30.
The thing about you and I
Third Person's POV
"Dito ka nakatira? Sinong kasama mo sa unit mo?" Kunot-noong sambit ni Ponzi habang pinagmamasdan ang apartment complex kung saan nakatira si Serenity.
"Mag-isa lang ako kasi busy sa work sina Mommy at Daddy pero they promised me na bibisitahin nila ako every weekend." Biglang bumaba si Serenity mula sa motorsiklo at tinanggal ang suot niyang helmet, "Thank you sa paghatid. Goodnight! Ingat sa daan and don't overspeed!" Nakangiti nitong sambit sabay kaway sa binata ngunit agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Serenity nang mapansin niya ang tila ba nagtatampong reaksyon nito.
"Anong problema? Galit ka ba sakin?" Inosente at nag-aalalang tanong ni Serenity.
"Hinatid kita tapos pauuwiin mo agad ako? Di mo man lang ba ako papapasukin para mag-juice man lang o snacks? Serenity 6pm na, yung butete ko nangingisay na." Suminghal si Ponzi at umiling-iling na animo'y naiinis.
"Ha?" Napakamot na lamang sa kanyang ulo ang naguguluhang dalaga, "Diba kumain na tayo ng kwek-kwek kanina? Ba't gutom ka na agad?"
"'Wag na nga lang." Malamig na sambit ni Ponzi at walang emosyong inagaw mula sa mga kamay ni Serenity ang helmet. Nang akmang isusuot na niya ito'y napangiwi na lamang si Serenity at napabuntong-hininga dahil sa pagkakonsensya.
"Okay fine! Ponzi, gusto mo bang mag-juice muna sa taas?" Napilitan na lamang si Serenity na tanungin ito.
"Sige ba!" Biglang taas-noong sambit ni Ponzi na ngayo'y abot-tenga ang ngiti at walang paligoy-ligoy na tumayo mula sa motorsiklo niya at mas nauna pang maglakad papasok sa apartment.
Nilingon ni Ponzi ang dalaga habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi, "Baka gusto mo akong murahin? Okay na okay lang sakin."
"Cussing isn't my thing so I'll just read you a bible verse." Pagmamalaki naman ng dalaga sabay ngisi dahilan para mawala ang ngiti sa mukha ni Ponzi at mapasampal na lamang sa kanyang sariling mukha.
***
Pagpasok pa lamang ni Ponzi sa tinutuluyan ni Serenity ay agad na itong naupo sa sofa at pinaandar ang tv nadahilan para mapangiwi na lamang si Serenity at mapapikit dahil sa inis.
"Magmumura na 'yan!" Pakantang sambit ni Ponzi na animo'y sinusubukan ang pansenya ng dalaga.
"Hindi sagot ang pagmumura sa lahat ng bagay." Giit ni Serenity saka naglakad na lamang patungo sa kusina.
"Yung totoo Serenity? Ikaw ang Admin ng Badwordcop no?" Biro ni Ponzi na agad na sumunod rito at naupo sa mesa na animo'y at home na at home na talaga.
Napabuntong-hininga na lamang si Serenity at binuksan ang ref saka inilabas mula rito ang dalawang maliliit na bote ng juice.
"May problema ka ba? Sabihin mo lang sakin baka matulungan kita?" Tanong ni Ponzi nang mapansin ang biglang pagkabalisa ng dalaga. Matagal bago sumagot si Serenity kaya ininom na lamang ni Ponzi ang juice.
"Nakokonsensya lang kasi ako, pakiramdam ko nagtatampo na si Jojo sakin. Sabi niya siya daw yung boyfriend ko pero di ko napigilan ang sarili kong matawa sa harapan niya. Ponzi boyfriend ko ba talaga siya?" Inosente at problemadong sambit ni Serenity kaya sa isang iglap ay agad na naibuga ni Ponzi ang iniinom at ang ilan sa mga ito'y lumabas pa mula sa ilong niya sa sobrang pagtawa.
"Come on! 'Wag kang tumawa! Seryoso ako!" Giit ni Serenity.
Nang mahimasmasan ay napangisi na lamang si Ponzi, "Serenity 'wag kang magpapaniwala sa pinagsasabi ng manyakis na 'yon. Nasobrahan yun sa polusyon kaya nagkaganun ang mukha at utak. Magkaaway nga kayo noon. Three years ago nung first day of school, tumatambay si Jojo sa malapit sa hagdan kasama ang mga kaibigan niya tapos binosohan ka niya habang bumababa ka kaya naman agad mo siyang hinabol para upakan." Biglang natawa si Ponzi sa alaala ng nakaraan, "Inis na inis ka kaya hindi ka tumigil sa paghabol sa kanya kahit pa halos magpaikot-ikot na kayo sa campus grounds. Nang maabutan mo siya, halos kalbuhin mo siya. Doon kayo unang nagkakilala." Dagdag pa nito.
"Ginawa ko yon?" Bigla na lamang natawa si Serenity na animo'y nahihiya, "Ang sama ko talaga, I need to apologize to him. Nga pala naging friends ba kami after nun or mortal enemies talaga?" Usisa pa nito.
Ngumiti si Ponzi at bahagyang umiling-iling, "Asaran at Gaguhan, ganun lang kayo parati. Yung dalawa niyang kabarkada ang naging kaibigan mo. " Kwento pa nito.
"Wow, I'm such a weirdo. Ikaw? Paano kita nakilala noon?" Tanong ni Serenity pero natawa lamang si Ponzi.
"Akala ko ba ayaw mo ng maalala ang nakaraan?" Pabirong pasaring ni Ponzi kaya pabiro ring napabusangot si Serenity.
"Curious lang ako tungkol sayo. Ba't ba ambait mo sakin kahit ang sama ng ugali ko noon? Nga pala totoo ba yung sabi ni Jojo na pirata ka daw? Alam mo illegal yun, piracy is a crime eh. Tapos di mo pa daw binibigay yung matagal ng hinihingi ni Jojo sa'yo, ano ba 'yun?" Giit ni Serenity kaya natawa lamang lalo si Ponzi.
"Magluto ka nalang nga ng pagkain, gutom na ako!" Pag-iiba ni Ponzi ng usapan.
"Che! Di ako marunong magluto no and besides cup noodles lang ang nandito. Oorder nalang ako." Nang-akmang tatayo na sana si Serenity ay dali-daling hinigit ni Ponzi ang braso niya matapos maalalang namamatay sa lason ang bawat pinapakawalan ng programa.
"'Wag mong gagawin yan!" Giit ni Ponzi dahilan para kuno't noong matawa si Serenity.
"Bakit naman?" Aniya.
Bahagyang napaisip si Ponzi, gustuhin man niyang balaan ang dalaga tungkol sa nalalaman ay di niya magawa dahil ayaw niyang matakot ito, "Ah eh, talamak din ang food contamination dito kaya mas mabuti kung ikaw mismo ang magluluto ng kakainin mo, kahit sa cafeteria, mag-ingat ka." Palusot nito.
Tumango-tango na lamang si Sisa, "Ah ganun ba? Kaya pala ganyan mukha mo. Contaminated food siguro ang lagi mong kumakain." Biro nito.
Laking gulat ni Serenity nang bigla na lamang pabirong napapikit si Ponzi sabay hawak ng dibdib niya at animo'y naiiyak pa ito sa tuwa.
"Anong nangyare sayo?" Hindi mapigilan ni Serenity na matawa.
"Sa wakas nakatanggap na ulit ako ng insulto mula sa'yo. Alam mo bang miss na miss ko na ang pang-iinsulto mo sakin?" Pabiro nitong sambit.
***
ONE DAY LATER
Nakaupo lamang sa sahig si Dustin habang nakasandal sa kama niya. Walang itong kaemo-emosyon habang pinagmamasdan ang hawak na rubics cube na hindi pa niya nabubuo o ginagalaw man lang.
"Alam mo bang hindi mabubuo ang isang rubics cube kung tititigan mo lang?" Naupo si Serenity sa tapat ni Dustin at nginitian ito.
Tinitigan ng maigi ni Dustin ang mukha ng dalaga at kalauna'y napangisi, "Tangina, Sisa ikaw ba 'yan? Sa wakas naman at nagha-hallucinate na ako ng tungkol sayo kaso ba't nag-iba yang hitsura mo? Sira nga talaga ulo ko." Sabi pa ni Dustin saka muling napatitig sa kanyang rubics cube.
Napabuntong-hininga si Serenity at inagaw mula kay Dustin ang rubics cube bagay na ikinabigla ng binata.
"Justin, instead of cussing, why won't you just pour your frustrations out in this rubics cube and solve it like a boss?" Nakangiting sambit ng dalaga habang ginagalaw ang bawat panel nito.
"Justin?" Kunot-noong sambit ni Dustin dahilan para muling mapatingin sa kanya si Serenity.
"You're Justin right? I'm Mary Serenity, sabi nila friends daw tayo. Sorry pala kung hindi—" Natigil sa pagsasalita si Serenity nang bigla na lamang hinawakan ni Dustin ang magkabila niyang pisngi.
"T-totoo ka?" Nauutal na sambit ni Dustin at kasabay nito ang unti-unting pagpatak ng luha niya.
"Oh my God, please don't cry! You're a boy, you shouldn't—" Hindi na natapos pa ni Serenity ang sinasabi nang bigla na lamang siyang niyakap ni Dustin ng napakahigpit. Iyak ito ng iyak kaya walang ibang magawa si Serenity kundi yakapin nalang din ito pabalik.
END OF CHAPTER 30.
Note: Sorry if this chapter lacks action, lettuce swerve in the character development road for now.hihihihi. Thank you sa patuloy na nagbabasa!
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT <3