Kristine Series 53: Magic Mom...

By Imperfect_Philozoic

159K 2.7K 183

Nagkamalay si Alaina sa isang ospital sa isang probinsiya na puno ng sugat ang katawan. She had no memory of... More

Martha Cecilia - I Have Kept You In My Heart(Kristine Series 53)
Notes
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Epilogue

Chapter Twenty

5.2K 93 14
By Imperfect_Philozoic


"WHAT do you mean your mother has no memory of her past?" Nick's voice shook. The anger came back with a vengeance. Kung hindi bata ang kaharap niya ay pinitserahan na niya ito at inihagis sa labas ng mansion. "Are you making a fool out of us, Zach?"

Ang mga mata niya ay matamang nakatitig sa binatilyo, dark with anger. Tila kalangitan na nagdidilim bago ang bagyo.

But Zach's eyes met Nick's with equal intent. With equal anger. Ni hindi gustong magbaba ng tingin ang binatilyo. "How could you accuse me of that, Mr. Navarro!"

"Nick, for Pete's sake, will you just listen to him?" barked Franco. The tension between Nick and Zach was palpable. Kapagkuwa'y banayad na hinawakan ni Don Franco sa balikat ang binatilyo. "Forgive my son, Zach. Labis ang naging paghihirap niya sa pagkamatay ng asawa. Gusto kong marinig ang tungkol sa sinasabi mong pagkawala ng memorya ng mommy mo..."

Tumiim ang mga bagang ni Zach. Matalim na sinulyapan si Nick bago nagpatuloy, "According to my grandmother... my father's mother. She woke up nearly fifteen years ago in a hospital near our place without any memory. Puno ng sugat ang buong katawan at... at anim na linggong nagdadalang-tao sa akin..."

Beatriz gasped loudly. Franco was silent but seemed to be holding his breath. Si Caleb ay bumulong ng "wow, pare." Si Nick ay tila nawalan ng lakas ang mga tuhod at lumakad sa pinakamalapit na silya at naupo.

"Ang akala nila ay kasama si Mommy sa mga pasaherong naaksidente mula sa bus na nahulog sa bangin. My grandmother kept aclippings on that accident that took many lives. Dalawa lamang ang nakaligtas. Si Papa at si Mommy. Walang kumilala kay Mommy sa ospital na iyon..." Zach's voice trailed off. Sinisikap alalahanin ang kuwento ng lola at ina.

"And what, Zach?" Nick snapped, hindi niya matagalan ang sandaling katahimikang nama-magitan. Humahabi ba ng kuwento ang batang ito?

Naguguluhang tumingin sa kanya ang binatilyo. "Hindi ko rin po naiintindihan ito. Walang sinabi ang papa ninyo sa akin sa nakalipas na mga oras. Until you arrived. But my... my grandmother told me the next day... after they buried my father that he wasn't my real father."

Napuno ng lungkot ang tinig ni Zach. Si Philip ang nakilala nitong ama at minahal ito ni Philip tulad ng isang tunay na anak. Ni hindi pa man lang lumilipas ng mahabang oras sa libingan si Philip ay ipinagtapat na sa kanya ang katotohanan ng pagkatao niya.

At ngayon, hindi pa man siya tuluyang nakakabawi sa pagkamatay ng ama ay heto at may nakamamanghang kuwento siyang narinig. Gusto niyang umiyak subalit tinatagan niya ang sarili. Hindi niya gustong pagmukhaing kawawa ang sarili sa harap ng pamilya Navarro!

Gumagaralgal ang tinig ni Nick nang muling magsalita. He had never felt so helpless. "Paano nangyari ang lahat ng ito? I mean, how—"

Tumingala ito sa mga magulang. "Papa...Tita Beatriz?"

"Zach is a carbon copy of your father when Franco was a teenager himself, Nick," ani Beatriz, ipinaliwanag kung paano napukaw ang kuryosidad nito. Inilapag nito sa coffee table ang album na tinutukoy.

"Doon nagsimula ang lahat. As you said, ang papa mo'y nagpakita kaagad ng pagkagiliw kay Zach. Napuna mo rin iyon noong unang magtungo sa Alta Tierra ang bata. We invited them to stay since it was already dark and raining. Nakita ni Zach ang wedding picture ninyo ni Alaina."

"Tita Bea... if this is a joke..." His voice croaked. Tears burned at the corner of his eyes.

"You saw the wallpaper, Nick. And you heard the boy's story." It was Franco. Ito man ay nababalutan ng iba't ibang emosyon. Isa na roon ang labis na pagkamangha. Subalit sinikap nitong kontrolin ang sariling damdamin para sa lahat. Lalo na kay Nick.

"This is a hoax! And if ever, a cruel one!"

"Bukas," ani Franco, "ay ihatid mo si Zach sa kanila at kilalanin ang kanyang ina. Kung tatanungin mo ako ay gusto ko ring sumama. Pero alam kong gusto mong gawing mag-isa ang bagay na iyan."

"Naisip ba ninyo na baka gawa-gawa lamang ang lahat ng ito? Modern technologies can make this picture—"

"Si Mommy ang nasa wallpaper ko!" Zach's voice rose in controlled anger.

Paggalang sa nakatatanda na siyang idiniin ng mga magulang sa kanya ang pinairal ni Zach sa mga sandaling iyon. And he had nothing against the older Navarros. They were so nice to him. Hindi niya gustong maging bastos sa paningin ng mag-asawa.

"It had been there since I had the cell phone as a gift from my father three years ago!" Sa mismong araw ng unang taon niya sa high school ay iniregalo ni Philip ang cell phone sa kanya.

Lahat ng mga mata ay nakatuon sa binatilyo. Nakita ni Nick ang magkakaibang emosyon sa mukha nito. Kalituhan, pagkamangha, at marahil ay galit sa pagdududa niyang nanloloko lang ito.

"Hindi ninyo kailangang ihatid ako sa amin bukas. I can go home alone and forget all about this mess! I am sorry if I cause you this agony, Mr. Navarro. And please, sana ay hindi ninyo guguluhin si Mommy. Natitiyak kong matatakot siyang harapin kayo..."

"Matatakot?" Halos magkasabay na sabi ng mag-asawa. "We only want to meet her, Zach. Atmas gusto kong si Nick ang makipagkita sa kanya."

Umiling si Zach. "She's always afraid. Scared of something..." ani Zach sa mababa nang tinig. "And the only one who had been there for him had just died." Idiniin nito ang huling sinabi. Kapagkuwa'y nilingon si Nick. Tumiim ang mga bagang ng binatilyo.

"Kung guguluhin ninyo ang buhay ni Mommy ay hindi kailangang makita ninyo siya! Isang pagkakamali ang lahat ng ito. Nagkataon lang na magkahawig sila ng namayapa ninyong asawa. It was a mistake on my part. Hindi ko sinasadya. Ipagpatawad ninyo ang paghahambing ko.

"Subalit walang alam si Mommy sa nakaraan niyang buhay. Wala rin siyang kamag-anak. I..." He swallowed. "I just thought for a while that my mother is a twin. Patawarin ninyo ang paggana ng imahinasyon ko."

Nakabibinging katahimikan ang namagitan. Kahit si Caleb ay minabuting maupo sa isang silya malayo sa grupo.

Zach broke the silence when he stood up. Nagtiim ng mga bagang. "Salamat sa hospitality ninyo, sir... ma'am," wika niya sa mag-asawa. "I am sorry, Mr. Navarro. Hindi ko alam na pinaparito kayo ng mga magulang ninyo. Ikinalulungkot kong naabala kayo." Pagkatapos ay nilingon si Caleb. 

"Hindi pa masyadong gabi para umuwi tayo, Caleb."

"There's no need for you to go home now," ani Nick na tulad ni Zach ay nakatiim ang mga bagang. Subalit mababa na ang tinig. "Walang mga poste ng ilaw pabalik sa Santo Cristo. Hindi ninyo makikita ang daan. First hour in the morning, ihahatid kita sa inyo, Zach. Gusto kong makilala ang mommy mo."

Zach's stand was that of a lion protecting his cub. "What for, Mr. Navarro? If you said your wife had no twin, then—"

"She... she... could be my wife." Nick hated to admit that. Hated to hope. But some things seemed to fall into places. Like a puzzle.

Biglang natilihan si Zach. And then with a sarcasm so very like Nick's, said: "Hindi po umabot doon ang aking imahinasyon. Naisip ko lang na baka kambal si Mommy. So don't patronize me, sir. You all said your wife had died in a plane crash!"

Sa ibang pagkakataon, kung hindi sa labis na kaseryosuhan ng pinag-uusapan ay matatawa si Nick sa tono ng binatilyo. It was like hearing himself arguing with Franco.

He went still at his thoughts. It was like admitting that this boy was his son. And Alaina was still alive!

Oh, god... oh, god!

"That's... what we all thought. For fourteen years and seven and a half months ago. But her body was never found," chimed in Beatriz. "There was no match with her DNA among the charred bodies in Rome where the plane had crashed."

Nagdikit ang mga kilay ng binatilyo. "Hindi ko kayo naiintindihan. Iyan mismo ang eksaktong panahon mula nang matagpuan si Mommy sa gubat na sugatan!"

"We neither, Zach," ani Franco nang manatiling natitilihan si Nick at sa wari'y nawalan na ng kulay ang mukha.

Nick opened his mouth and closed it again. He couldn't seem to form a coherent statement.

"At sa naririnig namin mula sa iyo, may mga bahagi ng puzzle na unti-unting nabubuo. Hindi namin gustong umasam. Subalit hindi natagpuan ang katawan ng aking manugang sa site ng plane crash. Kayamanan ang ginasta ng mga Navarro para lang makatiyak, Zach. But no DNA was found to have matched Alaina's, tulad ng sinabi ng aking asawa."

Muli ay namagitan ang katahimikan. Ang anyo ni Nick ay tila yaong sa isang nasuntok sa sikmura.

"She doesn't remember her past, Mr. Navarro," pag-ulit ni Zach. "Hindi siya umaalis ng baryo Isidro kahit ilang beses siyang hinimok ni Papa upang magkaroon ng art display ng mga photography niya kahit man lang sa Naga. She was scar—"

"Photography?" putol ni Nick sa sinasabi ni Zach. Halos bayuhin ang dibdib niya sa matinding kaba kanina pa. May palagay siyang mababasag ang dibdib niya. 


ZACH swallowed an imaginary lump in his throat. "My... mother's hobby. Nabanggit ko na sa inyo dati ang bagay na iyan noong una akong makapunta rito." Ang himig ng tinig ni Zach ay tila yaong sa higit pang katandaan kaysa sa edad nito. "Ayokong mabigla at masaktan si Mommy."

"Oh, god!" Nick groaned. Inihaplos ang palad sa mukha. Itinuon ang tingin sa mga magulang. "Please take Caleb to his room, Tita Bea. Mag-uusap lang kami ni Zach."

Ilang sandali pa'y dalawa na lang sila sa family room. Si Nick ay nakatayo sa harap ng wedding picture nila ni Alaina. Anguish on his face.

"I have loved her forever. Never stopped loving her. It was her memories that kept me going throughout the years..." wika niya na para bang sarili ang kinakausap. Pagkatapos ay nilingon si Zach na sa anyo ay hindi malaman kung ano ang iisipin. "Tell me about your mother. Kahit na ano. Maliit man o malaking detalye. Don't miss a thing, Zach."

"There's nothing much to tell, sir. Napakasimple lang ng buhay namin sa Isidro. Kailan din lang nalaman ni Mommy na hindi siya totoong asawa ni Papa. A few weeks before my father died—"

"What?"

Sinabi ni Zach sa kanya ang ipinagtapat ng ina at ni Leoncia. Nick was listening without interrupting the boy. Puno ng emosyon ang dibdib niya na nagnanais mag-umalpas. Hindi siya magtataka kung ano mang sandali ay mabasag iyon.

Hindi niya gustong magkaroon ng maling pag-asam pero habang lumalalim ang salaysay ni Zach ay nagkakaroon ng kasagutan ang nangungunang tanong sa isip nilang lahat: Kung bakit walang katulad ng DNA ni Alaina ang alinman sa mga pasaherong namatay sa plane crash?

Alaina did not board that plane!

May gumamit sa passport nito at nagkunwaring si Alaina. Why and how, he needed an answer. At sa kung ano mang kadahilanan ay nakarating sa isang baryo sa Bicol ang kanyang asawa. Nang magsalita siya ay puno ng paghihirap ang tinig.

"Zach, you are a fine man. I would surely want you as my son. But I don't want to hope. Malaking kahungkagan ang iniwan ng aking asawa sa pagkama... sa pagkawala niya. You've met my daughter Drew. Lumaki siyang walang ina..."

Marahas ang pag-angat ng mukha ni Zach patungo sa kanya. "I... I remember you telling me that she's your daughter..."

"Yes. She's married now. Her husband was in that ferryboat, too. You must have seen him."

Tumango si Zach. The good-looking man with a military haircut. Na nakipagtalo kay Ms. Drew; na inisip nitong baka sasaktan nito si Ms. Drew. He didn't want to hope, too. Pero bakit ganoon na lang ang atraksiyon niya sa magandang babae? Not the attraction he had for Elisse.

Hindi niya maipaliwanag.

"I... I was born caesarean," ani Zach, his voice filled with disbelief and awe. "My mother said she had a scar which she thought was from an appendicitis operation. Iyon ang sinabi sa kanya ni Papa..." His voice trailed off. Hindi nito gustong lumabas na parang hindi mabuti ang ginawa ni Philip sa mommy niya.

"Go on, Zach," urged Nick in a trembling voice. "Maaaring may dahilan ang... ang papa mo para sabihin iyon."

"Subalit nang ipanganak ako at ang mismong sugat niyang iyon ang binuksan ng doktor ay nag-isip siyang baka may iba pa siyangipinanganak maliban sa akin. It pained her so that she couldn't remember of another child."

"Oh, god!" Ang hibla ng alinlangan na baka isa lamang masamang biro ang lahat ng tadhana ay unti-unti nang nalulusaw sa sinabing iyon ni Zach.

Maaaring buhay si Alaina!

At maaaring anak niya si Zach tulad ng sinabi ni Franco!

"There's something about you lately... it is as if you're blooming..." ang natatandaan niyang sinabi niya kay Alaina nang umagang iyon. He noticed the glow in her. It must be because she was pregnant!

There were tears in his eyes when he looked at Zach's face. Ang mukhang sinabi ng stepmother niya na kahawig ni Franco noong kabataan nito. Wala sa loob na binuklat niya ang album. Ang larawang tinukoy ni Beatriz ay naroon mismo sa unang pahina at nakaalis na sa plastic.

Tinitigan ni Nick ang larawan ng ama at pagkatapos ay tumingala kay Zack. Shock was on his face. The resemblance was overwhelming. Nanginginig ang kamay na ibinaba niya ang larawan ni Franco.

"It may be awkward, but would it be all right if I will give you a bear hug?"

"Baka po... baka po hindi naman—"

"Come here, Zach."

Awkwardly, lumapit si Zach. Nang walang pag-aalinlangan ay isang mahigpit na yakap na halos ikapugto ng hininga ni Zach ang ginawa ni Nick. His shoulders shook from emotion.

Sa isang mahabang sandali ay nanatili ang dalawa sa ganoong ayos. Zach tried to be brave by not crying. Kahit na nananakit na ang lalamunan sa pagpipigil na ibulalas ang emosyon. Napakabilis ng mga pangyayari. Tila siya dinagit ng ipuipo.

Isang mahinang pag-ubo ang narinig nilang pareho. Nang mag-angat ng paningin si Zach sa may pinto ay nakatayo roon ang mag-asawa.

"Don't we deserve a bear hug, too?" Franco said in a broken voice.

"I-I am not really sure about this. It's like... watching a scene from a bad movie. But..." Zach's voice trailed off. Kumawala ito kay Nick at lumapit sa dalawang matanda at nag-aalangang niyakap ang mga ito.

"Welcome home, apo," Franco said emotionally, tinapik-tapik ang likod ni Zach.

"Patulugin mo na si Zach, Nick. Ikaw man ay matulog na rin. Para maaga kayong makaalis bukas."

Nick's face, na tila hindi pa rin dinadaluyan ng dugo, crack into a poignant smile. "Makakatulog ba ako, Tita Bea?"

"Ayoko rin pong matulog," ani Zach, a catch in his voice.

"My son and I have catching up on to do. We'd stay here and talk till we drop. In fact, gusto kong ngayon na ihatid si Zach—"

"No, Nick. And that's an order. Take a rest. Both of you. Kailangan ninyo iyan bukas. Isa pa'y malakas ang hangin sa labas bagaman mahina ang ulan.

"I need to call Drew, Papa."

Tumango ang don. "Ikaw ang bahala."


"I WANT to go home, Jace! Right now! Oh, my god! Oh, my god!"

Puno ng pagkamangha ang mukha ni Jace nang lumabas ang asawa sa balkonahe hawak ang cell phone nito. Umiiyak ba ito? May nangyari ba sa Alta Tierra?

Nagkatinginan sila ni Tristan. Ibinaba niya ang bote ng beer sa coffee table. Katatapos lang ng hapunan nila at nagkukuwentuhan na lang sa balkonahe habang sina Meredith at Drew ay nasa sala kasama ang kambal ni Tristan.

"What's wrong, sweetheart?" Tumayo siya at nilapitan ang asawa at niyakap. "May nangyari ba sa atin?"

Mahigpit na niyakap siya ni Drew. Humagulhol. Ngayon lang nakita ni Jace na ganito sa asawa. "Honey, what's wrong? You're scaring me."

"We've got... to go home, Jace," she said in between tears. "Dad thinks..." She shook her head and ammended her statement. "Dad was positive Mom's alive! And they've found her!"





Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 271K 103
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
2.6M 151K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
20.5K 1.3K 22
Aparna Sawant, a woman who prioritizes her independence and fulfilling career, has never subscribed to the idea of happily ever after. Marriage, for...