VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]

By MajorSin

478K 15.2K 2.7K

Bata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipon... More

PROLOGUE
NOTE
Episode 1: The Missing Son
Episode 2: A Villain or Not
Episode 3: Questions
Episode 4: The 6th Diablo
Episode 5: You're a Mafia Boss
Episode 6: The Fuego Mafia
Episode 7: The Surprising Mafia Group
Episode 8: His Decision ( Part 1 )
Episode 9: His Decision ( Part 2 )
Episode 10: The Head Boss
Episode 11: Agnes
Episode 12: Awaken
Episode 13: Preparing
Episode 14: Benjamin
Episode 15: Wake Up
Episode 16: The Chess Pieces ( Part 1 )
Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )
Episode 18: The Elfame King's Decision
Episode 19: Behind the Mask
Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )
Episode 21: The News
Episode 22: The Devil's Eye
Episode 23: Jin del Fuego
Episode 24: Training
Episode 25: Invitation
Episode 26: Vengeance
Episode 27: Meeting of the Five Families
Episode 28: Next Target
Episode 29: Crosser
Epesiode 30: Bad Plan
Episode 31: The Hitman's Weakness
Episode 32: Hostage
Episode 33: Flashbacks
Episode 34: Catching Bullets
Episode 35:Third Target of Elfame Mafia
Episode 36: The Sniper Assassin : Nero Guzman
Episode 37: Sad Death
Episode 38: The Master and The Apprentice
Episode 39: Whisper of the demon
Episode 40: Helena's KISS
Episode 41: The Demon and the Unknown
Episode 42: Crossing Paths
Episode 43: Rise and Fall
Episode 45: Replacement
Episode 46: Lily Valdez
Episode 47: Achilles Heel
Episode 48: Capturing the Bait
Episode 49: Tears
Episode 50: Mafia War ( 1st Battle ) Part 1
Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2
Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )
Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )
Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )
Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )
Episode 56: The 4th Battle ( Part 2 )
Episode 57: The Last War
EPILOGUE
FAQs and Trivias
Important Announcement

Episode 44: The 5th Assassin

6.1K 223 100
By MajorSin

Episode 44: The 5th Assassin


*******


[ Ish's PoV ]



Madaling araw palang pero mulat na mulat na ang mga mata ko. Ni hindi nga ako nakatulog ng maayos.



Tumingin nalang ako sa kisame nitong kwarto ko habang nag iisip. Ano nga ba talaga ang nangyari nung gabing 'yun. Walang ibang makakasagot ng tanong na yan kundi si Boss lang, pero anak ng tinapa, mag dadalawang linggo na namin siyang hindi nakakausap ng maayos. Nagsasalita lang siya kapag kailangan, at sasagot lang din siya sa tanong namin kung gusto niya. Haaay. Kung andito lang sana si Hugo, baka nagawa na niyang ibalik sa dati si Boss ngayon. Pero wala eh, wala na siya.



Kahit mag aalas sinko palang ng umaga ay bumangon na ako at bumaba. Pumunta ako saglit sa CR para jumingle, napadaan ako sa kusina at nakita ko ang ilang katulong na gising na rin at naghahanda ng umagahan para mamaya.

Pagkatapos kong jumingle ay pumunta nalang ako sa sala para umupo.



Wala akong ibang mapagkakaabalahan kaya kumuha nalang ako ng album para tumingin ng mga litrato—pero kalaunan ay sinara ko na rin. Nung makita ko yung larawan namin kasama si Hugo ay nakaramdam lang ulit ako ng lungkot.



Isinandal ko nalang ang ulo ko para umidlip. Pero wala pang minuto ay may naramdaman akong lumapit sakin kaya napamulat ako sa isa kong mata. Tumambad sakin ang isang babae bitbit ang isang tasa ng kape.



" Ah kape po muna kayo, Sir Ish." Nakangiting bati ni Madel sa'kin. Kinuha ko naman agad 'yun. " Ah naku maraming salamat. Nag abala ka pa."



" Nakita ko po kasi kayong malungkot kaya ginawan ko nalang kayo ng kape." Medyo natawa naman ako sa paliwanag niya. " Bakit, sasaya ba ako sa isang kape? " Natatawang tanong ko.



" Yan nanga Sir oh, tumatawa na kayo, ibig sabihin, masaya na kayo ^___^ " Napipi naman ako matapos niyang sabihin yun. Aba, oo nga noh? natanga ako dun ah. Napakamot nalang ako ulo. Kasalanan to ni Benz eh, unti unti na akong nahahawa sa katangahan ng gonggong na'yun -__-



" Salamat dito sa kape mo." Ngumiti ako sakanya kaya tumango rin siya. " Ba't di ka muna maupo, wala ka naman atang gagawin dun sa kusina." Aya ko, tumingin naman siya sa kusina. Sa totoo lang ay nacucutan ako sakanya, kaso masyado pa siyang bata. Mga nasa 17-19 pa ata siya.



" Ah sige po." Umupo naman siya sa tabi ko. Kinuha niya ang album na binuksan ko kanina pagkatapos ay tinignan niya ito. Habang tinitignan niya yung mga larawan ay bigla siyang nagsalita." Nakakamiss po si Sir Hugo diba po? " Tanong niya tsaka tumingin siya sa'kin saglit pagkatapos ay ibinalik niya ulit ang tingin sa Album. " Oo, kahit hindi siya gaanong nandito sa mansyon ay nakakamiss pa rin ang presensya niya." Sagot ko sabay higop ng kape, kita ko naman siyang tumango tango habang nakatingin parin sa mga litrato. " Ilang taon ka na ba, Madel? " Tanong ko.  Wala lang, gusto ko lang malaman.



" 17 po." Sagot niya ng hindi nakatingin sa'kin. Mukhang enjoy na enjoy siya sa tinitignan niya ah.



" Ahh...Madel ba talaga pangalan mo? "



" Hindi po, Miranda po talaga totoo kong pangalan. Madel lang yung tawag sa'kin ni mama dahil ang haba daw po ng Miranda eh." Medyo humagikhik pa siya habang sinasagot yan. Ang cute lang tignan.



Nung nasa panghuli na ng pahina ng album si Madel ay biglang nawala ang hagikhik niya. Natahimik siya, at biglang naging malungkot ang mukha niya. Hinimas pa niya yung litrato. " Ang saya saya pa natin dito oh." Malungkot na sabi niya kaya tinignan ko yung litrato na tinitignan niya. At halos madurog yung puso ko nung makita ko ito.


Ito ay picture naming lahat. Kinuha 'to nung kaarawan pa ni Hugo—nung gabi bago siya namatay. Ang saya saya namin sa larawan. Wala kaming ka edi-ediya kung ano ang mga mangyayari nung gabing 'yun. Lahat kami ay nakangiti—lalong lalo na si Boss, napakalapad pa ng mga ngiti niya dito. Ito ata huling beses na nakita namin siyang ngumiti ng ganito kasaya.



Sana darating ang araw na muli naming masisilayan ang masayang ngiti ng aming Boss.





****



Alas nuebe palang ng umaga pero rinig na rinig mo na ang mga putok ng baril sa training area mula rito. Dahil sabado ngayon, alas nuebe palang ay nagtatraining na agad si Boss.



" Ang aga naman ni Bossing mag training " Benz



" Hindi kana nasanay " Elsa



Pagkapasok namin sa loob ay nadatnan namin si Boss na nagsasanay sa pagbaril. Napatingin naman ako saglit sa target niya, at halos mapanganga kaming lahat nung makita naming puro bullseye lahat ng tira niya, malapit na ngang mapunit yung gitna ng target sa dami ng tama eh. Grabe, kailan pa naging ganito kagaling si Boss sa pagbaril? Parang kailan lang nung halos di siya makatama sa target niya tapos ngayon...



Kung andito lang si Hugo, malamang mamamangha din yun ng husto.



Nagkanya kanya naman ng pag eensayo ang iba kaya nagumpisa narin ako sa pagsasanay. Hindi ako pwedeng magpahuli.




***


Habang nagpapahinga ako dahil sa sobrang pagod ng training ko ay biglang lumapit si Boss sa'kin kaya napaangat ako ng tingin.



" Kailangan ko ng ka sparring." Sabi niya kaya napalunok ako ng laway. Tumingin ako sakanila at anak ng, nakatingin na silang lahat saming dalawa ni Boss. Naloko na!



Umuna ng naglakad si Boss papunta dun sa isang maliit na ring na walang lubid. Wala akong magawa kundi ang sumunod nalang. Ba't ba kasi ako? T_T Pwede namang si—tumingin ako sa direksyon ni Benz, nakangisi lang ang bwesit habang nag chicheer pa.



" Whoah Ishy Loove! Go Ishy! Go Ishy! Go Ishy Ishy Loove! " Sumasayaw pa ang gago habang nag foform ng heart gamit ang dalawang kamay niya. Parang napanuod ko na 'tong scene na 'to ah. Gago talaga 'to.



Nung makaakyat kaming dalawa ni Boss ay nag umpisa na akong kabahan. Muli ay napatingin ako sa direksyon ni Benz. Nakangisi parin siya habang naka thumbs up. Dapat ako yung nandyan eh! at siya yung nadito! Hayop 'to!



Humarap nalang ulit ako kay Boss at nag umpisang mag stance. Bahala na, di naman siguro niya ako papatayin diba?......Diba? T____T tulong



Hinubad ko ang t shirt ko at naghanda para sa atake na gagawin ni Boss.



" Aaaahy! Ang yummy ng body ni fafa Ish! Sarap ipares sa milk tea! Aaaahy! " 



" Hahahahah! "




-_________-



Pagnakababa ako dito susunugin talaga kita ng buhay hayop ka.



Sa di inaasahan ay nakalapit na pala si Boss sa'kin. Shit ang bilis! Nakita kong susuntukin niya ako sa mukha kaya itinaas ko agad ang kamay ko para maprotektahan ang mukha ko—-pero anak ni Benz na bading, nalinlang ako. Akala ko yung kanang kamay niya yung isusuntok niya pero yung kaliwa niya pala na nasa ilalim ko. Tinamaan ako sa sikmura kaya halos mapaluhod ako sa sobrang sakit. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng masuntok ni Boss. Para kang tinamaan ng malakas na hampas ng isang bat ng baseball! Ang sakit!



Sumugod ulit siya at bumwelo na naman para suntukin ako, mabilis naman akong nakahanap ng opening sa katawan niya kaya sinamantala ko na agad ang pagkakataon. Mabilis kong natamaan ang dalawang pressure point ng katawan niya kaya di niya naituloy ang pag atake niya.


Ayos!



Nung makita kong napaluhod si Boss ay sumugod na agad ako. Pero paglapit sakanya ay napansin ko ang paggalaw ng kamao niya.



Shit! hindi tumalab!



Hihinto sana ako sa pagsugod pero huli na ng magawa ko yun. Mabilis na sumalubong sakin ang suntok niya sa mukha ko kaya tumilapon ako palayo sa ring.




A-aray..




*Fast forward.




Andito na ako sa labas ng ring ngayon, nakaupo habang dinidikit tong nakabalot na ice sa ulo ko. Bukol eh T__T Nabangga ako kanina nung tumilapon ako kaya heto.



Pero okay lang. Habang nakikita kong nanginginig ang mga tuhod ni Benz na nakaharap ngayon kay Boss ay solve na solve na ako. Di pa kasi nakuntento si Boss kaya naghanap ulit siya ng ka sparring. At kung siniswerte kanga naman Benz hahaha.


" huhuhu wag bossing " Naiiyak pa ang gago habang binubunot ang dalawang samurai niya na sina—ano yun? sina.. Upin at..D-dolpin? Ay ewan.



" Gamitin mo yung ikatlong spada mo." Utos ni Boss kaya tarantang kinagat ni Benz yung puluan ng samurai niya na si Boon2x. Oh tama ako diba? Si Boon2x yan. Yan ang paborito niya.



Nung kinagat ni Benz si Boon2x ay walang pagdadalawang isip naman na sumugod si Boss sakanya. Sumugod rin si Benz at mabilis na winasiwas niya yung mga samurai niya. Pero as expected, di siya nakatama dahil sa bilis ni Boss sa pag ilag.



Pero nagulat kaming lahat sa sumunod na nangyari. Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis na napaluhod si Benz at naparalisa ang katawan niya nung tamaan ni Boss ang pressure point niya sa tagiliran at sa balikat niya.



Ginaya ni Boss ang atake ko kanina...



Isang suntok naman ang natanggap ni Benz pagkatapos. Tulog agad ang bata.



Paano nagaya ni Boss ang kyusho ko ng ganun lang kadali? Imposible.



*Fast forward



Ngayon ay si Kael naman ang kaharap ni Boss. Magandang laban 'to. Diablo vs Demonyo—e-este Fuego vs Virgo. Ano ba yan, naalog ata utak ko kanina kaya kung anu-ano nalang tong pinagsasabi ko.



" Paabot ng samurai mo, Benz." Utos ni Boss kaya binigay agad ni Benz sina Upin at Dolpin. Gagamit ba siya ng samurai? Sa pagkakaalam ko hindi siya marunong gumamit ng spada ah.



" Seryoso ka ba jan Boss? " Natatawang tanong ni Kael.



" Umatake ka lang gamit yang bomba mo." Seryosong saad ni Boss.




Teka huwag mong sabihing...



Agad na nagsimula ang laban nila, at di nga ako nagkamali.

Habang mabilis na naghahagis ng mga bomba si Kael ay walang tigil naman sa paghiwa si Boss sa mga bomba. Ginaya niya rin ang kakayahan ni Benz. At nakakamangha dahil mas mabilis pa siyang gumamit ng samurai kaysa sa gunggong na 'yun. Parang sa isang bomba ay nahahati niya ito ng tatlo hanggang apat na beses. Grabe.



Mukhang isa na naman sa potential ni Boss ang nabuksan. Bukod sa kakayahan niya sa pag iwas ay alam na rin niya kung paano manggaya ng kakayahan ng iba.





Iba talaga ang lahi ng mga Acosta.




******



[ Felix Sy's PoV ]



Papunta kami nina Elfred at Trace ngayon sa lungga ni Sebastian dala dala ang isang deck ng baraha. Bigla kasi siyang nag aya dahil bored daw siya. Wala naman kaming gagawin kaya pumayag na kami, or sabihin nating pumayag kaming dalawa ni Elfred. Napilitan lang kasi itong si Trace.



Pagkarating namin dun ay sinalubong agad kami ni Bastian. " Haaay, buti pumayag kayo, bored na bored na kasi ako dito eh." Nakangising bungad niya, umupo naman agad kami sa upuan na may lamesa sa gitna at tsaka nag balasa ng baraha. Tinignan ko naman si Trace sa likuran ko dahil hindi pa siya umuupo. " Hindi ka ba talaga sasali, Trace? " Tanong ko. Nakahalukipkip lang kasi itong nakatingin samin.



" Manunood lang ako." Sagot niya. Nag kibit balikat nalang din ako at tsaka pinagpatuloy ang pag babalasa.


" Try mo ngang maging close sa'min, Trace. Hindi naman kami mahirap pakisamahan." Natatawang sabi ni Elfred.



" Hindi porke't Substitute Assassin ka lang ni Boss eh hindi mo na din ilalapit yung loob mo sa'min. " Tumango ako sa sinabi ni Bastian. " Hindi ka man namin kasama mula pagkabata, ilang taon narin naman tayong magkasama diba?" Dagdag pa niya. Lahat ng sinabi niya ay tama.



Si Trace ay isa lamang Substitute Assassin ng Virgo Mafia.



Oo naging Assassin nga siya simula pa lang nung nasa Virgo pa lang kami, pero hindi talaga siya ang totoong panlimang Assassin ni Boss. Kasi nasa edad katorse palang kami, nabuo na kami, ang tunay na limang Assassin ni Mr. Acosta. At hindi siya kasali dun, hindi namin siya kababata oh ano. Kaya siguro medyo hindi siya malapit sa'min.



Sinubstitute siya ni Boss sa isa naming kababata dahil may pinagawa si Boss sakanya na napakahirap na misyon. Hanggang ngayon nga ay hindi pa din siya natatapos sa misyon niya.



Actually Bespren siya ni Argo. Sa aming lahat, siya lang ang mas nakakaintindi kay Argo. Siya ang nakakaalam kung anong tumatakbo sa utak ni Argo o kung anong nararamdaman ni Argo. Dahil simula pa lang nung bata pa kami, sila na palagi yung magkasama. Ang bading mang pakinggan pero hindi sila naghihiwalay. Kung na'san si Argo, nandun din siya.



Ewan ko nga ba kung may kumunikasyon pa ba sila ngayon sa isa't isa, o baka nagkalimutan na yung dalawa.



Simula nung nagbago si Argo, hindi parin siya umalis sa tabi niya. Medyo lumayo kami ng konti kay Argo noon dahil natatakot kami sakanya. Pero siya hindi. Tinuturing niya pa rin itong matalik na kaibigan kahit nagbago na ito ng pag uugali. Siya yung tipo ng kaibigan na tapat at hindi marunong mang iwan.




[ -Flashback ]



" Oh anong sabi ni Boss? " Agad naming tanong sakanya nung lumabas siya sa kwarto ni Boss. Andito kaming apat ngayon para hintayin ang paglabas niya.



" May binigay si Boss na misyon." Sagot niya habang nakangisi ng konti at nakakamot sa ulo niya.



" Eh di wow! Kasali ba kami? " Tanong ni Sebastian.



" Sabi ni Boss ako lang daw eh." Ang kaninang nakangisi ay napalitan nalang ng isang matipid na ngiti. " At kailangan kong umalis para sa misyon."



" Kailan ka naman babalik? " Elfred

Yumuko siya ng konti at tsaka nag kibit balikat. " Pwedeng sa susunod na buwan, sa susunod na taon, oh baka di na ako makakabalik pa." Nakangising sagot niya, pero kita sa mga mata niya yung lungkot. At alam ko ang rason kung bakit siya nalulungkot.



Tumingin naman siya sa direksyon ni Argo na ngayon ay nakatayo lang sa may gilid habang nakahalukipkip at blankong nakatingin samin. Lumapit siya kay Argo at hinawakan ang balikat nito. " Mukhang matagal pa ang muli nating pagkikita, Argo." Nakangiting sabi niya pero si Argo ay parang wala man lang narinig. " Wag kang umiyak ha." Natatawa pa niyang dagdag pero siya na'tong naiiyak. Iyan ang rason niya kung bakit siya malungkot sa pag alis niya. Dahil sa unang pagkakataon, maghihiwalay ng landas ang dalawa.



Tumingin siya sa'min at tsaka nag salute. " Oh paano aalis na ako, alagaan niyo 'tong baby Argo ko ha." Natatawang sabi niya tapos ay tumingin ulit siya kay Argo. " Alis na ako." Sabi niya sabay tapik sa balikat ng matalik na kaibigan niya. Pagkatapos niyang mag paalam ay tumalon na siya sa bintana nitong mansyon.



[-End of Flashback ]




Hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik, pero kailanman ay di ko tinatanong sa sarili kung buhay pa ba siya ngayon o hindi, dahil alam ko mismo sa sarili ko buhay pa siya. Sa aming lima, siya ang sumunod kay Argo bilang pinakamagaling na assassin ni Boss, kaya alam kong makakaligtas siya sa kahit anong pagsubok ng kamatayan.




******



[ Dorothy's PoV ]




Alas otso ng gabi ng magpatawag ng meeting si King Casper.

Pagkapasok namin dito sa meeting room nitong palasyo ay umupo na agad kami. Tinignan ko ang mga bakanteng upuan nitong inuupuan namin.

Ang dami ng nalagas na myembro. Isa isa ko namang tinignan ang mga natitirang myembro ng Chess Pieces.




Target


Bullet


Vonzo Monte


Valentine Crawford


Asher Bedrijo


Hiro Yushira


Gavin Liurent


King Casper


Queen Venus


At ako




Sampu, sampu nalang kaming natitira. Halos kalahati din ang nabawas samin.

Kailangan na talagang magbago ng plano.

Tumikhim ang King kaya lumingon kami sakanya.



" Nagpatawag ako ng biglaang pagpupulong ngayon dahil gusto kong ipaalam sa inyo na nalalapit na ang araw ng digmaan. Malaking kawalan sakanila si Hugo Arsenal kaya meron na tayong konting tsansang manalo sakanila." Paguumpisa ng King



Bigla namang nagtaas ng kamay si Bullet " Pero,King, ba't hindi nalang ngayon? Mas may tsansa tayong manalo sakanila kung ngayon tayo susugod dahil kailan lang nung nawala si Hugo sakanila, sigurado akong lahat sila ngayon ay nasa magulong pag iisip pa."



" Tama po siya, kasi kapag tinagalan pa po natin ng konti ang pagsugod sakanila, eh baka magkaroon pa sila ng oras na makahanap ng bagong myembro. Sayang lang yung ginawa nating pagbabawas ng mga myembro nila." Pag sang ayon naman ng kakambal niya na si Target. Marunog talagang mag isip ang kambal na'to.



Hindi na rin ako nagpahuli. " At base din po sa Fuego, apat nalang din ang natitira nilang myembro. Baka makarecruit rin sila pag tinagalan pa natin ang digmaan." Opinyon ko. Ang mga taga Hirvana naman ay tahimik lang na nakikinig. Samantalang ang King ay nakita naming umiling. " Masyado pang delikado "



" Pero bakit, King? Konti nalang rin naman ang bilang nila." Takhang tanong ko. Ano pa bang hinihintay niya? Na makabangong muli ang dalawang grupo? Sayang ang sakripisyong ginawa ng ibang Chess Pieces para mabawasan ang myembro nila.



" Kahit pa konti nalang rin ang bilang nila, meron parin silang hawak na matitinding Alas." Sagot ng King.



" Sino ang tinutukoy niyo, King? " Tanong ni Asher.



" Ang dalawang anak ni Vlademir Acosta. " Seryosong saad niya. " Ang batang Boss ng Virgo Mafia na si Virgel, at ang Pinakamalakas na Diablo ng Fuego Clan na si Argo. Alam na natin ang kakayahan ni Argo dahil minsan na siyang sumulong sa palasyo natin. At tungkol naman kay Virgel, wala pa tayong masyadong impormasyon sa batang 'yun. Kulang pa tayo sa impormasyon para umpisahan ang digmaan." Dagdag pa niya na ikinatahimik ng lahat. Tama si King, ang Argo na yun, hindi nga basta bastang kalaban 'yun.



Nagtaas naman ng kamay si Valentine " At meron pa kaming idadadag na malaking hadlang, King. Si Benjamin Delgado, nasaksihan namin kung paano siya makipaglaban, at masasabi naming hindi rin siya basta bastang kalaban."



Sumunod naman na nagsalita si Hiro. " At sa Fuego, andun rin si Stephan Milvar, based sa mga naresearch ko tungkol sakanya, nanggaling siya sa isang tagong organisasyon noon na pinamumunuan ng isang Russian Mafia. Isa si Stephan sa pinakamagaling na hacker ng organisasyon na yun, halos lahat ng misyon ay napagtatagumpayan nila dahil sakanya. Sa tingin ko ay matindi rin siyang kalaban dahil sa talas ng utak niya."



" Yun nga ang gustong palabasin ni Mahal, delikado kung ngayon tayo susulong. Kailangan muna nating tapusin ang pinakaalas ng Virgo at Fuego para magtagumpay tayo sa digmaan." Singit naman ni Queen ni Venus.



" Pero paano po na'tin mapapatumba si Argo? Sa tingin ko ay wala tayong laban sakanya." Tanong ko.



Nakita naman naming ngumisi si King Casper. " Wag kayong mag alala, matagal ng markado ang pangalan niya sa iba't ibang Mafia group dito sa bansa dahil sa dami ng napaslang niya na kapwa rin kasapi ng mafia. Sa ngayon ay kasalukuyan parin nilang hinahanap ang kahinaan niya. At sa oras na malaman natin 'yun, madali na para sa'tin ang talian siya sa leeg at pilipitin ito hanggang sa madispatsya natin siya."



So yun pala 'yun, naghihintay lang pala si King na mahanapan ng kahinaan si Argo.



Sa ngayon ay kailangan muna naming dispatsahin ang halimaw na'yun bago umpisahan ang digmaan.




Pero ang tanong ngayon, ano nga kaya o sino nga kaya ang kahinaan ni Argo?



*****



[3rd Person's PoV ]




Pagkatapos sabihin yun lahat ni Casper ay pasimpleng ngumiti si Vonzo. Bigla niyang naalala yung binulong ni Argo sakanya nung panahon na naglaban sila.



Mukhang alam ko na kung sino ang kahinaan mo, Argo.




May alam na siya sa sinasabi ni Caper na kahinaan ni Argo pero ayaw niya itong ipaalam. Gusto niya na siya mismo ang gagawa ng hakbang para maghiganti sa ginawang pagpapahiya sakanya ni Argo.




Mukhang alam ko na kung paano kita sisingilin sa utang mo, hangal.



-To be Continued..



-MajorSin


Continue Reading

You'll Also Like

Jealous By :>

Short Story

172K 11.3K 97
"kailan mo ba aamining nagseselos ka?" [ california chat series #02. ]
385K 7.6K 32
MAFIA'S SERIES #2 Yza Garcia ay isang ordinaryong babae, masayahin, madaldal, masipag sa kanyang pinapasukan na trabaho para lang kumita sa araw-araw...
17K 759 39
After the devastation happened in Philippines the team who were awarded a recognition for their true bravery and wise decision for saving their own c...
703 181 15
Feliza Exel, a resident of Manila. A girl that every girl would envy and boys admire. She has the looks, brain, talents, wealth, and the things that...