Kristine Series 53: Magic Mom...

By Imperfect_Philozoic

160K 2.7K 183

Nagkamalay si Alaina sa isang ospital sa isang probinsiya na puno ng sugat ang katawan. She had no memory of... More

Martha Cecilia - I Have Kept You In My Heart(Kristine Series 53)
Notes
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Epilogue

Chapter Six

3.7K 80 8
By Imperfect_Philozoic


BINASAG ni Philip ang katahimikan sa pagitan nila.

"Sa loob ng mahigit na labing-apat na taon ay hindi ka umaalis sa bayang ito, Emmy. Ikinulong mo ang sarili mo sa niyugan. Sa sulok na bahagi ng puso ko ay ikinagagalak ko iyon dahil natatakot akong makaalala ka. Na bakamakakita ka ng mga bagay na magpapaalala sa iyo. Na baka isang araw paggising ko ay wala ka na."

"Subalit ang kabilang bahagi ng puso ko'y nag-uudyok na hanapin mo ang iyong nakaraan. Dahil alam kong hindi ka maligaya sa kalagayan mo. Lalo na nang maramdaman kong unti-unti na akong iginugupo ng aking sakit..."

Emmy bit her lip to keep from crying.

"Kapag wala na ako ay nais kong bumiyahe ka. Baka sakaling may makakilala sa iyo... baka sakaling may mga bagay na magpapaalala sa iyo ng nakaraan mo..."

Hindi siya sumagot. Hindi niya gustong tanggaping mawawala sa kanila si Philip. Noong hindi pa ito iginugupo ng sakit ay hindi miminsang sinabi nito sa kanya na mamasyal naman sila. Magtungo sa kalapit-bayan at siyudad. Sa Quezon halimbawa kung hindi man sa Legaspi o kahit sa Maynila.

Pero siya ang tumatanggi. Parang may kinatatakutan siyang hindi niya mawari. Na para bang kapag umalis siya sa niyugan ng mga Javier ay mapapahamak siya. The fear that she felt was unexplainable.

At nitong nakalipas na dalawang linggo, magmula nang ipagtapat sa kanya ni Philip ang totoong ugnayan nila ay isinuhestiyon nito na ipalathala niya ang larawan niya sa mgaperyodiko. Muli, ay mariin siyang tumanggi. Tuwina, naroroon ang hindi mawaring takot sa dibdib niya.

"Hindi tayo nakatitiyak na may pamilya pa ako, Philip," aniya at humilig sa braso nito. "Natitiyak kong naging laman ng peryodiko ang nangyaring aksidenteng kinasangkutan ko pero bakit wala man lang naghanap sa akin?"

"Dahil pangalan ko ang taglay mo, Emmy, bilang aking asawa. Emmy Javier. Iyon marahil ang dahilan."

"Hindi ko nauunawaan. Kung sakay ako ng bus na iyon, may mga kamag-anak sana akong naghanap sa akin, hindi ba?"

"Naisip ko na rin iyan. Pero ano ang malay natin kung mayroon ngang naghahanap pero hindi lang natin nalaman."

Nahihimigan ni Emmy sa tinig ni Philip ang mabuway na pangangatwirang iyon. Hanggang ngayon ay nalilito at naguguluhan pa rin siya kapag napag-uusapan nila ang bagay na may kinalaman sa kanya.

Sa nakalipas na mga taon, sa bawat araw ng buhay niya, she could feel this certain longing in her heart. May hungkag sa puso niya na hindi nagawang punan ni Philip. It was as if she was missing someone.

But who could be that someone? Bakit hindi siyahinanap? Bakit walang nalamang taong naghanap sa kanya mula sa mga pasahero ng bus? O baka naman wala na siyang pamilya at nag-iisa na lang siyang talaga nang sumakay siya sa bus.

And it had been fourteen years and seven months. Maliban sa panlulumo kung bakit hindi siya makaalala ay tahimik at payapa ang buhay niya sa piling ni Philip, ng mama nito, at ni Zach. Hindi man naging totoong asawa niya si Philip sa tunay na kahulugan ng salita ay kontento siya bilang "Emmy Javier."

Sa paglipas ng mga taon ay umaasa siyang paggising niya ay maalala niya kung sino siya at paano siya natagpuan sa ibaba ng bangin.

Subalit nanatiling pag-asam na lamang ang bagay na iyon. Mas na naalala niya ang makaramdam ng takot. Matinding takot. Kung saan o kanino ay hindi niya alam.

"Bakit hindi mo dalhin sa Maynila ang iyong mga photography, Emmy? Sasabihin ko kay Mama na suportahan ang photo exhibits mo. Makipag-usap ka sa tamang mga tao. Baka sa pamamagitan niyan ay may makakilala sa iyo? Ayon kay Mama ay napakahusay mo sa pagkuha ng mga larawan. Nasasayang ang iyong talino."

"Ayoko, Philip. Tama nang nasa bahay ang aking mga kuhang larawan." Hindi niya gustong ulit-ulitin dito na muli ay naroroon ang takot sadibdib niya kapag nababanggit na kailangan niyang lumabas ng Isidro.

Katunayan ay hindi lang basta takot. Sometimes she would shiver at the thought of going places. Kahit ang takot na iyon ay hindi niya matiyak kung saan nag-ugat. If she were on that bus, hindi ba makatwirang sa biyahe o sa sasakyan siya dapat matakot?

Pero hindi ganoon. Katunayan ay siya ang nagmamaneho ng Ford truck ng mga Javier para sa regular na pagpapa-checkup ni Philip sa doktor sa bayan. Still, habang nagmamaneho siya ay hindi niya maiwasang magpalinga-linga sa paligid para sa mga aninong sa palagay niya ay nakasunod sa kanya.

She'd been living in paranoia for years. Kung mayroon man siyang gustong maalala ay ang dahilan ng di-mawaring takot na iyon.

"Kailan nga pala ang uwi ni Zach?" tanong ni Philip na muling pumutol sa daloy ng isip niya. "Tapos na ang klase at dapat ay narito na ang anak mo."

Nagdikit ang mga kilay ni Emmy at tinitigan ito. "Nakalimutan mo na bang kausap mo siya noong isang araw lang at nagpapaalam?" May pag-aalala sa tinig niya. Nitong nakalipas na mga araw ay nagiging labis na malilimutin si Philip. He was losing his strength, his memory almost.

Nakita niyang sa wari ay hinahagilap nito sa isip ang sinabi niya.

"Niyaya ng kaibigan at kamag-aral sa isang lugar sa Quezon. Isang isla raw yata ang pupuntahan at fiesta daw doon. Limang araw si Zach doon kasi nga raw parang dalawang araw ang fiesta sa..." Sandali siyang nag-isip bago, "tanda ko'y Santo Cristo ang ngalan ng lugar."

She was thoughtful for a moment. Sto. Cristo. Bakit parang pamilyar ang pangalan ng lugar na iyon sa kanya? She shook her head. She was being silly. Lahat naman ng mga bayan sa buong Pilipinas ay magkakahawig ng pangalan. Iisa ang mga pinagkuhanan—ang sarisaring santo at santa.

"Ewan ko ba at parang nais kong narito na ang anak mo. Bakasyon na kasi at buong klase ay sa dormitoryo sa Naga nakapirmi si Zach. Natatakot akong ano mang sandali ay iiwan ko kayo, Emmy. Gusto kong narito ang aking anak..."

Emmy stared at him thoughtfully. Something akin to fear spread in her heart. Takot na 'di katulad niyong lagi niyang nararamdaman kundi takot na ano mang sandali ay mawawala si Philip.

Isang pilit na tawa ang pinakawalan ni Emmy. "Kung hindi nga lang mahaba ang biyahe patungo sa Naga at pauwi rito sa atin ay hindi ko rin naman nais na mag-boardinghouse si Zach."

Inilagay ni Philip sa mga balikat niya ang braso nito at kinabig siya payakap. "Hindi ko pinagsisisihan ang mga taong magkasama tayo, Emmy," anito sa pagak na tinig. "Ang tanging pinanghihinayangan ko'y ni hindi kita nasilayan. Hindi miminsang sinabi ni Mama na isa kang napakagandang babae." Hinagkan nito ang noo niya.

Emmy smiled faintly. Totoong may bahagi ng puso niya ang kusang tumatanggi sa mga yakap at halik nito. Subalit sa paglipas ng mga taon, unti-unting nalusaw iyon. Lalo at iyon lamang naman ang kayang gawin nito.

"Kung wala kayo ni Zach, Emmy, my mother would be a very lonely woman. Gayundin ako. Kung wala ka at si Zach ay baka hindi ko natagalan ang pagkabulag at baka mas naisin ko na rin ang mawala. My mother would not survive another tragedy..."

Napatango nang wala sa loob si Emmy. Ang nakababatang kapatid ni Philip ay naaksidente sa isang kapistahan sa kabilang bayan maraming taon na ang nakararaan. Sa isang sport na kilala sa lugar nila. Ang carabao fighting.

Nahulog ito mula sa kinauupuang koral at tiyempong doon tumakbo ang isang kalabaw at nasuro ito. Hindi ito namatay sa aksidenteng iyon subalit naparalisa ang likod nito at hindi na maaaring makalakad pa. Hindi natagalan ngkapatid ni Philip ang sinapit at isang araw ay natagpuan itong patay sa may ibaba ng hagdan ng bahay ng mga Javier.

Natitiyak ng lahat na sinadya nitong magpa-tihulog kasama ng wheelchair nito. Malimit nitong sabihing sana'y namatay na lang ito noong maaksidente kaysa sa habang-buhay na pagkaka-kulong sa silyang de gulong.

Iyon tiyak ang dahilan kung bakit inangkin ni Leoncia Javier ang isang babaeng hindi makaalala na nakita nito sa ospital. Natakot itong baka gawin din ni Philip ang ginawa ng bunsong kapatid nito dahil sa pagkamatay ng asawa at pagkawala ng paningin at pagkaputol ng isang binti.

Leoncia thought that a child would make Philip cling to life. Na siyang nangyari. Sa loob ng mga taon ay nabuhay ang mag-inang Leoncia at Philip sa pag-iingat ng lihim na kung tutuusin ay hindi naman lihim. Ang bawat isa ay nagpadaya.

Nito na lang nakalipas na mga araw ipinagtapat ni Philip kay Emmy ang katotohanang iyon. Emmy was only mildly surprised. But surprised nonetheless.

"Puring-puri ka ni Mama, alam mo ba iyon?" he said chuckling softly. "Hindi rin miminsang sinabi ni Mama na sanay ka sa gawain sa niyugan." Niyuko siya nito. Ang mga mata nito, bagaman hindi siya nakikita, ay kumislap sa kaaliwan. "You must be a farmer before the accident."

"Marahil nga," sagot niya na may kasamang tawa. At muli ay pilit na pinagsikapang hagilapin sa isip ang nakaraang buhay. At tulad din ng dati ay kay ilap niyon.

"I wish you would remember, Emmy. Lalo na kapag wala na ako," ani Philip, may lungkot sa tinig.

Nahahati ang puso niya sa kaisipang iyon. Sa isang banda, wala siyang ibang pinakamimithi kundi iyon. Sa kabilang banda naman, narooon ang matinding takot. Sa dalawang doktor na pinagpatingnan sa kanya ni Philip ay pawang iisa ang mga sinasabi.

Ang masamang balita, ayon sa doktor ay maaaring hindi na muling magbalik ang memorya niya. Dahil sa trauma niya sanhi ng malakas na pagkahampas ng ulo niya sa isang bagay. O baka kusang umaayaw ang isip niya na makaalala sa isang posibilidad na may posttraumatic na mga pangyayari sa kanya. And that would explain the fear that she felt every now and then.

Minsan, nagigising siya sa hatinggabi na takot na takot. Gayunma'y wala siyang maalala sa mga napapanaginipan niya. O ang sanhi ng takot niya. Maliban sa tuwina'y hawak niya ang kanyang tiyan sa pagnanais na protektahan iyon.

Philip had explained the possibilities to her. Namarahil ay gayon na lamang ang pagnanais niyang ipagsanggalang ang nasa sinapupunan niya. Mula kanino at kung saan ay iyon ang hindi nila kayang ipaliwanag. Marahil mula sa aksidenteng kinasangkutan, ayon dito. Or Emmy could be a battered wife and was running from her husband.

Ang magandang balita, ayon pa rin sa mga doktor, ay posibleng pira-pirasong alaala ang maaaring magballik sa kanya lalo kung may mga bagay na maaaring magpaalala sa kanya.


 "HUWAG kayong masyadong magharot sa ferry, Caleb," ani Hilarion sa mga apong sina Caleb at Gillian. Pagkatapos ay sandaling dinaanan ng tingin si Zach. "Baka mamaya ay magkabiruan kayo at magkatulakan ay sa dagat kayo pulutin..."

"'Lo, naman," sagot ng binatilyo. "Hindi na kami mga bata."

"Nagpapaalala lang," umiiling na wika ni Hilarion na tumayo mula sa chrome bench. "Teka at tutunguhin ko ang Lola Insiyang ninyo." Tinungo nito ang kabilang bahagi ng ferry.

"Sana ay magustuhan mo sa amin, Zach," ani Caleb habang kinukuhanan niya ito ng larawan sa kunwaring paghakbang nito sa barandilya na ang backdrop ay ang karagatan at sa wari aytatalon ito. "Masaya ang fiesta sa Santo Cristo. Bukas, bisperas pero simula na ng kasayahan."

"At pinauuna ko nang hindi malaki ang bahay namin," dagdag ni Gillian sa defensive na tono. "Mahirap lang kami."

Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Zach. "Eh, sino ba ang mayaman?" Itinuon nito ang Canon sa dalagita.

Agad na nag-pose si Gillian, ginagaya ang pose ng mga modelo. "Ang pamilya mo," sagot nito, then made a face for the camera. "'Di ba may niyugan kayo?"

"Kaunting lupain lang, Gillian. Sa niyog din nanggagaling ang ikinabubuhay ng mga magulang ko."

"Mapalad ka, may sarili kayong lupain," patuloy nito habang sige rin sa pagpo-pose.

"Why are you so bitter?" kaswal niyang tanong habang sige sa pagso-shoot. "Nakapag-aaral kayo, 'di ba?"

"Ay naku, masanay ka na diyan sa pinsan ko, Zach. Ambisyosa 'yan. Walang kasiyahan."

Pinandilatan ni Gillian si Caleb.

"Minsan, kayo naman ang yayayain ko sa amin sa Isidro. Malayo-layo rin ang sa amin. Dalawa at kalahating oras ang biyahe mula sa school natin."

"Sure. Nang makilala ko naman ang mommy at papa mo," ani Gillian na nakatingala sa kanya, ang mga mata ay puno ng paghanga.

"My parents would love to meet you, guys," sagot niya at pagkatapos ay tumalikod at naghahanap ng view na puwedeng kunan.

"'Insan, don't be too obvious," nakasimangot na komento ni Caleb kay Gillian. "Kakahiya naman kay Zach. Nakikita ko namang kaibigan lang ang tingin niya sa iyo."

Si Zach ay wala na ang pansin sa mga kaibigan. Nai-focus niya ang camera sa isang magandang babae na nakatayo sa may barandilya ng ferry. Nakapanungaw ito sa karagatan at tila kay lalim ng iniisip. Hindi kalayuan dito ay natanaw niya ang isang panyo. Alam niyang hindi nito pag-aari iyon dahil hindi pa umaabot sa bahaging iyon ang magandang babae.

Wala sa loob na lumakad siya patungo sa kinakitaan ng panyo at dinampot iyon. Pagkatapos ay nilapitan niya ang magandang babae. Sa tantiya niya ay nasa beinte-dos ang edad. Tila ito modelo at sa wari ay hindi ito nababagay sa kapaligiran.

"Excuse me, miss," aniya sa malakas na tinig upang makuha ang atensiyon ng magandang babae. Hindi niya matiyak kung bakit naganyak siyang lapitan ito. "Sa iyo ba ang panyong ito?"

The woman did a graceful quarter turn. Tulad ng ginagawa niyong mga beauty contestant. And, my god, she's a beauty! Hinagod siya nito ng naiiritang tingin mula ulo hanggang paa.

"Are you trying to pick me up, young man?"

Zach's brow went up. A mischievous smile curled his lips. "Dream on..." he teased. Naka-plaster sa mga labi niya ang ngiti. Pagkatapos ay nilingon ang kinaroroonan nina Caleb at Gillian. Si Gillian ay sa kanila nakatingin sa magkadikit na mga kilay. "See that young girl? She's pretty at... mas batang di-hamak sa iyo. And she's got this huge crush on me."

Ang iritasyon sa magandang mukha nito ay unti-unting nahawi. Nahalinhan iyon ng ngiti. And Zach was mesmerized. She was truly beautiful. At sa buong buhay niya ay nakatanim na sa isip niyang ang mommy niya ang pinakamagadang babaeng nakita niya. Emmy didn't even look her age. Kapag magkasabay silang mag-mommy ay mas napagkakamalan siyang nakababatang kapatid ni Emmy.

"Anak kita, kaya mo sinasabi iyan..." nakatawang sagot ni Emmy kapag sinasabi niyang pinaka-maganda ang ina. And he couldn't remember being mesmerized by anyone's beauty, bata man o matanda, apart from his mother.

And now here he was, gazing at the woman's lovely face. The woman's smile turned into a full-blown laugh.

"Look at you. Nakatanga ka sa akin." Kapagkuwa'y umangat ang mga mata nito sa may bahaging likuran niya, pagkatapos ay nagsalita, deliberately turning her voice huskier. "Your friend over there might be younger, but I am more beautiful... and... sexier..."

"Now, lady, you are flirting..."

Bahagya lang ang bahid ng iritasyon sa tinig niya. Tutal nilapitan naman niya ito. Naiirita siya sa mga babaeng flirt. Mapa-classmates man o mapakaibigan. Mapakasing-edad niya o higit sa kanya ang edad tulad ng babaeng ito. But he was unexplainably intrigued with this stunning woman.

"Is it all right if I take your picture?" At bago pa man makasagot ang babae ay nakuha nang mag-shoot ni Zach. Dalawang anggulo ang kinunan niya.

Ang babae, bagaman tila bale-wala rito ang pagkuha niya ng larawan nito, ay unti-unting nawala ang ngiti at tinitigan siya nang mataman. Then she frowned.

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 198K 43
He needs a place to live, she needs a baby daddy. Pietro Santangelo and Marguerite White are students at prestigious Columbia University in New...
25.1K 502 19
Y/n was one of the first few people to enter Janson's 'safe haven', along with Aris. As a new group of people show up, the chaos begins. what will y...
228K 6K 23
โ˜พ ๐’ฏ๐’ฝ๐‘’ ๐’ฏ๐“Œ๐’พ๐“๐’พ๐‘”๐’ฝ๐“‰ ๐’ฎ๐’ถ๐‘”๐’ถ: โ„ฌ๐“‡๐‘’๐’ถ๐“€๐’พ๐“ƒ๐‘” ๐’Ÿ๐’ถ๐“Œ๐“ƒ - ๐’ซ๐’ถ๐“‡๐“‰ 2 โ˜ฝ (๐Ž๐‚ ๐ฑ ๐๐ž๐ง๐ฃ๐š๐ฆ๐ข๐ง) (๐Ž๐‚ ๐ฑ ๐“๐ก๐ž ๐“๐ฐ๐ข๐ฅ๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐’๐š๐ ๐š:...
5.5K 275 13
the monsters that lurked in the shadows turned out to be the pieces of us we left behind. ยฉsunkissed-poet 2024 the last of us | game & show joel mill...