Flawed Series 1: Lost in His...

Door elyjindria

3.7M 105K 36.2K

(COMPLETED) Maria Elaine Garcia has been working as a maid at Hacienda Castellon for a long time. She's innoc... Meer

Lost in His Fire
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
WAKAS

KABANATA 22

76.8K 2.3K 480
Door elyjindria

"Bakit alam mo ang tungkol sa anak ko?" mariing tanong ko.

Napalunok si Zamir. "My friend told me about it... when I was still in jail."

Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko at kinuyom ang kamao... "Wala kang anak sa akin, Zamir. Wala kang karapatan sa anak ko."

"I know I did nothing when you needed me... I have no right to be called a father. But... I'm willing to do anything. I will do anything. I'll wait for you to finally allow me to see our child," sinabi niya sa mahinang boses. Tila ba sinasabi niya hindi niya pupuntahan ang anak ko kapag hindi ako pumayag.

Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi. "Wala akong balak payagan kang makita ang anak ko, Zamir. 'Wag ka nang umasa. Sa'yo na mismo nanggaling, wala kang karapatan."

Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita. Agad akong lumabas ng bahay niya. Bahagyang nanginginig pa ang mga kamay ko nang makasakay ako sa kotse.

Hindi naman dapat ako kabahan dahil kung iisipin, wala naman talagang karapatan si Zamir. Kahit pa idaan niya 'to sa korte, hindi siya mapagbibigyan lalo pa't may criminal record siya... Desidido ako sa desisyon ko na ipagkait si Nathan sa kaniya. Wala akong pakialam kung sabihan pa ako ng lahat na masama at makasarili... Hindi nila alam ang pinagdaanan ko. Iingatan at poprotektahan ko ang anak ko sa paraan na alam ko.

Napabuntonghininga ako nang makauwi. Agad akong nagshower at nagpalit ng komportableng damit saka dumiretso sa silid ni Nathan. Naabutan ko siyang nanonood ng cartoons. Napangiti ako at pumasok sa loob saka umupo sa kama niya.

"Mama!" Yumakap siya agad sa'kin saka humalik sa pisngi ko.

Napangiti naman ako at gumanti nang mainit na yakap sa kaniya saka hinaplos ang buhok niya. "Hello, anak ko. Kumusta ang araw mo?" tanong ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin saka ngumiti. Napangiti rin ako... parang nawawala ang lahat ng iniisip ko kapag nakikita ko ang anak ko ng ganito.

"Okay naman po, Mama. Pero sinabi po ni teacher na kailangan daw po na um-attend po ang family sa gaganapin po na program sa school," paliwanag niya. "Busy ka po Mama?"

Ngumiti ako saka humalik sa noo niya. "Ano ka ba, 'nak? Siyempre pupunta ako ro'n para sa'yo."

Napangiti si Nathan saka yumakap sa'kin. "Thank you po, Mama. I love you."

Gumanti ako ng yakap sa kaniya. "Mahal na mahal din kita, anak..." Hinaplos ko ang buhok niya.

Natigilan ako nang mapatingin sa drawing na nasa bedside table niya. Drawing 'yon ng stick man na bata kasama ang Mama at Papa niya. May pangalan niya ang bata, nakalagay rin ang pangalan ko sa Mama... iginuhit niya pa rin ang Papa kahit na walang pangalan o hindi niya kilala.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumingin kay Nathan na inosenteng nakatingin sa akin. Hinaplos ko ang pisngi niya saka tipid na ngumiti.

"Anak... bakit may kasama kang Papa sa drawing?" tanong ko sa mahinang boses saka itinuro ang drawing niya.

"Mama, lahat po ng tao may Papa. Kahit po nasa heaven na, or nasa malayong place... may Papa pa rin po ako. Kasi wala po ako world if wala po akong Papa. Sabi po ni teacher 'yun," paliwanag niya naman.

Tila may naramdaman ako sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Palagi ngang itinatanong sa'kin ni Nathan ang tungkol sa Papa niya noon... pero nang mapansin niya na palagi akong nagdadahilan... hindi na siya nagtanong pa ulit. Pero alam ko... gusto niya rin malaman, pero ayaw na niya akong pilitin.

Naramdaman kong nanlabo ang paningin ko dahil sa luhang namumuo sa mga mata ko. Napaka bait na bata ng anak ko... kaya naaawa ako sa kaniya dahil nasa ganito siyang sitwasyon. Kung sana ay iba na lang ang naging ama niya.

"Anak... G-gusto mo bang makilala ang Papa mo?" tanong ko saka humawak sa pisngi niya.

Napaiwas ng tingin si Nathan saka kumamot sa batok niya. "Mama, happy na po ako sa'yo at kay Tita Ria," nakangusong sabi niya.

Mas lalong lumambot ang puso ko... siguro nag-aalala siya na baka magtampo ako kapag inamin niya sa'kin ang totoong nararamdaman niya.

Hinaplos ko ang pisngi niya. "Anak... sabihin mo sa'kin ang totoong nararamdaman mo... Hindi ako magagalit o magtatampo."

Saglit na natahimik si Nathan bago sumagot. "Sa totoo lang po, gusto ko pong makita at makilala ang Papa ko. Gusto ko po talaga... pero sapat ka na po sa'kin, Mama. Kahit sabihin niyo po o hindi ang tungkol sa Papa ko... ayos lang po sa akin."

Buong gabi kong inisip ang sinabi ni Nathan sa akin.

Siguro nga wala akong pakialam sa nararamdaman ni Zamir... pero iba 'yon pagdating sa anak ko. Kung papipiliin ako, mas gusto ko pang magpakilala ng ibang tatay sa kaniya... pero hindi rin naman kakayanin ng konsensya ko ang magsinungaling sa anak ko.

"Si Zamir? 'Yung panganay ng mga Castellon na gagong tatay ni Nathan?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Ria saka napatakip sa bibig niya. "Gago... Alam niya rin ang tungkol kay Nathan?"

Napabuntonghininga ako saka humawak sa batok ko. "Ayokong ipakilala si Nathan sa kaniya... alam mo 'yan. Hiniling ko buong gabi na sana umalis na lang siya ulit at mawala sa buhay namin... Hindi ko alam ang gagawin ko, Ria. Naiisip ko rin si Nathan... Alam kong gustong gusto niyang makilala ang Papa niya. Hindi ko na alam..."

Napabuga ng hangin si Ria saka lumapit sa'kin at umakbay. "Elaine, sa totoo lang sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko alam ang sasabihin sa'yo... kasi hindi naman ako ang dapat magdesisyon kundi ikaw. Nandito lang naman ako lagi para suportahan ka sa mga gagawin mo... Ngayon paniguradong naglalaban sa isip mo kung gagawin mo ba ang tama... o ang gusto mo. Pag-isipan mo munang maigi. Sigurado naman na kahit ano'ng maging desisyon mo, igagalang din 'yon ni Nathan."

Nang araw na 'yon... napagdesisyunan kong hindi muna magtrabaho at dalhin si Nathan sa mall. Masyadong malalim ang iniisip ko... Masyado akong naiipit sa kung ano ba ang dapat kong gawin, dahil gaya ng sabi ni Ria... nagtatalo sa isip ko kung gagawin ko ang gusto ko o ang tamang gawin.

"Baby, masarap ba ang ice cream?" nakangiting tanong ko kay Nathan habang marahang pinapahid ang ice cream sa gilid ng labi niya.

"Opo, Mama... Super favorite ko nga po 'to, e," sabi niya saka ngumiti nang matamis sa'kin.

Napangiti rin ako habang nakatitig sa kaniya... Masaya naman kami kahit kami lang. Hindi niya kailangan si Zamir. Kaya kong maging nanay at tatay sa kaniya. Nakaya namin ng walang kahit anong tulong galing kay Zamir. Hindi namin siya kailangan.

Natigilan ako nang mapansin na natahimik si Nathan. Nakatingin siya mula sa di kalayuan... nakatingin siya sa bata na buhat ng tatay niya. Nagtatawanan sila at mukhang may pinagkukwentuhan.

Muli akong napatingin kay Nathan... nakatitig lang siya roon, at tila may kumirot sa puso ko nang makitang... may bahid ng inggit sa mga mata niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko, kasabay ng pamumuo ng luha sa mga mata ko. Lumapit ako sa kaniya at yumakap. Halata namang natigilan si Nathan sa ginawa ko.

"Mama?" nagtatakang tanong niya, pero gumanti rin ng yakap sa'kin.

Napapikit ako nang mariin, mahirap para sa'king gawin... pero si Nathan ang pinaka mahalaga sa'kin. Mas mahalaga sa'kin ang nararamdaman ng anak ko, kaysa sa nararamdaman ko.

"A-anak... gusto mo bang makilala ang Papa mo?" tanong ko sa mahinang boses.

Halatang natigilan siya sa tanong ko. "Mama..."

Kumalas ako sa pagkakayakap niya saka napatitig sa inosente niyang mukha. Hinaplos ko ang pisngi niya. "Anak... G-gusto mo bang makilala ang Papa mo?"

Napalunok si Nathan. "T-totoo po ba 'yan, Mama?" tanong niya, tila naninigurado.

Ngumiti ako. "K-kung gusto mo... ipapakilala ko siya sa'yo."

Napangiti si Nathan... malaking ngiti. "Mama, gusto ko po. Gustong gusto ko po talaga."

Kitang kita ko sa anak ko kung gaano siya kasaya roon... kaya kahit mahirap sa'kin... pinili ko pa rin ang makakapagpasaya sa anak ko. Pagdating kay Nathan... wala akong plano maging makasarili... Siya ang lahat sa akin.

Pagsapit ng gabi, nag-send agad ako ng message kay Zamir. Sinabi ko sa kaniya na magpunta siya sa bahay dahil pumapayag na akong makita niya si Nathan. Gusto ko rin bawiin iyon agad... pero natigilan lang ako nang mapatingin kay Nathan na mahimbing nang natutulog.

Ayokong biguin ang anak ko. Nagbitiw na ako ng salita sa kaniya... ayokong masaktan siya at madismaya.

Maagang nagpunta si Zamir kinabukasan. Agad ko siyang pinagbuksan ng pinto. Simpleng black t-shirt at jeans ang suot niya. Napabuga ako ng hangin... gusto ko na siya agad paalisin. Hindi ko yata matatagalan ito... pilit ko na lang iniisip si Nathan.

Lumapit sa'min si Ria saka tinapik ang balikat ko. Seryosong tumingin siya kay Zamir.

"Alam mo, Zamir Castellon... Ayaw ko rin talaga na makilala ka ni Nathan. Kapag naaalala ko ang pinagdaanan ni Elaine noon dahil sa'yo, naiinis pa rin ako. Pero dahil gusto kang makita ni Nathan... sige, palalagpasin ko na lang. Sana 'wag mo na lang kaming biguin ulit," seryosong sabi niya kay Zamir.

Napalunok si Zamir at tumango. "Thank you for giving me a chance... and I heard... you were by their side during those hard times. I'm really really thankful for that. Thank you so much," sinabi ni Zamir.

Halatang natigilan si Ria sa sinabi nito, bumulong pa sa'kin. "Anong nangyari diyan? Bukod sa mas naging gwapo siya—"

Tinaasan ko siya ng kilay. Ano ba'ng pinagsasabi niya? Wala namang nagbago sa hitsura ni Zamir... Ang totoo nga niyan, mas lalong naging nakakainis ang pagmumukha nito para sa'kin. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa matinding galit na nararamdaman ko sa kaniya.

Tumikhim siya. "I mean... Hindi na siya ang badass Zamir na kilala ko," bulong niya pa sa'kin. "Ay whatever... Aalis muna ako at hahayaan kong makapag-moment muna silang mag-ama," sabi na lang niya saka tinapik ang balikat ko.

Naiwan kami ni Zamir nang umalis na si Ria. Pinagkrus ko ang mga braso ko saka muling tumingin kay Zamir.

"Hahayaan kitang makilala si Nathan... Hindi ko 'to ginawa para sa'yo. Kung ako lang ang masusunod, ayaw kitang kilalanin man lang na ama ng anak ko. Ayokong makita ka niya, mahawakan, o maramdaman. Gusto kong mawala ka na lang sa buhay namin... pero ano'ng magagawa ko? Mas mahalaga sa'kin ang nararamdaman ni Nathan... at gusto ka niyang makilala."

Napalunok si Zamir saka tumingin sa'kin, tipid na ngumiti. "Nathan ang pangalan niya?"

Napabuga ako ng hangin. Ni ayokong marinig na binabanggit niya ang pangalan ng anak ko.

"Nathan Zachariel ang pangalan ng anak ko," sabi ko na lang. Pilit kong pinagdidiinan sa kaniya na anak ko lang si Nathan.

Saglit na natahimik si Zamir. "S-salamat, Elaine. Maraming salamat. I won't waste this chance that you gave me."

Hindi na ako nagsalita at nagtungo na sa silid ni Nathan. Napabuntonghininga ako nang maabutan siyang nagsusuklay habang nakatingin sa salamin... halatang excited na makita ang tatay niya.

"Anak..."

Napalingon siya sa'kin. Agad siyang napangiti saka yumakap sa'kin. Tipid na ngumiti na lang ako saka hinaplos ang buhok niya.

"Nandoon na sa living room ang Papa mo. Excited ka na ba?"

Napalunok siya at tumango. "Opo, Mama. Sana po mabait si Papa ko."

Napakagat ako sa ibabang labi ko, hindi alam ang sasabihin. Hindi mabuting tao si Zamir para sa akin... pero ayoko rin namang sabihin 'yon kay Nathan. Excited siya na makita ang Papa niya. Ayoko namang sirain 'yon sa kaniya.

Tahimik na sumunod ako kay Nathan habang excited na tumakbo papuntang living room. Napatingin agad si Zamir sa direksyon namin. Napansin ko na pinagkikiskis niya ang mga palad niya, tila kinakabahan.

Lumapit si Nathan kay Zamir saka matiim na tumitig dito. Napalunok naman si Zamir habang nakatitig din kay Nathan.

"Ikaw po ba ang Papa ko?" tanong ni Nathan saka ngumiti, nakita ang bungi nitong ngipin.

Napalunok si Zamir habang nakatitig kay Nathan. Nangislap ang mga mata niya dahil sa luhang namumuo sa mga 'yon. Lumuhod siya sa harapan ni Nathan saka marahang humawak magkabilang braso nito.

"I-ikaw ba si Nathan Zachariel?" tanong ni Zamir, tuluyang nabasag ang boses nito.

Ngumiti si Nathan at tumango. "Opo. Ako po si Nathan Zachariel Garcia. 5 years old po ako at love na love ko po ang Mama ko. Ikaw po? Ano po ang pangalan mo?"

Tuluyang kumawala ang luha sa mata ni Zamir. "A-ako si Zamir Luciferus Castellon..." muling nabasag ang boses niya, saglit siyang tumigil, tila nahihirapang magsalita. "Masaya ako na makilala ka, Nathan... Ako ang Papa mo, Nathan." Sunod-sunod na ang pagkawala ng mga luha sa mga mata nito.

Halatang nag-alala si Nathan. Humawak siya sa pisngi ni Zamir saka pinahid ang mga luha nito. "B-bakit ka po umiiyak?" tila nag-aalalang tanong pa niya.

Yumakap si Zamir sa kaniya. Natigilan si Nathan, pero gumanti rin siya ng yakap dito.

"I'm just... so happy. You saved my life, Nathan. You kept me alive..." anas niya saka nag-angat ng tingin sa'kin.

Napaiwas na lang ako ng tingin at kumuyom ang kamao... Siguro nga, may posibilidad na magiging mabuti siyang ama kay Nathan... pero hindi ko pa rin matatanggap ang tulad niya sa buhay namin.

Hinayaan ko siyang makasama si Nathan. Halata rin naman na masaya si Nathan na kasama siya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko roon. Nag-aalala ako... baka masanay siya sa presensya ni Zamir. Wala akong balak na hayaan ang lalaking 'yon na magtagal sa buhay namin.

"Papa... bakit po ngayon ka lang po nagpakilala sa akin?" tanong ni Nathan habang nakaupo sa kandungan ni Zamir. Nanonood sila ng tv habang tahimik lang ako sa single sofa at nagbabasa ng libro. Kailangan ko silang bantayan dahil wala akong ni katiting na tiwala kay Zamir.

"Uhm..." Napahawak si Zamir sa batok niya. "Marami kasing nangyari, anak. Sorry kung ngayon lang ako nagpakilala sa'yo," sabi ni Zamir habang nakatitig kay Nathan, tila bakas sa mga mata nito ang matinding emosyon na hindi ko maipaliwanag.

"Gano'n po ba? Okay lang po. Happy po ako na nakilala na po kita ngayon," nakangiting sabi pa ni Nathan. Bumaba naman ang tingin niya sa leeg at braso ni Zamir. "Bakit po ang dami niyo pong ganito?" tanong niya saka itinuro ang tattoo ni Zamir.

Napalunok si Zamir, tila kinabahan. "B-bakit, anak? Ayaw mo ba nito? Ipapaalis ko kung ayaw mo," sabi niya saka ngumiti kay Nathan.

"Okay lang naman po, pero medyo scary po 'yung mga naka-drawing," sabi niya saka itinuro ang tattoo ni Zamir. Medyo malala nga talaga ang ibang tattoos ni Zamir. Meron siyang tattoo sa braso na babaeng walang mata at lumuluha ng dugo.

Ngumiti si Zamir. "Don't worry, I will have my tattoos removed tomorrow."

Natigilan ako sa sinabi niya... Gagawin niya ba talaga 'yon? Tila parte na ng buhay niya ang mga naka-tattoo sa katawan niya. At sa pagkakaalam ko, masakit magpaalis ng tattoo... Gagawin niya ba talaga 'yon?

Napangisi na lang ako at umiling. Mabuti pa ay 'wag na akong umasa. Wala namang ibang aasahan sa lalaking 'yan.

Pagkatapos ng pagkikita nila ni Nathan, ilang araw din siyang hindi nagparamdam... Akala ko tuluyan na siyang nagsawa at hindi na ulit babalik... na pabor naman sa'kin, pero mali ako.

Nang bumalik siya, nagulat na lang ako... may mga bakas pa... pero talaga ngang pinaalis niya ang mga tattoo niya sa katawan. 

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
935K 14.5K 19
Kyla Marigold Endrano will do everything for money. She desperately needs a huge amount of money for her ill brother's treatment. Zevero Montalvo on...
7.7M 237K 45
(COMPLETED) Kiara Amaris North knew that her parents are not really in love with each other, she was just a product of a loveless marriage. On her 24...
3.4M 75.4K 59
Wretchedness Series #1 (Completed) She's a wife, and being married to him was the biggest mistake she made in her life. Date Started: December 23, 20...