Falling Into His Arms

By puting_tulip

3.1K 254 46

Lunacy Series 01 MATURE CONTENT || R18 Gayxgirl More

Chapter 1:Narcolepsy
Chapter 2: First Heartbreak
Chapter 3: Comfort
Chapter 4: Fast foods
Chapter 6: Gael
Chapter 7:First Kiss
Chapter 8: I...
Chapter 9: Stop Myself
Chapter 10: Paglayo
Chapter 11: Lose
Chapter 12: Liligawan o Ililigaw?
Chapter 13: Running out of time

Chapter 5: Halo

165 17 2
By puting_tulip

Fenix Vihan Elizarde

Noong natapos na ako sa pag aayos ng pinag kainan namin ni Azrielle. Napailing nalang ako noong makitang tulog na siya.

Gaga talaga.

Napabuntong hininga nalang ako. Natitigan ko ang mukha niya. Kawawang babae ginanon lang ng walanghiyang lalaking yon. Tsk!

I sigh at napagpasyahang ayusin siya sa malawak na sofa at ipinahiga siya doon.

Kahit wala ako dito ng isang linggo aba updated parin ako kung anong nangyayari sa peachay na to.
Wala naman akong inutusan na i update ako kung anong nangyayari sa kanya. Why would I do that? For what reason sana?

But I'm still updated because of Tita Demmy. Araw araw ba naman akong sinesendan ng stolen picture ng gaga na to na nakatunganga at malayo ang tingin.

Ibinabalita din sa akin ni Tita Demmy na hindi ito kumakain ng tanghalian.

And seeing her face right now. I sigh again.

"Gaga ka talaga." Bulong ko at mahinang pinitik ang noo niya. She look stress and exhausted.

Alam ko naman na nasosobrahan sa tulog ang isang to dahil sa sakit niya. But she still look stressed.

Napakunot ang noo nito na tila ba hindi ito komportable sa kinahihigahan nito. Napabuntong hininga nalang ako.

Kung ang gaga na yan ay busog sa tulog pero stressed pa rin ako naman kulang na nga sa tulog, pagod na nga nai stress pa.

Azrielle Kay Iniguez

Napakunot noo ako noong naalimpungatan ako. Hindi ko pa iminumulat ang mata ko dahil feeling ko antok na antok pa ako. Sabi ko na eh kumain kain ako ng mga pagkaing bawal sa akin and in the end ako lang naman ang mag susuffer gaya ngayon.

Gusto ko ng magmulat at bumangon pero nahihirapan ako. Pero nabato ang katawan ko noong maramdaman kong may kumilos sa tabi ko at naramdaman kong may pumatong na kung ano sa tiyan ko.

Is that a hand?

At saka. Napasinghap ako noong maramdaman ang pagbuga ng malumanay na hangin sa aking pisngi. Na tila ba may katabi ako at napakalapit ng mukha niya sa akin kaya ramdam ko ang pagbuga ng hinga nito sa aking pisngi.

Nasaan ako? At sino itong walang hiyang taong to na nakitabi sa akin.

I tried to open my eyes and I succeed. Napalunok muna ako bago dahang dahang nilingon ang kaliwa ko kung saan alam kong naroon ang taong katabi ko.

Pero paglingon ko ay napahinga ako ng maluwag noong makita ang mukha ni Fenix na payapang natutulog.

Napatitig ako sa mukha niya.
And seeing his under eyes. Napailing nalang ako.

"Tsk. You're not allowing  to work at night pero ganun din ang ginagawa mo." Sabi ko. Napansin ko kasi ang pangingitim ng eyebags nito. Atleast ako busog na busog sa tulog.

Hindi naman big deal ang ganitong pagtatabi namin sa iisang kama. He's gay and we're best friends.

Kaya okay lang wala namang malisya.

Pero napasinghap ako at saka nanlaki ang aking mata when he pulled me towards him kaya pati ang mukha naming dalawa ay nagkalapit.

Napakurap kurap ako at saka napalunok. Ramdam ko ang pagdagundong ng puso ko. Narinig ko rin ang pagtunog ng smart watch ko.

Tulala lang akong nakatitig sa mukha ni Fenix. Magkanda duling duling na din ako dahil hindi ko na alam kung anong titignan ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya.

Kung yung mga mahahaba at makakapal nitong pilik mata. At yung eye lids niyang may bahid ng natural make up.

Yung ilong niyang matangos.

O yung labi niyang alam kong may nakalagay na liptint.

Napaiwas nalang ako ng tingin and tried my best to remove his hands on me na hindi siya nagigising. Nakahinga ako maluwang noong maalis ko iyon. Agad akong lumayo sa kanya at bumangon umupo sa gilid ng kama.

Nailibot ko ang aking paningin dahil hindi pamilyar sa akin ang kwartong ito.

Nasaan kami?

Kunot noo akong lumapit sa may pinto at saka binuksan ang curtain blinds ng kaunti upang makita ang labas.

Mas lalong napakunot ang noo ko noong makita ang building na katapat kung saan ako nagtatrabaho.

Nandito pa rin kami sa kumpanya?

Pero... Inilibot ko ulit ang mata ko. Saka ko lang na gets. This is Fenix secret room in his office. At hindi ko alam na may ganito pala dito.

Lumingon ako dahil nararamdaman ko na parang may nakatitig sa aking likuran. Baka multo tumayo ang balahibo ko dahil doon. Pero mas nagulat ako noong makita si Fenix na nakatitig sa akin.

Gising na siya. Nakaupo na siya sa side ng kama habang titig na titig sa akin.

Kinunutan ko siya ng kilay.

"Ba't ang sama mo na naman makatingin bakla?" I ask him.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi maganda ang gising ko peachay." He said.

"Oh eh anong kasalanan ko dun?" Takang tanong ko. He rolled his eyes.

"Mukha mo kasing chaka ang una kong nakita." Sabi niya na siyang ikinasimangot ko.

"Kagigising mo palang nang ookray ka na diyan." Asar na sabi ko dito at saka ko nilapitan ang sapatos ko na nasa paanan ng kama.

"Hindi pang ookray yun gurl. Chaka ka naman talaga." He said at saka na siya tumayo. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Paano ko ba naging kaibigan ang laitero na to.

Mabuti nalang kaibigan ko ang baklang yan kung hindi. Naku!

"Mana lang kasi ako sayo." Nakaismid na sabi ko habang isinusuot ang puting sapatos ko. I heard him gasped in shock.

"Oh my gosh! How can you say that. Every part of my face screams prettynes. So Im hundred percent sure na wala kang namana sa akin ni kusing." Maarteng sabi niya.

"Self proclaimed ka na naman diyan. Tsk! Asan ang pretty diyan." Nakangiwing sabi ko at saka itinuro ang mukha niya. "Heto ang tunay na pretty." Sabi ko at saka ko hinawakan ang magkabilang pisngi ko and I puppy eyes on him.

But he just make a vomit sound. Ang OA talaga ang baklang yan.

Napairap nalang ako at saka napangisi.
Napatingin ako sa cellphone ko na nasa side table noong umilaw iyon. At nanlaki ang mata ko noong mabasa ang text ng marketing manager. Beast mode na ang lola niyo!

"Bakla as long as I want to argue with you right now or ang sabayan ka sa trip mo. But I need to go. Lagot na ako nito bakla bakit kasi hindi mo ako ginising agad!" I said at saka nagmadaling lumabas sa kwartong iyon pero pagkalabas ko ay natigilan ako noong saktong papasok si Tita Demmy sa opisina ni Fenix. Nanlaki ang mata nito. Maya maya ay ngumiti ito ng nakakaloko.

Lalo na nung...

"Ano ba kasing sinabi sayo ng marketing manager?" Nakasimangot na tanong niya at saka niya ako tinabihan. Hindi ko siya pinansin nakatutok lang ang mata ko kay Tita Demmy na palipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni Fenix.

Lagot! Alam kong bibigyang kulay na naman ni Tita Demmy ito.

At hindi ko namalayan na nakuha na ni Fenix ang cellphone ko at kunot na kunot na ang noo nito habang may binabasa dito.

"Hi pamangkin. Hi Aki." Bati ni Tita Demmy na may nakakalokong ngiti.

Napangiti ako ng awkward. Saka ko lang naalala ang text ng MM namin. Shit!

"Una na po ako." Sabi ko at hinablot ang cellphone kay Fenix.

Pero napaubo ako noong hilahin na naman ni Fenix ang kwelyo ko kaya para akong nasakal.

"I'll go with you." Seryosong sabi niya. Hindi talaga maipinta ang mukha niya. Nagtaka naman ako pero hindi ko nalang siya pinansin.
Mabilis akong umalis doon at saka patakbong pumunta sa opisina ng marketing manager namin.

"G-good afternoon Ms. Alonzo." Bati ko dito napalunok ako noong salubungin ako nito ng nakamamatay na tingin. Lagot na talaga ako nito.

"Ms. Iniguez. I know na nakapasok ka sa kompanyang ito dahil may backer ka." Mataray na panimula niya. "Pero hindi naman ibig sabihin nun ay pwede ka ng umalis sa post mo ng walang paalam."

"P-pasensiya na." Nakayukong sabi ko.

"And where's your lay out design?! Wala ka pa bang nagagawa? Ano pang silbi mo dito kung ganyan ka din lang. You know that I can get you fired don't you. Wala akong pakealam sa backer mo kung sino man." Sabi nito.

Napalunok ako. Alam kong hindi siya nagbibiro.

Kaya ako nagmamadali kanina dahil sa text niya.

She's mad. And she told me that if I won't meet her right away. Sisiguraduhin niyang mawawalan ako ng trabaho.

She glared at me that makes me step back.

Pero may dalawang kamay ang humawak sa magkabilang braso ko kaya napalingon ako doon. Napakurap kurap ako noong makita ko si Fenix na madilim ang mukha.

"You can get her fired yes you can do that." Madilim ang mukhang sabi ni Fenix.

"S-sir." Nahintatakutang sabi ni Ms. Alonzo. Kung kanina ay matapang ang mukha nito. Ngayon nama'y mistula na itong maamong tupa.

"But did you also know that I can also get you fired right here and right now?" Masama ang titig na ni Fenix kay Ms. Alonzo.

"You don't have any right to fire her. Know where you stand." Babala nito kay Ms. Alonzo.

"P-pasensiya na po." Utal na sabi ni Ms. Alonzo. Napatingin ako sa kamay ko when Fenix hold my hand.

Magkasiklop na ang kamay naming dalawa.

"Let's go Azrielle at hinahigh blood ako ng mujer na yan." Sabi ni Fenix at saka na niya ako hinila kung saan.

Napalingon pa ako kay Ms. Alonzo bago kami makalabas doon. At agad akong nag iwas ng tingin noong masamang tingin ang nakuha ko dito. Kinabahan din ako bakit pakiramdam ko hindi magiging maganda ang mangyayari sa susunod na araw?

Pero napatingin ako sa kamay naming dalawa ni Fenix na magkahugpong. Napakunot noo ako noong maramdaman ko ang biglang pagdagundong ng aking puso.

Tas napatingin ako kay Fenix. His back is dark. He has a dark aura all over him. A dark aura that made him manly yun bang parang nawala na ang kabaklahan nito sa katawan.

"Aki, what do you think of our nephew?"

If I will answer that now... Alam kong magiging iba na ang sagot ko.

Because right now...

Fenix is...

Fenix is like a knight in shining armour that saved me.

And this weird heart beat of mine.

Nanlaki ang mata ko at saka agad agad kong hinila ang kamay ko upang mabitiwan niya. Napalunok ako at saka napailing iling.

What the hell are you thinking Azrielle Kay! Saway ng utak ko. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya.

Hinarap niya ako ng nakakunot ang noo na parang nagtataka sa ikinikilos ko.

"What?" Nawiwirduhang tanong niya.

Napakurap kurap ako at saka napailing iling.

Curse you Azrielle Kay!

Kung ano anong pumapasok sa utak mo!

He step forward at handa na niya akong hawakan."Huy."pero umatras ako. At lihim na minura mura ang sarili ko when I felt my heart beat like crazy.

Why is he glowing in my eyes. Why does he suddenly looks handsome?

Oh my gosh!! Nababaliw ka na Azrielle Kay.

Kaya bago pa kung anong kawirduhang maisip ko ay tinalikuran ko na siya.

"Nababaliw ka na Azrielle." Kinaltukan ko pa ang ulo ko. I look at my smart watch that keeps on vibrating. "May sakit na ata ako sa puso." Nasabi ko nalang at saka pinapakalma ang puso ko.

I disabled the sound on my smart watch tanging vibrate nalang upang hindi gaanong makaagaw ng pansin.

I hold and covered my smart watch.

"Hoy Azrielle anong pakulo ang meron ka? Where are you going peachay?"he ask me. Alam kong naglalakad siya papalapit sa akin.

Pero noong lumingon ako. Napamura na naman ako.

This is the first time that he is like glowing in my eyes.

Why the fuck that I can see a halo behind him?

Oh my good gosh! I am going crazy!

"What the fuck Azrielle Kay! Curse you." Bulong ko sa sarili ko. Because why the fuck in my eyes he's walking handsomely towards me?

At habang nakatitig ako sa kanya habang kunot noo siyang lumalapit sa akin I know that my heart beat doubled up.

Gusto ko siyang hawakan. Pero...

Nagdadalawang isip ako.

Dahil hindi ko alam kung uubra pa ba lalo na't sa ngayon siya na ang dahilan kung bakit tumitibok ang puso ko ng mabilis.

Before he can approach me ay nanghina na ang tuhod ko and I close my eyes.

"Fvck!" I heard him cussed and I felt his strong arms holding me and all was black.

Continue Reading

You'll Also Like

6K 559 22
Mix-up Series No. 1 Originally entitled as Best thing I ever had. Decided to change it and make it as, Barbie Dreams then lastly, the Final output wa...
358K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
32.4K 1.3K 36
[Completed] Kiana Wolverson is 100% gay hater *** Galit siya sa lahat ng mga chakang bakla. Dahil noon akala ny...
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...