Kristine Series 53: Magic Mom...

By Imperfect_Philozoic

160K 2.7K 183

Nagkamalay si Alaina sa isang ospital sa isang probinsiya na puno ng sugat ang katawan. She had no memory of... More

Martha Cecilia - I Have Kept You In My Heart(Kristine Series 53)
Notes
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Epilogue

Chapter Eighteen

4.5K 78 2
By Imperfect_Philozoic


"THIS is very, very good," ani Zach, devouring his pie. "Hindi ganito ang natitikman kong apple pie, which by the way, ay pangatlong beses ko pa lang nakakain sa buong buhay ko," pag-amin nito, then smiled sheepishly.

"Sinabi mo pa," susog ni Caleb. "Katunayan, ngayon lang ako nakatikim ng apple pie satanang buhay ko." Sinabayan nito iyon ng nahihiyang tawa.

Beatriz was beaming. "My children and grandchildren love my apple pie, boys. Kahit saang bahagi sila ng mundo, sinasabi ng aking mga apo na walang katulad ang aking apple pie."

"Sana ay kaya ni Mommy na mag-bake ng ganito. May nabibili namang apple sa groserya sa bayan."

"I might tell your mother my secret recipe."

May panghihinayang sa ngiti ni Zach. "But she's not into cooking, ma'am. Mas nasa photography ang talino ni Mommy."

"And I know nothing about photography except admiring them."

"Lumalakas ang ulan," ani Franco sa mga bata. "Alas-singko pa lang pero madilim na sa labas. Nais ba ninyong dito na magpalipas ng gabi?"

Sabay na nag-angat ng paningin ang dalawang binatilyo. Pagkatapos ay nagkatinginan. The idea seemed to excite them both. Nakita ng don iyon sa mukha ng dalawa at lihim siyang natuwa.

For Caleb, it wasn't everyday that he was invited to spend a night at the Alta Tierra mansion. Isang maipagmamalaking kuwento iyon sa mga kaibigan nito sa Sto. Cristo. Kaiinggitan ito.

And for Zach, tsansang makapag-shoot pa. Hindi pa nito nakukuhanan ang mga stallion.

"Magpapa-radio ako sa kabilang asyenda at magpapautos sa inyo, Caleb, para maipaalam sa lolo mo nang hindi mag-alala," dugtong ni Franco bago pa makapagsalita ang dalawa.

"Ikaw?" Siniko nito si Zach.

Nagkibit ng mga balikat si Zach. Ang excitement ay pilit na sinusupil. Kung dito sila matutulog ay maaari sigurong makapanhik siya sa pinakaitaas ng mansion at sipatin ang buong paligid ng Alta Tierra, first hour in the morning tomorrow. Then he'd take some shots at the breaking of dawn.

Later tonight, he would call his mother.

Sasabihin dito ang katuwaang nararamdaman. "Aren't we imposing?"

Halos magkasabay pang sumagot sina Don Franco at Doña Beatriz. "Of course not!" Kapagkuwa'y sabay ring nangiti ang mag-asawa.

"Malungkot dito sa bahay kapag ganitong gumagabi na. Parang kay tagal ng gabi. Kami ng aking asawa ay nagpapalipas ng oras sa panonood ng video. Some are old movies na sampung beses na yata naming napanood. And some are family videos.

"Maybe you can join us. May magaganda kaming DVD collection, from classic movies toeverything. Baka may mga pelikula kayong hindi pa napapanood."

Zach grinned. "We would love that." Nakipag-high-five ito kay Caleb.

"You, boys, can have TV dinner later on," ani Beatriz. "And if you're done, mga hijo, tara sa family room. Mamili kayo mula sa collection ng panganay kong anak ng DVD movies na gusto ninyong panoorin. At bago kayo makatapos ng pelikula ay nakaluto na ng hapunan. How would you like lemon chicken?"

"Wow!" both boys exclaimed.

"It's settled then. We'll have Chinese tonight." Beatriz smiled. "Lemon chicken with crispy pancit canton and lumpiang shanghai."

"Thanks, ma'am," ani Zach. "'Dami namang ulam. I am still full. Kahit nga po di na kami maghapunan ay okay lang. I had two big slices," nahihiyang sabi nito.

"Nonsense! I'm glad you enjoyed my pie. Nowadays, no one here appreciates it but my husband. Halina kayo sa family room."

TAHIMIK ang dalawang binatilyo habang binabaybay ang pasilyo patungo sa drawing room. Zach thought their house was big enough for the four of them. Subalit sa nakikita niya ay kakasya ang bahay nila sa loob ng living room ng mansiyon. Actually, dalawa ang receivingarea ng mansion.

And both were homey. Hindi yaong tila larawan sa mga magazine ng bahay ng mayayaman na display lang.

Zach had an eye for antiques and beauty. Ang mga kasangkapan sa loob ng bahay ay pinaghalong antigo at makabago, complimenting each other. The theme of the mansion was minimalist. At natitiyak niyang walang mumurahing bagay sa loob ng kabahayan kahit ang kaliit-liitang jar na nasa sulok. It could have been an antique jar from India, for all he knew.

"Feel yourself at-home, boys," ani Beatriz at binuksan ang ilaw sa family room.

Nahantad sa dalawang lalaki ang isang malaking silid na sa wari ay sinlaki na ng pinagsamang kusina at sala sa bahay nina Zach. Ang sahig ay malalapad na tablang narra na tila salamin sa kintab.

May nakakalat na rugs sa iba't ibang bahagi ng silid. Sa isang sulok ay tatlong potted indoor plants sa magkakaibang laki at taas. May mga stuffed chair and sofas na nakaharap sa isang plasma TV na nakasabit sa dingding. Isang makapal na carpet ang nasa ilalim ng coffee table. Sa isang sulok ay ang minibar. Sa salansanan ay naroon ang napakaraming DVD collections.

Natitiyak niyang karamihan doon ay mga collector's item. Katunayan, sa isang rack ay isang phonograph. He should know. Mayroong ganoong uri ang Lola Leoncia niya. And underneath the rack ay collection ng mga long-playing albums na hindi na ginagamit ngayon maliban sa koleksiyon na lang.

Her Lola Leoncia had a few of those. Pero hindi na nagagamit dahil sira ang phonograph. Natitiyak niyang ang phonograph sa silid na iyon ay gumagana.

Umangat ang paningin niya sa gilid ng dingding sa may bahagi ng plasma TV. May mga poster ng matatandang artista sa Hollywood na natitiyak ni Zach na collector's item din.

Sa isang bahagi ng malawak na dingding ay mga nakasabit na kuwadro ng mga wedding picture. Life-size. He was staring at the pictures with casual interest. Nang may isang wedding picture na nakasabit katabi ng iba pa ang nagpahugot ng hininga niya.

Napahakbang siya nang wala sa loob patungo sa dingding at tumingala sa larawang nakatunghay sa kanya. 


"HEY, BRO, halika at mamili na tayo rito sa mga DVD," tawag ni Caleb sa kanya.

Subalit tila hindi ito naririnig ni Zach. Franco noticed the intensity on the boy's face as hestared at Nick and Alaina's life-size wedding picture. Napalapit si Franco sa kanya at hinawakan siya sa balikat kasabay ng pagtingala sa kuwadro.

"That's my son Nick and his late wife Alaina. Of course, you've met Nick."

Zach swallowed, unable to form a word. He blinked twice. Baka dinadaya siya ng paningin niya. Ang mommy niya ay may mga larawang kuha may ilang taon na ang nakalipas. Silang mag-anak kasama si Leoncia. Lalo na noong bagong panganak siya. At dalawa roon ay nakakuwadro sa sala kasama si Philip at nakalagay sa ibabaw ng television.

At may larawan sa ibabaw ng TV set nila na solo shot ni Emmy at mukha lang nito ang kinunan. Ayon sa mommy niya ay kuha iyon anim na buwan pagkatapos siyang maipanganak.

Pinisil ni Franco ang balikat niya. "Para bang studio ang bahaging ito ng dingding?" Franco chuckled. Isa-isa nitong itinuro ang mga larawan at sinabi ang mga pangalan. "And that is my only girl, Jennifer and her husband Zandro."

Nilingon ni Zach ang ibang mga larawang nakasabit, out of politeness. Muli niyang ibinabalik ang paningin sa larawan ni Nick at ng asawa nito. Si Beatriz ay iginiya si Caleb sa collection ng mga DVD na nakasalansan sa isang custom-built shelves di-kalayuan saplasma TV na nasa dingding.

Bahagya na niyang narinig ang paghanga ni Caleb sa mga naroroong DVD collection.

Nilingon ni Beatriz ang asawa at si Zach. She was mildly curious sa ipinakitang interest ni Zach sa isang partikular na larawan.

Napailing si Zach na para bang pilit inaalis ang kung ano mang nasa isipan. Kapagkuwa'y lumakad patungo sa kinatatayuan ni Caleb na abala sa pamimili ng DVD. Ang mga hakbang niya ay tila kay bigat. Hindi niya gustong umalis sa may tapat ng kuwadro.

"Pare," ani Caleb, "naritong lahat ang mga magagandang palabas! Mag-marathon tayo ng panonood. Bihira lang mangyari ito!"

Muling tiningala ni Franco ang wedding picture ng anak at manugang. Lahat ng wedding photos ng mga anak ng mga ito ay nakasabit sa dingding. Kahit ang sariling wedding picture nilang mag-asawa ay nasa gitna mismo ng dingding.

"Nakatitig ka sa isang partikular na kuwadro lang, Zach," ani Franco na sinulyapan siya. "Nagkakilala na kayo ni Nick." Natawa ito. "He's very much younger in this picture. Mahirap bang ihambing sa Nick na nakilala mo noong nakaraang buwan?"

"No, sir. Hindi po dahil doon."

Ibinalik ni Franco ang paningin sa larawan ni Nick. "He has aged so much since his wife Alaina died in a plane crash years ago."

Muling tumingin sa larawan si Zach. Kapag-kuwa'y biglang nag-flash sa isip ang tinig ng ina. "I wish I can have my memory back, Zach..."

Wala sa loob siyang napailing. Imposible. Sinasabi lang ni Don Franco na namatay ang asawa ng anak nito. Subalit hindi niya kayang ialis sa isip ang sinabi ng ina at ang mukha ng namayapang asawa ni Nick Navarro. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa at tumingala sa matandang lalaki.

"Hindi po si sir Nick... kundi ang... ang babae sa larawan..."

"Oh, you mean his late wife Alaina?" ani Don Franco.

Tumango siya. "She... she..."

"She what?" kaswal na sabi ni Beatriz na mula sa pagtulong kay Caleb sa pagpili ng mga DVD ay lumingon.

"Her resemblance to my mother is so uncanny..."

Tuluyan na niyang nakuha ang atensiyon ni Beatriz. "Really? Paano mo nasabi iyan?"

"The... the woman in the picture looks exactly like my mother. I mean when my mother was younger. They could even be twins." He forced a laugh at the absurdity of his statement.

Hindi niya napansin ang tinginan ng mag-asawang Franco at Beatriz. Ang huli ay napalapit. "It's ludicrous, Zach. Paano mong nasabi iyan?"

Ang seryosong tono ni Doña Beatriz ang nagpangyari upang ipakita niya ang cell phone niya rito. Kinakabahan siyang nagagalit ito. "Pasensiya na po sa mapangahas kong paghahambing. Wala po akong ibig sabihin."

Iniabot niya ang cell phone kay Doña Beatriz. Ipinakita ang wallpaper na ang ina ang naka-display. "That's my mother. Hindi siguro mapupuna ang sobrang pagkakamukha diyan. She's older now. Pero may mga kuha siyang larawan years ago at... kamukha ng... ng larawang iyon." Tiningala niyang muli ang larawan sa dingding.

Curiously, inabot ni Doña Beatriz ang cell phone niya at tinitigan ang wallpaper niyon. "Oh, god!"

"Bea, what is it?" Napahakbang palapit sa asawa si Franco.

"See for yourself, Franco," anito. Beatriz's throat seemed to have tightened. "Baka mali ako. Pero tama si Zach. Kamukha ni Alaina ang larawang nasa LCD niya na mapagkakamalan mong kakambal ni Alaina, if we didn't know that Alaina was an only child."

Tiningnan ni Franco ang larawan sa LCD. Muling inilaw iyon nang magdilim. "Dio!" Franco whispered his exclamation. Mula sa wallpaper ng cell phone ay niyuko si Zach. "Ano ang pangalan ng mommy mo, hijo?"

"Emmy, sir."

"M-may I use your cell phone? I need to call someone..."

"Sure," Zach said. Kumunot ang noo at ikinalito ang naging reaksiyon ng dalawang matanda.

Nakita niyang nanginginig ang mga kamay ni Don Franco habang hawak ang cell phone niya at lumakad palabas ng family room. Dahil nakabukas ang dalawang panel ng pinto ng family room ay nakikita niyang palakad-lakad ito habang may tinatawagan.

Muli niyang sinulyapan ang larawan at ang dalawang matanda. Si Doña Beatriz ay tila namamanghang sinusundan ng tingin ang ginagawa ng asawa. At napuna niya na kumikislap ang mga mata nito.

Were they tears? Why?

Muli niyang sinulyapan si Don Franco na naulinigan niyang nagmura nang matapos itong makipag-usap sa kung sino man. Pagkatapos ay hindi ito magkamayaw sa pag-push ng mga key sa cell phone niya. An odd expression on his face.

Napuno ng kaba ang dibdib ni Zach. Had he done or said something wrong? 


"IGNORE the phone, Nick," ani Bettina nang tumunog ang cell phone niya. "Akala ko ba'y hindi ka dapat tinatawagan ni Sheila sa linyang iyan?"

Wala pang limang minuto nang dumating siya sa condo ni Bettina. Ang layunin niya sa pagtungo roon ay upang personal na tapusin ang relasyon nilang dalawa. He had every intention of ignoring his cell phone. Gayunman, hindi ginagamit ni Sheila ang linyang iyon malibang mahalaga ang dahilan.

Dinukot niya ang cell phone sa bulsa ng pantalon.

Naiiritang umikot ang mga mata ni Bettina.

"Sabihin mo diyan sa sekretarya mo na matutong kilalanin ang importante at hindi gaanong importanteng tawag. My god, alas-seis na! Ano pa ba ang kailangan niyan sa iyo? Bakit nasa hotel pa ang sekretarya mo?"

Kumunot ang noo ni Nick. Hindi niya kabisado ang numerong nakarehistro sa LCD. He rejected the call. Muli iyong ipinasok sa bulsa niya.

"Was it Sheila?"

Umiling siya. "'Could be wrong number. Hindi ko kilala ang numerong nakarehistro."

"Of course. Sheila must have gone home by now." Bettina's irritation disappeared in a flash and smiled. Namamangha si Nick sa kakayahanng babaeng magpalit ng ekspresyon sa isang iglap.

Ikinawit nito ang mga braso sa kanya at akma siya nitong hahagkan sa mga labi subalit hinawakan ni Nick ang mga braso nito at inilayo. "Bettina we have to talk..."

"I miss you, Nick. Let's talk later," malambing nitong sabi. Muling akmang yayakap sa kanya subalit muli rin niyang iniwas ang sarili.

Napakunot-noo si Bettina. "Isang buwang mahigit mula nang huli tayong mag-usap. Nauunawaan kong kailangan mong asikasuhin ang anak mo dahil sa muntik na niyang pagkapahamak sa Santo Cristo. But it's over now and they're on their honeymoon in... in..."

"Montefalco with Leandro's brother," he supplied, hindi niya makagawiang tawaging 'Jace' ang manugang.

Nakaligtas si Drew sa pagtatangka ni Grant sa tulong ni Tristan Montefalco, Leandro's long-lost twin, who happened to be at the lighthouse at the same time. At iyon din ang unang pagtatagpo ng magkapatid sa kauna-unahang pagkakataon. Kung wala sa parola si Tristan at ang asawa nitong si Meredith ay baka napahamak si Drew.

"Importante ang sasabihin ko sa iyo, Bettina. Hindi maaaring ipagpaliban." Nakita niya ang takot at insekyuridad na biglang gumuhit sa mga mata nito. Humakbang ito patungo sa rolling tray at kumuha ng alak sa decanter at nagsalin at inisang-lagok.

"May problema ba sa hotel? O sa canning factory? O sa iba pang mga kompanyang kasosyo ang mga Navarro?"

"Bettina, let's not prolong this. Gusto kong tapusin na natin ang—"

"No, Nick!" Marahas ang ginawa nitong paglingon sa kanya. Ibinaba nito sa tray ang goblet. Sa dalawang hakbang ay nasa harap na niya ito at niyakap at pinaghahagkan siya. Without finesse, just rained kisses on his face, na tila nagpa-panic.

"Huwag mong ituloy ang sasabihin mo. Hindi ko gustong marinig. Ikaw ang buhay ko, Nick. Alam mo iyan."

"I can't give you what you want, Bettina."

"I don't care! If you don't want to marry me then don't!"

Ang gaspang sa tinig nito ay bahagyang nagpagitla kay Nick. "You don't understand..." Napailing siya. Iniiwas ang sarili mula sa mga halik at yakap nito. "Nasasakal na akong masyado sa relasyong ito. If you notice, ikaw lang naman ang nagsikap na patagalin pa ito."

"I can't believe I am hearing this!"

Muling tumunog ang cell phone sa bulsa niya. Sa pagkakataong iyon ay gusto niyang pasalamatan ang unknown caller. Kumawala siya mula sa pagkakayakap nito at sa wari ay nakahinga siya nang maluwag.

"Shut off that damn phone, Nick!"

"It's Veron."

Continue Reading

You'll Also Like

40.8K 407 24
A collection of Spencer Reid short stories - from domestic bliss to shameless smut with a sprinkle of angst. Summaries and content warnings on each...
170K 22.8K 115
"Don't embarrass me tomorrow, Nandini. Please." "No, Luna, rest assured." "You're a born designer which is why I'm giving you the responsibility of d...
263K 10.1K 75
Born in what reality fears, (y/n) escapes with an unexpected companion. Their escape is what brings them to a large turn of events and it is probably...
5.5K 275 13
the monsters that lurked in the shadows turned out to be the pieces of us we left behind. ©sunkissed-poet 2024 the last of us | game & show joel mill...