LOVE at First Sight with DA-G...

By shyinggirl26

10.3K 602 38

Naranasan mo na bang mainlove sa Isang LALAKI at worst sa Isang BAKLA? Yong Hindi mo sinasadyang makita Siya... More

♥️PROLOGUE ♥️
♥️ CHAPTER 1 ♥️
♥️CHAPTER 2♥️
♥️ CHAPTER 3♥️
♥️CHAPTER 4♥️
♥️ CHAPTER 5♥️
♥️ CHAPTER 6♥️
♥️ CHAPTER 7♥️
♥️ CHAPTER 8♥️
♥️CHAPTER 9♥️
♥️ CHAPTER 10♥️
♥️ CHAPTER 11♥️
♥️ CHAPTER 12♥️
♥️ CHAPTER 13♥️
♥️ CHAPTER 14♥️
♥️ CHAPTER 15♥️
♥️ CHAPTER 16♥️
♥️ CHAPTER 17♥️
♥️ CHAPTER 18♥️
♥️ CHAPTER 19♥️
♥️ CHAPTER 20♥️
♥️ CHAPTER 21♥️
♥️ CHAPTER 22♥️
♥️ CHAPTER 23♥️
♥️ CHAPTER 24♥️
♥️ CHAPTER 25♥️
♥️ CHAPTER 26♥️
♥️ CHAPTER 27 ♥️
♥️ CHAPTER 28♥️
♥️ CHAPTER 29♥️
♥️ CHAPTER 30♥️
♥️ CHAPTER 31♥️
♥️ CHAPTER 32♥️
♥️ CHAPTER 33♥️
♥️ CHAPTER 34♥️
♥️ CHAPTER 35: PREPARATION FOR SENIORS BALL 1♥️
♥️ CHAPTER 36: PREPARATION FOR SENIORS BALL 2♥️
♥️ CHAPTER 37: SENIORS BALL PART I ♥️
♥️ CHAPTER 38: SENIORS BALL PART II♥️
♥️ CHAPTER 39: SENIORS BALL PART III♥️
♥️ CHAPTER 40: SENIORS BALL IV♥️
♥️ CHAPTER 41: SENIORS BALL V♥️
♥️ CHAPTER 42: COLDNESS ♥️
♥️ CHAPTER 43: GUILTY ♥️
♥️ CHAPTER 44♥️
♥️ CHAPTER 45♥️
♥️ CHAPTER 46♥️
♥️ CHAPTER 47♥️
♥️ CHAPTER 48♥️
♥️ CHAPTER 49♥️
♥️ CHAPTER 50♥️
♥️ CHAPTER 51♥️
♥️ CHAPTER 52♥️
♥️ CHAPTER 53♥️
♥️ CHAPTER 54♥️
♥️ CHAPTER 55♥️
♥️ CHAPTER 56♥️
♥️ CHAPTER 57♥️
♥️ CHAPTER 58♥️
♥️ CHAPTER 59♥️
♥️ CHAPTER 60♥️
♥️ CHAPTER 61♥️
♥️ CHAPTER 62♥️
♥️ CHAPTER 63♥️
♥️ CHAPTER 64: FAYE'S BIRTHDAY PARTY PART I♥️
♥️ CHAPTER 65: FAYE'S BIRTHDAY PARTY PART II♥️
♥️ CHAPTER 66: FAYE'S BIRTHDAY PARTY PART III♥️
♥️ CHAPTER 67- FAYE'S BIRTHDAY PARTY PART IV♥️
♥️ CHAPTER 68 ♥️
♥️ CHAPTER 69♥️
♥️ CHAPTER 70♥️
♥️ CHAPTER 71♥️
❤️ CHAPTER 72❤️
♥️ CHAPTER 73: INTRAMURALS ♥️
♥️ CHAPTER 74: INTRAMURALS II♥️
❤️ CHAPTER 75: INTRAMURALS III❤️
❤️ CHAPTER 76: INTRAMURALS IV❤️
❤️ CHAPTER 77: INTRAMURALS V❤️
♥️ CHAPTER 78: INTRAMURALS VI ♥️
♥️ CHAPTER 79: INTRAMURALS VII♥️
♥️ CHAPTER 81: INTRAMURAL IX ♥️
♥️ CHAPTER 82: INTRAMURALS X♥️
♥️ CHAPTER 83: KAMJE FIRST DATE♥️
♥️ CHAPTER 84: OVER NIGHT ♥️
♥️ CHAPTER 85: EPILOGUE♥️
♥️SPECIAL CHAPTER ♥️

♥️ CHAPTER 80: INTRAMURALS VIII♥️

89 5 0
By shyinggirl26

"JEJE POV'S"

Pakiramdam ko sasabog Ako sa sobrang lakas Ng tibok Ng puso ko isabay mo pa Ang panginginig Ng mga kamay ko kahit wala naman akong ginagawa lalo na at sinabi ni manang na paparating na yong parents ni Mara.

Putek! Kinakabahan na talaga Ako.

"M-maraa! Where are you going?!" Sigaw ko Ng makitang tumayo Siya at paakyat na sana Ng hagdan Ng mapatingin Siya sa pwesto ko.

"Maghintay ka rito!"

"Gusto mo ba Ng maiinum iho? Ikukuha kita" napatingin Ako sa Kay manang na nakangiti parin sakin Hanggang ngayon para bang inaasar Niya kami ni Mara.

"Naku wag na po manang"

"Kuya JE! Gusto mo? Kuha ka!" Sambit ni Faye at inaabot sakin yong chichiryang hawak Niya umupo ito sa kaharap kung sofa habang may kinakalikot sa laptop niyang Dala, mukhang may pinapanuod Siya.

"Okay lang Faye salamat"

"Mamaya ka na umuwi kain ka muna at para makilala mo narin si Mamang at Tatang matagal ka na nilang gustong makilala, yon nga lang Hindi kayo nakakapang abot Kasi maaga silang pumupunta sa trabaho" mas lalo pa akong kinabahan Ng marinig Ang sinabi nito parang domoble Ang lakas Ng tibok Ng puso ko.

Hindi na yata normal Ang tibok Ng puso ko.

"Ahhh si-geee" utal kung sambit na tinawanan Niya lang, mukhang nahalata niyang Kinakabahan Ako.

"Don't worry kuya je Hindi naman sila nangangagat kaya kalma ka lang diyan?"

"Yan Rin Ang Sabi ko sa kaniya kanina! Iniisip Niya pa atang may snifer tayo rito sa mansyon kung makapagmasid Akala mo secret agent ehhh!" Sinamaan ko Ng tingin si Mara habang natatawa naman Siya sakin.

Nakakainis di man Niya lang Ako pinapakalma rito! Pinapalala Niya pa Ang sitwasyon ko!

" Hahahahahaha grabe ka atee! Mas lalo mo lang pinapakaba si kuya je" natatawang sambit pa ni Faye na patingin tingin sakin. "Ang masasabi ko lang sayo kuya je! Mas mabait pa si Mamang at Tatang kesa Kay ate Mara tandaan mo Yan para Hindi ka na kabahan!"

"So pinaparating mo na masama akong anak! Ganoon ba faye?" May inis sa tonong sambit ni Mara sa kapatid.

"Nayy! Nandiyan na ba Si Mamang at tatang! Gutom na Ako ehh" napatingin kami Kay josh na pababa Ng hagdan habang humihikab, nagulat pa Siya Ng makita ako. "Hi kuyaaa! Dito ka ba matutulog?"

"Nako! May iniinit pa Pala Ako, maiwan ko muna kayo riyan!" Nagmamadaling tumakbo si manang papunta sa kusina.

"Mamamanhikan raw Siya!"

Nanlamig Ako sa sinabi ni Mara, tumaas bigla Ang balahibo sa batok ko at parang may kumikiliti sa bewang ko.

"Ackkkkkkkk! Shit!" Napatingin kami Kay Faye Ng mabulunan ito at nagkalat yong chichiryang kinakain Niya. "To-too? Mamamanhikan ka na? Bakit? Nabuntis mo ba si ate?!"

"What the fuck Faye!"

Parang gusto ko nalang lumubog sa inuupuan ko sa sobrang Kaba at Pakiramdam ko aatakihin pa Ako Ng hika kahit wala naman akong sakit, nararamdaman ko Rin Ang pangangamatis Ng buong Mukha ko at kahit malamig naman rito sa loob napakainit sa Pakiramdam Hindi ko alam kung saan ko ibabaling Ang Mukha ko para Hindi nila makitang namumula Ako.

"Ate! Buntis ka?!" Mas lalo pa akong nakaramdam Ng init Ng magtanong Rin si Josh.

"Santa sima! Iha Mara ano itong naririnig ko na nagdadalang tao ka!" Sabay sabay pa kaming napatingin Kay manang na nanlalaki Ang mata habang patingin tingin sa pwesto ko at Kay Mara.

"Fuckshit!" Narinig kung Singhal ni Mara at Nakita kung napahilamos nalang sa Mukha.

Hindi ko alam pero para akong nawalan Ng boses.

"Who's pregnant nay?" Nanlamig bigla Ang buong katawan ko Ng marinig Ang malamig at baritonong Boses na yon.

"Tang! Mang! Good evening!" Awkward pang sigaw ni Faye sa bagong dating, narinig ko Ang pagbukas Ng pinto dahil sa sobrang tahimik.

"Who's pregnant Faye?" Ulit pa nitong tanong at kahit Hindi ko pa Nakita kung sino yong dumating Pakiramdam ko mamamatay na Ako sa sobrang lakas Ng tibok Ng puso ko.

Nakakatakot para akong bibitayin?

"Ahhhh! Tang wala pong buntis! Jino joke time lang po Namin si ate Mara!" Halatang kabadong sinabi yon ni Faye na nakatingin sa gilid ko, nakatalikod Kasi Ako sa pwesto Ng pinto kaya Hindi ko Makikita kung sino Ang pumapasok.

"Ouh! May bisita Pala tayo" mas lalo pa akong nanlamig Ng marinig Ang boses Ng babae, naririnig ko Ang mga sapatos nilang papalapit sa pwesto ko kaya doble doble Ang kabang nararamdaman ko isabay mo pang namamawis na Ang buong Mukha ko at kahit Nanginginig Ang dalawang paa ko pinilipit ko paring tumayo para Hindi nila maisip na bastos Ako dahil Hindi ko sila binabati.

"Go-od ev-ning ma-am.. Go-od ev-ning po s-sir" utal utal ko pang sambit habang yumuyuko at Hindi Ako makatingin sa kanila Ng diritso para akong sigarilyo na unti unting nauupos dahil sa presensya nila.

Para na akong kakapusan Ng hininga Ng tumahimik bigla Ang paligid at naghihintay kung sino Ang magsasalita.

"Magandang Gabi Rin sayo iho maupo ka, Yaya La please put it in our room thank you" sambit Ng ginang na inabot sa katulong yong bag na Dala Niya.

"Okay po Ma'am"

"Are you Mara's boyfriend? Hey come here, we won't do anything to you" nahihiya akong lumapit sa pwesto ng daddy ni Mara na ngayon ay nakaupo na katabi nito yong ginang, para akong robot na kusang sumunod Ng sumenyas siyang umupo Ako sa tabi niya at Hindi parin nawala Ang matinding Kaba sa dibdib ko Pakiramdam ko nga anytime sasabog na Ako ehhh.

Bomba Ang peg!

"So you are Jeje Marquez?!" Hindi ko alam kung patanong ba yon o Ano pero tinanguan ko lang Siya habang Nahihiyang napatingin sa kaniya.

kamukhang kamukha Niya si Josh, pinaghalong Mara at Faye gets niyo? Ako Hindi ehhh!

"Don't worry iho Hindi Ako Galit sayo!" Nanlamig Ako Ng hawakan Niya Ang balikat ko Nakita kung natawa Siya sa reaction ko. "Masaya akong makilala ang lalaking kinahuhumalingan Ng panganay kung anak"

"Tanginang kinahuhumalingan yan tsk!"

"Mara ANAK! Magdahan Dahan ka sa pananalita mo! Iho dito ka na maghapunan para naman mas makilala ka pa namin" tumango Ako sa sinabi Ng ginang habang genuine na nakangiti sakin. "Wag Kang mahiya iho"

Mabait naman Pala Ang parents ni Mara lagi Kasi silang nakangiti kapag tinitingnan ko sila.

"Are you Jam's son? You have the same face, malaki Ang pasasalamat ko sa ama mo iho malaki Ang naitulong Niya sa akin, nasa pamilya niyo talaga Ang matulungin, so I hope your father won't refuse my offer to him to be a business partner nais ko lang ibalik sa kaniya Ang mga naitulong Niya sa akin.

Napangiti nalang Ako sa sinabi niya na para bang nawala bigla yong takot at Kaba na naramdaman ko kanina at napalitan Ng masayang Pakiramdam.

Ano kaya Ang naitulong ni dad sa kanila, wala naman kasing naikwento si mom sakin.

"Nagpapasalamat Ako at kayo Ang nagkatuluyan ni Kamara para Hindi na Ako mahirapan pang ipagkasundo kayong dalawa balang araw"

Hano daw??

Nanlaki Ang mata ko sa kung Ano Ang ibig niyang sabihin.

"Anak ng! Anong binabalak niyo tang!?" Sigaw ni Mara Ng mapagtanto Ang sinabi Ng ama.

Kahit Ako ay naestatwa nalang bigla sa tabi nito habang Hindi makapaniwala sa narinig.

"Oh my goshhhhhhh... Arrange Marriage is coming!"

"No way! I'm just 18 years old for Pete's sake dad! Bakit Pakiramdam ko sunod sunuran lang Ako sa pamilyang to! I don't even have the freedom to be happy?! Then magdedesisyon kayong ipakasal Ako? That's not unfair!"

"Mara! We are about to planning your marri---"

"I won't agree your plan dad! Oo sinagot ko Siya at may relasyon na kami but that doesn't mean we're going to get married! I still want to be free to achieve what I want and I still want to graduate from school"

"Ate! Makakapag aral ka parin naman kahit ikinasal ka na, Am I right Mang? Tang?"

"Of course! Marriage is not an obstacle to study!"

"I said I won't! I don't want to get married that's it!" Padabog itong umakyat sa hagdan Hanggang sa mawala sa paningin namin.

Hindi ko alam kung Ano Ang irereact ko naguguluhan Ako na Pakiramdam ko namanhid Ang buong katawan ko Ng marinig lahat Ng sinabi ni Mara, Hindi agad ma sink in sa utak ko yong mga salitang binitawan Niya pero inaamin kung nasaktan ako na parang tagos na tagos sa dibdib ko yong mga salitang binanggit niya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba Ako Kasi itinakda na Pala kaming ipakasal pero sa mga sinabi niya bigla ay umurong Ako na parang daga na gusto nalang magtago para Hindi na makita.

I didn't expect what she said Ang kaninang saya na naramdaman ko ay biglang naglaho sa Isang kisap mata para bang pinaramdam lang sakin na may kunting saya at maraming sakit at lungkot Ang maipaparamdam Niya sakin.

Ang masasakit na mga salitang binanggit niya ay nagpapatunay na Hindi Niya pa Ako lubusang minahal o kaya naman naaawa lang Siya sakin kaya pinapakisamahan Niya lang Ako, pero kung tutuusin may punto Rin siya masyado pa kaming Bata sa ganoong BAGAY.

"Luto na Ang pagkain! Kumain na kayo rito!" Nawala Ang katahimikan Ng magsalita si manang na galing sa kusina.

"Iho Don't think too much about what Mara said nagpapakipot lang yon! Let's go kumain ka muna Bago ka umuwi" tumango lang Ako sa sinabi Ng ginang sinenyasan naman ako Ng daddy nila para sumunod pero nginitian ko nalang sila kahit Pakiramdam ko ngisi iyon Hanggang sa makita kung pumasok na sila sa kusina, tumayo Ako at napatingin sa kamay kung namamawis at Nanginginig narin.

"Sir pumunta na raw po kayo sa kusina Sabi ni Maam" tumango Ako sa sinabi Ng Isang katulong kaya sumunod Ako sa kaniya, pagpasok ko sa loob Ng kusina pinaupo nila Ako katabi ni Josh na nag uumpisa Ng kumain, tahimik na tahimik Ang mesa at kalansing Ng kutsara at Plato lang Ang maririnig mo walang nagtatangkang magsalita sa amin.

"Mara! Halika kumain ka narin" napatingin Ako sa taong pumasok nakasuot na ito Ng lose t-shirt at Hanggang tuhod na short na lagi kung nakikita sa kaniya tuwing Umaga, walang imik itong umupo sa kaharap kung upuan at Hindi man lang Ako nilingon as if she didn't see me.

Walang salitang namutawi Hanggang sa matapos kaming lahat na kumain, habang nililigpit Ng mga katulong nila yong pinagkainan Namin Napatingin Ako Kay Mara ng tingnan Niya Ako Ng walang emosyon.

She looks at me differently at nasasaktan Ako sa tingin niyang yon!

"Masyado Ng gumagabi kaya umuwi ka na!" Biglang Sabi Niya kaya pati parents Niya ay napatingin narin samin tumango Ako Ng mahina. "I'll take you home let's go!"

Sambit pa nito Bago lumabas Ng kusina kaya napatingin Ako sa parents Niya at ngumiti Ng mahinhin.

"Maraming salamat po sa hapunan"

"Walang anuman iho Just call me Mamang nalang"

"Gusto ko dumalaw ka rito kahit araw araw pa walang problema iyon sa akin" sambit naman Ng daddy ni Mara na nginitian ko lang Rin Kasi tanggap talaga nila Ako walang halong plastic, totoo Ang pinapakita nilang ngiti sa akin.

"Maraming salamat po ulit mauuna na po Ako" sabay silang tumango sakin kaya lumabas narin Ako Ng kusina at Nakita ko namang sumunod sila at naupo sa sala kung nasaan si Faye at josh na nanunuod Ng palabas sa TV, kinuha ko muna yong bag ko sa sofa Bago Ako naglakad palapit sa pinto.

"Bye kuya je!" Nginitian ko lang si Faye Bago Ako lumabas sa pinto nila.

"Sir naghihintay na Po si madam Mara sa labas Ng gate"

Bumuntong hininga muna Ako Bago ngitian yong katulong na malaki Ang ngiti sakin kanina pa.

May pagnanasa pa yata sakin Ang babaeng to! Siya yong katulong na lagi kung nadadatnan kapag pumupunta Ako rito at Siya Rin Ang tumawag sakin kanina na pupunta na raw Ng kusina.

" Si-ge salamat" sambit ko at Hindi ko na Siya pinagsalita dahil nilampasan ko na Siya at naglakad palayo sa kaniya, nabungaran ko agad si Mara sa labas Ng gate habang matamang nakatingin sakin, Panay buntong hininga ako habang papalapit sa kaniya na para bang kinakaharap ko Ang malaking parusa at kahit kanina pa malakas Ang tibok Ng puso ko Pakiramdam ko manghihina Ako kapag kaharap ko na Siya lalo na at paulit ulit sa isipin ko Ang mga sinabi niya kanina.

I said I won't! I don't want to get married that's it!

I said I won't! I don't want to get married that's it!"

I said I won't! I don't want to get married that's it!"

Paulit ulit sa utak ko Ang huling salitang binanggit niya.

"Let's go?" Nilampasan ko Siya Ng iabot Niya sakin yong kamay niya dahil alam Niyang kakapit talaga Ako sa kamay niya but not this time!

"Wag mo na akong ihatid kaya kung umuwi mag Isa, thank you sa pagdala mo sakin rito nagustuhan ko Ang trato sakin Ng parents mo" mabagal na tonong Sabi ko sa kaniya ng akmang susunod Siya sakin.

"Tsk! Para namang ngayon ka lang nakapunta rito, pero ihahatid parin kita baka kung Ano pa Ang mangyari sayo sa daan" hindi ko alam kung anong magiging reaction ko sa sinabi niya, nakangiti pa niyang sinabi yon sakin, Nakita kung napatingin Siya sa relong suot Niya at ibinalik Ang tingin sakin.

"It's okay kaya kung umuwi mag isa!" Sabi ko at tumalikod sa kaniya naramdaman kung sumunod siya.

"Nag iinarte ka na naman?! Bakla ka nga talaga tsk!"

"Ayoko Ng makaabala pa sayo Kamara, good night Mauna na Ako!" Malamig na sambit ko at tumakbo palayo sa kaniya narinig ko pang tinawag Niya Ako ngunit Hindi ko na Siya nilingon pa at nagpatuloy akong tumakbo ng maramdaman kung naghahabol na Ako Ng hininga huminto Ako sa pagtakbo at muntik pa akong madapa Ng may maapakan akong malaking bato Buti nalang at agad akong naka balanse kundi ay sasakit Ang pwet ko.

Nakarating Ako Ng Bahay Ng walang imik na para bang nawalan nalang Ako bigla Ng boses.

"Oh anak nariyan ka na Pala, kumusta Ang pagbisita mo sa Bahay ni Mara?" Ngumiti lang Ako sa sinabi ni Mommy Ng makita ko silang tatlo na nanunuod Ng TV sa sala.

"Ayos lang mom mabait sila" nakangiti ngunit may halong kalungkutan na sambit ko sa kanila, nag text Kasi Ako Kay mommy kanina na gagabihin Ako Ng uwi dahil bibisita Ako sa Bahay ni Mara para makilala Ng lubusan Ang parents Niya.

"Oh bakit ganiyan yong Mukha mo? Parang Hindi ka Masaya" sambit ni dad na nagtataka akong tiningnan.

"I think pagod lang siguro Ako dad, magpapahinga na Po ako good night" sagot ko at nagmamadaling umakyat Ng hagdan, pagdating ko sa kwarto inihiga ko agad Ang sarili sa kama na para bang nawalan bigla Ng lakas Ang buong katawan ko.

"Ayyputek!" Sigaw ko Ng may marinig akong tumunog galing sa loob Ng bag ko.

Inis kung kinuha Ang cellphone at tiningnan kung sino Ang nag text.

Si Mara

From Darling:
"Nakauwi ka na ba, text me okay?"
Sent: 7:30 pm

Napairap nalang Ako bigla Ng mabasa Ang text Niya sakin Hindi ko alam kung matutuwa ba Ako Basta naiinis ako, inis kung nilapag Ang phone sa ibabaw Ng study table ko at humiga ulit.

Kakaumpisa pa nga lang Ng relasyon Namin kakaumpisa Rin Ng sakit na naramdaman ko! Manhid ba Siya na ayaw ko muna siyang kausapin o isipin man lang Kasi God nasaktan Ako sa sinabi niya kanina my goshh!

Padabog akong bumangon Ng may marinig na naman akong text message sa phone ko.

From Darling:
"Hey Marquez! Nakauwi ka na? Text me back!"
Sent: 7:33 pm

To Darling:
"Nakauwi na Ako!"
Message Sent: 7:34 pm

From Darling:
" Oh e bakit Ang tagal mong mag reply sa text ko?"
Sent: 7:35 pm

Edi wow! Siya pa tong may ganang magalit?

To Darling:
" I'm tired! Good night"
Message Sent: 7:36 pm

Padabog na ibinalik ko Ang phone sa table at humiga ulit, Maya Maya ay namalayan ko nalang na nag riring na Pala yong phone ko.

Hindi talaga makaramdam Ng awkward Ang babaeng to!

"Hello! Bakit?" Naiirita man ay sinagot ko nalang Ang tawag niya.

"Ayos ka lang?" Nahimigan ko Ang pag alala sa boses Niya sa kabilang linya.

"Ayos lang pagod lang siguro! Sige na matutulog na Ako good night"

"Wait!" Akmang ibababa ko na Ang phone Ng sumigaw Siya kaya pinakinggan ko ulit siya, narinig kung bumuntong hininga siya sa kabilang linya. "I just want to say s-sorry, alam kung Galit ka sakin because you treated me coldly earlier pero sana maintindihan mo Rin Ako na gu---"

"I know! Hindi mo na kailangan pang sabihin, I understand... Sige na matulog na tayo good night and sweet dreams" Hindi ko na Siya hinintay pang magsalita at pinatay ko na yong tawag.

Hinubad ko yong sapatos kung suot at Basta nalang itinapon sa gilid, nagbihis narin Ako Ng sleep wear yong typical na sinusuot ko Gabi Gabi at pabagsak ulit na humiga sa kama Hanggang sa dalawin na Ako Ng antok.

KINABUKASAN

Naalimpungatan Ako Ng mapansing may nag uusap malapit sa pwesto ko rinig na rinig ko Kasi Ang mga Tawanan nila.

"Kuya! Gisinggg! Bangon ka na diyan may naghahanap sayo!" Inis kung kinuha Ang kamay ni Jena sa kamay ko habang niyuyogyog Ako.

"Jena! Wala akong gagawin ngayon mamaya pa Ang Laro Namin kaya wag mo muna akong storbuhin! Kulang pa Ako sa tulog" Mahinang sambit ko sa kaniya at nagtalukbong ngunit hinablot Niya ito at pilit akong pinapagising habang walang humpay akong niyuyogyog.

Peste! Natutulog pa yong tao ehhh!

"Ano ba Jena! Hindi ka na nakakatuwa! Pag Ako nagalit sayong Bata ka! Humanda ka talaga sakin!" Tumalikod Ako sa pwesto Niya at nagtalukbong ulit.

"Good morning" nanlamig Ako bigla sa boses na yon pagtingin ko sa harap nakangiting Mukha ni Mara Ang bumungad sakin.

"Oh my goshhhh! Kyahhhhhhh!" Bumirit Ako bigla Ng Hindi ko inaasahang makita siya sa harap ko.

"Parang babae!" Tinakpan Niya bigla Ang bibig ko kaya inis kung kinuha yon at tiningnan Siya Ng masama.

"A-anong gi-nagawa mo rito?" Napaupo Ako bigla at napatingin sa kaniya na nakangiti parin sakin, ngayon lang Siya pumasok sa kwarto ko kaya nagtataka Ako kung bakit Siya narito.

"Bawal ba Ako rito?" Di ba kita pwedeng puntahan dito tuwing Umaga?"

"Hi-ndi na-man!"

Napatingin Siya bigla sa suot ko at biglang natawa kaya tinakpan ko Ng blanket Ang katawan ko.

"Anak Ng! Dinaig mo pa Ako ahh, bakit ganiyan Ang suot mo?" Nagtatakang sambit Niya at don ko lang napansin na para siyang tibo sa suot Niya ngayon naka lose t-shirt na itim Ang kulay, jog pants na kulay brown na medyo malaki sa kaniya pero bagay naman sa damit Niya at may Kasama pang sumbrerong suot na LV Ang brand.

Ngayon ko lang Siya nakitang ganiyan Ang suot! Parang tomboy!

"Ano bagay ba?"

"Anong trip mo?" Nagtataka kung tanong sa kaniya habang umiikot Siya sa harap ko, pumalakpak naman si Jena sa tabi ko.

"Ang galing ate! Bagay sayo! Pero mas bagay kayo ni kuya hahaha"

"Hahahahahaha AYOS!" Nakita kung nakipag apir siya Kay Jena kaya umiling nalang Ako sa kanila at don ko napansin na magkapareho sila Ng suot. "Tumayo ka na diyan Marquez Meron karin!"

Ano bang trip nila at dinamay Niya pa si Jena sa mga kalukuhan Niya!

"Fuck!" Singhal ko Ng may itinapon siyang damit sa pagmumukha ko kaya natawa sila pareho. "Ano bang trip niyo at dinadamay niyo Ako huh?"

"Ang Arte mo naman! Bilis magbihis ka na!"

"Ayoko nga!"

"Ahh ayaw mo?" Nag make face lang Ako sa kaniya para maasar Siya.

"Ayokooo!" Mahigpit na kumapit Ako sa blanket na hawak hawak ko Ng makita kung papalapit Siya sakin habang Hindi parin matanggal Ang ngiti sa labi.

"F-fine mag-bi-bihis na Ako o-kay? Hindi mo na kai-langan luma-pit" nauutal kung Sabi na siyang paghalakhak Niya Ng malakas.

"Takot ka Pala ehhh! Oh wag kalimutan, isuot mo to huh?" Marahas kung hinablot yong damit na binibigay Niya sakin at tinarayan Siya Bago tumalikod at naglakad papunta sa Banyo padabog kung sinara yong pinto Ng banyo at tinanggal lahat Ang saplot sa katawan Bago maligo.

Inis na inis kung sinuot yong binigay Niya sakin Ng mapagtanto kung magkapareho kami Ng suot black loss t-shirt at jog pants na kulay brown.

Putek! Kinikilig Ako enebe be!

Malaki Ang ngiti ko Ng mapatingin Ako sa malaking salamin na nasa harap ko.

Ang gwapo ko my goshhhh!

Kagabi lang nag eemote pa Ako ehh! Tapos ngayon nag iba na yong mode ko? Pambihira abnormal na yata Ako hehe nawala bigla Ang inis ko sa kaniya kagabi!

Kakaiba talaga Siya magpakilig walang makakapantay!

"Darling! Let's go!" Napapikit Ako Ng marinig Ang sinabi niya sa labas at Nakita kung unti unting namumula Ang pisngi ko lalo na at Ang lambing Ng Pagkakasabi Niya non.

Puta! Darling raw!

Pero ayokong magpahalata na Kinikilig Ako mamaya asarin na naman Ako Ng babaeng yon, Dahan Dahan akong lumabas Ng banyo Ng biglang may nanghablot sa kamay ko.

"Ahhhhhhhhhhhh! Fuck!" Sigaw ko Ng hablutin bigla ni MARA Ang kamay ko, pareho silang bumunghalit Ng tawa ni Jena habang tinuturo Ako.

"Hahahahahahaha, ang epic Ng Mukha mo huh?"

"Bakit ka ba biglang nanghahablot aatakihin Ako sayo bwesit ka!"

"Napakatagal mo Kasi! Para Kang babae!"

"Yeheyyyy! Para na tayong couple! Magkapareho Ng suot!" Lumayo Ako sa kanilang dalawa at lumapit sa mesa para Kunin Ang phone ng mapatingin Ako sa sapatos na katabi Ng cellphone ko nanlaki Ang mata ko sa Nakita.

"Suotin mo na sayo Yan!" Hindi ko matanggal Ang tingin sa kulay puti pero may halong pula ng sapatos, alam ko kung gaano kamahal to Because this is a Michael Jordan shoes for Pete's sake.

"Ka-nino to?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Sayo nga! Kasasabi ko lang Diba?"

"Sinong nag-bigay nito?"

"Hindi pa ba obvious?"

"Obvious na Ano?" Hinawakan ko Ang sapatos at tiningnan ito Ng maigi, makakabili naman Kasi Ako Ng ganitong sapatos pero wala pa akong time.

"Obvious na sayo Yan!"

"Huh? Sa akin to?"

"Puta! Sige magsalita ka pa at talagang pepektusan kita! Obvious na sayo Yan! Kasi binibigay ko SAYO! Ano gets mo? Kung Hindi bahala KA!"

"Bakit mo Ako binibigyan Ng ganito?"

"Kasi gusto ko! Kailangan talaga may dahilan pa?"

"Marami ka Ng binigay sakin Mara Kaya Hindi ko tatanggapin to! Mamaya sabihin nila na inaabuso kita"

"Ang dami mo pang satsat! Akin na nga!" Nagulat pa Ako Ng hablutin Niya ito sa kamay ko at tinulak Ako paupo sa kama, Maya Maya naramdaman ko nalang na sinuot Niya sakin yong sapatos, nakiliti pa Ako Ng mahawakan Niya Ang talampakan Ng paa ko habang isinusuot Niya Ang sapatos sakin. "Oh Ayan tapus na! Ang Arte tsk!" Pinatayo niya Ako bigla at nagulat pa Ako Ng ayusin Niya Ang buhok ko na nakatabing sa Isang mata ko.

Napatitig Ako sa buong Mukha Niya Wala manlang akong nakitang kaarte Arte kahit lipstick wala natural na pinkish talaga yong labi niya, malakas Ang tibok Ng puso ko na parang anytime ay biglang sasabog at kahit naiilang Ako sa mga titig Niya Hindi ko pinahalatang Kinakabahan Ako sa presensya niya.

Maganda Ang shape Ng Mukha Niya, matangos Ang ilong mas matangos pa sakin, maganda at mataas yong pilik mata at kahit Nakakunot Ang noo ay Ang Ganda parin Niya at yong labi perpektong perpekto Ang pagkakakurba na para bang sinadyang retokada pero Hindi dahil lintik sa natural Ang labi niyang napaka smooth kahit Isang tingin mo lang ay maaakit ka, yang labing Yan Ang first kiss ko! Kapag naalala ko yon ay para akong kinikiliti sa tindi Ng kilig na nararamdaman ko.

May kakaibang Ganda palang tinatago Ang babaetang to! Nakakalalaki!

"Yiehhhhhhhhhhhh! Kakakilig po kayo ate!" Sabay kaming napatingin Kay Jena at parang napapasong lumayo at nagkahiyaang napatingin sa isat isa.

Fuck Ang init Malala!

"Let's go may Laro pa Ako ngayon" sambit nito at naunang lumabas Ng pinto.

"Bastos na Bata!" Sigaw ko Ng sampalin ni Jena Ang pwet ko Bago sumunod Kay Mara palabas kaya sumunod nalang Rin Ako sa kanila pababa Ng hagdan.

"Oh mga anak! Papasok na ba kayo? Mag almusal muna kayo rito" sambit ni mommy at hinila si Mara at Jena sa loob Ng kusina.

Nakalimutan na yata Ako ni mommy na sarili niyang anak!

Nayayamot na umupo Ako sa upuan at Hindi sila pinapansin.

"Mom! Si dad po nasan?"

"Nagmamadaling umalis yon kanina pa may importanteng meeting raw sila, iha Mara kumain ka lang diyan wag Kang mahiya" inis akong kumain Ng Hindi manlang Ako pinansin ni mommy at si Mara lang yata Ang napansin.

Naging anak na yata ni mommy si Mara at ichapwera nalang Ako sa tabi!

"Anak Jeje! Kumain Karin Ng marami para sa Laro niyo mamaya, susunod na Lang kami ni jena para manuod"

Buti at napansin na Niya Ako!

Natapos kaming kumain Ng walang imikan, si mommy at Jena lang yata yong maiingay at laging nagkakaintindihan magtataka pa ba Ako?

"Good luck sa mga Laro niyo mga anak You look together!" Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi ni mommy habang nakatingin sa parehong suot namin, malaki Rin yong ngiti Niya habang inaasar Ako Ng tingin niyang mapanuri.

"Maraming salamat po tita, nabusog po Ako Ang sarap po Ng luto niyo" sambit ni Mara Ng makalabas na kami Ng Bahay hinalikan ko muna si mommy Bago sumunod Kay Mara palabas Ng gate.

Dala Dala ang bag kung isinabit ko pa sa balikat habang nakasunod parin Kay Mara na nauuna saking maglakad, nakatingin lang Ako sa likuran Niya habang inoobserbahan Ang bawat kilos Niya napapatingin Rin Ako sa suot Niya at sa suot ko.

Inaamin kung Ang cute Ng suot Niya ngayon like me hehe, Ano kaya Ang naisip Niya bakit Siya bumili Ng ganito.

"Ayos ka lang?"

"Damn it! Maraaa! Bakit ka ba nanggugulat?!" Sigaw ko Ng makitang nasa harap ko na Siya na Hindi ko namalayang nakalapit sakin, tinitingnan ko lang Siya kanina pero nandito na agad siya pambihira!

"Wag mo Ng masyadong isipin yong sinabi ko kagabi!"

Pinaalala na naman Niya nakakainis!

" Okay!" Baliwalang sambit ko sa kaniya na nasa gilid ko at sumasabay saking maglakad.

"Don't worry! Hindi ko hahayaang maghiwalay pa tayo so that someday we can get married! Pero sa ngayon wag na muna natin yang isipin marami pa tayong pagsubok na kakaharapin kailangan pa nating makapagtapos Ng sabay at harapin Ang magandang kinabukasan na naghihintay sa atin, sulitin muna natin Ang pagiging teenager ng magkasama even if we have different dreams in life magiging magkaisa parin tayo balang araw kapag ang puso natin pareho ay hindi sumuko" Napatingin Ako sa kaniya Ng sabihin Niya yon Ng seryoso at walang halong biro. "Hindi naman pwedeng magpakasarap lang tayo ngayon dapat isipin Rin natin Ang magiging future"

She's right! Isipin Rin Ang future Hindi Ang kasalukuyan, akala ko ay Hindi Niya Ako mahal pero iniisip Niya lang Pala Ang magiging future Namin, nakaka touch naman hehe.

Pigil Ang ngiti na nakatingin parin Ako sa kaniya at naramdaman ko nalang na magka holding hands na kami Ng mahawakan ko Ang kamay niyang masarap pisilin.

"Our both hands proves how much we love for each other just like glue kakapit at kakapit parin kahit Ano Ang mangyari, Piliin mo yung taong handang hawakan ang kamay mo anuman ang sitwasyon. Siya kasi yung taong handang iparamdam sayo na kahit hindi na maganda ang nangyayari hinding hindi ka niya bibitawan just like this na hawak ko Ang mga kamay mo this is proves how much I care you" itinaas Niya bigla Ang magkahawak kamay Namin pareho kaya Hindi na maawat Ang malaking ngiti sa labi ko. "Just like before habol Ako Ng habol para lang mapansin mo kahit magmukha akong desperada sa ginagawa ko I don't care dahil Masaya Ako even though you're ignoring me again and again kahit kailan ay Hindi Ako sumuko but in the end I defeated kaya natuto Ako kung paano unahin Ang sarili Bago Ang iba" nakaramdam Ako Ng hiya Ng banggitin Niya yong nangyari dati na lagi ko siyang iniiwasan I'm stupid! Nagulat pa Ako Ng ibagsak Niya pareho Ang magkahawak naming kamay.

"Kahit napagod Ako kakasunod sayo worth it naman because now you have loved Me even more than I expected but this is not the end dahil wala pa tayo sa gitna ng pagsubok at lalong lalo na hindi pa tayo nagsisimula, unti unting makakaramdam tayo Ng kalungkutan, pangamba, selos at sakit as I said love is like a glue kakapit at kakapit Hanggang dulo ngunit kapag nabuwag mahirap Ng ibalik! Mahirap Ng pagdikitin muli just like this! Look at me!" Napatingin agad Ako sa kaniya at muli na naman niyang itinaas Ang parehong kamay namin. "TIWALA ay ang pinakamahirap na bagay na kunin pero pinakasimpleng bagay na mawawala! Unti unting kakalas sa mahigpit na kapit hanggang sa tuluyan Ng magkalayo!" Sinadya niyang bitawan Ang kamay ko sa ere ngunit agad naman niya itong nasambot."But I won't let that happen! Let's go nakalimutan kung may Laro pa Pala Ako!"

"Wait! Anong ibig sabihin Ng mga sinabi mo sakin?" Akmang tatakbo Siya Ng pigilan ko kaya nagtataka siyang napatingin sakin.

"Wag mo Ng intindihin yon that's not important anymore! Hindi naman tayo maghihiwalay!"

"Of course not! Because I won't agree!" Natawa Siya sa pagsigaw ko bigla.

"That's my Da-gay!" Nakangiting sambit niya habang pinapat Ang ulo ko.

"Anong Da-gay? Ang bantot Ng tawag mo sakin Kamara! Darling lang dapat Ang itawag mo sakin" Natawa Siya bigla sa sinabi ko kaya inis ko siyang inirapan.

"Of course because you are my Darling gay!" Unti unting napalitan Ng malaking ngiti Ang mga labi ko Ng mapagtanto kung anong sinabi niya.

Pinaghalo lang Pala Niya yong endearment Namin sa personality ko anebe be hehehe.

"Let's go Bago ka pa maglumpasay sa kilig diyan mamaya mapagkamalan pa akong may kasamang baliw!"

Anak Ng putek!

"Biro lang!"

"Kainis ka! Hindi nakakatawa yang biro mo Putspa!" Naiinis na tinabig ko Siya ngunit pinagtawanan Niya lang Ako.

"Tara na! Late na Ako mamaya mo na Ako dramahan na parang babae!" Nagpahila Ako sa kaniya Ng tumakbo siya Hanggang sa makapasok kami sa gate Ng school, pinagtitinginan kami habang may pinagbubulungan kasi Hanggang ngayon magkahawak parin Ang mga kamay Namin baka kaya issue na naman sila.

Nakarating kami sa field at nakitang marami Ng tao, mukhang inaabangan nila Ang last game Ng BNHS at MNHS.

"Oh. M. G. Kyahhhhhhhhhhh! Andiyan na Ang KAMJE couple!"

"They have couple shirt and pants! Woahh they have also the same shoes Ang cool!"

"Gago! Michael Jordan shoes! Tangina Ang cool pare!"

"Nakakainggit naman! Couple na couple talaga sila"

Kaniya kaniyang papuri Ang naririnig Namin sa mga studyanteng nadadaanan namin ni Mara papuntang gitna Ng field, makikita sa mga Mukha nila Ang paghanga samin lalo na sa sapatos na suot suot ko.

"Coach! Woahhhhh gagi Ang astig!"

"Oh! I guess nandito na Ang hinihintay nating player Ng MNHS and her boyfriend was with her! This match is exciting! Get ready players we are about to start"

"Wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

"MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS!"

"BNHS! BNHS! BNHS! BNHS! BNHS! BNHS! BNHS! BNHS! BNHS! BNHS! BNHS! BNHS!"

"KAMJE! KAMJE! KAMJE! KAMJE! KAMJE! KAMJE! KAMJE! KAMJE! KAMJE! KAMJE!"

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh"

"Kyahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh MNHS!"

"SHARP SHOOTER! SHARP SHOOTER! SHARP SHOOTER! SHARP SHOOTER BLAINEEEE!!"

"KAMARA! KAMARA! KAMARA! KAMARA! KAMARA! KAMARA! KAMARA! KAMARA!"

Hindi ko maiwasang magtakip Ng Tenga sa sobrang lakas Ng sigaw nila aabot talaga Hanggang labasan Ng school, kabila't kanan na sinisigaw nila Ang school na gusto nilang icheer at pati Ako napasama Rin kahit Hindi naman Ako maglalaro, may maga banner at balloon silang Dala Dala habang tinataas sa ere para makita Ng lahat kung kaninong team sila kakampi.

"KAMARA JANE POV'S"

"Coach mabuti naman at narito ka na, muntik na tayong ma disqualified kung Hindi ka pa nakarating!" Habol Ang hiningang huminto kami sa tapat Ng ka team ko habang inaasar na kami Ng tingin.

"Woahhh! Kaka-pusan na Ako Ng hini-nga!" Angal Ng baklang nasa tabi ko habang hawak na ngayon yong balikat ko.

"Uminom na muna kayo Ng tubig! Masyado kayong NAGPAPAKILIG! Hinablot ko yong mineral na inabot ni Kira at tinunga agad ito.

"Uhaw na uhaw coach! Yiehhhhhhhhhhhh infairness bagay na bagay kayo sa suot niyo nakakainggit naman sana may JOWA!"

Nagulat Ako bigla Ng hablutin ni Marquez yong tubig na iniinom ko pa at Hindi nagdalawang isip na tinunga ito Hanggang sa maubos.

Fuckshit! Indirect kiss!

Mas lalong umingay yong mga studyante Ng makita Rin nila Ang ginawa ng bakla.

"Kyahhhhhhhhhhhhh oh my goshhh! Mamamatay na yata Ako sa kilig coach!"

"Ang ingay mo Mira! Nakikisabay Karin sa mga tao eh Noh?"

"Sige na bakla! Mag uumpisa na kami diyan ka muna sa gilid okay?" Bumusangot bigla Ang Mukha Niya sa sinabi ko kaya pinat ko nalang yong ulo Niya na mas lalong ikinakilig Ng lahat. "Mamaya ulit my Da-gay!" Lumaki yong ngiti Niya sa narinig habang unti unting lumalayo sa pwesto ko.

"Shit naman coach! Paranas naman!"

"Paranas Ng sapak Jayl?"

"Paranas maging Isang JEJE MARQUEZ kahit Isang araw lang!"

"Where's George?" Nakaturo sila sa iisang direction at ayon Ang lalaking hinahanap ko na prenteng nakaupo sa upuan Kasama si Ryan habang nakatingin sa pwesto ko.

"I guess you're ready!" Sambit ko Ng makalapit sa pwesto nila ni Ryan.

"I have no choice! Tinakot mo Ako ehhh" umiiling na sambit Niya at napatingin sa katabi kung si KIRA, natawa Ako Ng maalala ko na naman yong sinabi ko sa kaniya kanina.

FLASHBACK

"Josh wait! Ihinto mo Ang kotse!"

"Bakit?!"

"Ihinto mo lang! Nagtatanong ka pa ehh!"

"Tsk!"

"Anak ng! Masasapak na talaga kita josh!" Inis ko siyang nilingon Ng bigla niyang ihinto yong kotse at muntik pang dumapo yong noo ko sa harap.

"Whatever ate! Bakit Kasi Ang aga mong mangbulabog pwede namang ikaw nalang Ang mag drive! Kung Anong kababalaghan lang naman yang binili mo!" Sigaw Nito habang Hindi parin nawala Ang kunot Ng noo simula pa kanina.

"Sumasagot sagot ka pa huh?"

"Ahh tsk! Kainis!" Inis Niya akong nilingon Ng batukan ko Siya. "Bakit Kasi Ako pa ehh! Kulang pa Ako sa tulog ate!"

"At ngayon ka pa nagreklamo na tapos na akong bumili? May saltik Karin ehh Noh! Atsaka wag mo akong idamay diyan sa pagiging puyat mo putragis ka!"

"Ehh bakit Kasi Ako pa Ang pinag drive mo! Marunong ka namang mag drive ahh!"

"Ito na naman tayo paulit ulit josh! Ayoko nga Kasi mag drive dahil ngayon Ang Laro Namin gets mo? Masasapak na talaga kitang Bata ka!" Inis ko siyang dinuro na mas lalong ikinakunot Ng noo Niya.

Ayoko kasing mag drive para kahit papaano maayos parin Ang Laro ko mamaya.

"Maghintay ka diyan! Malilintikan ka sakin!" Padabog kung binuksan yong kotse at nagmamadaling lumabas Ng makita kung Papasok na sa loob Ng school gate si George.

"George Madrigal!" Nanlaki yong mata Niya Ng makita Ako at Nahihiyang yumuko Ng makalapit Ako sa pwesto Niya.

"C-coach i-ikaw pa-la" utal utal na Sabi pa nito kaya natawa Ako at hinawakan Ang balikat Niya naramdaman kong nabigla Siya sa ginawa ko.

"Long time no see Madrigal! You are really a COWARD!" Bumaba yong tingin Niya sakin habang nahihiya parin Ang hitsura.

" I'm sorry to disappoint you coach! I'll try but I can't do it! Ginawa ko naman Ang lahat pero Wala paring nangyari! Nahihiya Ako sayo Kasi naghirap Kang turuan Ako pero Wala manlang akong magandang naipakita sayo!"

"Anyway! Hindi Yan Ang ipinunta ko rito! Maglalaro ka mamaya that's it! No but's madrigal ayokong marinig pa Ang sasabihin mo! Weather you like it or not pupunta ka mamaya kapag Hindi ka pumunta malilintikan ka sakin dahil Hindi kita tutulungan Kay Kira!" Napangisi Ako Ng makitang unti unting namumula Ang pisngi niya habang Nahihiyang napapatingin sakin.

Huli ka Rin!

"Per--"

"I said No but's George Madrigal! Hindi ka pwedeng umangal if you don't want me to punch you in your fucking face! Ipaglalapit ko si KIRA Kay Ryan kapag Hindi mo Ako sinunod! Get it?!"

"Paano mo nalaman na may gusto si Ryan Kay Kira? Wala naman akong pinagsabihan huh?"

"Masyado kayong halata!"

"Nahalata mo Rin Pala Ako? Ang tindi Ng instinct mo coach! Totoo na may gusto Ako Kay Kira pero tinatago ko lang yon Hanggang tingin lang Ako sa kaniya dahil ayokong maging karibal Ang bestfriend kung si Ryan ka--"

"Wala na akong Oras na makinig sa story telling mo! Mauna na Ako!" Pinat ko Ang balikat Niya bago tumakbo palayo sa kaniya.

Pagpasok ko sa kotse iba na Ang tingin sakin ni Josh habang inoobserbahan Ang bawat kilos ko.

"Sino yon?! Two timer ka na Pala ngayon? Arayyyyyy! Ano ba! Masakit!" Inis ko siyang binatukan habang tinitingnan Siya Ng masama.

"Tanga! Ka team ko lang yon! mag drive ka na!"

"Ehh bakit hinawakan mo pa Siya? Iba yong titig Niya sayo ehh! Pakiramdam ko nga may relasyon kayo!"

"Anak ng! Napaka chismoso mo Rin eh Noh? Ka team ko nga lang yon gets?!" Pinandilatanan Niya Ako Ng mata habang pinapaandar Ang kotse.

"Sige ideny mo pa isusumbong kita Kay kuya jeje Ng malaman niyang may kakita ka tuwing Umaga at dito Ang location niyo!"

Tangina!

" Kesa dumaldal ka diyan mag drive ka nalang para makapunta pa Ako sa Bahay nila!"

"Hindi! Guilty ka lang ehh! Kaya isusurprise mo Siya diyan sa mga binili mo para Hindi ka Niya paghinalaan na may kabet ka!" Nanlalaki Ang mata ko sa sinabi niya.

"Putragis ka! Talagang ikakabit ko to sa bunganga mo kapag Hindi ka pa tumigil diyan kakadaldal!" Sabi ko habang pinapakita yong hawakan Ng paper nag na matigas Kaso nginiwian Niya lang Ako.

"Okay! Madali naman akong kausap ehh! Isusumbong parin kita! may kabet ka!" Nagmamadali siyang lumabas Ng kotse Ng makaabot kami sa Bahay at humirit pa Bago tumakbo Ng mabilis.

"Bwesit kang Bata ka! Bumalik ka rito! Pepektusan kita makikita mo!"

END OF FLASHBACK

"Mira, Laida, Rush, Ryan and George! Kayo Ang mauunang lumaban sa first round get it?!"

"Yes coach! I'm ready!"

"Good!" Sambit ko habang nakatingin sa kanila Ng seryoso, sabay sabay na kinuha nila yong bow at arrow Bago muli akong hinarap, Kinuha nila Ang kamay ko at pinagpatong patong nila yong mga kamay nila sa kamay ko.

"HINDI PAPATALO! LALABAN PARIN!
HINDI PAPATALO! LALABAN PARINNNN!! WOAHHHHHH!" Sabay sabay na sigaw nila na Hindi na mawala Ang ngiti sa labi.

"Hindi Tayo uuwing luhaan sa araw na ito! We are fighters MNHS!" Sigaw ni Kira na sinabayan nila, napatingin Ako sa team Ng BNHS na seryoso Ang mga Mukha na Napatingin Rin sa pwesto Namin lalo na Si Blaine na sa sobrang seryoso Ng Mukha ay parang susugod na Ano Mang oras tulad nong una ko siyang makita kakaiba Ang aura Niya na nagpapakilabot sa iba but except me! Ibahin Niya Ako dahil Hindi Niya Ako masisindak kahit kailan.

"Players please forward!"

"Hayyysss! Ayan na Kinakabahan Ako para akong matatae na ewan! Di ko gets kung anong nararamdaman ko ngayon!"

"i utot mo lang yan baka mawala!" Natatawang pang aasar ni Rush Kay Laida na masama na Ang tingin sa kaniya.

"Oo! Itatae ko to sa pagmumukha mo sabagay Mukha ka namang anidoro ehh!"

"An--"

"Oops Ops tama na! Hindi ito Ang tamang panahon para magbulgaran kayo sa mga baho niyo okay?" Pang aawat ni Kira sa dalawa na ngayon ay nagsusukatan Ng tingin pinagtutulak Niya ito sa harap.

"Hey kira! Icheer mo Rin si George Ng magandahan sa paglaro! Tutal tungkulin mo naman Yan right?" Sambit ko sa nagtataka na ngayong Mukha ni Kira sa tabi ko.

"Go! Go! George galingan niyo! MNHS! MNHS! MNHS! For the Win!"

"Mars! We're here! Lingunin mo naman kami!" Kunot noo akong napatingin sa pwesto ni Daniela Kasama yong iba na anlaki Ng ngiti sakin habang tinuturo Ang Nakangusong BAKLA sa harap nila kaya umiling nalang Ako.

"Woahhhhhhhhhhhh! BNHS! BNHS! BNHS!"

"What happened?" Sambit ko Ng magsigawan Ang mga manunuod yon Pala tapos na Ang first round.

"Nanalo Ang BNHS sa first round!" Seryosong Sabi ni Jayl sa tabi ko.

"Ayos lang guys! May dalawang round pa kaya wag mawalan Ng pag asa!"

"Ang galing ni George kanina! Siya Ang nakakuha Ng 10 points! Sabi ko sayo magaling ka ehh" papuri ni Ryan sa Kaibigan na nakatingin na sakin habang unti unting nakangiti.

"Kain muna kayo! May Dala akong snacks!" Sabay sabay kaming napatingin Kay tomboy na may Dala dalang paper bag.

"Uyyy tinay! Buti at nakaisip Kang dalhan Rin kami!"

"Kaya nga nakalimutan ko ehh! May ibang players Rin Pala rito!"

"Nag ambag Rin kaya kami Ng pang snacks tapos kayo lang nakinabang? Edi wow!" Kaniya kaniyang kuha sila Ng biscuits at tubig sa paper bag na Dala nito.

"Utot mo! Wala kayong mga ambag mga Punyeta! Kayo pa may ganang magreklamo! ni Piso nga wala kayong naibigay!"

"Ayy sorry naman Wala Pala kaming naambag! Hindi mo naman Kasi sinabi!" Mapang asar na Sabi ni Mira Kay thea na nginiwian lang Siya.

"Ikaw Martin? Kuha ka para sa lahat naman to ehh!"

"Ayos lang busog pa Ako!" Sambit ko Ng alukin Niya Ako Ng biscuits pero tubig lang yong kinuha ko.

"Magsisimula na Ang second round! Coach Hindi ka pa ba Papasok?"

"Kailangan ko Ng makapasok para makabawi!" Maawtoridad kung Sabi na tinanguan lang nila. "Laida! Ako muna Ang sub mo!"

"Okay coach walang problema! Sa wakas makakaupo narin Ako nakakangalay Kasi sa harap wala manlang upuan kainis!"

"Let's go! Babawi tayo!"

"Woahhhh laban MNHS! Kaya niyo Yan!" Biglaang sigaw ni Thea na tinanguan lang Rin Namin Bago magpunta sa harap, Hinanda ko na Ang sarili Ng magsimulang tumira si Mira at nag sunod sunod na sila.

"Hindi kayo mananalo samin!" Napalingon Ako sa kabilang team Ng marinig ko Ang boses ni Blaine na seryoso akong tiningnan pero nginisihan ko lang Siya kaya napairap Siya sa pwesto ko Bago Dahan Dahan na bitawan yong arrow na tumama sa gitna.

"Woahhhhhhhhhh!"

"Kyahhhhhhhhhhhhhhhhh!"

"BNHS! BNHS! BNHS! BNHS! BNHS!"

Napuno Ng sigawan Ang lahat Ng tumama sa pinaka gitna yong arrow Bago Siya napangisi sakin pero pinanliitan ko lang Siya Ng mata para asarin Bago Dahan Dahan na bitawan Ang arrow na nakatingin parin sa kaniya.

"Kyahhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

"Wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh"

"MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS!"

Mas lalong lumakas Ang sigawan Ng lahat sa ginawa ko.

"Ang galing! Hindi manlang Siya tumingin sa target!"

"Totoo! Napaka galing ni ate! Idol na idol ko talaga Siya!"

" Mas magaling pa Siya Kay Blaine!"

" Yeah! True ka girl nalamangan na Niya si ate Blaine the number one sharp shooter!"

Mas lalo ko siyang nginisihan Ng marinig namin pareho Ang sinabi Ng mga babae malapit sa pwesto Namin.

"Woahhhhh! It's a tie! Nakaka excite naman talaga Ang last game Ng archery ngayong araw! Walang gustong magpatalo sa dalawang team na natitira, sa tingin niyo sino Ang magwawagi ngayong araw?!"

" BNHS! BNHS! BNHS! BNHS! BNHS! BNHS! BNHS! BNHS! BNHS! BNHS! BNHS! BNHS!"

" MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS!"

Malakas na sigawan Ng mga manunuod Ang maririnig sa buong field Ng ianunsiyo Ng baklang announcer na tie ang laban sa second round.

"Godddd! This is exciting but a little frightened! Pero makakaya parin natin to because this is our chances to win this game at makuha Ang trono na matagal Ng atin!" Pampalakas loob na Sabi ni Kira sa lahat na mahahalata mong masaya.

" Nakaya nga Ng team natin sa basketball na talunin sila ito pa kaya? You can do it guys!" Sigaw Rin ni thea habang tinataas Ang kamay kaya nakitaas narin sila Ng kamay habang sinisigaw Ang pangalan Ng school Namin.

" MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS!"

"Woahhhhhhhhhh! Kaya pa last round nalang!"

"Sige na magpunta na kayo sa harap, mag uumpisa na Ang last round!"

Sabay sabay kaming pumunta sa harap habang pursigido Ang mga Mukha na manalo.

"Ipapanalo kaya natin to?" Napatingin Ako sa nagsabi non si George na seryosong nakatingin sakin.

"Of course we need to win! We can do it!" Sambit ko at Tinapik Ang balikat Niya bago hinarap Ang mga Kasama.

"Woahhhhhhhh! Kaya niyo Yan MNHS!"

"Talunin niyo sila!"

"Darling! Kaya mo yan andito lang Ako!"

"Darling! Darling! Darling! Darling! Darling! Darling! Darling! Darling! Darling! Darling!"

Fuckshit!

Bakit kailangan pa nilang isigaw yon?

" Darling! Darling! Hmnnnnnn...
Darling! Darling! Hmnnnnnnn... " Nanlaki Ang mata ko habang nakatingin sa pwesto ni Marquez habang kinakanta yon.

" Yiehhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

Putangina! Bakit kailangan Niya pang ipaalala yong kahiya hiyang ginawa ko bwesit?

" Darling! Darling! Hmnnnnnn...
Darling! Darling! Hmnnnnnnn...Darling! Darling! Hmnnnnnn...
Darling! Darling! Hmnnnnnnn...Darling! Darling! Hmnnnnnn...
Darling! Darling! Hmnnnnnnn..." Nakisabay narin Ang lahat na kantahin yon kaya naman mas lalo akong nahiya at Hindi ko na sila matingnan pa, Hindi ko alam kung saan ko ibabaling Ang tingin ko Kasi lahat sila nakikanta narin sa bwesit na kantang yon fuckshit at may Nakita pa akong sumasayaw narin.

Fuckshit! Fuckshit! This is embarrassing damn it!

"Coach! Ikaw nalang pag asa Namin! Your turn!" Napatingin Ako sa kanila at napagtanto na Ako na Pala Ang huling titira kaya tinanguan ko sila Ng seryoso habang hinahanda Ang sarili, mahigpit na mahigpit Ang kapit ko sa bow na Dala ko habang nakatingin sa harap.

This is the chance to win our school! I can do it! We can do it!

Handang handa na akong tumira Ng biglang manginig Ang mga kamay ko at namamawis narin ito.

Shit! Not now please! Hindi pwedeng matalo kami dahil Ako yong pag asa nila sa labang ito! AYOKO silang biguin.

Kapag Kinakabahan Ako Ng sobra nangyayari ito the fuck! Bakit ngayon pa, madudulas Ang kamay ko kapag pinagpatuloy ko ito, napatingin Ako sa score Ng kabila they got 45 scores at nakakuha naman ng 37 scores Ang mga Kasama ko kapag nakuha ko Ang 10 panalo na kami.

Binaba ko Ang bow at arrow sa mga kamay ko kaya nagtaka Ang lahat at nagbulungan na kesyo anong nangyari sakin.

Ipinikit ko Ang parehong mata habang pinapakiramdaman Ang buong paligid at kahit sobrang init Ng panahon napakalamig Ng Pakiramdam ko na para bang umuulan.

"Anong nangyari? Bakit Siya huminto?"

"Napansin mo ba? Nanginginig yong kamay niya!"

"Goshhhh anong nangyayari?"

"Oh my G! Matatalo ba ulit sila? Wag naman sana!"

"Inaamin kung mas magaling pa Siya Kay Blaine! Kaya DAPAT lang na hindi sila matalo sa araw nato!"

"nakakakaba naman Ang ginagawa Niya? Para siyang nagriritual ehh!"

"She just focusing in the surroundings!"

"Mara Kaya mo yarn!"

Unti unti kung itinaas Ang parehong kamay at kahit Hindi ko nakikita Ang target ay alam ko kung nasan, itinutok ko sa itaas Ang bow at arrow na para bang kumukuha Ng lakas sa langit ngunit naibagsak ko lang ito!

Shit! Ang sakit no! No!

"Coach! Anong nangyayari? Oh my goshhh coach!"

"Ahhhhhhhhhh! Ang sakit! Shit!" Sigaw ko Ng maramdaman ko Ang sobrang sakit sa kanan kung kamay Hindi ko alam kung anong nangyayari pero putangina Ang sakit!

"Maraaa! Anong nangyayari?"

"Coach! Gagi anong masakit!" Nagsilapit Ang lahat sa pwesto ko at nagkagulo Ang mga tao sa buong paligid habang unti unti akong lumuluhod sa lupa hawak hawak ang kanang kung kamay.

Ang sakit! Nanginginig at namamawis lang naman ito pero bakit Ganito na Ang nangyayari? Hindi kami pwedeng matalo

"Anong masakit? Mara answer me! Asan Ang masakit huh?" Bumungad sakin Ang nag aalalang Mukha ni Marquez habang hinahawakan Ang kamay ko na kumikirot at sumasakit parin.

"Shit ka Mara! May sakit ka ba sa kamay?"

" Oh my goshhh Mars!"

" Uyyyy tabi muna kayo! Hindi na makahinga yong tao Ang init dito JUSKO!"

"Ate! Masakit pa?" Hinilot hilot ni Josh at Faye yong dalawang kamay ko habang may nilalagay na langis, medyo ayos narin Ang Pakiramdam ko at unti unting nabawasan Ang sakit, effective Ang ginagawa nila.

"Bestfriend! Sumasakit parin Pala yong kamay mo? Akala ko ba wala nato?"

"Ayos na ako!"

" Mara! Ano bang nangyayari? Care to explain? May sakit ka?"

" Guysss mabuti pa dalhin natin Siya sa clinic!"

" As you can see mukhang may problema Ang Isa sa players Ng MNHS kaya Hindi na siguro matutuloy Ang lab--"

" NO! I WON'T AGREE! TULOY PARIN ANG LABAN!"

"Mara! Ano ba Hindi pa maayos Ang kamay mo!"

" That's not important! Lalaban parin Ako at walang makakapagpigil sakin!"

" Kahit Ako Mara?" Napatingin Ako sa nagsalita si Jeje na seryoso na Ang tingin sakin pero umiling lang ako.

"Kahit ikaw pa I'm sorry!" Mahinahong sambit ko sa kaniya Bago Siya talikuran, nagsipagtabi Ang lahat Ng mga nanunuod Ng pumunta Ako sa gitna at kinuha Ang bow at arrow na nahulog kanina.

Sinimulan ko Ng iangat Ang parehong kamay Ng maramdaman ko ulit yong sobrang sakit na Pakiramdam pero ngayon ayokong magpa apekto kakayanin ko to! Kaya ko to! Bumuntong hininga Ako Ng malakas at pigil na pigil Ang sarili na sumigaw, pigil hininga Ang lahat Ng mapatingin sakin na unti unting binitawan Ang arrow Hanggang sa tumama sa gitna Ng target.

Done!

"Woahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh"

"MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS! MNHS!"

I'm tired the fuck! May kunting kirot pa yong kamay ko mukhang may sariling pulso!

Continue Reading

You'll Also Like

424 54 9
Antología Navideña en colaboración
211K 6.6K 26
(Y/n) or The Lonely Dragon, a name that was known across Middle Earth. Feared....admired.....worshipped All she wanted was to be normal, but that was...
265K 6K 88
This is not my story or translation Credits to original author Pls be aware of grammar mistakes and translation cus this is machine translated(MTL)...