Filay Oneshots.

By tsl8378

6.5K 153 50

Description of the story; • 18+ • Smut can be included but not much • Request are allowed • One Story for a... More

Bakit Ikaw Pa?
Bakit Ikaw Pa? (Part Two)
Comfort
Drunk
Something Unexpected

New Student

763 17 8
By tsl8378


May bagong estudyante, naririnig ni Klay ang mga tsismis nito

At ang nasabing estudyante ay apo ng kanyang propesor, si Barry Torres.

Hindi niya inaasahan na may pamilya pala ang professor niya, I mean hindi siya open man, hindi niya pinag-uusapan ang pamilya niya, kahit nasa loob siya ng novel.

Ang alam ko lang namatay ang asawa niya, malamang may anak na bago mangyari ang aksidente

Anak, buhay pa si Basilio, ang anak na kanyang itinatangi bilang kanyang sarili, ang anak na kanyang minahal bilang kanyang sarili.

Ang nobela, matagal na niyang hindi naisip ang nobelang iyon, malamang 32 oras?

Pero gayunpaman, gusto ko pa ring bumalik para sa mga taong minahal niya.

Crisostomo, na parang pangalawang ama, kapatid, kaibigan, at mabuting miyembro ng pamilya

Si Maria Clara, ang kanyang mitukaya, ang kanyang kaibigan, kapatid na babae, ang kanyang soulmate

Si Basilio, na parang kanyang anak, ay itinatangi niya ang bata habang nakikita niya ang kanyang sarili sa kanya, nais niyang ibigay sa kanya ang mundo.

Si Elias, na naging mabuting kakampi, at tunay na kaibigan.

At ang huli, si Fidel delos Reyes, ang lalaking minahal niya, ang lalaking laging nandyan para sa kanya, ang lalaking pinagsisisihan niyang iniwan, Nagsisi siya na kailangan niya itong iwan, nang hindi man lang sinasabi ang totoong nararamdaman para sa kanya.

"dzai? bakit parang ang gloomy mo dyan?" tanong ni Stacy sa kanya.

"Ano?"

"Gurl, ilang minuto ka ng nakatitig sa librong yan" sagot ni stacy.

Napailing si Klay habang nakatitig sa nobelang el Filibusterismo sa kanyang mga kamay.

"May iniisip lang ako" palusot ni Klay

"nag-iisip? iniisip mo ba itong lalaking ito? ang lalaking nagustuhan mo?" Stacy asked "Ano nga ulit pangalan niya? ah! Fidel!"

"So dzai, inlababo ka na talaga?"

"Alam mo Dzai? May klase pa tayo, tara na baka mapagalitan pa tayo ni Mr. Torres" iling ni Klay

"Sus, spill the tea na kase, sino ba kase tong Fidel nato? Hindi mo manlang tiningnan yung account niya?" Tanong muli ni Stacy

"Dzai, sabi ko sayo, wala siyang ganun" sagot naman ni Klay

"Jejemon ba yun? So mahilig ka pala sa old gen" komento ni Stacy

Natigil maglakad si Klay at tiningnan si Stacy, napaisip sa sinabi nito, tama naman siya, galing old generation si Fidel

"Of course" tanging sagot ni Klay

"omg so inlababo kana nga?"

"Class, today I would like you'll to welcome my grandson, Barry Torres"  Mr. Torres announce the name of his said grandson.

Nanlaki ang mata ni Klay, parang huminto ang oras, napakabagal ng eksena sa harapan niya, lalo na pagpasok niya.

Isang pamilyar na pigura ang pumasok sa kwarto, yung signature grin, yung mannerism na yun, naghahallucinate ba ako?

"Buenos Dias, let me introduce myself, my name is Barri Torres, I'm happy to be here in this class"

Napabuntong hininga si Klay, pati boses niya ay pareho.

"Apo, may kakilala ka ba dito? sinong pwedeng magpakita sayo sa buong campus?" tanong ni G. Torres

"Ako po, kilala ko po siya" Anika ni Klay habang nagtaas ng kamay

"Ah, oo nga pala magkakakilala kayo ng aking apo, o sige ikaw na ang bahala sa kaniya" tugon naman ni Mr. Torres "Maupo kana Barri"

"Dzai, kilala mo yung apo ni Prof? paano?" Tanong ni Stacy

"Ah kase diba? pinagawa niya ako ng book reaction? nagkakilala kami nung kinuha ko yung book sa bahay ni Sir" nagsinungaling si Klay

Alam niyang ayun si Fidel, kung hindi paano kami naging magkakilala? Aber?

"Ah, so nakilala mo, in fairness ah may epek, single ba yun?" Tanong ni Stacy

"Hindi taken na yan, tsaka tama ka may epek" sagot naman ni Klay

"Ay weh? bongga may jowa na, swerte siguro jowa nun" komento ni Stacy

Tiningnan ni Klay ang likuran niya ng makita ang lalakeng pinaguusapan nila ay nakatitig sa kaniya ng may ngiti, at assurance?

'My Dearest?' he mouthed to her

Nanlaki ang mga mata ni Klay nang mabasa ang sinasabi ng ginoo, tinitigan niya 'Fidel?' she asks

'Paumanhin-Barri, Ms. Infantes maari niyo bang ipahiwatig sa klase ang pinaguusapan niyo?" Naputol ang boses ni Fidel, Klay rolled her eyes in annoyance, at humarap sa kanilang propesor

Also noticing the grin behind her, and the confused look given by her friend, "Spill the tea" look

Nang matapos ang klase hindi tumayo si Klay at inantay ang lahat na makalabas "Dzai hindi ka pa aalis?" Tanong ni Stacy

"Mamaya susunod ako sayo" sagot ni Klay

"Okay antayin kita sa labas ah"

"Oums"

Nang makalabas na nang tuluyan ang lahat pati si Mr. Torres, naiwan lang si Klay at si Barri (Fidel) sa loob

"Hindi mo ba ako kakausapin, Binibini?" Nagsimula itong magsalita, ngunit kahit gustuhin man ni Klay na magsalita hindi niya magawa

Sa totoo lang gusto niyang harapin ang ginoo, yakapin, hindi niya mawari kung ano ba ang nararamdaman niya ngayon

Nangungulila?

Matutuwa?

Nananabik?

O kalungkutan

"Paumanhin kung ngayon lamang ako nagpakita sa iyo, aking binibini, ang payo ni Senor Torres ay siya na muna ang bahala sa lahat, ngunit humingi ako ng despensa kung aking ika'y napaghintay" paumanhin ni Fidel

Nilingon ni Klay si Fidel ng may mga luha sa kaniyang mga mata, nanginginig ang kaniyang mga labi, gusto niyang magsalita ngunit walang boses ang lumabas.

"Kung iyong nais na ako'y lumuhod sa iyong harapan upang ako'y iyong patawarin, gagawin ko, alam mo naman na gagawin ko lahat para sayo hindi ba?" Sunod ni Fidel

Tama gagawin mo ang lahat sa punto na nagawa mong pumatay para lamang sa kapakanan ko.

Nagsimula ng lumuhod si Fidel sa harapan ni Klay ngunit biglang tumayo ito ng hawakan ni Klay ang kaniyang mga braso

"Husto na, husto na Fidel, hindi mo kailangang lumuhod, isa pa wala ka namang kasalanan" sambit ni Klay ng nakakakuha ito ng lakas ng loob upang magsalita.

"Kung ganoon ay, bakit ka lumuluha?" Tanong nito habang inihaplos ang kaniyang mga kamay sa mukha ng dalagang kaniyang iniibig, rubbing his thumb in her cheeks to wipe off the tears.

"Hindi ako umiiyak dahil ako'y nasaktan, Fidel, this was tears of joy" sagot ni Klay

"Tears of joy" bulong ni Fidel

"Natutuwa ako na buhay ka, natutuwa ako na nasa piling kita, juice ko kung alam mo lang kung gaano ako nabaliw nung!... nung." Hindi na matapos ni Klay ang kaniyang sinasabi dahil sa ungol ng kaniyang pag-iyak

Hinila naman ni Fidel si Klay sa kaniyang bisig upang lalo niyang nalabas ang kaniyang mga nararamdaman, binalik naman ni Klay ang yakap ng kumapit siya dito ng mahigpit pilit na gustong itigil ang kaniyang pagiyak

"Kahit mag uhog at sipon ka ngayon ay pupwede" komento ni Fidel, nahigit naman si Klay sa kaniyang pagiyak at natawa pa mismo sa kaniya.

"Fidel naman eh hindi nakakatuwa"

"Ngunit ikaw ay napangiti nito"

Napangiti na lamang si Mr. Torres ng makita ang kinalalagyan ng dalawa, natutuwa siya sa naging desisyon ng ginoo, at lalo pa siyang nalulugod sa kaginhawahan na nararamdaman ng kaniyang estudyante.

"Mga kabataan nga naman" kumento niya ng ito'y nagsimula ng umalis

'Sanay lumigaya kayong dalawa' isip nito

"Aking pinakamamahal na binibining Klay, ako ba ay iyong tinatangi? Naalala ko na binigyan mo ako ng halik bago ka lumisan" tanong nito habang nakangiti

Natawa na lamang si Klay, kahit na nakakailang ang kanilang posisyon kung saan nakaupo si Klay, at nakaluhod naman si Fidel sa kaniyang harapan para pang magpo-propose, habang may ngiti

"Tangeks karin eh, malamang, Mr. De Los Reyes, or Mr. Torres, mahal na mahal kita, kahit ilang beses mo pa gutong marinig ito ng paulit-ulit ay gagawin ko, mahal na mahal kita Fidel"

"Sana, nasabi ko sayo ng maaga ang nararamdaman ko, kung-husto na, iiyak ka na naman, my dearest, I still loved you, and always known you felt the same, papakasalan parin kita kahit ano mang mangyari"

"Kung kailangan kong kalabanin ang lahat ng santo na pumipigil sa ating pagmamahalan ay gagawin ko" sambit ni Fidel

Hinawakan ni Klay ang mukha ni Fidel, "kasal na hindi ko tatanggihan"

.......

There's a part two, but I'm currently busy so, forgive me if ever I made you my beloved readers wait.

Continue Reading

You'll Also Like

294K 34K 85
#Book-2 of Hidden Marriage Series. 🔥❤️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
495K 14.5K 61
Silent, unforgiving and strikingly gorgeous, Rylan Parker is a cold-hearted businessman. An intimidating CEO, perfectly fitted in tailored suits and...
507K 1.5K 11
Fun wlw sex. Different kinks and stuff, all about trying things. May even include potential plot lines and will definitely include some form after ca...
461K 27.2K 44
The story continues to unfold, with secrets unraveling and new dangers lurking in the shadows. The Chauhan family must stay united and face the chall...