Whisper of an Angel (COMPLETE...

By dyesstheexplorer

1.1K 139 2

Levi-Anne Dimayuga came from a rich family. Lahat ng gusto nya ay nakukuha nya ng walang kapalit na kahit ano... More

Whisper Of An Angel
Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Epilogue

Chapter 9

28 6 0
By dyesstheexplorer

From: A human from nowhere.

- Hi baby! I'm sorry, na-late ang flowers for today but let me greet you a happy happy morning! Always remember that you are gorgeous and unique. I love you!

"Corny, ha." Natatawa kong sabi, napailing na lamang ako bago iabot kay Ate Joy ang bulaklak. "Ate Joy, keep it muna ha?" Pakiusap ko, tumango naman s'ya kasunod ng malapad na pag-ngiti.

Pagbaba ko ng kotse, dumeretso agad ako sa loob. Napaka-dilim ng kalangitan, sigurado akong kaunti na lang ay nagbabadya ng bumagsak ang malakas na ulan. Nadatnan ko si Mommy na nakaupo sa couch, nakapako sa laptop ang tingin niya kaya hindi niya naramdaman ang pagdating ko.

Lumapit ako sa kanya at sya'y niyakap patalikod 'tsaka hinalikan.

"Ang sweet mo ngayon, ha. May kasalanan ka ba?" Taas kilay na tanong ni Mommy, nawala ang ngiti sa labi ko. "Tell me." Dagdag niya.

"W-wala po.'' nakangusong sagot ko.

Pag-akyat ko sa kuwarto, agad kong inilabas ang cellphone ko. Naupo ako sa couch, malapit sa balcony.

To: A human from nowhere.

- Ang ganda no'ng flowers, sobra. I layk it!

From: A human from nowhere.

- Ang sabi nila, "wrong spelling, wrong feeling.'' Ouch, ha! Sakit mo naman. Kumirot tuloy si Mes hart

To: A human from nowhere.

- Hindi ka naman mais pero ang corny mo.

Hindi ko maiwasang hindi matawa habang binabasa ang mga mensahe, hindi ko nga rin alam kung kilig o tuwa ba talaga ang nararamdaman ko.

From: A human from nowhere.

- Sa 'yo lang naman ako nagiging corny at jeje, beybeh koh 🤭😍😍

- I love you! #143 from the bottom of my heart to the heaven in the sky! mwa mwa tsup tsup!❤️❤️💜💜

To: A human from nowhere.

- HAHAHAHHA FUNNY MO.

From: A human from nowhere.

- Ang mahalaga napapasaya kita😍😍😍

To: A human from nowhere.

- Matutulog na ako, and sana h'wag ka ng magmessage ng late. Good night.

From: A human from nowhere.

- Wow! Good night galing kay crush, I lab it!😱😚😍

- Good night, bebe kes! See you in my dreams😚🎉💗💗

Nang mabasa ang huling mensahe ay hindi na ako nagreply pa, masyado lang hahaba ang usapan naming dalawa. Hindi ko alam pero habang tumatagal ay hinahanap hanap ko na ang mga mensahe niya, paulit-ulit ko itong binabasa na para bang unang basa ko pa lamang.

Lumipas ang isang buwan.

Napakaaga pa pero may bisita na raw ako agad. Lumabas ako't ito'y tiningnan, laking gulat ko nang makita si Carlo. May dala siyang bungkos ng bulaklak, ngunit hindi tulad no'ng una kong mga natatanggap. Ito ay kulay puting tulips.

"C-carlo." utal kong banggit sa pangalan niya. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko 'tsaka pasimpleng luminga linga.

Wala ngayon si Mommy pero kinakabahan pa rin ako dahil baka bigla siyang dumating.

"For you!" she handed me the bouquet.

Natulala ako, hindi ko alam kung aabutin ko o hindi. Iba ang pakiramdam ko sa kanya, ni hindi man lang ako nakaramdam ng galak at tuwa.

"H-hindi mo ba nagustuhan?" Tanong niya, sapilitan ko itong inabot 'tsaka s'ya binigyan ng mapait na ngiti. "I hope you like it." he said.

"Ah, haha."

"I think..." He stopped, nagtatanong ko siyang tinitigan. "I-I'll gotta go!" Sambit niya 'tsaka umalis na.

"Sino 'yon?" Tanong ni Ate Joy, nagulat ako nang bigla siyang sumulpot.

"Si Carlo, classmate ko." Nakangiti kong sabi.

"Classmate? Pero may pa-bulaklak, may gusto 'yon sa 'yo 'no?" Tanong niya na para bang naghahamon ng gulo.

"W-wala, Ate Joy." Tugon ko sabay tawa bago pumasok sa loob.

Pauline's Point Of View.

Hindi ko mapigilan ang labis na saya tuwing kausap ko si Levi, pero may takot pa rin. Natatakot ako na baka kapag nalaman niya kung sino ang tao sa likod ng 'A human from nowhere' ay layuan niya ako't hindi na kausapin pa. Sa palagay ko, 'yon ang hindi ko kakayanin.

"Pao!" Si Niña, napalingon ako sa kanya. "May importante akong sasabihin sa'yo!'' Sambit niya habang naghahabol ng hininga.

"A-ano 'yon? Kinakabahan ako sa 'yo, ha." Sambit ko sabay tawa.

"Kabahan ka talaga." Sambit niya, nagtatanong ko siyang tinitigan. "Sinend sa 'kin ni Ate Joy, tignan mo."

Iniabot sa 'kin ni Niña ang cellphone nya. It was a picture of Levi and...Carlo, my bestfriend. May hawak siyang bungkos ng kulay puting tulips, at iniaabot niya ito kay Levi na ngayon ay malapad ang ngiti.

"B-bakit 'to?" Inis na tanong ko.

"Hindi ko alam, sinend lang sa 'kin, e." May takot na sambit ni Niña. "Sabihin mo na kaya sa kanyang ikaw 'yong nagpapadala ng mga bulaklak?" Sambit ni Niña, blanko ang mukha kong tinitigan s'ya. "Baka kasi maaga-"

"Sa palagay mo ba maniniwala s'ya?" Inis na tanong ko kasunod ng pag-irap, ibinato ko ang panyong hawak ko sa kung saan at inis na ibinaling ang tingin sa labas ng bahay.

"Kung hindi mo gagawin, ano na lang mangyayari?" Tanong niya, hindi ako umimik. "Akala ko ba gusto mo...mahal mo s'ya, e, bakit wala kang ginagawa?" Dagdag niya.

Ibinalik ko ang aking tingin sa kanya, she's now sitting in front of me.

"Umuwi ka na, mag-usap na lang tayo bukas kapag lumamig na ulo ko. I will send you the address." Dere-deretso kong sabi, hindi naman na nagsalita si Niña kasunod no'n ay umalis na rin s'ya.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung kailan kampante na akong walang kaagaw sa kanya 'tsaka naman papasok si Carlo. At sa dinami-dami pa talaga ng magiging kaagaw ko, kaibigan ko pa.

Tumayo ako at lumapit sa calendar, tomorrow is November 20. Ang araw na dapat sana ay aamin ako sa kanya, pero parang malabo. Napakalabo.

"Pao." Si Mom.

"M-mom, what are you doing here?" Tanong ko.

"Hindi ka na raw umuuwi sa bahay." Deretso niyang sabi, napayuko na lamang ako at nagulat nang lumapit s'ya sa akin at ako'y niyakap ng napaka-higpit. "Nag-aalala si Mommy sa 'yo, anak. Umuwi ka na, please!" Sambit ng aking ina, bakas sa boses niya ang labis na lungkot.

"O-opo." Tanging naisagot ko na lamang.

Oo, lumayas ako. At hindi 'yon alam ni Mommy, sino ba naman kasi ang lalayas na magpapaalam, 'di ba?

Nag-impake agad ako, tinulungan naman ako ni Mommy. Bumabait na s'ya sa akin, sa palagay ko ay napapatawad na niya ako. Bago pa nga kami umalis ay sinuklayan niya ako.

"Mahaba na pala ang buhok mo, kailan ka magpapagupit?" Tanong ni Mommy, tanging ngiti na lamang ang naisagot ko.

Gabi na no'ng makarating kami rito sa bahay, pagpasok ko pa lang ay ramdam ko na na niyakap ako ng kabuuan nito. Halos dalawang buwan rin kasi akong hindi umuwi. Hindi ko alam na nagpahanda si Mommy ng pagkain at isang maliit na selebrasyon, nagulat na lamang ako pagpasok ko sa kitchen nang may pumutok na confetti.

"Welcome back!"

Ilan sa mga narito ay mga pinsan ko at kaibigan na matagal ko ng hindi nakita, nagulat din ako nang makita ang aking ama. Ang aking ama na matagal na kaming inabandona. Nawala ang ngiti sa labi ko nang magtama ang tingin naming dalawa.

"A-anak." tawag niya sa akin.

Dahan dahan siyang tumayo, kumunot ang noo ko nang makitang hindi na s'ya pantay kung maglakad. Nang makalapit sa akin ay agad niya akong niyakap, mahigpit na yakap. Tumulo ang luha ko. Nilingon ko si Mommy at nakangiti s'ya ngayon.

"Bakit ngayon ka lang?" Pabulong kong tanong.

"Patawarin mo ako." bulong niya. Naiyak na lamang din ako nang marinig siyang humikbi.

"Dada, sino s'ya?" Tanong ng kung sino, isa itong bata.

Kumawala ng yakap sa akin ang aking ama at binuhat ang paslit na na sa likuran niya, ipinantay niya ito sa akin 'tsaka muling yumakap.

"Sya ang ate mo na sinasabi ko sa 'yo." sambit niya sa bata. Umurong ang luha ko nang marinig ang mga salita. "Pauline, s'ya ang kapatid mo si Rebecca. Namatay ang ina niya no'ng ipinanganak s'ya." Sambit ni Papa.

Naging bato man ang puso ko sa aking ama ay hindi ko naman natiis ang aking kapatid, lumuhod ako't niyakap s'ya. Kuhang kuha niya ang mukha ko no'ng ako ay bata pa.

"Puwede po bang magpahinga na muna ako?" Paalam ko sa kanila.

"Sige lang, mukhang napagod ka sa biyahe." Sambit ng aking ama, hinimas niya pababa ang likod ko kasunod ng pag-ngiti.

Ibinagsak ko agad ang katawan ko sa kama nang makarating dito sa kuwarto, ramdam ko ang labis na pagod. Agad akong dinalaw ng antok kaya hindi ko na napigilang hindi matulog. Dahil sa pagod, hindi na ako nakapag-hapunan pa, natulog na ako.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa vibration ng aking cellphone na na sa table. Kinuha ko ito, tumatawag si Niña.

"Hello?" Bungad ko.

[Nasa'n ka na? Akala ko ba mag-uusap tayo?] Tanong niya, bakas sa boses niya ang pagmamadali. [Iyong bulaklak pala, kinuha ko na kanina sa flower shop] dagdag niya pa.

"Okay, kita na lang tayo sa Marques." Sambit ko bago pinatay ang tawag.

Awtumatiko namang kumurba ang malapad na ngiti sa aking labi nang bumungad ang number ni Levi, naupo ako't nag-umpisa nang nag-tipa.

To: The Love Of My Life.

- Good morning, bebe kes! 🌅

- Kumain ka na ba??🥰🥰

- Hintayin mo na lang 'yong flowers mo for today, ha? I love you!😘🤩

"Good morning, ate!" Bati ni Rebecca, s'ya agad ang bumungad sa akin nang buksan ko ang pinto.

"Good morning, my little sister!" Pabalik kong bati 'tsaka siya binuhat pababa ng hagdan.

Eksakto namang pagbaba namin ay nadatnan namin sina Mommy at Papa na nag-uusap, ayon sa narinig ko, balak ampunin ni Mommy si Rebecca dahil babalik sa Saudi si Papa para mag-OFW.


Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.7K 122 9
Why Can't I Have You? (Formerly entitled as They Won't Stay) Enzo and Heart's BLURB: There are words that we can't say. There are moments that we...
91.3K 2.4K 53
Xyrene Hara Cortez. She's a Maldita, with a heart. Maldita Series #1 ____________________ credits sa may ari ng picture na ginamit ko sa pag edit ng...