Accused Of Heart (Casa Bilarm...

By Shiningpencil

11.4K 369 48

UNDER EDITING Casa Bilarmino #1 Sa edad na diecisiete ay naranasan nani Miriam Trish Bilarmino ang mga proble... More

Accused of Heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Wakas
Special Chapter

Kabanata 30

217 6 0
By Shiningpencil

Kabanata 30






Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

"Halikana... Umuwi na tayo... " paglalambing ko.

Pinunasan ko din ang basa niyang pisngi. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan at dahan dahang tumango.

May kakaiba kay Adonis...


Tahimik lang kami habang naglalakad. Ni isa sa amin ay walang nagbalak na basagin ang katahimikang nakapalibot sa aming dalawa.

"Sa tingin mo ba, habang buhay na magiging tayo? " pambababasag ko sa katahimikang namamagitan sa amin.

Natigilan si Adonis at mapait na ngumiti. "Sa tingin ko ay hindi... "

Parang may kumirot sa puso ko dahil sa naging sagot niya. Dahil maging siya ay hindi din sigurado. Maging ang pananalita niya ay tila may kahulugan.

Umiwas ako ng tingin. "Bakit hindi nalang natin panatilihin ang mga sarili natin sa isa't isa habang buhay? "

"May mga pangyayari na hindi natin inaasahan, Miriam. At hindi din ako sigurado kung magiging akin ka hanggang sa huli. "

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. "Edi magiging iyo ako, Adonis... " muli akong umaasa, ngunit ang pag asang iyon ay unti unting naglaho.

"Miriam... " natigilan ako ng marinig ang boses ni Kuya.

Akala ko guni guni ko lang iyon, pero nagkakamali ako. Dahil nasa harap ko siya, nakatuon sa akin ang mga mata niyang tila nasasabik. Halos tumigil ang mundo ko habang nakatingin kay Kuya.

Humigit ang hawak ni Adonis sa kamay ko. "K-kuya? "

Nginitian niya ako. Wala na iyong Kuya Venezio na nakaengkwentro ko sa Calbayog na madilim ang mukha at nakakatakot na tila isang mabangis na hayop.

"Halikana, Miriam. Umuwi na tayo... " may pagsusumamo sa boses niya at nakita ko sa mukha niya ang pagiging desperada na pauwiin ako.

Umatras ako at dumikit kay Adonis, humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Dahil sa ginawa ko ay natigilan si Kuya.

Unti unting nawala ang ngiti sa mga labi nito. At nakita ko sa mukha niya ang pangamba, pero para saan?

Hindi makapaniwala siyang umiling at kung makatingin siya kay Adonis ay para itong halimaw na nagkatawang tao para kainin ako at traydurin makuha lang ang gusto.

"M-miriam... Lumayo ka sa kaniya. " nag alab ang galit sa aking sarili dahil sa sinabi ni Kuya sa akin.

"Ayaw ko po Kuya. Hindi po ako sasama sayo! Dito lang po ako sa tabi ni Adonis-"

"Hindi siya ang nararapat para sayo, Miriam! " laban niya.

Napakurap kurap ako at walang emosiyong umiling. "Hindi, Kuya. Magiging nararapat siya sa akin. Gagawin ko iyon. " pursigido kong sabi.

Malalamig ang mga matang tumingin si Kuya kay Adonis. "Nauto mo ang kapatid ko! " nag aalpas sa galit nitong bigkas.

Maslalo akong nagalit dahil sa sinabi niya. Malaki talaga ang galit ni Kuya kay Adonis. At hindi ko alam kung bakit gano'n na lang kalaki ang galit niya rito.

"Hindi niya ako inuto, Kuya! Mahal ko si Adonis! At para malaman mo ay kasal na kami! " matapang kong sinabi na ikinagulat ni Kuya.

Hindi makapaniwala. Ngunit isa lang ang masasabi ko, nakita ko ang takot sa kaniyang mukha. Takot na hindi ko alam kung para saan.

Bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Adonis na nakasiklop at daliri na kung na saan ang wedding ring at nakita ko ang kabiguan sa mukha nito.

"No... Nahuli naba ako? " nakapa ko pa ang kabiguan sa boses nito.

Nangunot ang noo ko dahil sa naging tugon niya.

"Anong ibig mong sabihin? " nanlamig ang boses ko at ramdam ko pa ang pag higpit ng hawak ni Adonis sa kamay ko kaya nag angat ako ng tingin sa kaniya.

At para akong sinaksak ng isang daang punyal sa dibdib dahil sa naging reaksiyon niya. Na para bang tanggap na niya ang mangyayari. Pero bakit?

Huminga ng malalim si Kuya. "Si Adonis... " kumalabog ang dibdib ko at parang ayaw kong marinig ang susunod na sasabihin ni Kuya.

Dahil natatakot akong hindi ko magustuhan ang ibubunyag ni Kuya tungkol kay Adonis. Dahil binigyan ko si Adonis ng pagkakataon para sabihin sa akin ang sikreto niya o ang mga nakaraan niya pero wala siyang sinabi. At ayaw kong iyon ang maging dahilan para kamunghian ko siya.

"Three years ago... Yung lalaking nanggahasa sayo... Diba matagal mo na siyang hinahanap? " Nangangatal akong tumango. At nagtataka rin dahil sa pag banggit ni Kuya tungkol doon.

"M-miriam. Nahanap mo na siya... " marahas akong napailing at binitawan ang kamay ni Adonis na tingka pa nitong habulin ang kamay ko. Ayaw kong bigyan ng kahulugan ang pag tingin ni Kuya kay Adonis ng gano'n.

Lumayo ako ng bahagya kay Adonis. Tumingin ako sa mga mata niya, mga matang nagmamakaawa. Pero bakit kailangan niyang magmakaawa? May ginawa ba siyang kasalanan?

"S-sino siya? " nabasag ang boses ko at nag simulang mag init ang gilid ng mga mata ko.

Parang tumigil sa pag tibok ang puso ko dahil sa sumunod na sinabi ni Kuya.

"S-si Adonis..." tumigil ito sa pag sasalita, "siya ang lalaking iyon, Miriam... "

Tuluyan ng nagsitulo ang mga luha ko patungo sa aking pisngi dahil sa sinabi ni Kuya.

Ito naba? Nangyayayari naba ang kinakatakutan ni Adonis? Kaya ba nag aalangan siya sa nararamdaman ko dahil kapag sa oras na malaman ko ang bagay na ito ay lalayuan ko siya? Pero bakit hindi niya kaagad sinabi?

Hinayaan niyang malaman ko mula sa bibig ng iba, hindi sa kaniya...

Napatakip ako ng bibig para pigilan na huwag mapaiyak ng malakas.

Pakiramdam ko ay hindi ako worth it para pagkatiwalaan dahil sa ginawa ni Adonis.

"M-miriam... " narinig ko ang basag ang nagsusumamong boses ni Adonis, sinubukan pa niyang hawakan ang kamay ko ngunit iniwas ko ang kamay mula sa kaniya at nakita ko ang pagbalandra ng sakit sa mukha niya.

"B-bakit h-hindi mo kaagad s-sinabi sa a-akin? " parang bata kong tanong at sunod sunod at walang tigil sa pagtulong muli ang mga luha ko.

Na kahit anong klaseng punas ang gawin ko ay nahuhulog pa din at nasusuklian.

Yumuko si Adonis at umiiyak na din. Parang maslalong sinaksak ang puso ko lalo na nang mapagtantong umiiyak din ito at nasasaktan kagaya ko.

Pero bakit niya ginawa ito? Bakit hindi niya inamin sa akin?

"Natatakot ako na baka iwan mo ako, Miriam... "

Napapikit ako ng mariin at kasabay non ang pagdausdos muli ng luha sa pisngi ko.

"Ayaw mo akong i-iwan kita, d-diba? Pero dahil sa g-ginawa mo A-adonis parang ayun nadin a-ang rason para i-iwanan kita! "

Narinig ko ang pag iyak lalo ni Adonis. Kaya napapikit ako lalo ng mariin, parang hindi ko kayang naririnig na umiiyak siya. Iniiyakan ang sarili niyang kasalanan.

"H-huwag kang umiyak, A-adonis. P-please, i hate it! P-parang ikaw kasi yung biktima dito kung umiyak ka! " Galit kong sinabi na may halong poot. Pero ang poot na iyon ay parang hindi tunay, dapat akong magalit sa kaniya pero bakit iba?

Hinawakan niya ang kamay ko at pinilit akong hilain palapit sa kaniya upang yakapin ngunit itinulak ko siya habang umiiyak, tinulungan na din ako ni Kuya sa paglayo sa kaniya. Para akong nanghihina at nagparaya sa hila sa akin ni Kuya.

"A-adonis, b-bakit kailangan mong m-matakot na sabihin sa akin ang totoo? B-binigyan kita ng panahon p-para sabihin sa akin ang mga iyon, p-pero binalewala mo lang ang chance na iyon! " may hinanakit sa boses kong saad.

Halos lumuhod na si Adonis sa lupa para lang lapitan ko siya. Iniwas ko ang tingin sa mukha niya na basang basa na dahil sa pinagsamang luha at pawis.

Oh god! Hindi ko kayang makita siyang umiiyak.

Masakit sa puso, parang sinasaksak niya ang puso ko ng paunti unti.

"M-malaki ang naging kasalanan k-ko sayo. Kaya natatakot ako na baka iwanan m-mo ako k-kapag sinabi ko... " umiiyak nitong pahayag at nagmamakaawang tumingin sa akin ang kulay itim na itim nitong mga mata. "M-mahal na mahal kita, M-miriam. H-hindi ko kakayanin na mawala ka s-sa akin. " nagmamakaawa nitong sinabi at lumuhod na halos yakapin ko siya para pigilan na huwag lumuhod.

"A-asawa k-ko p-patawarin m-mo na a-ako... " napapikit ako at nakaramdam ng awa sa sarili at kay Adonis.

"B-bakit mo h-hinayaang humantong t-tayo sa g-ganito? A-akala ko ba ayaw mo a-akong mawala a-at masaktan? " umiiyak kong tanong at hindi maiwasang hindi manghinayang.

Bumaba ang kamay ni Adonis sa sahig at walang tigil sa pag iyak. At parang gusto ko siyang lapitan at pahiran ang basa niyang pisngi.

Pero mas nangibabaw ang sakit para sa akin. Pero bakit gano'n? Bakit parang mas pipiliin ko pa na siya ang gumahasa sa akin kaysa sa magalit sa kaniya? Damn! That justice! Matagal ko ng hinintay ang araw na malaman kung sino ang nanggahasa sa akin pero ito ako ngayon. Nakaharap sa lalaking gumawa sa akin non, lalaking nakakasama ko sa araw araw at pinangakuan. Napunta lang pala ako sa maling tao...

Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa akin ni Kuya. Tinignan pa niya ako na tila pinipigilan ako sa binabalak ko, pero umiling lang ako at maliit siyang nginitian na hindi aabot sa aking mga mata.

"L-let me... "

Tuluyan niyang binitawan ang kamay ko. Nilingon ko si Adonis na nakatingin sa akin, nagsusumamo at nasasaktan. Ni hindi ko man lang kayang salubungin ang mga mata niya. Nasasaktan din ako...

Pinantayan ko siya. Nakatitig siya sa akin, binalak pa niyang hawakan ang pisngi ko para punasan ang basa kong pisngi ngunit kinabig ko iyon.

"H-huwag... H-huwag mo a-akong pahirapan, A-adonis. " halos paanas ko na lamang na nasabi.

Malamig akong tumingin ng diretso sa mga mata ni Adonis na tila gusto akong yakapin at huwag ng pakawalan pa.

Muli ay nagsitulo ang mga luha ko dahil sa sakit, sakit na unti unti na namang nagbabalik.

Maging si Adonis ay napaiyak na din. "D-don't c-cry... " may pagsusumamo sa boses nito.

Yumuko ako at umiling. "N-no, Adonis. You did it, kagagawan mo ito. A-adonis... " dahil sa sinabi ko ay umiyak lalo si Adonis.

Sinuntok ko ang braso niya ng hindi kalakasan. Hindi siya gumalaw hanggang sa lumakas ang suntok ko dun upang ilabas lahat ng hinanakit.

"P-paano mo nagawa sa akin ito?! M-minahal k-kita at pinagkatiwalaan p-pero bakit gano'n? Bakit k-ka n-naglihim?! " hindi siya umimik kaya lalo akong napaiyak.

"P-paano mo natitiis na makita a-ako sa araw araw? Ako n-na babaeng ginahasa mo?! Babaeng sinira m-mo ang k-kinabukasan at ang m-mga pangarap! "

Dinuro ko ang puso ko. "M-masakit, Adonis! Sobrang sakit! Dahil y-yung lalaking mahal k-ko pa t-talaga ang gumawa n-non s-sa akin! N-ni hindi kaba nakokonsensiya? " hinuli ni Adonis ang kamay ko ngunit inilayo ko ang aking kamay mula sa kaniya.

May poot sa mga matang tinignan ko siya at bigong umiling. "D-dahil s-sa ginawa mo binigyan mo ako ng rason para l-layuan k-ka... " halos habulin ako sa pagtayo ni Adonis dahil sa sinabi ko.

Sinubukan pa niya akong hawakan ngunit sinalubong siya ng kamao ni Kuya at mabilis akong itinago sa likod niya.

"Huwag mong hahawakan ang kapatid ko! " galit na saway ni Kuya kay Adonis na nagmamakaawa sa akin.

"A-asawa k-ko, patawarin m-mo na a-ako. P-para makauwi n-na t-tayo... "

"M-mamimiss k-ko ang l-luto mo... P-paano n-na ako k-kapag nawala k-kana s-sa a-akin? " ulit niya na ikinakirot ng puso ko, at sa tuwing sinasabi niya ang mga katagang iyon ay parang pinipiga ang puso ko.

Napapikit ako ng mariin at hindi kinaya ang mga luha na pigilan. Parang may kumikirot sa puso ko habang naririnig ang pagmamakaawa ni Adonis.

"I'm sorry, Adonis. P-pero wala ka ng asawang babalikan... " pikit mata kong sinabi, hindi ko kayang tignan ito. Dahil sa tuwing ginagawa ko iyon ay parang susuko ako at tila ano mang oras ay babalik sa kaniya.

Paano mo nagagawa ang lahat ng ito Miriam? Paano mo nakakayanang tiisin ang lalaking minahal mo na makitang nasasaktan, umiiyak at nagmamakaawa sayong bumalik kang muli sa kaniya?

Pero bakit kailangan pa niyang ilihim sa akin ito kung ayaw niyang mawala ako sa kaniya?

Mahal ko si Adonis, mahal na mahal ko siya. Pero bakit hindi niya ako magawang pagkatiwalaan?

Dahil siya pala ang lalaking iyon... Lalaking kinamunghian ko sa loob ng tatlong taon.

Continue Reading

You'll Also Like

68.5M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
47.9M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
55.3K 2.9K 35
As if willed by fate, college students Elrond and Elora find themselves connecting through Alter--a popular dating app among the youth. But when they...
256K 7.9K 44
Si "Grace Celestine Miracle" 25 years old single and NBSB(No Boyfriend Since Break) ang sipag girl ng pamilya, ang panganay na anak, ang nag aalaga n...