LOVE at First Sight with DA-G...

By shyinggirl26

10.3K 602 38

Naranasan mo na bang mainlove sa Isang LALAKI at worst sa Isang BAKLA? Yong Hindi mo sinasadyang makita Siya... More

♥️PROLOGUE ♥️
♥️ CHAPTER 1 ♥️
♥️CHAPTER 2♥️
♥️ CHAPTER 3♥️
♥️CHAPTER 4♥️
♥️ CHAPTER 5♥️
♥️ CHAPTER 6♥️
♥️ CHAPTER 7♥️
♥️ CHAPTER 8♥️
♥️CHAPTER 9♥️
♥️ CHAPTER 10♥️
♥️ CHAPTER 11♥️
♥️ CHAPTER 12♥️
♥️ CHAPTER 13♥️
♥️ CHAPTER 14♥️
♥️ CHAPTER 15♥️
♥️ CHAPTER 16♥️
♥️ CHAPTER 17♥️
♥️ CHAPTER 18♥️
♥️ CHAPTER 19♥️
♥️ CHAPTER 20♥️
♥️ CHAPTER 21♥️
♥️ CHAPTER 22♥️
♥️ CHAPTER 23♥️
♥️ CHAPTER 24♥️
♥️ CHAPTER 25♥️
♥️ CHAPTER 26♥️
♥️ CHAPTER 27 ♥️
♥️ CHAPTER 28♥️
♥️ CHAPTER 29♥️
♥️ CHAPTER 30♥️
♥️ CHAPTER 31♥️
♥️ CHAPTER 32♥️
♥️ CHAPTER 33♥️
♥️ CHAPTER 34♥️
♥️ CHAPTER 35: PREPARATION FOR SENIORS BALL 1♥️
♥️ CHAPTER 36: PREPARATION FOR SENIORS BALL 2♥️
♥️ CHAPTER 37: SENIORS BALL PART I ♥️
♥️ CHAPTER 38: SENIORS BALL PART II♥️
♥️ CHAPTER 39: SENIORS BALL PART III♥️
♥️ CHAPTER 40: SENIORS BALL IV♥️
♥️ CHAPTER 41: SENIORS BALL V♥️
♥️ CHAPTER 42: COLDNESS ♥️
♥️ CHAPTER 43: GUILTY ♥️
♥️ CHAPTER 44♥️
♥️ CHAPTER 45♥️
♥️ CHAPTER 46♥️
♥️ CHAPTER 47♥️
♥️ CHAPTER 48♥️
♥️ CHAPTER 49♥️
♥️ CHAPTER 50♥️
♥️ CHAPTER 51♥️
♥️ CHAPTER 52♥️
♥️ CHAPTER 53♥️
♥️ CHAPTER 54♥️
♥️ CHAPTER 55♥️
♥️ CHAPTER 56♥️
♥️ CHAPTER 57♥️
♥️ CHAPTER 58♥️
♥️ CHAPTER 59♥️
♥️ CHAPTER 60♥️
♥️ CHAPTER 61♥️
♥️ CHAPTER 62♥️
♥️ CHAPTER 63♥️
♥️ CHAPTER 64: FAYE'S BIRTHDAY PARTY PART I♥️
♥️ CHAPTER 65: FAYE'S BIRTHDAY PARTY PART II♥️
♥️ CHAPTER 66: FAYE'S BIRTHDAY PARTY PART III♥️
♥️ CHAPTER 67- FAYE'S BIRTHDAY PARTY PART IV♥️
♥️ CHAPTER 68 ♥️
♥️ CHAPTER 69♥️
♥️ CHAPTER 70♥️
♥️ CHAPTER 71♥️
❤️ CHAPTER 72❤️
♥️ CHAPTER 73: INTRAMURALS ♥️
♥️ CHAPTER 74: INTRAMURALS II♥️
❤️ CHAPTER 75: INTRAMURALS III❤️
❤️ CHAPTER 76: INTRAMURALS IV❤️
❤️ CHAPTER 77: INTRAMURALS V❤️
♥️ CHAPTER 78: INTRAMURALS VI ♥️
♥️ CHAPTER 79: INTRAMURALS VII♥️
♥️ CHAPTER 80: INTRAMURALS VIII♥️
♥️ CHAPTER 81: INTRAMURAL IX ♥️
♥️ CHAPTER 82: INTRAMURALS X♥️
♥️ CHAPTER 83: KAMJE FIRST DATE♥️
♥️ CHAPTER 85: EPILOGUE♥️
♥️SPECIAL CHAPTER ♥️

♥️ CHAPTER 84: OVER NIGHT ♥️

154 5 0
By shyinggirl26

"KAMARA JANE POV'S"

"Darling! Gising naaa! Maybe you forgot na may pasok Tayo ngayon"

Inis kung tinabig Ang kamay Niya Ng akmang kukulbitin na naman Niya Ako, tiningnan ko Siya Ng masama na nakangiti lang sa harap ko bago bumangon at hinarap Siya Ng seryoso.

"Sinong nagsabing pwede mo akong gisingin? Labas!" Tinuro ko pa Ang pinto na tiningnan Niya.

"H-u-h ehhh, kanina pa kaya kita ginigising atsaka bawal ba akong pumasok? Ehh ikaw nga ilang ulit Ng nakapasok sa room ko ehh pinagbawalan ba kita? Diba Hindi?" Nakapamewang pang Saad nito na tinaasan Ako Ng kilay.

"Wala akong pake! Kaya lumabas ka na kung ayaw mong sipain kita palabas Ng mansion!" Pinanlakihan Niya Ako Ng mata na para bang may sinabi akong nakakagulat.

"Ayoko nga! Lalabas lang Ako kapag naibigay mo na sakin Ang good morning kiss ko, remember ngayong araw na Ang umpisa mong good morning kiss, good noon kiss, good afternoon kiss, good evening kiss at midnight kiss" Napapaatras Siya Ng unti unti akong lumalapit sa pwesto niya.

"Ahh ayaw mo?"

"Ahh arayyy! Ano ba Mara! Masakit kaya" pinitik ko Ng malakas Ang noo niya kaya napaatras ulit Siya.

"Talagang masasaktan ka kapag Hindi ka pa lumabas!"

Hawak Ang noong pinitik ko tiningnan Niya Ako Ng masama na para bang kakainin na Niya Ako Ng Buhay na Buhay.

"Ang sama mo talaga!" Papadyak padyak siyang lumayo sakin at pabagsak na binuksan at isinara Ang pinto.

May balak pa yatang sirain Ang pinto!

Pumasok Ako sa Banyo at hinubad Ang lahat Ng damit para maligo ngunit napahinto Ako Ng may pulang bagay akong Nakita.

Shit! Bakit ngayon pa putek!

Pagkatapos kung maligo wala na akong balak pang maglagay dahil obviously mahina pa, habang nagbibihis Ako nakakaramdam Ako Ng paunti unting sakit sa puson ngunit binabaliwala ko lang iyon dahil Ganoon naman talaga Ang buhay. Pagbukas ko Ng pinto may narinig akong kumalabog sa labas at Ng tiningnan ko si Marquez nakadapa na sa sahig habang kumakapa kapa na Akala mo sirena, nagfefeling sirena Ang baklita.

"Ayy Tanga! Bakit ka ba andiyan? Alam mo namang pinto tinambayan mo pa!" Maarte niyang pinagpagan Ang sarili habang tumatayo.

"Ilang ulit mo na akong sinasaktan ngayong araw! Napakasama mo talaga! Hinihintay lang kita rito pagkatapos mo akong itaboy na parang aso! Ta--"

"Gusto parin kita" Natahimik Siya bigla at napatingin sakin Ng diritso.

"A-ano?"

"Gusto parin kita kahit maging aso ka! Naiintindihan mo ba?" Nakita ko Ang Pagpipigil niyang ngumiti ngunit andon parin Ang pag iirap Niya sakin.

Parang Tanga!

"Whatever Martin! Hindi mo Ako madadala sa mga ganiyang banat mo! Hindi Ako marupok okay?"

"Hindi ka naman kahoy para maging marupok huh?" Tiningnan Niya Ako Ng pagkasama sama Bago naunang maglakad sakin.

"Dumiritso raw Tayo ngayon sa computer laboratory Sabi ni kuya kevin, nanghingi raw Ng time Ang teacher natin sa practical research para makapag umpisa na tayong gumawa Ng research dahil ngayong week Ang deadline"

"Okay" Pumantay Ako sa kaniya kaya napatingin Siya sakin at Hindi parin matigil sa pag irap, nakababa kami Ng Hagdan at dumiritso Ako sa kusina habang Siya naman ay nagpaiwan sa sala, nag iinarte na naman bakla nga talaga tsk!

"Hoy! Ayos ka lang? Natahimik ka?" Sambit ko Ng makitang tahimik parin Siya at seryoso Ang tingin sa daan, Papasok na Kasi kami sa gate Ng school kaya ito at Hindi na Ako nakatiis na tanungin Siya dahil nanahimik bigla Ang baklita.

"HOY! Ayos lang Ako!" Pabalik niyang Saad sakin habang ini emphasize Ang word na Hoy.

Anak Ng! Beware mga sakit Ng bakla! Una Bigla bigla nalang nag iinarte na Hindi mo gets! Pangalawa ginagaya ka Ng walang dahilan! Pangatlo may sakit sa utak!

"Bestfriend! Bilis sumunod kayo!" Takang napatingin Ako Kay Mikah Kasama si Sheena, Julia at Kristel Ng makasalubong Namin sila sa labas Ng building.

"Bakit?"

"Nasa field si Daniela at Jelai nakikipagsabunutan sa Taga SNHS! Yong kutong lupang naghagis sakin Ng mineral sa ulo! Siraulo yon ehh!" Himutok nito habang Gigil na gigil Ang Mukha.

Wala na akong magawa Ng hilahin Niya Ako papuntang field habang nakasunod samin yong tatlo at si Marquez na nakabusangot na ngayon Ang Mukha na nakatingin sakin.

Pagdating sa field andon nga yong Taga SNHS, BNHS at LNHS dahil ngayong araw Ang uwi nila, Dala Dala nila Ang lahat Ng gamit at mukhang naghihintay nalang sila Ng masasakyan.

"Ehh di sana ikaw nalang Ang nag adjust! Nakita mong madami kaming Dala Dala tapus ngayon ikaw pa yong Galit? Duhhh!" Sigaw ni Daniela Ang unang narinig Namin kaharap yong babaeng nakaaway ko Rin kahapon na Ecel yata Ang pangalan.

"Excuse me! Bakit kami mag aadjust? Diba school niyo to? It means kayo Ang dapat na mag adjust because we are the visitors here!" Maarteng Saad nito sa nakapamewang na babae sa harap habang si jelai naman pinupulot yong mga papel na nahulog habang tinutulungan Siya Ng mga lalaking Taga SNHS.

"Bwesitors kamo!" Sigaw ni Daniela sa Mukha ni ecel na ngayon ay unti unti Ng namumula.

"Teka! Ano bang nangyayari rito?" Pag apela ni Mikah kaya napatingin sila samin, mukhang ngayon lang nila kami napansin.

Napatingin Ako sa BNHS Ng maramdaman kong may nakatingin sakin, si Blaine habang seryoso Ang tingin sa pwesto ko, lahat naman sila nakatingin sa mga bagong dating which is kami.

"Dumaan lang kami tapus binangga kami Ng babaeng to! Kaya Ayan nagkalat pa tuloy lahat Ng test paper at ngayon Siya pa itong Galit edi wow!" Inis na inis na Saad ni Daniela habang nakaturo sa pwesto ni ecel na tinatarayan lang Siya.

"Miss! Pagpasensyahan niyo nalang si ecel ganiyan talaga Siya ehhh!" Sabat nong lalaking naka band Ang buhok sa noo na parang sea horse.

"Anong hayaan lang! Ti---"

"Daniela tama na! Tapus na oh napulot ko na lahat kaya tama Ng talaktak okay?" Sigaw ni Jelai habang buhat buhat yong mga papel na pinulot Niya.

"Bakit ba Ang kapal Ng Mukha mong makipag away rito MISMO sa school namin? Teritoryo Namin to kaya pwede ka naming despatsyahin kung gugustuhin Namin! at Ikaw Ang walanghiyang nagtapon Ng mineral sakin kahapon Diba?" Hinawakan ko Ang kamay ni Mikah Ng akmang lalapit Siya sa pwesto ni ecel.

"What if I am? Anong magagawa mo? Ehh ano ngayon kung school niyo to? Wala namang kwenta Hindi nga kami nag enjoy dahil Ang cheap Ng pesteng school nato tulad niyong lahat! Pare-pareho kayong cheap lahat" Umiigting Ang panga kung napatingin sa kaniya at anytime ay pwede ko na siyang sugurin.

Anong karapatan niyang pagsalitaan Ng cheap Ang school ko!

"Hey! Magdahan Dahan ka sa pananalita mo babae! Pwede Kang makasuhan sa paninira mo sa skwelahang ito" Napatingin Ako kay jeje na siyang nagsalita. "Wala Kang karapatang pagsalitaan Ng masama Ang school namin dahil lahat Ng kinakain mo simula Ng tumuntong ka rito at hanggang ngayon ay galing sa canteen! so don't underestimate our school!" Maawtoridad pang sambit nito habang seryoso Ang tingin Kay ecel at sa lahat. "Wala kayong ibinayad maski piso rito!lahat Ng mga pangangailangan niyo ay kami Ang gumastos at naghirap para lang maging comfortable kayong lahat! Kaya wag niyong mamaliitin Ang school na ito!"

"He's right! Wala kayong naibayad maski piso rito pati gamit ay ipinahiram pa nila na dapat ay kayo Ang nagpoprovide!" Napatingin Ako Kay Blaine na siyang nagsalita habang seryosong nakatingin sa students Ng SNHS.

Simula Ng tumuntong sila rito responsibilidad na Ng school ang mga pangangailangan nila kahit na nakalagay sa memo na magdala sila maski gamit lang na kakailanganin nila kapag maliligo pero Ang school parin Ang nag provide at libre na sila lahat rito kahit pagkain, tubig o kung Ano Ano pa pati higaan nila ay nag ocupa pa Ang school Ng Isang building para matulugan nila, pero ito pa ang igaganti nila sa Amin? Ni Hindi ko na nga natulungan si tita sa pag aasikaso dahil busy rin ako sa training.

"At yong mga gear na kakailanganin sa bawat laro ay sila Rin Ang nag provide na dapat ay responsibilidad Ng school niyo! Kaya nga tinanggap kung Natalo kami dahil deserve Ng school nila Ang manalo" Dirikta iyong sinabi ni Blaine sakin na para bang proud niyang sinabi iyon sakin. Papalapit Siya sakin habang nakangiti Ng mahinhin at Hindi mo makikitang peke lang yong ngiti dahil totoong ngiti talaga Ang ipinapakita niya sakin, huminto Siya Ng magkaharap na kami habang takang taka naman akong napatingin sa kaniya. "Congratulations! Your school deserve the crown" Pumalakpak Siya sa harap ko at Hanggang sa nagsunod sunod na yong pagpalakpak ng lahat, pati na yong mga Kasama ni Ecel na nakipalakpak Rin.

"Tama! Deserve Ng school niyo Ang manalo dahil Hindi niyo kami pinabayaan" Saad nong lalaking nabugbog ko sa canteen na Karlos Ang pangalan. "Pasensya nga Pala sa ginawa ko nong nakaraan at sayo narin Marquez" Napatingin Ako sa katabi ko Ng bigla Ako nitong itulak.

"Ahh so-rry Mara! Pasensya na masama kasi Pakiramdam ko" Mahinang sambit ni Julia na siya palang nasa tabi ko, sapo sapo nito Ang sariling noo at namumutla Rin Ang buong Mukha nito.

"Ayos ka lang Juls?" Nag aalalang sambit ni Sheena na nasa tabi Niya rin.

"OO ayos lang, nahilo lang Ako Ng kunti kaya naitulak ko si Mara pero ayos naman Ako" May sa paos pang sambit nito.

"Sure ka? Namumutla ka Kasi ehh may lagnat ka yata" Totoo ngang namumutla ito at anytime ay mahihimatay na kaya Hindi ko natiis na hawakan Ang noo at leeg kung may lagnat ba ito ngunit wala naman akong naramdaman na mainit Siya normal lang Ang temperatura Niya tulad sakin.

"Woy! Anong kaguluhan ito? Bakit nagkakagulo rito?" Napatingin ako sa bagong dating si Laro at Ang mga kaklase niya.

Bakit ngayon ko lang Nakita Ang bubwet na ito? Ilang araw ko Rin siyang Hindi Nakita pero nakikita ko naman yong mga kaklase niya minsan.

"Uyyy si pareng Laro! Long time no see pare! Bakit ngayon ka lang nagpakita? Naduwag ka ba samin? Hahahaha" Natatawang sabi ni Karlos na binangga Ang balikat ni pandak.

Pandak amputs!

"Putangina ka Karlos! Ano? Natalo ba kayo? Kaya namamaalam na kayo ngayon? Hahahaha"

"Oo putangina Natalo kami Ng bagong player niyong bakla! Hahahaaha" Turo turo nito si Marquez na nag iba Ang timpla Ng Mukha, natatawa namang napatingin si pandak Kay Marquez Ng madapo Ang tingin nito Kay Jelai na poker face Ang Mukha na katabi si Daniela.

"Martin! Uyyyy nagbago ka yata? Kayo na ba huh?" Pang aasar Niya habang patingin tingin sakin at Kay Marquez, blanko lang Ang tingin ko sa kaniya habang nakikita ko siyang papalapit sa pwesto ko.

"Huli ka na sa balita pandak dahil mag iisang linggo na silang mag jowa" Natatawang saad ni Daniela na nakatingin sakin.

"Hahahahaha talaga? Effective Pala talaga yong pangliligaw mo? Yong pagbibigay mo Ng chocolate? Damit at sapatos?" Sinamaan ko Siya Ng tingin Ng isiwalat Niya sa lahat Ang mga ginagawa ko dati.

"Oh my gosh Siya Pala yong nangligaw kay Mr. Gay?"

"Ang cool Niya talaga, gusto ko maging Siya para may lakas loob akong mangligaw sa taong gusto ko"

"Duhhh! Panget sa babae Ang mangligaw Ng lalaki because the man should be courting the woman"

"Pero iba na Ang henerasyon natin ngayon dahil babae na Ang mangliligaw Ng lalaki atsaka Isa pa bakla naman si gay"

"Tama ka friend! Kaya bilib Ako Kay ate Mara Kaya niyang mangligaw sa public"

"Atsaka Hindi niyo ba nabalitaan kahapon? Na nangligaw si kuya sa kaniya sa loob mismo Ng classroom nila"

"Really? Goshh nakakakilig sila! Sana Ako Rin may ganiyan eckkkkk"

"Totoong lalaki na ba itong si Marquez o lalambot lambot parin?"

"Arayy! Ano ba pandak! Bakit ka nanunulak?" Sigaw ni Jeje Ng bigla siyang itulak ni pandak na ikinangisi lang nito sa pwesto ko, umiigting Ang pangang nakatingin Ako sa kaniya habang unti unti kinukuyom Ang kamao ng makita Kong tinutulak na naman Niya si Jeje akmang hahakbang pa lang Ako Ng makita kung nasuntok na Siya ni Marquez sa Mukha na siyang pagkatumba niya.

"Woahhhhhhhhhhhhhhhh" Sigaw Ng lahat Ng makita Ang ginawa ni Marquez Kay pandak.

"Okay tama na! Ayos Marquez! Akala ko Kasi Hindi mo pa kayang sumapak ehhh tinatry lang kita Ano ka ba" Tumayo ito at hinawakan Ang balikat ni Marquez na tiningnan Siya Ng masama.

Ano bang trip Ng pandak nato!

"Juls!!" Naramdaman kung may katawan na natumba sa tabi ko kaya sinalo ko ito Ng makitang si julia na putlang putla yong buong mukha, nagkagulo Ang lahat sa biglaang pagkatumba ni Julia at pagkawala nito Ng malay, nagmamadaling inalalayan Ako Ng mga lalaki para buhatin Ang katawan nito habang yong iba naman ay nataranta na.

"Oh my gosh anong nangyari sa kaniya?"

"Nahimatay te! Ano ka ba"

Tulong tulong na binuhat nila ito kaya sumunod kami, tarantang taranta naman na sumunod si sheena at Kristel habang si Mikah naman at nadapa pa dahil sa sobrang pagmamadali na makasunod.

"Sheen! Anong nangyari?"

"Maputla Siya kanina pa pero wala naman siyang lagnat dahil hinawakan ni Mara yong noo at leeg Niya wala Rin siyang maramdaman na mainit ito" Natatarantang saad ni Sheena sa tabi ni Mikah at Kristel.

"KAMARA! Kaklase niyo ba yon?" Napatingin Ako sa nagsalita si Blaine na sumasabay Rin sa paglalakad samin Kasama nito Ang mga Kaibigan niya.

"Mikah! Tawagan mo si Levi at papuntahin sa clinic" Nag aalalang Sabi ni Daniela na mahahalata sa Mukha Ang takot habang nakatingin sa katawan ni Julia na pinagtulungan na buhatin Ng Taga BNHS at ni laro.

Nakarating kami Ng clinic pero Hindi kami pinapasok lahat dahil bawal raw Ang marami sa loob baka Hindi makahinga Ng maayos Ang pasyente

"Guys! Where's Julia?" Natatarantang Mukha ni Levi Ang bumungad samin habang alalang alala yong mukha.

"Nasa loob pumasok kana" Dumiritso na ito sa loob habang tumatakbo papalapit Kay Julia na inaasikaso Ng nurse, pumasok Rin Ako sa loob Kasama si Marquez na nakatingin rin Kay Julia at ganoon din si Mikah Nakita kung hinarangan ni Daniela at Jelai Ang pinto Ng Wala Ng makapasok pa Kasi andon parin yong mga lalaking tumulong Kay Julia na maihatid Siya sa clinic.

"Fuck! Julia wake up! Nurse Ano bang nangyari? Bakit namumutla Siya?" Sigaw ni Levi sa nurse na ininspection Ang kamay ni Julia.

"Iho huminahon ka"

"Anong huminahon? Fuck!"

"Iho wag ka munang magulo, ininspection ko pa Siya kung anong dahilan bakit Siya nahimatay bigla, kaano Ano ka ba Niya?"

"Boyfriend niya ho Ako, ayos na ba Siya? Bakit Hindi pa Siya nagigising? Ano hong gamot Ang kailangan kung bilhin sa kaniya nurse?" Hindi mapakaling Saad nito habang hawak hawak yong kabilang kamay ni Julia na Hindi parin nagigising pero unti unti Ng bumabalik yong kulay Ng Mukha.

Nakaramdam Rin Ako Ng pag alala kanina habang hawak hawak ko siya, namumutla Kasi talaga Siya at malamig pa yong mga kamay.

"Wait! I feel something strength in her hand"

"Sana naman walang nangyari Kay Julia, tingnan mo awang awa Ako Kay Levi sa sobrang pag aalala sa girlfriend nakalimutan Ng ayusan Ang sarili" Sambit ni Mikah sa tabi ko habang nakatingin sa clinic bed kung saan naroon si Levi na buhaghag Ang buhok at Hindi naayos Ang damit.

"Jesus, Ano bang nangyayari? Sana okay lang si Julia" Sambit naman ni Kristel na nakatingin Rin Kay Julia.

"Nasabihan niyo na ba yong iba?"

"OO papunta na raw sila"

"She's pregnant iho" Mabilis kaming napalingon sa pwesto Ng nurse Ng marinig Ang sinabi nito at siyang pagtahimik naman Ng mga nasa labas. "Mabilis Ang tibok Ng pulso Niya sa leeg na naririnig ko at senyales ito Ng pagdadalang tao, kaya nakakaramdam Siya Ng Hilo at pagkawalan Ng malay dahil iyon sa kondisyon Niya at bukas na bukas rin magpatingin na kayo sa doctor para obserbahan Ang magiging kondisyon Ng baby"

"Oh my god!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Daniela na siyang pagkabasag Ng katahimikan sa buong paligid para bang lahat ay Hindi makapaniwala sa mga narinig kahit Ako ay natulala Rin.

"Bun-tis Siya?" Hindi makapaniwalang sambit ni Levi habang hinahawakan Ang Mukha ni Julia, makikita sa Mukha nito Ang sobrang saya habang unti unting tumutulo Ang luha sa mga mata.

He's damn happy at makikita iyon sa Mukha Niya habang nakangiti kahit unti unting tumutulo Ang luha.

"Kaya Pala ehh.... Buntis naman Pala uyy congrats Levi"

"Shocksss! Totoo? Oh my goshhhh"

"Guys! What happened? Nasan si Julia?"

"Asan Siya?" Sunod sunod na nagsipasok Ang mga kaklase Namin habang Natataranta rin.

"Ayos na siya"

"Pinagloloko mo ba kami Daniela? May ayos bang nahimatay?" Maarteng Sabi ni bobby Kay Daniela.

"Buntis lang Siya kaya nahimatay kanina"

"ANO? " Sabay sabay na sigaw nila lahat habang nanlalaki Ang matang Napatingin sa pwesto ni Julia at Levi.

"Di nga? Paano?"

"Hoy anong paano? Pambihira ka bobby tinatanong pa ba Yan?"

"Hahahaha Lev's tinatanong ni bobby kung paano raw nabuntis si Julia hahahaha"

"Puta hahahahaha" Natawa Ang lahat sa sinabi ni Joseph habang tinuturo si Bobby na nahihiyang tumingin sa kanila.

"Baka naglalambingan kaya nabuntis hahaha" Panggagatong naman ni Jonathan.

"Ano ba kayo! Tigilan niyo si Bobby baka Hindi Niya talaga alam kung paano gumawa hahahaha"

"Oh baka naman V pa Siya hahaha"

"Anong V?" Inosenteng tanong pa ni Mikah habang Nakakunot Ang noo.

"Woy si Mikah! Curious!!"

"Kaya nga nagtatanong Diba?"

"Virgin Gaga!" Sigaw ni Jelai sa lahat na biglang Nagtawanan.

"Students! Wag kayong maingay! sa labas na muna kayo maghintay habang Hindi pa nagigising Ang kaklase niyo"

"Sa labas na raw kayo!"

"Pinapalabas na kayo ni Miss nurse Ang iingay niyo Kasi"

" Nagsalita Ang Hindi! Nakakahiya naman Joseph"

"Juls! Gising na Siya!" Napatingin kami Kay Sheena Ng tumakbo ito palapit Kay Julia na unti unting dumidilat Ang mga mata.

Nagtakbuhan Ang lahat sa pwesto Niya Ng alalayan siya paupo ni Levi.

"Anong nangyayari? Anong ginagawa ko rito?"

"Babe! Magpahinga ka muna walang nangyari sayo kaya don't worry" Nakangiting sambit ni Levi sa kasintahan.

"Juls ayos ka na?"

"Congratulations!

"Sana all baby"

"Sana Ako Rin magkaanak na"

"Congratulations pare! Ninong Ako huh?"

"Anong pangalan Ni baby?"

"Babae ba o lalaki? Pero mas gusto ko lalaki"

"Teka Sandali! A-anong pinagsasabi niyo?" Takang tanong nito sa mga kaklase na nakapalibot sa kaniya.

"hoy Levi! Dali itell mo na sa kaniya na magkakaanak na kayo"

"A-ano? Bu-bun-tis A-ko?" Hindi makapaniwalang sambit nito na tinanguan Ng lahat.

" Oo be! Buntis ka! Congratulations!"

"Pa-pano?"

"Hahaha Lev's pano raw Sabi ni Julia, pano raw ninyo ginawa Ang Bata hahaha"

"Hahahaha natatawa talaga Ako kapag tinatanong pa kung paano? Obviously sila lang Ang may alam non" Napatingin Ako Kay Pandak na nasa tabi ko na Pala habang nakatingin sa mga kaklase ko na Ang iingay. "Kayo ba?!"

"Tangina ka!" Singhal ko Ng mapagtanto kung anong ibig niyang sahihin, natawa naman ito sa naging reaksyon ko. "Chill Mara! Wala pa akong sinasabi na gets mo na agad? So wala talaga? Hindi niyo pa ginagawa?"

"Fuck you Pandak!" Binatukan ko ito kaya Natahimik bigla habang nakataas Ang parehong kamay.

"Chill okay? Back to the topic, totoo? wala pa talaga?" Pang aasar pa nito sakin.

"Hindi mo ba Ako titigilan? O gusto mong ilibing kita Ng buhay" may inis sa tonong Sabi ko sa kaniya.

"Ito naman di mabiro! Okay Hindi na kita aasarin may itatanong lang Ako tungkol Kay...." Kinunutan ko Siya Ng noo Ng Hindi na Siya makatingin sakin Ng diritso na para bang may ikinakahiya. "Kay Je-jelai... A-ano kasi ahmmnnn" utal utal pa nitong Sabi habang kumakamot sa sariling ulo at Hindi makatingin sakin Ng maayos, Nakita ko Rin Ang unti unting pamumula Ng dalawang Tenga Niya.

"Tsk! Nothing happened to her she's still the Jelai you know"

"Ang ibig kung sa-sabihin may nang... Ahmnnn... nang-lili-gaw ba sa kaniya?" Natawa Ako sa reaksyon Niya Hindi na talaga Siya mapakali at pabaling baling yong ulo Niya kahit yong kamay ay Hindi Rin mapakali.

He's obviously fall inlove with Jelai.

"Yeah" Dumiritso bigla Ang tingin Niya sakin Ng marinig Ang sagot ko.

"Anong ibig mong sabihin Kamara!" At ngayon naman nag iba na yong mood niya, Ang kaninang Hindi mapakaling kilos ay napalitan Ng kakaibang aura na anytime ay pwede Ng pumatay.

"Yeah! Wala pang nanliligaw sa kaniya" Narinig ko Ang pagbuntong hininga nito Bago Ako ulit hinarap Ng seryoso.

"Pwedeng favor Mara? Pwedeng pakibigay nito sa kaniya?" Inaabot Niya sakin Ang supot na alam ko na agad kung anong laman obviously Ang favorite ni Jelai the bibingka girl tsk!

"Hindi Ako delivery boy para utusan mo! Ikaw MISMO Ang magbigay niyan sa kaniya"

"Ehh sa nahihiya Ako ehhh" Kamot ulong Saad pa nito.

"Wag mo Ng ibigay tapus Ang usapan! problema ba yon?"

"Mabait ka naman Diba? Makikisuyo lang naman Ako ehhh"

Tangina! Kinuwestion pa Ang pagiging mabait ko! Mabait naman talaga Ako ahhh

"Wala akong Piso!"

"Mara!" Pareho kaming napatingin Kay Marquez na masama ang tingin sa aming dalawa Ng bigla itong naglakad papalabas.

"Tsk! Seloso! Sundan mo!" Tumakbo Ako palabas Ng clinic at hinabol si Marquez na may Galit na naglalakad. Pumantay Ako sa kaniya kaya tiningnan Niya Ako Ng masama.

"Anong ginagawa mo rito? Nandon si Laro hoy!"

Anak Ng! Hino hoy hoy parin Ako Ng sirenang baklita! Pakiramdam ko Siya yong babae sa aming dalawa kaya Nagdadalawang isip na Rin Ako sa gender ko puta!

"Oh sige hoy! babalikan ko Siya Sabi mo ehh!" Mahina akong natawa Ng hawakan Niya agad Ang kamay ko para pigilan akong umalis.

"Kainis ka! Talaga bang sinasadya mong paselosin Ako Kay Pandak? Din nagtagumpay ka Kasi kanina pa Ako selos na selos sa inyo habang Masaya kayong nag uusap at Hindi mo manlang Ako pinapansin kahit nasa harapan mo na Ako! Kung Hindi pa kita tinawag Hindi mo talaga Ako papansinin no?" Pantay na pantay na Ang kilay nito habang sinisigawan Ako at kahit maraming nakakarinig dahil nasa gitna kami Ng hallway Ng office Ng mga teacher Wala siyang pake. "Diyan! Diyan ka magaling! Ang baliwalain Ang mga hinaing ko Hindi mo Ako pinapansin dahil ikinakahiya mo Ako!"

Anak Ng titing Marquez! Ano na naman to? Mali na naman Ako? Hindi ko talaga Siya maintindihan magpapalit na ba Ako Ng gender? Baliktad yata kami Ako yata yong lalaki rito at Siya itong nag fefeeling babae samin, mongoloid yarn?

"Ano na naman ba Ang ginawa ko? Nagseselos ka lang Diba? Edi sorry Hindi ko naman alam na pinagseselosan mo si Pandak dahil kung alam ko lang kusa akong lalayo sa kaniya! Hindi naman Kasi Ako manghuhula kung sino Ang pinagseselosan mo sa hindi! Hindi yong bigla bigla mo nalang akong papagalitan na Hindi ko maintindihan! Wala akong maintindihan!"

"I'm sorry.." yinakap Niya agad Ang kamay ko pero hinawi ko lang Ang kamay Niya.

Naiinis Ako! Bakit ba Siya ganiyan? Bakit Pakiramdam ko Ako lagi Ang may mali?

" Mara! Please I'm sorry... Pasensya na nadala lang Ako ng selos Hindi mo na Kasi Ako pinapansin kanina Kaya nag breakdown Ako bigla kaya I'm sorry please patawarin mo Ako at nasigawan pa kita" bumuntong hininga muna Ako Bago Siya hinarap Ng seryoso.

"OO na matitiis ba kita?" Guilty na guilty talaga Ang Mukha niya habang kapit kapit Ang kamay ko.

"I love you" Nanlamig Ako sa sinabi niya kapag talaga ganiyan Ang mga sinasabi Niya ay hindi ko parin maiwasan Ang kabahan Ng matindi, dumudoble pa nga ehh at umaabot pa Ng triple.

"JEJE POV'S"

"Julia! Dapat umuwi ka nalang muna baka ma stress ka pa ehhh"

"Ano ka ba Jelai ayos lang ako, wala namang masakit sakin"

"Magpahinga ka nalang muna Juls para Hindi ma stress si Baby"

"Napaka O.A niyo naman ayos lang naman talaga Ako"

"Diyan ka nalang muna wag ka Ng malikot" Pinaupo ni Jelai si Julia sa upuan Ng teacher na foam Ang upuan at malambot sa pwet. "Wag Kang mag alala kaya na Ng boyfriend mo at Ng mga Kasama natin Ang research, matatapos nila yan."

Pagkatapos Ng lunch namin kanina sa canteen dumiritso kami rito sa ComLab para isagawa Ang research na kakailanganin naming tapusin ngayong week dahil naghahabol kami sa deadline at binigyan kami Ng pagkakataon ni sir na dito nalang Namin gawin kaya ngayon sobrang busy Namin lahat kaharap Ang computer habang nag eedit Ng papel Namin para sa survey. Si Jonathan Ang nag eedit habang si Mara at Mikah naman Ang nag gaguide sa kaniya kung paano Ang tamang gawin habang kami naman ni Daniela Panay tingin lang sa iba at walang ginagawa kaya nakakaboring rin, si Clang clang naman sa grupo ni bobby sumali dahil nag offer raw ito sa kaniya.

"Nasaan si Julia? ilabas niyo Siya!" Lahat kami napatingin sa pinto Ng pumasok Ang babaeng kaedad lang ni mommy pero maarte lang itong tingnan dahil may dalang pamaypay habang nakatingin Ng masama Kay Julia na napatayo bigla.

"M-mom!"

"Malandi Kang babae ka? Punyeta! Ano itong nabalitaan ko na buntis ka raw? Totoo ba?!" Lumapit kami lahat sa pwesto ni Julia habang pinapagalitan Siya Ng obviously mommy Niya halata sa mga sinasabi nito, yinakap naman ni Levi Ang kasintahan dahil Panay hampas yong mommy ni Julia sa pamaypay nito sa Mukha Niya. "Sinasabi ko na nga ba! Wala ka talagang kwentang anak! Magkapareho lang kayo Ng peste mong ama mga wala kayong silbi! Pinag aaral ko kayo para maiganti niyo manlang Ang paghihirap ko at makaahon sa pesteng Buhay na ito tapus ito Ang igaganti mo? Nagpa buntis ka sa siraulong lalaking to? Na walang trabaho at tambay lang sa Kanto!"

"M-mom! Please stop! Sa Bahay nalang tayo mag usap" Umiiyak na Saad ni Julia sa Ina ngunit tinulak lang Siya nito na siyang pag alarma Naming lahat.

"Hindi! Dahil hinding Hindi na kita tatanggapin pa sa pamamahay na pinaghirapan ko! Simula ngayon wala na akong anak na kagaya mong malandi at pukpok!"

Shit! Ang sakit!

Nakita Namin Ang paghagulhol ni Julia habang lumuluhod sa harap Ng mommy Niya pinipigilan naman Siya ni Levi ngunit ayaw Niya paring magpaawat.

"M-mom No! Pa-tawarin mo A-ko, hin-di ko si-na-sadya" Walang humpay Ang pag iyak nito habang nakaluhod parin sa harap Ng mommy Niya, wala naman kaming magawa dahil baka mapagalitan lalo si Julia kapag nakialam pa kami.

"Tita! Please! Wag niyo na pong itaboy si Julia maawa po kayo" Pagmamakaawang Sabi ni Levi habang sinasabayan sa pagluhod si Julia na Hindi na maawat Ang paghagulhol

"Wag mo akong tawaging tita dahil Hindi kita kadugo at kailan man ay hindi kita tatanggapin na maging kadugo!" Sigaw pa nito Kay Levi.

"Wala Kang kwentang Ina!" Lahat kami napatingin sa pwesto ni Mara Ng bigla itong magsalita habang may kinakalikot parin sa computer at Hindi manlang kami tiningnan dahil nakatalikod Siya sa pwesto Namin. "Child is a charm and treasure in the house na kailangang protektahan at alagaan, Mother's love is the purest form of all love and Mothers always want the best for their children, and they will never compromise the quality of things they can offer to their little ones at walang ina ang hindi kayang tiisin Ang sariling anak at iyan ay wala ka walang Wala ka"

"How dare you to talk to me like that!" Sigaw nito Ng makarecover sa sinabi ni Mara.

"I am KAMARA JANE MARTIN classmate of Julia your DAUGHTER!" Tumayo si Mara at hinarap Ng seryoso Ang mommy ni Julia na biglang natulala Ng makita siya.

"Y-you are M-mar-tin?"

"Yeah! Mrs Lara! Long time no see! Ipapa pullout ko na ba Ang negosyo mo sa negosyo Ng pamilya ko para mawala Ang lahat Ng naipundar mo? Pwede kung gawin yon! especially since I witnessed your true attitude and behavior! Isang tawag ko lang sa aking ama your business will become disgrace! Just think of it before I click!" Maawtoridad na sambit ni Mara sa babae na nanlaki bigla Ang mata Ng mapagtanto Ang sinabi ni Mara, Maya Maya nagulat nalang kami Ng bigla itong lumuhod sa harap ni Mara at nanghihingi Ng tawad.

"I'm sorry Ms. Martin please forgive me"

"Hindi Ako Ang dapat mong hingaan Ng tawad because I'm not your daughter and that will never be!" Nagmamadali siyang tumayo sa pagkakaluhod at lumuhod sa harap ni Levi at Julia na Hindi parin nagbago Ang mga position nakaluhod parin sila pareho.

"I'm sorry anak nadala lang Ako Ng emosyon, hindi ko sinasadyang pagsalitaan ka Ng masasakit, sana mapatawad mo si mommy at pati narin sayo levi" Ako lang ba Ang nakapansin na peke lang Ang paghingi Ng tawad Niya sa dalawa? Para kasing napipilitan lang siyang manghingi Ng tawad dahil pinagbantaan Siya ni Mara about sa negosyo Ng pamilya Niya.

Madaling napatawad ni Julia Ang mommy niya, kunting pag iyak lang nito ay malambot na Ang puso niya, wala naman kaming magawa dahil pamilya Niya iyon at Hindi kami pwedeng makialam kaya sa huli kunti lang Ang natapos namin sa research at nagkaniya kaniya Ng uwi maliban sa grupo Namin dahil napag usapan Namin na mag over night sa Bahay nila Mara at tapusin Ang project kaya naman umuwi muna Ako Ng Bahay para magpaalam kina mommy na Hindi Ako makakauwi ngayong Gabi dahil baka don narin kami matulog sa mansion ni Mara at Buti nalang pumayag sila, may tiwala naman Kasi sila sakin kaya proud na proud Ako sa kanila. Si Mikah naman at yong mag jowa ay umuwi Rin para magpaalam sa mga magulang at baka Hindi na sila pauwiin kapag Hindi sila nagpaalam.

"Mars! Paano ba to? Hindi Ako marunong mag edit ehhh"

"Nagmamagaling ka Kasi ehh... Sabing Ako na Lang!"

"Edi ikaw na magaling! Ouh isaksak mo sa baga mo bwesit ka!" Sigaw ni Daniela Kay Jonathan na tinawanan lang Siya. Katatapos lang Namin kumain kanina dahil pinilit kami Ng parents ni Mara na sumabay sa kanilang kumain, nakakahiya man pero mas nakakahiya kung tatangihan Namin sila at baka mapalayas pa kami Ng Wala sa oras.

Ngayon nga ay nandito na kami sa loob Ng library nila na sobrang laki at Ang linis linis pa isabay mo pang glass yong wall at soundproof pa Sabi ni Daniela dahil pangalawang beses na raw siyang nakapunta rito nong gagawa sana kami Ng research Kaso Hindi natuloy kaya ayon first time ko pang nakapunta rito.

"Ganito Kasi yan, manuod ka tuturuan kita"

"Ayoko! Isaksak mo Yan sa baga mo!"

"Mag aaway nalang ba kayo riyan? Mabuti pa Daniela tulungan mo nalang Ako rito sa pag e estepler sa sandamakmak na papel nato!" Sigaw ni Mikah na nasa kabilang mesa habang iniipon yong sandamakmak na papel kung saan gagamitin Namin para sa survey habang si Mara naman ay may kinakalikot sa laptop Niya ayaw pastorbo at Ako naman itong Taga print Ng mga nagawa na nila.

"Mga bata mag meryenda na muna kayo para maging malakas"

" Salamat po" kinuha ko Ang Dala ni manang at inilagay sa mesa kung nasan si Daniela at Jonathan na nag aaway parin ngunit Ng makita Ang inilagay ko Panay Ang kuha at Hindi na nahiya putek!

Umabot kami Ng midnight at Hindi parin kami tapos dahil maraming mali maling letters Ang napiprint ko at Hindi ko kasalan iyon kundi si Jonathan at si Mara dahil sila naman ang nag eedit.

"Jusko Daniela! Gisingin mo yang boyfriend mo at Hindi pa Tayo tapos! Tingnan mo nagkalat na lahat!"

"Goshhhh! Pumipikit pikit na Ang mga mata ko Hindi ko na kayang dumilat"

"Hoy!!!! Gising! Gising! Walang matutulog mga bwesit kayo!" Pati Ako nagising Ang diwa Ng sumigaw Ng malakas si Mikah habang pinupokpok yong mesang tinutulugan ni Jonathan na biglang napatayo at napatalon sa gulat.

"Bwesit ka Mikah! Humiwalay yata kaluluwa ko sayo punyeta!" Reklamo ni Daniela habang kinukusot kusot Ang mata habang si Jonathan naman ay bumalik sa pagkakahiga na parang walang nangyari.

"Kaya Tayo nandito para tapusin Ang research natin Diba? Hindi para matulog! Sinakripisyo ko nga si Charl para lang rito kahit nilalagnat iyon tapos matutulog lang kayo? Neknek niyo! Walang matutulog sa inyo!" Nagpatuloy ulit Ako sa pag piprint Ng walang katapusan, paulit ulit Kasi kami dahil maraming mali kaya Wala pa kami sa gitna at nakakaramdam narin Ako Ng pagod at antok, ikaw ba naman nakatunganga lang habang hinihintay na ma print yong mga papel kaya sinong Hindi aantukin?

"Da-gay!"

"Hmmmmmmm"

"Let's go!" Inangat ko Ang ulo ko at tiningnan Ang taong kalabit Ng kalabit sakin, nakatulog Pala Ako putekkk! "Ihahatid na kita sa tutulugan mo" Naramdaman kung inalalayan Niya Ako lalo na at nakaramdam Ako Ng biglang Hilo Ng tumayo Ako, nakaramdam Rin Ako Ng sakit sa pwet at sa likod ko sobrang namamanhid yong pwet ko at parang wala na akong maramdaman na may pwet ako, gaano ba Ako katagal nakatulog sa upuan?

"Hmmmm....Gusto ko sa kwarto mo please" Kahit pupungay pungay pa Ako ay alam kung hindi Niya ito kwarto dahil walang amoy.

"A-anong! Nababaliw ka ba? Bawal ka sa kwarto ko dahil akin Ang kwartong yon! Naiintindihan mo ba?" Pikit mata akong umiling sa sinabi niya kaya naramdaman kung humigpit Ang kapit Niya sa kamay kung nakaalalay sa leeg Niya.

"Ayoko! Gusto ko sa kwarto mo Ako matulog" Malambing ko pang Sabi sa kaniya.

"Hindi nga pwede! Bakit ba Hindi mo maintindihan! Bawal tayong mag-tabi!" Ramdam ko Ang inis sa boses niya.

"Ayoko parin! Gusto ko magkatabi Tayo ehhh, sa kwarto mo Ako matutulog" Narinig ko Ang pagmumura niya Ng mahina ngunit hinila Niya Ako palabas sa kwartong pinasukan namin at naramdaman ko nalang na nakahiga na Ako sa malambot niyang kama dahil naamoy ko na Ang nakaka addict niyang pabango sa kwarto, naramdaman kung nilagyan Niya Ako Ng comforter kaya nakangiti akong pumikit ngunit Ng maramdaman kung Wala Siya sa tabi ko napalingon Ako Ng makitang nasa sofa Siya at natutulog na.

Tumayo Ako at lumapit sa kaniya tiningnan ko muna siya sandali Bago halikan Ang noo niya at binuhat ko Siya papunta sa kama at inihiga Ng maayos nilagyan ko Rin Siya Ng comforter Bago Ako humiga sa sofa na siyang tinutulugan Niya kanina.

Hayyysss nakakapagod ngayong araw. Makakasama ko si Mara sa iisang kwarto ngunit bawal kaming magtabi kaya nirerespeto ko Ang disisyon Niya dahil syempre Hindi kami mag Asawa baka soon pwede hehe.

Continue Reading

You'll Also Like

31.4K 1.5K 17
-و أنتَ الذي جِئتَ صديقاً و أضحيتَ مالكاً لقَلبي- "هذه الروايه للحب فيما بعد الصداقه" -الروايه من تأليفي . -الغلاف من صنعي . -انا لَستُ شيبر لأحدهم...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
3.8K 137 30
Heirra International School. The most well known school in the country. despite being an all boys school they manage to make a name for them. Sabi n...
65.2K 3K 171
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...