Never Cry Murder

By Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? More

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 7: The Haunt is on
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Chapter 31: The words he longed to utter

56.4K 3.1K 3.2K
By Serialsleeper

31.

The words he longed to utter

Third Person's POV

"Ponzi naman eh, sigurado ka ba talagang hindi niya ako sasaktan? Baka bigla siyang mag-killer mode sakin!" Habang nasa elevator ng ospital ay hindi na mapigilan pa ni Serenity ang nararamdamang kaba.

"Magkaibigan kayo, pangako hindi ka sasaktan ni Dustin. Hindi siya gaya ng nababasa mo sa newspaper o nababalitaan mo sa tv. Hindi siya isang halimaw gaya ng sinasabi ng iba. Basta yung sinabi ko 'wag mong kalimutan..." Giit ni Ponzi saka pabirong ginulo ang bangs ni Serenity.

Napabuntong-hininga na lamang si Serenity, "'Wag babanggitin ang tungkol sa kapatid niya, 'Wag siyang huhusgahan, 'Wag siyang gagalitin at May Girlfriend na siya—I know, hindi ko kakalimutan." Sabi pa nito habang inuulit ang bawat bilin ng binata.

Biglang tumunog ang elevator saka bumukas dahilan para agad lumabas mula rito ang dalawa.

"Hindi mo ba talaga ako sasamahan?" Muling tanong ni Tanong ni Serenity nang makita ang iilang mga nagbabantay sa labas ng kung saan pansamantalang tumutuloy si Dustin upang magpagaling.

"Kayo ang magkaibigan, hindi kami." Giit ni Ponzi kaya napangiwi na lamang si Serenity.

"Nga pala ba't andito pa siya sa ospital? Diba yung kasabwat niya nakulong na?" Usisa ni Serenity.

"Inoobserbahan pa siya dahil sa kundisyon niya, hindi pa gumagaling ng tuluyan ang mga injuries niya at isa pa menor-de-edad pa siya kaya ginagawang prayoridad ang psychological status niya. Pinagde-debatehan pa kung saan siya mapupunta kaya pansamantala muna siyang andito." Paliwanag ni Ponzi kaya tumango-tango na lamang ang dalaga.

Sa isang iglap ay bigla na lamang lumabas ang isang matandang lalaki mula sa kwarto ni Dustin dahilan para mahinto sa paglalakad sina Ponzi at Serenity.

"Omo! Si Pastor Will!" Nakangiting sambit ni Serenity.

"Ah, siya pala yung sinasabi mo. Teka, bulag ba siya?" Tanong ni Ponzi nang mapansing may bitbit itong tungkod at naka-eyeglass ito.

"Yup, he's been blind ever since he was a kid dahil sa isang accident but never siyang sumuko. Tingnan mo naman, siya na ngayon ang gumagabay sa lahat." Pagmamalaki ni Serenity at parang isang batang sabik na nagtatakbo papunta rito upang magmano.

"Hello po Pastor Will! Si Serenity po 'to!" Bati agad ni Serenity dito.

"Serenity hija, anong ginagawa mo dito sa ospital? May nangyari ba?" Nag-aalalang sambit ng matanda nang malamang ang dalaga ang lumapit sa kanya.

"Wala po Pastor, gusto ko lang pong makausap ang lalake diyan sa loob. Everyone needs a friend to lean on right?" Paliwanag ni Serenity dahilan para agad itong tumango-tango.

"Ang bait mo talagang bata, sige hija mauna na ako. Pagpalain ka." Paalam ng pastor na agad inalalayan ng isa sa mga pulis paalis.

"Nasusunog na ang sungay ko sa sobrang bait niyo." Pasaring ni Ponzi nang makalayo na ang pastor.

"Mabait ka din naman ah? Madami nga lang kalokohan." Giit ni Serenity.

"Ganyan ka rin noon. Pumasok ka na nga lang." Giit naman ni Ponzi at pabirong itinulak si Serenity papasok sa kwarto ni Dustin.

Nang mag-isa na lamang ay naisipan muna ni Ponzi na maglakad-lakad na lamang. Aakyat na sana siya sa rooftop nang bigla niyang marinig ang dalawang nurse na nag-uusap.

"Naaawa na talaga ako dun sa alaga ko. Pangalawang beses na niya tong nagigising mula sa coma this month, sana tuloy-tuloy nato sa recovery niya."

"Nakakapagsalita na ba siya? Kawawa naman, kahit na maka-recover siya, for sure mahihirapan parin siya kasi ulilang lubos na siya at anak pa siya ng kinamumuhiang serial killer."

"Di parin siya nakakapagsalita pero ang importante naididilat na niya ang mga mata niya. Pero sabi ni Doc malabo na daw talaga, milagro nalang daw kung makaka-recover pa siya."

Napako si Ponzi sa kinatatayuan nang mapagtanto niya kung sino ang ibig sabihin nito.

***

"Kung ganun wala ka talagang naaalala?" Naguguluhang sambit ni Dustin habang pinupunasan ang luha niya. Kapwa parin sila nakaupo sa sahig at magkaharap pero may distansya na mula sa isa't-isa.

Umiling si Serenity at ngumiti, "My head hurts whenever I try to remember. Sorry Justin."

 "Sino muna si Justin? Dustin pangalan ko eh." Biro ni Dustin habang tumatawa, "Kung hindi mo ako naalala, bakit ka nandito? Hindi ka ba natatakot sakin?" Dagdag pa nito.

Napabuntong-hininga si Serenity, "I won't lie, natatakot ako sayo to the point na gusto kong umuwi nalang kanina. Pero sabi kasi ni Ponzi na friends daw tayo and he assured me na hindi mo ako sasaktan... You're not planning to kill me right?"

Bahagyang tumawa si Dustin at umiling-iling, "I stopped killing my friends a long time ago."

"No offense meant but you are really creeping me out." Nakangiwing sambit ni Serenity.

"'Wag kang mag-alala, natatakot din ako sa sarili ko." Sabi pa ni Dustin saka napayakap sa tuhod niya't napatitig sa sahig.

Muling napabuntong-hininga si Serenity at napasandal na lamang sa ding-ding, "Nga pala, paano tayo naging magkaibigan? No offense ulit ha, peace tayo boy killer."

Natawa si Dustin lalo na nang mag-peace sign si Serenity, "Tangina Sisa tigil-tigilan mo ako, nasusuka na ako sa inaasal mo."

"Would you please stop cursing? And please stop calling me Sisa, I'm not Sisa. My name is Mary Serenity." Giit ni Serenity dahilan para tuluyang mawala ang ngiti sa mukha ni Dustin at napalitan ito ng awa para sa dalaga.

"What have they done to you..." Mahinang sambit ni Dustin.

"Sinong they?" Naguguluhang sambit ni Serenity kaya umiling-iling na lamang si Dustin at pinilit ang sariling muling ngumiti.

"Naging magkaibigan tayo matapos naming i-rescue si Ponzi mula sayo. Isa ka sa mga pinag-tripan namin nila Ford at Ponzi habang bumababa sa hagdan kaso yun nga lang, nahuli mo sa akto si Ponzi kaya hinabol mo siya ng hinabol. Para kang asong galit na galit ng araw na 'yon, halos kalbuhin mo nga siya kaya pumagitna agad kami ni Ford. Ako ang nag-sorry para sa ginawa ni Ponzi, wala kang ideya na kasali rin ako sa kalokohan kaya naging magkaibigan tayo. Naging kaibigan mo rin si Ford kaso si Ponzi, para talaga kayong aso't-pusa parati." Kwento ni Dustin dahilan para mapangiwi si Serenity.

"Ba't ganun? Ba't sabi ni Ponzi, si Jojo daw 'yon?! Ugh, humanda siya sakin, babasahan ko talaga siya ng bible verse hanggang sa dumugo ang tenga niya." Inis na sambit ni Serenity dahilan para matawa si Dustin.

"Patay, ang daldal ko talaga, nadagdagan na naman ang kasalanan ko sa kanya." Tumatawang sambit ni Dustin dahilan para makunot ang noo ni Serenity.

"Wait, kung si Ponzi 'yon at hindi si Jojo, ibig sabihin kayo ang magkaibigan? Ba't sabi ni Ponzi tayo ang magkaibigan at hindi kayo?" Naguguluhang sambit ng dalaga.

Muling bumakas ang lungkot sa mukha ni Dustin kahit pa may maliit itong ngiti sa kanyang mukha, "'Wag mo ng intindihin 'yon. May karapatan naman talaga si Ponzi na magalit sakin."

"Bakit? Anong ginawa mo?" Tanong ni Serenity.

"Lumabas ang totoong kulay ko... Dinamay ko si Ponzi at pinatay ko ang kaibigan naming si Ford." Pag-amin ni Dustin dahilan para agad na mapatayo si Serenity, "'Wag kang mag-alala, naiintindihan ko kung gusto mo nang umalis." Dagdag pa niya na hindi na halos matingnan pa si Serenity sa mukha.

"Do you regret what you've done?" Walang emosyong sambit ni Serenity habang nakatayo parin.

"Nagsisisi ako kasi nawala sakin ang mga taong mahalaga sakin." Nakangiting sambit ni Dustin at napatingin na lamang sa kawalan.

Nasapo ni Serenity ang ulo at napabuntong-hininga. Gustuhin man niyang lumabas ay hindi na niya ito kayang gawin kaya muli siyang naupo sa tapat nito, "Dustin napatawad mo na ba ang sarili mo?"

Hindi niya sinagot ang tanong, sa halip ay napatingin lamang ito kay Serenity, "Natatakot na ako sa sarili ko... Natatakot na ako sa mga nakikita ko. Para akong naliligaw sa sarili kong utak at hindi ko na alam ang daan palabas. The nightmares... I can't make them stop and I can even see them when I'm wide awake." Mahinang sambit ni Dustin at mas lalo pang napayakap sa tuhod niya.

"You're not the only one." Mahinang sambit ni Serenity at napahawak sa sikmura niya.

"Sana nawalan nalang din ako ng alaala." Nakangiting sambit ni Dustin habang tumutulo na ang luha niya.

"When was the last time you prayed?" Tanong ni Serenity.

"I can't even remember." Pag-amin ni Dustin.

Ngumiti si Serenity at kinuha ang isang bibliya mula sa bag niya at inabot ito kay Dustin, "Please just give this a chance..."

Bahagyang tumawa si Dustin matapos tanggapin ang bibliya, "Ni minsan hindi ko inakalang darating ang araw na makikita kitang matino... Ayoko na sayo, mas nakakatakot ka pa kesa sakin." Biro nito dahilan para matawa si Serenity.

"Don't betray your girlfriend okay? You still have a chance to make things right. You still have someone." Pabirong paalala ni Serenity.

"Girlfriend? Ni wala na nga akong supply ng stick-o, girlfriend pa kaya?" Biro ulit ni Dustin.

"Huh?" Napakamot na lamang si Serenity sa ulo niya.

"Bantay-sarado." Mahinang sambit ni Dustin habang nagpipigil ng tawa.

****

Paglabas ni Serenity mula sa kwarto ni Dustin ay agad niyang hinanap si Ponzi hanggang sa matagpuan niya itong nakasandal sa isang pader at para bang napakalalim ng iniisip.

"Ponzi you're such a liar, hindi naman si Jojo—" Hindi na natapos pa ni Serenity ang sinasabi nang magtama ang paningin nila ng binatang tila ba blanko ang ekspresyon. "May problema ba?" Tanong na lamang niya.

"Serenity may naghahanap sa'yo." Hinawakan ni Ponzi ang kamay ni Serenity at bigla na lamang naglakad kaya walang magawa si Serenity kundi mapasunod na lamang.

Nagulat si Serenity nang pumasok sila sa isang kwarto at tumambad sa kanila ang isang binatilyong nakaratay sa isang kama at hindi na halos makagalaw. Mayroon ding isang doktor na nakatayo sa isang tabi na animo'y inaasahan ang pagdating niya.

"Serenity siya si Neo. Alam kong hindi mo siya naalala pero naging parte rin siya ng buhay mo." Bulong ni Ponzi dahilan para mapatitig si Serenity rito.

Nakita ni Serenity ang bahagyang paggalaw ng mga kamay ni Neo kaya naman napabitaw siya kay Ponzi at dahan-dahang naglakad papalapit rito.

"Neo..." Napatitig si Serenity sa napakainosente nitong mukha at nakita niya ang butil ng luhang umagos sa gilid ng mga mata nito. Sa isang iglap ay nagsimulang mangatog ang mga kamay ni Serenity pero sa kabila nito'y huminga na lamang siya ng malalim at dahan-dahang hinawakan ang kamay ni Neo.

"Ponzi ba't ganito? Hindi ko siya kilala pero ang luha ko, hindi ko mapigilan. Ba't ako nasasaktan ng ganito?" Umiiyak na sambit ni Serenity na unti-unti nang napapahikbi.

Hinila ni Ponzi ang isang upuan at nilagay ito sa gilid ni Neo, "Serenity maririnig ka niya, pwede mo siyang kausapin." Sabi ni Ponzi at pinaupo rito ang dalaga.

Huminga ng malalim si Sisa at inilapit ang kamay ni Neo sa kanyang pisngi habang mas hinihigpitan pa ang hawak dito.

"Neo... Neo everything's going to be okay. Neo just hang in there okay?" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Serenity habang hinahaplos ang noo nito.

Nanlaki ang mga mata ni Serenity nang makita niya ang unti-unting paggalaw ng mga kamay ni Neo na animo'y gustong hawakan pabalik ang mga kamay niya.

Ibinalik ni Serenity ang tingin sa mukha ni Neo at laking gulat niya nang makita ang paggalaw ng talukap ng mga nito na para bang gustong-gustong dumilat.

"Neo don't force yourself... If you can it's okay, if you can't it's still okay. You don't have to force yourself to open your eyes." Giit ni Serenity pero sadyang determinado ang binatilyo hanggang sa tuluyan na na ngang dumilat ang mga mata niya.

Unti-unting kumurba ang ngiti sa luhaan at hinang-hinang mukha ni Neo nang makita muli si Serenity. Hindi na ito halos makagalaw pero bakas ang saya sa mukha nito sa muli nilang pagkikita.

"Neo..." Agad na hinalikan ni Serenity ang pisngi nito saka muling hinaplos ang noo nito.

"S-sisa..." Kahit halos wala ng lakas na gumalaw ay pilit na nagsasalita si Neo bagay na lalong ikinaiyak ng dalaga.

"S-saint.." Unti-unting nagsimulang sa pagnginig ang talukap sa mga mata ni Neo pero sa kabila nito ay pilit siyang nagsasalita kahit na halos hangin nalang din ang lumalabas mula sa bibig niya.

"Neo please just hang in there... I'm sorry I can't remember you, I'm sorry..." Paulit-ulit na sambit ni Serenity na nagsimula nang mapahagulgol.

"Mary.. M-mary... Saint—" Hirap na hirap mang huminga at kumilos ay pilit parin itong nagsalita hanggang sa isang iglap ay bigla na lamang naramdaman ni Serenity ang paglupaypay ng mga kamay ni Neo at nang tingnan niya ang mga mata nito ay unti-unti ng itong pumipikit.

Labis na nataranta si Serenity, dali-dali siyang napatayo. Wala na siyang ibang magawa kundi mapahagulgol na lamang habang pilit na pinapanatiling gising ang binata samantalang dali-dali namang lumapit ang doktor at ang mga nurse at sinubukan itong iligtas muli.

Napatulala na lamang si Serenity nang biglang umalingawngaw ang isang matinis at walang tigil na tunog mula sa makina at nang tingnan niya ito ay nakita niya ang tuluyang pag-flatline nito.

"Serenity..." Sinubukan ni Ponzi na hawakan ang kamay ng dalaga pero bigla na lamang itong naglakad palabas ng kwarto habang dere-deretso ang tingin na animo'y biglang nabingi sa kapaligiran. Wala mang kaemo-emosyon, patuloy ang pagbuhos ng luha nito.

"Serenity!"

Sa isang iglap ay bigla na lamang nawalan ng malay si Serenity at bumagsak sa sahig.

END OF CHAPTER 31.

Note: Sorry guys but this is the end for the walking sperm cell :(

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

692K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
47.1K 6K 38
Vlogger Series #1 : Shendily Crizelle Lara is a popular college girl from Quaranton College. She has thousands of followers and everybody's admiring...
930K 45.4K 17
"Last year he was buried. last week he appeared. Last night he was seen. Today he began to kill. Here comes Dondy and he's coming for you." (Taglish...
4M 168K 39
Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask for. But what happens when the good gir...