AGS 5: Kiss of the Red Lotus

By LenaBuncaras

50K 3.5K 1.2K

ALABANG GIRLS SERIES #5 Shin Yu, the youngest daughter of a wealthy but dangerous Chinese family, lives in a... More

Kiss of the Red Lotus
Prologue
Chapter 1: The Ticking Bomb
Chapter 2: Breakfast
Chapter 3: Past Deal
Chapter 4: The Brother
Chapter 5: Right Hand
Chapter 8: Hope
Chapter 9: Dependence
Chapter 10: The Oasis
Chapter 11: Plans
Chapter 12: Heir
Chapter 13: Couple
Chapter 14: The Wife
Chapter 15: Wifezilla
Chapter 16: Wedding Disasters
Chapter 17: Dream
Chapter 18: Assassin
Chapter 19: Backup
Chapter 20: Rest Day
Chapter 21: Nostalgia
Chapter 22: New Head
Chapter 23: Indisputable
Chapter 24: Tiring
Chapter 25: Superiority
Chapter 26: Prepared
Chapter 27: Dawned
Chapter 28: Unwanted Deals
Chapter 29: Luncheon

Chapter 7: Possession

1.6K 145 45
By LenaBuncaras


My teenage days were full of confusion, fear, and expectations. I started to fear for myself, for my safety, and for my whole state inside our house.

Ipakakasal ako kay Ricky Chi, pero ayoko sa kanya. Kapag nasa bahay siya, natatakot ako. Sinasabi ni Mama na kailangan ko siyang pakisamahan nang maayos. Kapag dumarating ang iba pang kasama namin sa bahay, lalo akong nawawalan ng kakampi. Si Ahia Jian, bawal magsalita. Sina Achi, kampi kay Mama.

Nakakampante lang ako kapag kasabay na dumalaw ni Ricky si Ahia Wing at si Calvin.

Noong mga taon na 'yon, sinasabi ko na lang sa sarili ko, kapag may ginawa ulit si Ricky sa akin, gaganti ako. At kapag may nangyaring masama sa kanya, sasabihin ko na lang na utos 'yon ni Calvin. Kasi pabor ang pamilya ko kay Calvin. Hindi sila nagagalit sa kanya. At kapag may ginawa ako at sinabi kong inutos niya, hindi na magagalit sa akin sina Mama.

That was my weakest point: when I had to rely on someone's authority just to avoid the discrimination and punishment my family would give me.

I was fourteen when they started to see me as a young woman—someone valid as a sexual object.

I was fourteen . . . and my greatest fear was to get pregnant by that filthy monster.

When Calvin told me to call him when I needed him, I did. Sisimple ako sa may telephone sa kitchen, tatawag sa mga Phoa, ang sasabihin ko lang, "Si Bing po?" tapos ibababa ko na ang phone after that. Hindi ko alam ang number sa mga Dy, pero alam ko ang number sa mga Phoa dahil may nakasulat nang number doon sa kusina para matawagan sila.

No one considered that a prank call. Every time I did that, wala pang thirty minutes, nasa bahay na si Calvin. And most of the time, when he was at our house, Ricky was there too.

I could see the frustration in our helpers' and maids' eyes because they didn't know who to listen to once both of them talked.

Doon lang ako uupo sa kahoy na upuan sa living room. Tatabi sa akin si Calvin. Titingnan kami nang masama si Ricky na nakatayo lang at naghihintay na sumunod ako kasi gusto niya akong paakyatin sa kuwarto ko.

Hindi naman nagsasalita si Calvin. Tahimik lang kaming tatlo lagi. Pero ang ginagawa niya, ihaharang niya ang buong braso niya sa katawan ko, hahawakan ako sa gilid ng kabilang hita at isasara 'yon padikit sa kanya.

Hindi siya kayang awatin ng mga maid namin. Magwawala ang mga Dy rito at pipilayan nila ang negosyo ng pamilya ko oras na pakitunguhan nila nang masama si Calvin.

Pero sa paulit-ulit na ganoong ginagawa niya, nakatiyempo rin si Ricky isang gabi na walang Calvin sa paligid.

Nasa kalagitnaan ako ng paliligo nang makarinig ako ng kaluskos. Lahat-lahat ng takot ko para sa sarili ko, lumabas nang mga oras na 'yon.

My heart was beating fast. My head was throbbing. I tried to look for anyone but saw nothing.

"Ma?"

It triggered all of my senses, and the hardest part of the situation was the thought that I shouldn't hurt anyone visiting this house or else my whole family will hurt me—that miserable moment when I had to choose who should hurt me more instead.

I went out of the bathroom wearing nothing but a thick towel. Then a hand grabbed me from behind and covered my mouth. I was shouting, but someone was compressing it. The noise I made wasn't enough to ask for help.

"Tingin mo, makakatakas ka sa 'kin?"

Kahit hindi ko siya nakikita mula sa likod, alam ko nang si Ricky ang may-ari ng boses na 'yon.

"Ahia!" Itinulak niya ako paharap sa dingding at idiniin ang katawan ko roon pati ang mga kamay. "Bing—" Tinakpan ulit niya ang bibig ko at hindi ko na natapos ang pagsigaw.

Lalong dumoble ang takot at panginginig ko kompara noon.

Hindi ako makakilos. Hindi ako makalaban. Mas marahas ang hawak niya sa 'kin sa mga oras na 'yon. Ilang beses niyang inuntog ang ulo ko sa kahoy na dingding para lang huwag akong mag-ingay at mawalan ako nang malay kahit saglit lang.

Ang higpit ng hawak niya sa mga braso ko. Para niyang sinisipsip ang leeg ko hanggang balikat.

"Bing . . ." nanghihinang pagtawag ko at nanlalabo na lahat kasi ang sakit ng ulo ko.

Nagawa ko pang hawakan ang braso ni Ricky pero sa sobrang hilo, hindi ko malabanan ang ginagawa niya.

Lumamig lang lalo sa paligid nang mahubad ang tuwalyang suot ko. Muntik pa akong bumagsak kung hindi lang niya ako sinalo sa baywang.

Dumodoble ang tingin ko sa kisame, sa mga display sa dingding, sa may side table, kahit kay Ricky, nang bumagsak ako sa malambot na higaan.

Palingon-lingon ako sa paligid, naghahanap ng puwedeng ipamprotekta sa sarili ko kahit pa gusto ko na lang mahimatay.

"Ricky."

Namumungay ang mata ko nang lumingon sa may pintuan.

Narinig kong nagmura sa Cantonese si Ricky pero sobrang labo na ng boses niya, hindi ko na narinig nang maayos ang kasunod niyang ibinulong-bulong.

Sinubukan kong bumangon nang may lumapit na anino sa puwesto namin.

"Bing . . ." mahinang pagtawag ko.

Papikit-pikit na 'ko nang makitang may kinakaladkad na palabas ng kuwarto ko, at masyado na 'yong malabo para makita ko pa.

Sa sobrang hilo, nawalan na lang ako ng malay nang hindi ko napapansin.



♥♥♥



Kapag sarili mong pamilya ang kalaban mo, ang hirap mag-isip ng paraan para malabanan sila, lalo kung sa kanila ka pa umaasa.

Tinanggap ko nang wala akong kakampi sa kanila, at sinabi ko na sa sarili kong wala na akong ibang pakinabang dito kundi anakan at mamatay na lang pagkatapos.

Iyon talaga ang inaasahan ko.

Sinag ng araw ang gumising sa akin kinaumagahan. Sa sobrang takot ko para sa sarili ko, mabilis akong bumangon at napasinghap habang yakap ang sarili.

Pinandilatan ko ang paligid at napatingin sa katawan kong hubad—hindi. May damit ako. Mahabang pantulog. Balot mula leeg hanggang buong braso, hanggang sakong ang haba at sobrang kapal ng tela.

Lalo kong pinandilatan ang kuwarto kasi . . . hindi ko kuwarto 'yon.

Simple lang ang disenyo, walang kahit anong display sa dingding maliban sa Chinese quote na "Water flows in only to flow out" ang eksaktong translation.

Hindi ko alam kung kaninong kuwarto 'yon. Nagulat na lang ako nang bumukas ang isang pinto sa gilid at napaatras ako nang makita si Ahia Wing na kalalabas lang ng banyo. Ngumiti agad siya sa 'kin at itinuro ang bintanang nakabukas sa gilid ng kama.

"Sorry if the sun woke you up, Shobe."

Nahihiya akong yumuko habang kunot ang noo. Hindi ko kasi alam kung paano ako napunta rito.

"Hungry?"

Umiling ako habang sinusundan ng tingin si Ahia Wing. Nakasuot siya ng maluwang na puting T-shirt at itim na pantalon. Punas-punas niya ang kamay ng face towel habang naglalakad papunta sa side table malapit sa kama.

"I asked Madame Ai Ling if I could bring you here for the evening," kuwento ni Ahia Wing. Nagbukas siya ng drawer sa side table na katabi ng kama at may kinuha roon. Sigarilyo saka posporo.

Kompara kay Ricky, hindi pa masyadong magaling managalog si Ahia Wing. Marunong lang siyang makaintindi pero hindi siya nagsasalita. Mag-aaral pa lang daw siya. Pero deretso naman ang English niya kahit may kaunting accent.

"Ahia . . ."

"Hmm?" Nagtaas lang siya ng magkabilang kilay, kagat-kagat ng labi ang sigarilyo na sinisindihan pa lang.

"Si Ahia Ricky . . ."

Bigla akong tinawanan nang mahina ni Ahia Wing kaya lalo akong namaluktot para magtago sa mga unan.

"That fucker's digging his own grave." Ahia Wing puffed a smoke outside the window, and his tattoos were glaring at me from my view. "I heard the loud knocks last night. I thought someone was doing carpentry."

I barely talked to Ahia Wing. I wasn't allowed to talk to him that much. Ricky and he were the same age, and he was meant to marry Achi.

"How's your head?"

Mabilis kong hinawakan ang noo ko at napangiwi nang bigla 'yong kumirot, lalo sa parteng may bukol.

"Ricky's forgiven. I know that's fucking bullcrap, but, you know? We can never understand the logic of families."

"He likes to touch me . . ."

Ahia Wing cringed at that and nodded afterward. "Yeah. Most stupid perverts love doing that to any lady. Ricky's one of those, bad news. You scared of him?"

I slowly nodded.

Ahia Wing chuckled again and went to his drawer again. He took a golden dagger inside and handed it to me.

"You take that . . ." He gestured, stabbing his neck using a blank hand, and winked at me. "I'll hide the body. Just knock." Then he pointed to the other door behind him.

Ahia Wing, compared to Ricky, who looked like a nerdy boy, was scary and intimidating. His tattoos were full sleeves; two different divine dragons and clouds covered his skin.

He was more powerful than Ricky. He owned a whole district on the mainland. He was doing business and dealing with the authorities every now and then. My grandmother, Madame Min, chose him for our family's protection and power. Achi Susan served as my family's payment for that favor.

Ahia Wing was carefree, and I thought that dagger was enough for a little help. But his help was more than I expected.

Ricky hated him . . . a lot.

The next day na dinalaw ako ni Ricky, hindi pa siya nakakalapit sa 'kin, biglang may lumipad na kutsilyo sa mismong harapan ng mukha niya habang naglalakad siya palapit sa puwesto ko sa living room. Hinihintay ko lang si Calvin na dumating pero nakabantay rin si Ahia Wing habang nandoon ako.

"Henry!" galit na sigaw ni Ricky kay Ahia Wing.

Ahia Wing roared with laughter, "Hahaha! That was a weak throw!" and made fun of Ricky.

I wasn't sure which of the two of them I should glance at first when the knife sank into the wooden wall.

Ricky pointed at Ahia Wing and said, "Mind your own business, son of a bitch."

Ahia Wing chuckled, got to his feet, and glared at Ricky with sarcastic eyes while keeping his hands in his jeans pockets.

Ahia Wing calmly smiled at Ricky and stated, "I'll give you a fair deal, fucker. If you come close to Shobe, I'll cut your legs; if you touch Shobe, I'll cut your hands. Try to fuck Shobe again and say goodbye to the moon; you will never see the sun shine again. We good?"

Ricky glared at Ahia Wing while appearing pale.

Kinakabahan ako habang naririnig ko kung gaano kakalmado si Ahia Wing sa banta niya kay Ricky. Dinampa pa niya ang dibdib nito at ngumiti ulit bago bumalik sa upuan niya kanina.

Ang bigat ng paghinga ni Ricky nang titigan niya nang masama si Ahia Wing na nakangiti lang sa kanya nang matamis.

Natatakot ako kay Ricky, natatakot din ako kay Ahia Wing. Pero iba ang takot na nararamdaman ko sa kanilang dalawa.

Natatakot ako kay Ahia Wing dahil delikadong tao siya at kaya niyang manakit ng kahit na sino kung gugustuhin lang niya. Natatakot ako kay Ricky dahil sa ginagawa nito sa 'kin.

Nakatingin ako kay Ricky mula sa pagkakayuko, hindi siya naalis sa kinatatayuan niya matapos magbanta ni Ahia Wing. Wala pang ilang minuto, dumating na si Calvin. Mukhang galing siyang school. Naka-PE uniform pa pero walang dalang bag.

"Ahia," bati ni Calvin kay Ahia Wing at simpleng yumuko. Tiningnan lang niya nang masama si Ricky habang naglalakad palapit sa inuupuan ko.

Kung anong sama ng tingin ni Ricky kay Ahia Wing, ganoon din kasama ang tingin nito kay Calvin nang lampasan siya.

Paglapit sa akin ni Calvin, lalong kumunot ang noo niya. Lumampas sa ibabaw ng mata ko ang tingin niya, sunod sa braso kong kitang-kita kasi maikli lang at hanggang ibaba lang ng balikat ang manggas ng suot kong dress.

Kinuha ni Calvin ang kanang kamay ko at itinaas. Salubong ang kilay niya nang bumaling kay Ahia Wing. Napatingin tuloy ako kay Ahia. Pumaling lang si Ahia kay Ricky saka ngumisi habang umiiling.

Halos hatakin ako ni Calvin patayo at nasubsob na lang ako sa likod niya nang isiksik niya ako roon.

Natatawa lang si Ahia Wing nang maglabas ng sigarilyo.

Umalis kami roon ni Calvin na mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Two years ago, magkasintangkad lang kami. Last year, hanggang noo pa niya ako. Ngayon, hanggang balikat na lang niya ako.

Sa isip-isip ko, baka kaya hirap din akong lumaban kasi hindi ko sila kayang tapatan.

Sa labas ang isa sa mga hagdan ng bahay nina Mama. Doon kami bumaba at nakaabang na sa harap ng bahay ang isang gray na kotse. May lalaking naka-barong doon at hawak ang pintong nakabukas.

Pinauna na akong sumakay ni Calvin kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta. Napatingin ako sa kaliwang gilid kasi nandoon nakatabi ang itim na backpack at asul na attaché case na maraming laman.

Galing nga talaga siya sa school. Nasa bahay ako nag-aaral at nagpapasa lang ng written exams twice a month. Kung lalabas man ako para sa practical exam, kailangan ko pa ng mga bantay at dalawang beses lang 'yon kada tatlong buwan.

Nakatitig ako kay Calvin para itanong kung saan kami pupunta. Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa harapan at nagsusuklay ng buhok niyang magulo na guguluhin din ulit niya tapos susuklayin ulit.

"Bing . . ."

Nag-aabang akong lingunin niya pero hindi niya ginawa. Prente lang siyang sumandal sa backseat at ipinatong ang isang kamay sa ibabaw ng kanang hita ko.

Nalipat tuloy roon ang atensiyon ko kasi parang may koryente roon na pinagapang ang kilabot sa buo kong katawan. Napalunok ako.

Hanggang tuhod ang haba ng Mandarin-collared dress ko, pero umaangat hanggang gitna ng hita kapag mauupo ako, depende pa sa baba ng upuan. Mas malalim ang inuupuan ko ngayon kompara kanina sa bahay kaya natural lang na makita ang malaking parte ng hita ko na walang takip na tela.

Lumipat sa mukha ni Calvin ang tingin ko. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng sasakyan. Gusto ko na talagang itanong kung saan kami pupunta kasi baka pagalitan ako na wala ako sa bahay.

Pero hindi pa kami nakakatagal sa sasakyan, bumagal na ang andar namin. Napasilip tuloy ako sa labas at napataas ng magkabilang kilay nang magulat kasi nasa mansiyon kami ng mga Dy.

"Bert, sa dulo tayo," utos ni Calvin tapos imbes na kumanan, kumaliwa ang sasakyan at parang iikot pa yata kami sa dulo ng malaking bahay nila.

Malawak ang mansiyon ng mga Dy. May malaking bahay sa harapan, tapos magkakahiwalay nang mini houses sa gilid at sa likod.

Doon kami huminto sa dulong bahay na may second floor. Nagbukas ng sasakyan si Calvin at kinuha ang kamay ko. Nagbukas din ang driver ng pinto sa back seat at 'yon ang nagdala ng bags niya.

Pagpasok namin sa loob, malawak na library lang ang nakita ko sa kaliwa bago ang hagdan sa kanan. Pag-akyat namin, inilapag na roon ng driver ang mga bag ni Calvin sa tapat ng kahoy na pinto.

"Tatawag muna ako kay Mama," sabi ko.

"I called her office. Sabi ko, dito ka muna hanggang bukas."

"Bakit?"

Imbes na sumagot, tiningnan lang niya ako nang masama bago binuksan ang pinto. Inutusan ako ng tingin niyang pumasok na. Nakayuko lang akong sumunod.

Paglibot ng tingin ko sa kuwarto, maliban sa kama at study table sa kanang gilid, puro na display sa dingding ang nakita ko. Sa hilera ng pintuan, puro na mga mesang maraming nakapatong at sa dulo ay pinto rin.

Hindi ko alam kung kuwarto niya 'to. Kasi ang kuwarto niya, nasa main house. Yung walang display sa puting dingding pero may malaking family picture nila na nag-iisang naka-frame.

Naupo ako sa kama at tumanaw sa bukas na bintanang nasa ibabaw lang ng study table na katabi ng higaan.

Ibinagsak ni Calvin ang bag niya sa ibaba ng study table. Umupo siya sa sahig, nagbukas ng cabinet doon sa side table na katabi, at naghatak ng frame na gawa sa plastic. Tahimik din siyang nagbukas ng attaché case at hinatak doon ang isang certificate. Sinubukan kong basahin 'yon kahit baligtad sa anggulo ko.

Black Belt Certification.

Pinanood ko siyang ilagay 'yon sa frame tapos isinabit niya sa dingding na may nakausling pin.

Hindi ko alam kung bakit kami nandito sa bahay nila—o nandito sa kuwartong 'to na hindi ko alam kung kuwarto rin ba niya.

Pagbalik niya sa 'kin, halos umatras na ako nang yumuko siya para lang matapat sa mukha ko. Ipinatong pa niya ang magkabila niyang mga kamay sa kama sa magkabilang gilid ko. Pinandidilatan ko siya habang nakatingin siya sa 'kin nang may pagdududa.

"Sino'ng may gawa niyang bukol mo?" tanong niya.

Napapikit-pikit ako nang dalawang beses at napigil ang paghinga.

"Si Ricky Chi?" sagot niya sa sarili niyang tanong.

Kagat ko ang labi nang tumango.

"Pati 'yang mga sugat mo sa braso?"

Tumango ulit ako.

"Di ba, sabi ko, kapag ginalaw ka ulit, patayin mo na?" naiiritang sinabi niya kahit sobrang hinahon n'on.

"Hindi ko siya kaya . . ." Kulang na lang, ibulong ko 'yon sa sobrang hiya.

Umirap sa kanang gilid si Calvin at halatang nainis sa sinabi ko.

"Ang usapan, tatawagan mo 'ko," naiinis na paalala niya.

"Gabi na siya dumating. Habang naliligo ako."

Kagat na niya ang labi at sinuklay ng daliri sa kanang kamay ang bumabagsak na buhok niya sa noo.

"Ano pa'ng ginawa sa 'yo?" naiinis na tanong niya.

"Inuntog ako . . . nang maraming beses . . . tapos hinubaran niya 'ko ng towel . . . tapos hindi ko na alam ang kasunod kasi . . . nawalan na 'ko ng malay."

Ang lalim ng buntonghininga niya nang magkusot ng mata. Bakas sa mukha niya ang inis sa mga pinagsasasabi ko.

"Magkasundo tayo, ha?" naiiritang sabi niya at kinuha ang kanang kamay ko saka itinaas. "Ayoko nang makakita ulit ng ganito sa 'yo." Gumalaw ang tingin ko para lang makita ang mga kalmot at pasa sa braso ko. Binitiwan niya ang kamay ko at hinawakan ako sa panga para patingalain sa kanya. "Sa susunod na ulitin niya 'tong ginawa niya sa 'yo, ako na ang papatay sa kanya."

Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ni Calvin habang nakatitig ako roon. Kahit sobrang kalmado ng salita niya, alam kong galit siya sa ginawa sa 'kin ni Ricky.

"Walang ibang mananakit sa 'yo kundi ako lang," mahigpit na paalala niya, deretso ang banta sa mga mata ko. "Walang ibang hahawak sa 'yo kundi ako lang. Kung may papatay man sa 'yo, dapat ako lang. At hangga't hindi 'yan nangyayari, mabubuhay ka kasama ko, naiintindihan mo? Akin ka lang, Shin. Hindi sa Ricky na 'yon, hindi kahit kaninuman."


♥♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

369K 19.4K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
174K 5.7K 49
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...