Via Dolorosa

Dimasilaw_101

4.1K 403 2.9K

Sa taong 1891, ang Bayan ng San Fernando ay nababalot pa rin ng mga kakaibang nilalang. Ano kaya ang magiging... Еще

PAUNANG SALITA
Kapitulo - I
Kapitulo - II
Kapitulo - III
Kapitulo - IV
Kapitulo - V
Kapitulo - VI
Kapitulo - VII
Kapitulo - VIII
Kapitulo - IX
Kapitulo - X
Kapitulo - XI
Kapitulo - XII
Kapitulo - XIII
Kapitulo - XIV
Kapitulo- XV
Kapitulo - XVI
Kapitulo - XVII
Kapitulo - XVIII
Kapitulo - XIX
Kapitulo - XXI
Kapitulo - XXII
Kapitulo - XXIII
Kapitulo - XXIV
Kapitulo - XXV
Kapitulo - XXVI
Kapitulo - XXVII
Kapitulo - XXVIII
Kapitulo - XXIX
Kapitulo - XXX
Kapitulo - XXXI
Kapitulo - XXXII
Kapitulo - XXXIII
Kapitulo - XXXIV
Kapitulo - XXXV
Kapitulo - XXXVI
Kapitulo - XXXVII
Kapitulo - XXXVIII
Kapitulo - XXXIX
Kapitulo - XL
Kapitulo - XLI
Kapitulo - XLII
Kapitulo - XLIII
•Capítulo Especial•
Aún No Es El Final
Author's Note
Via Dolorosa

Kapitulo - XX

61 9 47
Dimasilaw_101

"PASENSYA na, Dolor. Mukhang ako pa yata ang may dahilan kung bakit napagalitan ka ni lolo," Bungad ni Kahimanawari sa pintuan papunta sa isang hardin.

Napangiti si Dolorosa nang makita ang pamangkin at agad na napayakap dito, "Ayos lang, mas lalo akong naging interesado sa mga hakbang na gagawin"

Napasulyap naman si Kahimanawari sa binibining kausap ni Marco ngayon. Namangha siya sa kinis ng balat nito na kasing puti ng labanos. Iniisip niya rin na may lahing mestiza de sangley ang panauhin, "S-sino ang mujer na iyan?"

"Ah- si binibining Edelmira. Kasapi ng Kongregasyon. Ayon nga, nais niya sanang magsaliksik sa amin dahil akala niya'y tayo'y nagmula sa lahi ng mga aswang," Ani Dolorosa at lumapit nang bahagya sa pamangkin sabay bulong, "Isa siya sa mga tagapuksa ng mga nilalang na may kinalaman sa aswang"

Umarkong pabilog ang bibig ni Kahimanawari sa nalaman, "Tapos? Anong nangyari? Bakit siya'y may pasa?"

Napahinga nang malalim si Dolorosa at sumulyap pa sa dalawa ngayon na nag-uusap at minsan ay nagtatawanan pa, "Parang hindi nagkasakitan ah? Ano, ganito kasi..." Napapansin niya na handang makinig si Kahimanawari sa kaniya, "Sumama si Kuya Marco sa mga cambiaformas noong isang gabi. Pagkatapos ay nakasagupa niya ang binibining iyan. Ayon, natalo si kuya Marco. Napakaarogante kasi, ayan tuloy nakahanap ng katapat"

Napailing na lamang si Kahimanawari at napatawa nang mahinhin, "Bagay sila."

"Siyang tunay, halika't ipakilala kita" Hihilain na sana ni Dolorosa ang pamangkin ngunit tila ayaw sumunod nito.

"Sandali, maiba tayo. Paano kung makakatulong din siya na magsaliksik ukol sa mga prayle sa monasteryo? Baka may kinalaman ang mga pari sa paghasik ng kasamaan ng mga taong-lobo na hindi natin kaanib?" Tanong pa ni Kahimanawari, nakita niyang napaisip si Dolorosa.

"Ako na lang, kaya ko na---"

"Paano kung sasama rin ako-"

"Hindi na, Wari. Ikaw ang magsisilbing tenga at mata ko rito sa balwarte," Saad ni Dolorosa at ngumiti sa pamangkin, "Halika na, ipapakilala na kita sa binibini"

Napatango si Kahimanawari at sumunod na lamang kay Dolorosa.

LAHAT ng puwersa ni Don Xavier ay naibuwelta niya sa aroganteng panauhin na nagngangalang Uno Valiente na kasapi ng La Orden De Las Espadas Sagradas.

Nabasag ang salamin na nilikha ni Uno na ginawa niyang tanggulan ngunit bigo siya, sapol ang kamao ng don sa kaniyang mukha at siya'y tumilapon. Kitang-kita niya ang mapupulang balintataw ni Don Xavier.

Tumayo siya na tila hindi natinag. Napapunas pa siya ng kaniyang ilong na ngayon ay dumugo resulta ng pagkakasuntok sa kaniya ni Don Xavier. Napaupo na lamang siya sa kabilang kabisera kasama ang lambanang si Bulawan na umupo sa kaniyang balikat, "Mahusay, mahusay! Bilang pa lamang sa daliri ng isang kamay ko ang nagawa akong patamaan sa mukha at dahil dito ay pinupuri kita, ginoong Xavier Sarmiento. Tunay ngang hari ka nga ng mga taong-lobo!" Saad ni Uno sabay ngiti at pumalakpak pa.

Tumugon si Don Xavier gamit ang malalim na boses, "Pinupuri rin kita, ginoong Uno. Matapos mong tanggapin ang suntok ko ay nakakasorpresang hindi sumabulat ang utak mo sa bawat sulok ng silid na ito. Ngunit huwag ka sanang magkaroon ng masamang isipin dahil sa marahas na pagtanggap namin sa iyo," Napasulyap pa siya sa kasamahan niyang nakabulagta ngayon sa sahig at walang malay, "Batay kasi sa mga sinabi mo ay isa kang banta sa kaligtasan ng mga nananahanan dito at bilang pinuno ay hindi ko rin hahayaan ang nais mong mangyari. Tungkulin kong protektahan ang aking nasasakupan at ang mga bagay na mahalaga sa akin. Ang aking kaibigan, ang buong angkan at higit sa lahat ang mahal kong pamilya."

Tahimik na nakikinig lamang si Uno habang sinasamsam ang sakit sa katawan, tila sandaling nawalan siya ng lakas. Mainit pa rin ang tingin sa kaniya ni Don Xavier at nanatiling mapula ang mga balintataw habang kinakausap siya. May nabasa siyang pahina ng mga libro noon patungkol sa mga taong-lobo na kapag mapula ang mga balintataw ay nababalutan ng poot at galit ang kanilang budhi at mas doble ang lakas nila kaysa sa pangkaraniwang taong-lobo.

"Nawa'y maintindihan mo ako. Nga pala, labis kong ikinalulungkot ang nangyari sa bayan. Subalit, wala kaming kinalaman doon at handa kong patunayan ito," Seryosong saad ni Don Xavier, "Kahit magkamatayan man tayo ngayon."

Napalunok ng laway si Uno sa tinuran ng don.

Naputol ang kanilang pag-uusap nang marinig ang katok na nagmula sa pintuan, at bigla na lamang naglaho si Uno.

Pumasok naman si Edelmira at nagulat sa naging sitwasyon sa naturang silid.

TANGHALING tapat na at naghahanap ng tiyempo si Dolorosa na makalabas ng tahanan at sundan si binibining Edelmira at kaniyang kuya Marco. Sumilip pa siya sa silid ni Adrian at nakita na abala ito sa paglinis ng silid.

Nagsuot na siya ng balabal at nais ng lumundag sa bintana ngunit biglang pumasok ang kaniyang ina.

"Dolor? Santisima! Anong gagawin mo?"

Nanlamig si Dolorosa sa presensya ng ina, "mag-isip ka ng dahilan, Dolor!" Napangiti siya sa ina at kinorteng pakpak ang balabal, "Ah, w-wala po. Nais ko lang na gayahin ang mga ibon. May pakpak sila at malayang nakakalipad, hindi ba, ina?"

Nangunot ang noo ni Doña Araceli at napailing sabay kuha ng mga damit ni Dolorosa upang labhan ito, "Mukhang kulang ka sa tulog, anak. Mag siesta ka na muna,"

Napakamot sa ulo si Dolorosa at nahihilaw na ngumiti sa ina, "Oo nga po, pasensya na po. 'yun nga, ina, kulang lang talaga ako sa tulog"

"O siya, pupunta pa akong batis. Pagkatapos ng iyong siesta ay puntahan mo na lang ako roon," Ani Doña Araceli at lumabas na ng tuluyan sa silid.

Sinilip niya muli ang ina. Dahan-dahan niyang isinara ang pintuan pagkatapos ay lumundag na siya sa bintana, palinga-linga pa siya nang makaabot na siya sa ilalim, nang malaman na walang nakapansin ay tumakbo na siya nang mabilis para masundan pa ang kapatid at si Edelmira.

SA isang mataong talipapa ay napadpad si Liyong. Hindi na niya mahanap si Teofilo na kanina'y biglang lumabas sa mamahaling kainan kasama ang alcalde at si Uno.

"Saan na kaya 'yun?" Tanong pa ni Liyong sa sarili. Pinagtitinginan na siya ng ibang binibini na pa simpleng nagpapaypay nang mabilis. Hindi na lamang iyon pinansin at pinunasan na lamang ang sariling pawis dahil sa sobrang init.

Naglakad pa siya at balak na libutin ang buong talipapa hanggang sa may nabangga siyang isang babae na tila nakita na niya noon pero hindi niya mawari kung saang lupalop ng lupa niya ito nakatagpo. "Pasensya na, binibini." Nakita niya lamang itong ngumiti at nagpatuloy na sa paglalakad papalayo.

Napakamot na lamang si Liyong ng kaniyang ulo dahil mukhang isang oras na ang kaniyang ginugol sa paghahanap kay Teofilo ngunit hindi na niya ito masumpungan. Naisipan niya na lamang na bumalik sa kainan ngunit sa kaniyang paglingon ay may nakabangga na naman siya, "Tumingin ka kasi sa daana--- binibining Dolorosa?" Agad niyang inalahad ang palad sa dalaga dahil napaupo ito sa lupa.

Nasapo na lamang ni Dolorosa ang kaniyang noo dahil nakabangga siya ng isang matangkad na lalaki at napaupo pa siya sa maalikabok na daanan. Nakita niya naman ang palad na nakalahad sa kaniya, "L-liyong?"

Nagkatitigan sila nang ilang segundo.

Hinila agad ni Liyong si Dolorosa nang maramdaman na may paparating na mga kalesa na may sakay na mga gwardiya-sibil.

Nasubsob si Dolorosa sa dibdib ni Liyong. Napasulyap pa siya sa mga kalesang dumaan, nakita niyang lulan din doon ang pamilya ni Immaculada kung kaya ay isiniksik niya ang sarili sa binata.

Napangiti naman si Liyong at tinago niya si Dolorosa sa kaniyang mga bisig upang hindi na rin ito makalanghap ng mga alikabok.

SA isang malawak na taniman ng mga kalasutsi na katabi lamang ng Monasteryo de San Fernando at ng Colegio de San Fernando ay naroroon si Dolorosa at Liyong na nakaupo sa isang mayabong at mabulaklaking puno ng kalatsutsi.

Habang nilalaro ni Dolorosa sa kaniyang kamay ang isang kalasutsi ay hindi niya maiwasan na mapasulyap kay Liyong. Kulay tsokolate ang buhok nitong hanggang balikat, perpekto ang hulma ng panga at may matangos na ilong. Hindi maitatangging nabibighani siya sa mukha ni Liyong ngunit pinipilit niyang iniiwasan ang ganitong isipan.

"Bakit ka napadpad dito sa bayan?" Tanong ni Liyong sa dalaga.

"Dahil sa isang misyon na hindi alam ni ama at ina," Tugon ni Dolorosa at napahinga nang malalim, "Kita mo ang monasteryo na iyan? Akala mo'y mga sinong banal ang namamalagi diyan"

Kumunot ang noo ng binata sa tinuran ng binibini, "Mag hunus-dili ka sa iyong mga sinasabi, baka may makarinig sa iyo."

Ngumisi si Dolorosa, "Mas mabuting marinig nila. Ito ang misyon ko, ang puksain at ipalabas ang kanilang totoong katauhan"

"H-hindi ko maarok, binibini" Mahinahong tugon ni Liyong.

"Mga bampira ang mga dominicanong prayle, Liyong! Alam kong may mga binibiktima silang mga dalagita. Kita mo ang mga nakapaskil sa bawat kanto? May mga nawawalang babae" Litanya pa ni Dolorosa at tumayo. Napatitig siya sa monasteryo, mainit ang kaniyang dugo sa mga prayleng nakalaloob dito.

Gulat man nang marinig ni Liyong ay tumayo na rin siya, "Bueno, kung iyo na mararapatin ay maaari bang sumama sa iyong misyon?"

Napatingin si Dolorosa sa binata, "Ano?"

"Gusto kong sumama sa iyo," Seryosong sabi ni Liyong, "Para kahit papaano ay may kasama ka,"

Napahalukipkip si Dolorosa at inirapan ang binata, "Hay naku! Kaya ko na ang sarili ko. At isa pa, malapit na rin kayong magsama ni ginoong Teofilo at binibining Edelmira. May misyon naman kayo di---"

"Dolor?" Tinitigan ni Liyong ang mga mata ni Dolorosa, "Kaya na nilang dalawa iyon. Nais kong tulungan ka, kahit papaano ay mababantayan din kita"

Hindi makakurap si Dolorosa sa mga tinuran ni Liyong.

"Matagal din akong naghanap ng babaeng kagaya mo, at ngayon ay natagpuan ko na rito sa San Fernando," Sabay kawala ng ngiti, "Kung kaya ay hayaan mo akong samahan ka."

(Kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo
Para hanapin para hanapin ka

Nilibot ang distrito ng iyong lumbay
Pupulutin pupulutin ka

Sinusundo kita
Sinusundo

Asahan mong mula ngayon
Pag-ibig ko'y sayo
Asahan mong mula ngayon
Pag-ibig ko'y sayo)

Ngunit mula sa kalayuan ay may mainit na mga matang nagmamatyag sa dalawa. Nakayukom ang kaniyang mga kamao habang may tumutulong dugo roon.
------

Featured Song:

Talaan ng Larawan:

(Visual lamang ito kung ano ang mukha ng kalachuchi tree hahaha)





(Kinikilig po ako sa pic ni Johnny Depp po, opo.)

Продолжить чтение

Вам также понравится

71.8K 1.6K 14
Just a fanfic of Classroom of the Elite which has collection of interaction between different characters. Also there is a after 5 years arc, I'll con...
The Saving Mate *⋆ 𝙱𝙴𝙻 ⋆*

Про оборотней

25K 884 27
Valentina thought that by being accepted into a new pack she would get the protection she wished for, but after agreeing to live with the handsome al...
41.6K 1.2K 15
You are approached by Eren Jaeger, the mysterious young adult that follows you around. Who knew about his secret, and he had you, (Y/n), to keep it f...
55.4K 6.1K 29
Completed ✔️ -I love you & only you. هەموو مافەکەی دەگەڕیتەوە بۆ خۆم🖤