KRISTINE SERIES 26: Trace Lav...

By AgaOdilag

134K 2.7K 366

Trace Lavigne was SEAL. His code name: Condor. A bird of prey. A hunter. Dangerous and majestic. Uncapable of... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22

CHAPTER 5

4.7K 112 12
By AgaOdilag

NAGSISIMULA nang dumilim nang sapitin niya
ang tulay na nagdudugtong sa isla at sa mainland.

Ang isang daang metrong haba ng tulay ay bihirang gamitin ng pamilya maliban sa mga tauhan ng isla.

Maging ang mga iyon man ay tauhan ng De Silva Farm o ng mga Cervantes o ng mga tauhan mismo nila.

Silang mag-anak ay karaniwan nang dumarating sa isla sakay ng chopper kung hindi man ng yate ng ama.

Bagaman maraming taon na mula nang huli
siyang nasa lugar na iyon ay kabisado niya ang
daan. Nang mga bata pa sila ay hindi miminsang nagkakarera sila ni Aidan sa lugar na iyon. Gamit nito ang motorsiklo, at siya naman ay sakay ng stallion.

Umingit ang tulay na kahoy nang ipaharurot
niya roon ang malaking motorsiklo. Ang tulay ay may isang daang metro ang haba. Ang dating kahoy na mga pundasyon ay ipinagawa ng papa niya at nahalinhan na ng konkreto at nadadaanan na ng sasakyan na gamit ng mga tauhan ng isla sa pagbibiyahe.
Gayunman, pang-isahan lamang ang tulay.
Bibihira namang nangyayaring may nagsasalubong na sasakyan sa tulay na iyon.

At kung may pagkakataong nagkakasalubong ang mga owner-jeep na gamit ng mga tao ay nagbibigay ang isa sa kabilang dulo.

Humahampas sa mukha niya ang hangin. Hindi
niya matiyak kung nahihilam ang mga mata niya sa hangin o dahil naiiyak siya sa galit.

Hindi niya mapapayagang mauwi sa mga
estranghero ang isla na pag-aari ng mga Fortalejo sa nakalipas na halos tatlong daang taon gaano man kaganda at kapaki-pakinabang ang motibo ng alinmang NGO. The island was a Fortalejo heritage. And her family had given so much money to these people and to countless charities.

Hindi niya mapapayagang ang natitirang mga
agilang namumugad sa islang iyon ay hulihin upang ikulong. Kaya nananatili sa isla ang dating dalawang agila, na marahil ngayon ay nagkaanak na, ay dahil alam ng mga itong kanila ang gubat at malayang nakapaninirahan at nakalilipad.

Walang alinmang tauhan ng isla ang nagta-
tangkang saktan ang alinmang hayop at ibon sa gubat. Bukod pa sa ipinagbabawal sa mga tauhan ang bahagi ng gubat.

Ang Kristine Hotel and Resort ay nasa kabilang
bayo ng isla. Mula sa villa ay isang oras mahigit na biyahe iyon gamit ang mabilis na sasakyan.

Ang mga guests sa hotel ay nakakapag-practice ng golf sa malawak na driving range at nakakapangabayo sa paligid ng dagat at sa malaking bahagi ng gubat
na ipinahihintulot.

But they were not allowed to go beyond the
barbed wire that separted the public and private land.

Ang paligid ng hotel ay isa nang napakagandang atraksiyon sa alinmang turista. Ang restaurant sa ibabaw ng bundok na nararating lamang ng cable car ay ang pinaka-main attraction. On foot, mararating ng mga guests ang restaurant kung kaya nilang hapuin ang sarili sa tatlong daang mga baitang na yari sa bato at rough adobe.

Gayunman, hindi iilan ang nagnais na tawirin
ang kabilang bahagi ng barbed wire upang alamin kung ano pa ang misteryong itinatago ng isla. But there were security people around. At kung sakaling may makalusot sa security, na minsan nang nangyari hindi pa man siya ipinapanganak, ay hindi na ito makalalampas pa sa Villa Kristine.

Ngayon ay may makabagong teknolohiya na
ginagamit upang malaman kung sino sa mga
guests ng hotel ang nagsisikap na sadyang iligaw ang sarili sa isla marating lamang ang mga hindi-ipinahihintulot na lugar.

She loved this island. Hangga't nabubuhay siya
ay hindi niya papayagang mapunta sa kamay ng iba ang pag-aari ng malaking bahagi ng isla. Kung bakit ginawa ng papa niya ang addendum na iyon ay hindi niya maunawaan.

Gulo ang isip na nagpatuloy siya sa pagpa-
patakbo ng motorsiklo. Hindi niya alintana ang
kaparangan na dinadaanan. Maliban sa headlights ng motorsiklo ay napakadilim ng buong paligid. But she was too angry to notice.

Pinatatakbo niya ang motorsiklo hanggang may daan.

Alas-otso pasado nang sapitin niya ang bukana ng El Nido. May natatanaw na siyang liwanag mula sa ilaw ng mangilan-ngilang bahay. Nagmenor siya at pagkatapos ay inihinto ang motorsiklo sa gilid ng daan. On her sane days, she would not even thought
of traveling in the wilderness. But she was upset...desperate.

Dinukot niya ang cellphone niya sa bulsa ng jeans at may tinawagan. Limang ring bago may sumagot.

"Hi, Liz..." she croaked into the phone.

"What's up?"

"Trying my luck. Baka lang nasa Sandoval ka?"

"Hahaha." Perliza mocked herself. "As if tatang-
gapin ako ni Uncle Hilarion sa bahay niya. Why?"

"Nothing." She shrugged her shoulders, na para bang nakikita siya nito.

"I know you, Jess. You won't call unless
something's wrong."

"That's an insult!" Sa kabila ng lahat ay napangiti siya.

"That's a fact. And I'm as guilty. We just got too
busy, that's all. Now tell Mommy Liz what's wrong? Ang mga magulang mo ba? It's been two months, honey. I know it still hurts..."

"Yeah." Hinayaan niya itong iyon na lang ang
paniwalaan. "Nasa isla ako. Baka lumuwas din ako ng Maynila isa sa mga araw na ito. I'll see you then."

"Okay. Bakasyon na next week. Puntahan mo
si Rodge. Aaliwin ka ng batang iyon. Then kiss him for me."

"Yeah..." she sighed her answer. Bahagya lang
nagdaan sa isip si Rodge. Mas may mabigat na
bagay ang umuokupa sa isip niya. She turned her mobile off. Ibinalik niya iyon sa bulsa at hinayon ng tingin ang kadiliman sa paligid niya.

Muli niyang pinaandar ang motorsiklo at
nagpatuloy sa walang direksiyong pagmamaneho.

Nang mula sa unahan niya ay mahagip ng mga mata niya ang blinking lights ng isang roadside restaurant.

Sunset at Joe's Place.

Napakunot-noo siya. Kung hindi siya nagkaka-
mali, iyon ang dating Joe's Cafe and Billiards.

Nasa huling taon siya sa high school nang huli siyang pumasok sa lugar na iyon. Sila ng mga classmates niya. Dito nila ipinagdiwang ang graduation nila at ang nakatakdang paghihiwa-hiwalay. Kapag walang pasok ay narito rin sila upang maglaro ng billiard.

Ang may-ari ay si Jose Lingap o Joe sa lahat.
He was a former military man at dating isa sa mga bodyguard ng papa niya. Ayon sa ama ay nabaril si Joe nang minsang may magtangkang harangin ang sinasakyan ng ama niya sa Maynila. A bullet hit a nerve and muscle. Naging sanhi iyon upang maputol ang isang binti nito. Pero tiniyak ni Bernard na hindi dahilan iyon upang hindi ito makalakad. Sa pamamagitan ng prosthetics ay muling nagamit ni Joe ang isang binti.

Gayunma'y pinagretiro ito ni Bernard at binigyan ng puhunan para sa negosyo kaya naitayo ni Joe cafe na ito.

Kung ang pagbabasehan ay ang pangalang
kumikislap sa dilim ay matagal nang naglaho
Joe's Cafe at nahalinhan na ng videoke bar.

HALOS paliparin ni Jessica ang motorsiklo. Tila
ulap sa kapal ang alikabok sa likuran niya.

She'd been driving for hours, trying to think of a way out of her dilemma. Solusyon na hindi magpapangyari upang sumunod siya sa habilin ng ama.

Sa kabila ng katotohanang ang Joe's Place ay
nakatayo sa hindi mataong lugar ay hindi niya
alintana. Ang importante ay ang nakikita niyang mga nakaparadang sasakyan sa harap ng building.

Ibig sabihin ay maraming lalaking customers sa
loob ng videoke bar. Blinking back a fresh set of angry tears, she gritted her teeth, focusing on the decision she had came up. And she was desperate.

Lalong bumilis ang pagpapatakbo niya nang
malapit na siya sa Joe's Place. Humigpit ang
pagkakahawak niya sa manibela ng motorsiklo na halos mawalan na ng kulay ang mga kamay niya.

She turned into the parking lot in a skid, slamming on her brakes. Bahagya na niyang naiwasan ang isang truck na nakaparada sa ilalim ng isang matandang punong balete.

Nagtalsikan ang mga graba sa ilalim ng gulong
ng Harley Davidson. Pinatay niya ang makina at bumaba ng motorsiklo. There was a rebellious tilt to her chin and determination in her stride as she started toward the entrance and pushed the heavy door opened.

Dank air, thick smoke and the scent of stale beer hit her in the face like a slap. What was she doing here? Sa isang sandali'y nag-alinlangan siya subalit gumuhit sa balintataw niya ang kampanteng mukha ni Richard Samonte. Na kung wariin ay tila nang-uuyam at naghahamon; na alam nitong wala siyang magagawa sa habiling iyon ng ama. At sapat ang kaisipang iyon upang hayaan niyang sumara ang pinto sa likod niya.

ANG MESA ni Trace ay nasa dulong sulok ng bar counter. And he sat with his back to the wall. Iniinom niya nang mabagal ang whiskey sa kopita niya na isang oras na yata ang nakalipas mula nang dalhin ng waitress sa mesa niya ang bote na kalahati ang laman.

Ikalawang salin na niya iyon. Hindi naman talaga niya gustong uminom. Kailangan lang niyang maupo at mag-isip sa isang lugar bago siya magtungo sa dating bahay nila. At harapin ang mama niya.

Napakatagal nang panahon mula nang iwan niya ang lugar na ito. He didn't know what day it was and didn't really care. Pagkatapos niyang dalawin ina ay aalis na rin siya kinabukasan. Hindi siya nakatitiyak kung makababalik pa siyang muli sa lugar na ito.

Iran would be his next assignment. Hindi niya
alam kung lalabas siya nang buhay sa bansang iyon pagkatapos. But who really cares? Walang dahilan para bigyan niya ng halaga ang buhay niya.

Kabilang siya sa mga taong narito ngayon at bukas ay wala na. Well, at least, ang serbisyo niya kay Uncle Sam ay nagpangyari upang mabawasan ang mga halang ang kaluluwa sa mundong ito.

Patamad na itinaas niya sa bibig niya ang kopita ng alak kasabay ng pagtitig niya sa umiikot na ceiling fan. Puno iyon ng agiw at alikabok at wala naman talagang lamig na idinudulot.

Dahan-dahan ang ginawa niyang pagsimsim sa alak habang ang konsentrasyon niya ay nakatuon sa mga tao sa paligid niya. Ang ilan ay tulad niya, na kaya naroroon ay upang mag-isip at magpalipas ng oras.

Subalit biglang-bigla ay nakadama siya ng
pagbabago sa kapaligiran. As if the very air had somehow sharpened, freshened.

Mula sa sulok ng mata niya ay nahagip ng
paningin niya ang pagpasok ng babaeng iyon.

Sapat upang ang basong hawak ay dahan-dahan niyang ibinalik sa mesa. Bigla ang paglitaw nito. Katulad din ng biglang pagkapukaw ng interes niya nang itaas ng babae ang kamay sa noo nito at hawiin ang
buhok mula sa mukha nito.

No one else seemed to have observed her
entrance. Trace doubted she went unnoticed very often. Hindi ang uri ng babaeng ito ang hindi mo pag-uukulan ng pansin.

She was dressed casually. A white long-sleeved polo shirt that rolled up her arms up a few inches below her elbows and tucked loosely in a too tight faded jeans. Ang laylayan ng pantalon nito ay nakapaloob sa cowboy's boots.

Nakalugay ang tuwid at mahabang buhok nito
na nakahati sa gitna. She had the darkest hair he had ever seen. Halos mangasul-ngasul na iyon nang tamaan ng liwanag ng ilaw sa ulunan nito. Tila iyon balahibo ng uwak. She was beautiful-the exotic kind.

Breath-catching, jaw-dropping gorgeous.
Flawless honeyed-skin. She also had delicate
features, stunning dark eyes. She reminded him of a wild orchid he once had glimpsed in the South American jungle.

She was taller than most girls. Five-six
something. Idagdag ang takong ng cowboy boots nito ay mas mataas ito kaysa sa karaniwang lalaki sa loob ng bar. At the first glance, one would think she seemed on the verge of skinny. She almost appeared shapeless, except for the voluptuous curves of her breasts beneath the clinging fabric of her polo shirt.

Subalit nang bigla itong lumingon at natambad kay Trace ang likuran nito ay saka nito napansin ang maliit na baywang at bilugang balakang. She had the body most men could expect to encounter only in their dreams.

Lalong lumalim ang interes ni Trace. Nakikita
niyang hindi ang uri ng babaeng ito ang naglalagi sa ganoong uri ng lugar. Her movements were short, almost jerky. Tila mas namamangha pa ito sa sariling matagpuang nasa loob ito ng bar kaysa sa pagkamangha ng mga lalaking unti-unti nang nakapuna sa presensiya nito.

Humakbang ito patungo sa bar counter. At dahil hindi naman kalayuan ang mesa niya sa
kinatatayuan ng babae ay napuna niyang para itong iiyak anumang sandali... o marahil ay galing na sa pag-iyak.

Who hurt you, pretty one? Ano ang nagtulak sa iyo para magtungo sa ganitong uri ng lugar?

Nalimutan na niya ang alak. He leaned forward.

Pinag-aralan ang anyo nito na tila siya tumitingin sa isang mapa. He wondered what had backed her into a corner. And Trace was certain she'd been backed into a corner or she wouldn't be here.

Nakikita niya ang desperasyon sa mukha nito.
He sat with anticipation, waiting for her to make the first move.

"Miss, may kailangan ka ba?" narinig ni Trace
na itinanong ng isang lalaki mula sa isa sa mga
mesang nakapaligid na nagpahinto sa paghakbang ng babae.

"Ano ang kailangan mo, miss? Nasiraan ka ba ng sasakyan at kailangan mo ng tulong?" wika
naman ng isa pa.

"O, baka naman kailangan mo ng ligaya,
available ako," wika ng isa pa uli na nagpangyari upang magtawanan ang mga lalaking nakapaligid.

Pinaglipat-lipat ng babae ang paningin sa mga
lalaking naroroon. Napuno ng kalituhan ang
magandang mukha nito sa paghahanap kung kanino nanggagaling ang mga tanong.

Napasinghap ito nang may humarang sa daraanan nito.

"Pipi ka ba, miss? Bakit hindi ka sumasagot?
Gusto mo ba ng kainuman?"

Nakita ni Trace ang biglang paniningkit ng mga mata nito. Napuna niya ang biglang pagkuyom ng mga kamay nito, ang disimuladong pag-atras ng isang paa. She was poised for a fight.

Lumalim ang kunot sa noo niya. He, himself was a fighter. A trained fighter... a trained killer in fact.

At kilala niya ang disimuladong kilos at galaw nito.

May alam ba ito sa martial arts? lyong uri na matuto lang ng bahagya ay matapang nang makihamok?

Don't be stupid, pretty one.

Tinitigan nito ang lalaki mula ulo hanggang paa.

Maliban sa beer belly, hindi naman kasamaan ang anyo ng lalaki at matangkad din naman.

Ang akmang paghakbang ng lalaki palapit pa
rito ay napigil ng tunog ng pagkasa ng baril mula sa bar counter. Natuon ang pansin ng lahat doon. Kahit siya. And he almost laughed.

Knight Valiant.

____

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 58.8K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
132K 3.5K 14
"Excuse me, hindi ako nagpakahirap maging Bill Gates scholar kung sa isang lineman lang ako mapupunta! No way! He's out of my league." Teaser: M...
77K 1.5K 21
Nang sa palagay ni Rand ay unti-unti na niyang natatanggap ang pagkawala ni Regina ay saka naman dumating sa buhay niya si Faith Bengson. She looked...
130K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...