My Happy Crush

By AndreaMaxima

1.2K 94 58

Description: Para sa teenager na katulad ko, normal lang ang magka-crush at maging hopeless romanti... More

Dedication
My Happy Crush
Chapter 1: First Page
Chapter 2: Paningin
Chapter 3: School Year
Chapter 4: English Book
Chapter 5: Checked By
Chapter 6: Last Dance
Chapter 7: Ceejay & Maica
Chapter 8: Panyo
Chapter 9: Magaling Ka
Chapter 10: Proud
Chapter 11: Sunsets
Chapter 12: Crush
Chapter 13: Group Chat Confession
Chapter 14: Private Message
Chapter 15: Lilipas
Chapter 16: Bukas na Libro
Chapter 17: Sunrise
Chapter 18: Comfort
Chapter 19: Red Letter
Chapter 20: Onion Rings
Chapter 21: Happy Birthday
Chapter 22: Bumalik
Chapter 23: Salamat
Chapter 25: Happy New Year
Chapter 26: Tula
Chapter 27: Isang Taon
Chapter 28: Cedrick
Chapter 29: No Regrets
Chapter 30: AkosiCaptain

Chapter 24: Sikreto

35 1 0
By AndreaMaxima

CHAPTER 24

Sikreto

Sa mga panahong malungkot ako, mapag-isa at hindi mapaghanap ng mga bagay na makapagpapasaya, saka dumarating ang mga pagkakataong hindi inaasahan. Nagbukas sa akin ang pinto ng mga oportunidad. May humila pa rin sa akin mula sa madilim na sulok para ipagoatuloy ang paglalakad kahit ilang beses na hindi pinalad.

"Ano ba 'to?" Sinapo ko ang pisngi ko at matamang tiningnan ang cellphone ko. "Ako ba talaga ang nagsulat nito? Kinikilig ako...."

Hindi ko alam kung saan ako kinikilig—kung sa mga eksenang sinulat ko o sa ideyang marunong at kaya ko pala talagang magsulat ng mga kuwento.

Nang nagsimula ang pandemya, hindi na kami puwedeng lumabas. Naapektuhan hindi lang ang pag-aaral kundi pati na rin ang mga negosyi ng mga mamumuhunan sa bansa. Maraming pagbabago pero sa parteng ito ng pagkatuklas, saka lang umayon sa akin ang pagkakataon.

Hobby ko naman na talaga noon ang pagbabasa pero hindi ko naisip na matutuwa akong magsulat. Sa sobrang sabik ko, halos nakakalimang chapter ako sa isang araw. Hindi ko alam kung paano ang kalakaran sa writing industry. Wala rin kaso sa akin kung may magbasa o wala. Kahit wala akong paunang kaalaman kung ano ba talagang tunay na konsepto sa industry ng pagsusulat, sumubok pa rin ako dahil masarap sa pakiramdam. Para akong nakahanap ng sandigan sa mga oras na binahagi sa akin ang bigat na mayroon ang mundo.

Ceejay: Galing! Congratulations, Jessa.

Hindi ko napigilan ang pagngiti. May reply na naman sa akin si Ceejay na walang palyang bumati sa mga achievement ko kahit maliliit na mga bagay.

Jessa Mae: Thank you! Maliit pa nga, e.

Mabilis naman siyang nag-reply. Wala siguro siyang ginagawa. Na-miss ko tuloy siya bigla.

Ceejay: Practice gratitude. Maliit man but still, that's a stepping stone. Masaya ako para sa'yo.

Jessa Mae: Salamat, Ceejay.

Masaya ako sa mga payo at mga salita ni Ceejay pero hindi enough para masundan pa. Hindi ko alam kung bakit na lang ganoon? Hindi ko alam kung siya o ako ba ang problema. Gusto ko man marami pa kaming pag-usapan at humaba pa ang conversation, madalas na hanggang doon lang.

Isa pa, mas natutuwa ako sa atensiyong natatanggap ko mula kay Sanford. Simula kasi nang nagkaroon ng pandemic, mas madalas ko na siyang maka-chat at makausap tuwing gabi—bagay na kinapananabikan ko dati pa.

******

"For your practical research, you need to give me topic and your title 'tapos magkakaroon tayo ng title defense by the end of March."

Tumango-tango ako sa harap ng camera sa sinabi ng teacher namin sa practical research. Kunwari, naiintindihan ko pero sa loob-loob ko, hindi ko alam kung paano ang gagawin ko. Gumawa na kami dati noong Grade 10 pero wala talaga akong ideya kung paano talaga paano 'yon pormal na gagawin. Isa pa, hindi rin naman namin natapos ang school year na 'yon.

Napahiga na lang ako pagkatapos ng tatlo kong klase. Ngayon pa lang, stress na ako kaya nagsulat na lang muna ako. Nag-check na rin ako sa writing account ko. Napangiti ako nang nakitang may progress ang reads. Ini-upload ko 'yon sa myday. Wala pang five minutes, nag-reply na agad si Ceejay.

Ceejay: Congratulations ulit!

Jessa Mae: Salamat ulit. Hahaha.

Tumaas ang mga kilay ko nang mabilis siyang nag-heart sa reply ko. Iba-back ko na sana pero nakita kong typing pa siya. Naghintay pa ako ng ilang minuto pero dumaan ang mga sandali, hindi na siya nag-reply pa.

Tiningnan ko na lang ang mga message sa mga group chat. Napasapo ako sa noo ko. Kailangan na nga pala naming magbigay ng topic para makagawa na ng title sa research. Kaya buong magdamag, inisip ko kung anong maganda pero lahat ng naiisip ko, hindi ako sigurado kaya hindi ko kinokonsulta sa groupmates ko.

Ceejay: You're welcome.

Mahina akong natawa. Halos tatlong oras na ang lumpias. Na-seen niya na naman ang chat ko kanina pa pero ngayon lang siya nag-reply.

Jessa Mae: Busy ka?

Magpapatulong ako sa kaniya. Alam kong sa taba ng utak ni Ceejay, alam kong mayroon siyang suggestions. Mabilis agad siyang nag-reply.

Ceejay: Hindi naman. Nakahiga na ako.

Jessa Mae: Hihingi sana akong suggestions regarding sa puwedeng topic sa research, qualitative about ABM strand sana.

Ceejay: Wala akong alam sa ABM... pero sige, wait...

Kinagat ko ang labi ko. Ang alam ko, STEM ang kinuha niyang strand. Baka maling desisyon na nagtanong ako sa kaniya. Isa pa, sabi nila, mahirap daw 'yong strand nila. Baka dumagdag pa ako sa stress niya.

Ceejay: Puwedeng sa research, deprivation of sleep dahil sa mga activities ngayong online class set up.

Napangiti ako. Puwede 'yon!

Jessa Mae: Sorry, ah! STEM student ka nga pala 'no? Sabi noong isang friend ko, classmate mo raw diyan sa school ninyo 'yong boyfriend niya.

Ceejay: Oo... Huwag mo sanang sabihin sa iba nating classmate kung saan ako pumapasok ngayon.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit gusto ni Ceejay iyon. Sabagay, wala talagang nakaalam kung saan siya pumasok dahil hindi na siya active sa dating group chat. Nalaman ko lang dahil nabanggit sa akin ni Shara na kaibigan ko.

Napakagat ako sa labi ko nang biglang mag-pop ang chat ni Sanford sa akin. Mabilis ko agad tingnan iyon. Hindi ko alam kung bakit pero kapag siya ang ka-chat ko, palagi talaga akong excited.

Sanford: Writer 'yarn? Gawa ka ng story about sa akin.

Jessa Mae: Hindi ka mamahalin ng readers. Red flag ka. Hahaha.

Sanford: Dali na! Guwapo ko kaya!

Natawa na lang ako. Balak ko naman talagang gumawa ng story about sa kaniya. Hindi ko namalayang inabot na kami hanggang alas dose na kami ng gabi nag-chat. Nang nag-good night na siya, saka pa lang ako umalis sa conversation namin. Isa-isa kong tiningnan ang mga message na hindi ko nabuksan. Natambakan na nga ang reply sa akin ni Ceejay kanina pa.

Ceejay: Nahihiya ako. Mga kaklase natin, sa mga malalaking school pumasok samantalang ako, dito lang...

"Dito lang...?" mahinang tanong ko.

Insecurities. May insecurities siya. Sabagay, matalino siya. Mas matalino pa kaysa akin. Hindi lang siguro siya ang nag-set ng expectations para sa sarili niya kundi ang mga tao sa paligid niya.

Ceejay: Gising ka pa.

Kinagat ko ang labi ko. Gising pa rin siya. Anong oras na ba? Malapit nang mag-one ng umaga. Ayaw kong mag-assume pero sa bilis niyang mag-seen sa convo namin, para bang inaabangan niyang makita ko ang huling chat niya.

Jessa Mae: Good morning. Salamat nga pala sa suggestion.

Ceejay: Gusto mo bang mas i-elaborate ko 'yong topic na binigay ko?

Mabait si Ceejay sa akin. Ang sarap-sarap tanggapin ng bawat tulong na binibigay niya sa akin.

Jessa Mae: Baka inaantok ka na.

Ceejay: Hindi pa. Natulog ako kaninang vacant period namin.

Tinuloy-tuloy niya na ang pag-explain sa akin. Dahil wala ako sa hulog, hindi ko makuha. Sa huli, tumawag na lang siya sa akin.

"Hello..." Ang malalim niyang boses ang agad na sumalubong sa tainga ko.

"Inumaga na tayo rito."

Mahina siyang tumawa sa kabilang linya. "Okay lang. Saglit lang naman 'to, Jessa Mae."

"So, paano na?"

Huminga siya nang malalim at nagsimulang mag-explain ng main points at ng informations na dapat kong malaman para alam ko ang isasagot once na nagpa-consult.

"Nakuha mo ba?" marahan niyang tanong.

"Oo..." Hindi ko napigilan ang paghikab.

"Inaantok ka na. Matulog ka na."

Papikit-pikit na ako pero may gusto pa akong itanong sa kaniya. "Last na tanong, Ceejay."

"Hmm?"

"Bakit... nahihiya kang malaman nila? Ayos naman ang school mo, ah?"

Saglit siyang natahimik. Para bang pinag-iisipan niyang mabuti kung magiging bukas siya sa akin o hindi.

"Ang totoo niyan, hindi na ako katulad ng dati. Nahihirapan akong mag-aral. Nahihirapan ako sa adjustments ngayong may pandemic," pag-amin niya.

"Kahit ako rin..."

Totoo naman iyon. Mahirap talaga. Hindi nakasanayan ang mga nararanasan namin. Nakakalungkot pero kung para naman sa kaligtasan, kailangang gawin.

"Ikaw lang ang nakaaalam nito—nitong nararamdaman ko. Ang mga iniisip ko, sa'yo ko lang sinabi at... sasabihin 'to."

Naghatid ng kuryente sa akin ang mga sinabi niya. "Talaga? May tiwala ka sa akin?"

"Oo..."

Inayos ko ang ulo ko sa unan at mas lalong nagtalukbong ng kumot. May tiwala siya sa akin... pero wala akong tiwala sa kaniya. Pakiramdam ko, kahit gaano na kami ngayon kalapit sa isa't-isa, kahit gaano kadami akong natutuhan sa kaniya, parang darating ang araw na huhusgahan niya ako. Hindi ko lang naman sa kaniya naramdaman iyon, kahit sa lahat ng mga taong nakasasalamuha ko.

Hindi ko alam kung totoo ang sinabi niya pero kung ganoon nga. Pakiramdam ko, espesiyal ako para sa kaniya. Parang may isang sikreto na kami lang ang nakaalam. Walang manghihimasok, walang makikialam, tanging kaming dalawa lang.

Huminga ako nang malalim. "Kung ganoon, salamat sa pagtitiwala sa akin, Ceejay."

Continue Reading

You'll Also Like

168K 9.6K 49
Porcia Era Hart x Chrisen
117K 3K 28
GXG
70.1K 165 15
SPG
850K 40.6K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle