VANGUARDIA

By nicos1345

9.2K 869 368

Fantasy / Soulmate AU Vanguardias are enchanted and powerful beings from another dimension. They have ink in... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Artworks :)
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24: The Dying Island (Part 1)
Chapter 24: The Dying Island (Part 2)
Chapter 25: The Lost Page (Part 1)
Chapter 25: The Lost Page (Part 2)
Chapter 26: The Plan
Day Before New Moon
The Night Before New Moon
For the Greater Good (Finale Part 1)
The Real Sacrifice (Finale Part 2)
Defying Destiny (Finale Part 3)
Epilogue

Chapter 13

291 31 9
By nicos1345


Narda's POV

"Sure ka wala ka pasyente?" Tanong ko kay Noah na ngayon ay nasa living area namin. Ang aga niya dumating, sasama daw pauwi.

"Nope. Nothing's urgent. Kung may urgent man, magmotor na lang ako pabalik."

"Ahh okay. Sige, dalhin mo na lang motor mo." Sabi ko habang naghahanda ng breakfast. "Bakit ka nga ulit sasama?" Tanong ko.

"Bakit bawal ba?" Nakangising sabi niya.

Tiningnan ko siya ng may pagdududa.

"Hahahaha! Syempre, namiss ko na luto ni Lola Berta. Tsaka I don't wanna miss Lola shipping you and Regina." Tawang tawang sabi niya.

"Shhh! Parang tanga, marinig ka."

Maliit lang siyempre yung condo tapos si Regina nasa cr pa. For sure, maririnig talaga niya yun.

"Sabi ko na nga ba, may hidden agenda ng pang-aasar. Buksan mo pinto, si Ali na siguro yun."

Sabi ko nang marinig ko din yung katok sa pinto.

"Why ako? You're closer to the door?"

Aba at nagreklamo pa. Pero tumayo naman siya para buksan yung pinto.

"Pinagluto kita ng breakfast no! Dagdag effort sayo, di mo kasi agad sinabi na sasama ka."

Ngumisi lang siya sakin.

"O, pre, kasama ka?" narinig kong tanong ni Ali sa may pinto.

Nag-usap pa sila ng konti bago ko sila tawagin.

"Uy, tara, breakfast na Ali." Tawag ko.

"Luh, si Ali lang?"

Hindi ako sumagot, wala lang pang-asar.

Nang umupo na sila, narinig ko bumukas yung pinto ng cr.

"Uy wait lang, Noah. Wag ka lumingon! Dito ka lang tumingin!"

Napahawak pa ako sa buhok ni Noah. Nakaupo siya sa dining, nakatayo naman ako sa likod niya. Di ko naman siya sinabunutan. Promise. Iniharap ko lang siya kay Ali. Naputol tuloy yung pagsubo nya ng tocino.

"I am eating peacefully here! Tsaka bakit ako lang, andito din naman si Ali!"

Tawa ng tawa si Ali sa kabilang side. "Hahaha! Pre, balot na balot naman si Regina, hindi mo deserve yan."

"Nakarobe siya, bakit ka ba kasi nakabath robe lang sa mga maling times." Lingon ko kay Regina.

Tapos tinawanan lang nya ako. Pagdaan niya sakin, pinisil yung pisngi ko with eye contact ng mga isang segundo. "Cutie" sabi niya at dumerecho papunta sa kwarto niya ng parang wala lang.

"Ayieeeeeee --- aray!" si Noah. Nabatukan ko tuloy sabay upo ko dun sa isang upuan.

Wag nyo na isipin na delikado ako sa kanya kasi alam nyo yung moment na nalaman ko na delikado na talaga ako? Ang tagal nang nangyari. Lalo pa mas naging comfortable kami sa isa't isa simula nung last new moon. Si Regina naman, physical touch ata love language nun, hindi lang halata, hindi ako masyadong prepared. Ang lambing kasi minsan.

Nakakalimutan ko na nga yung itsura ng masungit na Regina na una kong nakilala.

"Bro, kalmahan mo lang kasi. You sit here. You're malfunctioning." Tawang tawa pang sabi ni Noah.

"Wag ka kasi parang teenager mang-asar." Maktol ko kay Noah.

"Wag ka kasi parang teenager kiligin." Biglang sabi ni Ali. Aba at pinagtutulungan pa ako.

"Hoy Ali! Kakakilala lang natin ha. Iiwan ko kayo dalawa dito e!"

"Tapos si Regina na lang iuuwi niya. Hahahahahaha!" Asar pa ni Ali.

Nagkamali ata ako ng desisyon ah. Baka pagdating sa buhay, sure na sure na aasarin din ako ni Ding at ni Lola.

...

Regina's POV

"So.. how will we check?"

"Hindi na tayo convoy with Noah. Mauuna na daw siya. So, I think we're okay." Ali answered.

I've been pestering Ali on where he will go in Laguna. He said may pupuntahan din siya and I don't even know the point why it took him so long to tell me (not really, it's like 10 mins na pilitan), e kelangan naman pala niya ako dun.

Babalikan pala niya yung scene ng accident. I told him about that day and about my suspicion that a Vanguardia intercepted me. Ali can feel if a Vanguardia is around so pag nadaanan namin yung lugar sa expressway, we'll just check if he can find something.

I have to use again my ability as a bait dun sa exact location if it will trigger a reaction and it would not be safe if Noah is following us in a motorcycle. Si Narda naman, she knows my abilities so I just make an excuse why I would do that, if ever lang na mapansin niya.

The travel is chill lang. Ali is driving, me on the passenger seat while Narda is on the back seat. I did not talk much. Just because Ali has this unending list of questions to get to know Narda. That's until we got close to the location of accident.

Nagsenyas ako kay Ali and he changed lane and slowed down a little bit at a speed acceptable in expressway.

"May lay-by pala." Ali said.

"We're stopping? No." I whispered. Kasi ano sasabihin namin kay Narda? She already knows a lot about me. I'm sure, I can trust her but ayoko na sana siya mainvolve sa mga ganitong investigation namin ni Ali. If it happens na this is a serious matter pala, hindi pa naman namin sure, I don't want to put her life in line. Nasa vision ko pa naman siya.

"Wag ka mag-alala sa kanya." He said. "Narda." Ali called her, looking at the back mirror.

Narda responded to that call by looking at the same mirror, met Ali's eyes and after a split second, Ali's eyes changed color and Narda dropped lying to her seat.

"What did you do?!"

"Relax, natutulog lang siya. She'll wake up later. Baka mas well-rested pa nga. That doesn't do any harm."

"How the hell did you do that? Is she okay?!"

"Natutunan ko lang sa isang Vanguardia sa nakaraan. She's fine."

"When?"

"Alam mo bang yung abilities natin, hindi limited sa kung anong meron tayo na inborn? We can train and learn. You, with the intensity of your power last new moon, you can do a lot more."

"What are you talking about?"

"It's just not widely encouraged in the community." Ali said. Magtatanong pa sana ako pero inunahan niya ako "Shh. I'm stopping." Ali said.

We stopped at the lay-by. In the other side of the road, north bound, is the exact place where my vines snapped.

We did not get off the vehicle. Ali just looked around and concentrated.

"Nothing so far." He said. Tumingin siya sakin. "Do it."

Very subtlety, I let my plants grow at the roadside.

"Ah, still nothing. Ibig sabihin, they are here that day for a purpose."

"Sa tingin mo, inabangan talaga ang bus that day? But for what?"

"Hindi ko alam." Tumingin siya sakin.

"What?"

"Maybe it has something to do with you. I mean, walang benefit sating mga Vanguardia kung mananakit tayo ng mga tao. So hindi nila gagawin yung aksidente kung wala ka dun. Pero theory lang naman to."

I hate to think about it pero I agree with him. Maybe this has to do with me.

"Based on your vision, we might be facing something bigger than all of us."

Iniandar niya na ang kotse. "Balik ako tomorrow, try to check further. If I found nothing, we might have to go back to that time."

Tinaasan ko siya ng kilay. We both know Ali is not allowed to do that now.

"Is there another Vanguardia living here with the same ability as yours?"

Nagkibit balikat lang siya. "I don't know, we'll find ways."

...

Narda's POV

Nagising ako sa mahihinang tapik sa pisngi ko.

"Narda." Si Regina.

"Hmm?"

"Andito na tayo."

"Ha?" Napabalikwas ako tapos luminga linga ako sa paligid. Nasa harapan na talaga kami ng gate namin.

"Pano tayo nakarating?"

"Diba waze?" Sabi ni Regina sabay labas ng kotse. Nakababa na sila ni Ali, pinuntahan niya lang talaga ako dito sa backseat.

Nagkusot ako ng mata, inaalala kung kailan ba ako nakatulog. "Nakatulog ako?"

"Kanina pa, muntik na nga tumulo laway mo e." sabat ni Ali.

Sinimangutan ko siya pero nagpunas ako ng "non-existent" naman na laway sa bibig ko. "Ang hilig mang-asar nito."

"Apo, andyan na pala kayo? Naku nauna na si Noah dito, pinabili ko na sila ni Ding sa palengke ng lulutuin sa tanghalian." Masiglang sabi ni Lola habang lumalabas ng gate. Lumapit ako sa kanya, nagmano at yumakap.

"Inutusan nyo mamalengke si Doctor Noah Vallesteros? Hahahaha!" Natatawa kong sabi kasi feeling ko dito lang nauutusan si Noah, rich kid kasi.

"E excited naman yun gumawa ng mga ganung bagay na hindi pa niya nagagawa kaya nilulubos ko na. Tsaka kasama naman yung kapatid mo. Ay eto na ba si Regina."

Sabay bitaw ni Lola sakin at lapit kay Regina.

"Ay ang ganda ganda mo naman apo."

"Naku, Lola, mas maganda po kayo, batang bata pa." Sagot ni Regina na ikinagulat ko. Ngayon ko lang siya narinig na ganun yung tono ng pananalita niya. Madalas kasi kapag sa iba sya nakikipag-usap, medyo strong talaga personality niya. Nakita ko siya makipag-usap ng casual sa ibang tao katulad nung nag-attend kami ng binyag pero hindi ganito. Nang makipag-usap siya kay Lola, para siyang at home.

"Ay, talaga naman. Halika nga at payakap ako." Lambing ni Lola ko. Parang mas malambing pa siya ngayon kay Regina kaysa sakin ah. Napapangiti tuloy ako.

"At eto pa ang isang dagdag kong apo! Ikaw ba si Ali?"

Tumango lang yung isa tapos niyakap din siya ni Lola. Yung expression ni Ali, same ng kay Regina.

Anong meron sa lola ko at sa mga Vanguardia, bakit parang emotional moment to? Parang ako pa ang nakaabala ah.

"Narda, ingatan mo to kay Mara, ang kisig kisig pa naman nito. Baka targetin niya."

At ayun, nasira moment. Natawa ako ng todo. "Hahahaha! Lola, anong targetin? Saan mo natutunan yang mga words mo na yan? Kakaselpon mo yan."

"Naku, dapat siyempre alam ko yang mga yan at baka hindi na ako makarelate sa inyo. Tara pasok na tayo. Ipasok mo na gamit nyo. Dun na sila Ali at Noah sa kwarto ni Ding. Naglagay na ako ng extra higaan dun."

Naglakad si Lola papunta sa bahay habang nagsasalita tapos pagdaan sakin, tumingin siya sa mata ko at tinaas taas ang kilay, "Tapos tabi na kayo ni Regina dun sa kwarto mo."

"Lolaaaa!" Sa totoo lang, hindi masyado nagsink in sakin na magkasama kami sa kwarto ni Regina mamaya, mas nangibabaw yung medyo nagcringe ako kasi inaasar ako ni Lola nang parang ka-age namin sya.

"Hahaha! Nagbibiro lang ako apo." Tawang tawa na sabi ni Lola sabay ginulo yung buhok ko. Nakapusod pa naman yung buhok ko ngayon.

"Tigilan mo na yan, La. Ipapaputol ko internet dito e!"

Tapos dumating ang motor ni Noah, sakay din si Ding. Bumaba sila, si Noah yung may bitbit nang pinamalengke. Nauna siyang naglakad papasok ng bahay tapos pagdaan niya sakin, ang laki ng ngiti, "The tilapia is still alive!"

Natawa naman ako at umiling iling, "Hindi mo naman inenglish yung mga tindera dun?"

"Ding did."

Tapos narinig ko humagalpak ng tawa si Ding. Pinagloloko na naman siguro nito yung mga tindera dun.

"Teka, tilapia ba pinabili ni Lola?" Nagtaka kong tanong.

"Tulingan ate pero tama naman si Kuya Noah, yung tilapia yung buhay pa, patay na yung tulingan e." Tawang tawa na sabi niya.

"Ay ewan ko sa inyo, Ding, si Regina at Ali."

"Ay, hi Ate Regina, Kuya Ali." Nakipagkamay lang si Ding.

"Ang ganda mo Ate Regina." May pahabol pa si Ding.

"O tigilan mo na yan. Pasok na." Hinila ko si Ding.

"Eto naman si Ate, selos agad. Hahaha!" Sabay takbo papasok.

"Ipapaputol ko talaga internet dito e!"

...

Narda's POV

"Eto apo, ilagay mo na yung kamatis." Naririnig kong sabi ni Lola galing sa kusina. Nagvolunteer si Regina na tumulong sa pagluluto ng tanghalian. Ako naman, nagbabasa ng dyaryo sa sala. Wala naman ako naiintindihan sa nababasa ko kasi nakakaaliw sila panoorin.

"Lola, okay na po ito?" Tanong ni Regina maya maya. Narinig ko si Lola na magpaliwanag at maya maya, nagtatawanan na sila.

"Lola, you remind me of my mother." Narinig ko pa sabi ni Regina.

"Naku, kung hindi ka nakakauwi sa inyo, e dito ka na lang muna minsan kapag weekend. Para mapagluto ko din kayo, baka kung anu ano na kinakain nyo dun sa tirahan niyo sa Maynila. Welcome na welcome ka dito."

"Aww, thank you Lola." Ang soft pa nung ngiti ni Regina.

Ang simple lang naman nun pero bakit parang kinikilig ako? Iniharang ko pa yung dyaryo sa mukha ko kahit wala namang mga tao sa paligid na nang-aasar sakin.

"Ay apo, wait lang, itali muna natin ang buhok mo, bago ka magtrabaho dyan sa may kalan."

"Wait, Lola. Maghugas muna ako ng kamay." Narinig ko.

Tapos biglang dumaan si Ali palabas, galing sa kwarto.

"Eto na para di matagal kasi kumukulo na yan. Ali, pasuyo naman, itali mo buhok saglit ni Regina."

"Marunong po ba ako?" Napatanong tuloy si Ali kaya nagtawanan sila pero tinry naman niya kaya tumayo na ako.

"Ako na, Ali."

Lumapit ako kay Regina at binigay ni Ali sakin yung panali. "Halika."

Kitang kita ko sa gilid kung paano nag-iba yung ngiti ni Lola. Di ko na lang pinansin.

Pagkatapos ko, nagthank you sakin si Regina tapos nagluto na ulit. Hindi man lang ako nilingon kasi busy siya.

Kaya medyo lumapit ako ng bahagya at hinawi ko pa yung konting konting buhok niya na nakaharang sa may noo niya at nilagay sa gilid ng tenga nya kaya siya napatingin sakin.

"Okay ka na?" Tanong ko.

"Hmm." Tumango tango siya tapos ngumiti. "Thanks ulit." Tapos nagluto na ulit sya.

"Oy, Narda apo, tama na yang pagpapapansin mo dyan, tawagin mo sina Mara at inimbitahan ko sila magtanghalian dito."

"Hay nako Lola!" Buntong hininga ko sabay alis.

Minsan, gusto ko tanungin si Regina kung ano naiisip niya kapag binibiro ako nila Lola, Noah at Ali ng ganito pero wag na lang. Baka masaktan ako sa sagot e.

Paglabas ko, nakatayo si Ali sa tabi nung mga halaman ni Lola sa bakuran. Dati nagbebenta ng halaman at orchids si Lola e, ngayon ko lang napansin na nawala na yung "plants for sale" na karatula sa gate.

"You are down bad." Sabi ni Ali.

Isang malakas pa na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Ang tanghali pa para sa usapang ito Ali."

Natawa lang siya at hindi ko na talaga itinanggi. Wala rin naman point. Inaasar na din niya ako so feeling ko, nachika na rin ni Noah sa kanya. Minsan, ang mga lalaki talaga, machismis din.

"Kahit ano pa to, hindi naman kami pwede e, diba?" Sabi ko tapos natanaw ko si Mara dun sa kabilang bahay. "Teka, tatawagin ko lang si Mara at Maisha. Makikikain daw e."

...

Narda's POV

Kita ang pagkagulat ni Noah at Ding nung biglang pagpasok ko dun sa kwarto nila.

Naglalaro kasi sila ng playstation na binigay din ni Noah matagal na. Ayoko sana tanggapin kasi baka makaapekto sa pag-aaral ni Ding pero parang si Noah talaga mas may gusto. Napansin ko lang na parang mas childlike siya kapag nandito siya sa bahay. Baka parang kailangan niya din ito kasi hindi naman ganun kaclose ng relationship nila ng family niya.

"Noah, saluhin mo ako at wag ka mang-asar ha! Andyan si Jules! Paparating. Na kina Mara pala siya!"

"Nako po!" Sabat ni Ding. "Ayan, natalo tuloy ako. Kakain na ba?" Sabay tayo ni Ding at nagsimulang magligpit.

"Ha? What's the problem, now? You are in good terms, right?" Sabi ni Noah.

Napaisip ako. "Ay oo nga noh, anong pinag-aalala ko ba?"

"Baka takot kay Ate Regina. E hindi naman sila pwede."

Nabato ko tuloy ng unan tuloy si Ding kahit totoo. Talaga naman!

"Jules is nice naman despite what happened between you two. I think you don't need to worry about it. Sige, promise, kampi muna tayo, di muna kita aasarin."

Tinapik ko sa balikat si Noah, "Okay! Sabi mo yan ha!"

"I mean, what could go wrong?"

...

"Narda! Long time. Grabe ka ha, hindi mo pinansin yung last dm ko." Sabay lapit sakin ni Jules sakin at nagbeso sya.

"Uhmm. Hehe. Di ko napansin. Baka nakaduty ako nun. Pasensya ka na."

"Day, pakilala mo naman kami sa mga bagong friends mo. Ikaw ha. Kung sino sino inuuwi mo dito. Mas pogi pa kay pogi yung isa." Sabi ni Mara.

Sumabat naman si Noah, "Ako ba yung pogi?"

"Ay, ayoko sayo, English ka kasi." Sagot naman ni Mara.

"Pag kayo nagkatuluyan, ako unang tatawa." Sabi naman ni Maisha.

"Ano ba tong mga apo mo sa labas, Lola, ang iingay." Sabi ko kay Lola.

"Namiss lang kayo ng mga yan." Sabi naman ni Lola.

"Dali na friend, pakilala mo na."

"Ali, Regina. Eto si Mara, Maisha at Jules." Pakilala ko.

"Ohh, ikaw si Regina!" Sabi bigla ni Jules na kinabigla ko naman bakit niya kilala.

"Oh, hi." Matipid na sagot ni Regina.

"Where's Brian nga pala? Ikaw pala soulmate ni Brian. Nakwento ka niya sakin e." Sabi pa ni Jules. "Nagkausap kami sa chat minsan."

"Oh, uhmm. I don't know where he is. We're not really together?" Sabi ni Regina at napatingin siya sakin.

"Ahhh. Nakaduty si Brian. Diba, hindi kami pwede magsabay ng off." Sabi ko naman.

"Ah why not together, diba soul--?" Tinakpan ko bibig ni Jules.

"Ayan ka naman e. Ang daldal mo. Wag ka na magtanong." Sabi ko sa kanya.

"Ohh. Hahahaha! Eto na nga po, titigil na. Sorry Regina, that's too personal pala." Tapos humawak si Jules sa mga braso ko.

"Oy, Jules. Ang clingy mo dyan, di ka na mahal nyan."

Nanlaki yung mga mata ko sa banat ni Maisha.

"Okay lang yun. Single pa naman tong ex ko na to. Di niya kasi ako nireplyan nung isang araw, namiss ko tuloy." Sabi pa ni Jules at humilig siya sa balikat ko habang nakapulupot pa rin sya sa braso ko.

"Landi mo girl." Sabi naman ni Mara.

Napatingin ako kay Regina pero nakatalikod na siya papunta sa dining table.

Naalala ko yung sinabi ni Noah kanina na 'what could go wrong', eto na nga. Makulit kasi talaga tong si Jules tsaka natural sa kanya ang clingy. Pero masasabi mo bang wrong to e baka naman overthink ako ng overthink na baka hindi okay si Regina sa nangyayari, pero ang totoo wala naman pala siyang pakialam?

"Uhmm. Tara na kumain." Sabi ko na lang at kumawala ako sa hawak ni Jules. Tumawa naman siya bigla.

"Biro lang, eto namang ex ko, napakaproper. Paano ka magkakagirlfriend ulit niyan, di ka man lang lumalandi." Sinamaan ko siya ng tingin kaya lalo siya tumawa. Sa totoo lang, mutual naman yung breakup namin at hindi naman talaga kami masyado nagkasakitan kaya magkaibigan kami ngayon. At malinaw naman samin na hindi naman na kami magkakabalikan pa.

Nagtungo na lahat kami sa table at napansin kong doon na umupo si Regina sa pagitan ni Ali at ni Lola. Gusto ko sana tabi kami pero wala e, ang daming tao, ang kukulit pa.

Okay naman ang lunch. Masaya naman. Nakakamiss din naman sila. Pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis, nagkaayaan pa mag-inuman mamayang gabi.

...

Lumipas ang oras sa hapon. Sila Ding, Noah at Ali, nasa room lang, naglalaro pa rin. Minsan naririnig ko sila magkwentuhan. Nung pumasok ako sa kwarto, aba, pinaalis pa ako at boy talk daw sila.

Si Lola naman at si Regina, kinareer pa yung maglola bonding nila. Nakita ko na lang sila na nagkukwentuhan dun sa may bakuran habang naghahalaman. Ako pa nawalan ng kabonding ah. Tsaka anong nangyare? Parang di ko pa nakausap si Regina maghapon.

Nag-nap na lang tuloy ako sa sala. Nung magising ako, binabasa ni Ali yung dyaryo na hawak ko kanina. Nang mapansin nya na gising ako, nagsalita sya, "Labas tayo."

"Ha? Nasan sila?"

"Andyan lang sa labas si Noah at Ding, si Regina naman, pinagdrive si Lola dun sa tindahan ng something sa mga halaman. Hindi ko naintindihan, basta umalis sila tapos inutusan ako ni Regina na ayusin to o."

Pagtingin ko sa lamesita, andun yung karatula ng 'Plants for Sale' na bagong pintura.

"Sige, tara dun sa may bukid. Tambay lang. May view ng sunset dun pero sayang wala si Regina."

"Hayaan mo na yun. Isama mo na lang siya pag kayong dalawa na lang. Hehehe."

Etong si Ali naman, di nga kami pwede, asar pa ng asar.

...

"Noah is a bit different kapag nandito siya no?" Sabi ni Ali habang nakaupo kami sa may puno. Tanaw namin ang bukirin na malapit lang sa bahay namin. Dito kami tumatambay ng madalas nung bata pa kami. Sila Noah at Ding, ayun naglalaro ng frisbee sa di kalayuan. Nabili nila sa kanto.

"Si Noah kasi, hindi masyado close yung family niya. Kaya siguro sobrang nag-eenjoy siya kapag nandito siya. Kaya feeling ko, pinilit niya rin sumama. Gumagawa talaga siya ng time." Sagot ko.

"Ahh, kung pwede kong itanong, nasan ba ang family ni Noah?"

"Nasa Maynila din naman pero di pa kami nakapunta sa bahay nila e. Hindi pa namin nameet talaga yung parents niya. Nakita ko na Daddy nya pero sa work lang."

Tumango tango lang siya.

"Si Regina ba? Hindi ba siya nadadaldalan kay Lola. Maghapon na sila magkasama ah."

Tumawa ng mahina si Ali. "Si Lola, mayroon siyang awra na nakakagaan ng loob, alam mo yun. And she reminds us of Regina's mother nung una pa lang namin maramdaman ang presensya niya kaninang umaga. Matagal na silang hindi nagkikita. Kaya siguro pahiram mo muna si Lola mo."

Napangiti ako dun.

Ilang sandali pa. "May tanong ako, Ali."

"Hmm?"

"Ahh paano ba?" Biglang hindi ko tuloy kung paano ko sisimulan.

"Gusto mo siya?" Tanong niya. This time, hindi siya nang-aasar.

"Maniniwala ka ba kung itatanggi ko?"

"Hindi."

"Hmm. Okay. Oo gusto ko siya." Tinakpan ko ang mukha ko habang sinasabi ko yun.

"Sinubukan ko pigilan kasi alam kong wala naman kahihinatnan, pero wala e."

"Kailan pa?" Tanong niya.

"Hindi ko alam? Simula nung? Okay, feeling ko nasa ospital pa lang? Narealize ko lang. Inis na inis ako kay Brian kasi nga siya yung soulmate tapos parang wala siyang pakialam. Tapos nag-away pa kami nung lilipat kami sa condo pero parang ni hindi ko naisip na ayokong ituloy yung agreement na yun. Alam mo yun, mga maliliit na bagay na hindi ko narealize na gusto ko na pala siya."

Napabuntong hininga ako, parang napagod ako sa confession ko. Tiningnan ko si Ali na parang nag-iisip.

"Alam kong nahihirapan sila ni Brian ngayon tapos sabi nga nya kanina, hindi naman sila. At hindi ko rin naman alam kung gusto niya ba ako pero itatanong ko na rin. Wala ba talagang Vanguardia na hindi nakatuluyan ang soulmate niya?"

"Gusto ko man mabigyan ka ng favorable na sagot, pero wala talaga akong kilala e."

Hindi ko alam kung ano expectation ko nung nagdecide ako magopen kay Ali pero medyo masakit pala marinig yun.

"Pero alam mo, ako nga, dapat wala na ako e. Dalawang taon nang wala ang itinakda para sa akin. Umuwi ako to find answers pero nung pagdating ko dun, mas maraming tanong pa yung nakuha ko. Ang sinasabi ko lang, baka may mga exceptions? Ayokong paasahin ka pero nilalang kami sa ibang dimensyong walang valid reasoning. Hindi man natin sigurado ang lahat pero lahat naman posible."

"Ali. Wag mo ako paasahin." Mangiyak ngiyak kong sabi.

Napangiti siya. "Sabi ko ayoko kitang paasahin ha. Hindi ko kargo kung masaktan ka dyan. Sinasabi ko lang opinyon ko."

"Napakaharsh nun. Grabe. Ang sakit na nga ngayon e." Maktol ko.

"Ano ba balak mo gawin?"

"Wala." Sabi ko.

"Wala?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano gusto mo gawin ko e hindi nga kami pwede?" Sabi ko. "Ayoko naman agawin yung pagkakataon na maging sila ni Brian. Di ko naman alam ang buong kwento nila e. Pero okay naman kami ngayon. Siguro, makokontento na lang ako sa kung ano meron sa ngayon."

"Mahal mo ba siya?"

...

Ali's POV

"Mahal mo ba siya?"

Nag-isip siya nang malaim hanggang sa ngumiti siya at umiling habang nakatingin sa paglubog ng araw.

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung nasa ganyan stage na ako. Valid naman yun diba?"

"Hmm. Fair enough." Sagot ko ng mahina.

Napansin kong nangingilid ang luha niya nang magsalita siyang muli.

"Pero alam mo, wala naman ako balak iwasan siya para isalba yung sarili ko sa nararamdaman ko e. Di ko siguro kaya. Hindi ko kaya. Kung dumating ang araw na talagang mahal ko na siya, pwede bang.. mahalin ko lang siya?"

Unti unti akong tumingin sa kanya. I just have to look at her as she poured her heart out.

"Hindi naman ako manghihingi ng kapalit, hayaan nya na lang ako na mahalin ko siya."

Her emotions were witnessed by the beautiful colors of the sky and sunset. I can't help but teared up with her and root for her kahit wala kasiguraduhan ang lahat.


________

A/N:

May ishare ako. Okay lang ba? Medyo mahaba.

May napadaan na song sa mix ko and di ko siya naintindihan at first kasi it's in Bisaya. Di ko sure if ano dialect. Pero nung narinig ko siya nagandahan ako sa kanya talaga. Medyo nacontext clues ko yung ibang words tapos naghanap ako ng decent na translated lyrics.

Medyo dramatic kasi tayo so I usually have "soundtrack" kapag nagsusulat ako. Haha! And I think, this is the right song for this story. Share ko lang if anyone here knows the song "Duyog" by Jewel Villaflores? And if anyone can confirm if "Duyog" means "together" ba? Try to listen to it if you have time and if in future chapters, may mga emotional scenes, I am sure na I'm listening to that song while writing it. And isa pa, narinig ko tong song few chapters back pa pero this is the right chapter to share it kasi.. may nafafall na.

Anyway, thanks for reading the story. Hope this chapter is okay kasi ang daming dialogues. I am not so sure if I've written it well.

And thank you sa lahat ng comments and votes. Well appreciated. See you next week. :)

Continue Reading

You'll Also Like

56.4K 1.9K 18
Sinabi ko na sayo na don't fall in love with me, dahil hindi kita kayang saluhin. Still lalaki pa rin ang gusto ko. Isa ka lamang taga pawi ng uhaw k...
2.5K 86 19
(Under revision, will continue soon) This is the BOOK 2 OF of STRAIGHT, A tagalog-english story, Chiquita and Cooper the twin of Mr. Panther and Ms...
7.6K 342 70
Yuri is here to find The One That Got Away "What are you doing here, Vin?" "Yuri..." Is she the one? ~a ryujisu/jinlia fanfic Shin Ryujin x Choi Lia...
106K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...