That Damn Sexy Professor

By xMissYGrayx

395K 4.8K 1K

Ivan Anthony Fraizer's Story More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4

CHAPTER 2

39.5K 979 119
By xMissYGrayx




CHAPTER TWO


Holy fucking shit. Gusto kong tawagin lahat ng santo sa sinabi niya saakin. Anong sinasabi ng babaeng 'to na siya ang magiging Mrs. Fraizer? Ano ba siya? Sineswerte? I tried to calm myself again. Kung hindi ako kakalma, wala akong masasabing maganda ngayon gabi.

"Oh? Bakit hindi ka nagsasalita? Gulat kaba? Happy ka magiging tatay kana?" Nakangising tanong niya saakin. Hinimas niya ulit ang tiyan niya. "Pasalamat ka maganda ako, magandang lahi ang mabibigay ko sa'yo."

She had confidence. She wasn't like this that night? Hindi ko ma-recall talaga anak ng putangama. Mukhang kaugali ko pa 'tong nadisgrasya ko ah.

"Ganda mo kasi," pangbobola ko nalang. "Upo ka muna."

Tatayo sana ako para hilahin ang upuan na nasa harap niya. But she stopped me.

"Kaya ko naman. Buntis ako pero nagagalaw ko pa naman ang kamay ko."

Mataray na babae. Was this my type? NO. Isang mataray na babae lang ang nagpatibok ng puso ko. Ni hindi ko nga makuha-kuha ang bruha na 'yon. She ended up being my friend instead. Umupo si Hailey sa harap ko, her facial features were told me that she was a strong woman. Holycow. Makapal ang kilay at maayos na nakakurba, she had cat eyes and also her nose wasn't that pointed but it suited her face. Her lips, damn. Mahihiya si Angelina Jolie sa babaeng 'to.

But do I like her? Still NO.

"Kumain kana ba?" tanong ko nang makaupo siya.

"Pa-fall ka parin pala gaya nung gabi na nagkabanggaan tayo."

I tried my best to remember. It was all blurry. Pero naalala ko na may nakatapon nga ng alak sa damit ko nung gabi 'yon. Was it her? Baka hindi ko lang siya makilala masyado ngayon dahil wala siyang make-up. Girls loved wearing make-up especially when going to a party. She would wear one if she wanted to impress me. But she did not. Her face was bare naked.

"Ang weird mo pala. Titingnan mo nalang ba ako at oobserbahan ng ganyan? Hindi ba dapat ako ang gumagawa sa'yo niyan?" Mataray na tanong niya sa'kin.

"Hindi kasi kita maalala, Hailey," pag-amin ko.

"Sa dami ng babaeng naka-date mo after that night. Malamang hindi mo ako talaga maaalala."

"I'm sorry..." Mahinang sabi ko. "Pero akin ba talaga 'yan? Ginawa ko ba talaga 'yon nung gabing 'yon?"

"Oo!" Pasigaw na sabi niya.

Itinaas ko ang kamay ko. "Huwag ka naman sumigaw, baby girl."

"Don't baby girl me. I'm not your baby!"

I bit my lip. Hinayupak. Nagkamali pa nga ako ng nabundol. Mukhang sasakit ang ulo ko sa babaeng 'to ah. Ano ba ang dapat gawin dito para mapaamo?

"Okay, bestie," sabi ko sakanya.

Nawala ang galit sa mukha niya. Huh. Gotcha.

"I can be your bestie if you don't want me to your lover. I get it, you hate me. Wala naman may gusto sa nangyari at hindi rin ako nag-ingat, bestie. Now tell me, anong gusto mong gawin sa fuckboy nayarn?"

She crossed her arms, trying to act tough. "Putulan ng ari, pwede kaya 'yon?"

"Bestie naman..." I pouted. Para kahit papaano, maakit naman siya sa charm na mayroon ako. "Pananagutan naman kita pero kasi, paano ako makakasiguro na saakin 'yan?"

"DNA. Hello?" taas-kilay na sabi niya saakin.

"Ang bobo ko sa part na 'yan," sabi ko sakanya. "Goods ako sa DNA. Pero pagkatapos non, may gusto kaba mangyari?"

"Oo, kapag sinabi ko bang gusto kong panagutan mo ako. Gastusan. Bayaran lahat ng tatamaan ng lecheng pagbubuntis na 'to kasi hindi ako makakapagtrabaho. Kaya mo naman siguro 'yon dahil rich ka, 'di ba?" Matapang na sabi niya saakin.

"Hindi naman tayo magkakaproblema sa pera. Pero hindi mo naman siguro gusto magpakasal saakin gaya ng sinabi mo kanina?" Kinakabahan na tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Paano kung gusto ko ng kasal? Papayag kaba?"

"Sorry, baby. It's too sacred for me. Magpapakasal lang ako sa babaeng gusto kong makasama habang buhay. Ligawan mo muna siguro ako," sabi ko.

"Kapal mo!" Reklamo niya. "Basta 'yong sustento, hindi ka papalya. Okay ako roon."

Parang nawala ang kaba ko kanina. Shit. Hindi pumapasok sa sistema ko na magiging tatay na talaga ako. Nine weeks pa naman pwede gawin ang DNA. Hindi ako sigurado pero once ma-confirm na saakin talaga ang dinadala niya.

Syempre naman, kahit ayaw ko ng commitment. May itlog naman ako para panagutan siya. Hindi ako katulad ng iba na sasabihin na ipalaglag nila. Juskopo, mahabagin. Naniniwala ako lagi sa karma. Kapag may ginawa kang masama, babalik at babalik sa'yo 'yon kahit gaano pa kaliit ang ginawa mo.

May isang taong matutuwa sa balitang ito. Nanay kong lasinggera. Lagi ko kasing sinasabi sakanila na hinding-hindi ako magkakaroon ng sarili kong pamilya. Ayoko nga matulad saamin. Magulo. Hiwa-hiwalay. Lumaki ako na tanging pera ang pangtapal sa problema at pangangailangan namin magkakapatid.

Tatay ko babaero. Kaya naging idol ko 'yon. Okay lang daw mangbabae basta wala kang tinatapakan na tao. Siraulo, 'di ba?

"Nakikinig ka paba sa sinasabi ko, Ivan Anthony Fraizer?"

Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses niya. "Oo naman, tama ka roon." Pagpapalusot ko.

"Ano tama ako? Ang sabi ko kung gusto mong sumama sa check up. Nakashabu kaba?"

Kung pwede lang umirap ang lalaki, ginawa ko na. "High kasi ako sa'yo. Hindi ko akalain na kasing ganda mo ang magiging nanay ng anak ko."

"Hindi mo ako kailangan bolahin. Alam ko mga galawan mo."

"Hindi kita binobola, bestie." Tinaas ko pa ang kanang kamay ko. "Promise. Ganda ka ah? Ano skincare mo? Share mo naman, sissy."

Ewan ko nalang kung hindi pa siya matawa sa mga joke ko ah. Hirap naman i-please nitong bebe girl na ito. Inirapan lang ako. Baka pregnancy hormones. Ako siguro pinaglilihian nito? Sabagay, kung nagbubuntis lang ang lalaki tapos buntis ako, paglilihian ko rin ang sarili ko.

"Sasama ka nga? Sabihin mo lang kung oo o hindi, maiintindihan ko naman. Kasi alam kong busy ka sa ibang babae mo."

"Bakit ka nagseselos?"

Hinampas niya ako. "Anong nagseselos? Hindi naman tayo."

"Nakakailan hampas kana ah. Gusto ko na isipin na crush mo ako," pagtukso ko sakanya.

"Ano ba, sagutin mo na tanong ko. Sasama kaba o hindi?"

I crossed my arms. "Syempre, gusto kong sumama. Let me know when, I'll have my schedule fix."

Kahit naman wala akong ibang schedule kung hindi makipag-date sa ibang babae ngayon. Sinabi ko lang 'yan, baka sabihin niya patapon akong tao eh. Kakapasok palang ng taon. Ngayon ko palang din inaayos ang buhay ko tapos ganito, tatay na ako. Naks, congrats, self. The best ka talagang hinayupak ka.

We ordered food since I got hungry too. Kinikilig ang mga waitress saakin nang tawagin ko sila. Panay ang hinga ng malalim ni Hailey sa harap ko. If I knew better, was she irritated that this girls were flirting with me? Wala akong magagawa dyan. I couldn't resist me too.

"Sabihin mo lang kung hindi ka parin naniniwala ah," sabi niya na tila siya ang may trust issue. "Kasi ikekwento ko ang lahat ng nangyari. Mukhang sabog ka kasi nung gabing 'yon."

"I believe you," sabi ko nang palapit na ang waiter samin at nilapag ang mga pagkain sa mesa. "Eat first, you know. Mukhang pagod kapa at hindi kumain, dumiretso kana agad dito."

Tulala siya sa gwapo kong mukha. I didn't blame her, if I were her, I would stare at it, too. Gaya ng ginagawa ko sa salamin. I winked at her. Umirap siya na tila asar na asar sa ginawa ko. Bakit ba parang hindi gumagana ang charm ko sa babaeng ito? May anti kulam ba siya na suot sa katawan?

"You eat. I'll watch," I said when she looked at me again. "H'wag kang mahiya para sayo talaga 'yan. Saka tayo mag-usap pagkatapos mo kumain."

"Anong huwag mahiya? Sinong nagsabi na nahihiya ako?" sabi niya.

She left me speechless. Mukhang palaban talaga 'tong babae na ito. What did I do to deserved it? Oh right, I fucked way too many women.

Pagkatapos ako irapan muli, ibinaba pa niya ang mukha para amuyin ang bawat pagkain na nasa mesa. I ordered kare-kare, nilaga, fried chicken, buttered shrimp, sizzling sisig, tofu, sinigang na baboy, inihaw na bangus, lechon, sinangag at plain rice.

Hindi ko kasi alam kung anong gusto niya, I heard pregnant woman was really sensitive when it comes to food. They had certain liked and disliked, lalo na sa pang-amoy nila.

"Sobra naman dami nito, Ivan. Buntis ako, hindi patay-gutom."

See? Lahat ata ng hindi ko inaasahan na lumabas sa bibig niya, maririnig ko eh. Lord, ang laki ng kasalanan ko po sainyo, ano po?

"It's fine," sabi ko nalang. Mahaba naman din naman pasensya ko tulad ng alaga ko. Hindi ako mabilis mapikon. " You can take that out."

Nagliwanag ang mata niya saglit pero nawala 'yon agad at napalitan ng pagtaas ng kilay. "Sige, dami-dami nagugutom sa kalye... Sayang kung hindi ko uuwi ito."

"May tama ka dyan, girl," I said jokingly.

She just rolled her eyes once again. "Kairita ka," sabi niya saakin. "Wait, huwag ka magulo. Magdadasal lang ako."

It caught me off guard once again. Wala ni isa sa mga babaeng nakaka-date ko ang nagdadasal sa labas pagkakain. Pero itong babae na ito, hindi siya nahihiya na pumikit at magdasal sa harap ko. Woah, she's something else I didn't expect. Wala sa personality niya ang paladasal. Mukha kasi siyang maldita.

Pagkatapos niya magdasal, agad sinimulan ni Hailey ang pagkain na nasa mesa. I was just watching her, I'm both amazed and surprised dahil wala siyang kaarte-arte sa katawan. If some woman was with me right now, she probably eat little by little to impress me. Pero siya, halos lahat ng pagkain tinitikman niya at sinusubo sa bibig niya.

Tumitingin siya saakin paminsan-minsa pero iirapan niya lang ako kahit wala naman akong ginagawang masama.

"You want?" offer niya sa'kin ng manok. "Kumain kadin kaya, ikaw naman magbabayad nito, mokong."

The hell with mokong? Mukha ba akong mokong? Gwapo kong mukha, mokong lang tatawag niya saakin? I stayed my calmness.

Kinuha ko ang mango juice sa gilid ko at sinipsip. "I'm good, go ahead. Suit yourself."

"Sure kaba?" tanong niya habang ngumunguya. "Sorry, gutom talaga ako. Hindi ako kumain nong last break ko kasi ubos na 'yong complimentary na binibigay samin per day. Nakain ko na sa unang break ko lahat, ganito pala ata kapag buntis sobrang gutumin. Tapos 'yong baon ko naman na kanin, naubos ko rin pagka-one hour break ko."

Nilantakan niya rin 'yong lechon. Kinuha ko 'yong tubig at sinalin sa baso niya para ipaalala sakanya na kailangan niyang uminom ng tubig. Ngumiti naman siya sa'kin at nag-thank you.

"Ano bang trabaho mo?" interesado na tanong ko. Tumigil siya sa pagkain. Tinaas ko ang kamay ko dahil mukhang mang-aaway nanaman siya. "Nagtatanong lang ako ah."

Umirap siya. "Wala naman akong sinabi. Kagigil kasi 'yan mukha mo. Bakit kaya ganyan kurba?"

"Anong kurba? What's the problem with my face?"

I never heard someone saying I had a bad face.

SIYA LANG.

"Wala, mukhang gwapong-gwapo sa sarili."

I smiled forcely. "Edi pangit na."

"Hindi bagay sa pangit na part. Sige na, gwapo ka naman talaga," sabi nito at sumubo ng madami nanaman.

Para siyang hindi kumain ng ilan taon. Ano ba 'tong babaeng ito? Gusto lang ata niya makipagbangayan saakin ng buong gabi. Hindi naman ako mapagpatol. Buti nalang, napakaswerte niya sa magiging ama ng anak niya.

MABAIT. Hindi naman ako nambubugbog ng babae.

MAPOGI. Gusto ko lang talaga ipasok ito.

MAPAGMAHAL. Sa sobrang dami kong sinabihan I love you. Makakaltukan na ako ni Cupid.

MALAKI. Ang puso, nagdo-donate kaya ako kapag birthday ko sa mga batang may sakit.

"Ano nga trabaho mo?" ulit ko sa tanong kanina dahil kung saan-saan na napunta ang usapan namin.

"GRO. Okay kaba roon?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Are you serious?"

"Wow. English ah," pang-aasar niya.

"Ano nga trabaho mo? Usapan matino, Hailey."

Ngumuso ito. Wow. She looked cute doing that. "Part time ako. Iba-iba trabaho ko. Kung anong maisipan 'yon na iyon. Pero barista ako sa Coffee Shop diyan sa Cyford."

Napahinto ako sa paglunok ng laway ko. "C-cyford?" kinuha ko ulit 'yong mango juice sa gilid at ininom ng hindi gumagamit ng straw.

"Yes," ngumiti siya sa'kin. "Bakit may problema ba? Doon ako nag-aaral eh."

Muntikan ko nang maibuga sakanya ang ininom ko. "You're studying there? Woah, woman. Nag-aaral ka pa?"

Ibinaba nito ang kinakain. "H'wag kang judger, Ivan. Twentyfive na ako pero nag-aaral parin ako hindi dahil sa bobo ako o tamad. Kasi una, fourth year na ako. Eh, nagkataon na na-hospital 'yong mama ko rati ayon, kailangan kong huminto para magtrabaho pangbayad sa hospital bills at gamot niya."

Sumandal ako sa upuan. This woman would be the death of me. Sa dami-rami ng paaralan dito sa Manila, bakit doon pa kung saan nagtatrabaho ang Tita Corazon ko. She was telling me to apply as Professor there. Kaso hindi ko pa napag-iisipan mabuti. Kasi paloko-loko pa ako sa buhay ko.

Pero pangarap ko 'yon. Ever since fetus palang ako. Hindi ko lang ma-pursue dahil isa akong shitty person sa present time ng buhay ko.

"Okay, what happened to the other two years?"

"One lang, grabe ka. Kaka-twentyfive ko lang. Ngayon 'yong isa taon pero last year kasi, tatay ko naman na-hospital. Ayon, sinundan 'yong nanay ko. Nalungkot kasi na-miss niya ata. Hindi man lang naisip kaming mga anak niya." she pouted her lips but her eyes were glistenning.

"I'm sorry to hear that." I told her.

Alam ko kung ano pakiramdam nang mamatayan ng mahal sa buhay.

My dog, Shanchi died three months ago. Mas malala pa ang naramdaman ko sa pagiging broken hearted. When two girls rejected my love for them for another man, let's rephrase that. For the same man. It fucking hurt my feelings and pride. But with Sanchi, I felt like I loss someone I truly loved, my soulmate.

"Nako oks lang naman! Happy na ako kasi magkasama na sila. Pinatunayan nila na may forever sa kanila. Bongga, 'di ba?" nagsimula nanaman siya kumain. "Kasama ko na lang sa bahay 'yong kuya ko na dalawa pati asawa nung isa, saka pamangkin ko. 'Yong isa naman, tambay."

"Ikaw lang nagta-trabaho sainyo?"

"Hindi naman. Nagwo-work 'yong isa kong kuya pero syempre, hati kami sa bills at pagkain. So ngayon, habang nag-aaral nagpa-part time naman ko bilang barista. Hati 'yong shift ko minsan pang-umaga ako minsan pang-gabi, depende sa schedule na nakuha ko sa school. Kaso eto nga, nangyari na." Tinuro niya ang tyan niya.

Napahawak ako sa tenga ko. Naisip ko na ang lahat ng dapat kong sabihin. All I needed to had was courage and say it out loud. "Hailey, don't get offended, I need to tell you something."

Tumigil siya sa pagkain at tumingin ng deretso sa'kin. "Ha? Ano 'yon? Pinapakaba mo naman ako."

Huminga muna ako ng malalim at nagdasal sa maraming santo para gabayan ako sa sasabihin ko. "What if it's not mine? I don't recognize your face."

"Paano mo ma-recognize, sabog ka nga non? Okay kalang ba?"

Napalunok ako. She was scrolling using her phone. Ano kayang hinahanap niya? Mukhang ebidensya na ako talaga ang lalaking nakasiping niya ng isang gabi ah. Kinakabahan ako sa babaeng ito. Parang maaga akong magkakauban sakanya.

"May papakita ako sayo."

Tumalikod siya at kinuha ang bag sa likod. She was searching for something, long enough to made my system nervous again. Hinarap niya saakin ang cellphone niya.

My heart froze on what I saw. I felt like this before when I saw a test paper back in college with a failed score, a thesis proposal denied, an exam test paper with a marked: cheating, an ATM receipt with a zero balance in it and a positive pregnancy test.

Que horror!

Continue Reading

You'll Also Like

27.3M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
21.4M 698K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...