More Than Words

By AtashiaBliss

1.6K 162 2

Everyone is craving for love. And what we want is to have someone who can be our peace amidst of all the chao... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue

Chapter 12

40 4 0
By AtashiaBliss

Clarizette Marie's

"Wake up, sleepyhead" unti-unting iminulat ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mahinang pag-alog sa balikat ko. Napabuntong hininga na lang ako nang ang nakasimangot na mukha ni Trevor ang bumungad sa akin. "Bakit dito ka natutulog? Gusto mo bang mamatay sa lamig?"

Inirapan ko siya at bumangon na para mag-inat-inat. Narito ako ngayon sa bahay nya dahil naabutan ko noong isang gabi sa apartment sina Andrea at Lynard na may ginagawang kababalaghan at ang luka-lukang si Andrea ay pinalayas ako.

Happy naman ako para sa kanila dahil sa wakas ay natapos na ang patintero nila kaya lang, wala akong matutuluyan ngayon. Sigurado kasing pag doon ako nagstay sa apartment ay ako pa ang mahihiya para sa kanila. Mga honeymooners e. Pero go lang, deserve naman nila saka willing naman si Trevor na ampunin ako dito sa bahay nya.

"E dito na ako inabutan ng antok e. Saka kakarating ko lang kaninang 4 am" mumukat-mukat na sagot ko sa kanya dahil talagang antok na antok at pagod na pagod pa ako. Malapit na ulit kasi ang showing ng play namin kaya puspusan na naman ang rehearsals. Di pa rin naman ako tumitigil sa pagkanta sa bar kaya talagang nakakapagod.

Narinig kong napapalatak siya at ilang sandali pa ay naramdaman kong umangat ako sa couch kung saan ako nakatulog. Muli ay napabuntong hininga ako at yumukyok na lang sa dibdib ni Trevor para ituloy ang nabitin kong tulog. Ilang sandali pa ay naramdaman kong ihiniga na niya ako sa malambot na kama at saka kinumutan. Hindi ko maiwasang mapangiti. Nakakamiss rin talaga yung pakiramdam na may nag-aalaga sayo.

Nang muling magising ako ay gabi na. Nag-iinat na lumabas ako ng kwarto dahil nakaramdam ako ng gutom. Katahimikan ang bumungad sa akin paglabas ko ng pinto. Nagkibit balikat ako. Hindi na naman bago sa'kin ang ganito. Noong nasa Pilipinas si Andrea ay mag-isa lang din naman ako sa apartment namin. Kaibahan nga lang, mas malaki ang bahay ni Trevor kaysa sa apartment namin. Buti na nga lang at hindi ako matatakutin sa multo.

Pagdating ko sa sala ay naabutan ko si Trevor na mahinang humihimig habang panaka-nakang nagsstrum ng gitara. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil masyado akong pinagpala na libre ko lang naririnig yung boses nya pag kumakanta samantalang yung ibang tao ay nagbabayad pa ng libo-libo sa mga concert ng banda nila para lang mapakinggan siya.

Dahan-dahang lumapit ako sa kanya at nakisabay sa pagkanta niya. Napatingin siya sa akin at tumaas ang sulok ng labi. Mas nilakasan pa nya ang pagstrum sa gitara na parang mas ginanahan siya kaya napailing na lang ako. Sa ilang taong magkakilala kami, kung hindi pagbabangayan ay pagkanta talaga ang libangan naming dalawa.

Nang matapos namin ang kanta ay nakipag-apir pa siya sa'kin kaya natawa ako. Ibang tao talaga siya pag kasama ang musika. Parang hindi siya sakit ng ulo. "Nagluto na ako ng hapunan. Kain na tayo?"

Napakurap-kurap ako at saka sumulyap sa wall clock. 10:00 pm na. Mukhang siningil ako ng katawan ko kaya ang tagal kong nakatulog "Hindi ka pa kumakain?"

Nagkibit balikat siya. "We had a gig. Kauuwi ko lang" Napatango-tango na lang ako.

Nauna na siyang tumayo at nagpunta ng kusina kaya sumunod ako sa kanya. Ako na lang ang maghahain dahil masyado nang nakakahiya. Ampon na nga ako dito tapos ako pa yung pinagsisilbihan.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang mapansin kong kanina pa malalim ang iniisip niya. Sanay naman akong tahimik siya pero kasi, kanina pa siya bumubuntong hininga kaya alam kong mayroong kakaiba.

Nang hindi ko na nakayanan ay pabalyang binitawan ko ang mga kubyertos kong hawak kaya natigilan siya at napakurap-kurap.

"W-what is it?" kunot noong taong niya.

Humalukipkip ako at inismiran siya. "Anong problema mo? Bakit ang lalim ng iniisip mo?"

Kaagad naman siyang napaiwas ng tingin kaya naiinis na dumukwang ako at sinapo ang mukha niya saka pilit na pinaharap sa'kin. "Ano nga?"

Napabuntong hininga siya at saka hinawakan ang kamay ko para tanggalin. "I need to go back to the Philippines"

Napakurap-kurap ako at saka unti-unting napaupo sa upuan ko. "B-bakit?"

Nakakapagtaka lang. Ang sabi nya sa'kin noon ay wala na daw rason para manatili siya sa Pilipinas kaya mas minabuti na lang nyang dito sa London manirahan. Kung may makakapagpauwi daw sa kanya ay trabaho lang daw yun at wala ng iba.

Kumuyom ang mga kamay niya. "Pinapahanap sa'kin ni Daddy ang pamangkin ko"

Lalong napakunot ang noo ko. Ang alam ko kasi ay hindi maganda ang relationship nila ng mga magulang niya dahil mayroon na itong kanya-kanyang pamilya. Nasa Sweden ang Daddy nya habang nasa Texas naman ang mommy nya. May communication pa rin naman sila pero ang alam ko ay hanggang kamustahan lang sila pag nag-uusap. "P-pamangkin? Sa Pilipinas? P-paano? "

Napabuntong hininga siya. "I had an older brother. Hindi kami close dahil sa Tita ko siya lumaki. Naglayas kasi siya noong palaging nag-aaway sina Mommy at Daddy. Ako naman ay nanatili sa bahay hanggang sa magdecide ang parents kong maghiwalay. Naunang umalis si Daddy kaya naiwan ako kay Mommy. Then, after kong grumaduate ng high school, si mommy naman ang umalis. Hindi na ako nagpaampon sa mga kamag-anak ko dahil kaya ko na namang mag-isa. May sustento namang binibigay ang mga magulang ko. Okay na yun. Hindi na rin ako nakibalita kay Kuya dahil para sa'kin ay iniwan nya ako sa ere. Kinalimutan ko ng may kapatid ako"

Kitang-kita ko ang pangingilid ng luha niya kaya napatayo ako sa pwesto ko at mabilis na lumapit sa kanya para haplusin ang likod niya. Kaagad naman siyang napayakap sa akin at sumubsob sa tiyan ko. "Until one day, nakatanggap ako ng tawag mula kay Tita. N-namatay daw ang kuya ko"

Tuluyang napahagulhol na siya. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil first time ko lang siyang makita na umiiyak. Ang pagkakakilala ko kasi sa taong 'to ay mayabang at sakit ng ulo. Hindi ako sanay na ganito siya. "Nung namatay si Kuya, nakumpleto ulit kami nina Mommy at Daddy sa libing niya. Gusto kong maging masaya pero paano? Hiwa-hiwalay na nga kami tapos nawalan pa kami ng isang miyembro"

"Simula noon, lalong naging madalang yung usapan namin ng mga magulang ko.  Parang simula nung nawala si Kuya, kinalimutan na rin nila ako hanggang sa nasanay na lang ako. Nasanay na lang akong nag-iisa." hindi maiwasang maging ako ay mapaluha na rin. Ramdam na ramdam ko yung lungkot niya.

"Then last week, tumawag sa'kin si Daddy. He's dying and his last wish is to see his first grandchild. Akala ko, inuobliga niya akong magkaanak pero mali pala. Gusto nya palang hanapin ko ang anak ni Kuya" pagak itong natawa. "Ni hindi ko nga alam na may anak pala si Kuya. Saan ko naman hahanapin ang batang yun? Pero syempre, hindi ko pwedeng ipagkait sa Daddy ko ang kahilingan niya. Magulang ko pa rin siya kahit iniwan nila akong nag-iisa"

Hindi ko maiwasang mapangiti. May soft spot din pala ang mayabang na 'to. Nanatiling nakayukyok siya sa'kin habang hinahaplos-haplos ko ang likod niya. "Tahan na. Kailan mo balak umuwi ng Pilipinas?"

Nag-angat siya ng ulo at saka sinalubong ang tingin ko. "Sasamahan mo ako?"

Natawa ako at saka pinisil ang ilong niya. "May anak akong binubuhay, remember? Kailangan kong kumayod"

Napasimangot siya. "Sabing pakasalan na lang ako para ako na lang ang mag-aalaga sa inyo"

Naiiling na lumayo ako sa kaniya. "Di nga pwede. Tama ng sugar daddy nalang kita"

Inirapan lang niya ako kaya napailing na lang ako. Trevor and I are friends. Nadala na akong pumasok sa sitwasyong puro bugso lang ng damdamin ang pinapairal lalo na ngayon. Kailangan kong maging maingat. Kailangan kong pangalagaan si Isla. Hindi siya pwedeng madamay sa mga padalos-dalos kong desisyon sa buhay.

Makalipas ng isang linggo ay lumipad na si Trevor pabalik ng Pilipinas. Ako naman ay umuwi na rin sa apartment namin ni Andrea dahil nahihiya na ako kay Trevor. Though sabi nya ay wala daw kaso sa kanya ang pananatili ko sa bahay niya ay nakakahiya pa rin. Masyado na niyang ginagampanan ang pagiging sugar daddy.

"Good Morning, Lizette! How was your sleep?" nakangising tanong sa'kin ni Lynard pagkalabas ko ng kwarto ko kaya inirapan ko siya. Tinatapos na lang kasi namin ni Andrea ang showing ng play namin at saka uuwi na sila ng Pilipinas. Ito na ang last play ni Andrea kaya hinihintay na siya ni Ly dito para sabay na silang umuwi ng bansa. Sanaol.

"Walang maganda sa tulog ko dahil napakaingay nyong dalawa!" inis na asik ko sa kanya pero tinawanan lang ako ng walanghiya. Hindi ko naman sila masisisi. Mahigit 10 taon din ata silang nagtimpi sa isa't-isa kaya ngayong kasal na sila ay bumabawi talaga sila.

"Init ng ulo, Lizette ah. Miss mo na si Trevor?" pang-aasar sa'kin ni Andrea na biglang sumulpot sa likod ng asawa.

Napakunot naman ang noo ni Lynard. "Sinong Trevor? Yung pinagseselosan ni Juan Miguel dati?"

"Ahuh! Na jowa na ni Lizette ngayon" tuwang-tuwang sabi naman ni Andrea na may kasama pang palakpak kaya napailing na lang ako. Ayaw daw sa chismis pero kung maichismis naman ako sa asawa niya. Sasabunutan ko 'to mamaya e.

Nanlaki ang mata ni Lynard. "What?! Hindi pwede! Paano na si Honesto?!"

Binatukan siya ni Andrea. "Wag ka ngang OA, Antonio! Di naging sila ni Hans"

"P-pero paano si --"

"Andrea, anong sabi ni Scott nung tumawag?" kaagad na putol ko sa sasabihin ni Ly habang pinanlalakihan siya ng mata. Kaagad namang nawala ang atensyon nito sa'kin at nakasimangot na humarap sa misis niya.

"May tumatawag sayong ibang lalaki ha, Misis ko?! Alam ba niyan na kasal ka na sa first love mo at alam ba nyang first love never die?!" nakangusong tanong nya kay Andrea na inirapan ako at saka niyakap ang asawa niyang nagtatantrums.

Lihim na napangiti ako. Mukhang nakalimutan na kaagad ni Ly ang tungkol kay Hans at Isla. Good job, self. Safe.

Tagumpay na natapos ang play namin at tuluyang umuwi na ng Pilipinas ang mag-asawang Eliazar. Next month ay nakatakdang umuwi din ako doon para umattend ng church wedding nila. Pinaplano ko na ring ayusin ang mga papeles ni Isla dahil balak kong isama na siya dito pagbalik ko.

"Ate, si Tatay .." kaagad na binundol ng kaba ang dibdib ko nang marinig ko ang nanginginig na boses ni Caren pagkasagot ko ng tawag. "U-umuwi ka na ate, please. Hinang-hina na daw siya"

Pinatay ko ang tawag at mabilis na kinuha ang mga gamit kong palaging nakahanda in case of emergency. Lumabas ako ng bar na kinakantahan ko at saka pumara ng taxi para magpahatid sa airport. Tumawag ako kay Mr. Evans para humingi ng tulong kaya pagdating ko sa airport ay wala nang naging aberya.

Nang makasakay ako sa eroplano ay kaagad kong kinuha ang rosaryo sa bag ko at pilit na nagdasal. Noong nakaraang linggo kasi ay inatake na si Tatay sa puso kaya dinala siya sa ospital. Sabi naman ni Caren noong nakausap ko siya noong isang araw ay bumubuti na daw ang lagay ni Tatay pero bakit nagkaganito siya ngayon?

Walang lumalabas na luha sa mga mata ko dahil pilit na tinatatagan ko ang loob ko. Alam kong malakas si Tatay at makakaya niyang lampasan ang pagsubok na 'to. 

Hindi ko na namalayan ang tagal ng byahe dahil sa hindi maipaliwanag na kaba ko. Nang makarating ako ng airport ay magdadapit hapon na dito sa Pilipinas. Napayakap ako sa sarili dahil sa lakas ng hanging sumasamyo sa akin.

"How was your flight?" kaagad na nangilid ang luha sa mga mata ko nang marinig ko ang boses na yun. Kaagad kong ipinihit ang katawan ko para salubungin ng yakap si Trevor. Bago kasi magtake off ang eroplano  kagabi ay tumawag ako sa kaniya para may siguradong susundo sa akin pag dating ko dito. "Hush now. He will be okay"

Wala na kaming sinayang na sandali. Kaagad kaming sumakay sa sasakyan ni Trevor at tinahak ang daan pauwi sa probinsya. Nanginginig ang mga kamay ko pero hindi pa rin ako makaiyak. Ayokong umiyak dahil naniniwala akong hindi ako iiwan ni Tatay. Hindi ako iiyak dahil hindi siya mawawala sa'kin.

Dumeretso kami sa ospital kung saan naroon si Tatay. Naabutan ko doon si Clarence at Nanay na nagbabantay kay Tatay na payapang natutulog sa kabila ng mga kable at aparatong nakakabit sa kaniya. Nang makita ako ng mga ito ay kaagad ang mga itong yumakap sa akin. "Kailan ka pa nakauwi?" tanong ko sa kapatid ko.

"Kanina lang din" nakangiting sabi niya kaya napatango-tango ako. Maganda na din kasi ang trabaho ni Clarence bilang Engineer sa Dubai.

"Anak .. a-ang tatay mo" umiiyak na sumbong sa'kin ni Nanay habang nakayakap kaya hinalikan ko siya sa noo at nginitian.

"Wag ka nang umiyak, Nay. Gagaling si Tatay tapos aawayin tayo dahil dinala natin siya dito. Alam mong ayaw na ayaw nun sa ospital" nakangiting sabi ko sa kaniya kaya tumango-tango siya. Kinuha naman siya ni Clarence at inalalayan para makaupo sa couch.

Dahan-dahang naglakad naman ako papalapit kay Tatay. Ang kaninang tatag ng loob ko ay parang naglaho nang makita kong bahagyang nakamulat ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Bumuhos ang mga luha ko at gamit ang nanginginig na kamay ay hinawakan ko ang kamay niya.
"Tay, kamusta po? Nandito na po ako"

Kahit may nakapasak sa bibig ni tatay ay nagawa pa rin niya akong ngitian. Dahan-dahang itinaas niya ang kamay niya para haplusin ang pisngi ko kaya napapikit ako. Ang init ng palad ni Tatay ay parang mahikang nagtanggal ng lahat ng pagod at hinanakit ko sa buhay.

"S-sinusundo na ako ni Riz, anak. Ayaw na daw niyang mahirapan ako. Kailangan na ng kasama ng kakambal mo" kahit hinang-hina ay nagawa pa niyang sabihin ang mga salitang iyon. Iminulat ko ang mga mata ko at pilit na nginitian siya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan. Ayokong maging selfish. Alam kong hirap na hirap ka rin siya. 

"Tay, pakisabi kay Riz na miss na miss ko na siya saka alagaan ka rin niya nang mabuti" Tumayo ako at bahagyang umuklo para halikan siya sa noo. "Mahal na mahal kita, Tatay ko. Maraming salamat po"

May tumulong luha sa mga mata ni tatay pero nanatili siyang nakangiti habang nakatitig sa mukha ko. Ilang sandali pa ay narinig ko ang maingay na tunog ng makita kasabay ng pagtuwid ng linya na nasa monitor. Narinig kong nagkagulo ang paligid ngunit muli akong umuklo upang halikan si Tatay sa pisngi sa huling pagkakataon.

Hanggang sa muli, Tay.

Hanggang sa mailibing si Tatay ay hindi umalis si Trevor sa tabi ko. Maging ang pamilya ko at si Isla ay napalapit na sa kaniya. Sabagay, mabait naman talaga ang taong ito.

"Mama, samahan mo ako sa Baguio, please!" naglalambing na sabi sakin ni Isla habang paulit-ulit na humahalik sa pisngi ko kaya napailing na lang ako.

Akalain mo naman kasing namana pa ng batang 'to ang galing kaniyang ama sa mga board and mind games. Champion lang naman siya sa Regional Sports Fest sa larangan ng Sudoku at Chess. Sigurado akong hindi niya sa'kin nakuha yun dahil kaaway ko ang lahat ng numbers.

Sinapo ko ang mukha niya at saka pinanggigilan siya. Nakasakay kami ngayon sa kotse ni Trevor dahil sinundo namin ang bata sa school ngunit bago yun ay galing kami ni Trev sa Batangas para kunin ang gown kong gagawin sa kasal ni Andrea. Actually, nakisakay lang ako sa kaniya dahil saktong nasa Batangas siya para sa isang trabaho. "Ang galing galing talaga ng baby ko. Ang tali-talino pa. Syempre naman, sasamahan kita dun! Tatalunin natin ang mga kalaban mo!"

"E mama, di naman sila naniniwala sa'kin na magaling ako e. Laging pinipisil ng mga kalaban at teachers yung pisngi ko bago magstart ang game! Ang sakit-sakit kaya nun, mama!" reklamo niya kaya lalong natawa ako. Pag sumisimangot siya, para talaga siyang ama niya. Ang lakas talaga ng dugo ng gagong yun. Hay, ang unfair talaga. Partida, di pa sila magkakilala niyan.

"Kasi nga cute ka! Kahit nga ako, gusto kitang lamutakin palagi!" muli ay pinaghahalikan ko siya kaya napahagikhik siya. Ang saya lang na nakakasama at nayayakap ko na siya ng ganito ngayon.

"Mama! Maganda ako, hindi cute!" katwiran pa niya kaya ang kanina pang tahimik na kasama ko ay natawa na rin. Sabay tuloy kaming napatingin ni Isla sa kaniya. "Tito Trev, hindi ka naniniwalang maganda ko?!"

Nakagat ni Trev ang labi niya at saka inabot ang pisngi ni Isla at pinisil nang hindi inaalis ang tingin sa daan. "You're the most beautiful girl I've ever seen, sweetheart"

Muli ay humagikhik ang bata at mabilis na humalik sa pisngi ng lalaki kaya napailing na lang ako. Napakasweet talaga ng anak ko.

Bago umuwi ay dumaan muna kami sa isang fast food chain dahil kanina pa nagrereklamo si Isla na gutom na daw siya. Napagod daw siya kakapractice maghapon.

"Mama, cr lang ako" bulong sa'kin ng anak ko habang narito kami sa table. Si Trevor na kasi ang pinapila ko para mag-order dahil pinapangatawanan talaga niya ang pagiging sugar daddy. Buti nga at nakasuot ng hoodie at mask ang gago kaya di siya nakikilala. Pero as usual, madami pa ring napapatingin sa kaniya dahil higante siya.

"Do you want me to accompany you?"

Mabilis na umiling naman ang bata at saka nagtatakbo na sa cr. Hindi ko maiwasang malungkot. Hindi ko man lang naabutan yung oras na kailangan niya ako sa mga ganitong maliliit na bagay. Ngayon kasi ay parang kayang-kaya na niya ang sarili niya.

Hindi rin nagtagal ay dumating na si Trevor dala ang mga pagkain pero si Isla ay hindi pa bumabalik. Nang magawi ang tingin ko sa playground area ay napailing na lang ako nang makita ko ang anak ko doong sige sa paglalaro.

Napangiwi ako nang pagslide niya ay hindi niya naitapak kaagad ang paa niya kaya pabagsak na napaupo siya sa mat. Tumayo ako para lapitan siya pero naunahan na kaagad ako ng isang lalaki. Tinulungan niyang tumayo ang anak ko pagkatapos ay lumuhod siya sa harap ng bata at bagyang pinagpagan pa ang uniform ng anak ko.

Napakunot ang noo ko dahil lumiwanag ang mukha ni Isla na parang kilala niya ang lalaki. Dali-daling lumapit ako sa kanila at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko si Hans na kausap ang anak ko.

Ang anak naming dalawa.

---

Honesto Andres'

"I hate you, Hannah! Bakit mo nagawang itago sa'min si Rebel ng ganun katagal!" naiiyak na asik ni Eunice kay Hannah na napakamot na lang sa ulo niya. Hindi ko maiwasang mapangiti. Sa wakas kasi ay napilit ko na siyang aminin sa mga kaibigan niya ang totoo. Wala namang masama sa pagkakaroon ng anak. Blessing kaya ang lahat ng bata.

"Komplikado nga kasi ang sitwasyon. Ayokong mag-explain dahil nakakatamad" parang balewalang sabi ni Hannah sa mga kaibigan kaya napailing na lang ako. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to.

"At hindi mo pa rin talaga boyfriend si Hans sa lagay na yan? Nauna pa niyang malaman ang tungkol kay Rebel kaysa sa amin ah" tila nagtatampong sabi naman ni Cala kaya napataas ang kilay ni Hannah at saka sandaling sumulyap sa akin para lamang umirap.

"Kasi chismoso siya at pakialamero" sagot niya kaya narinig kong natawa si Jarred at saka tinapik ang balikat ko na parang nakikisimpatya kaya binatukan ko siya. Wala naman sa'kin yung ganung mga salitaan ni Hannah dahil sanay na sanay na ako sa kanya.

Narito kami ngayon sa bahay ni Hannah para ipagdiwang ang birthday ni Rebel. Magkatulong kami sa pag-aayos nito at ito din ang napili niyang pagkakataon para sa wakas ay ipakilala na rin ang bata sa lahat.

Natatawang inakbayan naman ako ni Jarred. "Kailan ang kasal?"

Kunot noong nilingon ko naman siya. "Nino? Ni Ly? Diba next week?"

Muli ay natawa siya. "Gago. Alam ko. Kasal mo ang tinatanong ko, tanga!" 

Napasimangot ako. "Bakit naman ako ikakasal? Ang sarap kayang maging single"

"Akala ko kayo ni Hannah?" takang tanong niya ngunit di na ako sumagot pa. Bigla kasing pumasok sa utak ko ang kasalanan ko sa mag-ina. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang alam doon at hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng konsensya ko.

Pagkatapos ng party ni Rebel ay nagstay pa rin ako doon dahil ang bata ay humiling tulungan ko siyang buksan ang mga gifts niya. Ang saya-saya ng bata. Lalo akong kinakain ng guilt.

Napakurap-kurap ako nang may maglapag ng juice sa center table na nasa harapan ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakangiting mukha ni Hannah ang nabungaran ko. "Thank you again, Hans"

Gaya ng palagi kong reaksyon ay nginisihan ko siya. "Welcome, Madam"

Naiiling na tumabi siya sa amin ni Rebel para makibukas ng mga regalo. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Mataray siya sa ibang tao pero pagdating sa anak niya ay napakabait at pasensyosa niya. Palagi siyang nakangiti at attentive sa anak niya. Bagay na kahanga-hanga.

Nang mapagod si Rebel ay kaagad din itong nakatulog kaya naghanda na rin ako para umalis. Masyado na ring gabi.

"Aalis ka na?" napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Hannah kaya tumango ako. Nagkibit balikat siya at saka nilampasan ako. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa bar counter. Pumili siya ng alak doon at saka muling sinulyapan ako. "Can you stay a little longer?"

Ngumisi ako at lumapit sa kanya. "May alak ka. So, may balak ka sa'kin?"

As usual ay inirapan lang niya ako at saka kumuha ng baso bago inabot sa'kin. Siya na rin ang nagbukas ng alak at nagsalin sa baso naming pareho. Nauna siyang uminom kaya nagkibit balikat ako at uminom na rin. Wala naman akong balak maglasing dahil kailangan kong umuwi.

"May problema ka?" pagkuwa'y tanong ko dahil napapansin kong sunod-sunod ang paglagok niya ng alak.

Ngumiti siya at nagkibit balikat. "Hindi naman nawawalan"

"Gusto mong ishare?"

"Judgemental ka ba?" natatawang tanong niya kaya umiling ako.

Ngitian ko siya. "Open-minded ako"

Natawa siya sa'kin at napailing-iling bago muling uminom ng alak. Akala ko ay wala na siyang balak magkwento pero natigilan ako nang ibuka niya ang labi niya. "Hindi ako ang biological mom ni Rebel"

Natigilan ako dahil sa gulat pero ngumiti lang siya at muling nagkwento. "He's my ex-boyfriend's son with a woman he cheated on me. High school lang kami ni Raiver nung nagstart ang relationship namin. He saved me. I was used by my uncle. Ginamit niya ako bilang taga deliver ng mga droga. Wala akong alam doon hanggang sa dumating si Raiver at inalis ako sa sitwasyong yun"

"Noong lumayas ako sa poder ng Tito ko, pamilya ni Raiver ang nagpaaral sa'kin. Nandito ako Batangas habang siya ay nasa Manila. Noong una ay okay kami. Bumibisita siya sa'kin at tumatawag palagi until one day, nagbago ang lahat. Nabigla na lang ako nang saktan niya ako physically. Ang isang beses ay naulit nang naulit hanggang sa sumuko ako at nakipaghiwalay na sa kaniya" naikuyom ko ang mga kamay ko. Walang karapatan ang kahit na sinong lalaki na manakit ng mga babae. Kahit gaano kinatatakutan ang Daddy ko ay hinding-hindi ko kailanman nakitang napagbuhatan niya ng kamay ang mommy ko.

"1 year after the breakup, muli ay nagpakita siya sa'kin asking for forgiveness. Pinatawad ko kasi mahal ko pa. Simula noon, hindi na muli pang nanakit si Raiver. Naging maayos ulit ang relasyon namin. We were planning to get married pagkagraduate namin dahil iyon na lang naman ang kulang sa'min. Ready na kaming bumuo ng pamilya. Pamilya na ang tagal kong pinangarap"

"After graduation, natanggap siya sa isang magandang kompanya. Namove nang namove ang kasal dahil hinahabol niya ang promotion niya. Okay lang naman sa'kin dahil para naman sa future namin ang ginagawa niya. Until one day, may isang babaeng kumatok sa bahay. She's holding a baby in her arms. Sabi niya sa'kin, anak ni Raiver ang batang iyon at hindi niya kayang buhayin dahil nag-aaral pa siya. Wala siyang balak alagaan ang bata dahil hindi alam ng pamilya niya na nabuntis siya" bakas ang luha sa mga mata niya pero nakangiti siya na parang sinasariwa ang panahon na una niyang nahawakan si Rebel.

"Ang liit-liit niya noong unang beses ko siyang nahawakan pero kaagad na minahal siya ng puso ko. Anak man siya ng mga taong nanloko sa'kin ay hindi ko magawang magalit sa kanya. Muli ay nakipaghiwalay ako kay Raiver dahil pagod na pagod na ako sa panloloko niya. I was abused physically and mentally at ang tanga ko pa kung tatanggapin ko pa siyang muli. I worked hard and gave my all to Rebel. Hinahayaan ko si Raiver na dalawin ang anak niya pero hanggang doon lang yun. Ako ang nakarehistrong ina ni Rebel kaya wala siyang magawa. Akin ang bata at aalagaan ko siya buong buhay ko. Sa wakas kasi ay may tao nang sure ako na makakasama ko habambuhay" muli ay lumagok siya ng alak at nginitian ako. "Wag mong ipapaalam kahit kanino ang kwentong yun ha. Gigilitan kita ng buhay"

Seryosong tumango ako at saka tumungga ng alak. Nakakagulat ang mga nalaman ko at mas lalo akong humanga sa kaniya bilang babae. Ang tapang niya.

"Unfortunately, maagang nawala si Raiver. Maagang naulila si Rebel sa ama dahil sa isang aksidente. May sakit kasi si Rebel noon kaya nagmamadali siyang umuwi. Ayun, nabangga ng lasing na motorista" tuloy na kwento niya kaya napaiwas ako ng tingin at naikuyom ang mga kamay ko. "Gago man siyang boyfriend pero mabuti siyang ama. Mahal na mahal niya si Rebel kaya paunti-unti ay nawawala ang galit ko sa kaniya. Isa pa, he saved me twice. Thankful pa rin ako dahil naging parte siya ng buhay ko"

Namumungay ang matang humalumbaba siya sa harapan ko kaya natauhan ko. "Jinajudge mo na ba ako ngayon?

Bumubuntong hininga ako. "No. In fact, humahanga ako sayo. You're a strong woman, Hannah"

I'm really really sorry.

Kinabukasan, maaga akong bumyahe dahil may pinatingnang lupa sa'kin si Daddy sa isang karatig probinsya. Balak niya atang matayo ng resort sa lugar. Mas nagfofocus na kasi ngayon si Daddy sa mga legal business. Mukhang sumuko na siya sa bossing niyang si Donya Hazel -- ang mommy ko.

Naiiling na pinarada ko ang sasakyan sa tapat ng isang fast food chain dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Isa pa, nagugutom na rin ako dahil hindi pa ako nanananghalian. Okay na din dito. Para makabili ako ng pasalubong sa mga inaanak ko saka kay Rebel. Paborito pa naman nila ang mga pagkain dito.

Habang nakapila sa cashier para umorder ay nagawi ang tingin ko sa playground area kung saan may mga batang naglalaro. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang cute cute talaga ng mga bata. May kung anong magic talaga sila na nakakatanggal ng mga agam-agam.

Naagaw ng isang batang babae na nakauniform na asul ang atensyon ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yung batang halimaw sa chess at sudoku. Yung cute na batang pamangkin ni Clariz.

Napangiwi ako nang pagslide niya ay hindi niya kagaad naitukod ang paa kaya diretsong napaupo siya sa mat. Dali-daling umalis ako sa pila at nilapitan siya.

Namumula ang maputi niyang ilong at pisngi. Nasaktan siguro.

Inalalayan ko siyang makatayo at pinagpagan ang uniform niyang bahagyang nagusot. "I know you, Mr. Di'ba ikaw yung nag-hug sa'kin nung naglaban ako sa chess at ikaw din po ba yung coach nung kalaban ko?" inosenteng tanong niya kaya napangiti ako at tumango. Kaagad na nagliwanag naman ang mukha niya at bigla ay nakaramdam na naman ako ng kaba sa dibdib ko. Kabang kagaya ng nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Clariz. "Alam mo po, Mr. Lalaban ulit ako ng chess sa Baguio! Kasama ko ang Mama ko!"

Nginitian ko siya at saka pinisil ang pisngi niya. "Wow! Talaga? Congratulations, Little Missy. Nasaan ba si Mama mo?"

Kaagad na dumako ang tingin niya sa likod ko at muli ay nagliwanag ang mukha niya. Kumaway-kaway siya sa kung sinong nasa likod ko kaya natatawang lumingon ako.

Kasabay ng pagkabog ng dibdib ko ay ang panlalakinng mga mata ko nang makita ang kinakawayan niya.

"Mama! Come here! Papakilala kita kay Sir!  Siya yung coach ng kalaban ko sa chess! Yung bad boy na nagpinch ng pisngi ko!"

Kahit nanginginig ang tuhod ay pinilit kong tumayo. Unti-unting lumapit sa'min si Clariz na siyang tinutukoy na 'Mama' ng bata at saka hinawakan ito sa kamay. "Let's go, Isla"

"Mama --"

"I said let's go" pinal na sabi niya sa bata kaya napayuko na lang ito at sumunod sa kanya.

Para hindi sila tuluyang makalayo ay mabilis na hinawakan ko si Clariz sa kamay at pilit na hinarap sa'kin. "A-anak mo?"

Nakagat niya ang ibabang labi at umiwas ng tingin. Huminga siya ng malalim at ilang sandali pa ay sinalubong niya ang tingin ko. Apat na salita lang ang lumabas sa bibig niya pero sapat na para tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.

"Anak mo. Anak natin"

...

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 347 36
In collaboration with @trexdadinosaur_ Hinigaran Series 1 The photo used for the book cover is not mine, credits to the rightful owner. Started: Sept...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend