero ang malaking chandelier sa pinakatuktok, mga magarbong carpet at ang grand staircase ganoon pa rin.

I smiled bitterly.

Gusto ko sanang matuwa pero ginapangan rin ako ng lungkot nang mapagtanto kong ang lungkot nitong malaking bahay para lamang sa iisang tao. Noong kami nga lang dating dalawa ni Papa ang lungkot na. Si Joaquin nag-iisa lang lalo na't hindi naman niya gano'n katagal nakasama si Papa bago ito...

I sighed. Pag na-i-imagine kong mag-isa lang na kumakain si Joaquin sa long table parang pinipiga ang puso ko. Hindi ganito ang ni-expect kong magiging buhay niya nung lumayas ako.

Siguro naman sinasabayan siyang kumain ng mga tao niya? Hindi ba mga kaibigan niya ang mga iyon sa lugar nila? Sana naman kinakausap nila si Joaquin pag may pagkakataon? Or maybe that woman is entertaining him from time to time, though?

Pumait bigla ang panglasa ko. Dami-dami ng puwedeng maiisip iyon pa talaga. Chandria, you hormonal b¡tch. Ugh.

I decided to keep myself occupied after having lunch. Nanood ako ng foreign series doon sa living at nang sumapit naman ang alas-kwatro, napag-isipan kong bisitahin ang dating home office ni Papa. Pauwi na rin sa mga ganitong oras si Joaquin at ayoko namang maabutan niyang nanonood ako at feeling at home.

Mabagal kong pinihit ang doorknob bago dahan-dahan na binuksan ang pinto ng home office ni Papa. Namangha ako na hindi ito naka-lock pero siguro talagang hinahayaan lang na bukas ni Joaquin iyon. Si Papa din naman dati ganoon. Pumasok na ako at maingat na sinarado ang pinto.

Huminga ako ng malalim at inubos muna ang ilang minuto sa pag-obserba ng kabuuan nitong opisina. The familiarity of this home office made me teary. Tumingin naman ako sa bandang gitna kung saan ang desk ni Papa at para akong namalik-mata at nakakita ng imahe ng isang lalake na tahimik na nagta-trabaho. I bit my shaking lips.

Lumapit ako doon at nang makarating hinayaan ko ang isang kamay na haplusin ang gilid ng desk ni Papa. Malungkot akong napangiti nang maalala ko iyong mga beses na bumibisita pa ako rito. Malinis na ang mesa pero napansin kong mayroong ilang dokumento na nakapatong doon sa kabilang tabi. Siguro dito din minsan nag-o-opisina si Joaquin. Mga pipirmahang papeles niya siguro iyon sa city hall at minabuti ko nang huwag nang pakealamanan iyon.

Umupo ako sa swivel chair at isinandal ang likuran. Bumuga ako ng hangin at pinagmasdan mula rito ang iba pang furnitures. Nandoon pa din sa kanan ang lumang bookshelf na naglalaman ng mga law books ni Papa. Pati na ang family picture naming tatlo. I also noticed an unfamiliar picture of Gino and Papa beside it.

Napunta naman ang atensyon ko sa desk drawer. Naalala ko bigla na dito ko nakita ang test result noon nina Papa at Gino.

Nandito pa kaya iyon?

Hindi ko sigurado kung naitapon na ba iyon ni Papa pero habang naghahagilap ako pumukaw ang isang sobre na natatabunan ng ilang papeles. Huminto ako sa paghahalungkat at kinuha ang isang sobre na mayroong penmanship ni Papa. I read the name that was written on the front of the white envelope.

Rhiannon

Naka-sealed pa ang envelope at hindi pa nabubuksan. Masugid kong ni-check ang likod pati harap at parang hindi naman nito lang nagawa. Madumi na ito, maalikabok, at parang luma.

Hindi ko matandaan kung nakita ko ba ito noon. Hindi naman kasi mahilig gumawa ng mga sulat si Papa. Maingat kong binuksan ang likuran. Isa-isa kong binasa ang mga papel na nasa loob at agad nangarera ang puso ko nang mapagtanto ko kung ano ang mga iyon.

Maligayang kaarawan, mahal kong Rhiannon!

Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuklat isa-isa ang mga papel. Sumusulat si Papa sakin tuwing sumasapit ang kaarawan ko. Gumawa siya ng isa para sa nineteenth birthday ko, tapos sa twentieth at twenty-first. Nangingilid ang mga luha ko habang binabasa ko isa-isa ang mga iyon. Oh, my.

I tried my best not to shed a tear. Joaquin will be home any minute and I cannot afford letting him see me crying by reading a bunch of birthday letters. Pero hindi ko kaya, lalo na nung mabasa ko ang pang-apat at huling mensahe ni Papa, na hindi patungkol sa kaarawan ko. It was much more. So fuck¡ng more.

Dearest Rhiannon Engres,

Siguro ngayon, anak, isa ka nang ganap na babae. Maaaring magalit ka na sakin dahil hindi na mabilang ang beses na sinasabi ko ito sa mga liham ko saiyo, ngunit nais ko lamang humingi ng tawad sa mga pagkukulang ko saiyo. I am terribly sorry for failing as your father, anak. Lumaki kang malayo ang loob sakin at sinarado ko ang isip kong intindihin ka. Pero natuto na ako, anak. I have learned in the most painful possible way. And that is losing you. But I hope, and even in death I will hope, that this letter would find you, so that I could atleast leave you a valuable message as your father.

Huminga ako ng malalim at nagpalis ng nakaambang na luha. Tumatambol ang puso ko pero pinilit ko pa rin ang sariling magpatuloy. Mariin kong kinagat ang nanginginig na labi. 

In a world dominated by men, a woman should never forget to claim her rightful place. Huwag mong hayaang maliitin ka nila dahil isa ka lamang babae. Babae ka, anak. Hindi ka babae lang. Women are much more and are capable of great feats like men. A woman could launch a hundred ships. A woman could bend a man on its knees. And a woman, no matter what circumstances, will always be a woman.

Take pride in what you do, anak. Face the world headstrong and full of confidence. But always remember to keep your feet to the ground even after all the achievements and success. Humility is the virtue of a true Fuego. Hindi ka man galing sa dugo at laman ko pero mananatili kang isang Fuego sa aking puso. Tandaan mong mabuti na parati kitang gagabayan.

You are my princess, Rhiannon.
You will rule.
And you will conquer.

Love,
Papa.

Hindi ko na nabasa ang huling nakasulat dahil sunud-sunod nang nagtuluan doon ang mga luha ko. Bumalik na parang mga alon ang mga ala-ala ko noong kasama pa si Papa. Hindi man maganda ang majority ng pinagsamahan namin pero mahalaga pa rin sakin iyon. Umiiyak kong niyakap ang mga liham niya at sa sandali ding iyon, nakaramdam ako ng isang kamay na dumapo saking balikat.

Tumingala ako at nakita ko si Joaquin. Maamo siyang nakatingin sakin at lalo akong naluha nang maalala ko rin ang pagsasama naming tatlo. Oh, god.

"Welcome home... Rhiannon." Mahinang sabi ni Joaquin at dahan-dahan niya kong pinasandal sa kaniya.

Nakatulog na pala ako sa labis na kakaiyak. Nagising na lang ako sa mahinang ugong ng aircon habang nakahiga sa sofa ng dating opisina ni Papa.

Bumangon ako at nagkusot ng mga mata. Lumingon ako sa bintana para alamin kung anong oras na. Ang madilim na langit at ang mga kumikinang na bituin ang nagsabi sa aking kanina pa lumubog ang araw. Ang himbing pala ng naging tulog ko. Is it time for dinner?

Agad akong nahiya dahil baka ipaakyat pa ako ni Joaquin sa mga katulong niya. O baka kanina pa umakyat ang mga iyon at sinabihan na nga lang siyang natutulog pa ako. Ako lang kasi ang kasabay kumain ni Joaquin at ngayong napahaba pa ang tulog ko baka kanina pa niya ko hinihintay sa hapag.

Tatayo na sana ako at ibababa na ang mga paa sa sofa ngunit natigilan ako nang mapansin ang isang itim na coat sa aking mga hita. Hindi ko napansing nakapatong iyon sa dahil bagong gising pa lang ako pero ngayong buo na ang wisyo ko atsaka ko napagtantong itong coat siguro ang naging kumot ko. Ang nagsustento sa akin ng init sa kalaliman ng tulog ko at ngayong gising na, wala akong naramdamang lamig sa ibabang parte ng katawan ko maski malakas ang singaw ng aircon. Dress pa naman ang suot ko ngayon kaya exposed ang lower extremities ko sa malamig na temperatura.

At alam ko kung sino ang nagbigay nito sa akin, nakita kong suot niya ito kanina nang maabutan akong nagbabasa ng sulat ni Papa. Ang pamilyar na amoy ng pabango niya rin sa coat ang lalong nagpatibay ng hula ko. Agad kong inilibot ang paningin sa buong opisina para hanapin si Joaquin.

Tumigil lang ang paghahanap ko nang makarating sa desk.

Joaquin was sitting on his swivel chair. Nakapatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng kaniyang mesa at bakat na bakat ang mabibilog na braso sa suot na puting longsleeves. Nakatanggal ang dalawang itaas na butones habang maluwag na nakatali pa rin ang suot na pulang necktie. Sumisilip sa pagitan ang linya ng maalsa niyang dibdib.

Strands of his black hair have fallen onto his forehead. Ang messy tingnan ng ayos ng buhok ni mayor pero bagay pa rin sa kaniya. Seryoso ang mga mala-uling na mata niyang nakatuon doon sa patong-patong na papeles. Ang pagsayaw ng fountain pen sa kaniyang kanang kamao ang nagsabi sa aking tinatrabaho niya siguro ang mga dokumento na nakita ko kanina. Pero gabi na, 'di ba? Bakit nagta-trabaho pa rin siya?

And that question has been answered as I observed him a little more. Ang passionate talaga ng lalaking ito sa posisyon niya. At kitang-kita ko iyon kahit nandito ako sa sofa. Isa-isa niyang binabasa ang bawat dokumento. Pansin ko iyon dahil sa paggalaw ng kaniyang mga mata. Paminsan-minsan pa kumukunot din ang noo niya marahil mayroong nababasang reports na hindi satisfactory sa kaniyang standards.

Seeing him working there with this sobriety in his demeanor, I can tell he stood out from most politicians I happen to know of. Hindi gaya ng ibang pulitiko na ginagamit lang na pampapogi ang posisyon nila at lilitaw lang ulit pag sasapit na ang pangangampanya. Sabay na pinapalaki ang mga tiyan at mga pitaka. Iba si Joaquin. At alam kong mayroong impact din dahil isa siyang Fuego. And like his forefathers, being a good politician is his calling.

Sana nakikita mo rin ito, Papa.

Bumaling ang paningin niya sa akin pagkatapos mapirmahan ang isang papeles. As if he's been doing that from time to time to check if I am already awake. At ngayon ngang nakita niya na akong gising na, tumigil siya sa ginagawa.

"Gising ka na pala," aniya at malambing na ngumiti.

Nakita kong kinuha ni Joaquin ang takip ng kaniyang fountain pen atsaka isinilid ito sa loob. Isa isa niyang pinagsama-sama ang mga dokumento, ipinagtaktak para magpantay-pantay, tapos itinabi sa isang gilid. Dalawang batch ang nandoon. Siguro 'yung mga tapos na niya at 'yung mga dapat sanang tatapusin pa lang.

Nahiya ako. Ang istorbo mo naman pala, Chandria.

"Sorry. Uh, huwag mo na lang akong intindihin. Sige mag-trabaho ka na ulit," sabi ko sa kaniya.

"No, it's okay. Talagang hinihintay lang kitang magising. Pumirma lang ako ng ilang dokumento habang tulog ka pa." He said. Unfastening his already unfastened red necktie.

He placed it on top of his desk. Umikot ang swivel chair nang umalis siya roon at naglakad papunta sa kinauupuan ko. Dumiretso ako at nag-ayos ng pagkakaupo sa sofa. Ang itim na coat niya'y akap ko na ngayon.

Joaquin settled his big body beside me. The sofa made a squeaky sound and some tiny bounces in response to his weight. Ang lamig ng opisina ngayon pero hindi ko alam kung bakit mas nararamdaman ko ang mainit na singaw ng katawan ni Joaquin. At ang pamilyar na amoy ng kaniyang pabango'y mas naging madali ngayon para langhapin. Ang bango. At ang mamahalin. Amoy mayamang pulitiko.

"Nakita mo na pala 'yung mga sulat sa 'yo ni Papa. Siguro gusto niya na talagang makarating sa 'yo ang mga 'yun. Nahanap mo, eh." Sabi ni Joaquin at ngumiti ulit.

Nag-dekwatro siya at inilagay ang kanang kamay sa likuran ko. Nakadantay naman ang kaliwang kamay sa left arm rest ng sofa. At dahil sa harapan nitong sofa nakapuwesto ang display cabinet ni Papa, nakita ko sa salamin nito ang malabong repleksyon ang mga sarili namin. Ang maliit kong katawan na nakasuot ng itim na dress at ang kaniya na malaki habang nakasuot ng puting longsleeves at itim na slacks.

"Okay ka na ba?" Tanong niya maya-maya.

I gave him a weak smile. "Hm-mm."

I don't want to talk about it if I were to be honest. Sariwa pa ang emosyon na nailabas ko kanina lang. Nararamdaman ko din sa pisngi ang lagkit ng mga natuyong luha ko at kahit isipin ko lang ulit ang mga sinulat ni Papa sa akin, nag-aambahan na naman ang mga iyon.

Ang emosyonal ko kanina. At ayoko mang aminin pero matagumpay na nag-iwan ng marka ang mga sinabi sa akin ni Papa. Ang gaan ng pakiramdam ko na para bang nagkapatawaran na kami. Thank you, Papa.

And speaking of forgiveness, there's also a side of me telling me this needs to be addressed thoroughly. Magulo rin sa kabilang banda dahil sa huling pagkakatanda ko, masalimuot ang naging huling sandali namin ni Papa bago ako lumayo sa kanila. Galit siya sa akin noon dahil nakaratay si Gino sa hospital matapos ko siyang ilagay sa panganib.

"Did he really write that, Joaquin?" Tanong ko.

Bumaling siya sa akin at nag-arko ang mga makakapal niyang kilay. Like what I have uttered just now was inconceivable and beyond belief. Ngunit agad rin namang nawala iyon. Mapagpaumanhin niya na lang akong ningitian. The usual side of him that I am always familiar of while I was still staying here. Gentle and very understanding.

"Hindi ko lang talaga maiabot sa iyo 'yan nitong mga unang araw mo rito. Galit ka kasi sakin at baka punitin mo lang ang mga gawa ni Papa, Rhian. Pinang-iingatan ko ang mga 'yun dahil ibinilin sa akin ang mga 'yun ni Papa bago siya," His voice suddenly trailed off.

Bumuntung-hininga siya at nagtiim ng bibig. Tumingala si Joaquin. Ang paa niyang nakaangat ay sinimulan niyang i-kuyakoy. Pumikit siya ng mariin at nakita ko ang pag-alon ng Adam's Apple niya nang magtiim ang panga. As if he is trying to contain the emotion that is about to get out but he doesn't want to breakdown now. Not in front of me, atleast.

I kind of understand that because men usually have this habit of keeping a strong facade. At mas lalo na pag nasa harap ng mga babae. But I would still understand him if he chose to sob now and be transparent with me. Ang dami na nating napagdaan para husgahan pa kitang damuho ka, Joaquin. Ang arte.

Nadudurog ang puso ko. Nakikita ko kasing nilalabanan ni Joaquin ang sarili niya. Nahuli ko na lang ang sariling hinahaplos ang malusog niyang hita. As if this small, soft hand can soothe the tantrums of this big man. Come on, Joaquin.

Umaamba na naman tuloy ang mga maiinit na luha sa sulok ng dalawang mata ko. Mga ilang araw na kong walang estrogen intake mula nang dakpin niya. Ang emosyonal ko ngayon pero ayokong umiyak. Hindi ngayon na nanghihina ang lalaking mahal ko at kailangan ng suporta ko higit sa ngayon. Ako naman ang magiging malakas para maging sandalan niya.

I can feel your pain, Joaquin. I also mourn for your loss. He was my father, too. Tatay ang itinuring ko sa kaniya maski nagkaroon siya ng maitim na balak na... ipaligpit ako.

"Naniniwala ka ba talagang gusto ka naming ipapatay dati?" Tanong niya bigla na para bang nabasa ang tumakbo sa isip ko ngayon lang.

Nagulat ako sa narinig at natigilan tuloy sa paghaplos ng hita niya. Nakahilig ang ulo niya sa back support nang silipin ako sa puwesto. Ang tingin na ibinibigay ng mga mala-uling niyang mata'y puno ng pagtatampo sa akin.

"J-Joaquin." Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Si Ava nagsabi sakin. Sabi mo raw sa kaniya... gusto daw kitang ipaligpit dati... at kaya kita kinukulong dito dahil natatakot akong magsumbong ka sa publiko."

Umalon na naman ang umbok sa kaniyang lalamunan na para bang ang hirap para sa kaniya ng binanggit kanina lang. Tumiim na naman ang panga ni Joaquin. Ang daldal mo talaga, Ava! Gusto kita sabunutang babae ka! Wala na pala sa akin ang loyalty mong bruha ka at nandito na kay Joaquin. Ugh.

"Sinong nagturo sa 'yo niyan? Bakit naging ganiyan kalalim ang galit mo samin ni Papa, Rhian?" Buong-buo ang boses niya maski mahina ang pagkakasabi niya nu'n.

Nagpasalit-salit kong tiningnan ang mga mata niya at nakitang seryoso ang mga iyon. The silence of this office then told me Joaquin was waiting for my answer.

I can't. I don't want that topic to go there. Sensitibo sa akin ang usaping iyon.

Sinong nagtanim ng galit sa puso ko, Joaquin? Si daddy. Siya ang nag-alaga ng poot na kinikimkim ko sa inyong mag-ama pero ayoko nang ipaalam iyon. Siya ang nagbigay ng mindset sa akin na isa akong Salvador. Dapat akong magalit sa inyong mga Fuego. Dahil ginawa niyong madungis ang pangalan ng pamilya namin rito sa San Bartolome. And mad I am, yes. Because of what you did, Joaquin.

Labas na ang daddy ko rito dahil nasaksihan ko rin naman mismo ang ginawa niyang pangta-traydor sa akin.

He had you almost killed, Chandria. Joaquin is an evil man. You are a Salvador. He is a Fuego. I fortified myself with that mindset. But seeing a pained Joaquin looking at me right now, I am turning weak. Tumitibag ang matayog na pader na itinayo ko ng ilang taon. Ayokong makinig sa kaniya. Ayokong pag-usapan namin ito.

"B-babalik na ko sa kuwarto ko, Joaquin."

Tatayo na sana ako pero agad akong hinawakan ni Joaquin sa palapulsuhan. Ang magaspang na pakiramdam ng kaniyang palad ay dahan-dahan na uling rumehistro sa isip ko. Ang dami nang taon na lumipas at ngayon na lang ulit bumalik sa pamilyaridad ko ang haplos na iyon sa balat ko. Hinila niya ko ng malambing sa tabi niya.

"Rhian, please. Pag-usapan naman natin 'to." Joaquin told. He is already sitting upright this time.

Umiwas ako tingin. At gaya rin ng ginawa niya kanina lang, malambing niya namang hinawakan ang pisngi ko para iharap sa kaniya. Sumalubong sakin ang mga mala-uling niyang mata at itsurang malambing.

Pumikit na lang ako dahil nararamdaman kong nananalo siya. Takot akong mapasunod niya ko sa gusto niya maski nararamdaman ko nang nangyayari na iyon.

"Tigilan mo ito, Joaquin. You can't just go and reopen an old wound because wanted it."

Para saan pa ba ito? Hindi ba't nagkaaminan na naman kami? Pikit-mata ko na siyang pinatawad. Sapat na iyon, Joaquin.

"I'm not pressing the wound that is in your heart, Rhian. I am here to heal it. Gusto kong managot ang taong gumawa sa 'yo niyan. Gusto kong malaman kung sino ba ang nagturo sa 'yo na magalit ng ganiyan dahil ako ang pinagbibintangan mo sa bagay na hindi ko naman ginawa."

Napakagat ako ng mariin sa pang-ibabang labi. Nanginginig iyon. Narinig ko na naman ang linya niyang inosente raw siya.

Nasasaktan talaga ako pag tuwing nakikita, naririnig at nararamdaman kong dine-deny iyon ni Joaquin. At sa harap ko pa mismo. Sobrang hapdi sa pakiramdam at parang pinipiga ng mariin ang puso ko.

Umiling ako. Umiinit na lalo ang magkabilang gilid ng mga mata ko. Huwag ganito, Joaquin. No.

"Can you just let me explain, then? Pakinggan mo naman ang panig ko, Rhian. Please. Princess. Mahal. Hayaan mo naman akong magpaliwanag, oh?"

It's been almost a week now since Joaquin have taken me into possession. At ni minsan, hindi pa nga kami nagkakaroon ng matinong pag-uusap tungkol sa nangyari noon. Dahil lagi akong nilalamon ng emosyon at galit ko sa ginawa niya kaya madalas kaming nauuwi sa pagkakalabuan. I decided to gave in and this time, I stopped myself from getting emotional and called my rational self to dominate me.

Dumilat ako ng mabagal at sinalubong ang mga mata niya. Hindi pa rin pinipigtas ang tingin ni Joaquin sa akin. Labis ang pagtatambol ng puso ko ngayon. Para akong bata na nagkaroon ng malaking sugat sa tuhod at nais gamutin ng magulang niya ng alcohol. Alam kong masakit ang mangyayari. At ayoko. Pero alam ko ding kailangan iyon.

Sige, Joaquin. Gusto mo bang buksan natin itong sugat ko? Sige, buksan natin. At paduduguin ko, Joaquin.

Tumango na lang ako.

"Listen to me, Rhian. I have told you this a few times. Hindi ko alam na may masamang balak sa 'yo ang pulis na naipadala ko."

And my teeth gritted after recalling that one particular memory. Ang paglakad ko sa makipot at madilim na eskinita. Ang pagtigil ng puso ko nang makarinig ako ng kasa ng baril. At ang paghandusay ng isang pulis sa lapag... wala nang buhay. What a traumatizing moment that was for an eighteen years old.

"Noong mga panahong nasa amin ka pa, nagkaroon ng intel ang mga tao ni Papa na may hitman na umaaligid sa atin. Pinaimbestigahan iyon ni Papa. Saksi ako doon dahil sa akin niya lang ipinasabi. Pinili talaga naming huwag sabihin sayo para hindi ka mag-alala."

At iyon nga ang mali niyo, Joaquin. Dahil alam ko. At ang katahimikang pinili niyong mag-ama ang nagbigay sa akin ng ibang point of view. Takot na takot ako para sa sarili ko dahil parang wala kayong pakialam sa nangyayari. At iyon naman ang totoo, hindi ba?

"Papa managed to gather just enough intel from his men. Doon namin napag-alaman na may espiyang nagta-trabaho para sa nasabing hitman. Iyon ang nagbibigay ng impormasyon mula rito sa loob papalabas. Huli na nang malaman namin na si Officer Reyes pala iyon."

He was a spy? But for whom? Kung siya ang naglalabas ng mga nangyayari rito, ibig sabihin nasa malayo ang taong pinagsisilbihan niya?

Sino?

I groaned. No, Chandria. This doesn't sit right. Siya ang hitman mismo dahil siya nga ang muntik nang pumatay sa iyo.

"P-pero bakit siya ang nagtangka ng buhay ko?"

"Common nature ng mga hitman ang magkaroon ng mga accomplices... mga kasabwat. Bibihira silang nagta-trabaho ng mag-isa. At ang mga kasabwat nila ang nagiging mga mata nila. Siguro si officer ang inutusan niya dahil mas madali kung gano'n. Pulis siya. Walang maghihinala sa kaniya. Lalo na nung gabing iyon, Rhian.

"At nang nalaman nga namin ang koneksyon nila, huli na. Patay na 'yung pulis nang maabutan namin. Hindi namin alam kung sino ang kumitil sa kaniya pero malakas ang suspetsa naming tinugis siya ng nasabing hitman. Gusto nilang malinis ang bawat bagay na ginagawa nila kaya binubura nila ang mga bakas ng trabaho nila. Tao man iyon."

Napatingin lang ako kay Joaquin.

Si Bernardo ang tumapos sa buhay ng sinasabi niyang pulis! Hindi ang sinasabi niyang hitman. Hindi hitman si Bernardo. Dahil kilala ko siya. At siya rin ang nakasama ko sa mga nakalipas na taon mula nu'ng manirahan ako sa puder ni daddy. Bernardo's my personal bodyguard so this whole thing doesn't make sense.

He is also one of my father's most trusted men. Bernardo only happened to be there because my father & I got into a misunderstanding. So he ordered Bernardo to tail me. Which is for my safety. Dahil nasabi ko nga sa kaniyang babalik na ko kanila Gino. Dahil alam rin niya na nasa panganib... ang buhay ko.

Natigilan ako.

Nasa Batangas man ang daddy ko pero alam niya pa rin halos ang mga nangyayari sa San Bartolome. Though I find it questionable but I remember he used to tell me something about that before. Na mayroon siyang mga galamay na nagta-trabaho para sa kaniya.

Napailing ako sa isip. Stop, Chandria. No, that's impossible. Hindi ganoong tao ang daddy.

"Bakit niyo ipinaalam sa publiko na patay na ako kung ganoon? If you and your father weren't the mastermind behind all these, bakit nakarating kayo sa konklusyon na wala na ako? Wala naman kayong katawan kong nakita, 'di ba?"

I was asking Joaquin but my mind is already making up its answers. At ito talaga ang rason kung kaya ayokong pinag-uusapan ang bagay na ito. Gumugulo lalo ang paniniwala ko sa lahat! Hindi ko na alam kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo!

"The said hitman was still at large after that, Rhian. Hindi pa nahuhuli. At ayaw man ni Papa pero pikit-mata siyang pumayag sa suhestyon ng mga detective niya na ideklara kang patay. Para kung hinahanap ka rin ng nasabing hitman, tatantanan ka na niya. Para sa kapakanan mo kaya rin namin nagawa iyon."

Tinanggap ko lang ang paliwanag niya. Inabot ni Joaquin ang mga kamay ko at pinisil iyon. Ang init na binibigay ng kaniyang magaspang na palad ay nagpakalma sa nagwawala kong puso, kahit papaano.

"Kaya ano bang sinabi ko sa 'yo, mahal? Hm? Hindi kami tumigil sa paghahanap sa 'yo pagkatapos nu'n. Kahit sinabi namin sa lahat na patay ka na. Dahil kami lang ang nakakaalam ng totoo at umaasa kaming makikita ka pa. Pero napakahirap mong hanapin, Rhiannon. Patagal ng patagal, unti-unting pinanghihinaan ng loob si Papa. At patagal rin ng patagal, napapaniwala siyang nagtagumpay nga siguro ang tinutugis naming hitman sa pagligpit sa 'yo... lalo na nung pagkatapos mong mawala... parang bula rin itong naglaho."

Nagpintig ang mga tainga ko. Naglaro ang malikot kong isip nang may isa na namang piraso ng impormasyon akong nalaman. As if everything that Joaquin is telling me right now are puzzle pieces waiting to be put together. And everything that I believe in right from the very beginning were just a part of a game that's much more bigger.

"Pero alam mo ba talagang buhay pa ko?" Tanong ko sa kaniya.

Umismid si Joaquin. Tumungo ang paningin niya sa mga kamay namin. Sinundan ko iyon. Ang kulay ng mga balat namin ay lubhang magkalayo. Mala-gatas ako habang mala-kape si Joaquin. Mula sa pagkakasalukop, binuksan iyon ni Joaquin. He gently intertwined our fingers. Still smiling like he is reminiscing something.

"Yes, princess." Sagot niya sakin.

Ang sabi ni Joaquin, matagal niya na raw alam na ako si Chandria. Mula pa nu'ng nanalo ako sa Thailand at lumabas sa local newspapers. Nagbabasa raw kasi siya ng dyaryo nu'n at nakita ngang kamukha ko ang kinoronahang kandidata. At nang malaman pa niyang pageant iyon para sa mga tulad kong transgender, lalong lumakas ang hinuha niya.

"I was so proud after seeing you establishing your name. Chandria. Hindi man iyon ang pangalang pamilyar ako pero tuwang-tuwa pa rin ako para sa iyo, mahal. But there are things I wanted to prove for myself. Seeing you on local broadsheets just fueled my resolve to locate you. I wanted to confirm that Rhiannon Fuego & Chandria Salvador are the same person so I exercised my power as mayor to gather the relevant documents I needed from you. And I proved myself correct after noticing the lapses of your identities. Diplomas, personal records, and even mere photos of your childhood and adulthood. Parang puzzle na nangyari ang lahat, Rhian. Kung ano ang kulang ni Rhiannon, napunan ni Chandria. At kung ano ang wala kay Chandria, nasa kay Rhiannon."

"Pero ginawan ni daddy ng mga paraan iyon. I was there. Saksi ako sa pamamalakad niya ng mga papeles ko."

Hindi na ko magde-deny pa na tama ang mga sinasabi ni Joaquin. Alam naman pala din niya. Hindi ko lang talaga maintindihan kung paano niya nagawa ang mga iyon.

"The documents are fabricated. Wag ka nang magtaka kung paano ako nakarating sa ganoong konklusyon. Mayor ako, Rhian. I accepted this position to have this kind of power. And one might say I am abusing it. And abuse I did. Because of you."

He paused. Joaquin then lifted my hand to place a kiss on top of it. Tumingin siya sa akin habang nakahalik pa rin sa ibabaw ng kamay ko. Umismid na naman siya pagkatapos. Ang mga mala-uling na mata'y may kakaibang saya at parang lasing akong tinitingnan.

"Oras na lang talaga ang kailangan ko matapos kong malaman ang totoo. Matyaga kitang hinintay, Rhian. Hindi na rin ako nagsayang pa ng pagkakataon nang makita kita nung party na iyon. Inutusan ko ang mga tao kong dakpin ka at gawin ang lahat para maiuwi ka sakin. Sa gusto mo man o hindi."

Nagpasalit-salit kong tiningnan ang mga mata niya. Nanghuhuli kung nagbibiro ba si Joaquin sa mga sinasabi niya ngunit bigo kong makita ang gusto kong mahanap. Hindi ko rin alam ngunit naalala ko ang pangako niya sa akin dati. Kung hindi niya ko madadaan sa mga lambing niya bilang si Maginoo, sisiguraduhin niyang makukuha niya ko sa paspasan bilang si Joaquin. And as much as I hate to admit it, but this brute realized his promise. I was brought into this mansion together with him. By his influence and power.

"Mahal na mahal kita, Rhian." He roughly whispered.

"Mas mahal kita," I answered back.

Umismid siya. Lumipat ang tingin ng mga mata niya paibaba sa labi ko. He let a quick lick on his lower lip before redirecting his eyes upwards. Tahimik akong pinagmasdan ni Joaquin. Wari'y sinusuri ang bawat parte ng mukha ko. Mula sa maalon kong buhok, sa mga mala-abo kong mata, sa maliit ngunit matangos kong ilong, hanggang sa labi ko ulit.

Naramdaman ko sa sentido ko ang daplis ng kamay niya nang hawiin niya ang buhok ko patungo sa likuran ng tainga. Like he wanted to have a better view of my face and that strands were getting on his way. Napangiti na naman siya pagkatapos. Hindi ko na nabilang kung ilang beses na ba siyang ngumiti ngayong gabi habang kausap ako.

He held the small of my chin. Directing me to face him upwards and though I expected it at this point, my body still weakened the moment that he kissed me. Ang lambing ng halik ni Joaquin. Mabagal lang pero ramdam ko ang pananabik niya at gigil. Lalo na tuwing kinakagat niya ang pang-ibabang labi ko sa pag hindi niya napipigilan ang sarili. Ang ungol na kumawala sa bibig ko'y napakapamilyar. Iyon ang nagpaalala sa akin noong mga panahong masasaya pa kaming dalawa at bata pa. At habang mabagal akong inaangkin ni Joaquin, unti-unti kong napagtatanto ang isang katotohanan. Ang katotohanan na kahit anong mangyari, at kahit anong limot o iwas man ang gawin ko, iyon ay hinding-hindi magbabago.

Na mahal na mahal nga ako ng lalaking ito.

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

4K 311 5
SCARLET ELISSE X HUGO ALEXANDRE II WARNING: THIS IS A TRANSGENDER X STRAIGHT MAN STORY. MINORS AND HOMOPHOBICS ARE NOT ADVISED TO READ THIS STORY. RE...
42.5K 922 11
Jhanna chose axe her boyfriend over her family.. But little she didn't know he just fooling her.. She thought her love was enough for him.. She's doi...
24.4M 713K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
Spiked! Από Wizard Me

Ρομαντική

2.4K 58 26
Rivals on court, Lovers off court