Kristine Series 53: Magic Mom...

By Imperfect_Philozoic

160K 2.7K 183

Nagkamalay si Alaina sa isang ospital sa isang probinsiya na puno ng sugat ang katawan. She had no memory of... More

Martha Cecilia - I Have Kept You In My Heart(Kristine Series 53)
Notes
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Epilogue

Chapter Thirteen

3.7K 75 3
By Imperfect_Philozoic


NAPASINGHAP nang malakas si Emmy. Hindi umabot sa puntong iyon ang mga haka-haka niya sa nakalipas na mga taon. Kahit si Philip ay hindi naman nagpahiwatig ng ganoon. Napatitig siya kay Leoncia.

"Ang... posibilidad na iyan ay hindi man lang sumagi sa isip ko, Mama!"

"Sa una ko pa lang pagkakita sa iyo ay alam kong hindi ka pangkaraniwang pasahero lang ng bus, Emmy. Kahit duguan ang damit mo ay alam kong mamahalin dahil naroon pa rin ang designer labels. Kahit ang suot mong sapatos ay alam kong hindi yaong imitasyong nabibili lang sa bangketa.

"At hindi minsan man sumagi sa isip ko na isa ka lang pangkaraniwang pasahero ng bus. You are cultured, kahit sa paraan mo ng pagsasalita at kilos. Lalo na nang makita ko ang hilig mo sa photography.

"I knew deep in my heart, you were not among the passengers. Pero ayokong pakinggan ang isip ko. Ipinanalangin kong huwag nang magbalik pa ang memorya mo. Kung kasalanan ko man iyon, patawarin mo ako..." Leoncia heaved a sigh.

"At doon sa sinabi kong maaaring may nagtangka sa buhay mo, it was just a slip of the tongue basing on your fear. But then we will never know. Unless ipalathala natin ang larawan mo sa mga pahayagan, kahit ngayong panahong ito. Natitiyak kong may makakakilala sa iyo lalo na kung babanggitin natin ang pangyayari halos labinlimang taon na ang nakalipas."

"No!" Emmy said vehemently that shocked the old woman.

May ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago iyon binasag ni Leoncia.

"Ikaw ang masusunod, Emmy. Lamang ay baka magbago ang isip mo sa sasabihin ko sa iyo..."

Hindi siya nagsalita. Nanatiling nakatitig sa matandang babae. Naghihintay sa sasabihin nito.

"You must have noticed and wondered but ignored it..."

"Ignore what?"

"Ang pilat sa tiyan mo..."

"Oh." Awtomatikong dumako sa tiyan niya ang kamay ni Emmy. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Habang lumalaki ang tiyan niya noong ipinagdadalang-tao niya si Zach ay napupuna niya iyon. Subalit ano mang isip ang gawin niya ay hindi niya matandaan kung bakit siya mayroon niyon.

Naisip niyang baka naoperahan siya sa appendicitis. Iyon din ang sinabi ni Philip sa kanya nang itanong niya iyon noon. Subalit nang ipanganak niya si Zach ay nalaman niya ang totoo.

"It's a caesarean scar, Emmy. The same scar na binuksan ng mga doktor nang ipanganak mo si Zach. The doctor told me about it. That you have given birth already to a child. Na mga taon na ang binilang ng pilat na iyon."

"A-alam ko ang tungkol sa bagay na iyan, Mama." She took a calming breath for a minute. Naalala niya ang matinding panlulumo nang matiyak niya sa sariling nagkaanak na siya maliban kay Zach.

"Alam mo? Sinabi ni Philip sa iyo?"

Emmy met Leoncia's eyes. "I may have not recovered my memory but I am not stupid," she said flatly. "Maraming mga tanong sa isip ko na hindi ko na nais ipakipag-usap kay Philip noon. Nararamdaman ko ang maraming pag-iwas. And I opted to keep everything to myself."

Philip had lied to her. Kung paanong ganoon din si Leoncia. Pero sa kaibuturan ng puso niya'y wala siyang makapang galit sa mga ito. Kinupkop siya at inaruga ng mag-ina. Sila ni Zach. Itinuring na totoong pamilya.

Isa sa mga bagay na lalong nagpapapighati sa kanya sa nakalipas na mga taon ay ang katotohanang may iba pa siyang anak. Malimit niyang isipin ang bagay na iyon sa gabi. Sinarili niya ang lahat ng sakit sa damdamin. The frustration of not being able to remember her own child.

Tinakpan niya ng kamay ang bibig upang hindi kumawala ang paghikbi. Why couldn't she remember? Sino ba siyang talaga? Saan siya nagmula? Talaga bang pasahero siya ng bus na iyon na naaksidente kasama ng pickup truck ng mga Javier?

Leoncia sighed. "Patawarin mo kami ng aking anak. Natitiyak kong nang mga panahong iyon ay hindi rin kakayanin ni Philip na mawala ka sa kanya. Lalo na nang isilang si Zach. Kung nanaisin mong ipalathala ang larawan mo'y nakahanda akong gawin, Emmy..." wika ng matandang babae.

At nang nanatili siyang nakatitig dito at hindi nagsasalita ay nagpatuloy ito. "Ang pagiging makasarili namin ni Philip ang maaaring dahilan kung bakit hindi ka matagpuan ng pamilya mo. Natatakot man akong mawala sa akin si Zach ay gusto kong ituwid ang pagkakamaling iyan ngayon. Ngayong wala na si Philip. Deep in my heart, I know Zach would never forget me..."

"N-no..."

"You have another child, Emmy. Hindi natin alam kung ilang taon na siya ngayon."

Marahas ang ginawa niyang pag-iling. Nanginginig ang buong katawan niya. Fear consumed her again. Hindi niya mapigilan ang pagbulalas ng iyak. Sama-sama na ang dahilan ng pag-iyak niya.

Sa pagkawala ni Philip na siya niyang naging security blanket sa nakalipas na mga taon; sa pagpapaalala sa kanya sa katotohanang may iba pa siyang anak; at sa takot na lagi nang nangingibabaw sa damdamin niya.

Hinayaan siya ni Leoncia na ilabas ang lahat ng nasa dibdib niya. Ilang sandali ang lumipas bago tuluyang humupa ang damdamin. Nang humarap si Emmy rito ay tuyo na ang mga luha niya at kalmante nang muli.

"Mama, ngayon ko lang naisip na maaaring tama kayo. Ang dahilan ng matinding takot ko ay ang posibilidad na may nagtangka sa buhay ko noon. Hindi malayong isipin ko iyan kung ang pagbabasehan ko ay takot ko mismo na magtungo sa ibang lugar at makatagpo ng mga estranghero.

"Alam n'yo ba na kapag ipinagmamaneho ko si Philip sa bayan ay para akong takas na bilanggo na nagpapalinga-linga at natatakot sa mga aninong gawa lang ng isip ko?" She shook her head miserably.

"It has been years, Mama. Kung totoo ang hinala natin, inisip na ng mga taong iyon na patay na ako dahil hindi ako nagbalik sa pamilya ko. At tiyak na iyon din ang iniisip ng pamilya ko... kung sakali man at may pamilya nga ako.

"Kung mula sa kung saan ay bigla akong lilitaw, hindi ko kaya guguluhin lang ang buhay ng aking pamilya? Kung sakaling may asawa ako, hindi kaya may asawa na rin siya ngayon? At hindi ko kaya guguluhin lamang ang buhay ni Zach, kung hindi man isapanganib?"

Napuno ng simpatya ang mukha ng matandangbabae. "Nakapanlulumo ang maraming tanong na hindi natin alam ang kasagutan, Emmy. Kung ano ang pasya mo'y iyon ang susundin ko. Matanda na ako, anak. Ilang panahon na lang ang natitira sa buhay ko.

"Kung nais mong manatili rito sa farm ay nasa sa iyo iyon. Kung ako ang tatanungin mo ay mas nanaisin at ipagpapasalamat ko sa iyo kung mananatili kayo rito ni Zach. Sa inyo ni Zach ang bahay na ito at ang tatlumpung ektaryang niyugan." 


ISANG buwan nang mahigit magmula nang mailibing si Philip. Ilang araw ding sinanay ni Emmy ang sarili na wala na ito. Totoong inihanda sila ni Philip sa pagkawala nito. Gayunman ay iba kapag totoong hindi mo na nakikita ang taong kinasanayan mong nariyan lang sa nakalipas na mga taon.

Si Zach ang labis na ininda ang pagkawala ng ama. Bukod pa sa mga ipinagtapat nila ni Leoncia rito. Hindi niya ito miminsang nakitang nakaupo sa hagdan ng bahay nila na nakatingin sa malayo.

He and Philip were closed. Iyon ay sa kabila ng pagiging lumpo ng huli. Maraming bagay ang naituro ni Philip sa anak niya na natitiyak niyang isa sa mga naging gabay upang maging mabuting bata si Zach.

Sa nakalipas na mga araw ay parang huminto ang pag-inog ng mundo sa kanilang tatlo sa bahay na iyon. It was time to move on. Para na rin sa kanilang tatlo.

Dala ang tasa ng kape niya ay pumasok sa darkroom si Emmy upang kunin ang pinatuyong mga larawang kinunan ng anak sa Sto. Cristo. Isang buwan na halos mula nang mamatay si Philip. Hindi niya kaagad napagtuunan ng pansin ang camera. Kagabi lang niya naalalang i-develop ang mga negative.

She turned the dimmer on and suddenly went still. Sa maraming pagkakataon, tuwing papasok siya sa darkroom ay hindi maaaring hindi niya madama ang damdaming iyon.

And then there were flashes of images. Of a man and a woman. Malalabong imahe na iglap ding mawawala. Hindi niya maipaliwanag. Pero natitiyak niyang may kinalaman ang darkroom sa buhay niya.

At sa tuwina, ang mga kamay niya ay dadako sa pilat niya sa tiyan.

She groaned helplessly. What would it take for her to remember? It had been nearly fifteen years.

Isang nahahapong buntong-hininga ang pinakawalan niya at pagkatapos ay tinungo na ang mga pinatuyong larawang kuha ni Zach na naka-hang. Kinuha niya ang mga iyon at dinalasa labas. Inilatag sa mesa at isa-isang sinuri.

Napangiti siya. Humuhusay si Zach sa pagkuha ng mga larawan. Dahilan upang hinahayaan niya itong kumuha nang kumuha ng mga larawan. Some were spectacular, most were ordinary. Zach would have to learn kung paano kumuha ng magagandang anggulo. Most of the time, it wasn't the subject.

Ito ay kung paano mo kukunan ang subject sa tamang anggulo, tamang liwanag, o dilim.

"How was it, Mom?" ani Zach na sumungaw sa may pinto ng studio niya hindi pa man niya nailalatag ang lahat ng mga larawan.

Nilingon niya ang anak at sa bahagyang nanunuksong tinig ay, "Who are these women, darling?"

Ngumiti si Zach. Lumapit sa mesa at tiningnan ang mga larawang kinunan niya sa ferry. "Ignore some of the shots, Mom. I took it out of whims. Nag-aksaya ng negatives ang anak mo." Zach laughed. Itinuro nito ang larawan nina Gillian at Caleb.

"That's Caleb and his cousin Gillian. Nabanggit ko na si Caleb sa iyo, hindi ba? Siya ang nag-imbita sa akin sa Santo Cristo. That one is Elisse, isa sa mga tagaroon—"

"Elisse?" Umangat ang mga kilay niya.

"Pretty, isn't she?"

"She sure is." Emmy chuckled, sinipat ang larawan ng dalagita. "Akalain mong pulos babae pala ang kinunan mo roon?" Kapagkuwa'y kumunot ang noo nang matitigan ang isa pang larawan. Dinampot iyon at itinaas. "Sino... naman ito?"

"Her name is 'Drew.'" He shrugged. "Filthy rich, sabi ni Gillian. Apo ng may-ari ng Alta Tierra. I actually met her grandparents and her dad. Sila ang nagpahatid sa akin dito ng chopper, Mom." Muli ay nasa tinig nito ang excitement. "Imagine, Mom, nakasakay ako sa chopper!"

Emmy smiled at her son indulgently. Sige pa rin ang titig sa larawan. "She is so beautiful," she whispered. 

"Yeah. I was attracted to her the first time I saw her.."

Kumunot ang noo ni Emmy, muling inilapag ang larawan sa mesa. "Kung 'di ako nagkakamali ay ilang taon ang tanda niya sa iyo, hijo."

"Mom..." Zach rolled her eyes. "Not that kind of attraction. Can't explain it. I even thought of you when I saw her. Kasi, Mommy, para sa akin ay ikaw ang pinakamagandang babae sa buong lupa. Then I saw her..." His voice trailed off.

"Na-realize mong hindi pala ako?" tukso ni Emmy na sinundan ng naaaliw na tawa. Muling sinulyapan ang larawan. "Na mas maganda pala kaysa sa akin ang babaeng ito?"

Zach grinned. "You are both pretty, Mommy. And you're the prettiest."

Emmy laughed. Kapagkuwa'y dinampot ni Zach ang larawan ni Elisse. "This girl, Mom palagay ko ay crush ko talaga. Lamang, suplada. Ni ayaw makipag-usap sa akin."

"Ow?" Sadyang pinanlaki ni Emmy ang mga mata. "Kung ganoon ay hindi pala lahat ng babae ay natutunaw ng iyong mga titig at ngiti?"

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Zach. Nakipag-high-five ito sa kanya. Pagkatapos ay biglang nahinto. Malungkot na iginala ang mga mata sa paligid.

"I shouldn't be laughing like that. Halos isang buwan pa lang mula nang mamatay si Papa."

Kinabig niya ang anak at niyakap. "Zach, darling, I can understand your feeling. But I am sure your father wouldn't want us to prolong the agony," she said a little bit sadly. "Don't feel guilty na kaya mong tumawa sa kabila ng lahat."May ilang sandaling hindi nagsalita si Zach. Kumawala mula sa kanya at tiningnan siya nang mataman.

"Sana ay magbalik na ang alaala mo, Mommy," wika nito na sinabayan ng buntong-hininga. "I've been thinking about your amnesia a lot this last few days. I even searched the Internet about it. They call it retrograde amnesia. Karaniwan na,ayon sa nabasa ko, ang pangyayari o trauma bago ka nagka-amnesia ay hindi na mare-recover.

"Well, I hope not. Because that's really very frustrating, Mommy," Zach said with an irritated sigh. "Gusto kong malaman kung sino talaga ang aking totoong ama at kung ano ang nangyari sa iyo bago ka nagka-amnesia. I've been wanting to create a site for you. Post your picture. Maybe—"

"No, Zach!" Her voice shook with vehemence that Zach frowned at her and stepped backward. Inabot niya ang mga balikat nito at mahigpit na hinawakan, almost shaking them. "Promise me you won't do that."

"I-I promise. But why, Mommy?"

Binitiwan niya ang anak. Iniyakap niya ang mga braso sa sariling katawan. Hinayon ng tingin ang labas. Ang nagtatayugang niyog at ang mga humahapay nang dahon sanhi ng may kalakasan pa ring hangin.

Alas-diyes na ng umaga subalit ang araw ay itinatago ng mga ulap. It had been raining for the past days. Kahapon lang ng hapon nagsimulang tumila ang ulan. Natatanaw na rin niya ang mga manok na nanunuka ng pagkain sa lupa. Gayundin ang ilang kambing sa dakong madamo.

Hindi kalayuan sa bahay nila ay ang koprahan na siyang pinagkukunan ng mga Javier ng kabuhayan. Ang amoy ng inaapuyang niyog ay nalalanghap hanggang sa bahay nila paminsan-minsan, depende sa kung saan umihip ang hangin.

This had been her haven for nearly fifteen years. Hindi niya alam kung tama ang ginagawa niya. Na baka siya na rin ang dahilan kung bakit hindi siya makaalala. Dahil hindi niya gustong umalis ng Isidro. Na nililimitahan niya ang pagtungo kahit sa mga karatig-baryo.

Nagitla pa siya nang hawakan siya ni Zach sa braso. "Mommy, hindi mo ako sinagot."

Hinarap niya ang anak. "Listen, Zach..." 

Sinabi niya rito ang hinala ni Leoncia na maaaring may nagtangka sa kanya bago siya natagpuan at madala sa ospital. Sa buhay man niya o sa pagkababae niya, ay hindi sila nakatitiyak. At ang matinding takot na tuwina'y hindi na naalis sa dibdib niya at bagkus ay lalong tumindi nitong mamatay si Philip.

Puzzled yet Zach nodded his understanding. Mas sa damdamin ng ina kaysa sa mga pangyayari. "Maraming beses kong iniisip sa gabi kung sino ang tunay kong ama magmula nang sabihin ninyo ni Lola ang totoo sa akin. Hindi niya nalamang ipinanganak mo ako, 'di ba?"

"Y-yes... of course. I was almost two monthspregnant when that man brought me to the hospital. Dito na kita ipinanganak."

"Alam kaya niyang preggy ka nang mawala ka? Sa palagay mo ba ay hinanap ka niya nang mawala ka?"

"Wala akong sagot sa mga bagay na iyan, Zach. More than anything else, I wish I had my memory back." Binalot ng lungkot ang tinig niya na napalapit si Zach at inakbayan siya.

"Huwag mo nang alalahanin iyon, Mom. I'm okay here with Lola. Hindi ko lang maialis sa isip ko na mag-isip kung sino ang tunay kong ama. At kung hinanap ka niya... at kung nalaman niyang nagkaanak ka... at kung maligaya ka sa piling niya bago ka nawalan ng memorya... at dahil matagal na tayong wala ay naiisip kong baka kaya may bago na siyang pamilya."

"M-may sasabihin ako sa iyo..."

Kumawala si Zach at kumunot ang noong tinitigan siya. "Na naman? Panibagong sorpresa ng buhay ko? Para naman tayong teleserye niyan."

Hindi maiwasan ni Emmy na mapangiti. "May hindi ako ipinagtapat sa iyo sa nakalipas na mga taon, Zach. I don't want to bother you with it. Dahil hindi mo naman alam ang totoong kuwento ng buhay mo... buhay ko. Isa pa, wala rin naman akong magagawa dahil wala akong maalala. At nagpapasalamat na akong ang nakatagpo ko'y parehong mabuting tao at inari kang tunay na apo at anak..."

"Yeah. So, ano ang sasabihin mo?" he asked impatiently.

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 198K 43
He needs a place to live, she needs a baby daddy. Pietro Santangelo and Marguerite White are students at prestigious Columbia University in New...
60.5K 3.1K 45
**Sequel to Taylor Ever After** While Fatima has called it quits on her marriage on the cusp of an emotional breakdown, Zac is forced to deal with t...
22K 326 12
Alam ni Cassie na naaksidente siya sa laot. But it's too much of a coincidence na magkamalay siya sa pribadong baybayin ng mga Dela Garza. Naroon na...
40.7K 407 24
A collection of Spencer Reid short stories - from domestic bliss to shameless smut with a sprinkle of angst. Summaries and content warnings on each...