Just Some Random Guy

By Gelailah

30.9K 1K 109

Victoria Jule Crivelli is at the top of her game. Everything is going according to her plan. But somehow, she... More

Just Some Random Guy
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8

Chapter 7

559 40 4
By Gelailah

Chapter 7



Nakayuko at nakatakip ang mga buhok ko sa mukha habang nakasiksik sa pinaka gilid ng kotse. My head's still spinning for having a terrible hangover, worse, I remember what happened last night. Kung paano ako sumayaw  sa harap ng mga tao at sumuka sa damit ni Regan. Inumpog-umpog ko ang ulo sa kotse nang maalala ang sobrang kahihiyang pinag gagagawa ko.

Maya-maya lang ay sasakay na rito sa kotse si Regan, at ang masaklap, ako lang ang kasama niya dito sa kotse niya.

It was already afternoon when I woke up. Nagulat ako kanina pag gising ko dahil wala na 'yong mga kasama ko pati ang mga gamit nila. Tumakbo pa ako palabas ng building nang hindi man lang inaayos ang sarili ko sa sobrang gulat. Paglabas ko, nakita ko si Regan na kausap ang mga taga-LGU.

Okay lang sana kung iniwan nila akong mag-isa, pero hindi, eh. They left me here, alone, with Regan na sinukahan ko kagabi! They just chose violence over peace, I swear!

I texted them and they told me na nauna na raw sila kaninang umaga sakay ng service na sumundo, habang ako raw kay Regan na lang sasabay dahil hindi ako nagigising kanina. I texted Nova and she just told me to enjoy my ride with Regan. Traydor!

I immediately shut my eyes and pretended to be asleep as I saw him walking towards the car. Pinakiramdaman ko lang ang bawat galaw niya. Ang pag sakay niya at ang pag buhay ng makina ng sasakyan.

Napakapit ako nang mahigpit sa damit ko nang maramdaman ang katawan niya na malapit na malapit sa akin. I felt his breath slightly brushed my face when he took the seatbelt on my seat to fasten it over my body.

"Did you take the meds that I left beside your bed?" he asked as I felt the car moving. Hindi ako sumagot. Sa kanya pala galing 'yung ibuprofen na ininom ko kanina. "I hope you did. It'll help for your hangover."

Bakit ba ako kinakausap nito? Kita na ngang nagtutulog-tulugan 'yong tao!

Hindi ko na siya narinig na nagsalita ulit kaya sa sobrang pikit ko, nakatulog na nga ako ng totoo. Nagising lang ako nang marinig na magsara ang pinto ng kotse. Pagbuklat ko ng mga mata ko nakita ko si Regan na naglalakad palayo. Lumabas pala siya ng kotse. Baka naiihi? Sumilip ako lalo at nakitang pumunta lang naman pala siya sa tindahan.

Pumikit ako ulit nang makabalik siya. Narinig ko siyang bumuntong-hininga. Bakit kaya hindi pa kami umaalis? Gusto ko sanang silipin siya kaso baka mapansin niya na nagpapanggap lang akong tulog.

Maya-maya pa, narinig kong bumukas at nagsara ulit ang pinto ng sasakyan. Binuksan ko ang mga mata ko dahil akala ko lumabas siya kaya laking gulat ko nang makita siya na nakatitig sa akin.

"Tutulugan mo ba ako buong biyahe?" His brow was arched and he has this amused look on his face as he stared down at me. Sa sobrang panic, nagpanggap akong humikab at nag stretching.

"Grabe, sa sobrang galing mo mag-drive ang sarap ng tulong ko. Kakagising ko lang. As in, ngayon lang talaga." Halos mapangiwi ako sa sarili ko. Sa'n napunta talino mo, Tori?

"Aahhh," he said while nodding his head. A ghost of smile was on his lips that made me feel more embarrassed. Inabot niya sa akin ang isang plastic na may lamang isang supot ng tinapay at juice bago sinimulan ulit na magmaneho. "You should eat. Hindi ka raw nakakain ng maayos kaninang lunch. Hindi ka rin nakapag breakfast."

I pursed my lips to prevent myself from smiling. Hmph, pa-fall!

"Anong tinapay 'to?" Nagtatakang tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang isang supot ng tinapay. Maliit na medyo matigas ito na may palaman na kulay pula. Nagkibit-balikat naman siya.

"Hindi ko rin alam, basta tinawag nila ng Pan de Regla kanina." Seryoso siya pero di ko mapigilang matawa dahil do'n sa sinabi niya. Nakita ko na sumulyap siya sa akin.

"Seriously? Pan de Regla?" Natatawa pa rin na ulit ko sa sinabi niya. His lips lifted to one side to stifle a smile. "Ano pang ibang nando'n? Pan Delayed tapos sunod Pan de Buntis na?" He rolled his eyes and was shaking his head but is now smiling. Wow, natawa siya sa corny joke ko. Siguro crush na ako nito?

"Masarap daw 'yan sa kape, kaso hindi ka naman umiinom ng kape." Maya-maya ay sabi niya, sakto naman na kumagat ako sa tinapay. Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ng maigi ang tinapay.

"Uy, ang sarap!" Excited na sabi ko at inilapit ang tinapay sa mukha niya upang ipakita ang tinapay. He glanced at me and when I was about to take a bite again he moved his head to bite from the bread that I was holding.

"Mmmm," saad niya habang tumatano-tango. Sa sobrang bilga, hindi ako nakagalaw agad. He glanced at me again. Mukhang nagtataka siya habang ngumunguya. Inagawan pa ko. May pagka matakaw rin pala to.

I cleared my throat. "Akala ko hindi masarap dahil matigas. May matigas din pala na masarap?"

My eyes widened when Regan started to cough. Iginilid niya ang sasakyan sa sobrang pag-ubo niya. Kinuha ko naman ang isang juice na na sa plastic.

"Oh," sabi ko at inabot sa kanya 'yung juice. Agad naman siyang uminom.' Yan napapala niya, nang-agaw kasi ng tinapay pwede naman himingi.

"Are you trying to kill me?" Umiiling na sabi niya pero parang 'di naman siya galit. Luh, Ba't ako?

"Slight lang," I joked but he wasn't a bit happy about it. Inirapan lang ako. Sungit! Akala ko pa naman close na kami.

Nagsimula na ulit siyang mag drive. Kumain naman ako ng kumain. Nag-offer ako sa kanya pero ayaw niya raw. Edi wag ako na lang uubos.

"Ilang oras ang biyahe natin?" Tanong ko sa kanya.

"Four hours."

"Four hours?!" Sumulyap siya sa akin ng mabilis.

"Four hours." Pag-uulit niya.

"Four hours talaga?!" Gulat pa rin na tanong ko.

"Tsk. Four hours nga, ulit-ulit." Imbes na mainis ako dahil sa pagka-sungit niya natuwa pa ako. Kaya para mas lalong mainis siya inulit ko nanaman.

"Four hours ba talaga?" He frowned and muttered something under his breath that I didn't understand. He took a couple of deep breaths.

"Oo nga." Inis na sabi niya. Hindi ko na mapigilan ang matawa ng sobra. Sarap talaga pikunin ng isang 'to. Sumulyap siya sa akin habang nakataas ang isang kilay. "You think it's funny?"

Lalo akong natawa dahil sa tanong niya. Nagpupunas na ako ng luha sa gilid ng mga mata ko. A small smile was tugging on his lips as he shakes his head.

"Sarap mong pikunin." I commented as I now stare at the road at humihinga ng malalim upang hindi na ulit matawa.

"May iba pang masarap sa'kin." Bigla akong natigil at nawala ang mga ngiti ko. I pursed my lips. Bakit parang ang bastos ng na-iisip ko? "O, bakit namumula ka diyan?" Bigla akong napahawak sa pisnge ko.

"Wala." It's now his time to laugh at me.

"Ang utak mo parang 'yang mga dahon sa puno." Turo niya sa malaking puno na nadaanan namin. "Green."

Pa'no niya nalaman?

"Hoy ah, ang kapal," sabi ko sabay irap. Ako naman 'yung pikon ngayon. Tiningnan ko siya ng masama. "Sige nga ano pa ang ibang masarap sa'yo aber?"

"You really wanna know?" Binigyan niya ako ng malapad at mapang-asar na ngiti. Ay ang sarap nga! Ang sarap sakalin.

"You think it's funny? Nye nye." I continued to scowl at him that made him laugh even more. I just rolled my eyes at him. "Ilang oras na ba tayong bumibiyahe?" Pag-iiba ko ng topic dahil baka hamunin ko na siya na kung may masarap nga talaga sa kanya ipatikim niya sa'kin.

He glanced at the car clock. "Almost three hours." Then he gave me an accusing look. Ako nanaman?

"Kasalanan ko bang magaling ka mag drive kaya ang sarap ng tulog ko?" Pagpapalusot ko na ikinatawa niya.

"Hindi lang ako sa pag drive magaling." Tiningnan ko siya ng masama.

"Ano ba, Regan?!" I snapped. "May gusto ka bang patunayan?" Pero imbes na tumigil tumawa lang siya.

Anong nangyari dito? Bakit tawa siya ng tawa? Akala ko ba snob at masungit 'to?

"Maybe," he commented and winked at me. My lips formed into an o and at that moment, I've already made my conclusion, siguradong nasapian 'to ng nuno.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
12.2M 536K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
199K 11.9K 31
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...