KRISTINE SERIES 26: Trace Lav...

By AgaOdilag

134K 2.7K 366

Trace Lavigne was SEAL. His code name: Condor. A bird of prey. A hunter. Dangerous and majestic. Uncapable of... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22

CHAPTER 20

5.4K 120 10
By AgaOdilag

"SAAN ka pupunta?" nag-aalalang tanong ni
pagkidnap Jessica na sinundan ang asawa sa library.

"Kung may kinalaman si Richard sa anak ko'y papatayin ko siya, Jess!"

"H-hindi tayo nakatitiyak, Trace. Kasamang
umuwi ni Attorney Gavino si Richard sa Maynila. Natatandaan kong sinabi ni Richard na wala siyang komunikasyon sa stepfather niya at hindi siya umuuwi rito. Baka naman ang stepfather na ito ni Richard ang siyang may kagagawan ng pagkidnap kay Rodge."

Isang marahas na hininga ang pinakawalan niya. "I just hope so, Jess." Tinapik nito si Brad. "Ikaw na ang bahala rito, buddy. Bagaman bukas pa sinasabi ng mga kidnappers sila tatawag ay hindi pa rin tayo nakatitiyak. Ipakausap mo kay Brenda. Mag-iiwan ako ng instructions."

"I'll go with you," ani Brad at tumayo mula sa
computer chair.

"Thanks, buddy. But I have to do this alone. I
owe this to my son."

"Then I'll go with you."

Nahinto sa paghakbang palabas si Trace at niyuko ang asawa at hinawakan sa magkabilang balikat. "Mapanganib ang gagawin ko, Jess. Hindi ko alam kung ano ang dadatnan. Gusto kong ituon ang buong atensiyon ko sa pagliligtas kay Rodge.
He could be there. At ayokong mahati ang atensiyon ko sa inyong dalawa." Yumuko ito at dinampian siya ng halik sa mga labi at tuluyan nang lumabas bago pa siya may masabi.

"Kung nasa bahay na iyon si Rodge, ibabalik
niya ito, Jess," ani Brad nang makita ang pag-aalala sa mukha niya. "Trust your husband. Sampung dobleng panganib ang hindi na mabilang na sinuong ng asawa mo sa nakalipas na mga taon."

Naupo siya sa gilid ng sofa at ikinulong ang
mukha sa mga palad at tahimik na umiyak. May ilang sandaling hinayaan siya ni Brad bago muling nagsalita.

"You love him..." he said gently.

"Yes," she answered without looking at him.

"Then I am so happy for Trace, Jessica. Ano man ang sirkumstansiya ng inyong pagpapakasal, umaasa akong gagawin mo ang lahat upang hindi niya tanggapin ang assignment sa Iran."

Nag-angat siya ng ulo. "Ano ang ibig mong
sabihin?"

"We haven't talked about it yet. Pero ipinaalam
na ni Kurt sa akin na buo na ang pasya ni Trace na tanggapin ang assignment sa Iran. Ayon din kay Kurt, nang huli silang mag-usap-and that was the day after you married him-ay hindi nagbago ang pasya nito."

"So that is why he agreed to marry me!" aniya,
napatayo. "Bale-wala sa kanya kung matali man siya sa akin dahil aalis din siya!"

Tumango si Brad. "Sinabi niya kay Kurt na
dadalawin lang niya ang dating bahay nila at
pagkatapos ay babalik na siya sa Amerika. Trace must have nine lives if he came out of Iran alive. We've just learned lately that there had been a mole in the Agency."

Napatitig sa kawalan si Jessica. At kung sa
palagay mo'y hindi mo na kailangan ang presensiya at serbisyo ko'y sabihin mo lang... I can disappear in no time at all...

"No! Hindi niya magagawang umalis. Not now
that he has found out he has a son!"

Illang sandaling tinitigan siya ni Brad. Pagkatapos ay tumango ito. "Marahil ay tama ka. Malaking bagay ang pagkakatuklas ni Rodge na may anak siya."

"Nakatitiyak ako," she said firmly. Pagkatapos
ikuwento sa kanya ni Trace ang naging buhay nito ay natitiyak niyang hindi nito iiwan si Rodge. "Gusto kong sumagap ng hangin, Brad." Lumabas siya sa veranda at mabilis na binaybay iyon.

Subalit napahinto siya sa paghakbang nang
makitang hindi pa nakakaalis ang asawa at kausap pa nito si Brenda.

"Bring our son back, Trace," Brenda said with
tears rolling down in her cheeks. Pagkatapos ay itinaas nito ang mga kamay sa leeg ni Trace at mapusok na hinagkan ito sa mga labi.
Tumalikod siya at sumandal sa batong dingding.

Tinakpan niya ang bibig niya upang huwag
makaalpas ang pagsinghap. Sumilip lamang siyang muli nang marinig ang pag-andar ng makina ng kotseng ipinagamit ni Brenda rito. Nakatayo ito roon at kinakawayan si Trace hanggang sa makalabas ito ng garahe.

Nang mawala ito sa paningin ay humarap si
Brenda at tumingin sa dakong kinatatayuan niya. Tila pinalis ng malakas na hangin ang mga luha nito kani-kanina lang.

"Nagulat akong malamang nagpakasal kayo ni
Trace, Jessica." Lumakad ito patungo sa kanya. "Sinabi ni Perliza sa akin ang sirkumstansiya ng
pagpapakasal ninyo..."

Hindi siya makahagilap ng sasabihin. Malinaw
pa ring nakaukit sa isip niya ang ginawa nitong
paghalik kay Trace. Sa sulok ng mga mata niya'y natanaw niya ang paglabas ni Perliza sa foyer.

"Kailangan ba talagang maghintay ng isang taon bago kayo mag-file ng annulment?" Brenda asked, a malice in her voice.

"lyon ang nakalagay sa testamento ni Papa."
Brenda tsked. "And you picked Trace at the pub. Why, Jessica? Natitiyak kong hindi ka nawawalan ng manliligaw at walang tatanggi sa iyo. My god, your family is filthy rich! Kahit si Papa ay halos sambahin ang pangalang Fortalejo."

Isa lang ang kaya niyang isagot doon--dahil
hindi ito si Richard. That she would have picked any man... Napahinto siya sa tinatakbo ng isip. Would she really pick any man had Trace not been there to offer himself?

Tama ba si Perliza sa analisasyon nito sa
nangyari?

"Trace must have recognized you and decided
to help you." Patuloy ni Brenda nang manatili siyang hindi nagsasalita. "So very like Trace, wanting to be the Knight in Shining Armour. Did you know that we met in Puerto Galera just a day before you met him at the pub?"

Tumaas ang mga mata niya rito. Hindi sinabi ni
Trace ang bagay na iyon. Sa pagkakaalam niya'y ngayon lang muling nagkita ang dalawa.

"Oh, he hasn't told you!" Puno ng kasiyahan ang ngiti nito. "Sa pension house na tinutuluyan ko nagpalipas ng magdamag si Trace bago bumiyahe patungong El Nido. At pinawi ng ilang sandali ang siyam na taong nawala sa amin, Jessica."

"Brenda!" ani Perliza sa galit na tono. "Ano ba
ang gusto mong palabasin?"

Pauyam na nilinga nito si Perliza. "Na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakalimutan ni Trace, Perliza. He loved me then. He will love me now. Lalobat may anak kami. Alalahanin mong napakahalaga para kay Trace ang anak ko. We are family now."

"For goodness' sake, may asawa na iyong tao!"

She rolled her eyes. "As if I care. Besides, sa
pangalan lang naman sila mag-asawa. Their
marriage had served its purpose. One year isn't that long. Lalo kung uuwi rito si Trace dahil narito si Rodge. Patay na ang papa at malaya na siyang makakapunta rito."

"Hindi ka interesado kay Rodge. You only
tolerated the boy because of your father. Dahil alam mong aalisan ka niya ng mana at puputulin niya ang allowance mo sa sandaling hindi mo pinakitaan ng mabuti si Rodge!"

Nagkibit ito ng mga balikat. "Paano mo namang nasabi iyan, Perliza? Hawak mo ba ang damdamin ko bilang ina ni Rodge?"

"You are a selfish bitch, Brenda. You aren't
worried that your son was kidnapped and might be in danger. Walang mahalaga sa iyo kundi ang sarili mo! At ngayong patay na ang papa mo'y gusto mong palabasing mahalaga si Rodge dahil alam mong sa kanya ipinamana ni Uncle Hilarion ang malaking bahagi ng kayamanan ng mga Gamboa."

"Whoa! Nagkaasawa ka lang ng mayaman at
matandang diplomat ay lumaki na nang husto ang ulo mo. Ang basura balutin mo man ng ginto, basura pa rin." Isang halakhak ang pinakawalan nito. "You are a social climber, Perliza. Bakit ba, eh, wala kang kaibigang mahirap. Tulad na lang nitong si Jessica. Ang pagkakaibigan ninyo ay status symbol para sa iyo."

Humakbang si Perliza upang sampalin ito subalit iniharang ni Jessica ang sarili rito.

"There's no need to be violent, Liz."

Nginitian siya ni Brenda. "See what I mean,
Perliza? Jessica is a true blueblooded woman.
Samantalang ikaw ay nakarating lang sa kina-
lalagyan mo dahil pinag-aral ka ng Papa."

"Enough, Brenda," saway ni Jessica rito. "Walang silbi ang pagtatalong ito samantalang nasa panganib ang anak mo."

"Anak namin ni Trace," she emphasized. "Iyan
ang gusto kong tandaan mo, Jessica. Hindi dahil ipinanganak kang may dalawang pilak na kutsara sa bibig ay madali na para kay Trace na ipagpalit ang ina ng anak niya sa iyo. Pinatunayan niya iyon nang gabing matulog siya sa pension house ko! Ask him."

Pagkasabi niyon ay tumalikod ito at tinungo ang hagdan at pumanhik sa itaas.

"Hindi na nagbago ang babaeng iyon kahit
kailan. Masama mang sabihin ay natitiyak kong balewala sa kanyang mapahamak si Rodge. Mapupunta sa kanya ang mamanahin nito. And don't believe the things she said about her and Trace."

"Oh, I believe her, Liz," she said bitterly. Ang sakit ng katotohanang iyon ay patalim na humihiwa sa dibdib niya. "Mahalaga kay Trace ang pamilya... ang buong pamilya. Lalong higit si Rodge. Hindi niya papayagang walang kikilalaning ina si Rodge."

"Jess..."

"I know, Liz. Kagabi'y pinag-usapan namin ni
Trace ang buhay na pinagdaanan niya. Well, at least, if both Brenda and Rodge will keep him from going to Iran, then perhaps it's worth giving him up." She tried to control her sob. Subalit matagal na silang magkaibigan ni Perliza para itago ang damdamin niya.

"Oh, my god, but you love him!" Puno ng
simpatya ang tinig nito at nilapitan siya.

"Hindi ko alam kung paano, Liz... hindi ko alam..."

Nagtuluy-tuloy na ang mga luha niya.

"You didn't have a serious relationship since we
were kids, Jess. Your crush on him must have
developed into a full-blown love when you met him again, let alone married him."

She sniffed. "Siyam na taon kaming hindi
nagkita, Liz. At hindi man lang kami nagkaroon ng pagkakataong magkakilala. There was not a single word exchanged between us. I don't think he ever noticed me nine years ago. It was just a stupid crush. It doesn't make any sense."

"Who says love is sensible?"

She smiled at her friend. Pinahid ng likod ng
palad ang mukha. "Susundan ko si Trace sa
Maypajo, Liz..."

"You're crazy!"

"Kailangan ni Rodge ng pamilyar na mukha kung sakaling naroroon nga ito."

"Huwag kang magbiro nang ganyan, Jessica."

"Naisip ko nang sundan siya kanina pa man.
Kailangang makita kong pareho silang ligtas na mag-ama. Hindi ako mapapalagay habang naghihintay rito. Hanapan mo ako ng sasakyan, Liz."

"Tatawagan ko ang mga kapatid mo!"

She smiled without humor. "Hindi mo gagawin
iyon. Isasapanganib mo ang buhay ni Rodge kung susugod doon ang mga kapatid ko."

Napaungol ito.

"ILANG oras na lang ang ipaghihintay natin," nakangising sabi ni Rosauro Magat sa pinuno.
"Mapapasaatin na ang trescientos sesenta dolyares na katumbas ng dalawampung milyong piso humigit-kumulang!"

Nasisiyahang tumawa ang mga lalaki. "Sa
sandaling mapasakamay natin ang salapi ay
absuwelto ka na sa utang mo, Magat. May bonus ka pa."

"Ang maganda nito'y atin ang salaping ibabayad sa atin ni Rick," sagot naman ng isa.
"Hindi alam ng big boss ang sideline natin."

Nagtawanan ang mga ito. Pagkatapos ay
sinulyapan ang bata na namamaluktot sa mahabang sofa, nakatali pa rin ang mga kamay.

"Pakainin ninyo ang bata," ani Rosauro.
"Kahapon pa hindi kumakain iyan. At hindi ba ninyo nakikitang nilalagnat? Sukat ba namang suntukin mo, eh, bata lang iyan."

"Sinipa ako ng batang sinasabi mo, Magat. At
hindi mahina ang sipang ginawa niya."

"Ano ba ang pinagtatalunan ninyo?" sabi ng isa. "Papatayin din naman natin iyan."

"Bakit natin kailangang pumatay kung
mapapasaatin ang pera?" ani Rosauro uli.

"Hindi ako mamamatay-tao, labas ako sa gusto ninyong mangyari."

Nagtawanan ang apat.

ISANG daang metro mula sa bahay ay inihinto ni Trace ang sasakyan sa makapal na talahiban.
Pagkatapos ay tinakbo niya ang patungo sa bahay.

Humihingal nagtatayugang na itinago niya ang sarili sa mga damo at puno. It was a two-
storey house. Yari sa bato at kahoy. Luma na subalit magilas pa ring nakatayo sa gitna ng malaki at ginugubat nang solar. The nearest neighbors were fifty meters to the west.

Hindi niya natitiyak kung ilang tao ang nasa
bahay maliban sa limang kidnappers. Maaaring may ilan pang kasamahan ang mga ito. He could easily take them out. Pero naroroon ang anak niya.

Please keep yourself safe, son... he prayed as
he had never prayed before. Nakahanda siyang ipagpalit ang buhay niya rito ano mang sandaling kakailanganin. Subalit sa sandaling iyon ay hindi siya nakatitiyak kung buhay pa si Rodge.

Malaking porsiyento na pinapatay ng mga
kidnappers ang mga kidnap victims kahit nakatitiyak ang mga itong ibibigay ng mga kamag-anak ang ransom.

Hindi niya magawang mag-isip ng plano. Walang pumapasok sa isip niya. Sana'y pinakinggan niya si Kurt. Mas nangingibabaw ang takot niya para sa kaligtasan ng anak.

Kinuha niya ang baril niya at inihagis sa
damuhan. Pagkatapos ay hayag na lumakad
patungo sa bahay.

Limang metro mula sa balkon ay isang lalaki ang lumabas.

Nagulat pa ito nang matanaw siya. Nagpalinga-linga at mabilis na dinukot ang baril at iniumang sa kanya.

"Sino ka? Ano ang ginagawa mo rito?" sita nito.
Pagkatapos ay pasigaw na tinawag ang pangalan ng mga kasamahan. Isa roon ang lumabas.

"Ano ba ang isinisi--Tang ina! Sino iyan?" Ito
man ay humugot ng baril at itinutok kay Trace.

Itinaas ni Trace ang dalawang kamay. "Ako ang
ama ng kinidnap ninyo. At hindi ako lalaban. Wala akong armas."

Nagkatinginan sandali ang dalawang lalaki bago mabilis na ibinalik ang mga mata sa kanya. "Walang ama ang bata! Pulis ka!"

"Hindi ako pulis," mahinahon niyang sabi kahit
na halos sumabog ang dibdib niya sa galit.

"Ako ang ama ng bata. Itanong ninyo sa kanya. Ako si Trace."

Sandaling muling nagkatinginan at nagsenyasan ang dalawa. "Pumasok ka at gisingin mo ang bata," utos ng lalaking unang lumabas na sa tono ay ang pinakapinuno.

Sukat sa narinig ay pinanlambutan ng mga tuhod si Trace sa relief na naramdaman. Buhay ang anak niya.

"Gusto kong makita ang anak ko," aniya bago
pa makatalikod ang isa. "Handa kong ipagpalit ang sarili ko sa kanya."

Nagtawanan ang dalawang lalaki na bigla rin
namang nahinto. "Paano mong nalaman ang lugar na ito?" mabalasik na tanong ng isa at muling itinaas ang baril sa kanya. Ang isa naman ay naghihinalang tinanaw ang kapaligiran.

"Nag-iisa lang ako. Ang mismong kinakasama
ko ang nakakita kay Rosauro Magat nang palabas kayo sa bahay ng mga Gamboa. Kaya nang ipaalam sa akin ang pagkawala ng anak ko'y si Magat agad ang pinaghinalaan."

Sabay na nagmura ang dalawang lalaki.
"Sinasabi ko na nga ba, eh. Hindi na natin dapat isinama ang gagong iyon. At buwisit na Samonte iyan. Pinaniwala tayong ina lang ang mayroon ang bata."

"Iyon ang alam ng Samonte na sinasabi ninyo.
Matagal na kaming hiwalay ng ina ng bata."
Itinaas ng lalaki ang baril sa kanya, ngumisi.

"Kumuha ka ng panali at itali mo ang hangal na ito."

Mabilis na kumilos ang inutusan. Paglabas
nitong muli ay kasama na ang isa pang lalaki na tulad ng una'y nilinga rin ang paligid. Hindi pa nasiyahan ay tinungo nito ang solar at sinuri ang paligid ng bahay.

Ilang sandali pa'y mahigpit nang nakatali ang
mga kamay ni Trace sa harap niya ng makapal na nylon rope na malagas man ang mga ngipin niya ay hindi niya makakalag.

Nag-iigting ang buong pagkatao niya sa galit subalit sinikap niyang kontrolin iyon.

Mamamatay-tao ang mga lalaking ito. Gayunman, wala ang mga itong kasanayan katulad ng sa kanya.

"Tumawag ka sa mansiyon," utos ng pinaka-
pinuno. "Sabihin mong i-deliver ang salapi ng alas-tres ng hapon. Ibigay mo ang lugar na napagusapan natin."

Kumunot ang noo ng lalaking nagtali sa mga
kamay niya. Ang isa na natapos sa pagsuri sa paligid ay napatingin din sa pinuno. "Akala ko ba'y sa gabi natin makukuha ang pera?"

"Bobo ka pala, eh. Kailangan narito na ang pera bago pa dumating si Samonte. Ang lalaking iyan, si Magat, ang bata, at si Samonte ay sama-sama nating totodasin. Susunugin natin itong bahay. Bago pa may makarating na tulong ay tupok na ang lahat."

Ngumisi ang mga kasamahan nito. Itinulak ng
mga ito si Trace papasok sa loob. Sa kusina ay
naroon ang isa pang lalaki na napatayo mula sa paglalaro ng baraha nang pumasok sila.

Ang mga mata niya'y agad na natuon sa bata na namamaluktot sa isang wooden bench.

"Ama daw siya ng bata," sabi ng may hawak sa
kanya, malakas siyang hinampas sa likod ng baril at napasubsob siya sa mesang-kainan.

Sukat sa narinig ay kumilos si Rodge. Nagsikap
bumangon mula sa pagkakahiga at hirap na
humarap. Halos hindi nito kayanin ang ulo nang luminga at hanapin siya ng nag-iisang mulat na mata.

"You... are Tracy?" he croaked.

Gustong maagnas ng puso ni Trace sa narinig
at sa nakita. Then his eyes trained on the boy's face.

In an instant, his face hardened. His lips thinned.

"Who hurt you, son?" he asked quietly. His tone
making the hairs stand up on the back of the men's neck.

Sa likod niya'y naririnig niya ang marahang
pag-ubo mula sa isa sa tatlong lalaki. Ang nasa mesa ay palipat-lipat ang tingin sa kanila.

Si Rodge ay sinikap aninagin sa nag-iisang mata ang mga lalaki. He could hardly focus.

"The... the one in navy shirt."

Rage came swiftly as Trace turned to the men.
Ang naka-asul na T-shirt ay nasa kanang likuran niya at ang dalawa nitong kasama ay nasa kaliwa niya.

"You bastard!"

lyon ang huling salitang narinig ng lalaking naka-asul sa mundong ito. Ang nakataling mga kamay ni Trace ay umigkas patungo sa leeg ng lalaki.

Ang tunog ng lumalagutok na buto, ang
desperadong paghahabol ng hininga ng sanggano ay nagpatanga sa lahat.

Nanlalaki ang mga matang nakatitig ang mga
ito sa kasamahang inaagusan ng dugo sa bibig
habang unti-unting nalagutan ng hininga.

"Hindi niya dapat sinaktan ang anak ko," aniya,
nilingon ang dalawang lalaki na tila ba walang
kabuluhan ang mga ito.

Hindi makapaniwalang nagkatinginan ang
dalawa bago naalalang may mga armas sila.

Subalit bago pa nila naitaas ang mga iyon ay umigkas ang binti ni Trace para sa magkakasunod na flying kick.

They were fatal kicks. His foot hit the hearts of both men, seconds after the other.

"Tang 'na mo, Magat!" sigaw ng isa mula sa
pinto sa may kusina. "Patayin mo ang bata!"

Subalit ni hindi magawang kumilos ni Rosauro.

Napuno ng sindak ang mukhang nakatitig sa mga kasamahan.

Si Trace ay nawalan ng kulay ang mukha nang sa paglingon sa pinagmulan ng tinig ay makitang hawak nito si Jessica, ang hawak nitong patalim ay nakatutok sa leeg nito.

__

Continue Reading

You'll Also Like

49.5K 1.2K 21
Kiel 1 Tumakas siya mula sa kanyang mga magulang upang kamtin ang kalayaang inalis sa kanya. From one place to another, Aleya kept running from his s...
69.4K 1.2K 31
Nang mamatay ang mga magulang ni Michelle ay natuklasan niyang hindi niya ama ang lalaking nagbigay sa kanya ng pangalan. Natuklasan din niya mula sa...
131K 9.3K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
31.4K 808 13
Si Isabella ang pumalit sa puwesto ng ama nang magkasakit ito. Ginawa niya ang lahat ng paraan upang hindi makatanggi si Ismael Fortalejo. Intrigued...