Kristine Series 53: Magic Mom...

By Imperfect_Philozoic

160K 2.7K 183

Nagkamalay si Alaina sa isang ospital sa isang probinsiya na puno ng sugat ang katawan. She had no memory of... More

Martha Cecilia - I Have Kept You In My Heart(Kristine Series 53)
Notes
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Epilogue

Chapter Nine

3.6K 77 3
By Imperfect_Philozoic


"WHAT?" singhal ni Nick sa sekretarya. 

"Tiyakin mong mahalaga ang sasabihin mo kaya tinawagan mo ako sa numerong ito, Sheila."

"Sorry, sir. Tumawag po si Doña Beatriz at nagpapasundo sa airport bukas ng madaling-araw. They took the redeye, sir. Pulos daw po voice prompt ang sumasagot sa isang cellphone ninyo."

"Naiwala ko ang cell phone ko." Bumaba ang tinig niya. "Hindi ko pa napapalitan. 'Akala ko ba'y sa isang buwan pa balak umuwi sa Pilipinas sina Papa at Tiya Beatriz?"

"Aagahan na raw po nila. Tutal fiesta naman daw po sa Santo Cristo sa makalawa. Isa pa, gusto rin po daw nilang makilala ang asawa ni Ms. Drew, sir."

Iyon mismo ang dahilan. Matagal nang ipinahayag ni Franco at Beatriz ang plano na umuwi sa Alta Tierra at doon na mamirmihan. Natitiyak niyang dahil sa mag-asawang Leandro at Drew ang sanhi ng mas maagang pag-uwi ng mga magulang. His parents had really never got the chance to talk to Leandro. Kinukuwestiyon din siya ng mga magulang sa biglaang pagpapakasal ni Drew at bakit daw sa Las Vegas pa.

Another thing, nalimutan niya ang tungkol sa fiesta. Tradisyon nang naroroon siya taon-taon bilang host. Noon pa siya pinaalalahanan ni Tonya. Tatawag na raw ba ito ng mga matatanda para sa pagluluto. Subalit naging abala siya kay Drew at Leandro.

"Tawagan mo si Tonya, Sheila. Sabihin mong ipasa ang pagho-host sa mga matatandang tiyahin at kamag-anak ni Manong Hilarion. Tutal ay dati namang ginagawa nila ang pagpapakainbago ko inako. Wala na akong panahon kung ako pa ang mag-aasikaso. Hindi rin kakayanin ni Tonya mag-isa. Tawagan mo rin si Drew upang ibigay ang kaukulang gastusin sa matatanda..."


 "ENGGRANDE ang fiesta dito sa inyo," komento ni Zack pagkatapos siyang ipakilala ni Caleb sa mga tiyahin nito at sa nanay ni Gillian.

Sa pagkakaalam ni Zach ay ulila na sa mga magulang si Caleb at ang lolo nitong si Hilarion ang nagpapaaral dito.

May ilang matatandang lalaki at babae ang nagluluto para sa aktuwal na fiesta sa kinabukasan. Sa labas ay may naghahanda na para sa tatlong baboy na lilitsunin. Ilang manok din iyong nakikita niyang tinatanggalan ng mga balahibo.

Mahinang tumawa si Gillian. "Matatandang dalagang tiyahin ko iyang nakikita mong nagsisipaggayak. Si Mr. Navarro ang gumagastos bilang host. Marahil ay abala ito at hindi makakauwi kaya si Nanay at ang mga tiya ko ang naghahanda."

"Bukas lang ay darating ang mga taga-simbahan, pati na rin ang mga miyembro ng banda," wika naman ni Caleb. "Lahat ng mga nakikita mong niluluto ay dadalhin sa bahay ni Lolo Hilarion."

"Iuwi mo na muna sa atin iyang bisita mo, apo, at nang makapagpahinga," ani Mang Hilarion. "Padadalhan ko kayo ng pagkain mamaya lang.

"Sige po, 'Lo."

Habang nakasakay sa kalabaw si Caleb ay nasa loob naman ng karomata si Zach at panay ang linga sa paligid. Sa mga tanawing nakikita niya ay para siyang wala sa Pilipinas. Ang Isidro ay isang maliit lang na baryo at may mga gubat din naman. Pero ni hindi niya iyon maihahambing sa mga nakikita niya sa daan.

"You have a nice place here, Caleb."

"Hindi ba at probinsiya rin naman ang inyo? Mas malayo pa nga ang Bicol kaysa dito sa amin, eh. At tiyak na pareho lang ang tanawin."

"Pero isla itong lugar ninyo at sinasakyan pa ng ferryboat bago makarating. Isa pa'y pulos niyugan ang amin. Dito ay naglalakihan ang mga puno ng kahoy. Para kang nasa ibang bansa. Kanina bago tayo dumaong ay may natanaw akong isang mataas na bahagi ng lupa at sa tuktok ay tila bubong ng bahay ang natanaw ko."

"Ang Alta Tierra marahil ang natanaw mo. Bubong ng mansiyon ang natanaw mo. Malayo iyon dito. Pag-aari ng mga magulang at kapatid ni Mr. Navarro ang lugar na iyon. Dalawang beses pa lang akong nakarating doon. Iyong una ay sa dagat pa. At tulad mo ay natanaw korin ang mansiyon ng mga Navarro kaya pinilit ko si Lolo na tumungo roon."

"Mansiyon sa isang isla? Sa matarik na lugar? That's neat!"

"Yeah. Parang paraiso ang Alta Tierra, Zach. Hanggang ngayon ay pinanatiling walang modernong komunikasyon doon. Maliban sa two-way radio. Matagal nang may mga cell site sa malapit na isla pero sa pagkakaalam ko, kapag nagtutungo rito ang mga Navarro para magbakasyon ay sadyang iniiwan ang mga cell phone. They're totally cut off from the rest of the world."

"That's neat! Paano kung may emergency?"

"Mula sa mansion ay isang oras na biyahe sa Destileria. Doon ay may telepono. Pero ang gamit niyon ay natatangi sa negosyo lamang. Hindi ko lang alam kung may telepono sa Hacienda Monica sa Sto. Cristo. Si Don Franco lang naman ang sadyang nagbawal na walang telepono kapag narito sila sa isla."

Nilaro ni Zach ang cell phone. "Hindi ko yata kayang walang cell phone," aniya. "Nasa iisang isla kayo, bakit dalawang beses ka lang nakarating doon?"

"Pribado ang bahaging iyon ng isla. Pero siguro kung ginusto kong magtungo roon ay puwede naman. Mabait naman si sir Alvaro, iyong panganay na anak ng mga Navarro. Sakamalayo iyon mula rito sa amin. Dalawang oras mahigit sakay nitong karomata. Mas madaling magtungo roon kung sa dagat ang daan."

"So, ano ang plano natin bukas?" Umaasam siyang sa Alta Tierra siya yayakagin ni Caleb.

"May karnabal sa di-kalayuan sa bayan. Malapit na iyon sa Santo Cristo ranch. Iyong lugar ay ipinahihintulot sa kanila ni sir Nick taon-taon. Punta tayo roon. Maraming chicks din doon na tiyak na nakikipamiyesta rin."

"Other than that?" Wala siyang excitement na maramdaman para sa karnabal. Pangkaraniwan na iyon tuwing may piyesta. Ni hindi niya nakahiligang magtungo roon. At kung girl hunting naman, disin sana'y sa escuelahan na lang nila.

Pero hindi niya isinatinig upang hindi ma-offend si Caleb. Nang imbitahan siya nito sa lugar na iyon ay nais lang niyang pagbigyan ang kaibigan. Noong nakaraang taon pa siya nito inimbitahang magtungo sa isla na iyon pero tinanggihan niya dahil nagkataong may sakit ang kanyang papa.

Kaya ngayong muli siya nitong inanyayahan ay kailangan niyang pagbigyan ito. At inaasahan na niyang wala naman siyang bagong makikita na hindi pa niya nakita sa kanila. That he would be bored to death.

But he was wrong. Sa ferry pa lang ay natuwa na siya. He had never been to an island. O nakasakay man lang ng ferry. Sabi ni Caleb ay may barge din daw. Marahil sa pagbabalik nila sa kabisera ay pipiliin niyang sa barge sumakay, kung posible.

Habang tinatanaw niya ang Alta Tierra kaninang nasa dagat sila ay naroon ang pagnanais na gusto niya iyong makita at marating. May waterfall din siyang natanaw mula sa malayo na marahil ay sa isang munting lawa bumabagsak ang tubig at tumutuloy sa dagat.

Gayon na lang ang paghanga niya sa buong paligid. Sa mga kakaiba at naglalakihang punong noon lang niya nakita sa buong buhay niya. It was as if they were in a foreign land.

"Makakahiram tayo ng kabayo kay Lolo," pukaw ni Caleb sa pag-iisip niya. "Marunong ka bang mangabayo?"

"Sasakyan mo lang naman iyan, 'di ba?" He gave a short laugh. "Sa amin ay may kabayo rin. Pero kinakargahan ng kung ano-ano."

"Ganoon din sa amin. May isang kabayo si Lolo pero hindi magandang klase. Hindi gaya ng mga napapanood mo sa sine at ng mga kabayong pag-aari ng mga Navarro. Galing pa sa ibang bansa ang mga kabayong nasa kuwadra nila. Iyon ang sabi ni Mang Erning, ang tagapag-alaga ng mga kabayo. May narinig pa nga akong Arab breed."

"Wow!" bulalas niya. Now that got his interest.

He had always loved horses. Nangarap siyang magkaroon man lang ng kahit isang kabayong mahusay ang lahi. Pero alam naman niyang hindi biro ang halaga niyon. Ni sa panaginip ay hindi kayang bilhin ng papa niya ang isang imported na kabayo. Kaya pinagtitiyagaan niya ang dalawang pipitsuging kabayo sa niyugan nila.

"Ito na lang karomata ang gamitin natin bukas," ani Caleb. "'Kakatamad ding mangabayo lalo kung hindi halos lalakad iyon kung tayong dalawa ang sakay. At saka baka nakakahiya lang tayo kung makita ng mga taga Alta Tierra na patpatin ang kabayong dala natin."

"No problemo." Isang magandang karanasan iyong makakakita siya ng totoong stallion. 


MAAGANG-MAAGA pa kinabukasan ay sakay na muli ng karomata sina Zach at Caleb upang magtungo sa Alta Tierra. Bago sila umalis ay may ipinahabol si Manong Hilarion.

"Dalhin ninyo itong baong kanin at ulam at natitiyak kong pagbibigyan kayo ni Erning na mangabayo. Malamang niyan ay makapananghali na kayo makakabalik dito...."

Isang maliit na basket na may lamang pagkainang itinabi nito kay Zach na muli ay siyang nakaupo sa karomata at si Caleb ang sa ibabaw ng kalabaw.

"Nariyan na rin ang tubig ninyo."

"Salamat po, Lolo Hilarion..." ani Zach.

Pagkatapos ay inihagis ni Manong Hilarion sa dalawang binatilyo ang dalawang sombrerong yari sa buli. "Kainitan ang araw ngayong umaga, hindi tulad kahapon. Pero hindi sapat para matuyo kaagad ang putik sa malalalim na lubak sanhi ng ilang araw na pag-ulan." Sinulyapan nito ang apo sa ibabaw ng kalabaw. "Caleb, mag-ingat kang mabalaho sa putikan..."

"Opo." Tinapik ng paa nito ang tagiliran ng kalabaw at umusad na iyon.

Ilang sandali pa'y nasa daan na ang dalawang binatilyo. Zach couldn't contain his excitement.

"Mahabang biyahe mula rito sa amin ang Alta Tierra, Zach. Kay bagal nitong karomata. Tiyak mo bang 'di ka maiinip sa mabagal nating biyahe?" Nilingon siya ni Caleb.

"Wala naman tayong gagawin sa inyo. Isa pa'y gusto kong kumuha ng mga larawan habang patungo tayo roon. Matutuwa si Mommy sa mga nakuhanan ko na. At kung makukuhanan ko nang mahusay ang mansiyon, mga kabayo, at ang waterfall, ay baka magamit ni Mommy."

"Aba, magandang subject ang Thoroughbred ng mga Navarro, pare. Lalo na kung makuhanan mo ang mga kabayong tumatakbo."

"Oh, wow! Sana nga. Matutuwa tiyak si Mommy."

Wala pang treinta minutos silang nasa daan nang may masulyapan sa may bahagi ng gubat si Zach. "Hey, pare, sino iyon?" Inginuso nito ang hinahayon ng paningin.

Sa kabilang bahagi ng gubat, mahigit sa sampung metro mula sa malubak na daan, ay isang dalagita ang nakita niyang naghahakot ng bungkos na mga kahoy at ikinakarga rin sa mas mababang karomata na walang gulong.

He focused his camera on her using the zoom lens. Napasipol siya nang matuon ang lens sa mukha ng dalagita. "Pare, maganda," aniya.

Nilingon ni Caleb ang itinuro niya. Umasim ang mukha nito. "Si Elisse. Sa kabisera nag-aaral iyan. Kasing-edad ni Gillian at dati silang schoolmates sa elementary."

"Ano iyang ginagawa niya?"

"Naghahakot ng mga kahoy. Iyon ang trabaho nilang magnanay, ang manguha ng kahoy at ipagbili sa kabisera."

"Huminto ka. Ipakilala mo ako..." Nalingunan na sila ng dalagita at nang mapunang kinukuhanan niya ito ng larawan ay sumimangot ito, tumalikod at pahagis ang ginawang paglalagay ngbungkos ng mga kahoy sa karomata.

Natawa si Caleb. "Pare, ni hindi tayo papansinin niyan. Sa kasupladahan, mananalo si Elisse ng first prize. Maraming chips sa shoulder niya iyan. Ni hindi nga naging kaibigan ni Gillian iyan, eh."

Knowing Caleb's cousin, na ang gustong mga kaibigan ay yaong mga may kaya sa paaralan ay hindi siya magtataka. "Ano ang ibig mong sabihin?" Tuloy sa pagtakbo ang karomata pero nililingon pa rin niya ang dalagitang mangangahoy.

"Mahabang istorya, pare. Mabo-bore ka lang."

"Makikinig ako. Sige na. Tutal mahaba ang biyahe natin, sabi mo, 'di ba?"

Mula sa ibabaw ng kalabaw ay nilingon siya ni Caleb na nakakunot ang noo. "Why the interest?"

"Indulge me. Kursunada ko."

Natawa ito. "Naalala mo iyong lalaking kausap ni Ms. Drew kanina sa ferry?"

Agad na nag-flash sa isip niya ang malaki, mataas, at magandang lalaking nakikipagtalo sa magandang babaeng tinutukoy ni Caleb. Ang lalaking pinag-iisipan niyang baka saktan ang magandang babae.

"So what about him?"

"Si Kuya Leandro iyon. Siya ang humalili kayLolo sa pamamahala sa Hacienda Monica. Bagaman mayroon ding sariling lupaing minana si Kuya Leandro sa mga del Mare. Balita ay ampon lamang si sir Leandro ng mga del Mare. Gayunpaman, sa kanya ipinamana ng nakilalang lolo niya ang bulto ng kayamanan nito kaysa sa totoong apo..."

"Ano ang kinalaman niyan doon sa magandang dalagitang nakita ko?" Zach asked patiently.

"Iyong totoong apo ni Manong Gerardo—that was the grandfather—si Grant, ay balitang anak si Elisse. Grant's bastard. Bastard sa diwang wala naman sanang asawa si Grant pero hindi nais pakasalan ang nanay ni Elisse. Balita pa ngang pinagsamantalahan lang ni Grant si Aling Henrietta."

"And?"

Nagkibit ito ng mga balikat. Tinapik ng mga binti ang kalabaw upang bumilis. "Balita lang iyon. Hindi ko alam kung totoo o hindi. Minsan nang itinanong ni Gillian kay Lolo iyan pero nagalit lang si Lolo. Si Grant ay may masamang reputasyon sa mga tagarito. Mas na kay Kuya Leandro ang paggalang ng mga tagarito kahit 'di siya tunay na apo ni Manong Gerardo."

Hindi na kumibo si Zach. Hindi niya tiyak kung narehistro sa isip niya ang kuwento ni Caleb. Ang interes niya ay para lamang sa magandang dalagitang natanaw niya, hindi sa talambuhayng ibang tao. Mula sa camera ay tiningnan niya ang tatlong kuha niyang larawan ni Elisse.

"She's a looker, Caleb. Kahit na luma na ang suot."

Isang sarkastikong tawa ang pinakawalan ni Caleb. "Yeah. At kilala sa buong paaralan sa kabisera iyan. Dahil matalinong talaga. Full-time scholar si Elisse, pare. Simula kinder. Pambato ng school. At may hitsura kahit parang si Olive Oyl sa kapayatan. Pero kuwidaw, saksakan ng suplada si Elisse."

"Nakita ko sa camera ang pag-ingos sa atin." Zach laughed.

Kung ano man ang isasagot ni Caleb ay hindi natuloy dahil bigla silang tumagilid nang malubak ang isang gulong ng karomata. Kung hindi mabilis na nakakapit nang mahigpit si Zach ay malamang na dumausdos ito sa bahaging tumagilid.

"Shit!" Caleb muttered. "Bumalaho tayo."

"Iyan na nga ba'ng sinasabi ng lolo mo." Agad na tumalon mula sa karomata si Zach. Sinipat ang gulong. "Pare, kalahati ng gulong ang bumaon sa putikan. At bahagyang nawala ang gulong sa axle!"

Muling napamura si Caleb. "'Akala ko'y walang lubak. Natatakpan lang pala ng mga damo." Ito man ay bumaba na rin mula sa likod ngkalabaw. Pagkatapos ay sinilip din ang gulong sa hulihan. "Putsa! Parang lumihis ang gulong mula sa axle, ah...."

"Sabi ko nga." Napa-tsk si Zach. "Mahabang trabaho iyan, pare. Kaya ba nating ayusin iyan? Wala tayong gamit kahit man lang maliit na martilyo."

"Subukan natin." He tsked again. "Kapag 'di natin ito naayos ay malamang niyan maglalakad tayo pabalik sa amin." 


"AKO NA ang magmamaneho, Papa," ani Nick at umikot patungo sa driver's seat ng yellow Hummer. 

"Kaya ko pang magmaneho, Nick. At wala akong traffic na makakasalubong dito sa Alta Tierra. Kahit sa Santo Cristo."

"Hayaan mo na ang anak mo, Franco," ani Beatriz at pumasok sa passenger area sa likod na binuksan ni Nick. "Mahirap magmaneho sa bulubundukin at rough road lalo at nagpuputik ang daan. Tiyak na kay lalalim ng mga lubak."

"Kaya nga binili ni Nick ang Hummer, 'di ba? Anyway, bahala na nga kayong dalawa. Ang importante ay makarating tayo sa bayan. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita ni Hilarion. Darling, dala mo ba ang mga pasalubong natin?"

"Nasa likod. Binalot ko nang isa-isa sa Maynila pa lang..."

Ilang sandali pa ay binabaybay na nila ang daan palabas ng Alta Tierra.

"Talaga bang hindi ninyo nais na magkakapatid na ipasemento ang daan dito sa atin?" tanong ni Doña Beatriz bagaman alam na nito ang sagot. She was just making conversation.

"I love Alta Tierra as it is, darling," sagot ni Don Franco sa medyo naiiritang tinig. "Kung gusto natin ng modernong mga kalsada, then we can always go visit Manila... or go back to America."

Hindi na kumibo si Beatriz. Nasa labas na sila ng asyenda at ilang minuto na lang at nasa bayan na ng Sto. Cristo nang may mapansin si Nick sa unahan nila.

Continue Reading

You'll Also Like

262K 10.1K 75
Born in what reality fears, (y/n) escapes with an unexpected companion. Their escape is what brings them to a large turn of events and it is probably...
228K 6K 23
☾ 𝒯𝒽𝑒 𝒯𝓌𝒾𝓁𝒾𝑔𝒽𝓉 𝒮𝒶𝑔𝒶: ℬ𝓇𝑒𝒶𝓀𝒾𝓃𝑔 𝒟𝒶𝓌𝓃 - 𝒫𝒶𝓇𝓉 2 ☽ (𝐎𝐂 𝐱 𝐁𝐞𝐧𝐣𝐚𝐦𝐢𝐧) (𝐎𝐂 𝐱 𝐓𝐡𝐞 𝐓𝐰𝐢𝐥𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐒𝐚𝐠𝐚:...
25.1K 502 19
Y/n was one of the first few people to enter Janson's 'safe haven', along with Aris. As a new group of people show up, the chaos begins. what will y...
4.5M 198K 43
He needs a place to live, she needs a baby daddy. Pietro Santangelo and Marguerite White are students at prestigious Columbia University in New...