Gabrielle (Professor Series #...

mis_shyghurl

33.2K 1.1K 104

GirlxGirl - ON GOING Gabrielle: Professor Series #1 Gabrielle Mendez a well known famous student in Labyrinth... Еще

NOTICE
CHARACTERS
PROLOGUE
CHAPTER 01
CHAPTER 02
CHAPTER 03
CHAPTER 04
CHAPTER 06
CHAPTER 07
CHAPTER 08

CHAPTER 05

1.2K 56 2
mis_shyghurl

GABRIELLE

"Baka matunaw yan kakatitig mo."

Nawala naman ang atensyon ko sa ice cream na hawak ko ng may nagsalita sa likuran ko na hindi pamilyar sa akin ang boses. Nakita ko naman ang babaeng nakasuot ng fitted jeans pair with her loose shirt na may mukha ni Avril Lavigne sa harap. She's wearing a cap, i mean a black cap to be exact. Black din ang sapatos niya pati na ang earrings nito na dalawa. Bago ko makalimutan ay black din ang pants niya at tshirt.

Yung totoo?Hindi naman halatang hilig niya ang black nu?Kalahi niya siguro si black widow lol.

"Done checking me out?" She smirk after she said that na naging dahilan para bumalik ako sa ulirat at napakurap-kurap na inalis ang tingin sa kanya bago kinain ang ice cream ko na binili pa ni Lauren kanina bago siya umalis.

Ewan ko ba sa babaeng yun at sa'n ang punta niya. Bigla nalang kasing umalis matapos bumili ng ice cream kasi may nag text daw sa kanya. Dapat talaga kaming dalawa ang nandito ngayon hays. Wala kasi si Alex ngayon at absent kasi masama pakiramdam niya. Ewan ko ba sa yelo na yun at saan nagsusuot. Nagkasakit pa tuloy siya.

"I like it here. The ambiance is quite peaceful with refreshing air." Napalingon naman ako sa babaeng umupo sa tabi ko kahit hindi ko naman pinaopo.

Another fc nilalang na naman ba this?Hindi ko nalang siya pinansin at kinain nalang ang ice cream kong medyo tunaw na.

"The last time i remember you weren't mute so?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Wait-- don't tell me...

"Y-you know me?" Medyo utal kong pahayag sa kanya. Takte bigla yatang nakagat ko ang dila ko sa di malamang dahilan. Weird.

She sexily chuckled before looking at me.

"Who wouldn't?One of the famous campus sweethearts ka diba?" Medyo nahiya naman ako sa sinabi niya kahit totoo naman yun.

Takte kaya ayaw kong makahalubilo minsan eh kasi ituturing kanilang espesyal kahit hindi naman dapat.

"U-uhm yeah pero yung mga students lang naman ang may sabi niyan tsaka wala rin naman kaming paki sa sinasabi nila about sa amin ng best friends ko." Totoo naman eh. Hindi ko talaga alam kung saan nila nakukuha ang idea na campus sweethearts kuno kami lol.

Feeling ko tuloy prinsesa kami nung past life namin char!

"Oh is that so?So totoo nga talaga na sikat kayo right?I've heard lang naman kanina nung pagpasok ko na pinag-uusapan kayo." Ano naman kaya ang pinagchi-chismisan nila tungkol sa amin?Pero ano daw?Pagpasok niya?So it means...

"Wait transferee ka ba?" I blurted out of nowhere at bahagya pa akong nagulat dahilan para matawa siya. Napatampal naman ako sa bibig ko ng wala sa oras.

Shuta nakakahiya!

"Ang oa ng reaction hah but yeah, transferee nga ako." Kung anong tanong ko yun lang rin ang isasagot niya. Seryoso wala na bang tataas sa sasabihin niya? I need an explanation din kaya chariz!

"Wow that's new. Buti tinanggap ka pa nila." You know kasi nasa kalahating semester na kaya kami. Siguro by the power of kwarta kaya to nakapasok hmm.

Sa hirap ng buhay ngayon hindi na nakapagtataka.

"The owner of this school is my Ninong that's why they allow me to transfer here." Ah kaya pala. Edi sorry kung mali ang theory ko.

"Ahh kaya pala." Nasabi ko nalang.

Ilang sandali pa ay nagkwentohan pa kami at napag-alaman ko ring only child lang pala siya samantalang yung magulang niya naman ay nasa America ngayon for business purpose at sa susunod na buwan pa uuwi. She also invited me sa paparating na birthday niya this coming Sunday which is February 26 202*. Sa totoo lang ang gaan ng loob niya kausap like yung tipong gusto mong magkwento sa kanya lahat ng hinanakit mo sa buhay kasi alam na alam mo talagang makikinig at makikinig siya. Ganon. Nahinto lang ang pagkukwentohan namin ng may tumawag sa pangalan ko.

"Gab!"

Nilingon ko naman ang fc na tumawag sa nickname ko at tinaasan ng kilay si Jeffrey na ngayon ay kamot ng kamot sa ulo habang papunta sa kinaroroonan namin kung saan kami naka opo ni Skylar ayon sa pangalan niya.

Yung totoo may kuto ba siya?Kanina pa kasi siya kamot nang kamot.

"What?"

Hindi sadyang masungit naman ang pagkasabi ko nun dahilan para matawa ng bahagya si Sky. Yan na ang tawag ko sa kanya wag kayo.

Fc na rin kasi ako sa kanya hmp.

"Pinapatawag ka ni Ms. Natasha sa office niya. Punta ka nalang don at may kailangan siyang idiscuss sa'yo. Tsaka bilis-bilisan mo kasi mukhang mainit ang ulo nun." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito at hindi maiwasang kabahan kasi for the first time sa halos isang linggo na ang nakalipas simula nung away namin ay nag-iwasan na kami nito.

Oo tama kayo ng nabasa. Ang sakit kaya nung pagsampal niya so sinong hindi mag-eemote diba?Alam ko namang hindi kami close kasi never kami nag-usap pero hindi ibig sabihin nun ay ganon-ganonin niya lang ako. Alam ko namang may kasalanan din ako sa hindi pag respeto sa kanya pero mas malaki ang kasalanan niya sa akin lalo na nung sinampal niya ako.

Sino ba ang matinong teacher ang nananampal ng estudyante niya?Sige nga sabihin niyo kung sino.

Hindi ko man lang namalayan na nakaalis na pala si Jeffrey habang si Sky naman ay kanina pa nagpaalam para umuwi na. Okay ngayon ko lang rin napagtanto na uwian na pala.

Grabeng kalutangan yan Gab ah. Halata bang kabado ka sa pwedeng pag-usapan niyo ng teacher niyo?Saad ni utak ngunit hindi ko nalang pinansin.

Pinilig ko naman ang ulo ko kasi para na akong mababaliw dito habang nakikipagtalo sa sarili ko kung tutuloy ba ako o hindi.

Hays ano ba Gabrielle! Kakausapin ka lang okay o baka naman magso-sorry yun sa pagsampal niya sa'yo. Sa naisip ko ay mayabang naman akong nakapamewang habang nakatingin sa pintuan kung nasaan ang office ni Ms. Natasha.

Tsk tsk sabi ko na nga ba at hindi rin matitiis ng konsensya niya ang pagsampal sa akin. Hay nako hahaha kalma ako lang to. Parang baliw kong saad sa sarili ko.

"Crazy."

Nabalik  naman ako sa ulirat ng may magsalita sa harapan ko. Takte gaano ba ako katagal nakatulala kanina?Gago ka Gab nakakahiya ka talaga kahit kailan. Sermon ko sa sarili ko.

"What are you still doing there?Get in!"

Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala siya sa loob. Labag man sa loob ay pumasok na ako sa office niya at bahagya naman akong namangha sa nakita kong malawak at sobrang linis niyang office with matching pink pa ang halos lahat ng kulay. Mula sa sofa, table, kabinet o closet pati na rin ang mga picture frame sa gilid at takte pati ref pink?Woah hindi naman halatang girly siya masyado nu?

Pero sabagay iba-iba naman tayo ng taste sa kulay ako nga black ang favorite color ko kasi i love dark. Sino bang ayaw sa black?Ganda kayang kulay nun.

"Are you done checking my office?How was it?" Nabaling naman ang tingin ko sa professor na nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. I cleared my throat at naglakad naman ako papunta sa mesa niya para doon umopo kahit wala siyang sinabi.

Alangan namang tatayo ako dito buong oras aba!

"What do you want Miss?Kung magso-sorry kayo pwedeng pakibilisan?I need to go home early kasi baka hinahanap na ako ng parents ko ngayon." Mahabang litanya ko dito. Pero joke lang sa part na hahanapin ako nila mama. If i know gustong-gusto naman ni papa na matagal akong makauwi para masolo niya si mama at mabigyan ako ng bunsong kapatid.

Loko-loko talaga yung tatay ko hays pero sana lang ayusin niya ang pagputok para matik may kapatid na talaga ako haha.

"Who said i want to say sorry to you?Dream on kid." Aba't kid?Tinawag niya akong kid?Pag-aalburoto ko bago siya tinignan ng masama. Oo masama kasi masama ang budhi niya.

"Bakit kaya naging paboritong kulay mo ang pink miss kung pwedeng itim naman?" I blurted out of nowhere na naging dahilan para tignan ako nito ng nakakunot noo. Pwede naman kasing black nalang tong office niya na kasing itim ng budhi niya. Opps bad Gabrielle bad.

Infairness ang cute niyang malito pero syempre hindi ko sasabihin sa kanya yan. Baka lumaki ang ulo eh tsaka ano siya sinuswerte?Tch!

"And why is that?"

I smirk and lean at her na naging dahilan para mapaatras siya ng bahagya at mapasandal sa swivel chair niya.

"Para same tayo. Ayaw mo nun?Magiging bagay tayo." And i wink at her playfully na nagpaawang sa labi nito. Her reaction was so priceless pfft--paano ba naman kasi ang pula ng pisngi niya hahaha.

Konti nalang iisipin kong kinikilig to eh. Kaso imposible pala yun kasi straight siya lalo na ako. Pero straight nga ba ako?

"S-shut the hell up kid! Pinapunta kita dito para icheck tong mga papel ng kaklase mo hindi para landiin ako!" Nanlaki naman ang mata ko sa huling sinabi niya lalo na siya when she realized of what she's said. Pero imbes na mainis ay ngumisi lang ako dito bago dahan-dahang lumapit kung saan siya nakaopo na ngayon ay nanlalaki ang matang nakatingin sa akin.

Landiin pala ahh. Edi lalandiin kita. I said to my mind.

Ihinarap ko naman ang upoan niya sa gawi ko na nagpasinghap nito na lalong nagpalaki sa ngisi ko at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Isang dangkal nalang mahahalikan ko na siya pero syempre hindi ko hahayaang mangyari yun tsk.

Swerte niya kung siya ang magiging first kiss ko nu hmp!

"Gusto mo bang landiin kita?" I seductively said habang nakatitig kami sa isa't-isa. Kumorap naman ang mata nito bago ako itinulak pero syempre hindi ako nagpatinag since na corner ko na siya sa inuopoan niya.

"Get off me! Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong masampal ulit kita!!!" Sigaw niya pero taliwas naman sa kilos nito na ayaw niya akong paalisin. Hello hindi nga siya nagpumiglas at sinalubong lang ang titig ko habang nakataas ang kilay.

Maldita talaga. Patirikin ko kaya mata niya?

Ngayon ko lang rin napagtanto na ang ganda pala talaga ng babaeng to. Matangos na ilong at mapuputi na balat. Her cheeks na mabilis mamula na halatang walang pimples sa mukha at labi niyang sobrang nipis. Her kilay na walang ahit pero nakaporma hindi kagaya ng kay Lauren na mukhang logo nang nike and last but not the least ay ang mata niyang sobrang ganda na tela nilulunod ka pag tinitigan mo ito ng sobrang tagal.

Sa di malamang dahilan ay bigla namang kumabog ang puso ko sa pagtitig nito pero iba ang kabog na yun kasi may kasamang sakit na hindi ko maipaliwanag. Bago paman ako makagawa ng pagsisihan ko sa huli ay lumayo na ako dito na ikinataka niya at bumalik sa kaninang inupoan ko na parang walang nangyari bago magsalita.

"Akin na po yung papel ng mga kaklase ko at icheck ko na po." Nagtaka man sa inakto ko ay hindi na ito nag-usisa pa na ipinasalamat ko.

Buti naman at wala talaga akong lakas na makipagtalo sa kanya ngayon. Ewan ko ba kung anong nangyari sa akin hays.

Isinawalang bahala ko nalang yun at nag check sa papel ng kaklase ko kahit ramdan ko ang matiim na titig nito.

--

Morning ❤️💀

Продолжить чтение

Вам также понравится

Short stories II Anjali

Короткий рассказ

27.6K 3.3K 37
It's gonna be short stories. Most of the stories will be around 10 to 15 chapters. If you are new to my profile, do check out the short stories I.
Bad Guy (လူဆိုး) Alex

Короткий рассказ

284K 1K 43
🔞🔞🔞 warning sex!! you can cancel if you don't like it.This is only for the guys who have sensitive desire in sex.🔞🔞
Dance The Pain Away meow

Любовные романы

394K 1.3K 4
(UNDER MAJOR REVISION) Twilight Girls Series 2 (ProfxStudent) Anari Alpheus Beaufort-Fuego Elara Chandra Russo "Let's dance the pain away, my love."...
7.6K 437 28
You remind me of a safe home, of all the simple things in life, of light and love and the reason I am not alone.