VILLEGAS TRILOGY 1: Brittle H...

By WannaReadMyStory

41.2K 852 51

WARNING: SPG, R18+ Enrico Oliver Villegas came from a reputable family. But even with his family's good name... More

SYNOPSIS and PROLOGUE
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
FIFTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
TWENTY EIGHT
TWENTY NINE
THIRTY
THIRTY ONE
THIRTY TWO
THIRTY THREE
THIRTY FOUR
THIRTY FIVE
THIRTY SIX
THIRTY SEVEN
THIRTY EIGHT
THIRTY NINE
FORTY
FORTY ONE
FORTY TWO
FORTY THREE
FORTY FOUR
FORTY FIVE
FORTY SIX
FORTY SEVEN
FORTY EIGHT
FORTY NINE
FIFTY
FIFTY ONE
FIFTY TWO
FIFTY THREE
FIFTY FOUR
FIFTY FIVE
FIFTY SIX
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
SPECIAL CHAPTER 4
SPECIAL CHAPTER 5
SPECIAL CHAPTER 6
SPECIAL CHAPTER 7
SPECIAL CHAPTER 8
SPECIAL CHAPTER 9
SPECIAL CHAPTER 10
SPECIAL CHAPTER 11
SPECIAL CHAPTER 12
SPECIAL CHAPTER 13 - FINALE

TWENTY

586 11 3
By WannaReadMyStory

Kumatok si Ashley sa pinto ng kuwarto ni Oliver kahit na nakabukas iyon, para lamang tawagin ang atensiyon ng binata. Pumasok siya sa kuwarto nito.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa mahinang boses, sapat lamang upang marinig nito.

"Yeah," maiksing sagot ng binata. Katulad kanina, hindi siya nito tinapunan ng tingin.

Kumunot ang noo niya nang makitang nag-eempake ito. Nakapatong ang malaki nitong maleta sa ibabaw ng kama at panay ang paglalagay nito roon ng damit mula sa cabinet. Kauuwi lamang nito pero heto at mukhang aalis na naman.

"Saan ka pupunta?" Hindi niya maiwasang tanong. Hayun na naman ang pag-o-overthink niya, nagsisimula na naman.

"I'll in Cavite for a week."

"Cavite?" Oo nga pala, parang may natatandaan siyang nabanggit nito sa kaniya tungkol sa isang seminar nito. "Uh, e 'di kami isang linggo pala ang bonding time namin nito ni Via." She tried to joke to lessen the weight of the atmosphere.

"No."

"Huh?" Napamaang siya.

"Via will also not be here for a week or two. She'll be with Veron. Via already agreed to it." Kung gayon, iyon pala ang pinag-usapan ng mag-ama kanina.

Parang natulos siya sa kinatatayuan dahil sa narinig. Napatitig na lamang siya sa binata, hinihintay ang eksplanasyon nito.

Bakit ito pumayag na kay Veron muna si Via? At sa loob pa ng isa o dalawang linggo? Nakalimutan na ba ng binata ang ginawang pang-iiwan ng babae sa sarili nitong anak? Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay wala siyang eksplanasyon na narinig.

Gusto niyang magtanong. Ngunit may karapatan ba siya? Clearly, ipinararating sa kaniya ng mga kilos ni Oliver na wala. Wala siyang karapatan. Hindi naman siya parte ng pamilyang iyon. Kahit ilang ulit siyang tumutol, hindi niyon mababago ang katotohanan na wala siyang karapatan kay Via.

Itinago niya ang mapait na ngiti. "Kung gayon, solo ko pala ang bahay sa loob ng isang linggo."

Iyon na lamang ang nasabi niya. Himala pa nga na hindi nadurog ang boses niya. Pakiramdam niya, may bikig sa lalamunan niya. Mabigat ang kaniyang loob, at isa pang salita na lalabas mula sa bibig niya, talagang tutulo na ang kaniyang mga luha.

Hindi sumagot ang binata. Nagpatuloy lamang ito sa ginagawa.

Bumuka ang bibig niya. Tila may gustong lumubas na mga salita doon, ngunit sa huli, nanatili iyong tikom. Nanatili siyang nakatayo roon. Hindi niya gustong umalis nang hindi sila nakakapag-usap nang maayos.

"Oliver—"

"Do you still need something? Kailangan ko pang tapusin ito."

"Uh," umiling-iling siya. "Wala na."

Tinalikuran na niya ito at tinungo ang pinto. Pero hindi pa siya nakalalabas doon ay napatigil siya sa paghakbang. Kung hindi niya sasabihin ngayon sa binata ang saloobin niya, kailan pa niya iyon masasabi?

She can't sulk forever.

Pinatapang niya ang ekspresyon at muling humarap dito.

"Bakit mo hinayaan na kay Veron tumuloy si Via sa loob ng isang linggo?"

"She's her real mother."

Ipinagdiinin nito ang salitang 'real' sa kaniya, at oo nga naman, ano nga naman ang laban niya roon?

"Alam ko," sagot niya. "Pero inisip mo man lang ba ang nararamdaman ni Via? Alam mo ba kung ano ang sabi niya sa akin? 'Mommy, I'm scared.' Malamang hindi niya ito gagawin kung hindi mo siya pinilit. Oliver, hindi ko nagustuhan ang ginawa mo." Mahinahon pa rin ang kaniyang boses. Ayaw niyang marinig ni Via kung ano man ang pinag-uusapan nila ng ama nito.

Doon na napatingin sa kaniya ang binata. Nagtama ang kanilang mga mata. There is nothing but coldness in his eyes, but she stood her ground. Kahit nakasasakit ang malamig nitong mga tingin, kahit na tila nanunuot sa buong kalamnan niya ang lamig niyon, hindi siya nagpatinag doon. She looked at him with the same intensity. Gusto niyang malaman ng binata kung gaano siya kaseryoso na mapag-usapan ang tungkol sa nangyayari; kay Veron, kay Via, at kung ano pa man ang nararapat na mapag-usapan.

"You don't understand."

"Paano ko maiintindihan, kung hindi mo naman ipaiintindi sa akin? Kung wala kang balak na ipaintindi sa akin?" Doon na nagsimulang lumabas ang hinanakit mula sa bibig niya. "Tatlong araw kang hindi umuwi. Ni wala kang sinagot sa mga tawag ko. Tapos ngayong kakauwi mo lang, aalis ka uli. Sabihin mo, Oliver, paano ko maiintindihan kung kitang-kita ko sa'yo na wala ka namang balak na pag-usapan natin ang bagay na iyon?"

"Anak ko si Via. Ako ang may karapatan na magdesisyon kung ano makakabuti sa kaniya o hindi."

Napailing-iling siya. "Kahit na ikaw ang may karapatan na magdesisyon, sana inisip mo man lang ang nararamdaman nung bata." Her voice almost break. Parang tinutusok-tusok ang puso niya dahil sa malalamig na tugon ng binata sa bawat sinasabi niya.

"Alam ko kung ano ang ginagawa ko."

Mapait siyang napangiti. Hindi niya ganoon nakilala ang binata. Lagi nitong inuuna ang anak nito, ang nararamdaman ni Via.

She voiced it out. Mahina ang boses niya. Ni hindi namalayan na umalpas na pala ang mga salitang iyon mula sa bibig niya. "Oliver, hindi kita ganiyan nakilala."

"You don't know anything at all! You don't know me, you don't know my child, so stay the fvck out of it!"

Natigalgal siya sa pagsigaw nito. Tila maging ito ay nagulat sa mga salitang lumabas mula sa bibig nito.

Sunud-sunod ang naging pag-agos ng mga luha niya. Para siyang sinuntok sa sinabi nito. Nagsimulang manginig ang kaniyang mga tuhod. Ganito pala... ang pakiramdam ng masaktan. Binabawi na yata ang mga kasiyahang naranasan niya sa nakalipas na buwan. Ngayon, sinasampal na siya ng katotohanan, at kailangan na niyang gumising.

Wala siyang lugar sa bahay na iyon.

"Oo nga pala. Nalimutan ko ang lugar ko." She nervously laughed. Nanginginig pati ang sulok ng labi niya. "Sino ba naman ako, isang yaya na naging girlfried ng isang buwan?"

"Ashley—"

"Mommy, Daddy, are you fighting?" Natigilan siya ng marinig ang boses ni Via mula sa likod niya.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Tinuyo niya ang kaniyang mga luha gamit ang likod ng kamay niya. Ayaw niyang makita ni Via ang luha niya. Masyado nang marami ang pag-aalala ang bata tungkol sa nangyayari totoo nitong mga magulang, dadagdagan pa ba niya?

"Ash—" lalapit pa sana sa kaniya ang binata ngunit mabilis niya itong tinalikuran.

Lumapit siya kay Via na nakatayo sa may pinto, at lumuhod sa harap nito upang maging magkapantay ang mga mukha nila. "Anak, nag-uusap lang kami ni Daddy mo. Balik ka na sa kuwarto mo, sweetie."

Niyakap nito ang leeg niya. "Isang linggo kitang hindi makikita. I don't want to go. Daddy, can I just not go?"

Hindi sumagot ang binata.

"Mommy, can I sleep in your room? I won't see you for the rest of the week. I will miss you."

"Oo naman," pinasaya niya ang boses. Niyakap niya ang bewang nito at binuhat ang batang babae.

"Good night, Daddy."

Palabas na sana sila ni Via ng kuwarto nang hawakan ng binata ang braso niya.

"Ashley, saglit lang—"

"—huwag sa harap ni Via, Sir."

She purposely called him 'Sir.' Tutal, iyon naman ang lugar niya.

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito. Siya naman ang hindi nagtapon dito ng tingin, ngunit hindi dahil sa galit siya. Iyon ay dahil hindi niya kaya. Marupok siya pagdating kay Oliver. Mahina ang puso niya pagdating sa binata. Kaya't isang sulyap pa niya rito, baka madurog na talaga siya.

Ibinaba niya si Via sa kama nang marating nila ang kuwarto niya. Inayos niya ang mga unan.

"Via, dito ka." Tinapik-tapik niya ang parte ng kama na nasa tabi ng pader. Maliit lamang kasi ang kama niya. Baka malaglag ang batang babae kung wala ito sa may pader. "Gusto mo bang ipagtimpla kita ng gatas?"

Umiling-iling ang bata. "Hindi na po, Mommy."

Sumunod naman si Via at doon nahiga sa pwestong tinapik niya. Nang humiga siya sa tabi nito ay agad na nagsumiksik sa kaniya ang batang babae. Niyakap nito ang bewang niya.

At sa oras na ginawa iyon ng bata, kusang nagsilaglagan ang mga butil ng luha mula sa kaniyang mga mata. She bit her lip. She can't make a sound or else, Via will know that she's crying. Ilang ulit din siyang napabuntong-hininga upang pigilin iyon.

"Mommy, hug me please."

Hinayaan niyang umagos ang luha niya. Mahigpit niyang niyakap si Via at hinalikan ang tuktok ng ulo nito. Oo nga at wala siyang lugar sa bahay na iyon, pero bakit hindi ganoon ang nararamdaman niya sa tuwing kasama niya si Via? Kahit hindi niya kadugo ang bata, hindi naman ibig sabihin niyon, hindi na siya pwedeng maging ina nito?

May kwalipikasyon ba ang pagiging ina?

"Mommy, can I just not go? I'm scared of my real mommy. I don't want to be with her for a week."

"Via, makinig ka sa akin, hm? Kaya ka doon muna titira sa mommy mo ay para makilala mo siya. Pinaliwanag naman iyon sa iyon ng daddy mo, hindi ba?"

Naramdaman niya ang pag-iling nito. "Daddy just told me to pack my things, which I did. He told me that I'll be with her for a week. That's all."

Sinapo niya ang mukha ng batang babae. Kung hindi ipinaliwanag ni Oliver, siya na lamang ang magpapaliwanag. Kahit ayaw niyang doon mamalagi si Via ng isang linggo, pakiramdam niya responsibilidad niyang ipaliwanag iyon kay Via. "Kaya ka pupunta roon, para mas makilala mo pa ang mommy mo, at mas makilala ka rin niya. Ayaw mo ba niyon, malalaman mo kung ano ang mga ayaw niya at hindi? Tapos malalaman naman niya kung gaano ka kagaling magpinta."

"I still don't want to go. I just want to be with you for the rest of the week, Mommy. I want to water our plants."

Hindi na niya alam ang dapat sabihin doon. Ngunit napagaan niyon ang loob niya. Selfish ba iyon? Na napagaan ng sinabi ni Via ang loob niya? Na alam niyang siya ang tinuturing na ina ni Via?

Ah, hindi na niya alam. Basta ang alam niya, masamang-masama ang loob niya.

"Ganito na lang, habang wala ka, bibili ako ng maraming binhi. Para kapag bumalik ka na, madami rin tayong maitatanim. Tapos gawin natin iyong gusto mo. Dumalaw tayo sa Barrio Vicenzo."

"Talaga po, Mommy?" Via exclaimed. Her voice was full of excitement. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya, ngunit agad ding nabura ang ngiti nito. "Mommy, why are you crying?"

Agad niyang tinuyo ang luha niya. "Wala, mami-miss lang kasi kita. Tsaka medyo inaantok na rin si Mommy."

Naramdaman niya ang pagsapo ng maliit nitong kamay sa pisngi niya. "Mommy, mami-miss din kita. Promise, uuwi ako kaagad. Wait for me." Ito na mismo ang nagtuyo sa mga luha niyang patuloy pa rin tumutulo mula sa kaniyang mga mata.

Napangiti siya at sunod-sunod ang naging pagtango. "Hihintayin kita." Humigpit ang yakap niya rito at sinimulang haplusin ang buhok nito. "Matulog ka na, sweetheart," bulong niya.

***

Three days ago...

"Boss, here's the monthly report that you are asking for." Ibinaba ni Jed Ross ang bungkos ng mga dokumento sa ibabaw ng mesa ni Enrique Villegas, ang amo niya.

He's been working here for almost thirteen years now. Nakita na nga niyang lumaki ang mga anak ng boss niya sa tagal ng pagtratrabaho niya para rito.

Actually, him, being a secretary was purely accidental. There was really a funny story behind it.

Nagkaroon ng malawakang pagtanggal ng trabaho ang dati kumpanya na kaniyang pinagtratrabahuhan. Ni wala siyang alam sa pagtratrabaho sa opisina bilang isang secretary. Isa lamang siyang customer service representative. He was newbie in the BPO industry. Ngunit hindi pa man siya nagiging regular na empleyado ay nawalan na kaagad siya ng trabaho.

Sa hindi malamang kadahilanan, napakamalas niya sa paghahanap ng trabaho. Kapag naman natatanggap siya, more or less, anim na buwan lamang, may kamalasan nang nangyayari. Kung hindi nagsasara ang kumpanya, naba-bankrupt, ay nasusunog.

But it was that faithful day thirteen years ago. He was just turning twenty one. Dumating ang kauna-unahan niyang swerte sa trabaho. Isa siya sa mga napiling alisin sa trabaho noon. Isang taon na lamang sana ay ga-graduate na siya sa kolehiyo, ngunit hindi na siya kayang pag-aralin ng kaniyang ina. Kaya naman nagdesisyon siya na tumigil muna sa pag-aaral upang magtrabaho at makapag-ipon.

Bagsak ang balikat niya habang bitbit ang kahon na naglalaman ng ilan sa mga gamit niya. He was walking along side of the road when he passed by a fighting couple.

May kalakihan na ang tiyan ng babae. Galit na galit itong lumabas mula sa isang restaurant sapu-sapo ang tiyan nito. Sa sobrang galit ay umiiyak na ito. It was clearly because of pregnancy hormones. Sa pagmamadali ay nalaglag ang bitbit nitong kulay purple na bag. Hindi lamang ang bag nito ang kulay purple. Pati ang bulaklakin nitong dress, ang scrunchie sa buhok, ang bracelet, at ang suot nito sa paa na mababang bakya.

Oo, nakabakya ito. Sinong mag-aakala na makakakita pa siya sa panahon ngayon ng taong nagsusuot ng ganoon?

Napatigil siya niyon sa paglalakad nang makitang kumalat sa kalsada ang lamang ng bag nito. Hindi niya alam kung lalapitan ba niya ang babae na hirap na hirap sa pagpupulot habang umiiyak. Pinoprotektahan nito ang tiyan nito sa pamamagitan ng pagsapo roon, bago ito lumuhod sa gilid ng kalsada at pinulot isa-isa ang mga gamit nito.

Ni wala siya sa posisyon upang tumulong. He was just fired from his job, for Pete's sake. Ngunit sa huli, lumapit pa rin siya, ibinaba ang kahon ng mga gamit niya at tinulungan itong magpulot. Bahagya pa itong nagulat sa paglapit niya.

"Thank you," sabi nito sa garalgal na tinig nang iabot niya rito ang mga gamit nito. She was clearly older than him. Like eight years older or so. Tinulungan rin niya itong makatayo.

"Can you get a taxi for me?" tanong nito habang tinutuyo ang mga luha. Tumango-tango naman siya bilang sagot.

Ngunit wala pang ilang minuto ay lumabas din mula sa restaurant ang isang matangkad na lalaki. Mukhang iyon ang asawa ng buntis na babae.

Hinawakan ng lalaki sa siko ang babae. "Honey, let's talk," anang lalaki.

"Honey-honey ka riyan! Honeyhin mo mukha mo. Wala na tayong dapat pag-usapan. Magsama kayo ng secretary mong mukhang unggoy!"

Jed almost burst out laughing. One minute ago, she's crying like there's no tomorrow. One minute later, she's raging like a lion. Mabuti na lamang at napigilan niya ang pagtawa, paanong hindi niya pipigilan, sinamaan siya ng tingin ng lalaki. Akala pa yata ay aagawin niya ang asawa nito.

Nawalan na nga siya ng trabaho, mang-aagaw pa siya ng asawa? Aba'y saan na siya pupulutin kapag ganoon? Sa kangkungan?

"Who are you?" iritadong tanong sa kaniya ng lalaki.

"Huwag mo nga siyang pagdiskitahan! Tinulungan niya lang ako." Nagpameywang ang babae sa harap nila. "Tsaka bakit ka nandito? Bakit hindi ka bumalik sa loob at ipagpatuloy ang pakikipag-lunchdate sa sekretarya mong kulang na lang ay lumuwa ang dibdib?"

Umatras na siya at binalikan ang gamit ang niyang naibaba kanina. Tama na ang pagtulong niya. Baka hanggang dito ay umabot pa ang kamalasan niya at madamay siya lalo sa gulo.

"Hon, I just treat Lena because it is her birthday today," dinig niyang paliwanag ng lalaki na ikinailing-iling niya.

The guy shouldn't have said that. Malamang mas lalong magagalit ang asawa nito. Buntis pa naman. At ang mga buntis, likas na maiinitin ang ulo. Danas na danas niya iyon sa kaniyang ina noong ipinagbubuntis nito ang nakababata niyang kapatid.

Nang makuha ang kahon niya ay nagsimula na siyang maglakad palayo. Mas mabuting umiwas siya sa gulo ngayong araw.

"E 'di happy birthday!" Sarkastikong sabi ng babae. "Samahan mo na siya taon-taon sa birthday niya dahil ipinamimigay na kita!"

"Hon!" Mukha namang hopeless ang lalaki. "Bawiin mo ang sinabi mo! Huwag mo kong ipamigay."

"Heh!" Napaigtad siya nang maramdaman ang pagkawit ng isang braso ng babae sa braso niya. "Young man, could you please call a taxi for me?"

"Uh... sige po, Ma'am." Alanganin niyang sagot. Kahit naglalakad na ay hindi inalis ng babae ang pagkakakawit ng braso nito sa braso niya.

"Hon! Anita, honey." Muling pagtawag ng lalaki na nakasunod pala sa kanila. There is a hint of jealousy in his tone.

Tang*na. Gusto lang naman niyang umuwi at magmukmok dahil sa pagkawala ng kaniyang trabaho. Bakit kailangan niyang madawit sa ganitong sitwasyon? Sagad na yata talaga ang kamalasan niya.

"Lumayo ka sa akin, Enrique. Naku, sinasabi ko sa iyo, titirisin talaga kita!" Kung wala lamang siyang dalang gamit ay baka kanina pa siya pakamot-kamot ng batok dahil sa tuluyan na siyang nadamay sa pag-aaway ng mag-asawa.

"Hon, please." Hinarang sila ng lalaki kaya naman napatigil sila sa paglalakad. "Ano ba ang dapat kong gawin para mapatawad mo ako?"

Jed Ross heaved a deep sigh. Para siyang naipit sa isang madamdaming eksena sa pelikula.

"Tanggalin mo sa trabaho ang malaking suso na iyon at gawin mong secretary mo ang batang ito. Baka mapatawad pa kita," seryosong sabi ng babae.

Muntik na niyang maibagsak ang mga gamit niya dahil sa narinig. Seryoso ba ang mag-asawang ito?

"Seriously?" Hindi rin makapaniwalang tanong ng lalaking tinawag sa pangalan na Enrique. "He does not even look like he's in the right age to get a job."

"Boy, ilang taon ka na?" tanong sa kaniya ng babae.

"Uh, magti-twenty-one po, Ma'am," sagot niya.

"See?" Muli itong bumaling sa asawa. "Twenty-one na siya!"

"But—"

"Tatanggalin mo ang babaeng iyon, o tatanggalin ko ang singsing sa daliri ko?" Pananakot ng babaeng tinawag sa pangalang Anita.

"Okay, okay," sumusukong sabi ni Enrique. Isang masamang tingin ang pinukol nito sa kaniya. "Boy, you're hired. As my secretary." Hindi niya alam kung matutuwa siya na may bago na kaagad siyang trabaho, o matatakot sa pamatay na tingin ng lalaki na para bang sinasabing 'humanda ka sa akin.'

Naglabas ito ng calling card mula sa inner pocket ng suot nitong coat at ibinigay iyon sa kaniya. "Come at my office tomorrow."

Binitawan na ng babae ang braso niya at binigyan siya ng ngiti. Hindi lamang iyon. Kinindatan pa siya nito na para bang alam nitong nawalan siya ng trabaho.

"Anita, don't wink at him!"

"Heh!"

***

"Thanks, Jed. You look worse," sabi ng boss niya na nagpabalik sa lumipad niyang isip. Can't believe that was thirteen years ago.

That was also the first time the he got Ma'am Anita's favor. Lagi siya nitong pinapaburan. Kapag nga dumadalaw ito sa opisina at nakikitang tambak siya ng trabaho ay pinagdi-day-off siya nito.

"And whose fvcking fault is it?" tanong niya. Sa tinagal-tagal niyang nagtratrabaho, nasanay na ang amo niya sa paraan ng kaniyang pagsasalita.

Sa tagal niyang nagtratrabaho sa kumpanyang iyon, he learned this thing. Na mahal na mahal ng boss niya ang asawa nito, at wala itong gagawin na hindi gusto ni Anita. Para na rin siyang spy roon ni Anita.

"Language, please," sabi nito na nagsimula nang basahin ang iniabot niyang dokumento. His boss is also soft-spoken. Kung gaano kalakas ang boses ng asawa nito at ganoon naman kalamlam ang boses ng amo niya.

"Seriously, Boss. Cut me some slack, will you? Ilang araw na akong nag-o-overtime." Tulad ngayon, nag-o-overtime na naman sila. Dapat ay kanina pa siya nakauwi pero heto, tinatambakan pa rin siya ng trabaho ng lalaki.

"Don't worry. Once my brother starts working here, mababawasan na ang trabaho mo."

"You said that for nth time. Pero hanggang ngayon hindi pa rin pumapasok dito ang kapatid mo." Reklamo niya. "What's his name again?"

"Oliver."

"Oh, yeah. That Oliver." Sa pagkakaalam niya ay halos magkaedad lamang siya ng lalaking iyon, at alam rin niyang isa itong guro. He has seen him a few times, tuwing dadalaw ito sa kumpanyang iyon.

Prente siyang naupo sa upuan sa tapat ng desk ng amo niya.

"Ah, I want to take a vacation," he said out of the blue.

"Huwag mo akong paringgan," sabi ng boss niya na ang mga mata ay nasa dokumento pa rin nakatutok. "Bawal kang magbakasyon hangga't marami pang trabaho rito."

Napailing-iling na lamang siya. "Ire-report kita sa DOLE," pananakot niya.

"Report me all you want," wala namang takot na sabi nito bago inilipat sa kasunod na pahina ang binabasa.

"Ire-report kita kay Anita," umangat ang isa niyang kilay.

Doon na napatingin sa kaniya ang boss niya na ikinangisi niya.

"Don't you dare," ngayon, ito naman ang nagbabanta. Gusto niyang matawa roon. Sa asawa lamang talaga takot ang boss niya.

Sasagot pa sana siya nang humahangos sa pumasok sa opisina ng lalaki ang taong pinag-uusapan lamang nila kanina-nina.

Si Oliver.


--------------------------------------------------

ENRIQUE X ANITA.
THEIR STORY WILL BE POSTED SOON.

-WRMS

Continue Reading

You'll Also Like

27.8M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
298K 16.1K 39
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
4.4M 122K 39
"I wanna kill you.." He whispered huskily. "I dare you" I said. Seventeen year old Sonee rave win's a contest to go stay at Dracula's castle for two...
1.5M 58.7K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...