Admiring the Scintillating Su...

By Yunikiim

159K 882 383

Isla Lavinia Series 1 : ONGOING Leighton Yanira Fernandez used to be a great academic achiever through out he... More

ADMIRING THE SCINTILLATING SUNSHINE
Kindly Read
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9

Kabanata 1

819 10 2
By Yunikiim

Kabanata 1

Like

I'm third in the sibling. Growing up with two eldest brother too focused with their goals, I learned to be more independent with proper plans ahead. Maraming pangarap ang binuo ko para sa sarili ko at may layuning tuparin ito.

And in the path of making my dreams true, I trained myself to focus on my own growth and not to what my environment telling me what to do. It was easy for me to disregard people that not seem healthy for me because that was the way I grow up. I don't entertain things that seems not to help me and neglect my worth.

Kasi wala namang mangyayari kung ang atensyon mo ay nasa mga bagay na masyadong imposible. I don't believe things really changes. Don't hope negative things will turn positive because you just wish it to be.

"Dito ka sa baba, doon ako sa taas," ani ko kay Lau.

We were tasked to distribute papers in different sections for the last project in AP. Sa amin lamang nakapasok ang teacher dahil nagkaroon ng biglaang emergency. Inutusan niya na lamang kaming mag-distribute sa ibang section at ibigay sa presidents. It was really supposed to be me and Teijan distributing this but since he has something to do kaya si Lau na lamang ang niyaya ko.

"Sabihin mong ibigay sa leaders, ah?" paalala ko sa kaibigan bago tumaas.

Anim na section ang mayroon. It's quite hard to announce every room the things to do kahit tatlong room lang naman ang sa akin. Nasa ikatlong room ako nang matantong kulang ang papel na ibigay ko. I knotted my forehead and realize that it maybe in Lau's. Babalik na sana ako nang mapansin ako ng section na dapat ay pupuntahan ko.

"Hoy, may taga ibang section! Hi, may kailangan ka?" lapit sa akin ng isang lalaki, friendly siyang ngumiti.

"Uh, ibibigay ko lang 'yung gagawin sa AP. Hindi na raw kasi makapapasok si Ma'am Sanchez kasi kailangang umuwi, may emergency. Nasaan ang president niyo?"

Lumiwanag ang mata niya. "Hindi na papasok si Ma'am Sanchez, e 'di, hindi na tuloy ang groupings?"

"'Yung project ba? Tuloy pa rin, heto na 'yun..." ipinakita ko sa kaniya ang papel. "Nasaan ang President niyo para siya na lang mag-explain sa inyo...."

Napasimangot siya sa sinabi ko.

"Oh, President daw! Stan!" tawag niya bago dumiretso sa upuan.

Sumilip ako sa pintuan nila upang tumingin. Halos kaunti lamang ang tao sa loob dahil na rin siguro sa break time. Medyo nanlaki pa ang mata ko nang makita si Cyrus katabi ang iilang basketball players nang nakaraan. Ngayon ko lang napansin na ang tao sa loob ay kadalasang lalaki.

Their eyes went on me. Umiwas ako ng tingin. Is this a section of all good looking guys?

May narinig akong tumawa. "Tristan! Hanap ka! Ang maganda, hindi pinaghihintay!" tawag ng isa.

Naghiyawan sila. Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya. I bit the inside of my cheeks. What the hell?

But before I could have my remarks for what the guy had just said, my eyes widen a fraction when I realize the guy was pertaining to Tristan Gamboa! Kung hindi ko ito nakita ay hindi ko matatanto. Ohmygod!

Nakasandal ito sa upuan niya, eyes on phone with headphone on ears, he seems oblivious of his sorrounding. He's wearing the uniform but coat out, he's only with his longsleeve white polo and gray neck tie with four white stripes. Naka-tuck in ang polo niya sa gray niyang slacks at naka-black shoes din siya. Mangha ko siyang tiningnan na tila bagay na bagay sa kaniya ang suot.

Hindi niya narinig ang sinabi ng kasama niya at mukha wala rin siyang alam sa presensya ko. Kung hindi pa siya tinapik ng isang lalaki ay hindi maaalis ang atensyon niya galing sa cellphone.

He faced his friends with creased forehead as he took off his headphone that made his hair messy. Pinasada niya ang kamay sa buhok. Hindi ko marinig ang sinabi sa kaniya ng kaibigan niya. My eyes were just steady at him, watching his manly moves. Isang turo lamang sa akin ng lalaking kausap niya ay tumungo sa akin ang mata niya.

His cold eyes immediately met mine. Kumalabog ang puso sa hindi maiintindihang kaba. Lumunok ako at napaayos ng tayo. Pansin kong may sinabi sa kaniya ang kaibigan niya bago siya kunot noong tumayo upang tumungo sa akin.

My knees tremble with his eyes not leaving mine. Naala ko na naman nang hindi niya pinansin ang pagbati ko sa kaniya nang nakaraan! Damn!

I shouldn't have thinking of those things right now. I immediately compose myself and smile at him.

He pursed his lips. Amoy ko kaagad ang pabango niya nang makalapit siya. Tumapat siya sa akin. I gulped the way he towered over me.

"Uhm, hi... Tristan, 'di ba? Ikaw pala ang President dito..." patiunang ani ko. Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang kabang naramdaman ko.

"What do you need?" kunot noong tanong niya.

Napakurap ako. Kahit sa boses ay nararamdaman ko ang dilim ng kaniyang awra. I gulped before I proceed. Nginitian ko siya.

"I'm Leya from section Amethyst, nandito-"

"I'm asking what do you need not who you are," malamig na sabi niya.

Naging bahaw ang aking ngiti dahil sa sinabi niya. Gusto kong patulan ang bastos na pananalita niya ngunit hindi ko magawa. Hindi pa ako tapos magsalita ay binabara na niya ako!

His eyes remain cold as he look at me.

Lumunok ako. "Uhm, hindi kasi makapapasok si Ma'am Sanchez sainyo kasi nagkaroon ng emergency. Pinapabigay na lang itong gagawin sa last project..." malumanay kong ani at pinakita ang papel na hawak.

Tumaas ang kaniyang kilay.

"Is that all?" bagot na aniya.

Kumunot ang aking noo. S'yempre kailangan pa sa kaniyang i-explain kung anong gagawin nila kung hindi niya iyon naisip pero mukhang gusto niya agad ang pag-uusap namin. Nagtiim bagang ako.

"Uhm, kulang pa itong papel kasi nandoon yata sa kasama ko-" hindi pa ako tapos magsalita ay nakita ko na si Lau. "... uh, ayan na pala siya..."

"Leya," she called, jogging.

Nilingon siya ni Tristan. Lau slowed down with her jog when she saw us. Medyo kumunot pa ang noo niya nang makita si Tristan. She look at me, asking. I just shrugged my shoulder.

"Diyan yata 'tong papel na napunta sa akin..." anito nang makalapit, sinulyapan nito si Tristan na pinapanood kami.

"Ah, oo. 'Yung page 2, naiwan kanina-"

"That completes the paper?" tanong ni Tristan, nakatingin kay Lau.

Kumunot ang aking noo pero ako pa rin ang sumagot. "Oo... bale three pages kasi. Sa pinakahuling page kayo sasagot..."

Lau gave me the papers for me to arrange the pages in order before I hand it t Tristan. Parang sinadya niyang hindi ako lingunin nang kinuha niya iyon. Binuklat niya ang papel, kunot noo at tila iniintindi.

“Gagawin pa rin itong interview?” nilingon niya si Lau, nagtatanong.

My brows shot. Hindi ko alam kung bakit kay Laurrice siya nagtatanong gayong ako ang kumakausap sa kaniya kanina. Sinulyapan ako ni Lau. Naguguluhan naman ang kaniyang tingin.

I gestured her to explain to Tristan what to do. Tutal mukhang siya naman ang gustong makausap ng Gamboa'ng 'to.

Pagak na ngumiti si Laurrice. Tinuro niya kay Tristan ang gagawin samantalang nanatili akong tahimik. Kung minsan ay tinatanong ako ni Lau na alam kong dahilan niya lang para isali ako sa usapan. But Tristan seems only wants to talk to her and keep only asking Laurrice.

Kunot na kunot ang noo ko hanggang matapos sila. Hindi ko alam kung sa lalaking ito talaga ang problema o ano. I was starting to get annoyed when all after Lau explanations, Tristan smiled at her. Wow, he knows how to smile.

“Okay, got it. Thanks,” he said to my friend.

Para akong estatwa sa harapan nilang dalawa at hindi pinapansin ni Tristan. Kanina pa ako sinisiko ni Laurrice at pinapaintinding kausapin ko si Tristan. Nanatili akong tahimik dahil alangan namang isawsaw ko ang sarili sa usapan nila. No!

“Paano ko kakausapin 'yun kung ikaw 'yung gustong kausap!” I blurted out.

Pagkaalis namin sa room nina Tristan ay kwinestyon kaagad ni Laurrice kung bakit hindi ako nagsasalita kanina gayong ako ang nakatoka sa section nina Tristan. Of course I reasoned out! How will I talk to Tristan if he keeps turning me down and more likely to talk to Laurrice? Mukha na pala akong papansin no'n!

Lau pursed her lips. She didn't talk as her curious eyes lingering on me. Umiwas ako ng tingin at umirap. His rudeness is just too much! Pili ba talaga siyang makiusap sa tao? O sa akin lang? Bakit, ayaw niya ba sa magaganda?

“Do you like him?” Laurrice suddenly asked.

What?

Kunot noo akong napalingon sa kaibigan. She's watching me. Tinaasan ko siya ng kilay.

Huminga siya nang malalim at tinuon ang tingin sa daan. “I don't like him if that will bother you, Leya. His rudeness to you and niceness to me doesn't have to do with my existence. I also don't know.”

Napakurap ako sa sinabi niya. Sinasabi niya bang may gusto ako kay Tristan at naiinggit ako sa kanila? Damn, what?

Sa aming apat ay siya talaga ang observative. Lahat ng kaya niyang punahin ay pinupuna niya. She's just silent but you'll never know what's going on in her mind. Katulad ngayon, hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip niya at paanong pumasok sa isip niya ang mga iyon!

“Ano bang sinasabi mo? Naiinis lang talaga ako at ang bastos niya kausap! How come that he have a huge fans when he's that rude?” 'di makapaniwalang ani ko.

Nagkibit-balikat siya. Pakiramdam niya ay buo sa isip niya na may gusto ako sa Tristan na iyon. Well, it's not that bad if he's not just rude!

Wait, what?

Napapikit ako nang mariin. Hindi na muli nagsalita si Lau kaya pakiramdam ko may mga konklusyon na naman sa isip niya.

"His rudeness was the thing bothering me, Lau! Ba't kasi 'yun ang president doon? Paano na lang 'yun i-a-approach kung ganoon ang ugali niya! Kung hindi ka dumating, he'll be that rude to me again!" walang pasubaling sabi ko.

Kumunot ang noo niya, tila 'di makaniwala sa sinabi ko.

"Leya, he's smart, it's given..."

My brows shot up. "Kahit na! Wala bang ibang pwedeng mag-president sa kanila? Dapat 'yung madali kausapin!"

I don't know what are my rants for. Hindi ko lamang talaga makuhaang ugali ng lalaking iyon! HIndi naman sana siya magiging nakaiinis kung hindi siya ganoon kabastos kausap.

Tumaas ang kilay ni Laurrice.

"You don't really know him, don't you?" she asked.

"Malay ko! Ngayon ko lang 'yan napansin!"

Huminga siya nang malalim.

"He's really smart and good leader, no wonder why he is their president. I mean, he's highest honor. They said, he graduate grade school valedictorian. Mukha naman. Nilalapitan nga yan ng partylist namin na mag-run for Student Council dahil sa leadership skills niya pero tumanggi iyon..."

Natikom ang aking labi sa sinabi ni Lau. Lau is part of student council in this school. Simula grade 7 ay tumakbo na siya hanggang ngayong grade 10. Maybe, that explain why she knows that?

I didn't just expect that he was that. He's highest honor? And asked to run for student council? That's... too much...

I mean, mukhang wala nga sa personality niya na interesado siya sa academics o sa kung anong bagay. He's too mysterious and unprdeictable But he also seems that popular that my friends know him, huh? Bakit ngayon ko lang siya nakilala?

"'Dito ba talaga 'yan nag-aral? Ngayon ko lang 'yan napansin?" usisa ko.

Nilingon ako ni Lau, kunot ang noo.

"Sikat 'yan, 'di mo talaga kilala? Sabi, dito daw 'yan nag-aral simula grade school... Siya rin lang yata ang nag-aaral dito na Gamboa kasi 'yung mga pinsan niya nasa Manila o 'di kaya sa RU nag-aaral. Even his sister is not studying here..."

Napatango-tango ako. Dito pala siya nag-aaral simula noon at sikat, hindi ko maintindihan kung paanong hindi ko napansin ang existence niya? Sabagay ay hindi rin naman ako interasado sa baskteball dahil volleyball ang sports. Hindi nga rin ako sumali sa volleyball team ngayong grade 10 dahil nag-focus ako sa school competitons. Mukhang dumagdag din sa kasikatan ni Tristan ang ang pangalang dinadala niya.

Gamboas are very well known in Isla Lavinia and the whole country. They own one of the biggest real estate company. Sila rin ang nagmamay-ari ng isa sa mga pinakalaking minahan sa bansa. They are all damn really wealthy to think of it. Hindi pa roon kasama ang business na mayroon sila at kalat ang branch sa iba't ibang panig ng bansa. Hindi ko alam kung ano pa ang mga pag-aari nila dahil iyon lang naman ang alam ko galing sa aking magulang.

Pakiramdam ko ay kahit hindi magtrabaho ang apo ng matandang Gamboa ay kaya nilang mabuhay higit pa sa kaya ng mga nagsusumikap. Their names and image are too dominating, probably why this Tristan Gamboa is this intimidating and superior. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang description ng lalaking iyon sa isip ko.

"Siguro kasi basketball player siya rito kaya ayaw niya mag-transfer? 'T saka sikat na skat ang team nila, ah?" hula ko.

Lau shrugged her shoulders. "Maybe... Siya rin kasi ang nagpalit kay Konnor Sorriano na dating captain ng basketball team, balita ko."

I nodded in understanding. Hindi ko rin naman maitatanggi na magaling talaga siya roon kahit anong mangyari. Kaya pala ganoon na lamang ang mga tagahanga niya sa larangan ng sports.

That's quite too much information for Tristan Gamboa. Hindi ko alam na ganoon ang mga bagay na pumapalibot sa kaniya. Because in one glance, he's too dark and mysterious for me. As if he build up his own walls around him so no one would try to interfere his things. He's too high and afar. Kahit lumaki rin ako galing marangyang pamilya at may dinadalang pangalan, pakramdam ko ay walang makasasabay sa sariling ikot ng mundo niya.

That day was too long. Nang natapos ang klase ay sabay-sabay kami nina Zyrill umuwi. Panay ang talak nila tungkol sa mangyayaring night party ng moving up namin ngayong grade 10. Hindi pa man kami nakaka-exam ay iyon na kaagad ang iniisip nila.

Hindi na lamang ako sumabay sa usapan dahil pagod ako. Palapit nang palapit ang pagtatapos kaya dumadami ang mga last requirements ngayong quarter. I was an academic achiever ever since and I don't have plans to lose my spot, so I had to do everything just to stand out. Kahit sabihin ng mga kaibigan ko na ayos na ang makapasa, I can't just lose what I already have. Mahalaga sa akin ang pag-aaral dahil doon lahat nakasalalay ang pangarap ko.

Pinaglaanan ko ng panahon ang pangarap na binuo ko para sa sarili ko. Pakiramdam kahit gaano ako makisalamuha at sumasabay sa mga napapanahon, nabubuhay pa rin ako sa mga bagay na para sa hinaharap. To make future better, work hard in present. Lahat din naman kasing circumtances na mangyayari ay ikaw ang magdadanas.

Ang driver namin ang nagsundo sa akin. Nagpaalam ako sa mga kaibigan bago sumakay. Narinig ko pa nagpaplano sila na maligo sa dagat dahil weekend na bukas. I didn't mind and just went home.

Pagdating ko ay nagulat pa akong nadatnan ko na roon si Daddy. Mukhang maaga siya dahil byernens na. Nasa hapag siya habang may ginagawa sa laptop samantalang si Mommy ay nagluluto ng meryenda. Wala kasi si Manang dahil umuwi sa kanila simula kahapon.

"Leya, ang aga mo? How's school?" si Daddy nang makita ako.

Sumimangot ako at lumapit sa kaniya upang humalik sa pisngi. "Too tiring..."

"Is that so? Take time to rest, hija..."

Tumango ako bago tumungo kay Mommy upang halikan din ang pisngi niya. Hindi rin naman ako nagtagal doon at umakyat na rin. Bago pa ako umakyat ay nagpaalala si Mommy ng formal party sa Quivera bukas at pagdating ng dress na susuotin ko.

Sa apat na taong pagtira namin dito sa Lavinia ay nasanay na ako a mga party na dinadaluhan ng aking magulang. We own a construction company, hindi maitanggi na maganda ang pagpatakbo roon ni Daddy. Ngayon ay si Kuya Land ang nag-ma-manage noon dahil si Papa ay nakapukos sa branch namin sa San Diego. My brother Land is good in business, but he was just really waiting for my brother Pold to graduate ang take up the business. May ibang daang gusto ring tahakin si Kuya Leedland.

Kadalasang sa mga party'ng dinadaluhan namin ay ang i-no-organisa ng mga kilalang pamilya rito sa Lavinia. Ako lamang ang kasama nila kung wala ang dalawa kong kapatid na lalaki. Si Eli kasi ay wala rin namang interes sa mga ganitong gatherings, lalo na kung tungkol sa negosyo.

I went up to my room. Nagbihis muna ako bago humiga sa kama. My room is in a color of white and pink. My friends said that it's too girly but I love it. Galing sa glass wall ng aking kwarto ay nakita ko ang hapong araw. Its light eflects on the sea water seen from my room. Kahit gaano ako tumanda ay ito pa rin ang paborito kong tanawin.

I've been so mesmerize by the sun ever since. Like its ability and state were captivating and interesting. Kahit paanong sumikat ito ay nakakukuha ng interes, malayo ngunit nangingibabaw ang presensya.

Pumikit ako. Isang tao lamang ang pumasok sa isip sa sandaling naisip ko kung paanong misteryoso ang araw. Hindi ko maintindihan kung bakit.

I open my eyes. Hinagilap ko ang aking cellphone at mabilis na nag-open ng facebook. I bit my lip as I search Tristan's name with his surname. Naupo pa ako nang walang lumabas.

Nag-search ulit ako gamit ang apelyido niya. Maraming lumabas lalo na ang sikat at pamilyar na mga pinsan niya. Sa pag-scroll ko ay nakita ko rin ang account niya na may pangalang mas bumabagay sa kaniya. Napangiti ako.

Stan Gamboa

Pinindot ko ang account na nakita. Tumaas pa ang kilay ko na hindi iyon naka-lock. Pakiramdam ko ay sobra siyang pribado na kahit sa social media ay mahirap siyang hagilapin. Napalunok ako nang makitang mahigit labing dalawang libo ang followers niya! He's really that popular, huh? Mas marami pa sa followers ko!

His profile picture is a photo of him in his formal attire. He's leaning to a black car behind him. He looks so hot with his dishelved white long sleeve polo, three buttons open. His hair was a bit messy that suit him really well. His hand was on the car behind for support while the other was on his abdomen. Umani ng libong reaksyon and litrato niya.

Wala siyang cover photo at wala rin siyang bio. There's nothing more information, I could see. Wala rin siyang ni isang post maliban sa mga tag photos. Karamihan doon ay mula sa page ng basketball team nila.

Clinick ko ang isa sa mga post doon na mag-i-isang taon na. Roon ay kasama pa nila ang dating captain na tinutukoy ni Lau. I bit my lip when I saw Tristan with a smile plaster on lips while he was with his teammates. Nakangiti at mukhang masaya. Napansin ko ring may dimple pala siya! Why I didn't notice that?

I gigled as how he looks cute.

Masaya ba siya dahil nanalo sila sa laro? Bakit noong nakaraan ay nanalo naman sila pero hindi siya nakangiti? Nakita ko lang siyang nakangiti ay kaninang kasama si Lau.

Bumuga ako ng hangin dahil sa iniisip. Ilang minuto rin ang ginugol ko upang tingnan ang mga pictures niya kasama ang kaniyang kapwa players. Kadalasang katabi  niya ay iyong dati nilang captain na si Sorriano. Nakilala ko ang captain nila dahil silang dalawa lang naman ni Tristan ang kadalasang pinag-uusapan ng mga nag-ko-komento.

Hindi rin naman nagtagal ay bumalik ako sa feed niya. Wala akong nakitang ni-isang post na galing sa kaniya maliban sa naka-publikong porfile pictures niya. May naka-formal attire siya o 'di kaya'y naka-uniporme. I keep scrolling until I saw another picture.

Uminit ang aking pisngi. Tristan in his boardshorts, topless and looking so hot. Sa likod niya ay dagat at sumisikat na araw. I bit my as I look at his detail clearly. Chiseled chest, broad shoulders and tone arms, I couldn't believe we're same age. Are we really?

Some drops of water are on his abdomen. Hindi ko alam kung bakit ko pinakatitigan ko iyon. May kabasaan ang buhok niya at napunta ang ilan sa kaniyang noo. His eyes were too serious. Pakiramdam ko ay bumabalda ang tingin niya galing sa screen.

He looks too manly and masculine in my eyes. Kahit sa larawan ay kita ang dilim na dinadala niya at misteryosong pagkatao. At some point, he sounds interesting for me. Siguro dahil ngayon lang ako nakakitang naiiba sa lahat? But like the sun behind me, it feels like his towering and too far.

Huminga ako nang malalim at i-scroll pa sana ang feed niya nang aksidente kong ma-like ang larawan na iyon! My eyes grew bigger. Para akong nawalan ng hininga sa nangyari. What the hell!

"Shit! Shit!"

Nag-pa-panic na mabilis kong binawi ang like! Para akong inuubusan ng hininga sa nangyari. Pagtingin ko pa roon sa larawan ay walong buwan na nang i-post iyon! Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan.

Mabilis kong ni-log out ang account ko at nilayo ang telepono. Hindi pa ako nakuntento ay nagtalukbong ako ng kumot habang tila kamatis na ang aking pisngi.

"Nakakahiya... Anong ginawa ko?" Pumikit ako nang mariin.

Continue Reading

You'll Also Like

37.8M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...