I Guess Our Story Ends Here...

Od BaeEunC_11

205 24 7

Lumaki sa mag-kaibang estado ng pamumuhay si Calix at Akira. Namuhay sa marangya at sa mga bagay na kina-iin... Více

Characters Chapter 0
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 1

28 2 0
Od BaeEunC_11

CALIX POV

"Haist!! Kaasar naman!!.. " inis na inis na pag rereklamo ko.

Takbo lakad ang ginagawa ko makaabot lang sa trabaho ko dahil bawal akong malate..

Ako si Calix Troy Peirce 22 year old, lahat tawag sakin ay Calix, huling taon ko ngayon sa kurso kong HRM/Hotel Restaurant Management, bakit HRM ang kurso ko, kasi pangarap kong mag trabaho sa barko, mahirap lang kami at walang maipag mamalaki sa buhay, kaya eto working student ako, pero proud ako sa sarili ko dahil kinaya kong pag sabayin ang pag aaral at pag tatrabaho. Ang nanay ko matagal nang hindi nakakapag trabaho dahil sa na half stroke sya ama ko naman ay trabahador sa isang factory.

Dalawa lamang kaming mag kapatid ang isang kapatid ko na babae at nasa ikaunang kurso pa lamang ng pag nursing, dating nurse si mae pero dahil sa sakit n'ya natigil na sya kaya si phaw nalang ang nag tatrabaho. Simula ng tumapak ako sa high school at nag umpisa na akong mag trabaho sa kung saan saan na maari akong tanggapin, dahil noon natigil si mae sa pag tatrabaho gusto no phaw na itigil ko na ng pag aaral ko at mag trabaho nalang daw ako para ang bunsong kapatid namin ang makapag tapos sa pag aaral.

Simula bata palang ako ay hindi ko naranasan ang pakiramdam ng pag mamahal ng isang ama, madalas napag bubuhatan pa ako ni phaw ng kamay kapag sinusubukan kong malapit sa kanya, may mga oras na naiingit ako sa kapatid ko dahil sya ang nakaranas ng pag mamahal ni phaw. Pero masaya ako dahil niminsan hindi hinayaan ni mae na hindi ako iba samin, tanging si mae ang taong unang sumusuporta sakin. Pero papaano walang naging gap samin ng kapatid ko dahil parati itong sakin nakadepende.

Kahit na kulang na kulang ako sa pag mamahal ni phaw pero pinupunan naman ni mae iyon, kaya si mar ang tanging inspiration ko para makapag tapos ng pag aaral. Marami akong pangarap para sa pamilya ko, kaya kahit na hadlang si phaw sa pag tatapos ko ng pag aaral hindi parin nya ako napigilan sa kagustuhan ko.

Habang patawid ako hindi ko inaasahan ang paparating nasasakyan, sinubukan kong umiwas pero dahil minalas ako nahagip pa din ako ng gilid ng nguso ng mamahaling kotse.

"Shit!!"  Tanging naging reaction ko ng tuluyan na akong nabangga.


AKIRA POV

"Aahhh!! Haaa!! Haaa!! Gulat at nanlalaking matang patingin ako sa harap ng kotse ko.

Nag mamadaling bumaba ako ng sasakyan para kamusta tahin ang taong nabangga ko.

"Oh my god! ayos ka lang ba? I'm really sorry hindi ko alam na tumatawid ka." Nag aalang saad ako at saka tinulungan ang nabangga ko.

"Argghhh.. " daing n'ya at saka tumayo.

"A...Ayos lang ako, sorry dahil sa kakamadali ko hindi ko napansin ang sasakyan mo." Saad nito sa buong buo na boses.

"No it's my fault I should bring you to the hospital you must be hurt somewhere. " saad ko sa kanya ma may pag aalala habang pinasadahan ko ng tingin ang buong katawan nya.

"Tsk! Mga mayayaman nga naman. " mahinang bulong nya na narinig ko pa din.

"What?. " tanong ko sa kanya kahit na naring ko ang sinabi nya.

"Wala, malayo sa bituka ito hindi ako mamamatay dito sa maliit na galos lang, saka kasalanan ko hindi ako nag iingat tumawid, isa pa nag mamadalu din kasi ako." Dahilan nyang saad.

"I insist and it's my fault, hindi ako nag iingat kaya na bangga kita, don't worry sagot ko ang expenses ng hospital bill mo kasalanan ko naman talaga. " pag pupumulit ko.

Tumingin sya sakin at saka tumingin sa sasakyan ko naipinagtaka ko.

"Kayong mga mayayan maliit na sugat lang gusto ospital agad. " saad nito.

"No I'm not, ang parents ko lang, pero hindi ako mayaman. " pag tatama ko sa sinabi nya.

"Tss!.. Ganun pa din yun, anak ka pa din nila kaya mayaman ka pa rin, please lang nag mamadali ako may work pa ako malalate na ako yari na ako sa boss ko nito." Saad nito.

Hindi ko alam sa tuwing mag sasalita sya sobra akong mag aamaze, pakiramdam ko tuloy nababaliw na ako dahil sa naiisip ko, isa pa ngayon ko pa lamang sya nakikita ni ang pangalan man lang nya ay hindi ko alam.

"Wait here's my number, kung sakaling gusto mo nang mag paospital tawagan mo lang ako. " saad ko at inabot ang calling card ko.

Kinuha lang nito ang calling card ko na hindi manlang nagawang tignan at umalis na din agad sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa lumiko na sya at hindi ko na matanaw.

"Beeeppp!!!" 

Nagulat ako sa malakas na busina ng sasakyan, halos madapa pa ako sa pag mamadaling makasakay ng sasakyan ko, nag kakaroon na ng traffic sa daan kaya marahil nanagalit na ang mga ibang sasakyan sa tagal kong alisin ang kotse ko.

Ramdam na ramdam ko ang pag init ng pisngi ko dahil sa pagkapahiya ko, mabuti nalamang at wala akong kasama sa loob ng sasakyan ko dahil kung meron man baka hilingin ko nalang na lamunin na ako ng lupa.

Ako si Akira Denzel Daven, 22 years old, nasa huling taon ako ng kusro kong BSIT/ Bachelor of Science in Information Technology.

Lumaki man ako sa kilala at mayamang pamilya pero ni minsan hindi ko magawang mangtapak ng ibang tao, naibibigay sakin ng parents ko ang mga ang lahat maliban sa pag mamahal at attention nila, parati silang busy sa trabaho nila madalas pang wala sila at parating nasa business trip. Kaya madalas ko silang hindi nakakasama, si yaya ang tanging naging pangalang nanay ko dahil sya ang nag alaga at nag palaki sakin.

Sa mga honor ko sa school kung hind ang mga assistant ng parents ko ang pumupunta si yaya ang kasama ko, kahit gustong gusto kong makitang maging proud sakin ang parents ko, madalas naman silang wala.

Tulad pa din ng dati si yaya ang sumasalubong sakin sa tuwing dumarating ako ng bahay.

"Good evening po yaya. " may ngiting bati ko.

"Good evening din Aki, kamusta ang school?. "  bating tanong n'ya na madalas.

Aki ang tawag ng lahat sakin short ng Akira, hindi ko din alam sa parents ko kung bakit Aki ang pinangalan sakin, kahit na tinanong ko na si yaya parati lang na sinasabi nya na maganda ang pangalang Akira bagay na bagay sakin, dahil madalas na pag kakamalan daw akong babae.

Minsan tinatanong ko na ang diyos kung bakit ako binigyan ng ganitong mukha hindi tulad ng mga ibang lalaki na nakikita ko, lalaking lalaki ang itsura nila pero ako napagkakalaman na babae.

"Ayos naman po yaya, sila mommy daddy po umuwi na po ba?. "

"Tumawag sila kanina na extend ang business trip nila, nag karaproblema daw kasi kaya hindi pa sila makakauwi. "  paliwanag ni yaya.

Malungkot lang akong ngumiti sa binalita ni yaya, halos mag iisang buwan ko nang hindi nakita ang parents ko dahil madalas silang busy.

"Ganun po ba yaya sige po aakyat na po ako. "  saad ko na nag pakita ng ngiti.

Alam ni yaya na dismayado ako sa binalita nya, kaya lumapit ito sakin at hinaplos nito ang kaliwang pisngi ko na madalas na ginagawa nya.

"Aki, sana hindi ka mag sawang intindihin ang parents mo. " malumay na saad nya.

Tumango ako bilang sagot kahit na gustong gusto ko nang mag tanong kung may halaga ba ako sa parents ko.

"Pinaluto ko ang paburito mo kumain ka muna bago ka pumunta ng kwarto mo para makapag pahinga kana ng deretso. " pag papalubag loob ni yaya.

Pag alam ni yayang malulungkot ako madalas pinagluluto nya ako ng paburito kong pag Kain dahil alam nya na iyon lang ang maaaring makapag pasaya sakin, pero dahil paulit-ulit nalang na nagyayari ito, pakiramdam ko unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.

"Busog po ako yaya, kumain po ako sa labas kasama ang mga kaibigan ko. " pag sisinungaling ko.


"Ganun ba o'sya hindi na kita pipilitin, mag pahinga kana at dadalhan nalang kita ng gatas mamaya para marasap ang tulog mo. " saad nya at mahinang tinapik ang balikat ko.


"Sige po. " paalam ko at nag lakad na paakyat.




CALIX POV


"Arghh.. Nakakapagod.. " saad ko at nag unat ng katawan.


Katatapos lang ng duty ko kaya pauwi na ako, pero nakasagabal ang kamay kong na injured kanina dahil sa pag kakabangga ko.


Kinuha ko sa bulsa ng kupas kong pantalon ang calling card na ibinigay sakin ng taong nakabangga sakin.


"Akira Denzel Daven.. " mahinang basa ko sa pangalan nya.



Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinaplos ko ang pangalan nya. Muli kong inalala ang magandang mukha ng lalaking nakabangga sakin, mapula ang labi maputi at mahaba ang mga pilik mata, para itong hindi lalaki, mas mapag kakalaman pang babae ito kung hindi lang siguro nakasuot ng unipormeng pang lalaki hindi ko malalaman na lalaki ito.


Wala sa sariling napangiti ako ng maalala ko ang may pag aalalang mukha nya.


"Hoy.. Ano yan?. " biglang pang gugulo ng kaibigan kong si Felix.


Muli kong tinago sa bulsa ko ang calling card saka dinampot ang mga gamit ko para sa pag handa ko na umalis na.


"Calix sandali sabay na ako sayo!. "  saad nya at mabilis din na dinampot ang mga gamit nya.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

18.9K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
82.9K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
229K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
340K 7.7K 33
Bored ako