Kristine Series 53: Magic Mom...

By Imperfect_Philozoic

196K 3.2K 197

Nagkamalay si Alaina sa isang ospital sa isang probinsiya na puno ng sugat ang katawan. She had no memory of... More

Martha Cecilia - I Have Kept You In My Heart(Kristine Series 53)
Notes
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Epilogue

Chapter Twelve

4.5K 94 0
By Imperfect_Philozoic


DAHAN-DAHANG itinulak pabukas ni Emmy ang pinto ng study ni Philip pagkatapos ng isang mahinang warning knock. Naroon ang anak sa tabi ng bintana at nakatanaw sa kadiliman sa labas. Nakaakbay ito kay Leoncia na sa wari ay inaalo ang abuela.

Binawian ng buhay si Philip nang araw ding iyon na ipinasok nila ito sa ospital. Kahapon ng hapon ay inihatid nila ito sa huling hantungan. Sa pagkakatitig niya kay Leoncia, tila ito kumukuha ng lakas mula kay Zach. Sa memorial park kahapon ay hinayaan niya si Leoncia na halos ayaw bumitiw kay Zach.

"Mama..."

Parehong lumingon sa kanya ang dalawa. Her eyes met Leoncia's. "Nais kitang makausap, Zach," she told her son.

Nakikiusap ang tingin ni Leoncia sa kanya.

Natitiyak ni Emmy na kung mapipigilan siya nito ay gagawin ni Leoncia. Subalit hindi niya gustong ipagpaliban ang nais na gawin.

"Dapat bang ngayon mo gawin ang binabalak mo?"

Leoncia was seventy-five years old. Wala itong sakit, kahit rayuma na karaniwan sa mga matatanda. Malakas pa ito at katunayan ay aktibo pa sa gawain sa bahay na hindi nito ipinapaubaya sa katulong, lalo na ang pagluluto. Sa niyugan din ito naglalagi kapag nagbabagsak na ng mganiyog.

Today, it was as if she aged twenty years. Ilang beses nitong sinabi sa kanya na hindi tamang mas nauunang pumaparoon sa huling hantungan ang mga anak kaysa sa magulang. And Leoncia had outlived his two sons. Natitiyak niyang hindi nito gugustuhing ipagtapat kay Zach ang katotohanan ng pagkatao ng anak niya.

"Hindi pa man lang natutuyo ang semento sa libingan ni Philip, Emmy. Hindi ba maaaring magpaliban nang ilang araw?"

"Ayokong patagalin ang lahat, Mama. Dahil baka hindi ko kayang sabihin. And it would be unfair to Zach." Sinulyapan nito si Zach na nagsalubong ang mga kilay habang nakikinig sa kanilang dalawa. "Isa pa'y ito ang gustong mangyari ni Philip..."

Nanlumong humakbang patungo sa isa sa mga upuang naroroon si Leoncia. Her frail shoulders sagged. Na tila ba may mabigat na mga bagay na nakapatong doon. Napuno ng insekyuridad ang mga mata nito.

"'Ma..." Emmy said softly. Nagsisikap na ipanatag ang damdamin ng matandang babae. "Hanggang kailangan ninyo ako...kami ni Zach, ay mananatili kaming nasa piling ninyo. Saan ba naman kami pupunta? This is our home. At mananatili kami rito hanggang nais ninyo."

"Mommy... Lola... ano ba ang pinag-uusapan ninyo?"

Tumingin si Leoncia sa kanya at pagkatapos ay tumango. Defeat on her face. "Zach, may gusto akong ipagtapat sa iyo. Kami ng lola mo. Please sit down..." Itinuro niya ang isa pang silya sa harap ng study table ni Philip.

Zach frowned. Gayunma'y lumakad hindi sa silyang itinuro niya kundi patungo sa swivel chair ni Philip. Na para bang sa pag-upo nito roon ay naroroon ang proteksiyon ng ama sa ano mang ipagtatapat niya.

Si Emmy ay hinalinhan ang lugar ni Zach sa tabi ng bintana. Hindi niya kayang maupo. "H-hindi ko alam kung paano ko sisimulang sabihin sa iyo ito, Zach. Gusto kong malaman mong hindi pa rin natatagalan magmula nang sabihin sa akin ni Philip ang ipagtatapat ko..."

"Mommy, please, ano ang sasabihin mo?"

"Ako ang magsisimula ng sasabihin ngmommy mo, hijo," ani Leoncia sa nanginginig na tinig. "Subalit gusto kong malaman mong mahal kita... minahal ka ni Philip. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung pati ikaw ay mawawala sa akin..." Then the old woman sobbed.

Agad na tumayo ang binatilyo. Umikot patungo sa kinauupuan ni Leoncia at hinawakan sa magkabilang balikat ang abuela, puno ng pag-aalala. "Lola, ano ba ang sinasabi ninyo? Bakit pati ako mawawala?"

Nag-angat ng paningin si Leoncia, pinahid ng hawak na panyolito ang mga mata. Ilang beses humugot ng hininga bago, "Zach... ikaw ay hindi tunay na anak ni Philip, kung paanong hindi rin kita tunay na apo..." 


NAPABITIW sa mga balikat ng abuela si Zach na tila napaso. Napahugot ng hininga at matagal na tinitigan si Leoncia. Na para bang Latin ang sinabi nito at hindi niya maunawaan.

"Hindi ako... anak ni Papa?"

Tumango si Leoncia. Tinitigan ito ni Zach nang ilang segundo. Kapagkuwa'y tilanauupos na muling naupo sa swivel chair.

Emmy bit her lip. Parang hiniwa ang dibdib niya sa anyo ng anak. Nilingon siya ni Zach. Humihingi ng kumpirmasyon. Tumango siya. "Totoo ang sinabi ng lola mo, anak."

"And what about you?" he snapped. Hurt all over his face. "Hindi rin ba kita mommy?" Nilingon nito ang mga larawang nakakuwadro sa ibabaw ng credenza ni Philip. "Ano ang ibig sabihin ng mga larawang iyan? Did you adopt me when I was an infant?"

Nanlaki ang mga mata ni Emmy. Hindi makapaniwalang naisip iyon ng anak. "You are my son, my darling, my very own," Emmy answered with a controlled sob. "I love you so much and don't you ever doubt that."

Relief flooded Zach's face that his shoulders sagged. "So, Papa Philip's not my father. Sino ang totoong ama ko?"

Emmy took a deep breath. "Natatandaan mo ba ang parating ikinukuwento sa iyo ni Philip tungkol sa akin nang wala ka pang dalawang buwan sa sinapupunan ko? Tungkol sa kinasangkutan niyang aksidentesa bus?"

"Of course. I've heard that story all my life, Mom. Na kahit nakapikit ako'y memoryado ko ang kuwento." Sarcasm oozed his voice.

Napatango nang wala sa loob si Emmy. Hanggang sa mga sandaling iyon ay may mga clipping mula sa mga tabloid silang itinabi sa aksidenteng iyon na kinasangkutan ng isang bus at isang pickup truck na pag-aari ng mga Javier. Leoncia even admitted that she took pictures of Emmy during her stay at the hospital.

"Nakita ko ang mga clipping, Mom, 'di ba?" anito na tila nababasa ang laman ng isip niya. "Puno ka ng sugat sa mukha at katawan. Kayong dalawa ni Papa ang bukod-tanging nakaligtas sa aksidenteng iyon..."

"I don't know about that," aniya kasabay ng pag-iling. "Ang ibig kong sabihin ay totoong nakaligtas sa aksidenteng iyon ang papa mo, Zach." Sinulyapan niya ang anak bago nagpatuloy.

"Pero hindi ko alam kung isa ako sa mga survivor. Philip might have been the lone survivor, for all we know. I may not even bein that bus. We just all assumed.

"Nagdikit ang mga kilay ni Zach at umangat muli ang likod nito mula sa silya. "Ano ang ibig mong sabihin, Mommy?"

"Nang magising ako sa ospital ay wala akong alaala ng nakaraan, Zach." Nilinga niya si Leoncia, humihingi ng tulong kung paano ipagtatapat kay Zach ang bahaging iyon dahil ang nalalaman niya ay galing din lang naman dito.

Leoncia cleared her throat. Pagkatapos ay sinabi kay Zach ang buong pangyayari mula sa pagsundo ng pickup truck sa NAIA airport para sa bagong mag-asawa hanggang sa pag-uwi sa Bicol; ang pagbanggaan ng dalawang sasakyan sa isang blind curve dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng bus driver na sanhi ng pagkahulog ng dalawang sasakyan sa bangin.

"Dalawang araw na sa ospital ang papa mo nang dalhin doon ng isang nagmamagandang-loob ang mommy mo. Walang malay. Lahat ay nag-aakalang isa siya sa mga nakaligtas, along with Philip. Maraming araw ang lumipas at nakilala naang mga pasaherong dinala sa morgue maliban sa mommy mo."

"Philip's new wife Emmy died in that accident. I... I paid for the people at the hospital to bury her. And I took your mother home as Philip's wife. Sa ospital pa lamang ay kinilala na siya bilang 'Emmy Javier' at asawa ng aking anak..."

Looking at her son's face, shock was an understatement. Ilang sandali ang pinalipas ni Zach bago ito nagsalita. "Bakit... ninyo ginawa iyon? Si Papa? Ano ang—" He stopped in midsentence. Nanlaki ang mga mata nito.

"Dahil nabulag si Papa! Inisip ninyong hindi makikilala ni Papa ang totoo niyang asawa! But why?" Pinaglipat-lipat nito ang paningin sa ina at sa abuela. "Mommy, how could you pretend to be Papa's wife when—"

"Hayaan mo munang matapos ang kuwento ng lola mo, Zach."

Isang pagkalalim-lalim na hininga ang hinugot ni Zach at sa wari ay biglang nanliit sa pagkakaupo sa swivel chair.

"Inakala kong noong una'y hindi alam ni Philip," patuloy ni Leoncia. "Pero sa ospitalpa lang ay nalaman na niya at hindi sinabi sa akin. At kung bakit ko ginawa?" Matabang na ngumiti si Leoncia. "I did it for Philip..." anito, sniffing and dabbing her nose with her handkerchief.

"Sinabi sa akin ng doktor ang mga napinsala sa anak ko. Bukod pa sa katotohanang kasamang nasawi ang asawa niya. Para rin sa aking pansariling kadahilanan. I was scared that I'd lost another son..." Sinabi nito kay Zach ang tungkol sa isa pa nitong anak na nang hindi makayanan ang sinapit ay nagpatihulog sa hagdan ng bahay nila.

Bagaman alam ni Zach na may kapatid ang papa niya na namatay, ito ang unang pagkakataong napag-usapan ang sanhi ng pagkamatay nito.

"Hindi ko nalamang hindi na bata ang napangasawa ni Philip. He never sent me pictures. Malibang mahawakan ko ang mga pasaporte nila. Wala pang isang buwan nang magpakasal sila ni Emmy at nagdesisyon nang umuwi sa Pilipinas at mamalagi na rito."

"Hindi na ako nag-isip ng iba pang konse-kuwensiya dahil binanggit na ng mga doktor na bukod sa kinailangang putulin ang isang binti ni Philip ay hindi na muling makakakita pa ang papa mo..." She paused. Nagpakawala ng hininga upang paluwagin ang dibdib.

"And then I saw your mother..." Nag-angat ito ng paningin kay Emmy. "There was something about your mother that moved me. Sa pinsalang nakita ko sa kanya ay nagtataka ako kung bakit nanatili siyang buhay. For a moment there, I even grudged her for being alive while my son's wife Emmy died."

"Na maaaring mawala rin sa akin ang aking anak kapag nalamang nasawi sa aksidenteng iyon si Emmy. Subalit iglap na nawala ang damdaming iyon nang malaman kong dinadala ka ng mommy mo sa sinapupunan niya, Zach..." Ibinalik niya ang tingin sa binatilyo. "At nang malaman kong walang maalala kahit na ano ang mommy mo nang magkamalay siya ay agad na pumasok ang ideya sa isip ko."

Wala sa loob na umangat ang kamay ni Emmy sa pilat niya sa noo pababa sa kilayniya. Maliban pa iyon sa mumunting pilat niya sa gilid ng mukha na mapapansin kung tititigang mabuti. And then there were two ugly scars on her arms and legs. Ang iba'y pinaghilom na ng panahon at halos hindi na mapupuna.

"Nagka-amnesia ka, Mommy?"

Hindi agad rumehistro kay Emmy ang tanong. Kay Leoncia nakatuon ang pansin nito. "No matter what, Mama, nagpapasalamat ako nang labis," she said, meaning it.

"Lingid sa aking kaalaman ay agad na natuklasan ni Philip ang ginawa ko. Sa ospital pa lamang nang malaman niyang nagdadalang-tao ang inaakalang asawang nakaligtas. Hindi na maaaring mag-anak pa ang napangasawa ni Philip."

Naguguluhang muling nagtanong si Zach. "What about you, Mommy? When did your memory return? Bakit nanatili tayong narito at ikaw ay nanatiling nagpapanggap na asawa ni Papa? What about your... hus—ang totoong ama ko? Had he died in that accident, too?"

"Zach, hanggang ngayon, pagkatapos kongmarinig sa lola mo ang buong pangyayari, ay nagdududa ako kung kasama ako sa mga pasahero ng bus. At hanggang ngayon ay nananatiling wala akong memorya sa nangyari sa akin bago ako dalhin sa ospital ng isang military man..."

"Hanggang ngayon ang amnesia mo? You... you don't remember the man who fathered me?" Puno ng kalituhan at pagkamangha ang tinig nito.

"Ang tanging masasabi ko ay may bakas ng mga singsing ang aking dalawang daliri nang magkamalay ako. Natitiyak kong isa roon ay wedding ring dahil may bahagi ng dibdib ko ang sumasakit tuwing kinakapa ko ang aking palasingsingan."

"And if it is of any consolation, deep in my heart, alam kong hindi kita ipinanganak na bastardo, Zach..." Emmy said with conviction. Kung bakit siya nakatitiyak ay hindi niya alam. Dibdib niya ang nagdidikta ng ganoong damdamin.

"It's... unbelievable!" Zach said for a lack of the right word to say. "Ang lalaking nagdala sa iyo sa ospital, Mommy? Natanong mo ba siya?"

"Walang nakakaalam kung sino siya. He could be the one who stole my rings... or probably a good Samaritan. Who knows? Besides, abala ang lahat dahil sa aksidenteng nangyari na ikinamatay ng lahat ng mga pasahero maliban kay Philip.

"At tulad ng sabi ko sa iyo, hanggang ngayon ay iniisip ko kung talaga ngang isa ako sa mga pasahero ng bus. Natagpuan ako ng taong nagdala sa akin sa ospital hindi kalayuan sa kinahulugan ng bus at pickup truck."

"Sa mga bagay na mahalaga ay apo kita at anak ka ni Philip, Zach. At mahal kita," ani Leoncia sa nabasag na tinig. "Kapag dumating ang panahong ako naman ang mawala ay sa iyo ko iiwan ang kapirasong kabuhayan natin."

"Huwag kayong magsalita nang ganyan!" ani Zach na tumaas ang tinig. "Walang nabago sa damdamin ko sa inyo. Mahal ko kayo, Lola. Kayo ni... ni Papa..." Pagkabanggit kay Philip ay muling bumalatay sa mukha ng binatilyo ang hapdi at sakit sa pagkawala ng kinilalang ama. Tumingala ito upang ibalik ang mga luhang nagbabadyang pumatak.

Pagkatapos ay tumayo mula sa swivel chair at lumakad patungo sa pinto at lumabas.

"Zach!"

"Hayaan mo ang anak mo, Emmy," awat ni Leoncia sa mariing tinig. "He'll be all right. I've never seen such a responsible boy in my life. Strong and with direction. I am so proud of him. Kay Zach ako kumuha ng lakas at tibay ng loob nitong mga huling araw. Subalit hindi madaling tanggapin ang natuklasan niya sa araw na ito mahigit lamang beinte-kuwatro oras pagkalibing ni Philip. Zach will get by..."

Emmy closed her eyes tightly. Muling isinandal ang sarili sa bintana. Kapagkuwa'y nagmulat ng mga mata at tumingin kay Leoncia.

"N-nagpapasalamat ako sa inyo, Mama. Sa mga kabutihang ipinakita at ipinagkaloob ninyo sa akin... kay Zach, sa nakalipas na mga taon. And I don't even know what to do now that Philip's gone." Fear of the unknown was in her voice. Huwag nang idagdag pa ang dating takot na tila kabahagi na ng buhay niya.

Huminga nang malalim si Leoncia. "Tulad ng sinabi ko, Emmy. Napamahal ka na sa akin. You are the daughter I never had. Mahal ko si Zach. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling iwan ninyo ako."

Inikot nito ang paningin sa buong silid. "Ang bahay na ito, ang buong niyugan, lahat ng ito ay maiiwan ko kay Zach sa sandaling mamatay ako. Malaking bagay ang niyugan sa ano mang kursong nais ni Zach na tapusin..."

Relief flooded Emmy's face, hindi dahil sa mamanahin ni Zach kundi ang katotohanang hindi mauuga ang buhay niya sa Isidro sa kalagayan niyang hindi makaalala. She wouldn't know where to go... what to do.

"Salamat, Mama..."

"May isa pa akong ipagtatapat sa iyo, Emmy. Patawarin mo ako kung naitago ko man ito sa iyo sa nakalipas na mga taon..."

Bumundol ang kaba sa dibdib ni Emmy na agad tumaas ang kamay niya roon. Alam ba ni Leoncia ang totoong pagkatao niya at pinanatiling lihim? Oh, god! Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman kung sakaling ganoon nga. Na sadyang inilihim ni Leoncia at Philip ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya sa nakalipas na mga taon.

Nakabalatay marahil sa mukha niya ang nasa isip dahil agad na nagsalita si Leoncia, "Wala akong alam sa totoong pagkatao mo, Emmy. Katunayan ay nagtataka ako kung bakit hindi mo man lang naisip na ipalathala ang larawan mo sa mga pahayagan noong panahong ipinagtapat sa iyo ni Philip ang katotohanan."

"Ang dahilan ko at dahilan ni Philip sa nakalipas na mga taon ay pawang makasariling kadahilanan. Ang sa iyo ay hindi ko alam..."

Matagal siyang tumingin sa kadiliman sa labas ng bintana bago sumagot. "Nabanggit sa akin ni Philip ang bagay na iyan pagkatapos niyang ipagtapat sa akin ang totoo, Mama. Pero ako ang umayaw. Kahit noon. Natatakot ako. Hindi basta takot, Mama. Matinding takot na paulit-ulit kong nararamdaman sa nakalipas na mga taon.

"Hindi ko alam kung bakit. Na para bang kapag ginawa kong ipaalam sa lahat nanarito lang ako at buhay ay mawawala lahat ang kapayapaan at kaligtasang nararanasan ko rito sa farm..."

"Kung magsalita ka'y parang may nagtangka sa buhay mo bago ka natagpuan sa bangin."

Continue Reading

You'll Also Like

11.7K 96 9
Taken place after the gaang finds Toph. UPDATE: There will be a rewrite of this book coming as soon as next week, and as late as two weeks! Stay tun...
4.1K 175 4
"do not forget that blood is thicker than water, it is a viscous fluid, my dear." -where amalia...
52.6K 1.6K 22
Naruto and Kakashi were sent to the past to fix everything by Kurama, they have planes they have each other and they have dreams, how things could ch...
351K 574 7
Expect me not to disappoint you in reading. You will finish each chapter with something new to learn and wet with love. This book is a list of SMUT s...