My Happy Crush

By AndreaMaxima

1.2K 94 58

Description: Para sa teenager na katulad ko, normal lang ang magka-crush at maging hopeless romanti... More

Dedication
My Happy Crush
Chapter 1: First Page
Chapter 2: Paningin
Chapter 3: School Year
Chapter 4: English Book
Chapter 5: Checked By
Chapter 6: Last Dance
Chapter 7: Ceejay & Maica
Chapter 8: Panyo
Chapter 9: Magaling Ka
Chapter 10: Proud
Chapter 11: Sunsets
Chapter 12: Crush
Chapter 13: Group Chat Confession
Chapter 14: Private Message
Chapter 15: Lilipas
Chapter 16: Bukas na Libro
Chapter 17: Sunrise
Chapter 18: Comfort
Chapter 19: Red Letter
Chapter 20: Onion Rings
Chapter 21: Happy Birthday
Chapter 23: Salamat
Chapter 24: Sikreto
Chapter 25: Happy New Year
Chapter 26: Tula
Chapter 27: Isang Taon
Chapter 28: Cedrick
Chapter 29: No Regrets
Chapter 30: AkosiCaptain

Chapter 22: Bumalik

15 2 0
By AndreaMaxima


CHAPTER 22

Bumalik 

May mga bagay talaga sa mundo na kahit gawin na lahat, hindi pa rin magiging sapat. Kapag nagwalis, may natitira pa rin. Kapag nag-aral, hindi pa rin mangunguna. Kapag nagmahal nang totoo, lolokohin pa rin. Kapag nag-effort at halos ibigay lahat ng oras, kulang na kulang pa rin at hindi pa rin maganda ang magiging resulta.

"Okay lang 'yan, Jessa Mae. Kasalanan mo rin naman." Nanginig ang mga labi ko dahil sa labis na pagluha. "Hindi... m-mo rin naman i-inayos ang trabaho mo."

Sunod-sunod na naman na tumulo ang mga luha ko. Anumang oras, malapit nang matapos ang break time namin. Hindi ko alam kung paano ko tatanggalin ang paninikip ng dibdib na nararamdaman ko dahil sa sama ng loob para sa sarili ko. Nagkulong ako sa isang cubicle sa banyo dahil hindi ko na kayang pigilan pa ang lungkot ko.

"Hindi ako natuwa sa school paper natin. Na-release ng hindi man lang na-proofread at na-edit nang maayos. I'm so disappointed."

Sa tuwing naalala ko ang sinabi ni Ma'am Francheska na mentor namin sa journalism, bumubuhos ang emosyon ko. Hindi niya man sinabi nang direkta sa akin, alam kong isa ako sa malaking parte kung bakit ganoon na lang ang naging resulta ng release ng school paper. Hindi ko ginawa nang maayos ang tungkulin ko bilang in-charge sa mga ipapasang article sa akin.

Nang una, nabigla ako. Hindi ko naman alam iyon. Wala akong ideya sa proofreading at editing. Bukod doon, wala akong maayos na gadget. Kahit cellphone, nakihihiram pa ako kay mama. Ang naging sandigan ko lang para magawa ang mga dapat kong gawin sa publishing ng school paper ay ang pahapyaw na sumilip sa computer shop para madaanan lang ang mga article na pinasa sa akin ng writers.

Sa puntong iyon, disappointment din ang naramdaman ko para sa sarili ko. Nang nakita ko ang school paper kanina, sa editorial section, nakita ko na agad ang mga mali.

Naghilamos ako. Mariin kong pinunasan ang mga luha ko. Huminga ako nang malalim. Dapat hindi ako umiiyak sa ganitong mga bagay.

Dumiretso agad ako sa classroom. Abala na sila dahil malapit na ang sunod na class. Nang makita ko sa lamaesa ko ang copy ko ng school paper, huminga ulit ako nang malalim para umatras ang panibago na namang mga luha.

"First time 'to. May isang feature article ako dito, e!" bulalas ni Samara.

Kaniya-kaniyang hanap sila ng parte nila. Ngumiti na lang ako. Masaya ako para sa kanila. Samantala, hindi ko naman magawang buklatin ang school paper dahil natatakot ako sa makikita ko.

Bumaba ang tingin ko sa likod ng news paper kung nasaan ang section ng sports. Napangiti ako nang nakita ang pangalan ni Ceejay doon.

"Congrats, Ceejay!" pinasigla ko ang boses ko. "Ang galing mo talagang magsulat ng balita."

"Congrats din."

Tumaas ang mga kilay ko at tumingin sa kaniya. May bumundol na kaba sa dibdib ko nang bigla siyang tumingin sa akin. Para bang sa paraan ng pagtingin niya, alam niya ang pinagdaanan ng mga mata ko. Para bang mas kilala niya pa ang bawat emosyon ko kumpara sa akin.

"H-ha?" Parang may bumara sa lalamunan ko.

Seryosong bumaba ang tingin niya sa school paper. Itimuro niya ang isang mukhang pamilyar na pamilyar sa akin. "Ikaw ang nagsulat nito, hindi ba? Sa epidemyang kumalat sa bansang China?"

Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong tinakpan ang seryoso kong mukha roon. "Magbasa ka na lang ng iba. Marami p-pang ano... magaganda diyang article."

"Co-writer kita, Jessa Mae." Pilit niyang tinanggal ang kamay ko. "Babasahin ko. Alisin mo."

Pinaglapat ko ang mga labi ko nang tuluyan niyang basahin iyon. Nahihiya ako. Kung may maganda man doon, baka ang editorial cartoon pa ni Jessa na crush ni Sanford.

Sa pagkunot pa lang ng noo ni Ceejay, alam kong may nakita na siyang mali pero wala siyang sinabing kahit ano pagkatapos niyang basahin. Sa katunayan, iyon lang ang binasa niya at sinarado na ang school paper. Ni hindi niya man lang tiningnan 'yong sinulat niya!

Awkward akong tumawa. "Pangit, 'di ba? Pati 'yong... sa iba, h-hindi dumaan sa editing phase."

"Ang maging isang contributor sa school paper, isang achievement na," malinaw niyang sabi sa akin.

Hilaw akong ngumiti. Paano ba magiging achievement ang isang bagay sa gitna ng mga taong may mataas na expectation? Mukhang tama nga ang palagay ko. Una pa lang, hindi ako bagay sa section na ito. Masyado silang magagaling para sa tulad kong masipag lang.

Ang mga iniisip kong iyon ang mga bagay na ayaw kong ibahagi sa iba pero... bakit parang gusto kong sabihin kay Ceejay lahat? Bakit parang gusto kong magsumbong ng sama ng loob? Bakit gusto kong ipakita sa kaniya ang kahinaan ko?

"Disappointed ako... malala." Napayuko ako. "H-hindi ko nagawa nang tama. Ang... bobo ko."

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. Parang hinahayaan ko ang sarili kong maging bukas na pinto sa harap niya. Sa lahat ng tao, hindi ko alam na sa kaniya ko pa talaga sasabihin ang mga salitang iyon.

"Walang taong bobo. Nagkamali ka lang... and that's okay. Hindi 'yon disappointing, Jessa Mae."

"Disappointment 'yon."

"Alam mong nagkamali ka, 'di ba? You know how to accept your wrong doings. Nakikita ko sa'yong 'yang failures mo na 'yan, magiging strength mo balang araw. Just trust me."

Hindi ako tumingin sa kaniya. Hindi niya hinawakan ang kamay ko. Hindi niya ako niyakap. Hindi niya binigay ang balikat niya sa akin para hayaan akong umiyak pero ang mga salita niya—mga salitang punong-puno ng pag-asa ang nagpalakas sa akin. Tinulak niya akong maniwala na rin.

Napangiti na lang ako bigla. "Thank you talaga, Ceejay."

••••••

Kahit ilang beses yata akong uminom ng tubig, hindi mapapawi ang uhaw ko. Sabagay, hindi naman literal na pagka-uhaw ang nararamdaman ko. Nauuhaw ako sa atensiyon ni Sanford. Naauhaw ako sa paghanga at rekognisiyon mula sa kaniya.

"Uhaw na uhaw? Tubig pa?"

Nanliit ang mga mata ko nang tumayo sa harap ko si Ceejay. Tinakpan niya ang sinag ng papalubog na araw pero nang kumilos siya para mas lalong mapalapit sa akin, nakita ko na ang mukha niya.

Tumango ako. "Pahingi pa nga!"

Mahina siyang tumawa at umupo sa harap ko. Pareho na kaming nakaupo sa sementadong lupa sa ilalim ng puno. Dahan-dahan niyang sinalinan ng tubig ang bote ko.

"Kumusta?" tanong ni Ceejay pagkatapos kong uminom. "Namumula ka. Napagod ka ba nang husto sa practice natin?"

Mabilis akong umiling. Masakit na ang katawan ko pero kaya ko pa naman. Bukas na ang performance sa cheerdance at may mga part pa kaming hindi na-polish. Siguradong aabutin kami ng gabi.

"Bukas na ang performance natin. May mga routine pa rin tayong hindi maayos."

"Kaya 'yan!" positibong sabi ni Ceejay.

Napangiti ako. Umalis siya sa harap ko at umayos ng upo sa tabi ko. Sabay naming pinagmasdan ang ilang kaklase naming abala sa pag-practice ng part nila.

"Ang ganda ni Jessa, 'no? Para siyang fresh kahit haggard. Saka 'yong collarbone, ang ganda. Visible na visible."

Kinagat ko ang labi ko nang narinig ang mga papuring iyon kay Jessa, hindi sa Jessa na katulad ko. Tiningnan ko si Jessa. Tama sila. Maganda siya. Hindi kataka-takang kaya ang buong atensiyon ni Sanford, nasa kaniya. At naiinis ako sa sarili ko kasi naiinggit ako.

"Bakit kaya... may mga taong mas nakakaangat sa atin?" hindi ko napigilang itanong.

"Bakit kailangan mong isiping mas angat ang isang tao kung puwede mo namang i-angat ang sarili mo?"

Napanguso ako sa binalik niyang tanong sa akin. "Paano ba kasi?"

Huminga siya nang malalim. "Huwag kang maiinggit sa iba. Ikaw si Jessa Mae. Unique ka. Hindi mo kailangan makipagkompetensiya sa iba. May mga taong nagpapahalaga sa'yo kaya bakit mo ibababa ang sarili mo?"

Umawang ang bibig ko sa kaniya. "Your words..."

Tumaas ang mga kilay niya at mabilis na tumayo. "Halika na. Tinatawag na tayo."

Tiningala ko si Ceejay. Sa mga nakalipas na araw, hindi ko man alam ang lahat ng tungkol sa kaniya, parang ang lalim na agad ng koneksiyon naming dalawa dahil sa mga pinapakita niya sa akin. Pinahahalagahan ko ang lahat ng mga sinasabi niya.

Minsan hiniling kong sana bumalik na lang ang pagkagusto ko sa kaniya. Baka sa pagkakataong ito, mapansin niya na ako. Baka sa pagkakataong ito, sa akin na lang ang atensiyon niya pero alam kong hindi. Alam kong sa oras na bumalik ang pagkahumaling ko kay Ceejay, alam kong iiwas siya katulad ng ginawa niya noon.

Continue Reading

You'll Also Like

Gapang By vhfc_13

Short Story

13.9K 35 23
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)
141K 218 21
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
117K 3K 28
GXG
168K 9.6K 49
Porcia Era Hart x Chrisen