Via Dolorosa

By Dimasilaw_101

4.1K 403 2.9K

Sa taong 1891, ang Bayan ng San Fernando ay nababalot pa rin ng mga kakaibang nilalang. Ano kaya ang magiging... More

PAUNANG SALITA
Kapitulo - I
Kapitulo - II
Kapitulo - III
Kapitulo - IV
Kapitulo - V
Kapitulo - VI
Kapitulo - VII
Kapitulo - VIII
Kapitulo - IX
Kapitulo - X
Kapitulo - XI
Kapitulo - XII
Kapitulo - XIII
Kapitulo - XIV
Kapitulo- XV
Kapitulo - XVI
Kapitulo - XVII
Kapitulo - XVIII
Kapitulo - XIX
Kapitulo - XX
Kapitulo - XXI
Kapitulo - XXII
Kapitulo - XXIII
Kapitulo - XXIV
Kapitulo - XXV
Kapitulo - XXVII
Kapitulo - XXVIII
Kapitulo - XXIX
Kapitulo - XXX
Kapitulo - XXXI
Kapitulo - XXXII
Kapitulo - XXXIII
Kapitulo - XXXIV
Kapitulo - XXXV
Kapitulo - XXXVI
Kapitulo - XXXVII
Kapitulo - XXXVIII
Kapitulo - XXXIX
Kapitulo - XL
Kapitulo - XLI
Kapitulo - XLII
Kapitulo - XLIII
•Capítulo Especial•
Aún No Es El Final
Author's Note
Via Dolorosa

Kapitulo - XXVI

61 7 66
By Dimasilaw_101

"DOLOROSA," Seryosong tawag ni Andrus sa dalaga na ngayon ay nakakakitaan na niya na naiinis na ito.

"Mabuti pa ay umuwi ka na rin," Inis na turan ni Dolorosa sa binata. Napasulyap pa siya kay Liyong na sumisindi na ng kandila mag-isa.

"Nais ko lamang na kausapin ka muna,"

"Ano?! Ibig sabihin hindi totoong pinapauwi na ako ng aking kapatid?!" Ani Dolorosa na tila gusto ng manapak ng tao pero kailangan niyang kontrolin ang sarili upang hindi makagawa ng gulo sa burol ng tiya.

Napahinga nang malalim si Andrus, "Alam ko naman na bigo na ako sa'yo, pero sana naman..."

"Bakit hindi ka tumitigil? Tumigil ka na, Andrus! Por favor, may nagugu---"

"Mukhang may nag-aaway dito ah?" Singit ni Adrian sa dalawa.

"Pasensya na, amigo. Hindi kami nag-aaway." Kalmadong saad ni Andrus.

"Kayo na nga mag-usap! Inaantok na ako. Pasensya na" Inis pa rin na turan ni Dolorosa sabay talikod at pumasok na sa mansyon.

"Mali ang naging hakbang mo sa kapatid ko, amigo" Saad pa ni Adrian sabay iling.

"Ano ba ang aking gagawin?" Tanong ni Andrus.

"Ang paboritong bulaklak ni Dolorosa ay puting rosas, pwede mo siyang dalhan" Anas ni Adrian, "Mababaw lang ang kaligayahan ng aking kapatid,"

Nang dahil sa sinabi ni Adrian ay nagkaroon ng ideya si Andrus at palihim itong napangiti.

PAGPASOK ni Dolorosa sa isang silid na kung saan natutulog na si Kahimanawari ay nasumpungan din niya si Luna na natutulog na rin. Kaniya itong nilapitan at hinalikan sa noo.

Pagkatapos ay sinilip niya ang uwang ng bintana. Nakikita niya si Liyong na nagsisindi pa rin ng mga kandila kung kaya ay naisipan niya na naman na bumakod sa bintana. Nang makabakod ay agad niyang sinitsitan ang binata, "Liyong!" Mahinang tawag niya pero sapat na iyon para mapalingon si Liyong.

"B-binibini? Hindi ba't matutulog ka na?" Pabulong na saad ni Liyong nang makalapit sa dalaga.

"Hindi naman ako makatulog," Ani Dolorosa. Napaupo na lamang siya sa isang putol na sanga habang pinagmasdan ang napakaraming bituin sa kalangitan.

Napatabi na lang din si Liyong sa dalaga at hinubad ang sombrero, "Sino ba ang lalaking bigla na lamang lumitaw kanina?"

Napatingin si Dolorosa sa binata, "Kaibigan iyon ng aking kuya Marco. Nanligaw iyon pero hindi ko binigyan ng pagkakataon,"

Napakunot-noo si Liyong, "Bakit naman?"

Nagkibit-balikat si Dolorosa, "Wala lang, siguro nga'y iba ang aking hanap"

"Pero bakit parang pinipilit niya ang sarili niya sa'yo? Gayong hindi mo naman siya gusto?"

Natigilan ang dalaga sa mga tanong ni Liyong, "Hindi ko alam, Liyong. Hindi naman ako diyos para mabasa ang nasa isipan niya"

Sandali silang natahimik at tanging mga kuliglig lamang ang naririnig nila sa paligid.

"Paano kung gagawa pa siya ng paraan?" Basag pa na katanungan ni Liyong. Nababalutan siya ng paninibugho, "Gwapo ang lalaking iyon, Dolor"

"Ikaw ba ay naninibugho?"

Napatuwid ng upo si Liyong na tila nagmamaang-maangan sa naging turan ng dalaga, "H-hindi, hindi ako naninibugho. Kung saan ka masaya, doon na rin ako"

Napataas ng isang kilay si Dolorosa, "Sigurado ka ba? Baka naman hindi mo matangga--"

"Liligawan kita," Agad na sabi ni Liyong, "Hindi sapat ang paglahad ng aking nararamdaman sa'yo, nais kong makaharap ang iyong ama"

Bakas sa mukha ni Dolorosa ang gulat, "Ng-ngunit, mapapagalitan ka rin ni ama."

"Wala na akong pakialam, Dolorosa" Seryosong saad ni Liyong, tinitigan niya ang dalaga sa mga mata, "Hindi ko kakayanin na makita kang kasama ng lalaking yaon,"

"Liyong..."

"Minsan lang matamaan ng pag-ibig ang aking puso. Tulad ng kakayahan kong apoy ay matagal ng tinupok nito ang totoo kong pagkatao," Seryosong saad ni Dolorosa, "Kung kaya noong dumating ka, nagkaroon ng pag-asa muli ang aking buhay"

Napaawang na lamang ang labi ni Dolorosa, nais niyang hawakan ang magkabilang pisngi ng binata ngunit parang napako ang kaniyang mga kamay.

"Sa totoo lang, hindi tiyak ang aking buhay. Matagal ng pumanaw ang aking ina, ang aking ama naman ay hindi ko na masumpungan at hindi ko rin gugustuhin na makita pa siya. Baka mapatay ko lamang siya"

Kitang-kita ni Dolorosa ang hinagpis sa mga mata ng binata, "P-pero ama mo pa rin siya, hindi ba?"

"Hindi ko matanggap. Ang akin na kakayahan ay tila sumpa sa aking pagkatao. Minsan ko na ring pinaliyab ang buong bayan, sa bayan na kung saan nagkamalay ako at ang nakapagmulat sa akin ng katotohanan na napakadaya sa amin ng tadhana. Gusto rin ng aking ama na gawin niya akong alay sa diablo"

Nagtagbo ang kilay ni Dolorosa sa narinig, "A-ano?"

"Pasensya na kung naikwento ko tuloy ang aking buhay. H-huwag mo nang pansinin," Nahihiyang saad ni Liyong sa dalaga. "Hindi ko naman intensyon na maawa ka sa akin, Dolor. Ibinunyag ko lamang ang aking buhay at nakagisnan ko. Syempre, manliligaw na ako sa'yo"

Napangiti si Dolorosa, "Bueno, hindi naman kita huhusgaan. Kaharap mo nga ngayon ay isang taong-lobo eh,"

Natawa naman si Liyong sa sinabi ni Dolorosa, "Mabangis pala ang magiging asawa ko"

"Hunghang ka talaga," Tugon ni Dolorosa at nakitawa na rin.

"May ipapakita ako sa'yo," Biglang sambit ni Liyong, ipinakita niya ang kaniyang isang kamay. Bigla naman itong nagliyab, pagkatapos ay tinakpan niya ng isang kamay na nagliliyab na rin. Sa isang iglap ay naglaho ang liyab ay may lumitaw bigla, "Para sa'yo" Sabay bigay kay Dolorosa ng dalawang pulang rosas.

Namangha si Dolorosa, nagdadalawang-isip pa siya kung tatanggapin niya ang dalawang rosas.

"Huwag kang mag-aalala, hindi iyan mainit" Nakangiting saad ni Liyong.

Kinuha ni Dolorosa ang rosas at inamoy iyon, "Napakabango. Salamat sa rosas, Liyong."

"Ikaw pa, lakas mo nga sa akin"

Sandali na naman silang natahimik. Hindi maiwasan na mapangiti nang palihim ni Dolorosa habang pinagmamasdan ang dalawang rosas. Hindi man ito ang gusto niyang kulay pero hindi niya mawari kung bakit nagugustuhan na niya ang kulay pula.

"Saan na kaya si Ginoong Leopoldo? Malapit na ang alas dos y media," Saad ng isang sakristan.

Agad naman na nagtinginan si Liyong at Dolorosa.

"Mukhang papunta rito ang mga sakristan," Mahinang sambit ni Liyong. "Magtago ka muna, Dolor."

Agad na napatango si Dolorosa pero sa kaniyang pagtayo ay nawalan ng balanse ang kaniyang mga paa. Nahila niya ang damit ng binata.

Gayundin si Liyong na kasing-bilis ng kidlat na napigilan ang likuran ni Dolorosa sa pagkawala nito sa balanse at maiwasan ang pagkakaupo nito sa lupa. Ang kaibahan lamang ay, sa lakas ng pagkakahila sa kaniyang damit ay nasubsob ang kaniyang labi sa labi ni Dolorosa.

Gulat na gulat si Dolorosa habang nakalapat pa rin ang kanilang mga labi.

Agad naman na humiwalay si Liyong at inayos ang sarili nang masiguradong nasa maayos na kalagayan si Dolorosa, "M-magtatago ka na m-muna, D-dolor. Haharapin ko muna ang mga s-sakristan," Nauutal niyang sabi at napapunas pa siya ng pawis sa noo gamit ang kamay bago umalis.

Napahawak si Dolorosa sa kaniyang labi at natulala sa hindi inaasahang pangyayari.

TANGHALI na nang magising si Dolorosa, nang makababa na siya ng hagdan ay nasumpungan niya si Prayle Castillo na nagbabasbas ng banal na tubig sa himlayan ni Doña Amanda.

Agad na pumasok muli si Dolorosa sa silid, "Patay ako nito, kapag nakita ako ng matandang pangit na 'yan!" Bulong pa niya sa sarili.

Mayamaya pa ay biglang kumulo ang kaniyang tiyan na nangangahulugang siya'y nagugutom. Sinilip niya muli ang labas ng pintuan, naroroon pa rin ang paring si Prayle Castillo habang kausap si Marcelo at si Alcalde Timotheo. "Hindi talaga natatakot ang prayle na 'to! Pwede na 'tong gilitan sa leeg, ahora mis---"

"Dolor?"

Nagulat siya sa pagdating ni Kahimanawari, "Wari? Mabuti na lamang at pumarito ka. H-hindi ako pwedeng lumabas dahil---"

"Naiintindihan ko, dahil ba sa mga pari sa labas? Nakakamanghang tunay, ang kapal ng kalyo sa mukha," Saad pa ni Kahimanawari nang makapasok na sa loob ng silid.

"Kailan pa kaya natin mabubunyag ang mga katauhan ng mga 'yan?" Tanong pa ni Dolorosa sabay upo sa higaan, "Saan si Luna?"

"Huwag kang mag-alala, kalaro niya iyong binata sa labas" Saad ni Kahimanawari sabay turo gamit ang nguso nito.

Napalapit si Dolorosa sa bintana at nasilayan muli si Liyong na ngayon ay binubuhat si Luna at minsan ay kinikiliti nito ang bata. Napahawak na naman siya sa kaniyang mga labi dahil sa mga kaganapan kagabi.

"O? Bakit mukhang namumula ka diyan?" Suri pa ni Kahimanawari kay Dolorosa.

"Ah- w-wala," Nauutal na saad ni Dolorosa sa pamangkin, "Nagugutom lang ako,"

Napaismid si Kahimanawari sa pagtataka, "Mayroon bang ganoon? Namumula kapag nagugutom? Hindi ba't namumutla iyon?"

"Ano, sekreto lamang natin ito, Wari. Bilang matalik kong pamangkin at kaibigan..."

"Ano, Dolor?"

Napahinga nang malalim si Dolorosa, "Nanliligaw ang binatang iyan sa akin,"

Nanlaki ang mga mata ni Kahimanawari, "Iba rin ang iyo na kamandag, Dolor"

Tumawa si Dolorosa, "H-hindi naman. Alam mo bang kasapi iyan ng kongregasyon,"

"Hindi basta-bastang ginoo ang nagkagusto sa'yo. Sagutin mo na agad!" Tukso pa ni Kahimanawari.

"Ikaw, mapanuksong tunay. Paano naman kung itukso rin kita kay Ginoong Enrico?" Tukso rin ni Dolorosa na ikinapula ng pisngi ni Kahimanawari.

HABANG pinagmamasdan ni Liyong ang batang si Luna ay hindi niya mapigilan na mapangiti sa napakaamo at napakainosenteng mukha nito. Nilalaro ng bata ang maliliit na mga bulaklak na nakahelera lamang sa gilid ng daan patungo sa mansyon.

"Kuya Liyong, tingnan mo ito" Sabay pitas ni Luna sa bulaklak na maliit. Kulay dilaw ito at walang amoy, "Para sa'yo na ho iyan,"

Ibinaba naman ni Liyong ang sarili upang kahit papaano ay hindi mapagod si Luna na tumingala sa kaniya, "Salamat, munting binibini"

Mayamaya pa ay may narinig na siyang mga boses ng kalalakihan na nagtatawanan at ang paksa ng kanilang pag-uusap ay puro babae. Napatayo siya upang pagmasdan ang dumating, nakita niya si Marco kasama ang mga kaibigan nito.

"Tiyo Marco!" Tawag ni Luna at patakbong lumapit sa tiyuhin.

"Luna? Sino ang iyo na kasama rito?" Tanong pa ni Marco sa bata.

"Si Ginoong Liyong, po" Magalang na tugon ni Luna.

Napatingin naman si Marco sa gawi ni Liyong. Nakita niya itong itinaas-baba ang sombrero sa ulo nito. "Liyong? Kailan ka pa rito? Kasama mo ba si Edelmira?"

"Kagabi nandito na ako, bumalik muli ako rito dahil may misa ang pari sa loob. Si Edelmira naman ay abala sa kaniyang misyon kasama si Teofilo" Kalmadong tugon ni Liyong.

"Mukhang mauunahan pa ako ng lalaking yaon!" Anas pa ni Marco sa sarili, "Bueno, bakit ba sumasama ka na sa mga pari?"

Ngumiti lamang si Liyong at itinaas nang bahagya ang kilay.

Lumapit namg kaunti si Marco, "Parte ba ito ng iyong misyon?" Bulong na tanong niya kay Liyong.

"Oo, minamanmanan ko ang mga prayle at ibang tao sa monasteryo" Pabulong din na saad ni Liyong kay Marco.

Napaayos ng tindig si Marco, "Bueno, magandang araw, Liyong. Ako'y nagagalak na makita kang muli." Sabay lahad niya ng kaniyang palad.

Tinanggap naman ni Liyong ang kamay ni Marco at nakipagkamayan, "Magandang araw,"

Napatango si Marco bago maglakad, sumama naman si Luna sa kaniya. Sumunod naman ang kaniyang mga kaibigan na natahimik nang makita si Liyong.

Ang huling pumasok sa pintuang daan ay si Andrus. Sinadya ng isagi ang kaniyang balikat kay Liyong, sabay ngisi niya rito.

Tiningnan lamang ni Liyong si Andrus mula ulo hanggang paa at ngumisi rin ng nakakaloko.

"Akala ko ba'y hindi ko na masisilayan ang iyong mukha rito" Nakakalokong saad ni Andrus.

"Akala ko nga rin, pero kita mo naman, nasa harapan mo ako ngayon. Buhay na buhay" Kalmadong saad ni Liyong.

"Nanliligaw ka ba kay Dolorosa?" Tanong pa ni Andrus, hindi niya pa rin limot ang araw na nakita niya si Dolorosa at si Liyong na masayang magkasama.

"Bakit? Hindi ba pwede? May bayad ba?" Pabalang pa na tanong ni Liyong.

"Ito lamang ang masasabi ko sa'yo, matira matibay"

Napataas nang bahagya ng kilay si Liyong at ngumisi pa. "Edi pagurin mo ang sarili mo, nang sa gayon ay may pakinabang ka naman sa mundo" Malalim na turan niya pa kay Andrus.

"Darating ang araw na mapapasakin si Dolorosa. Sisiguraduhin kong walang matitira sa'yo. Guguluhin ko ang buhay mo, Liyong" Giit pa ni Andrus.

Ramdam nila ang tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa.

"P*nyeta!" Mura pa ni Andrus nang biglang umusok ang kaniyang sapatos. Nasusunog ang kaniyang inaapakang damo at panay padyak na siya sa kaniyang paa.

Ngumisi si Liyong at ipinakita ang isang palito ng posporo na lumiliyab.

"May araw ka rin sa akin, Liyong! Tandaan mo ito," Buwelta pa ni Andrus at naglakad na siya patungo sa mansyon.

Umiling na lamang si Liyong at tumawa nang mahina.

SA kalagitnaan ng gabi ay may isang nilalang na naman ang muling maghahasik ng lagim.

Hindi maiwasan na mapasigaw si Myrna sa init ng katawan na kaniyang nadarama. Tumataas na ang kaniyang mga kuko sa kamay at paa. Ang dating malagong buhok sa ulo ay unti-unting nawawala, ang kaniyang katawan din ay bahagyang lumiliit.

Sa kaniyang likuran ay unti-unting lumalabas ang isang pakpak na mahahalintulad sa isang paniki.

Nanlilisik ang kaniyang mata at hayok na hayok na sa laman ng bangkay. Bigla siyang lumipad at tumungo sa napakalaking sementeryo ng San Fernando.

Ang supulturerong pataghoy-taghoy habang palabas na ng sementeryo ay biglang nakarinig ng pagaspas mula sa kalangitan. Hindi niya na lamang iyon pinansin at patuloy na naglalakad.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ay hindi na mawari ng supulturero kung bakit parang may umaangil. Ang dalang gasera ay itinapat niya sa madilim na parte mula sa kaniyang likuran. Ganoon na lamang ang kaniyang panghihilakbot nang makita ang isang nilalang na tila isang aswang habang naghuhukay sa isang nityo na may bagong nakalibing dito.

Agad siyang napatago sa isang lapidang nakatayo. Nakaihi na siya sa kaniyang salawal dahil sa takot. Kitang-kita niya sa kaniyang dalawang mata kung paano tinagpas ng nakakatakot na nilalang ang mga kamay ng bangkay. Nakita niya rin kung paano inuluwa nito ang mataas na dila at parang hinuhukay ang lamang-loob ng bangkay.

KAKAGALING lamang ni Don Xavier at Don Mateo sa balwarte. Papasok na sana sila nang makita ang isang matanda na halos mawalan na ng ulirat sa hingal.

"Don Xavier! Don Mateo! Mabuti na lamang a-at n-nakita ko kayo!" Hinihingal na saad ng supulturero, "M-may gumagambalang nilalang s-sa sementeryo! M-mas mainam na bantayan niyo rin ang bangkay ni Doña Amanda!"

Halos hindi maipinta ang mukha ni Don Xavier. Nakita niya rin si Liyong na palabas ng mansyon habang may dalang poste ng lalagyan ng kandila "Mukhang may naligaw na naman dito sa bayan!"

Nang makalapit si Liyong ay agad siyang nagbigay galang sa dalawang don at agad na napansin ang isang matanda na namumutla habang nanginginig ang mga kamay, "Napaano ho siya, Don Xavier?"

Bakas man sa mukha ni Don Xavier ang pagtataka kung bakit napunta si Liyong sa burol. Kaniya na lamang itong sinagot, "Nakakita ng isang nilalang na gumagambala sa sementeryo,"

"Manong, maari niyo bang ilarawan sa akin ang nilalang na iyong nakita?" Tanong pa ni Liyong.

"May malaking pakpak na mahalintulad sa paniki, matutulis ang mga tenga nito! H-hindi putol ang kalahati ng katawan. Nakakahindik," Hilakbot na saad ng supulturero.

Napatingin si Don Xavier at Don Mateo kay Liyong na tila pinapag-aralan ang mukhang inilarawan ng matanda.

"Isang berbalang," Diretsong saad ni Liyong, "Ang pinakamakapangyarihang uri ng aswang," Dagdag niya pa.

------

Talaan ng Larawan

(Berbalang)

The Berbalangs are mythical creatures in Filipino culture, described as ghouls who eat human flesh. They feed by digging up corpses from graveyards or by hunting living humans using flight and other supernatural powers.

Continue Reading

You'll Also Like

16.4K 741 25
Have you ever come to encounter a dangerous animal, broken and backed into a corner? It doesn't think clearly. It only has one thing on it's mind. S...
59.4K 3K 90
Seraphina Allen has been struggling through life, trying to make ends meet. But the more she lives, the more she wants to die. Everything seems to pu...
20.4K 383 10
take Clark, a gay teen desperate for a boyfriend. And there also exists a guy called Christopher who basically gets any girl he wants. What will happ...
20.9K 331 11
*HIGHSCHOOL AU* Marcell is your pretty and smart friend and randomly he starts acting strange around you! Find out what happens next please read it o...