KRISTINE SERIES 26: Trace Lav...

Od AgaOdilag

118K 2.4K 357

Trace Lavigne was SEAL. His code name: Condor. A bird of prey. A hunter. Dangerous and majestic. Uncapable of... Více

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22

CHAPTER 12

4.5K 95 8
Od AgaOdilag

THAT was Kurt. Nag-echo ang tinig nito sa buong kabahayan. While Jade gasped in an unladylike manner.

Sa kabila ng kapagurang nararamdaman ni
Trace, hindi niya maiwasang maaliw. Sa kauna-
unahang pagkakataon ay nagulantang si Kurt La Pierre.

If this wasn't a day for celebration. One of the
best agents/assassins in his time was rattled and shocked. Why, the man was getting older!

"Small world, Kurt. Hindi ko alam na miyembro
ka ng pamilyang ito," He gave him a thin smile.

"Jade's my cousin." Si Jessica ang sumagot, na
tulad ng mga pinsan ay namangha rin na may ilan sa pamilya nito ang nakakakilala kay Trace.
"Her mother..." Nilinga nito si Emerald, "and my mother are sisters. So, magkakilala kayo?"

"I want an explanation, Trace," ani Kurt na agad nakabawi. The dangerous and killer stance that was so familiar to Trace took place. "I don't believe you and Jess have met before today."

"Don't bother explaining," ani Aidan sa kanya,
sa halip ay hinarap nito si Kurt. "Ikaw, Kurt, ang gusto kong magpaliwanag kung ano ang kinalaman mo sa pagpapakasal ni Jessica sa lalaking ito? Sa pamamagitan mo lang maaaring makilala ni Jess ang taong ito."

"What made you say that?" halos magkasunod
na tanong nina Jessica at Lenny.

Trace and Kurt stared at each other. Maliban
dito at kay Alvaro Navarro ay walang nakakaalam sa katauhan ng tatlong nagligtas kay Nayumi Navarro sa tangkang pagkidnap dito may ilang taon na ang nakalipas.

At nang magpakasal sina Ivan at Nayumi ay
nanatiling lihim ang dating trabaho ni Ivan. Pinanatili iyong lihim para na rin sa kaligtasan nito at ng pamilya Navarro. At wala ring dahilan upang malaman ng mga ito ang pagkatao ni Trace.

Pero hindi sumagi sa isip ni Kurt na maaaring
kilala ni Aidan si Trace. Maaaring hindi sa personal na paraan. Aidan had joined the SEAL when he was barely a teen. At nang pumasok sina Ivan, Trace, at Brad, nasa Pentagon na si Aidan. At sa maikling panahon na nasa Pentagon ito, he was one of the best agents.

Yet Kurt hadn't prepared himself that Aidan might have known The Condor. Especially The Condor. Among the three, si Trace ang tumatanggap ng assignment na pag-iisipan ng maraming tauhan ng agency kung tatanggapin o hindi. Assignment na alam ng lahat na maaaring hindi na makababalik nang buhay ang isa.

Maliban kay Kurt at sa pinuno ng Agency, walang nakakakilala sa tunay na pagkatao ng
Condor. Not even Ivan and Brad. Para sa dalawa, Trace was Trace and a comrade. O marahil, kung may hinala man ang dalawa ay hindi ipinahihiwatig ng mga ito ang kaalamang iyon.

"He's one of the three, isn't he?" Aidan broke
the silence as if reading their minds. "And the son of a bitch married my sister!"

Mahigpit na ikinuyom ni Trace ang mga palad
sa magkabilang tagiliran upang pigilan ang pag-alpas ng galit. Lihim niyang ipinaaalala sa sarili na kapatid ito ng asawa niya. At iyon mismo ang ibinabala ni Jessica sa kanya-kung kaya niyang harapin ang pamilya nito.

"What is going on?" tanong ni Lenny.

Kurt cleared his throat and was about to speak. Subalit inunahan niya ito. "Kurt's a former comrade. And that's all you have to know," Trace said with a finality in his voice. Pagkatapos ay inilipat ang mga mata kay Aidan, naghahamon na dagdagan nito ang
sinabi niya. Nakita niya ang pagtiim ng mga bagang nito at pagkatapos ay umiwas ng tingin.

"Oh, god," mahinang ungol ni Jessica kasabay
rin ng mahinang singhap ng mga babae. Umatras ito at naghanap ng mauupuan. Inalalayan ito ni Emerald patungo sa pinakamalapit na sofa at naupo sa tabi nito.

Ang sindak at pagkamangha sa mga mukha ng
pamilya ni Jessica ay halos katawa-tawa. Lalo na ang mga lalaki. Trace bet that it wasn't all day that these men were rendered speechless.

Subalit siya man ay hindi rin handa sa mga
sorpresa. Maliban kay Kurt, kahit sa panaginip ay hindi niya inaasahang makakatagpo sa Pilipinas ng isa na kilala ang code name niya; gayundin ang pagkatuklas na miyembro si Kurt ng pamilyang ito.

Ang tanging alam niya ay nagkaasawa si Kurt
ng isang nanggaling sa may sinasabing pamilya. He hadn't expected it was this family.

Muli ay naagaw ang atensiyon nila sa pagparada ng isa pang sasakyan. Sinamantala ni Emerald ang pagkakataon upang utusan ang mga katulong na maghanda ng almusal para sa lahat.

Ilang sandali pa'y magkasunod na pumasok sa
kabahayan sina Richard Samonte at Atty. Delfin Gavino.

"Jessica, honey!" Richard said excitedly, walking towards her with open arms. "You've got me worried. Where have you been all this time?" Ang akma nitong pagyakap kay Jessica ay napigilan nang umatras ng dalawang hakbang ang huli at lumingon kay Trace.

Sumunod ng tingin si Richard. Natigilan ito nang mapunang may isang hindi miyembro ng pamilya ang naroroon, Never mind the man's trail-weary appearance, his presence startled him into sudden silence.

"W-who... who is this man?"

ILANG beses niyang pinukpok ang manibela habang nagmamaneho ng sasakyang nirentahan niya sa Puerto Princesa. Sumabay siya kay Atty. Delfin Gavino nang ihatid ito ng speedboat patungong Puerto Princesa. Subalit minabuti niyang huwag sumama rito pabalik sa Maynila.

"Hindi na muna ako babalik sa Maynila," sabi
niya rito. "Uuwi muna ako sa amin sa Sandoval. "Nang umangat ang mga kilay nito ay idinugtong niya, "Tagarito ako sa Palawan, Attorney. Sa Sandoval. A little town near El Nido."

"So, what now?"

Alam niya kung ano ang kahulugan ng tanong
na iyon. Umiwas siya ng tingin; isang naghihimagsik na buntong-hininga ang pinakawalan.

"Gusto kong mag-isip. Kaya nga nagpahatid ako rito sa Puerto Princesa gayong napakahabang oras ang biyahe mula rito patungong El Nido." Sa pagkakaalam niya ay may tulay na nagdudugtong sa Paso de Blas at sa mainland. Pero kailangan niya ang mahabang oras na paglalakbay... para makapag-isip.

There were so many things to do and he only
had little time.

"Sasamantalahin ko na rin ang pagkakataon
para makapamasyal. I hope you'd consider this my vacation leave."

Isang nang-uuyam na tawa ang pinakawalan
ng nakatatandang abogado. "Good luck, Richard. You need it at this point. Sana'y malusutan mo ang suliraning ito. I shouldn't have listened to you. Now, I am in a deep shit."

"You were already in a deep shit, Attorney!"

sagot niya sa nang-uuyam ding tono. "Huwag na tayong magsisihan. Hindi ka madadamay kung tatapusin natin ang komunikasyon natin sa bagay na ito ngayon din mismo."

"Well, I hope so. When I go down, you go down
with me," Atty. Gavino muttered. Ipinakikita ng anyo nito ang pagkadismaya at pagpipigil ng galit. "Jessica ruined the plan. Hindi ko akalaing magagawa niya ang bagay na iyon! Damn her for marrying that stranger!"

"lyon ang hindi ko rin kayang isipin. Mas pinili
niyang magpakasal sa isang estranghero kaysa sa iyo." The lawyer's tone was condescending.
Tumaas ang kilay nito sa pagkakatitig sa kanya mula ulo hanggang paa at pabalik. "So, what now? You've lost your millions, my boy."

"We both have lost our millions, Attorney. Pareho tayong nawalan at mawawalan pa. If you know what I mean."

"You bastard! If it weren't for you-"

"Shut up! Kung hindi ako ay ang isa sa mga
kalaguyo mo!" Hindi na niya hinintay pa ang ano mang isasagot ng nakatatandang abogado at tinalikuran na ito.

At ngayon ay heto siya at limang oras nang
bumibiyahe patungong Sandoval, sa baryo Maypajo. Apat na oras pa ang ipagmamaneho niya. Mas o menos ay naroon siya ng alas-nueve ng gabi.

He sucked in angry breath. Lahat ng mga
pinlano at ginawa niyang paglalapit sa sarili kay Bernard Fortalejo ay nawalan ng silbi. How could Jessica have married that... that ne'er-do-well and be smug about it?

Nang ipakilala nito sa kanya ang pinakasalan
nito ay ni hindi niya makuhang umusal kahit na isang salita. Jessica had dashed his last hopes.

Bumangon ang poot sa dibdib niya subalit ano
ang gagawin niya? Kaya ba niyang gantihan si
Jessica sa ginawa nito? Damn it, pero wala siyang natatandaang nag-date sila na hindi nito kabuntot ang apat na savage-looking bodyguards na pawang ex-Marines at mukhang papatay ng tao sa magtatangkang gumawa ng masama sa bunsong Fortalejo.

Kahit sa restaurant ay nakasunod ang mga ito
at nasa kabilang mesa lang. Sa sine at sa concert man sila magpunta ay gayundin. The damn woman must have thought she was a royalty to have those bodyguards around her twenty-four/seven.

Hindi lang iyon, kundi mangangailangan ng
maraming salapi upang kumuha ng mga taong
magtatangkang kidnapin ito. Salaping wala siya at siyang ugat mismo ng suliranin niya.
Now what? Richard thought desperately.

MATAPOS makumpirma nina Atty. Delfin Gavino at Richard Samonte ang authenticity ng dokumento ng kasal nina Trace at Jessica ay nagpaalam na ang dalawang abogado.

Ang mga kapatid ni Jessica ay nanatili pa sa
villa hanggang sa makapananghali. Ang lahat ay nagdesisyon na sa hotel na muna tumuloy bago bumalik sa Maynila.

Gayunman, hindi nakatiis ang mga babae na
hindi siya kausapin nang sarilinan at itanong ang mga pangyayari. Ang tiyahing si Emerald ang labis na nag-aalala para sa kanya. Tingin niya'y tumanda ito nang maraming taon sa nakalipas na dalawang buwang mahigit mula nang malaman nila ang balitang bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng kapatid at bayaw nito.

At ngayon ay ginulantang naman ni Jessica ang tiyahin sa pagpapakasal niya sa isang lalaking nakatagpo lang niya sa pub para lang matugunan ang huling habilin ng ama. Ni hindi niya nagawang payapain ang loob ng tiyahin hanggang sa makaalis ang mga ito.

Si Aidan na hindi sumabay sa mga nagsialis ay
kinausap siya nang sarilinan. "Sana'y hindi ka
nagkamali sa ginawa mong ito, Jess," he started.

Nilingon nito ang malaking bintana at mula roon ay matatanaw si Trace na nasa labas at kausap si Kurt, na tulad ni Aidan ay nagpaiwan din upang kausapin si Trace.

"Sa nakikita ko'y hindi ang uri ng Trace na iyan
ang kaya mong paikutin sa palad mo, Jess," he said grimly. "I don't want to be blunt, but the man you chose to be your husband is an international agent/assassin. He is ruthless. Killing is nothing to him."

"Just as you were, Aidan," Jessica said softly.

"I wasn't an assassin. I worked for Pentagon, for crying out loud!"

"Same banana," bale-walang sabi niya. "Kilala ni Kurt si Trace at sa napansin ko kanina, Jade was fond of him," depensa niya para sa estrangherong pinakasalan. "That made a lot of difference. I married a man who, after all, isn't a total stranger." Her smile was exaggerated.

Tumingala si Aidan, puno ng pag-aalala ang
anyo. "I don't know what to say... what to think, Jess. I want to hate Father for doing this to you."

Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito. "No, por favor. I will be all right. Promise."

"I'll kill that man if he so much as hurt-"

Nag-angat siya ng mukha sa kapatid. "He won't. He may be an international assassin... a stranger, but I know he won't hurt me."

"You can never be sure." Tinitigan siya nito. "Sa
isang tulad niya, bale-wala ang kaalaman mo sa martial arts. That man is trained to hurt... to kill. Condor is a member of a secret service group sanctioned by the CIA. His assignment is usually to kill enemies at all cost, no question asked."

"You just said enemies. That's the key word,
Aidan. Mga international terrorists... mga
kriminal... mga kidnappers, na walang pakun-
dangang pumapatay ng mga inosenteng sibilyan," depensa niya at pagkatapos ay umiwas ng tingin at nagbuntong-hininga.

Aidan looked at her with suspicious eyes. "Bakit mo siya ipinagtatanggol sa akin?"

"Dahil nag-aalala ka nang walang dahilan. You
see, I... I was so pissed when I left here the other night. I went to Joe's Café. Remember him?"

Tumango si Aidan. "It's a videoke bar, Jess..."

"I realized that when I saw the neon signs. And
I did something so embarrassing, Aidan." Umiwas siya ng tingin. "I... I got drunk and... d-danced before the customers..."

Aidan was aghast. Kahit sa panaginip ay hindi
nito iisiping magagawa niya iyon. "Jessica!"

"I'm sorry. Por favor, don't tell the others. Lenny
will wring my neck."

"And you assumed I won't?"

She smiled softly. "You spoiled me rotten, big
brother."

"Yeah, I did," he said drily. "And I'll kill Joe for-"

"Don't blame the old man," putol niya sa sinasabi nito. Pagkatapos ay inilahad dito ang buong pangyayari sa bar. "I passed out while we were driving-"

"You what!" pasinghal nitong sabi. "Iyan ba ang
dahilan kaya ipinasya mong magpakasal sa
tarantadong iyon dahil-"

"Aidan, please. Let me finish." Pinayapa niya
ang kapatid nang matiyak na nagagalit na ito nang totoo. "Nagising ako kinabukasan na. With my boots still on," she emphasized. "Kung intensiyon ni Trace na gawan ako ng masama ay madali niyang magagawa. I really made a fool of myself that night."

Aidan let out a harsh breath. Undiluted anger
crossed his eyes as his gaze went back to Trace. Natanaw nilang paalis na si Kurt.
Tumalikod si Aidan at lumabas ng bahay.

"S-saan ka pupunta?"

22
"I will have a word with him."
"Don't try anything stupid, Aidan!" pahabol niya.
Nag-aalalang napadungaw siya sa pasimano.
Kung magkakasakitan ang dalawa'y walang mga
lalaking aawat. Aidan was angry, she could feel it.
Hindi niya maintindihan kung bakit. Marahil dahil
kabisado nito ang trabaho ni Trace. At hindi nito
gusto iyon dahil nagdaan ito roon.
All the males in her family knew their martial arts.
Subalit ang kaalaman ni Lenny at ng mga pinsan
niya ay para lang pangdepensa sa sarili. Hindi pa
naman talaga nagkaroon ng pagkakataong
makipag-away maliban noong mga binatilyo pa ang
mga ito.
But Aidan was another matter. He had been a
SEAL member for a while before Pentagon took
him. Kasinlaki at kasintaas ito ni Trace. Aidan had
also the same training as Trace had. To be a SEAL,
one must endure extensive training. As far as she
knew, some men weren't as lucky to survive the
ordeal.
Kung may kaya mang makipaghamok kay Trace
sa mga kamag-anak niya ay si Aidan iyon. Pero
matagal nang panahong bumalik sa ordinaryong
buhay ang kapatid. Samantalang si Trace ay patuloy
na nagagamit ang kaalaman.
But then, bakit kailangang maghamok ang
dalawa?

___

> sinadya ko ipost na sabog yung last page ng chap2 book2 so u can get the idea ano ineedit ko lols. TY bukas ulit. asikaso muba twins xoxo

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

40.6K 899 17
It was a "forced" marriage. Nagpakasal si Marianne kay Victor dahil kailangan. Kahit ang mahal niya ay ang kapatid nitong si Rogel, tinanggap niya s...
662K 13.2K 15
Nakatakda na ang pag-iisang dibdib nina Jim at Alyssa. Pero dahil sa isang pangyayari ay hindi natuloy ang kasal. At makalipas lamang ang ilang lingg...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
134K 2.5K 23
He would be hers... someday Walong taong gulang si Delaney Williams nang iuwi ng kanyang ama ang isang labimpitong taong gulang na lalaki-an orphan...