Prologue
~~~
a isang abandonadong lugar at sa isang napakalaking kwarto.....
"tulong! Tulong! Tulong! Tulungan nyo ako! "
"Tumigil ka nga dyan kung ayaw patayin na kita ngayon. Lalaking lalaki, sisigaw?" sabi nung panget na lalaki. Mahaba ang buhok na animo'y parang witch na lalaki. Tapos may hikaw pa na parang nakahithit ng shabu.
"Pakawalan mo ako dito, may mission pa kaming gawin. Please....." pagmamakaawa ko sakanya
"sumusobra ka na ha!" sabay tutok sakin ng baril
"chillax lang bro, mamaya mo na yan gawin. Mapapakinabangan pa natin yan. Malaking halaga din makukuha natin, konting tiis nalang. Huwag kang excited..." sabi nung lalaki na walang buhok at sobrang kinis nang ulo na pwede ka nang manalamin nito. Tapos may hikaw sa kilay! Ngayon pa nga ako nakakita ng ganitong nilalang, kahit kilay sinasabitan ng hikaw.
"Anong gagawin nyo sakin? Kung pera wala kayong makukuha saakin kasi wala akong wallet. Kita nyo naman na namumulubi na nga lansangan dahil naliligaw ako.... Hinahanap ko lang yung bata." pagkekwento ko sakanila.
"Shut up!!!" sambat ng mukhang unggoy na kanina pa kain ng kain ng saging sa harapan ko. Halos tumulo na nga laway ko kapag nakikita ko syang kumakain sa sobrang gutom.
Paano ba naman kasi itong bata na yun, hinahanap ko. Bigla kasi syang nawala. Yan tuloy naligaw ako at napagtripang kidnappin ng mga unggoy na ito.
"anong ngingiti ngiti mo dyan! Ha? Tinatawanan mo ba kami? Ha?" galit na sabi nung isa
"bakit, masama ba?" sagot ko
Hanep ah, pati ngiti ko binantayan pa. Di ko nga namalayang nakangiti na pala ako. Aywan ko ba, kahit nasa kasagsagan na ako ng kapahamakan, nakuha ko paring ngumiti. Nyek, ang drama. Balik nga tayo sa aksyon.
"aba, lumalaban ka pa ha! " at lumapit sya saakin at tyaka ako hinampas sa ulo.
Bigla namang nagdugo ang bibig ko sa sobrang lakas ng pagkakahampas. Tinignan ko sya ng masama habang pinupunasan ko ang dugo saking bibig sabay ngumisi
"kahit kailan wala kayong makukuha sakin" ngingiti ngiti kong sabi.
Bigla namang umalis ang lalaking humampas saakin at sa kanyang pagbalik..........
"mmmmmm.....," pilit nitong kumalas sa pagkakahawak ng demonyong lalaki
"huwag mo syang sasaktan!" tatayo na sana ako nang hindi ako mahiwalay sa upuan. Nakalimutam ko palang nakatali ang buo kong katawan sa upuan.
"SHIT! PAKAWALAN NYO AKO DITO" pasigaw kong sabi
Nakita kong may tumulong luha sa kanyang mata kaya naghanap ako ng paraan para makawala.
May dala akong tansan. Ginamit ko para maputol ang lubid.
Sa sobra kong galit ay sinuntok ko agad ang dalawa nitong kasama.
"mmmm.....Mmmm" pilit kumalas sya sa lalaking demonyo. Kinuha ko agad ang baril sa lalaki. Wala akong pakialam kung makapatay ako ng tao ngayon basta ang importante ay matupad ang kanyang mission.Last na nyang araw ngayon. Mahalaga sya para saakin.Tinutukan ko ng baril. Kinuha nya naman ang scotchtape sa bibig nito.
[A/N: sadyang kapos ngayon ang author kaya scotchtape lang ang ginamit ko. Hehehe]
Bigla naman itong nagsalita
"My mission is not important at all so please umalis kana! Hayaan mo nalang ako dito" at umiyak sya ng umiyak.
"no, hindi kita iiwan dito"
"ARAYY!" sabay sabunot nito sa buhok nya
"please bitawan mo sya. Ako lang ang kailangan mo diba?"sabi ko habang nakatutok parin ang baril sa lalaki.
"Hahay buhay ang drama. Segi na nga pagbibigyan ko na kayo" sabay bitiw sakanya
"takbo bilis sagipin mo ang sarili mo!" sigaw ko sakanya
"Pero--"
"bilis" galit kong sabi sakanya. Nakita ko syang pinunasan ang kanyang luha at agad itong tumakbo papalayo. Napapikit ako at muling idinilat ko ang aking mga mata, tumingin ako sa lalaki.
"ganun ba talaga sya importante para sayo? Kahit buhay mo pa ang kapalit. Bata lang naman sya..." at ako ang tinutukan nya ng baril
Napatingin ako sakanya....
"ano ba talaga ang kailangan mo saakin?"
"Pera, diba ikaw ang pinakamayaman sa school nyo?"
"Paano nyo nalaman?" sabay tingin ko sa akin wristclock, shit 10 minutes to go na, sana makita nya sya para matapos na itong mission.
"Di mo ba alam na noon pa kami nagmamasid sayo?"
"Bakit nyo ba ginagawa ito. Asan ba pamilya nyo? Kaya kayo iniwan dahil mas masahol pa kayo sa demonyo. Mamamatay tao, walang kwenta! SALOT SA LIPUNAN!!!" galit ko syang sinigawan
"Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan!" at itinutok nya ang baril sakin" kayo ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang buhay namin kaya ang dapat sainyo ang mamamatay!!!" at pinaputok nya ang baril saakin. Napapikit nalang ako.
......
How i wish na maacomplish na nya sa huling minuto ng kanyang mission. Marami akong natutunan nung nakasama ko sya...... Salamat sakanya
PAALAM......