Kristine Series 53: Magic Mom...

By Imperfect_Philozoic

196K 3.2K 197

Nagkamalay si Alaina sa isang ospital sa isang probinsiya na puno ng sugat ang katawan. She had no memory of... More

Martha Cecilia - I Have Kept You In My Heart(Kristine Series 53)
Notes
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Epilogue

Chapter Twenty-six

6.4K 104 6
By Imperfect_Philozoic


"SA MARTES ng umaga ang uwi ni Nick at Alaina sa bahay nila," wika niya sa kausap sa telepono. "Sa hapon ang meeting. Maghanda ka. Pasukin mo ang bahay pagdating ng hatinggabi at patayin si Alaina. Saktan mo si Nick pero huwag mong papatayin. Palabasin mong pagnanakaw ang motibo."

"Linggo na ng gabi ngayon. Masyado naman yatang apurahan iyan."

"May dalawang araw ka, Pancho. Kailangan mong gawin dahil baka wala na tayong pagkakataon. Nick will leave the country with Alaina!" Nagpupuyos ang dibdib niya sa matinding poot.

"Sa subdivision pa lang ay mahihirapan na ako. Paano pa kaya ang bahay na natitiyak kong may security guard?"

"Sa Neopolitan ang bahay ni Nick. Hindi mahirap pasukin dahil open space at layo-layo ang mga bahay. Iyong security guard sa bahay niya ay madali. Patulugin mo. Isingit mo sa ilalim ng gate. Natitiyak kong may tatlong bodyguards si Nick na parati niyang kasama. Hindi nila aasahan ang pagdating ninyo. You have the element of surprise. Alam mo dapat ang gagawin mo."

"Delikado ang gusto mong mangyari. Hindi basta-basta ang bahay na papasukin ko. Kung may tatlong bodyguards at isang security guard, apat bale ang kakaharapin namin."

She muttered a curse. Alam niya kung ano ang ibig sabihin nito—dagdag-bayad. Kilabot na magnanakaw si Pancho kaya nakatitiyak siyang hindi mahirap dito ang gagawin.

"Kaya naman malaki ang bayad ko sa iyo.

Sayang naman ang paglabas-pasok mo sa Munti kung iyan lang ay hindi mo kayang gawin. Tiyakin mong hindi ka papalpak sa pagkakataong ito! Dahil kapag pumalpak kayo uli ngayon ay kayo ang papatayin ko!"

Ilang sandali ang pinalipas ng nasa kabilang linya bago nagsalita. "Nangangailangan ng dagdag-salapi ang gusto mong mangyari. Kailangan ko ng dalawang tao..."

Sunod-sunod ang murang pinakawalan niya. "Wala kang alam sabihin sa akin kundi salapi. Ilang taon na ninyo akong ginagatasan ni Asuncion!"

"Hindi madali ang mga ipinagagawa mo! At nasa sa iyo naman iyon, eh..."

Nahimigan niya ang banta sa tinig nito. Muli siyang napamura. "Ipakuha mo kay Asuncion bandang hapon bukas, Lunes." Pagkatapos ay nag-disconnect siya.

They had better not fail this time. She would kill them both. Titiyakin niya. At hindi na niya kaya pa ang walang katapusang sustento niya sa tiyahin at kalaguyo nito. 


"IS THIS your house, Dad?" tanong ni Zach nang makapasok na sa loob ng garahe ang sasakyan. Agad na isinara ng security guard ang gate.

"And your house, too, son."

"I can see the swimming pool!" bulalas nito at agad na binuksan ang pinto ng sasakyan sa bahagi nito at tinungo ang pool area.

"Hmm," ani Alaina at nilingon ang dalawang security guard. Ang isa ay agad na isinara ang gate. "Lahat ba ng security guard mo ay pawang magagandang lalaki?"

Kumunot ang noo ni Nick. Hindi niya iyon binigyang-pansin. Ang alam niya ay dalawang tao ni Kurt ang pansamantalang humalili sa security guard niya. Tama si Alaina. Ang dalawang nagpapanggap na mga security guard ay pawang malalaki ang katawan.

Both were pleasant on the eye, in a rugged sort of way. Naka-military cut ang isa habang ang isa naman ay naka-ponytail ang may-kahabaang buhok sa likod. Mga mas mukhang mercenaries kaysa sa security guards.

Nick almost rolled his eyes. Alam niyang karamihan sa mga tao ni Kurt ay mga kakilala na nito noong panahong nasa CIA pa ang huli. Many of them were navy SEALs and Kurt's comrades. Dalawa sa mga iyon ay naging asawa ng kanyang mga pamangkin, sina Ivan at Brad. Both his nieces were happy and so much in love with their husbands.

"Ignore them," he said curtly. "Tara sa loob ng bahay."

Subalit wala na sa kanya ang pansin ni Alaina. Wala sa loob na sinundan nito ang anak sa pool area. Huminto ito sa mismong gilid ng pool hindi kalayuan sa lanai. She suddenly closed her eyes and swayed. Mabilis itong naagapan ni Nick.

"Honey..."

Humigpit ang kapit ni Alaina sa braso niya. "T-tumalon ka sa swimming pool... si Nikki nalulunod!"

Ikinulong ni Nick si Alaina sa mga bisig niya. Nagsisimulang makaalala si Alaina mula sa mga di-malilimutang pangyayari sa buhay nila.

"Mom, are you okay?"

Nick smiled at his son. "She has some flashes, Zach. Natatandaan niyang nahulog si Drew sa swimming pool noong bata pa ang kapatid mo."

"Oh. And?"

"And nothing, Zach. This is so frustrating! I wish all memories would come back like a flash flood."

Ang banayad na tawa ni Nick ay puno ng simpatya. "In time, darling. So, guys. Let's get inside. Wala tayong kasambahay. I normally dine outside."

"Ano ang ginagawa ng mall nearby? There must be a fine dining," ani Alaina. "Pagkatapos ay dumaan tayo sa supermarket at mag-grocery."

Nick smiled. The same old Alaina. Inakbayan niya ito papasok sa kabahayan. "Nasa bahay ni Jace sa San Juan ang mag-asawa, Zach. Patungo tayo roon bukas ng umaga. Then we'll meet your aunt Jenny at the Manila Polo Club.

"Knowing my sister, pagkatapos sa MPC, ililibot ka niyon sa siyudad. You might even get to board your cousin James' yacht. It is anchored at the Manila Yacht Club, a few meters from the hotel. You might sleep over at the yacht..."

"Oh, wow!" Napasuntok sa ere si Zach. "Is it all right with you, Dad? Mom?"

"Oh, I don't mind. Bahala ang Aunt Jenny at ang kapatid mo sa iyo, Zach."

Isang ngiti naman ang pinakawalan ni Alaina bilang pagsang-ayon nang tumingin sa kanya ang anak. Sa loob lamang ng halos isang buwan ay nakagamayan na ng anak ang karangyaang karaniwan na sa mga Navarro. Na tila ba hindi naman na bago iyon kay Zach. It was as if deep inside him he knew he was born into this wealth. 


KINABUKASAN ay ipinasya na rin ni Nick at Alaina na sumama sa FNC. Umaasa siyang baka mas madaragdagan ang memoryang unti-unting nagbabalik kay Alaina kung dadalhin niya ito sa mga dati nilang pinupuntahan kung ang pagbabasehan ay ang pagkaalala nito sa muntik nang pagkalunod ni Drew noong ito'y bata pa.

Subalit hindi na naulit ang pag-ahon ng alaala. Si Jenny at si Drew ang nag-tour kay Zach sa buong planta. Pagkatapos ay sa Manila Polo Club na sila nananghalian. Sandaling tinuruang maglaro ng polo si Zach at ipinarehistro bilang member.

Bandang alas-tres na ng hapon nang ipasya ni Nick na iwan na si Zach sa dalawang babae at bumalik sa hotel. Ipinarada ni Nick ang Hummer nito sa pribado nitong slot. Pababa na ito ng sasakyan nang bigla siyang hawakan ni Alaina sa braso nang mahigpit.

"Another flashes?" he teased.

Naramdaman ni Nick ang panlalamig ng mga kamay ni Alaina at ang paghigpit pang lalo ng pagkakahawak nito sa kanya.

"Hey. What's wrong?"

Nakatitig sa labas ng salamin si Alaina. Sampung yarda mula sa parking lot ay ang entrace ng hotel. Nakatuon doon ang mga mata nito.

"I-I think I know that woman, Nick!"

"Which woman?"

"Iyong palabas ng hotel... naka-printed ang blouse! Oh, god! I know her!"

Hindi malaman ni Nick kung alin sa tatlong babaeng papalabas ng hotel ang tinutukoy ni Alaina. Dalawa roon ay nakasuot ng printedblouse.

"Sino ba ang tinutukoy mo? Halika at lapitan natin." Akma nitong bubuksan ang sasakyan subalit mahigpit ang pagkakahawak ni Alaina sa braso niya.

"Huwag mo akong iwan! Please, huwag mo akong iwan!"

Nick realized his wife was trembling with fear. Yumakap ito sa kanya. Nagsimula nang umiyak. Inilagay niya ang braso niya sa balikat nito at hinila payakap. Nang iangat niya ang paningin patungo sa entrance ng hotel ay wala na roon ang tatlong babaeng sabay-sabay niyang nakita palabas.

"Honey, it's okay. I'm here." He soothed her. Hinahaplos niya ang likod nito. "Hindi kita iiwang mag-isa rito."

May ilang sandaling hinayaan niyang magbalik sa normal ang paghinga ni Alaina at kumalma ito bago niya inilabas ng sasakyan. Mula sa parking ay sa private entrance niya ng hotel idinaan ni Nick ang asawa patungo sa elevator ng penthouse. May security guard din doon.

Electronic gate ang pinto patungo sa pribadong elevator paakyat sa penthouse. Binuksan iyon ni Nick. Ilang sandali pa ay nasa itaas na sila ng penthouse. She was still trembling when he deposited her on one of the stuffed chair.

"At alin sa tatlong babae kanina ang tinutukoy mo, darling?" Nick asked carefully.

"The one in printed blouse, Nick. Maiksing-maiksi ang buhok niya."

"Sino siya? Ano ang pangalan niya?"

She controlled her sob. Umiling. "I don't know her name. Oh, god! I should remember that woman if she scared me like this."

"I'll make us coffee," he said. Subalit ayaw pakawalan ni Alaina ang braso niya.

He tried to hide the fury that he felt. Ang kinatatakutan ba ng asawa ay empleyado ng hotel? O isa sa mga guest? May kinalaman ba ito sa nangyari kay Alaina?

"Don't leave me!"

"This is our penthouse, darling," he said soothingly. "You are safe here," banayad niyang sabi.

Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya. Kapagkuwa'y inikot ang paningin sa loob ng penthouse. Pagkatapos ay unti-unting bumalik sa normal ang paghinga. Inihilig nito ang ulo sa sandalan at pumikit.

Nick turned the espresso maker on. Nagsimulang gumawa ng kape at kasabay niyon ay tinawagan si Kurt. "She saw someone today. Doon nagsimula ang takot. Ang sabi niya'y kilala niya ang babae. Pero hindi niya maalala. Galingng hotel ang babae, Kurt."

"Malalaman mo ba kung sino ang babaeng nakita ni Alaina? May mga camera sa loob ng hotel, hindi ba?"

"Well, yes. Pero sa mga public area lang. Like any other hotel, may camera sa lobby, sa mga hallway. Pero wala sa loob ng mga silid. Wala rin sa opisina. Tatlong babae ang nakita kong magkakasabay halos na lumabas ng hotel."

"Ipadala mo sa akin ang videotape. Kung maipapadala mo sa akin mamayang gabi ay malalaman mo sa Miyerkules ng umaga kung sino ang babaeng kinatatakutan ni Alaina."

"Hindi mo ba kayang apurahin? Lunes pa lang ng hapon ngayon, Kurt."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Kurt sa kabilang linya. "Hindi madaling ipakipag-usap sa mga may kakayahang alamin ang identity ng larawan, Nick. Santambak din ang trabaho ng mga taon roon."

"Tell them I will donate one laboratory equipment!"

Napabuntong-hininga si Kurt. "Sisikapin ko. Tinitiyak ko sa iyong iyan ang priority ko ngayon."

Ilang sandali pa'y tinapos na nila ang pag-uusap. Nang lumakad siya pabalik sa asawa ay nakatingin ito sa kanya.

"I'm sorry. Hindi ko alam kung bakit natakot ako nang makita ko ang babaeng iyon. Matagal na bago ko naramdamang muli ang ganitong takot. I-I don't even know her."

Nick gritted his teeth. "Wednesday morning, malalaman mo kung sino ang babaeng iyon..."

Nanlaki ang mga mata nito. "H-how?"

Ipinaliwanag ni Nick na maaaring nakuhanan ng camera ang babae pagpasok pa lang nito sa hotel. "You will be safe here, sweetheart. Walang makakapasok sa private entrance nang hindi mag-a-alarm iyon. Sa elevator naman ng hotel ay hanggang eleventh floor lang. Again, it has an electronic gate mula sa eleventh floor patungo sa penthouse." Itinuro nito kay Alaina kung papaano bubuksan ang electronic gate sa ibaba sa eleventh floor.

He kissed the top of her head. "Bababa ako sa video room at titingnan ko kung may kuha ang babaeng sinasabi mo at pagkatapos ay ipadadala ko kay Kurt." 


IPINADALA ni Nick sa driver niya ang videotape sa opisina ni Kurt. He conducted his business at the penthouse through telephone and Internet the whole Tuesday morning. Bandang hapon, kasama si Alaina ay tinungo ni Nick ang conference room.

Kararating lang nina Jace at Drew. Samantalang naroon na ang ilang staff. Naroon na rin sina Veron, Bettina, at Sheila, who would be taking the minutes of the meeting.

Isa iyong impormal na meeting para lang maipaalam sa lahat na pansamantala ay gagampanan ni Jace ang tungkulin niya bilang CEO kaya naman hindi kailangang naroon ang mga kapatid niya na miyembro ng board.

Bukod pa sa ang mga ito mismo ang nagtulak kay Nick na mag-leave na muna at dalhin sa ibang bansa si Alaina upang patingnan.

Ang lahat ay bumati ng "good afternoon" pagkapasok ni Nick. Si Drew na nakita na ang ina sa likod ng ama ay tumayo at sinalubong si Alaina at nakangiting hinagkan sa pisngi. Sumunod si Jace at hinagkan din sa pisngi ang batang mother-in-law.

"Mommy..."

A collective gasp was heard inside the boardroom. Lahat ng mga mata ay kay Alaina nakatuon.

"A-Alaina!" It was Veron na ang pagkamangha ay nagmukhang katawa-tawa. Agad itong tumayo. Humakbang palapit kay Alaina. Then stopped two feet away. "Oh, my god! Oh, my god!" And before Veron could stop herself, niyakap nito ang kaibigan sa pahisteryang paraan.

Alaina went still. Hindi malaman kung paano magre-react. She had no memory of this woman who must be her age. But there were flashes, she realized. Faces and places which made no sense.

"Mrs. Navarro," wika ng isa pang babae, which she thought a little older, ang nagpahinto sa bugso ng damdamin ni Veron. Inilahad nito ang kamay sa kanya. "I am Bettina Blanco, your husband's AA."

Alaina tried to be polite and civil. Bettina Blanco was a handsome woman. She looked so cool. Puno ng kompiyansa sa sarili. Though her eyes belied the calmness. Mayamaya lang ay nagsilapitan na ang ibang mga executive. Bawat isa ay ipinakilala ang mga sarili sa kanya. Si Sheila ang kahuli-hulihang lumapit at nagpakilala.

"I'm glad to meet you all."

"Your husband said you've lost your memory." That was from Bettina.

Napasinghap si Veron. "What do you mean by that?" Pinaglipat-lipat nito ang paningin kay Nick at Alaina.

Sinikap ni Nick na ipaliwanag nang pahapyaw para doon sa mga nagtataka sa biglang pagsulpot ni Alaina gayong ang alam ngnakararami ay biyudo si Nick. Natitiyak din ni Alaina na alam ng lahat ang tungkol sa relasyon ng asawa at ni Bettina Blanco.

She hated Bettina Blanco instantly. Ni hindi man lang ito naiilang na naroon siya. She was even forward and asserted herself. Na sa wari ay ito ang pinakaimportanteng tao sa silid na iyon. Iniisip marahil nito na wala siyang alam tungkol sa naging relasyon ni Nick dito.

But she policed her emotion at nginitian ang lahat.

Nagsimula ang meeting. Si Sheila ay kumuha ng minutes. Si Drew at si Alaina ay nasa dulong bahagi ng conference room, sa isang pandalawahang sofa at tahimik na nag-uusap. It was obvious that mother and daughter couldn't contain their happiness. Sa wari ay hindi nauubusan ng mapag-uusapan.

Hindi kailangang lumingon ni Alaina sa conference table para malamang gumagawa ng butas sa likod niya ang mga mata ni Bettina Blanco. Nasulyapan din niya si Veron na tila natetensiyon sa kinauupuan nito at paminsan-minsan ay sinusulyapan siya.

Hindi nagtagal ay natapos ang meeting. Jace was to be the acting CEO while Nick was on leave.

"Daddy, uuwi ba kayo ni Mommy sa bahay?"

tanong ni Drew nang makalabas na ang lahat at sila na lang magpamilya ang naiwan. At dahil pasado alas-sais na rin lang ay nag-uwian nang tuluyan ang mga executive.

"Not tonight, Drew. Ihahatid mamaya ng Aunt Jenny mo si Zach dito. At bukas ay itu-tour ko ang kapatid mo sa buong hotel."

"I miss that boy already," ani Drew at tumingala sa asawa. Ang ngiti ni Jace ay puno ng pang-unawa.

"Now, I'm starving. Let's have an early dinner," ani ni Jace at nilingon si Nick. "Where to, Dad?"

"Huwag na tayong lumayo. Sa ibaba na tayo kumain."


PAGKAKAIN sa isa sa mga restaurant ng hotel ay umuwi na ang mag-asawang Jace at Drew. Bandang alas-nueve ng gabi nang ihatid ni Jenny at Zandro si Zach sa hotel.

Alas-seis y media ng umaga nang gisingin si Nick ng tawag mula kay Kurt.

"Tatlong lalaki ang nahuli ng mga tao ko sa loob ng solar mo, Nick. Umaaligid pa lang sila sa pader ay nakikita na sila ng mga bata ko sa pamamagitan ng camera. Hinintay nilang makapasok ang mga ito bago nila in-apprehend ang tatlong burglars."

"Where are they now?" Nilingon ni Nick si Alainana nahihimbing pa rin.

"Nanlaban ang isa at nagtangkang paputukan ang isa sa mga tao ko. Ten silenced him."

Napahugot ng hininga si Nick. "Your man killed one of the burglars?"

A soft chuckle was heard from the other end of the line. "My men wouldn't kill unless very necessary, Nick. Anyway, nang dumating ang iba ko pang mga tao sa bahay mo ay wala pa ring malay ang lalaki. Napalakas ang sipa ni Tennessee."

"Where are they now?"

"Dinala sa interrogation house. Ang dalawa'y blindfolded dahil tulog naman ang isa. Nasa bahay mo pa rin sina Jack at Ten."

Interrogation house. Kung hindi dahil sa balita ay gustong matawa ni Nick. He knew that Kurt wouldn't involve the police. Iyon ay hanggang matiyak ng mga tao ni Kurt kung simpleng magnanakaw lamang ang mga ito.

"Anong oras nangyari ito?"

"Kaninang alas-dos pasado ng madaling-araw."

He frowned. "Bakit ngayon mo lang itinawag sa akin?"

"Hindi ko nais abalahin ang pamamahinga ninyo. Wala namang nangyari. Mamaya lang ay malalaman na natin kung sino ang mga taong ito."

"Okay. Wala bang problema kung gusto kong puntahan ang mga lalaking nahuli ng mga tao mo sa interrogation house?" Nick said with dry humor. "I don't like this, Kurt. Pinasok ang bahay ko humigit-kumulang sa beinte-kuwatro oras pagkakita ni Alaina sa isang babaeng pumukaw ng matinding takot sa kanya."

"Hihintayin kita dito sa opisina. Sasamahan kita roon. It's somewhere in Rizal. Two hours drive kapag ganito kaaga at walang traffic." Kurt disconnected.

Hinagkan niya sa noo ang asawa. Nagising ito. "What time is it?"

"Nearly seven o'clock," he said. "Aalis ako sandali. Makikipagkita ako kay Kurt. I'll be back before lunch. We'll have late lunch at the Dalampasigan." Ang Dalampasigan ay ang Filipino restaurant sa loob ng hotel. "Ask for a room service para sa breakfast ninyo ni Zach."

"Gising na ba si Zach?"

He smiled softly. "Hindi ko pa nasisilip ang anak mo sa kabilang silid. Baka nahihimbing pa iyon sa pagod sa kapapasyal kahapon." Nagtuloy na siya sa banyo at ilang sandali pa'y naririnig na ni Alaina ang lagaslas ng tubig mula sa shower.



                                                              *************

Continue Reading

You'll Also Like

3M 118K 75
"α€˜α€±α€Έα€α€Όα€Άα€€α€œα€¬α€•α€Όα€±α€¬α€α€šα€Ί α€„α€œα€»α€Ύα€„α€Ία€œα€Ύα€―α€•α€Ία€žα€½α€¬α€Έα€œα€­α€―α€·α€α€²α€·.... α€™α€Ÿα€―α€α€Ία€›α€•α€«α€˜α€°α€Έα€—α€»α€¬...... ကျွန်တော် α€”α€Ύα€œα€―α€Άα€Έα€žα€¬α€Έα€€ α€žα€°α€·α€”α€¬α€™α€Šα€Ία€œα€±α€Έα€€α€Όα€½α€±α€€α€»α€α€¬α€•α€«.... α€€α€»α€½α€”α€Ία€α€±α€¬α€Ία€›α€„α€Ία€α€―α€”α€Ία€žα€Άα€α€½α€±α€€...
539K 18.1K 135
Read and find out...
107K 2.1K 30
"𝐁𝐔𝐓 ππ€ππ˜ π˜πŽπ” 𝐖𝐄𝐑𝐄 𝐓𝐇𝐄 π‹πŽπ•π„ πŽπ… 𝐌𝐘 π‹πˆπ…π„." "π˜πŽπ” πƒπŽπ'𝐓 πŠππŽπ– 𝐖𝐇𝐀𝐓𝐒 π‹πŽπ’π“ π“πˆπ‹π‹ π˜πŽπ” π…πˆππƒ πˆπ“."...
5.2M 465K 96
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...