Remember Me Not (WSS #1) | โœ“

By gwynchanha

608K 10.8K 875

STATUS: COMPLETE [Wrong Send Series #1] An Epistolary. "Gagi teh! May chismis ako!" Ember Socorro Tanjuancto... More

XX
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
151
152
153
154
155
156
157
158
159
160
161
162
163
164
165
WSS

Epilogue

4.4K 124 56
By gwynchanha

Epilogue.

“GENGHIS KHAN WAS best known for unifying the Mongolian steppe under a massive empire that was able to challenge the powerful Jin dynasty in China and capture territory as far west as the Caspian Sea...”

Nakabukas ang notebook ko, at hawak ko rin ang nakabukas kong ballpen, pero ang linis-linis ng page ng notebook ko. Imbes kasi mag-take notes, ang isip ko ay lumilipad sa ibang bagay.

Ang bigat ng pakiramdam ng dibdib ko. Kahit anong pilit kong 'wag dibdibin masyado ang mga pangyayari, hindi ko mapigilan. Gusto ko na lang matapos ang araw na ito at uuwi ako para itulog na lang ang lahat.

Napabuga ako ng hangin at saka napapikit. Ito na ang huling klase namin sa araw na ito, at hanggang alas otso pa 'to. Ayos na rin, para pagkarating ko sa bahay, bagsak ako at diretsong matutulog.

“Psst!” May kumalabit sa balikat ko kaya napabaling ako sa gilid. Nakita kong nakabaling sa akin ang ulo ni Leanne habang nakasandal ang ulo sa armchair, tinatago ang sarili mula sa teacher. “May papel ka? One-fourth? Pahingi ako,” bulong niya.

“Para saan?” bulong ko pabalik.

“Gaga! Magqu-quiz tayo! Hindi ka ba nakikinig?”

Nilibot ko kaagad ang paningin ko para tingnan ang ibang kaklase namin. Isa-isa silang naghihingian ng papel nakaya napaawang ang mga labi ko. Shuta, hindi ako nakinig sa discussion! Magqu-quiz nga!

“Alam kong hindi kayo makikinig, kaya 'wag kayong mag-alala. Nakinig ako sa discussion para sa inyo mga punyeta kayo,” sabi kaagad ni Cyndy na nasa harapan namin nakaupo. Pumihit siya paharap sa akin. “Pahingi akong papel at ballpen, 'yon na lang ambag mo dahil bibigyan ko naman kayo ng sagot.”

“Ako na sa ballpen!” boluntaryo kaagad ni Fely na nakaupo sa tabi ko. Inabot niya kay Cyndy ang ballpen niya. “Labyu, mamsh!”

Napairap si Cyndy. “Ano na lang gagawin ninyo kung wala ako.” Umiling pa siya bago nagsimulang isulat ang pangalan sa papel.

Natawa na lang din ako.

Nagsimula na ang quiz namin. Hindi naman ganoong strikto ang teacher kaya kahit magkopyahan kami ng sagot, ayos lang. Pagkatapos naming sagutan ang quiz at chineck na kaagad ang mga papel namin. Hindi na namin nalaman ang scores namin dahil naabutan na kami ng time at gusto na ring umuwi ng lahat dahil gabi na at nagugutom na, ang iba naman ay malayo pa ang uuwian.

Pagkalabas namin ng classroom, namataan ko kaagad si Flynn na nakaupo sa railing kasama si Glenn. Nang makita ni Flynn na nakalabas na kami, ngumiti kaagad siya at saka tumalon pababa ng railing para lapitan kami.

“Magandang gabi, mga mamsir!” bati niya kaagad. “Masyado nang late, what if samahan namin kayo mag dinner?”

“Libre mo ba?” mataray na tanong naman agad ni Cyndy sa kaniya.

Ipinulupot naman kaagad ni Flynn ang braso sa balikat ni Cyndy, na ikinasimangot naman ng kaibigan ko. “Kung gusto ninyo, why not?”

Napairap si Glenn. “Hindi ka nga makabili ng uulamin natin mamaya, gusto mo pang manlibre?”

Tinapunan naman kaagad ni Flynn ng masamang titig ang kakambal. “Tanginamo, panira ka talaga palagi ng diskarte.”

Nagtama ang mga mata namin ni Glenn, kaya kaagad akong nakaramdam ng kaba. Tinanguan niya lang ako, kaya ngumiti lang ako sa kaniya at tumango pabalik. Sa paraan pa lang ng pagtitig niya sa akin, alam ko na kaagad kung ano ang gusto niyang sabihin.

“Uhm...” Bumaling ako sa mga kaibigan ko. “Mauuna na muna ako sa inyo, ah? May bibilhin pa kasi ako, eh.”

“Saan ba? Sama na lang kami,” ani Leanne.

Umiling ako. “'Wag na. Bye!” Hindi ko na hinayaang magsalita pa sila, tuluyan na akong tumakbo pababa ng hagdan at umalis.

Napabuga ako ng hangin. Hinawakan ko ang magkabilang strap ng bag ko habang naglalakad. At dahil tahimik ang hallway, bumalik na naman ang mga bumabagabag sa akin at bumigat ulit ang pakiramdam ng dibdib ko.

He's outside. He said he'll wait for me.

Napalunok ako.

Una pa lang, alam ko naman talagang he's out of my league. Mayaman at future CEO ng kompanya nila. Pero umasa akong kahit papaano, may chance kami kasi wala naman kami sa libro para makaranas ng ganoong hadlang. Pero nangyayari nga pala talaga siya sa totoong buhay.

Ilang metro na lang ang layo ko sa gate nang napahinto ako. Humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko, lalo na noong makita ko ang likod ng taong nakasandal ngayon sa gate ng school. He was wearing a white t-shirt and a gray sweatpants. Sa pagmamadali niya siguro, hindi na siya nagbihis.

Bumilis ang tibok ng puso ko, at may kaunting kirot akong naramdaman.

He looked down on his phone, and he sighed in a disappointed manner. He typed something on his phone and after sending it, pinatay niya ang cellphone at saka bumalik sa pagkakasandal sa gate.

Napalunok ako.

Okay. Let's go. Kaya ko 'to. I'm a strong, independent woman. Maangas ako.

Bumuga ako ng hangin bago nagpatuloy sa paglalakad. Napansin niya yata ang presenya ko kaya kaagad siyang napalingon sa direksyon ko. At nang nagtama ang mga mata namin, natigil ulit ako sa paglalakad.

His brown eyes glimmered in happiness when he saw me. Namumula rin ang kaniyang magkabilang pisngi. Unti-unti siyang napangiti.

“Ember,” he called me, his voice was kinda hoarse. “Good evening.”

Error 404. Brain not responding.

Napakurap ako. Iniwas ko na lang ang mga mata at saka ako nagpatuloy sa paglalakad. “Gabi na, umuwi ka na lang. Baka hinahanap ka na sa inyo.”

“No. I need to talk to you first.” Bumuntot naman siya kaagad sa akin. “Ember, please...”

Napalunok ako. Pinipigilan ko ang sarili ko ngayong lumingon at huminto para pakinggan siya.

“I'm sorry, okay. Hindi ko kaagad sinabi sa 'yo kasi as I've said, I was waiting for the right time to tell you about it...”

Napabuga ako ng hangin. Sa wakas, tumigil na ako sa paglalakad at saka ako pumihit paharap sa kaniya, dahilan para matigil siya sa paglalakad.

I stared into his eyes, and he stared back. Nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko, pero pinigilan ko.

“Cyd, naiintindihan ko nga,” mahinahong sabi ko. “Kung 'yon na ang desisyon mo at wala ka na ring magagawa dahil 'yon na rin ang desisyon ng mommy mo para sa 'yo, hindi ko na papakialaman 'yon.”

He sighed. “I know, but, Ember--”

I laughed, but it didn't have any humor. “Cyd, wala namang tayo. Kung ano ang magiging desisyon mo, wala na ako ro'n. Wala akong karapatan. Wala akong karapatang sabihin sa 'yo na 'wag mo na ituloy. Wala akong karapatan na sabihin sa 'yong 'wag kang umalis kasi malulungkot ako. Wala akong karapatang pigilan kang umalis dahil ano mo ba ako? Wala namang tayo.”

Nang kumurap ako, naramdaman ko ang paglandas ng mainit na likido mula sa mga mata ko pababa sa pisngi ko.

Dumaan ang sakit sa kaniyang mga mata, at napatiimbagang siya. “Ember, what are you--”

Pinalis ko kaagad ang luhang dumaan sa mukha mo. “Ayos lang, hindi mo naman kailangang magpaliwanag sa akin. Hindi mo naman ako girlfriend. Kung kailangan mong lumipat ng school dahil 'yon ang utos ng mommy mo, ayos lang. Nakaya ko namang wala ka nang ilang taon, kaya magiging maayos lang din ako kapag--”

“W-Wait, wait, hold on a minute,” aniya sabay angat ng kamay kaya nahinto ang pagdadrama ko. “Anong sabi mo?”

“Na ano, na kaya kong wala ka--”

Umiling siya. “No, no. The one before that.”

Nagsalubong ang mga kilay ko. “Lilipat ka ng school dahil 'yon ang utos ng mommy mo?”

He stared at me with furrowed brows, but his expression changed as if he was finally enlightened and found answer to his question. Mas lalong akong nagtaka nang bigla siyang tumawa.

“Damn.” Napahawak siya sa noo niya. “So that was the reason.”

“Huh?” Napakurap ako. “Teka, ba't ka tumatawa? May sinabi ba akong hindi tama?”

He sighed and raised his head to look at me, still smiling. “Who told you that?”

“Si Glenn.”

He bit his lip and massaged his forehead. “It was him, huh. That asshole.”

“Teka nga, teka nga.” Inangat ko ang kamay ko. “Ano ba ang nangyayari? Naguguluhan na ako, ah.”

He sighed again, still smiling. “Ember, I'm not transferring schools.”

Nagsalubong lalo ang mga kilay ko. “Huh? Eh 'yon ang sabi ni Glenn sa akin?”

“Hindi ako ang lumipat. Si Gwen ang nagtransfer na. Magmamigrate na ang pamilya niya sa Switzerland.”

Magkasalubong pa rin ang mga kilay ko na nakatitig sa kaniya. “Eh bakit... B-Bakit--”

“Hindi ako lilipat ng school, pero dalawang buwan akong mawawala.”

Natigilan ako. So, aalis nga talaga siya.

“Me and my mom will go to my grandparents' house in Cebu this December, at sa January pa kami uuwi.”

Napakurap ako. “Sa December? Edi malayo pa 'yon?”

Napakamot siya sa ulo niya. “Kaya nga sabi ko hinihintay ko lang ang tamang panahon para sabihin sa 'yo 'to, dahil matagal pa naman.”

“Gago. Eh bakit kung makaakto kayo parang aalis ka na for good?” bahagyang napataas ang boses ko dahil nagsisimula na akong mainis. “Akala ko kung ano na!? Akala ko hindi na kita makikita ulit?! At potang Glenn 'yon, masisipa ko siya sa bayag!” Namumuo na ulit ang mga luha sa mata ko pero dahil naiinis na ako.

He chuckled. Hinawakan niya ang braso ko at saka ako marahang hinila papalapit sa kaniya. “I'm sorry. I also panicked and wasn't able to tell you properly dahil sa huling chinat mo sa akin. It scared the shit out of me.” Pinalis niya ang luha sa mata ko gamit ang likod ng palad niya. “I'm sorry if I made you cry.”

Kinurot ko ang braso niya kaya napangiwi siya pero tumawa rin. “Eh, gago kayo!”

“Don't say that I'll forget about us, or I'll forget about you. And damn, don't say that you'll forget about me, Ember. Magwawala ako sa tapat ng bahay ninyo.”

Natawa ako. He was still wiping my tears with his hands. “You won't forget about me, because I'll make sure to make you remember me every second. Kahit pa kailangan kong mag-send ng like sa 'yo kada segundo, gagawin ko. Kahit mainis ka pa.”

Natawa ako. “Ire-restrict kita kung gagawin mo 'yan.”

He chuckled. He pulled me closer and wrapped his arms around me. Napapikit ako at saka yumakap sa kaniya pabalik.

“Don't worry. Kahit ayaw ni mommy sa atin, gaya ng sabi ko sa 'yo, handa akong i-disown niya dahil mas pipiliin kita.”

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakadikit ang taenga ko sa dibdib niya, at naririnig ko rin ang tibok ng puso niyang sumasabay sa akin.

“Bakit ka muna absent kanina? Dumagdag pa sa overthinking ko ang pag absent mo, nyeta ka!”

He chuckled. “I'm sorry. Nilagnat ako bigla. Akala ko kasi kaya kong pumasok kung nakainom ako ng gamot.”

Napasinghap ako. “Gagi ka! Nilalagnat ka pala! Eh ba't ka pa nagpunta rito?! Umuwi ka na't magpahinga! Baka ako pa sisihin kung lalala 'yang lagnat mo!”

“Paano ako magpapahinga kung sinabihan mo akong kalimutan ka bigla dahil kakalimutan mo na ako?”

Sinimangutan ko lang siya.

He chuckled. He hugged me tighter. “Worth it naman kung lalala nga ang lagnat ko dahil pinuntahan kita.”

Tinampal ko ang braso niya. “Cyd!”

Tumawa lang siya. “Ember?”

“Ano?”

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. With both his hands, he cupped my face. He stared deep into my eyes, his eyes full of admiration and adoration. He smiled sweetly, and the words he said next made my heart flip in so much happiness. “Mahal din kita.”


...END...

Continue Reading

You'll Also Like

631K 7.7K 31
The bad boy's life changes when he suddenly becomes the teacher's baby...
126K 4.2K 54
'Dysfunctional: not operating normally or properly' That was one way to describe Clara Campbells family. Dysfunctional; not operating properly. That...
61.7K 2.6K 37
แด…ษชแด แด‡ส€ษขแด‡ษดแด›; แด›แด‡ษดแด…ษชษดษข แด›แด ส™แด‡ แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แดส€ แด…แด‡แด แด‡สŸแดแด˜ ษชษด แด…ษช๊œฐ๊œฐแด‡ส€แด‡ษดแด› แด…ษชส€แด‡แด„แด›ษชแดษด๊œฑ.
61.9K 10.3K 72
เถฑเท”เถน เถฑเท’เทƒเท เถฏเทเท€เท”เถซเท’.....๐Ÿ’™ เถฑเท”เถนเท™เถฑเทŠ เถธเท เถฑเท’เท€เท™เถธเท’......๐Ÿ’™